Chapter 5 - C-5

Reese Jayana "Tomboy" Abad

Sinundan ko nang masamang tingin si Kendric habang naglalakad palayo sa amin. I can't believe na ganito pala ang ugali ng naging asawa ko. Timer na nga mapanakit pa sa babae. "Bakla ba siya para pumatol sa akin?"

Napangisi ako ng makita si Olga na masama ang tingin sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo?" saad ko.

"How dare you kiss my boyfriend?" galit na tanong niya. Akmang mananampal pa ng makuha ko ang kamay at pinilipit.

"You're boyfriend?" Nangingisi na tanong ko. "And I'm her wife!" Sabi ko sa aking isip.

"Ouch! Ouch! Ouch! Alfred, what are you doing? Nakakasakit na ang babaeng 'yan, bakit ayaw mo pa paalisin? Alam mo malalagot ka talaga kay Kendric pag lumingon pa 'yan at hindi mo sinunod ang inutos niya" Sabi niya kay Alfred at masama ang tingin. "Ouch! Ouch!"

"Tomboy, halika na! Baka lumaki pa ang gulo." Awat sa akin ni Scout.

Binitawan ko ang kamay ni Olga. Tinignan ko ng masama si Alfred na hindi malaman kung anong gagawin sa amin.

"Ma'am Jayana, tara na po. Ihahatid ko na po kayo sa labas." Paki-usap ni Alfred.

Hahawakan sana ako upang igaya palabas pero tinabig ko ang kamay niya.

"Huwag mo kong mahawak-hawakan!" banta ko sa kanya.

Tinignan ko pang muli si Olga na hinihimas ang kamay na pinilipit ko.

"Ikaw! Sa susunod na daanin mo ko sa kaangasan mo, makakatikim ka talaga sa akin. Hindi porket mayaman ka at kasama mo ang may-ari ng restaurant na ito, kala mo kung umasta ka ikaw na rin ang may-ari." Pagtitimpi kong sabi. Gusto ko ng saktan ang babaeng kaharap ko umpisa pa lang sa mall.

Hindi na ako nakapagpigil kanina na sagot-sagutin siya ng magkabanggaan kami. Siya na nga ang may kasalanan dahil hindi nakatingin sa daanan, ako pa ang gusto na humingi ng tawad? Ano siya sinuswerte? Hindi ako hihingi ng tawad dahil wala akong kasalanan. Wala akong ginawang mali. 'Tsk! Ganyan bang klase ang gusto ni Kendric? Napakababa pala ng taste niya sa babae!" sabi ko sa sarili.'

Rinig ko lang ang mga yabag ng tapak sa aking likuran. Alam kong mga kaibigan ko iyon na nakasunod sa akin.

"Badtrip!" usal ko. Bumuntong hininga ako upang pakalmahin ang nagbabagang galit na nararamdaman ko ngayon.

"Oh my gosh! Tomboy, nakakadalawang halik ka na kay Kendric." Kinikilig na sambit ni Pia. "Pakiss sa lips." Biro at akmang hahalikan ako paglingon ko sa kanila. "Parang nahalikan ko na rin siya pag hinalikan kita." Natatawa niyang sabi.

Mabuti na lang at nahawakan ko ang dalawang kamay ni Pia upang pigilan na makalapit sa akin. Dahilan iyon kaya gumaan na ang pakiramdam ko.

"Tama na nga!" nangingising tugon ko kay Pia.

"Girl, ano ba naman kasing pumasok sa isip mo at hinalikan mo si Kendric. Alam mo, dead na talaga tayo kanina, buti na lang at kilala ka ng secretary niya." Sabat ni Trixie. "Teka, paano mo nga pala nakilala yung secretary ni Kendric?" usisang tanong niya.

"Hinalikan ko para manahimik." Saad ko. "Magkakilala yung pamilya ko at pamilya ni Alfred." Palusot kong sagot.

Walang nakakaalam na asawa ako ni Kendric. Kahit silang mga kaibigan ko ay hindi ko sinabihan tungkol sa pribadong buhay ko. Ang alam nila ay nasa ibang bansa ang magulang ko kaya ako lang ang naiiwan sa bahay mag-isa kasama si Ate Nelia at Kuya Andoy.

"So, saan tayo mag se-celebrate ng birthday mo?" pag-iiba nang topic ni Scout. "Ayoko naman sa bar." Dugtong niya. "Baka malaman ni Kuya Nike, yari na naman ako!"

Birthday ko ngayon, pero dahil sa lalaki at babaeng iyon nasira ang espesyal na araw na ito.

"Sa bahay na lang!" Walang gana kong tugon. "Magpapaluto na lang ako kay Ate Nelia. Bumili na lang din tayo ng alak sa convenient store. Ano game?"

"Ano pa hinihintay niyo? Tara na!" sabi ni Scout. Naghiyawan naman kami at excited.

May dala siyang kotse at doon na lang kami sasakay papunta sa bahay.

Pasakay na ako sa kotse ng maramdaman ko na may humawak sa aking kamay. Napatitig ako sa lalaki.

"Scout, sandali lang. May kakausapin lang ako." Yumuko pa ako para magpaalam.

Sila Trixie, Pia, at Devin naman ay iwinagayway ang mga kamay upang batiin si Alfred.

"Tumigil nga kayo r'yan!" bawal ko sa kanila.

Sinara ko ang pintuan ng kotse at lumayo. Hindi nila pwede marinig ang pag-uusapan namin.

"Ma'am Jayana…." Kumakamot sa ulo habang nagsasalita.

Tinaas ko ang aking kamay at hinarapsiya.

"Alfred, tama na! Wala ka ng dapat sabihin at wala na rin akong dapat ipaliwanag. Ang gusto ko lang ngayon, kausapin mo ang amo mo at papirmahan mo na ang annulment papers."

"Ma'am, bakit ba kasi ang tigas ng ulo niyo? Sabi ko kasi, sabihin na natin na asawa niya kayo. Para hindi ka na niya tinatrato ng ganito."

"Tama lang na hindi niya ako makilala, Alfred. At least, ngayon pa lang nakikilala ko na ang tunay niyang ugali. At isa pa, masaya na ang amo kay Olga."

"Si Ma'am Olga? Wala naman silang relasyon 'nun." Pagtatanggol ni Alfred sa kanyang amo.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ng babaeng iyon? Uulitin ko sayo with action. 'How dare you kiss my boyfriend?'" Sabi ko at ginagaya magsalita si Olga.

Hindi na siya umimik at talunan na tumingin sa akin.

"Aalis na ako. Sa bahay na lang kami mag se-celebrate ng birthday ko kaysa masira lalo ng amo mong tukmol!"

"Happy birthday, Ma'am Jayana." Bati niya, "Yung regalo ko, nabigay ko na kay Nelia kanina."

"Aysus!!! May pampalubag loob ka pa talaga. Sige, salamat. Kung wala kang gagawin, humabol ka mamaya sa bahay. Inuman tayo!" alok ko kay Alfred.

Nung nakaraang taon ay may regalo rin siya sa akin. Hindi mamamahalin brand na lipstick iyon, pero sobrang natuwa ako. Syempre naalala niya ang birthday ko.

Tumakbo ako pabalik sa kotse at agad na binuksan iyon. Agad akong sumakay upang makaalis na kami.

"Tara na!!!" Yaya ko.

Maluha-luha ako ng makita ang dekorasyon sa sala. Nakahanda na ang pagkain at maayos ang lahat. Nakita ko si Ate Nelia na lumabas sa kusina at hawak ang cake na may nakasinding kandila.

"Happy birthday to you." Simulang kanta ni Ate Nelia.

Sinabayan naman iyon ng aking mga kaibigan at ni Kuya Andoy.

"Happy birthday to you." Pagtatapos ng kanta.

Nasa harapan ko si Ate Nelia hawak ang cake, "Make a wish, Hija!" Nakangiting sambit niya.

Pumikit ako. Ilang sandali pa ay hinipan ko na ang kandli.

"Yehey!!!" Hiyawan nila lahat.

Isa-isa akong niyakap ng mga kaibigan ko. Sa dalawang taon, sila ang naging pamilya ko. At sana sa susunod na mga birthday ko, sila pa rin ang kasama ko. Muntik na akong maiyak. Hindi dahil sa lungkot pero sa saya na kahit mag-isa lang ako, hindi pinaramdam sa akin nila Ate Nelia, Kuya Andoy, at mga kaibigan ko na nag-iisa lang ako.

"Cheers!" sabay-sabay namin sabi.

"Bottoms-up," sigaw ko.

Pangatlong case na ang aming iniinom na beer ng sumuko na sila Pia at Devin. Go pa rin si Trixie kahit hindi na rin kaya. Si Suri ay lango na rin sa alak at bagsak na ang ulo sa gilid ng sofa.

"Hahaha. Matira matibay?" hamon ko kay Scout.

"Alam mo naman sa ating dalawa, mas mataas ang alcohol tolerance mo. Talo ako sayo." Ngising tugon sa akin ni Scout.

"O, last na ito! Bottoms-up na natin."

Itinaas naman ni Scout ang bote sa ere na sinabayan ko rin.

"Para sa pagkakaibigan," usal ko.

"Para sa pagkakaibigan!" Natatawang tugon sa akin ni Scout.

Pagkatapos niyang lagukin ang isang bote ay tumba na rin. Nagkaumpugan pa sila ni Suri sa gilid ng sofa kaya natawa ako ng malakas.

Pilit akong tumayo upang pumunta sa kusina.

"A-ate Nelia." Tawag ko.

"Lasing na lasing na naman kayo. Kayo talagang mga kabataan, ayaw papigil." Sermon sa akin.

"Salamat, Ate Nelia." Hinagkan ko siya mula sa likuran. "Salamat talaga." Muli kong sambit.

"Ikaw na bata ka! Alam mo naman na itinuturing na kitang parang kapatid." Tugon niya.

Niyakap ko siya nang mahigpit at hiniga ang aking ulo sa kanyang likuran.

"Naglambing ka na naman, bata ka!"

Simula pagkabata ay si lolo lang ang aking nakasama. Wala akong kinagisnan ina dahil bigla na lang daw nawala ng parang bula. Ang ama ko naman ay namatay ilang buwan pagkasaling ko. Naguguluhan ako at maraming gustong itanong, pero nagagalit si lolo kapag binabanggit ko. Kaya mas pinili ko na lang itikom ang aking bibig at tanggalin sa isip ang mga tanong na iyon.

"Magpahinga ka na muna para mahimasmasan ka."

"Opo…" Tipid kong sagot kay Ate Nelia at umalis na.

Bumalik ako sa sala kung saan tulog na ang lima. Sumiksik ako sa gitna nila Pia at Devin dahil doon mas maluwag. Napatingin ako sa orasan. Mag-aalas singko pa lang. May limang oras pa sila para makapag-pahinga bago umuwi sa kani-kanilang bahay.

"Happy birthday to you…." Kanta ko. Pasinghap-singhap ako habang kinukuha ang aking tulog.

Nagising ako dahil sa mga kalabit.

"Uhmm…!" Ungol ko.

"Hija, lumipat ka na sa taas. Para makapag pahinga ka ng maayos." Boses iyon ni Ate Nelia.

"Uhmmm.." Tango ko habang masarap pa rin na nakahiga.

"Tumayo ka na! Tutulungan kita umakyat." Ulit ni Ate Nelia.

Pinilit kong tumayo kahit mabigat na ang aking pakiramdam.

"Sila…." Sambit ko pero hindi na natapos dahil sumagot na agad si Ate Nelia.

"Umuwi na sila. Ginigising ka nga pero hindi ka magising."

"Ganun ba!" Tugon ko habang nakapikit.

"Oo, kaya halika na sa taas."

Tumayo ako. Kinuha ni Ate Nelia ang aking kamay upang isampay sa kanyang balikat.

"Ate…." Tawag ko habang sumusuray-suray sa pag-akyat ng hagdan.

"Ilan taon na kayo naninilbihan kay Kendric?" tanong ko.

"Limang taon na! Magkakasabay kami nila Andoy at Alfred."

"Ahhh!!!" Sabi ko. "Alam mo, buti natatagalan niyo ang ugali ng lalaking iyon." Sinok kong dugtong sa aking ungol.

"Mabait si Sir Kendric."

Napadilat ako sa sinabi ni Ate Nelia.

"Mabait? Saang banda?" Hindi ako makapaniwala. "Ibig sabihin pala sa akin lang siya masama?" Sarkastiko kong tanong.

"Hija, kapag nakilala mo si Sir Kendric, tiyak na magugustuhan mo siya."

"Parehong-pareho kayo ni Alfred. Pinapaniwala niyo ako sa isang bagay na imposibleng mangyari."

"Higa na at nandito na tayo sa kama mo."

Binagsak ko ang aking sarili sa kama. "Tao kami kaya hindi kami bagay!" Natatawa kong sambit. "Bagay sila nung Olga na iyon. Parehong masama ang ugali at matapobre!" Sigaw ko.

Pabalik na sana ako ng tulog ng mag ring ang cellphone ko. Kinapa ko ang bulsa ko upang makuha iyon.

"Hello." Sagot ko. "Shette!" Napamura ako ng marinig ang ringtone. Hindi ko pa pala nasagot. Pilit kong dinilat ang aking mata upang makita ang answer key. "Uhm…: Sagot ko.

"Are you drunk?" Malamig ang tono sa kabilang linya.

"Sino ba 'to? At anong pakialam mo kung nakainom ako? Kung frank caller ka, ibaba mo na dahil baka matadyakan pa kita." Galit na tugon ko sa kabilang linya.

"I'm your husband!" Madiin na sagot nito.

"Husband? Gago, wala akong asawa!"

Agad kong pinatay ang tawag. "Frank call nga!" Bulong ko.

Binato ko sa kama ang cellphone. Kinuha ko ang unan upang ipantakip sa aking ulo upang makabalik sa pagkakatulog.