Chapter 56 - Chapter 54

"Hindi iyon ang gusto kong sabihin. Alam kong marami akong pagkakamali. Pero sana naman ay wag niyong balikan ang nakaraan. Maliwanag ba?!" Sambit ni Clan Chief Li San habang makikita ang pagguhit ng sakit sa mukha nito pero agad din nitong ikinubli.

"Heh! Kung di dahil sa pinsan mo ay mapayapa sanang namukuhay ang Li Clan. Maling-mali talaga ang dating Clan Chief sa pagpili sa'yo upang hamalili sa pwestong ito. Tingin mo ba hindi gagawa ang Sky Flame Kingdom ng paraan para ma-dissolve ang Li Clan at ang mga karatig-angkan natin?!" Paggalit na sambit ni Elder Li Bengwin habang makikitang hindi ito natutuwa sa nangyayari ngayon.

"Bilang Clan Chief alam ko ang gagawin at ginagawa. Kaya nga ako pinapunta ko kayo rito ay upang sabihin sa inyo na pagbuklurin ang lahat ng mga karatig-angkan natin na nawalan ng mga lider. sa kasalukuyan nilang estado ay wala na silang pwersang maaaring gawin kung sakaling personal na pumunta rito ang Opisyales ng Sky Flame Kingdom." Sambit ni Clan Chief Li San habang makikita napangiti pa ito ng tipid.

Tila nagkaroon naman mg bulong-bulungan sa mga iba pang opisyales ng Li Clan.

"Totoo ba ang sinasabi ni Clan Chief Li San?!

"Talagang binabalak niyang pag-isahin ang buong Green Valley?!"

"Haha inutil na ideya. Ano ba ang iniisip ng Clan Chief Li San?!"

"Napakawalang kwentang plano. Mukha bang tatalab ang plano niyang ito?! Tangang ideya!"

"How bold! Hindi ko aakalaing mayroon pang binabalak ang Clan Chief Li San natin."

"Sinabi mo pa, halos nga naghihirap tayo tpaos dadagdagan pa natin ng mga sampid at palamunin?!"

"Ano ang binabalak ng Clan Chief Li San?! Balak niya bang makipagsiksikan at gutumin ang lahat ng mga tao rito?!"

Ilan lamang ito sa mga naging bulong-bulungan ng mga opisyales ng Li Clan mula sa pinakamababa hanggang sa mataas na opisyales ay nakisali na sa usaping ito.

"Clan Chief Li San, alam ko namang gusto mong tulungan ang Li Clan ngunit sa ginagawa mang iyan ay talagang di na makakabangon sa hirap ang Li Clan. Gusto mo bang mamamatay ng dilat ang mga mata ng mga mamamayan ng angkan ng mga Li para lamang sa mga outside na mga mamamayan ng inang angkan?! How stupid!" Pagalit na sambit ni Elder Li Bengwin na siyang ikinatahimik ng lahat ng nagbubulungan maging ni Clan Chief Li San.

Imbes na magalit ay napangiti na lamang si Clan Chief Li San sa sinabi ni Elder Li Bingwen.

"Hahaha... Hindi natin kailangang ipagsiksikan ang mga karatig-angkan natin kung pwede naman itomg pamunuan ng ating Li Clan. Sigurado akong na-eradicate man ang nawalan ng mga Clan Chief ay hindi naman madi-dissolve ito kung papalitan kaagad ang Clan Chief ng mga ito hindi ba?!" Sambit ni Clan Chief Li San habang nakangiti pa ito.

Agad namang napakamot ng kaniyang balbas si Elder Li Bingwen habang iniisip nito ang mga bagay na ito. Hindi niya maaaring baliwalain ang siansabi nito.

Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Elder Li Bingwen.

"Hmmmm... Maaari kong sang-ayunan ang plano mong ito Clan Chief Li San ngunit dapat mong maisagawa ito ng matagumpay." Sambit ni Elder Li Bingwen habang makikitang sumang-ayon sa sinabing plano ng Clan Chief na si Li San.

Bigla namang nagkaroon muli ng bulung-bulungan ang mga grupo ng mga opisyales.

"Totoo ba ito, sumang-ayon si Elder Li Bingwen?!"

"Parang nabingi ata ako eh, totoo ba yung narinig ko?!l"

"Ngayon lamang ako nakarinig ng pagsang-ayon sa dalawang panig nina Elder Li Bingwen at Clan Chief Li San!"

"Talagang may himala!!!"

Pawang hindi pa rin makapaniwala ang ibang mga opisyales sa kanilang nakikita lalo na sa kanilang naririnig. Tila ba isa itong panaginip lamang.

Alam nilang matagal ng kinokontra ni Elder Li Bingwen ang kanilang Clan Chief na si Li San bago pa ito ng umupo sa pwesto nito. Talaga namang hindi sila makapaniwala.

...

Sa isang sikretong silid ay mayroong nakaupong lalaking nakaitim na maskara. Tila ba hindi mo malalaman ang kabuuang anyo o itsura nito dahil napakapambihira ang maskara nito kung saan ay hindi mo malalaman ang itsura ng taong nasa likod ng maskara nito. Ang Cultivation Level nito ay hindi rin matukoy na siyang nagbibigay ng nakakakilabot na presensya nito.

Ordinaryo man kung titingnan kapag nakita mo ang misteryosong nilalang na ito ngunit kapag nakaharap ito ng mga Martial Arts Experts ay siguradong mababalot sila ng kuryusidad at pagkabahala.

WHOOOSH! WHOOOSH! WHOOOSH!

Isang nakamaskarang kulay dilaw na nilalang muli ang lumitaw sa silid at masasabing katulad ng naunang lalaki ay hindi rin matukoy ang pagkakakilanlan ng nilalang na ito. Masyadong sikreto at palihim ang kanilang pagtatagpong ito.

"Hahahaha... Matagumpay mo bang naisagawa ang aking mga plano?!" Tila sambit ng kanina pang naghihintay na nilalang na nakaupo kanina pa sa isang gilid. Patanong itong nakatingin sa direksyon ng bagong dating na nakamaskara ring nilalang.

"Matagumpay kong naisagawa ang plano ngunit mayroon lang misteryosong anomalya sa pangsasagawa ko ng plano." Sambit ng bagong dating na nakamaskarang mapusyaw na kulay dilaw.

"Inutil! Hindi ko aakalaing papalpak ka pa sa simpleng inuutos ko sa'yo!" Paggalit na saad ng nakaitim na maskarang nilalang habang makikita ang galit nito sa bawat salitang binitawan nila.

"Hahaha... Wag mo kong pagsasabihan ng ganyan, kung di dahil sa background na pinagkakautangan ng loobng aking Master ay siguradong hindi kita tutulungan. Sa inaasta mo ay parang kayang-kaya mo naman palang isagawa ang plano given sa pag-uugali mo. Sa oras na sabihan mo ko niyan ay siguradong makakaabot ito sa kanila ay ikaw pa rin ang pupulutin sa kangkungan!" Sambit ng nakamaskarang mapusyaw na kulay dilaw. Base sa boses nito ay hindi ito nagpapadomina sa kahit na sinong nilalang lalo na sa nakamaskarang itim na nilalang na nasa harapan niya.

"Good! Hindi ko aakalaing ang lakas ng loob mong kalabanin ako. Alam mo ring hindi nila ako mapipigilan sa gusto kong mangyari. Tsaka ano nga pala ang misteryosong anomalya na sinasabi mo?!" Sambit ng nakaitim na maskarang nilalang habang punong-puno pa rin ng katanungan ang kaniyang isipan.

"Bigla na lamang nawala ang ipinadala kong Early Stage Xiantian Realm Expert sa teritoryo ng Li Clan." Sambit ng nilalang na nakadilaw na maskara habang bakas sa boses nito ang pagtataka rin.

"Hahahaha... Siguradong defective ang forbidden pill na binigay mo doon at hindi kinaya ng nilalang na iyon ang epekto ng gamot na iyon haha!" Sambit ng nakamaskarang itim habang pilit pa itong tumatawa.

"Hmmmp! Wag mong sasabihing palpak ang Forbidden Pill na pinainom namin sa mga iyon. Ginusto ba naming pumalpak ha?!" Sambit ng nakadilaw na maskarang nilalang habang pinipigilan lamang manggalaiti sa harap ng nakamaskarang itim na nilalang na ito. Ang lakas din kasi ng apog nito para sabihang pumalpak sila?! Nakakatawa.

"Sabihin niyo yan sa aarili niyo kung bakit kayo pumalpak alangan namang po-problemahin ko pa yan eh hindi naman ako ang gumawa ng hakbang niyo." Seryosong sambit ng nakamaskarang itim na nilalang.

Tila huminga muna ng malalim ang nakadilaw na maskara at tsaka nagsalitang muli.

"Sa palagay ko ay mayroong factors kung bakit hindi nagtagumpay ang akinv plano sa pesteng Li Clan na yan ay dahil sa kagagawan ni Li Mo at ng iba pang ekspertong patuloy sa pagmamatyag sa kalagayan ng Li Clan. Sa oras na malaman ito ng ibang mga kaharian ay humanda na kayo sa maaaring speculations ng ibang mga kaharian lalo na ng Sky Ice Kingdom. Siguradong hindi kayo patatakasin sa mapanghamak nilang pagsusuri hehehe..." Sambit ng nakadilaw na maskara habang makikitang nasisiyahan ito sa buong pangyayaring ito.

"Hmmmp! Hindi ko isinasaalang-alang ang mga malalakas na ekspertong galing sa Li Clan noong una ngunit sakit talaga sila sa ulo lalo na ang Li Mo na iyan. Balita ko nga ay nakabreakthrough na ito sa Late Xiantian Realm Expert. Ipapaalam ko ito sa nakatataas at ikaw, humanda ka sa parusang nakalaan sa'yo!" Paggalit na sambit ng nakaitim na maskarang nilalang habang hindi nito mapigilang iduro ang kamay niya sa nakapusyaw na maskarang nilalang na nasa harapan niya.

"Hahahaha... Alamin niyo kasi ang ipapagawa niyo. Kahit saang anggulo niyo tingnan ay hindi niyo mapapabagsak ang Li Clan ng ganon-ganon lamang. Kapzg nakialam na ang malalakas na eksperto ng Li Clan ay siguradong magkakagulo talaga at maiipit ang Sky Flame Kingdom sa dalawang Kaharian ng Sky Ice at Hollow Earth. makakaya niyo kayang pigilan ang pambabatikos nila?!" Sambit ng nakaitim na nilalang. Pero sa kaloob-looban nito ay napakasaya niya. Napakaarogante ng nakaitim na maskarang nilalang na ito athindi niya papayagang madungisan ang pangalan ng background niya. Ang malaking katanungan sa isipan niya ya kung paano maibabaliktad nila ang sitwasyon.