Kendric Aziel Suazer
Nakatanggap ako ng email mula kay Alfred. Naglalaman iyon tungkol sa annulment papers. Doon ko naalala ang aking asawa. 'May asawa na nga pala ako!'
"Give me her number," Malamig kong tugon kay Alfred nang tawagan ko.
"Yes, Sir."
Mala anghel ang boses ng babae sa kabilang linya. Gusto ko magsalita pero parang nabarahan ang aking lalamunan at hindi masabi ang aking sasabihin. Ito ang unang pagkakataon na makakausap ko sana siya sa loob ng dalawang taon, pero bigla akong napipi.
Halos matanggal ko ang cellphone sa aking tenga dahil sa lakas ng boses sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako pero binabaan ako.
"'Ni isang babae ay wala pang nakakagawa sa akin noon," bulong sa aking sarili.
Tatawagan ko sana muli ngunit sa sobrang inis ay naitapon ko na sa lamesa ang aking hawak na cellphone.
Bumalik sa aking isipan nang mapapayag ako ni Lolo Opal na pakasalan ang apo ng kaibigan niyang si Lolo Carmelo. Ibinigay na sa akin ang lahat ng rights sa kumpanya kapalit ng agreement namin ni lolo. Ito ang matagal ko nang inaasam at pinapangarap kaya pinag-igihan ko ang aking pagtatrabaho.
Isang taon na rin comatose sa ospital si lolo. 50/50 ang pag-asa na mabubuhay pa siya, pero hindi ko kayang mag desisyon na alisin ang kanyang life support. Umaasa pa rin ako na isang araw magigising siya. Sa loob nang dalawang taon ay ginugol ko sa business ang aking oras. Nakilala sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas at Australia ang kumpanya na iniwan sa akin ni lolo.
Pag nandito ako sa Pilipinas, si Alfred ang palagi kong kasa-kasama. Siya na ang aking kanang kamay at limang taon ng naninilbihan sa kumpanya.
"Sir Kendric, natanggap niyo po ba ang email ko tungkol sa…"
Hindi ko na pinatapos ang pagsasalita ay sinagot ko na, "I'll handle it." Iyon lang ang tugon ko.
Alas siete ng gabi nang mag ring ang aking cellphone. Si Nike ang tumatawag.
"Yes?" malamig at tipid kong sagot.
"Nandito kami sa bar ni Abby, hintayin ka namin. Pa welcome party na namin sayo, kahit ikaw ang magbabayad," natatawang sambit ni Nike.
Mag-iisang linggo na simula ng makauwi ako. 'I need to relax as well.' Bumuntong hininga ako, "Okay! I'll be there in a minute," tugon ko. Inayos ko lahat ang mga papeles sa aking lamesa. I stretch my hand at niluwagan ang aking necktie.
Usok, ingay, at malagkit na tingin ng mga babae ang mga nasalubong ko habang naglalakad papunta sa private booth kung nasaan ang aking mga kaibigan. Kilala ako sa lugar na ito dahil na rin sa share namin magkakaibigan.
Pagbukas ko ng private booth ay bumungad na nagkakasiyahan.
"It's nice to see you again, Ken. Ilang buwan din tayong hindi nagkita-kita," bati ni Tyler.
Tyler Vasquez is one of the best and most famous because of his good credentials as a policeman. Pero nag resign upang i-handle ang business ng pamilya.
Nakipagbunong braso ako sa kanya bago umupo sa kanyang tabi.
"Tagay mo!" abot ng alak sa akin ni Kael. Tinungga ko ang baso ng alak na kanyang inabot at inisahang lagok.
Kael Guzman is a surgeon/psychologist. Nagtatrabaho sa ospital na pagmamay-ari ng kanyang magulang.
"How's Australia? Kamusta ang pamilya mo roon? Kamusta si Scarlet?" sabat ni Nike.
Si Nike Trinidad ang tumawag sa akin kanina. Kagaya ko ay kilalang businessman rin at nagpapatakbo ng kanilang iba't-ibang negosyo.
"Maayos naman sila pwera lang kay lolo na! walang pinagbago ang kondisyon," tugon ko. "In a few months, uuwi rito si Scarlet. Dito raw niya ulit gusto mag birthday. Alam niyo naman na hindi papayag iyon na mawawala kayo sa kanyang kaarawan. And it's her 18th birthday," dugtong ko.
"I'm sure, magiging masaya ang birthday niya, right, sweetie?!" sabat ni Abby.
Abby Burgos is the owner of this top and high-class bar. Girlfriend siya ni Ram.
"Of course, you should go there para makabonding kayo muli." tugon ni Ram kay Abby.
Ram Fuentes is one of the university director na pagmamay-ari ni lolo. Dahil nga binigay na ni lolo sa akin ang property, isa na rin ako sa naging co-owner.
Kwentuhan, inom at ilang kalokohan ang mga napag-uusapan namin pwera lang ang aming mga trabaho. Rule na namin iyon kapag nagbobonding kami.
Nag vibrate ang aking cellphone kaya nagpaalam ako sa kanila para lumabas. Napasilip ako sa katabing booth kung saan kami naka pwesto. Dahil may siwang ang pintuan ay rinig na rinig ang kanilang usapan.
Mga nag iinuman at nagkakasiyahan. Apat na mga babae at dalawang lalake. Nakilala ko ang isa dahil kapatid iyon ni Nike na si Scout na basketball player sa university.
"Iba na talaga ang mga estudyante ngayon!" sabi ko sa aking isip.
Naghihiyawan sila habang umiikot ang bote sa ibabaw ng lamesa. Naagaw ang atensyon ko ng isang babae na tumayo. Maputi, sexy, at tama lang ang tangkad. 'She look familiar pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.' Naulinigan ko na 'Tomboy' ang tawag nila.
"Tomboy?" takang ulit kong bigkas sa aking isip. Hindi kasi mahahalata na tomboy dahil sa kanilang pananamit at pustura.
Napalingon ako muli sa cellphone ng mag vibrate ulit iyon. Si Scarlet ang tumatawag. Nilagpasan ko ang booth kung saan ako napahinto upang humanap ng mas tahimik na pwesto.
"Scarlet," tugon ko na tawag sa kanyang pangalan.
"I miss you!" usal niya.
"I miss you too, baby." Sambit ko. "Is there any problem?"
"Wala! Namiss lang kita."
"Okay. I have to go. Kasama ko sila Tyler at iba pa."
"Talaga? Pwede ko rin ba sila makausap?" Bakas sa boses ang kakaibang saya.
"No! Maybe next time, okay?"
"Sige na nga! Basta sa birthday ko hindi sila pwedeng mawala, ha?"
"Yes, baby. Sinabi ko na sa kanila at excited na rin sila. Excited din si Abby na makita ka."
"Sige. Excited na ako."
"I have to go," paalam ko.
"Sige, Kuya. Regards mo na lang ako sa kanila."
Napangiti ako nang maibaba ang tawag.
Malambing na bata si Scarlet. Simula nang mamatay ang magulang niya 10 years ago, kinupkop na siya ng aking pamilya. Kami ni Tyler ang dahilan ng pagkawala ng kanyang mga magulang. Simula noon ay pinangako namin ni Tyler na kami na ang mag-aaruga sa kanya. Kulang pang kabayaran iyon dahil sa ginawa ng magulang niya para masagip ang aming mga buhay.
Ang aking pamilya ang nag-alaga sa kanya. Nananabik si Mama at Papa dahil nag-iisang anak lang ako. Itinuturing nilang totoong anak si Scarlet at nakababatang kapatid ko. Kung minsan kapag nandito sa Pilipinas si Scarlet ay namamalagi sa puder ni Tyler, kapag gusto niya. Si Tyler rin ang sumusustento sa pangangailangan ni Scarlet.
Pabalik na ako sa private booth ng bumukas ang pintuan na katabi ng booth namin. Lumabas roon ang babaeng kumuha ng aking atensyon, si Tomboy.
Namumula na ang mukha at leeg na halata naman marami ng nainom. Nagkatitigan pa kaming sandali at nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang kabuuang mukha niya.
Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang niya akong hinalikan. Naulinigan ko na nagbibilang pa ang mga kaibigan niya habang naka halik sa akin.
Pagkaraan ng sampung segundo na pagbibilang ay siya rin mismo ang naglayo ng mga labi sa akin. Napatingin ako ng masama nang pumasok muli sa booth na parang walang nangyari. Bago tuluyang masara ang pintuan ay nakita ako ni Scout. Nakita ko kung gaano katakot ang mukha niya.
Uminit kaagad ang ulo ko at padabog na pumasok sa katabing booth.
"O, anong problema mo?" tanong nila.
Tumingin ako kay Ram at kay Nike.
"Nagtanong ka pa! E 'di yung magaling mong kapatid at ang mga kaibigan niya, ako pa ang napagtripan!" galit kong tugon. Halos nalagok ko ng sunod-sunod ang alak na isinalin ko.
Napatayo si Ram at si Nike.
"Saan kayo pupunta?" usal ko sa kanila.
"E 'di pauwiin sila! Baka hindi mo makontrol ang galit mo at kung ano pa ang magawa mo sa mga batang iyon," kaswal na sabi ni Ram.
"Sino ba ang nantrip sayo?" tanong ni Nike.
"Babae, hindi ko kilala. Kaibigan iyon ng kapatid mo. Tomboy ang pangalan."
"Ah si Tomboy? Matalik na kaibigan nga ni Scout iyon," saad ni Nike.
"Estudyante ko siya!" Sabat ni Ram.
"And so? Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng iyon!"
Nag ngi-ngit-ngit ang galit sa puso ko dahil ni isang babae walang nagtangkang gumawa sa akin noon. "Never in my life!" Pag lagok ko ng huling alak ay tumindig ako. 'Babalikan ko ang babaeng iyon.' Hindi ko matanggap na isang tomboy pa ang nakahalik sa akin.
Naroon na si Ram at Nike sa pintuan ng booth. Kausap ni Nike ang kapatid habang pinipingot ang tenga. Ang apat ay nakayuko naman habang tinititigan ni Ram. Hinahanap ko ang babae na humalik sa akin pero wala na.
"Nasaan na ang babaeng iyon?" tanong ko. Nanlilisik ang aking mga mata habang tinatanong at naghihintay ng isasagot nila.
"U-umalis na!" sagot ni Scout.
"Umalis?" ulit ko.
"Oo. Natakot nang narinig ang pangalan mo." Paliwanag niya sa akin. "Sorry na Kuya Nike. Kaya lang naman kami nandito kasi birthday ni Tomboy sa susunod na araw. Hindi naman sinasadya ni Tomboy na mahalikan si Kendric."
Napatingin sa akin si Ram at Nike. Sinamaan ko lang din sila ng tingin.
"What? Anong tinitingin-tingin niyo? Bigay niyo sa akin ang address ng babaeng iyon dahil hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa akin."
Hinimas ni Ram ang aking likuran.
"Calm down, Ken. Intindihin mo na lang. Bata pa iyon. Alam mo naman ang kabataan ngayon, maloloko. Ako na bahala na kumausap kay Tomboy."
"Siguraduhin mo lang, Ram. Dahil hindi ko palalampasin ang ginawa niya kung hindi ka lang naki-usap."
Inayos ko ang suot kong suit at iniwan sila. Paglabas ng bar, nakita ko pa ang babaeng iyon na pumara ng taxi. Napasulyap siya sa akin at mabilis na kumaripas ng takbo. Pinagmasdan ko na lang ang takot niyang mukha.
Napa singkit ang aking mga mata at napatanong sa sarili, "Anong kinakatakot niya sa akin? Mukha ba akong monster?"