Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 2 - Chapter One

Chapter 2 - Chapter One

"Uy, Polinar!" Tawag ni Aling Perla dala ang isang bakat na puno ng kulay puting labahin ko.

"Po, Aling Perla?" Tugon ko sa kanya at tumayo sabay pahid ng aking dalawang kamay sa aking short at pumunta kay Aling Perla.

"Ito. Idagdag mo ito, pero bago iyan. Kumain ka muna at magkape dahil alam kung wala ka na namang kain mula sa inyo." Ngumiti ako ng bahagya kay Aling Perla at inabot ang bakat.

"Salamat sa alok, Aling Perla. Kumain na ako mula sa bahay, may ani na kasi at bumili si Ama ng tinapay na may munggo." Nilapag ko ang bakat sa tabi ng palangga.

"Ha? Binili kamo ni Tansong? E, sabi ni Kolin bumili si Tansong sa kanila ng isang case ng inumin at iyong tinapay na may munggo ay inutang dahil kulang daw ang pera ni Tansong."

Nagkamot ako sa aking ulo habang ilang na ngumiti sa kanya. "Kita ko nga po. Sige po, sasaluhan ko kayo pagkatapos kong isampay lahat, Aling Perla."

"'Yang talagang si Tansong, walang pakinabang sa pamilya niyo. Siya ang pader ng tahanan niyo tapos siya itong gastos ng gastos. Hindi man ka man lang binilhan ng bagong gamit sa pasukan." Iling na sabi ni Aling Perla na ikina kamot ko uli ng ulo.

"Pasensya na, Aling Perla sa gawain ni Ama."

"Hindi mo kasalanan kung nagkaganyan si Tansong. Sadyang ganyan talaga iyan simula noong nakawala sa Ina mong bantay sirado ang Ama mo pero palihim palang nagsusugal kila Kolin." Iling ulit niya habang nakamewang.

Hindi na bago sa akin na alam nila ang ginagawa ni Ama at Ina dito sa probinsya namin. Lahat ata ng tao dito pati mga batang wala pang muwang ay alam na yata ang istorya nina Ama at Ina.

"O, siya. Aantayin kitang matapos diyan para sabay tayong mag-almusal." Tumango ako sa kanya at sinundan ang likod niya na papasok sa kanilang bahay.

Bumalik ako sa maliit na bangkito at nagsimulang labhan ang di-kolor na damit ni Aling Perla.

Maliit lang ang labahan ko kay Aling Perla dahil inihiwalay niya ang damit ng kanyang nag-iisang apo at anak na namatayan ng asawa dahil sa gyera sa Zamboanga.

Ang damit ng kanyang anak at apo ay sila ang maglalaba. Ang damit at kurtina lang ang nilalabhan ko, maliit lang iyon pero nakakangawit dahil mano mano kong nilabhan iyon.

"Ate Polinar, tawag ka po ni Lola Nanay at Mama. Kakain na daw po." Napa-angat ako ng ulo kay Kro-kro, anak ni Ate Grace at apo ni Aling Perla.

"Sige. Babanlawan ko lang to at papasok na ako." Sabi ko at binumbahan ang palanggana ng tubig mula sa tangke. Tumakbo siya papasok kaya dinalian ko ang pagbumba ng tubig.

Binanlawan ko ang di-kolor na damit at sinampay sa 'di kalayuan. Habang inaayos ang pagkasampay, may biglang tumigil sa aking likuran na tricycle.

"Polinar, bigay ni Kolin sayo. Magagamit mo daw iyan sa pasukan, sabi ni Kolin." Humarap ako kay Kalaykay na siyang nagmaneho sa tricycle nila.

"Ano 'to? Baka kailangan niya pa ito sa pasukan. Pwedi ko pa namang balikan ang sinulat ko sa nakaraang pasukan." Sabi ko habang tinitignan ang notebook ni Kolin na nasa labing-lima.

"Hindi ba at sinunong ni Nong Tansong ang mga notebook mo noong nakaraang pasukan? Dahil nalaman niyang si Aling Perla ang bumili ng mga gamit mo." Tanong niya. Ngumuti ako sa kanya.

"May konti pa naman akong nalaman at mukhang kaya ko pa namang makipagsabayan sa mga kaklase ko sa pasukan. Hihiramin ko nalang iyan kapag hindi ako nakapasok sa klase o kailangan na." Sabi ko sabay abot sa kanya ng supot na nandon ang mga notebook ni Kolin.

Nasa kolehiyo na si Kolin sa pasukan at iyong ibibigay niya sana sa akin ay noong huling pasukan niya sa high school. Nasa pang-apat na taon na ako sa high school at gragraduate na ako.

"Sige. Ikaw bahala. Basta, punta ka nalang sa amin para sa notebook ni Kolin na mukhang hagard dahil sa kakahanap ng kanyang card. Una na ako, Polinar." Paalam niya sabay kindat na ikina saboy ko sa kanya ng maliit na tubig sa kanyang mukha.

Tumatawa siyang pinaandar at pinausad ang tricycle nila. Iling akong tumalikod at inaayos ang tali ng aking buhok. Mukhang mapapasabak ako sa kainan.

Dalawang piraso ng tinapay na may munggo lang ang kinain ko mula noong gumising ako para labhan ang labahin ni Aling Perla na siyang nagpa-aral sa akin mula noong namasukan akong labandera sa kanya.

"Oh, Polinar! Hali ka. Kain ka muna. Kro-kro, tabi kayo ni Ate Polinar mo." Ngumiti ako ng bahagya kay Ate Grace na nagsimulang maghain sa akin ng kanin.

"Ako na po, Ate Grace. Kain nalang po kayo." Sabi ko sabay kuha ng serving spoon sa kanya at ako na naghain ng kanjn sa plato ko at ulam.

"Polinar, may ibibigay ako sayong damit na maliit na sa akin at saktong-sakto sa iyo. Iyon ang susuotin mo mamaya sa debu ni Ivan." Sabi ni Ate Grace.

"Salamat po, Ate Grace." Pasasalamat ko dahil lahat ng damit ko ay mula sa kanya. Mahilig siyang bumili ng damit sa online shop at iyong hindi kasya sa kanya ay binibigay sa akin.

May kaya si Aling Perla dahil retired Navy si 'Nong Montoya na namatay noong nakaraang limang taon at naka-tyamba si Ate Grace kay Kuya Leo na may kaya rin ang pamilyang sumusuporta kina Ate Grace at Kro-kro.

"Walang anuman. Para na kitang kapatid, Polinar. Basta, tumakbo ka lang dito sa amin kapag nagsawa ka na sa bahay niyo." Seryusong sabi ni Ate Grace ns ikinatigil ko sa pagsubo ng kanin at ulam.

"Tumigil ka diyan, Grace." Saway ni Aling Perla kay Ate Grace na ikina-taas ng kanyang kilay. "Magulang niya pa rin sina Tansong at Lisa."

"Totoo namang iyon, Ma." Tutol ni Ate Grace kay Aling Perla.

Hindi na din bago ito dahil minsan ay nag-tsismisan sila tungkol kina Ama at Ina sa harapan ko, pero hindi ako galit sa kanila dahil totoo naman iyon at hindi ko iyon itatanggi sa kanila.

"Hayaan niyo na po, Aling Perla. At saka, Ate Grace. Huwag kayong mag-alala, tatakbo po ako papunta dito sa inyo kapag nakapag-desisyon na po ako sa buhay."

-

"Polinar Mayordoma." Tawag ng aming guro. Tumayo ako at umakyat sa intablado. Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at guro sa akin.

"Congratulation."

"Thank you po." Ngiti kong tugon sa aming principal. Nakipagkamay ako sa mga guro na naka-pila sa intablado at nginitian sila.

"Polinar Mayordoma, Valedictorian of Class A-1. Averange, 100 percent." Anunsyo ng aming guro at nginitian ko siya kahit kinakabahan ako. Mapapasabak ako nito.

"Speech ka na, Hija." Tumango ako sa aming guro at pumunta sa kahoy na mesa sa intablado. Mag-sspeech ang valdectorian dito sa amin at lagi ko iyon ginagawa mula noong unang taon ko sa high school.

"Sa mga guro ko, thank you po sa lahat ng naituro niyo sa akin at maraming salamat po kay Aling Perla na nagpa-aral sa akin at sa mga magulang ko na may iniikaso sa amin. Maraming salamat po." At bumaba na ako.

Hindi ko na hinabaan ang speech ko, wala naman akong masasabi bukod sa pasasalamat sa nagpa-aral sa akin at sa mga gurong nagturo sa akin habang nasa high school ako.

"Congratulations, Polinar!" Bati nila Aling Perla at Ate Grace. Nginitian ko sila at niyakap dahil sa kanila, hindi ako makaka-graduate ng high school at sa tulong nila kapag nagkaproblema ako.

"Maraming salamat po, Aling Perla at Ate Grace dahil sa inyo, nakapag-graduate ako ng high school. Huwag po kayong mag-alala, tutulungan ko po kayo kapalit ng naitulong niyo sa akin." Ngiti kong sabi sa kanila.

"Huwag na, Polinar. Ang importante nakapag-aral ka at sapat na sa amin na naging valedectorian ka. Siguradong matutuwa si—"

"Polinar! Polinar!" Napa-tigil ang lahat dahil sa pamilyar na sigaw mula sa labas ng covered court ng paaralan.

"Polinar, anak! Magpakita ka na sa akin, kung hindi ikakahiya kita sa mga kaklase mo at guro!" Sigaw muli ni Ina na mukhang kagagaling lang kina Kolin sa pasugalan.

"Nandito na naman ang walang hiya."

"Rinig ko nga, may kabit si Lisa sa kina Paulo."

"Hala? Totoo ba yan? Gagamitin niya siguro ang pera ng kabit niya para pagsusugal."

"Halika, Polinar. Kakausapin ko iyang Ina mong adik sa sugal." Tumango lang ako kay Aling Perla at sinundan sila Kro-kro at Ate Grace papunta sa kinatatayuan ni Ina.

"Polinar! Sabing—"

"Hoy, Lisa. Huwag ka ngang iskandalosa, graduation ng anak mo, sumisigaw ka riyan. Wala ka bang hiya o sadyang nawalan ka na nanghiya?" Tigil ni Aling Perla kay Ina na masama siyang tinignan at ako.

"Huwag ka ring mangialam, Perla. At saka, bakit ikaw ang kasama ng anak ko? Hindi ba at dapat kami ni Tansong ang sasabit ng medalya ni Polinar?" Mewang na tanong ni Ina kay Aling Perla.

Yumuko ako dahil sa kahihiyan ni Ina dahil pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng covered court. Tinignan ko sila Ina at Aling Perla na masama na rin ang tingin kay Ina.

"Malamang pa sa malamang, Lisa. Sino pa ba ang sasabit ng medalya ni Polinar kung wala naman ang mga magulang niyang nagpakalasing ng madaling araw at tinutuon ang pansin sa sugal at hindi sa kanilang anak na pursigidong mag-aral para sa kinabukasan niyo?" Bara ni Aling Perla kay Ina na lalong masama siyang tinignan.

"Huwag mong ipamukha sa akin ang ginagawa namin ni Tansong dahil wala kang alam kung hindi ang mangialam sa pamilya ko, Perla! Kaya hindi na umuwi si Polinar sa amin dahil binibilong mo ang ulo niya sa mga salita mong walang saysay!" Humarap sa akin si Ina.

"Polinar, umuwi na tayo. Huwag ka ng lalapit diyan sa mag-inang byuda." Sabi ni Ina at hinagit ang pulsohan ko pero napatigil si Ina sa paghatak sa akin dahil sa malakas at mabigat na sampal ni Ate Grace.

"Huwag mo kaming husgahan, Lisa! Dahil alam ko at alam mo rin ang totoong dahilan kung bakit kami nabyuda at nagka-ganyan kayo ni Tansong! May respeto ako sa inyo dahil kayo pa rin ang mga magulang ni Polinar! Ang lakas mong manambat sa amin na nabyuda na kami ni Mama pero wala kang lakas na alagaan si Polinar na sarili mong anak!" Sigaw ni Ate Grace kay Ina na lumingon sa akin ng bahagya dahil sa sampal ni Ate Grace.

Dahan-dahan lumingon si Ina kay Ate Grace at humigpit ang hawak niya sa pulsohan ko. "Ilang beses ko bang sabihin sayo, Grace na hindi ko anak si Polinar! Binuntis ako ng walang hiyang asawa ng mama mo! At hindi ko kabit si Tansong! Mahal ko ang asawa ko pero dahil sa walang hiyang Papa mo, hindi sana kami nagkaganito ni Tansong!"

Parang hindi ko nararamdaman ang katawan ko at paligid dahil sa narining ko galing kay Ina. Tumingin ako sa kawalan at pilit na iniintindi ang sinabi ni Ina.

"Lisa!" Sigaw ni Aling Perla na ikinabalik ng diwa ko sa kanya. May awa akong nakikita sa mga mata niya, umiwas ako ng tingin at yumuko na lang at pinakinggan ang away nila.

Hindi ko sila mapipigilan dahil mas lalong gugulo kapag sasali pa ako.

"Oh. Bakit, Perla? Totoo naman, hindi ba? Umabot pa nga tayo sa korte dahil pinademanda mo ako dahil inahas ko ang asawa mo kahit ako ang tinuklaw ng asawa mo! Dahil sayo at sa asawa mong nagpakasaya na sa langit, nasira ang magiging pamilya namin ni Tansong at naisilang ang hindi sana naisilang!" Sigaw ni Ina at hinatak ako palabas sa covered court.

"I-ina. N-nasasaktan ako." Sambit ko kay Ina na lumingon sa akin at mas hinatak ako ng marahas.

"Masasaktan ka talaga dahil sa utak mong bilog na dahil sa mag-inang byuda na yun! Kailangan na natin umuwi dahil malilintikan ako kay Tansong kung hindi kita naiuwi." Sabi ni Ina na mukhang natatakot kay Ama kahit hindi pa namin nakikita si Ama.

Sabi ng iba na si Ama ang under kay Ina pero hindi iyon totoo dahil si Ina ang under ni Ama. Bubuhat ng kamay si Ama sa amin ni Ina na dalawang beses ko lang nakitang pinagbuhatan ng kamay ni Ama si Ina.

"Sige na. Magsaing ka na at hugasan mo ang pinagkainan sa lababo. Dadating na si Tansong galing kina Kolin, kaya bilisan mo!" Sabi ni Ina nung nakarating kami sa harapan ng bahay at dali-daling pumasok.

Sinunod ko ang utos ni Ina at pumasok sa kwarto ko at pinaramdam ang paligid. Gawa sa kahoy at kawayan ang bahay namin at nagsisilbing ikalawang palapag ang dalawang kwarto, kina Ina at Ama at sa akin.

"Lisa! Nagsaing ka na ba? Asan ang lintik mong anak!?" Sigaw ni Ama na hindi ko na ikinagulat dahil nagyayari ito lagi tuwing gising ako o kakagising lang.

"Oh, Tansong. Nariyan ka na pala, asan ang kalahati ko riyan? Nandito si Polinar at siya ang pinasaing ko at pinahugas sa pinaggamitan natin." Sagot ni Ina na mukhang umaarteng galing sa labas ng kusina dahil mula sa kanan ang boses niya.

"Mabuti naman. Kailangan na nating ibenta 'yang anak mo o isali sa grupo ni Liana sa Maynila. Nawawalan na tayo ng pera at dumadagdag sa gastosin 'yang si Polinar rito sa bahay."