Chapter 51 - Chapter 49

"Matanong ko nga bata. Siguradong alam mo na ang Late Stsge Xiantian Realm Expert lamang ang makaka-condense ng Xantian Needle ng isang piraso pero paano naging posibleng makagawa ka nito. Wag mo kong lokohin bata dahil alam kong alam mo ang bagay na ito." Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tingin ba ng batang si Li Xiaolong na ito ay makakatakas siya sa malakas niyang obserbasyon lalo na sa kaniyang matalas na paningin.

"At alam mo rin na hindi lamang Late Stage Xiantian Realm Expert ang makakagawa ng Xiantian Needle hindi ba?! Kahit ang Early Xiantian Realm Expert ay maaaring makagawa ng ganitong klaseng Xiantian Needle." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakalutang sa ibabaw ng kaniyang sariling palad ang nasabing Xiantian Needle na kulay pula.

"Hahahaha... Tama ka bata, maaari nga ngunit napakadelikado ng pamamaraan nito lalo pa't dapat mo itong palakasin. Kapag nagkamali ka lamang at mapinsala o maputol lamang ang Xiantian Needle mo ay tiyak na magdurusa ka sa huli. Ang lahat ng Cultivation mo ay magiging basura lamang." Seryosong sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba hindi nito maintindihan ang batang si Li Xiaolong lalo na sa paraan ng pagcucultivate nito ay napakadelikado.

"Tama ka. Lahat ng posibilidad ay mayroong panganib ngunit ang mundo ng Cultivation ay isang marahas na mundo. Ano ang aasahan mo sa mundong ito? Magbibigay ng libreng bagay sa'yo na walang kapalit?! Dream on! Alam mo ba ang mundong ito ha? Porket ba nagsusumikap akong lumakas at lumaban sa hirap ng buhay na dinaranas ng aking pamilya at ang mismong nalalapit na pagkakadissolve ng Li Clan ay mag-iisip pa ko ng sarili kong kapakanan? Ganon ba ha?!" Puno ng lungkot at hinanakit na sambit ng batang si Li Xiaolong habang garalgal ang boses nito. Sa mundong ito ay lakas ang kailangan, kung dadaldal ka lang at magsasalita-salita diyan ay wala kang mapapala. Katumbas ng lakas ay kasaganaan, tagumpay, kayamanan, katanyagan at iba pa. Kung mananatili ka lamang sa pagiging mahina ay ikaw rin ang magsisisi sa huli. Kung katamaran lang ang nasa isipan niya ay malamang, matagal na silang namatay sa gutom at paghihirap. Kailangang magbanat ng buto hindi yung tutunganga ka lang. Ang pagpili sa pagiging normal na mamamayan sa mundong ito ay umaasa ka lamang sa malalakas at hindi mo kayang protektahan ang inyong mga sarili laban sa malalakas na kaaway. Walang nakikitang mali ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang ginagawa pero ang maliit na daga o kung ano mang klaseng hayop ito na kung magsasalita sa kaniya ay tunay na nakakasakit ng damdamin.

"Hindi ganon ang gusto kong ipahiwatig bata. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang ginawa mo. Bata ka pa at ang pag-aasam ng labis na kakayahan o kapangyarihan ay lubhang napakapanganib. Naiisip mo ba ang pamilya mo kung sakaling ma-cripple ka? Hindi masama ang iyong ginagawa ngunit ang hakbang mo ay napakadelikado. Wala ka pang taga-gabay na siyang mas malaki ang tsansang magkamali ka sa pagpapalakas ng iyong sarili." Mahinahong sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Alam niyang napakadelikado ng ginawa ng batang si Li Xiaolong ngunit hindi niya naman maaaring pakialaman ang desisyon nito. Sino nga ba siya? Osa lamang siyang hamak na mahinang nilalang sa kasalukuyan. Naalala niya ang kaniyang sarili sa batang ito noon.

Napatahimik na lamang ang batang si Li Xiaolong habang makikita na pinag-iisipan nito ang sinabi ni Fai.

"Kahit ano'ng mangyari sa akin ay masisiguro kong magiigng ligtas ang aking pamilya kung sakaling ma-cripple o mamamatay ako habang nagcu-cultivate o naglalakbay ako. Tiyak akong darating sila para protektahan sina itay at inay maging ang aking nakababatang kapatid. Sigurado akong mabibigyan sila ng magandang buhay." Nakangising sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakatingin sa katubigan.

"Nababaliw ka na talaga binata. Sa sinasabi mong iyan ay nag-all out ka na talaga at alam kong may kinalaman ito sa Wind Fury Kingdom hindi ba?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai.

"Kahit ano'ng sabihin ko o ng sinuman. Alam kong alam na lahat ng opisyales ng bawat kaharian na nagkakairingan at nagkakaipitan na ang apat na kaharian sa bawat isa. Masyado ng magulo ang sitwasyon. Hindi ko hahayaang ang Li Clan lamang ang magdurusa, sinimulan nila ang gulo, why not na sumali ako hindi ba para naman nakakapanabik ang mangyayaring kaguluhan ng apat na kaharian?! Hahahaha!!!!" Malakas na sambit ng batang si Li Xiaolong habang tumawa ito ng malakas sa huli.

Tila nakaramdam naman ng pangamba ang nagsasalitang Quoll na si Fai sa narinig nito.

"Talagang dinamay mo pa ang Wind Fury Kingdom bata?! Hindi ka ba natatakot sa nakatagong pwersa at napakaraming mga eksperto ang maaaring humabol sa iyo sa oras na malaman nila ito?! Tiyak akong kapag nangyari ito ay manganganib ang buhay ng mga magulang mo at mailalagay mo sa kawakasan ang buong Li Clan!" Tila hindi mapigilang magtaas ng boses ang nagsasalitang Quoll na si Fai. Tila ba ang batang nasa harap niya ay hindi na bata ngunit isang pagbabalat-kayo lamang ito para matakpan ang pinaplano nito.

"Wind Fury Kingdom?! Hindi ko naman sila kinakatakutan eh. Kung alam mo lang ang ginawa ng tatlong kaharian ay siguradong sila pa rin ang babalikan ng Wind Fury Kingdom. Sa oras na mangyari iyon ay sila mismo ang magpapatayan. Hawak ko pa rin ang alas at kahit na ano'ng gawin ng tatlong kaharian sa akin ay alam kong matitikman muna nila ang bagsik ng Wind Fury Kingdom. Mas masaya kung sasali ang lahat ng Xiantian Realm Expert pati ang Blood Warrior Realm sa kaguluhang mangyayaring ito. Sisiguraduhin kong ang unang mabubura sa mapa ng apat na kaharian ay ang Sky Ice Kingdom!" Sambit ng batang si Li Xiaolong habang nakakuyom ang dalawang kamao nito sa labis na galit.

"Bakit ang Sky Ice Kingdom ang dapat mong unahing buburahin?! Siguradong magkakaroon ng madugong digmaan at napakaraming inosenteng buhay ang mamamatay. Maaatim mo bang gawin iyon?! Teka nga, dahil ba to kay Li Mencius?!" Sambit ng nagsasalitang Quoll na si Fai. Hindi niya kasi alam ang mga bagay-bagay na ito. Talagang ang utak ng batang nasa harapan niya ay hindi niya mahulaan ngunit masaya siyang pinagkakatiwalaan siya ng batang si Li Xiaolong. Kung sakaling makalaban niya ito ay malamang sa malamang ay matatalo lamang siya.