Chereads / Millionaire Series #1: Wave Of Love / Chapter 5 - Chapter Four

Chapter 5 - Chapter Four

"Miya, nakita mo ang mukha ng customer ko? O kilala mo siya nung tinawag ang apilyedo niya? O sa boses niya?" Sabay lingon ko kay Miya na lumingon din sa akin.

"Oo. Bakit mo na tanong? At saka, huwag mong ipaalala ang apilyedong yun. Naiirita ako sa pinsang niyang mukhang timang. Ngiti nang ngiti parang baliw." Inis na sabi ni Miya.

Umupo ako sa kama at sinandal ang likod sa pader ng kwarto. "Akala ko hindi siya si Kyron. Bakit lahat nagsisinungaling?" Tanong ko sa sarili ko habang naka-yuko.

Rinig ko ang tunong ng kama ni Miya na mukha siyang gumalaw, tinignan ko siya. Umayos siya ng upo sa kanyang kama at nakasandal rin ang likod niya sa pader habang hawak niya ang cellphone niyang umilaw.

"Ha? Hindi mo talaga alam ang pangalan ng magpinsang Millionaire at ang itsura nila? Saang planeta ka ba galing?" Natataka niyang tanong sa akin.

Sumalubong ang kilay ko sa kanya. "Natatabunan ang mukha niya noong dumating ako hanggang sa pagtabi niya ng upo. Doon ko lang nakita ang gwapo niyang mukha nung pinaupo ako sa hita niya." Sagot ko kay Miya na ikinanganga niya.

"What the— Ano!? Pinaupo ka ni Kyron sa hita niya!?" Lumingon siya sa harapan niya habang nakanganga at lumingon sa akin. "First time mong umupo sa hita ng lalaki, hindi ba?" Tumango ako sa kanya.

"Oo. Tapos tinanong niya din ako ng tanong mo." Nanlaki ang mga mata niya at mas lalong lumaglag sa ere ang baba niya sabay kurap-kurap sa akin.

"Huta? Kaya pala... Kaya pala umalis ang baliw niyang pinsan dahil nahagip niya si Kyron habang naka-kandong ka sa kanya sa live ni Rance sa Instagram na agad pinagpyestahan ng mga babae." Mahina niyang sabi pero sapat na narining ko mula rito sa kama ko.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya na ikinataranta niya at winigayway ang dalawang kamay niya sa akin sabay iling.

"Wala. Wala. Kalimutan mo ang sinabi ko." Natataka man kung bakit, tumango ako sa kanya at tinignan ang labas ng bintana.

"Ano palang meron sa magpinsan na Millionaire? Sabi nung mukhang mataray nating kasama kanina, sikat sila ngayon dito sa bansa." Tanong ko sa kanya.

Gamit ang dalawang tuhod, lumapit ako sa bintana at tinanaw ang labas. Maraming gusali at tinadahan ang nakikita ko, sa kalayuan may parang malaking lote at tatlong gusali na may tatlong gusali na kaharap ang malaking lote.

Siguro, paaralan iyon. Pasukan na pala sa susunod na pasukan. Balak ko sanang mag-enroll ng kolehiyo dito pero sabi ni Ate Grace noong pinapili niya kung anong kurso ang gusto ko, sabi niya malaki ang bayarin sa kolehiyo.

"Modelo sila ng iba't ibang sikat na brands ng damit at iyong si Rance na mukhang timang, CEO siya ng malaking kompanya rito sa bansa." Sagot ni Miya, tumango-tango ako habang tinitignan ang paaralan sa kalayuan.

"Gusto mong mag-aral, Linar?" Napalingon ako kay Miya dahil sa tanong niya. Ngumuti siya sa akin at niyakap ang dalawang binte niya na nababalotan ng kumot.

"Mag-eenroll palang ako sa kolehiyo, gusto mong sumama?" Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at dali-daling humarap sa kanya.

"Pwede? Gusto ko ring mag-enroll sa isa sa paaralan dito pero sabi noong nagpa-aral sa akin nung high school ako, mahal ang bayarin sa kolehiyo." Yukong sagot ko at pinaglaruan ang daliri ko.

"Nagpa-aral? Hindi ang mga magulang mo ang nagpa-aral sayo?" Tanong niya. Umiling lang ako habang nakayuko. "Bakit? May problema ba kayo sa pinansyal?"

"May gawain sila Ina at Ama sa probinsya at ako, namasukan bilang labindera noong grumanduate ako ng elementarya hanggang high school. Noong malapit na ang pasukan, tinanong ako ng amo ko na gusto ko bang mag-aral dahil papaaralin niya ako." Kwento ko sa kanya.

"Ah. E, ngayon? Hindi ka na niya papaaralin sa kolehiyo?" Tanong ni Miya habang may pinipindot sa cellphone niya. Umiling ako.

"Mukhang hindi na. Nag-away kasi sila ni Ina sa araw ng graduation ko at iyong araw na yun, sumang-ayon si Ina na ipapadala ako rito sa Maynila at magtratrabaho kay Ate Liana sa club." Sagot ko sa kanya.

Bumuga siya ng hangin. "Ikaw, lumaki ka sa hirap at mukhang wala kang ka-alam alam rito sa Maynila. Mag-eenroll tayo bukas sa gusto kong paaralan, kung gusto mo rin doon."

Nanlaki ang mga mata ko. "Ha? H-hindi pwede... Wala akong pambayad sayo." Sagot ko sa kanya na ikinailing niya at hinawakan ang kamay ko.

"Mamasukan din tayo bilang kasambahay o waitress na pwede ang morning shift dahil sa gabi tayo magtratrabaho rito sa club. Ano, game ka ba?" Tanong niya habang naka-ngiti.

"Game! At saka, iyon talaga ang plano ko. Sa-sideline ng trabaho at subukan mag-aral rito." Ngiti kong sabi sa kanya.

"Iyon pala eh. Kaya, sumama ka sa akin bukas. Ay! Mag aalas-tres na." Sabi niya sabay ayos ng higa at kumot niya. "Tulog na tayo, Linar."

Humiga rin ako sa aking kama at may ngiti sa labing tinugon si Miya. "Goodnight, Miya." At pinikit ang mga mata ko na agad akong sinalubong ng antok.

--

"Kakain na." Sabay katok ng tao sa pintuan sa labas. Minulat ko ang mga mata ko at inistretch ang dalawang braso ko.

Magandang umaga!

"Opo." Tugon ko sabay lingon sa kama ni Miya na tulog pa rin. Bumaba ako sa kama at kinuha ang towel at damit ko na pambahay sa closet sabay pasok sa cr ng kwarto.

May isang cr sa bawat kwarto, sabi ni Ate Maria bago kami pumasok sa kanya-kanyang kwarto. Nagsipilyo muna ako bago naligo.

Pagkatapos, nagbihis. Nilagay ko ang towel sa buhok ko para agad na matuyo sabay labas ng cr. Gising na si Miya at kasalukuyang inaayos ang kama niya.

"Morning." Bati niya sa akin. Sumagot rin ako sa kanya at inayos ang kama ko. Rinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan ng cr.

"Miya, kakain na raw." Sabi ko habang sinusuklay ang buhok ko na hanggang bewang ko na pala. Hindi ko napansin na humaba na ang buhok ko.

Pagkatapos magsuklay, sinampay ko ang towel sa hanger at nilagay sa pokpok na nasa labas ng closet. Inayos ko ang damit ko at hinintay si Miya lumabas.

"Tara na." Sabi niya noong lumabas siya ng cr. Naka-jogging pants siya ng kulay itim at kulay peach ang spaghetti strap niya habang may towel sa kanyang ulo.

Pagbukas niya ng pinto ay agad na sumalubong ang isang lalaki na kakatok pa lang sa pintuan.

"K-kuya? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Miya sa lalaki na seryuso siyang tinignan. Lumingon sa akin si Miya at lalaki na napatingin din sa akin.

"Ah. Kuya, si Linar pala, kaibigan ko. Linar, kuya ko— Paolo Salvador." Ngumuti ako sa kuya ni Miya at tumango.

"Miya, pinapauwi ka ni Mama sa mansion. Hindi papayag si Mama na madawit ang apelyido natin sa issue ng magpinsang Millionaire." Yumuko si Miya sa sinabi ng Kuya niya.

"M-mamaya... Uuwi ako sa bahay." Hinawakan ni Miya ang kamay ko at hinala palabas ng kwarto at dumiretso sa papunta sa hagdanan pababa ng pangalawang palapag.

"Sorry, Linar, ah? Ganon talaga ang mukha ni Kuya kapag may kasama siya o hindi niya kilala kahit kilala ko." Binitawan niya ang kamay ko at sabay kaming bumaba sa hagdan.

"Okay lang... Ahm... Umalis ka ba sa inyo o naglayas ka?" Tanong ko habang pababa kami ng hagdan. Tumigil siya kaya tumigil rin ako at nagtinginan kaming dalawa. Siya ang unang umiwas.

"Nagrebelde ako." Humakbang siya ng isang baitang at tumigil ang likod niya sa akin. "Ayaw nila akong palabasin ng mansion kahit sumama sa galaan kasama ang mga kaibigan ko." At nagpatuloy siya pababa kaya sumunod ako sa kanya.

Hanggang sa nasa hapag na kami, hindi pa rin ako nagsalita sa kanya. Mukhang napansin niya na tahimik ako kaya nilingon niya ako nang nasa loob na kami ng kwarto para magbihis.

"Linar? Okay ka lang ba?" Tanong niya habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok na may kulay brown. Naghalo ang kayumanggi at itim sa buhok niya.

"Miya, bakit mo naisipang magrebelde sa mga magulang mo? Dahil lang doon?" Tanong ko sa kanya na parang mababaw lang para sa akin ang sitwasyon niya.

Tumigil siya sa pagsusuklay ng buhok niya at nilapag ang suklay sa mesa na katabi ang kama niya. "Hindi simple ang sitwasyon ko sa mansion na akala mo, Linar. Nasasakal na ako sa ginagawa ng mga magulang namin ni Kuya Paolo. Hindi ko kayang panoorin lang ang mga kaklase kong masayang kumain na wala ako sa kanilang grupo. At ayaw nila akong payagang lumabas sa mansion na walang kasamag lima o sampung bodyguards." Bumungtung hininga siya.

"Our parents never hold our neck just to save us in danger. They freed us like a bird— who caged half of his life. They freed you to face your struggle and problems in your life." Wala sa sarili kong sabi.

Lumingon ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko at tinakpan ang bibig ko. "Sorry, Miya! Sorry. Lumabas lang yun sa bibig ko bigla. Hindi ko intensyon—"

"Bakit ka ng so-sorry, Linar? Totoo naman ang sinabi mo. Pinakawalan ako na parang ibon noong nagrebelde ako ng mga magulang ko at hindi nila ako hinahanap. Si Kuya Paolo lang ang sinabihan ko kagabi na nagtratrabaho ako sa club, kaya pumunta siya dito bago sinabi kina Mama at Papa."

Hindi ko siya sinagot. Ayaw kong mamasukan ng problema nya sa mga magulang niya dahil may sarili akong problema at mamasukan pa ako sa ibang problema na hindi sa akin.

Pagkatapos kong magbihis, naka-pantalon na kulay puti at kulay itim na damit pang-itaas na kita ang braso ko, nakapulupot ang tela na nagsisilbing hanger ng damit sa leeg ko.

"Ang ganda mo talaga, Linar! Bakit mo ba kasi tinatago ang ganda mo?" Sabi niya at tinignan ako ulo hanggang paa habang naka-ngiti.

"Bigay to ni Ate Grace, anak ng amo ko sa probinsya. Galing to sa kanya at binigay sa akin kasi hindi na niya daw kasya." Sabi ko at tinignan ang sarili sa salamin sa cr.

"Gamitin mo to." Lumingon ako kay Miya na may inabot ng pares na slipper sandal. "Hindi pweding doll shoes lang ang ipapares mo diyan sa OOTD mo! Kaya suotin mo 'to."

Tinaggap ko ang slipper sandal. "OOTD? Ano yun? Pangalan ba yun ng damit? Tao? Bagay?" Tanong ko sa kanha at sinuot ang slipper sandal.

"Kulang na lang hayop." Sumalubong ang kilay ko sa kanya. Huminga siya ng malalim ha ang hawak ang sintido niya. "Sigurado akong matalino ka pero bakit ang hina mo related sa mga millenial words?"

"H-ha? A-anong millenial words?" Tanong ko sa kanya naikinanganga niya sa ere habang nanlaki ang mga mata niya sa akin.

"Saang planeta ka ba galing talaga, Polinar Mayordoma?" Mewang tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot sa kanya nung binanggit niya ang buo kong pangalan.

"Sa E-earth?" Nauutal kong sagot sa kanya na ikinababa ng balikat niya at yuko ng ulo niya. "M-miya? O-okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

Inangat niya ang ulo niya at tinignan ako ng masama. "Nagmumukha ba akong okay?" Umiwas siya ng tingin. "Shit. Naliliitan ako sa sarili ko. Akala ko, wala ng taong hindi alam ang ganap sa mundo. Meron pa pala." At kumawala siya ng hangin sabay lingon sa akin.

Napalunok ako wala sa oras dahil sa tingin niya sa akin. "Linar." Tawag niya sabay hawak ng dalawang balikat ko. Sinalubong ko ang tingin niya. "Nagsinungaling ako. Hindi na ako inosente at alam ko ang ganap ng mundo at..." Pabitin niya sabay buga ng hangin na parang nakakakdismaya para sa kanya ang sasabihin niya.

"Ikaw ang nag iisang tao na nakilala ko na hindi alam ang magpinsang Millionaire, meaning ng OOTD na common na ngayon sa buong mundo at sobrang bulang sa kaganapan sa mundo." Sumalubong ang dalawang kilay ko sa kanya.

"Bulang sa kaganapan sa mundo? Kung ganon, b-bulang ako sa p-problema ng pagtaas ng presyo ng gasolina?" Napaatras siya sa sagot ko sa kanya habang hindi makapaniwala ang tingin niya sa akin.

"Jusmeyo marimar." Sambit niya sabay hampas ng noo niya sabay iling-iling. "Saan ka ba talaga ng galing, Polinar? Sa Earth o sa Neptune?" Tanong niya na ikinasalubong uli ng dalawang kilay ko.

"Neptune?... The planet Neptune shows a greenish disk. It's invisible to our naked eye but is plain enough when viewed through a telescope. Neptune was named after the Roman god, Neptune— the Roman god of the Sea. The mean distance of Neptune from the sun is 4 billion kilometers—"

"Hindi iyan ang ibig kong sabihin!" Tigil ni Miya sa akin. "Kunin mo na ang requirements at pupunta na tayo sa paaralan. Jusmeyo, maabotan tayo ng siyam-siyam dahil recitation mo."