Kendric Aziel Suazer
Hinaguran ko ng tingin si Alfred pag pasok sa aking opisina. Nang makalapit ay tinignan ko ng diretso sa mata.
"S-sir. May problema po ba sa mukha ko?" Tanong niya. Hawak ang kanyang mukha at pinupunasan iyon.
"Paano mo nakilala ang babaeng iyon?" Tanong ko.
Hindi siya nakasagot at may pag-aalangan na magsalita.
"I'm asking you, Alfred. Paano mo nakilala ang tomboy na iyon?"
"Malapit na kaibigan ng pamilya namin, Sir."
"Why are you nervous? Are you hiding something?" Kita ko sa mukha niya ang pamumutla. Kilala ko si Alfred at alam ko na may tinatago siya.
"Wa-wala, Sir."
"I know you! Tine-train pa lang ako ni lolo magkasama na tayo."
"Wala nga, Sir. Promise!!!" Sagot agad niya at tinaas ang kanang kamay pantay balikat.
Tinitigan ko siya ng matagal. Kumbinsido naman ako sa kanyang sagot kaya hinayaan ko na. "Nabigay mo na kay Olga yung limited edition na lipstick?" tanong ko. Habang hinihintay ang kanyang sagot ay tinuon ko na sa mga papeles ang aking atensyon.
"Opo, Sir Kendric. Tuwang-tuwa nga si Ma'am Olga sa binigay niyo. Hinatid ko na rin siya sa parking lot at nakaalis na po."
"Thank you. You may leave now."
Ilang sandali pa siyang nakatayo kaya napaangat ang aking tingin. "What?" malamig kong tugon.
"Wala po!" ngiting tugon. "Lalabas na po ako," paalam niya.
Nakahinga ako ng maluwag pagkaalis niya. Napasandal ako sa aking upuan at pumikit. Suddenly, ang babaeng iyon ang pumasok sa aking isip. Hindi ko makalimutan ang mabango at matamis na amoy ng hininga niya. Nakalipas na ang ilang araw, pero hanggang ngayon naaalala ko pa.
'Sampung segundo, huminto ang aking paghinga. Sampung segundo tumigil ang aking mundo. Sampung segundo…'
"Ano ba ang nangyayari sa akin?" tanong sa aking isip. "I'm already a married man. Bakit may ibang babae na gumugulo sa aking isipin?"
Napasinghap ako at umayos ng upo. Sinubukan aliwin ang aking sarili pero ang babaeng iyon ang nakikita ko. I know nasaktan ko siya kanina. Napahiya siya dahil sa binili ko ang lipstick na iyon na dapat na bibilhin niya. I saw a disappointment in her eyes.
"Why am I feeling guilty?" bulong ko. "Tama lang sa kanya iyon! Pinagtripan niya ako, then I will make her life miserable."
Madilim na at hanggang ngayon tambak pa rin ang aking trabaho. Natigil lang ako ng pumasok si Alfred.
"Sir, nag order na po ako nang pagkain para sa hapunan ninyo."
Doon ko naramdaman ang gutom. Mula kanina galing sa Mall ay hindi pa ako nakakakain.
"Thank you, Alfred. Ako na bahala sa lahat. Pwede ka na umuwi." Palabas na siya ng tawagin ko muli. "Alfred."
Huminto at muling lumingon sa akin, "Yes, Sir Kendric. May kailangan pa po kayo? O may ipapagawa pa po?"
"Can you tell me more about my wife? I've been busy simula ng ibigay ni lolo sa akin ang kumpanya. She's so eager na pirmahan ko ang annulment papers. And you know that I can't do that, right?"
Hindi ako maaaring makipaghiwalay sa aking asawa without the consent of Lolo Opal. Iyon ang agreement namin kaya hindi ko maaaring baliin ang napag-usapan namin. That's a promise and I won't go back to my word kahit pa comatose siya ngayon.
"Si Ma'am Jayana po ba?"
"May iba pa ba?" sarkastiko kong sagot kay Alfred.
"Sir, mahirap magsalita. Kung ako ang tatanungin, match talaga kayo ni Ma'am Jayana. I mean maganda siya, gwapo naman kayo. Marami rin siyang magagandang qualities na magugustuhan niyo."
Wala naman talaga akong interes sa kasal na iyon, pero iba na ang usapan dahil gusto niya makipaghiwalay. 'Hindi pa ba sapat ang mga naibibigay ko sa kanya? Lahat ng karangyaan nasa kanya na. Ano pa ang kinaayawan niya?' tanong sa aking isip.
"Sir, bakit hindi na lang kayo mismo ang kumilatis sa asawa ninyo? Sa dalawang taon na kasal kayo ni isang beses hindi niyo siya nabigyan ng panahon. Kaya siguro gusto na rin po niya makipag hiwalay. Kaya lang Sir Kendric, baka manghinayang kayo kapag nawala sa inyo si Ma'am Jayana. Bukod sa maganda ay bata pa. At isa pa, paano kung magising ang Lolo Opal at malamang hiwalay na kayo? Tiyak magagalit iyon at itatakwil na niya kayong apo."
May puntos naman si Alfred. Paano nga kung magising si Lolo Opal at malaman na hiwalay na kami mag-asawa? Baka maapektuhan ang kalusugan ni Lolo. At ang isa pang iniisip ko, lahat ng pinaghirapan ko ay mawawala.
"I need to fix this, Alfred. I can't sign the annulment. Gaya ng sabi mo, paano kung magising si Lolo. I can't afford to lose everything I have. Alam mong dugo, oras at buhay ang inilaan ko sa loob ng dalawang taon para makuha ang aking mga pangarap."
"It's your decision, Sir Kendric. Sana mas maaga, maayos niyo na. Baka kasi mangulit na naman si Ma'am Jayana at tuluyan ng makipaghiwalay. Desidido na siya sa desisyon niya, kaya gumawa na kayo nang paraan para magbago ang isip ni Ma'am."
"Ayusin mo ang mga gamit ko sa bahay. Uuwi na ako."
"Saang bahay, Sir?" tanong niya.
"Sa bahay ng asawa ko!" Inis kong tugon. "Bakit nagiging incompetent ka na? Matalino ka naman pero parang nabobo ka kausap ako?"
"Naninigurado lang po, Sir Kendric." Ngising tugon. "Sasabihin ko na po ba kay Ma'am Jayana?"
"Huwag muna! Basta ipaayos mo lang ang gamit ko sa bahay. I need time to prepare myself. Understand?"
"Noted, Sir Kendric." Naka saludo pa siya. "Ipapaayos ko na lahat ng gamit niyo. "Good decision! Good!" Naka thumbs up pa habang sinasabi iyon.
"Now, leave!" malamig kong tugon.
Binuksan ko ang glass window sa aking opisina para makasagap ng hangin. Kailangan ko huminga! Kailangan ko mag-isip. "Ito na ba ang panahon para harapin ang aking asawa? Paano ko i-hahandle ang relasyon namin? Can we work-it out kahit walang pagmamahal?"
Nakita ko na ang aking asawa isang beses ng bigyan ako ni Lolo Opal ng wedding picture namin mag-asawa. Edit lang iyon pero mukhang totoo. Hindi ko na nga alam kung saan ko nailagay ang litrato na iyon. After all this years, wala sa loob ko ang kasal na iyon dahil mas importante sa akin ang business, ang aking trabaho.
"Honey…" sambit ng isang babae na pumasok sa pintuan.
"We're in the office, Olga. Please stop calling me honey" Usal ko habang nag ta-type sa aking laptop.
"It's just an endearment." tugon niya. Naramdaman ko na lang na humalik siya sa aking pisngi.
Tinignan ko siya ng masama. "Stop flirting, Olga. Alam mo hanggang trabaho lang relasyon natin."
"Bakit ba takot na takot ka sa commitment? You're not getting any younger, why not settle down? Let's get married."
"Are you kidding me? Stop talking as if you own me! I hate it!"
Wala sa isip ko ang kasal sa kahit na sino mang babae. Sometimes I get laid on them, pero hanggang doon lang iyon.
Tinaas niya ang dalawang kamay at ngumisi, "I'm sorry. Please don't get mad at me. I'm willing to wait! Kaya ako pumunta rito para yayain ka mag lunch. Let's go?'.
"I can't. I have a lunch meeting." Akala ko ay madi-discourage na siya pero nangulit pa rin.
"Since it's a lunch meeting, e di sabay na tayo. Don't worry. I won't interfere in your business matters."
Napasinghap na lang ako. Kung hindi lang isa sa major shareholder ang pamilya niya sa aking kumpanya ay hindi ko siya pag-aaksayahan ng oras.
"Wait for me there." Tugon ko at tinuro ang sofa.
Kasama si Olga na nakahawak sa aking mga bisig ay sabay kaming pumasok sa isang high-class na restaurant na pagmamay-ari ko. Halos lahat kasi ng business fields ay pinasok ni Lolo, kaya kahit saang sulok nang Pilipinas may pagmamay-ari ako. Kabilang na rito ang food industries, real estates, medicines at iba pa. Marami pa para isa-isahin.
"Good afternoon, Mr. Del Monte." Nakipagkamay ako sa may edad na matanda na sumalubong sa akin. "I have a companion, if it's okay with you." Saad ko.
"No problem, Mr. Suazer. Kilala ko naman si Miss Munez."
Tumango lang ako at inurong ang upuan upang makaupo si Olga.
"Thank you." Tugon niya.
Naging maayos naman at maganda ang ino-offer niyang proposal. I can earn more while investing in different companies. Wala silang lugi dahil makakahatak sila ng maraming clients kapag nalaman na isa ako sa mga investor.
"Excuse me!" sabat ni Olga. "I just go to the restroom," paalam niya.
Minuto lang ang nakalipas at narinigan namin na may nag-aaway.
"What was that?" tanong ni Mr. Del Monte at may pag-uusisa habang nililinga ang ulo. "Is that Miss Munez?"
Tama, si Olga nga ang nakikipag-away. Nakatalikod ang kasagutan. Nang humarap iyon ay hindi ko na naman napigilan na uminit ang aking ulo. 'Bakit ba kahit saan na lang nakikita ko ang babaeng iyon?'
"Excuse me, Mr. Del Monte."
Tumayo ako at inayos ang aking suit. Lumakad ako papunta sa kinaroroonan ng mga babaeng nagkakagulo. "Ang kaaway ni Olga ay walang iba kundi ang tomboy na naman na iyon at ang grupo ni Scoat."
Paglapit ko ay sinamaan ko ng tingin ang babaeng kasagutan ni Olga. Natahimik sila ng makita ako pero kita sa mukha ang galit. Ang kamay ay nakakuyom din.
"Honey…" Mangiyak-ngiyak na sumbong ni Olga habang nakahawak sa aking mga braso.
Pinipigilan naman nila Scout ang babaeng tinatawag nilang tomboy.
"Tomboy, tara na." Yaya ni Scout. "Sa iba na lang tayong restaurant kumain."
"Bakit? Bakit tayo ang aalis?" galit na pakikipagtalo niya. "Dito ko gusto! Bakit sila ba ang may-ari ng restaurant na 'to? At saka iyang matandang babae na 'yan ang may kasalanan. Akala mo kung sino!" giit ni Tomboy.
"I own this place!" sagot ko.
Natahimik na siya at hindi naka-imik. Hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Now, get out! O gusto mo pa ipakaladkad kita sa security?" Dugtong ko.
"Kendric, aalis na kami." Sabi ni Scout na namumutla na rin sa takot. Bumaling kay Tomboy at hinatak ang damit. "Tara na, Tomboy. Nakakahiya! Ang dami ng taong nakatingin sa atin. Sa ibang restaurant na tayo kumain."
Pumalag siya sa ginawa ni Scout. Mas matangkad si Scout sa kanya pero nakaya niya.
"Bitawan mo ko, Scout!" gigil na sabi niya.
Para akong na estatwa ng lumakad papalapit sa akin. Tumingin sa aking mga mata.
"Honey… baka saktan ka niya.." May pag-aalala sa boses ni Olga.
"Tomboy, huwag kang gagawa ng…" Si Scout iyon na nagsasalita at natigilan ng bigla na lang akong sunggaban ng babaeng kaharap at hinalikan ako.
Naitulok ko ng malakas pero maagap si Alfred na nasalo siya.
"Sir!" sigaw niya. Nabigla lang din ako sa aking nagawa. "Ma'am, okay ka lang ba?" May pag-aalala sa boses ni Alfred.
"Ilabas mo na 'yan dito bago pa magdilim ang paningin ko sa babaeng iyan." Banta ko kay Alfred. "Kapag hindi mo napaalis 'yan, ikaw ang malilintikan sa akin."
"Pero, Sir…." May pag protesta sa boses ni Alfred.
"I don't care kung kaibigan ng pamilya mo ang babaeng iyan. Now, paglingon ko ayoko na makita ang pagmumukha ng babaeng iyan." Umalis ako at iniwan sila.