Sa loob ng tahanan ng batikang manunulat ng balita na si Willis Manalo galit na sumugod si Sigundo nalaman nya kasi na si Willis ang, responsable kung bakit ganoon na lang pinasama ang imahe ng Beauty Queen na si Emperatriz.
"Bakit hindi mo rin ako sinama doon? alalahanin mo Willis, Hindi lang si Emperatriz ang gumawa ng isyung ito. Ako man damay din dito!"
Pinakalma muna ni Willis ang sarili bago tumugon.
"Ganyan ka ba talagang tumanaw ng utang na loob sa taong nagmamalasakit sayong kinabukasan? Kung tutuusin hindi dapat ako ang sinusugod mo! Bakit hindi ang Lola mo ang tanungin mo? Ang sa akin lang naman, Nagmalasakit lang din ako tulad ng Lola mo!"
Hindi makapaniwala si Sigundo sa kanyang narinig. gusto niyang pasinungalingan ang sinabing iyon ni Willis baka sakaling mali lang siya ng intindi.
"Mali ka, Hindi magagawa ng Lola ito sa 'kin! Tatanungin kita! Paano mo naatim pasinungalingan ang katotohanan? alam mo sa ginawa mong ito, Sa halip na galit ang maramdaman ko sayo, Lungkot! dahil hindi ka nagsabi ng totoo."
Gusto pa sanang linawin ni Willis ang ilang pang bagay na hindi nya pa nasasabi pero mabilis na siyang tinalikuran ng actor at nangamba sa maaaring idulot nito sa kanyang hanapbuhay.
Sa gitna nang isyung tila hindi matapos-tapos si Dubraska pinili na mangibang bansa para lumayo, at kalaunan takasan ang lumalang isyu sa pagitan ng kanyang nobyo.
Mag aalas Dos na ng hapon matapos maipinta ni Gaston si Anna Julia Nilalayon niyang ang mabibiling obra niya ay ibigay kay Anna Julia bilang tulong na rin sa pagdarahop na pamumuhay ng kababata.
"Sa wakas! Makakauwi na rin ako kay Inay! Gaston salamat sa lagi mong pagtulong sa akin! Paano? Uuwi na ko?"
Nakangiting sabi ng dalaga habang patapos naman nang nililigpit ni Gaston ang mga gamit niya isang rekomndasyon ng isang malapit niyang kaibigan ang biglang muntik na niyang maligtaan.
"Anna Julia sandali lang! kasi,,,, Inirekomenda kita sa isang kaibigan ko! Para kumanta sa isang Singing Bar. Ahm, Malaki daw ang kitaan doon kasi, mga big time ang mga nagsisipunta doon! Ano pumapayag ka na? Sayang naman kung hindi, Malaking bagay na rin 'yon para makatulong sayo."
Habang sinasabi ito ni Gaston ngumingiti naman ang mukha ni Anna Julia may pang dagdag na rin siya sa mga bayarin sa hospital, at maaari na niyang mailabas ito sakaling sabihan na siya ng doctor.
"Gaston Pasensya na ha! Gustuhin ko man sanang puntahan 'yon, Kaya lang, Wala kong maisusuot na magandang damit! Ayoko naman na, Mapahiya ka ng dahil sa akin! Uuwi na lang ako! Salamat! na lang sa alok mo."
May pang hihinayang at lungkot ang namayani kay Anna Julia. Kapag maralita ka kailangan mong kumayod buong mag hapon. Pero kahit na buong sikap mo pa rin gawin iyon hindi pa rin pala sapat para maitawid ang pang araw –araw na buhay. Pahakbang na sana siya si Anna Julia para umuwi na lamang nang bahay at kalaunan samahan ang kanyang inang maysakit sa hospital pero pinigilan siya sa braso ni Gaston.
"Anna Julia Ako nang bahala sa lahat! Alam kong 'yon naman ang gusto mo! Ang maging kilalang singer."
Hindi nya maitangi sa sarili na gusto niya ang kumanta sa harap ng mga bigating manood na iyon at mapakingan ang himig ng kanyang awit. Pero hindi niya gusto ang abusuhin ang kabutihang loob ni Gaston.
"Gaston,"
Wala ng nagawa ang hiya ni Anna Julia ng hawakan na ni Gaston ang kanyang mga kamay at umalis na sila. Pero bago sila pumunta doon pumunta muna sila sa kakilala nito na babae para humiram ng maisusuot ni Anna Julia sa Singing Bar. Kasunod nito isa pang kaibigan ang kinatok ulit ni Gaston para pagandahin ang dalaga sa gabi ng pagtatagumpay nito. Nang marating na nila Gaston, at Anna Julia ang naturang Singing Bar halos maubusan na sila ng hininga sa pagtakbo. sa pangambang baka hindi sila umaabot sa itinakdang oras pag labas pa lang sa taxi tinatakbo na nila iyon.
"Mabuti naman at dumating ka na! Sya na ba? Humahanap na ang mga tauhan ko ng kapalit niya, Mabuti nakaabot kayo!"
Wala ng nasabi ang dalawa kundi ang maghanda na sa performance na kanilang gagawin. Kinakabahan man pero naroon ang paniniwala ni Anna Julia na magtatagumpay iyon.
Everytime I look at you I wonder
If I'll ever find the words to say
How I feel each time were together
It's so new to me baby can't you see
There's a light in my eyes that shining
It was never really there before
A lovely melody keeps bringing in my heart for you
Don't you hear it too
Everytime I look at you I wonder
If I'll ever find the words to say
How I feel each time were together
It's so new to me baby can't you see
There's a light in my eyes that shining
It was never really there before
A lovely melody keeps bringing in my heart for you
Don't you hear it too
'Coz you color my world with your laughter
And you paint a pretty picture of love
I finally found the only thing that I'm after
I'm happy to be here with you
'Coz you color my world with your laughter
You light up my life with your love
I can't explain all the joy that I'm feeling
So I sing for you
This one's for you
Ooohhh
Sa mga malulungkot na sandali nang buhay ng Pinoy Hollywood actor na si Sigundo Sajardo pinapasya niyang magpunta doon sa isang lugar na kanyang pag mamay-ari, at, kung minsan nagpapagaan ng loob niya ito ay ang Singing Bar na ang tema ng mga awitin ay malulungkot. Kung kaya mabilis na tinatangkilik ng mga sawi sa pag-ibig. Ang mga singer na kinukuha doon ay hindi pernamente. Isang gabi sa, bawat araw iba-ibang janra nang singer ang mapapakingan.
"May Sasabihin ka Mr Dean?"
Tanong ni Sigundo ng nakababa na siya sa loob ng sasakyan.
"Sigundo Sigurado ka bang,,, Hindi mo talaga gustong pag-usapan natin ang tungkol doon sa paghina ng karera mo? Sabi ng Lola mo makababalik ka lang kung, may isang babaing singer ang mahahanap! Nakita mo na? Hindi ka nila hinuhusgahan! Sa halip binibigyan ka pa nila ng pagkakataon patunayan ang sarili mo. At tungkol naman doon sa telebisyon, Kung papasukin mo 'yon, Handa ka nilang tanggapin At.... "
May gusto pa sanang idagdag doon si Mr Dean pero hindi na rin iyon ginustong pakinggan ni Sigundo alam niyang hindi niya ganoon kadaling ganap na mababago ang isip ng publiko. Kung kaya hinintay na lang niyang maharap ang, bagay na iyon sa pamamagitan ng pananahimik. sa ganoon paraan umaasa siyang maitatama ang maling aligasyon patungkol sa usapin nila ni Dubraska.
"Mr Dean Hindi ako nagpunta dito para doon! Sana man lang maisip mo na, May tamang panahon para itama ang maling paratang 'yon! Tayo na sa loob gusto ko nang maaliw."
Pagpasok nila sa loob ng Singing Bar umasa si Sigundo na mapapawi na ang lungkot niya sa pakikinig sa singer na inupahan. Pero sa halip na maaliw iba ang nangyari naabutan nilang maingay at nagkakagulo ang mga naroon sa loob ng kanyang Restaurant.
"Mr Dean ikaw na ang bahala sa dalawang 'yon. Aalamin ko kung anong nangyari dito!"
Agad na sumunod sa kanya si Mr Dean. at matapos nito si Sigundo mabilis siyang pumunta sa pamunuan ng naturang Bar para maunawaan ang naganap. Samntala ng abutan ni Mr Dean ang dalawa sa labas nang Bar bigo na siyang malapitan ito at makausap. sa gayon malaman sana ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit ng mga naroong nakinig ng musika ng dalawa. Sinubukan niyang habulin ang taxing sakay sila pero ilang saglit pa nang maunawaan na walang ng dahilan para sila ay habulin pa Pinasya na lamang niyang bumalik sa loob at ibalita ang nangyaring yon kay Sajardo.
"Umpisa pa lang po, Sinabi ko naman na sa kanila ang tema ng dapat nilang ikanta! Kaso hindi naman po, namin inakala na kakanta ang babaing 'yon ng ganoon! Sa tagal ko na rito Boss! ngayon lang may nangyaring ganito."
Sandaling napawi ang galit ni Sigundo ng marinig niya na isang babae ang kumanta. Naroon na si Mr Dean na nasa likod lang ng aktor at narinig din ang lahat.
"Sige na! Kayo na bahala dito!"
Pagkasabi niya tumalikod na ito at umalis. sinundan siya ni Mr Dean para muling buksan ang usapin kaugnay naman sa kasunduan nang Executive Producer. Ngayon na may pagkakataon na ang actor para muling ibalik ang nawala sa kanyang career Umasa si Mr Dean na masisilayan na ang ngiti sa mukha ni Sigundo.
"Sigundo Ano sa palagay mo? Hindi ba mabait ang Deus sayo? Ito na ang oras na hinihintay mong mangyari! Hindi ba?"
Pero sa halip na tuwa minabuti na lang ni Sigundo ang iuwi ang saya sa lungkot. Alam niyang hindi lang doon natatapos ang lahat.
"Mr Dean Pagod na ko! Umuwi na lamang tayo!"
Hindi lubos ganap na maunawaan ni Mr Dean ang lungkot sa mukhang yon ng aktor. nag walang kibo na lang siya, at umasa na magbabago din ang lahat.