Chapter 3 - C-3

Reese Jayana "Tomboy" Abad

Kitang-kita ko kanina kung gaano kagalit si Kendric sa aking ginawa. Kasama pa sila Sir Ram at si Kuya Nike na kapatid ni Scout. "Magkakakilala pala sila. Small world!" Nagtatago ako sa isang sulok habang hinahanap ako ni Kendric. Natatawa naman ako sa kabilang banda habang pinipingot ni Kuya Nike ang tenga ni Scout.

Bago pa ako abutan ay tuluyan na akong umalis. Hindi ko inaasahan na paglingon ko sa aking likuran, naroon siya. 'Tumakbo ako. Mabilis!' Iyon lang ang magagawa ko sa ngayon.

Habang nasa taxi pauwi, hindi mawala ang panginginig ng aking mga kalamnan.

"Nakilala niya kaya ako?" tanong ko. Kausap ko ang aking sarili. "Shetehhh! Baka isipin niya gumagawa ako ng move. Nakikipag hiwalay na ako tapos ganun pa ang nangyari."

Napalamukos ako sa aking mukha.

"Ang tanga mo, Reese! Ang tanga-tanga mo!" Naiinis ako sa sarili ko. "Bakit hindi mo siya nakilala!" usal ko.

Kung hindi pa sinabi ni Scout na si Kendric Suazer ang hinalikan ko, hindi ko makikilala ang lalaking iyon. Kaya pala pamilyar ang mukha ng matitigan ko.

Napahawak ako sa aking labi. "Paano pala kung ibang lalaki ang hinalikan ko?Ibig sabihin ba 'non nagkasala na ako sa kanya? Kailangan pirmahan na niya ang annulment. Kailangan na namin maghiwalay."

Kinuha ko ang aking cellphone. Dinayal ko ang number ni Alfred.

"Alfred, sagutin mo!" Inis kong sambit habang kaharap ang aking cellphone.

Nakailang dial na ako bago sagutin ni Alfred ang aking tawag.

"Ma'am Jayana. May kailangan po kayo?" tanong niya.

"Nabanggit mo na ba kay Kendric ang tungkol sa pakikipaghiwalay ko?"

"Oo. Sinabi ko kanina sa kanya last week ng makauwi siya," kaswal na tugon niya.

"Anong sabi niya? Pumayag na ba siya?"

"Sabi niya lang, 'I handle it'."

"Iyon lang? Wala ng iba?" galit kong tanong. "Alfred naman! Kumbinsihin mo kasi siya. Lahat nang panget sabihin mo na para ma turn-off siya."

"Hindi ako sanay magsinungaling, Ma'am Jayana." palusot ni Alfred.

Halos nagmamaktol ako sa loob ng taxi dahil sa kanyang sagot.

"May gusto ka bang sabihin? Susunduin ko siya ngayon sa bar."

"Wala! Wala na akong gustong sabihin. Ipaalala mo na lang ang annulment papers na. Okay?"

"Noted, Ma'am Jayana!" gagot niya. "Alam mo, Ma'am. Bagay na bagay kayo ni Sir Kendric."

"HIndi ko kailangan ng opinyon mo Alfred!" bulyaw ko.

"Ma'am kapag nakita mo si Sir baka bawiin mo na ang iyong sinabi. Baka hindi mo na siya hiwalayan." Nang-aasar pa lalo.

Hindi na ako magtataka sa sinasabi ni Alfred. "Matipuno, magandang lalaki at mayaman. Marahil, maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Pero gaya ng sabi ni Scout. Kahit na sino pwede ko galitin, 'wag lang si Kendric dahil iba siya magalit, "Jusmiyo.. Tingin pa lang niya na nanlilisik kanina, baka mahimatay na ako." Hindi ko alam kung bakit sa kanya nakaramdam ako ng takot. 'Dahil ba asawa ko siya?' Pero maganda na ang nangyari. May rason siya para makipag hiwalay siya sa akin.

"Ma'am Jayana?" usal ng boses sa kabilang linya.

"Basta! Balitaan mo na lang ako." Pinatay ko ang tawag at nag isip-isip.

Buong gabi, hindi mawala sa aking isip ang halik na iyon. 'Sampung segundo pero bakit ganito ang nararamdaman ko?' Sa unang pagkakataon, nahalikan ko ang aking asawa na kailanman hindi ko naisip na mangyayari.

Bumangon ako at umupo sa dulo ng kama. Nakatitig ako sa history call kagabi. Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba o hindi. Huminga ako ng malalim at lakas loob na dinayal ang kanyang numero.

"Hello!" malamig at ma-awtoridad ang aking boses.

"Hindi na ako mag paligoy-ligoy pa! Kaya lang ako tumawag para sabihin na pirmahan mo na yung annulment papers. Hindi ako maghahabol kung iyon ang iniisip mo. So, please pirmahan mo na ha? 'Yun lang."

Wala pang sagot sa aking sinabi ay binaba ko na ang tawag. Napahawak ako sa aking dib-dib.

Nagising ako sa malakas na lagabog sa harapan. Napatindig ako ng makita na naroon na ang professor namin para sa unang subject.

Nasa second year college na ako ngayon sa kursong BS Business Management. Ayaw ko ang kursong ito pero wala akong magagawa dahil nakapasok lang naman ako sa unibersidad dahil sa pangalan ng aking asawa. Si Alfred ang nag-asikaso lahat para siguraduhin na dito ako makakapag-aral. Mayayaman at kilalang mga tao lang ang estudyante sa eskwelahan na ito. 'Exclusive' sabi nga nila.

"Miss Abad, can you explain the last topic we discussed?" Galit na tanong ng professor.

Tumayo ako pero hindi sumagot. Sinenyasan ko si Suri upang siya ang sumagot. Nagtaas ng kamay si Suri, pero hindi tinawag ng professor.

"Ganyan ka na lang ba, Miss Abad? Hindi mo ba pinapahalagahan ang pagbabayad mo ng tuition fee sa paaralang ito? Nasa kalagitnaan na tayo nang semester, pero wala akong nakikitang pagbabago sayo. Napakatamad mo mag-aral pero napakagaling mo sa bugbugan!" sermon niya. "You may sit down. Ipapatawag ko ang guardian mo para maka-usap."

Naupo ako at hindi umimik kahit napahiya ako sa buong klase. Akala ko ay tumigil na sa panenermon, pero hindi pa pala.

"Kapag nadatnan pa kitang natulog sa klase, pati mga kaibigan mo, malilintikan. Patatayuin ko kayo sa gitna nang flagpole. Naiintindihan mo?"

"Yes, Ma'am."

Umalma naman si Trixie ng humarap si Ma'am sa whiteboard.

"Tomboy, huwag mo na uulitin 'yan. Mayayari ako sa magulang ko," bulong sa akin.

"What are friends for," tugon ko.

"No way, Tomboy!" sabat ni Scout na nasa aking likuran. "Mayayari na naman ako kay Kuya kapag nangyari 'yan. One month na nga grounded dahil sa nangyari sa bar." Reklamo niya.

Napangisi ako sa mga hinaing nila. Syempre kahit mag kakaibigan kami, hindi ko sila idadamay sa aking kalokohan.

Nakahinga kami ng maluwag nang tumunog na ang bell. Tapos na ang klase at lunch break na.

"Tomboy, pinapaalala ko lang sayo. Huwag ka ng matutulog sa klase dahil ikaw talaga ang malilintikan sa akin."

"Hahaha. Oo nga. Seryoso niyo masyado." Natatawa kong sambit. "Napakalaki mong tao Scout pero takot ka naman sa kuya mo."

"Kasya mawalan ng allowance at hindi makagala. Kaya please lang, marami akong naka line-up na date this upcoming months."

Kinalawit ko ang aking kamay sa braso ni Scout. "Oo nga. Hindi ko naman kayo ipapahamak. Promise!" natatawa kong tugon at nanumpa pa sa kanila.

"Dalawang oras pa naman ang break natin, 'di ba?" sabat ni Pia habang nakatingin sa kanyang cellphone. "Tambay muna tayo sa mall. Naka sale ang mga make-up nila ngayon."

"Let's go! Tomboy, baka may magustuhan ka na lipstick. Madadagdagan ang collection mong mga lipstick," pagkokombinse sa akin ni Trixie.

"Sige na! Lead the way, Mr. Varsity." Lambing ko kay Scout at tumawa.

Sa lahat ng bagay, sa lipstick ako baliw na baliw. Ilang limited collection na nang lipstick ang naiipon ko. Ginagamit ko lang iyon kapag may okasyon o importante akong pinupuntahan. Mahal ang mga iyon at nakakapanghinayang kung gagamitin ko araw-araw.

Malaki ang allowance ko every month, pero naiipon lang iyon. Gumagastos lang ako kapag mahalaga o may nagustuhan akong isang bagay.

Nagpunta kami sa cosmetic and skincare section kung saan naka display ang mga sale na limited edition na mga lipstick. Kanya-kanya kaming pulasan upang tingnan ang mga iyon. Si Suri at Scout ay nakasunod lang sa aming apat at bitbit ang iba pa namin pinamili.

"Pwede ba maupo? Sa tuwing mag sho-shopping kayo, palagi niyo na lang kaming alalay ni Suri," reklamo ni Scout. "Nasisira ang kagwapuhan ko. Hindi ako makaporma sa mga babae dahil kasama namin kayo, lalo ka na Tomboy. Kailangan ba talaga nakayakap ka sa braso ko? Pinagbibigyan ka abusado ka masyado."

"Ah! Nagrereklamo ka?" Nangingising sabi ko sa kanya. Pinalagutok ko ang aking mga kamay at hinahamon.

"Hindi!" bawi niya pero inis pa rin.

Kahit malaking tao ay alam niyang kaya ko siya. Alam niyang hindi ko siya uurungan.

"Mabuti naman alam mo! Tandaan mo, hawak ko ang reputasyon mo. Baka gusto mo lang mag bilad sa ilalim ng flagpole buong araw." Paalala ko.

"Scout! Huwag ka na nga mag reklamo!" usal nila Trixie at Pia.

"Tama na iyan," bawal ni Devin sa kanila.

Nauna na akong nag ikot-ikot upang tumingin ng lipstick na magugustuhan ko. Ilang minuto pa ay nakita ko ang isang kilalang branded na lipstick. Kumikinang ang aking mga mata dahil iyon ang balak ko na bilhin kung sakaling mag sale.

"Kapag sinuswerte ka nga naman!" usal ko. Tumakbo ako papunta sa stall upang tingnan ang lipstick. Meron lipstick doon para sa mga gusto iyon i-testing. Napangiti ako nang masilayan na bagay na bagay iyon sa aking mga labi. Walang dalawang isip at kinuha ko ang aking atm para bayaran na.

"Miss, I want to buy this lipstick limited edition." Saad nang isang babae. Nasa late 30's na base sa kanyang make up. Ganun din sa pananamit.

"Ma'am, I'm sorry pero isang stock na lang ang natitira at nabila na po ni Ma'am." Paliwanag ng kahera. I sa-swipe na sana ang atm ko nang mapahinto ang babae sa aking likuran.

"Honey, I want that lipstick." usal muli nang babae.

Ang kulit at hindi na ako nakapag timpi.

"Miss, nabili ko na. Bakit ang kulit mo?" Malakas na boses kong saad.

Nasa babae ang aking atensyon pero lumipat iyon sa isang lalaki na nagsalita. Nagulat ako ng makita siya. Nagtalim ang mata nang makilala ako.

"You…. What are you doing here?" tanong niya.

Sasagot na ako pero bigla naman sumulpot si Alfred sa kung saan.

"Sir Kendric…" Napahinto at napatingin sa akin.

"Padampot mo ang babaeng 'yan." Malamig na utos niya.

"Pero Sir, si Ma'am…"

Pinandilatan ko nang mata si Alfred upang hindi sabihin.

"Kilala mo?" tanong kay Alfred habang matalim pa rin na nakatingin sa akin.

"O-opo, Sir. Siya si Ma---"

"I don't care, Alfred! Pagbibigyan ko ang babaeng iyan dahil kilala mo. Let's go." Baling sa babaeng kasama na nakayakap sa kanyang mga braso.

Para akong nauubusan ng hininga dahil sa inaakto niya. Lumapit si Kendric sa cashier at kinuha ang kanyang black card.

"Swipe it!" utos niya. Sinunod agad ng kahera ang sinabi ni Kendric. Pagka-swipe ay agad din umalis. "Get it, Alfred." utos kay Alfred.

Masama pa rin ang tingin ko sa dalawa na naglalakad palayo sa akin.

"Ma'am Jayana, 'wag mo bigyan kahulugan ang kasama ni Sir Kendric. Isa lang iyon sa mga investor niya na si Ma'am Olga Munez."

Matalim kong tinignan si Alfred.

"Talaga? May investor bang naka yakap sa braso at kung umasta asawa? Wala rin akong pakialam kung sino ang babaeng iyon, Olga Munez! Tsee!" sabi ko.

Bumalik ang atensyon ko sa kahera at kinuha ang card.

"Ma'am, sorry po." Hingi niya ng paumanhin. "Ginagawa ko lang po ang aking trabaho."

"Okay lang, Miss." Iyon lang ang sabi ko pero deep inside masama ang aking loob na hindi nabili ang aking gusto.

Nilapitan ko si Alfred.

"Bakit hindi kayo nagpakilala kay Sir?" tanong ni Alfred

"Binabalaan kita! Huwag na huwag mong sasabihin sa kanya na ako ang asawa niya. Hindi na niya kailangan malaman dahil maghihiwalay rin naman kami. Wala nang sense, okay?"

Tumango lang si Alfred sa sinabi ko.

"Kunin mo na ang binili nang amo!" irap kong utos.

Nilagpasan ko si Alfred. Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang boses niya.

"Ma'am dapat para sa inyo ito, kung alam lang ni Sir na…."

"Ulitin mo pa at hahatakin ko ang dila mo!" babala ko kay Alfred.

"Pero----"

Tinaliman ko ng tingin si Alfred at dumiretso lakad na ako palayo sa kanya. Iniwan ko siyang mag-isa.