Kina–umagahan binisita ni Anna Julia ang kanyang Ina na nasa loob ng silid ng Hospital. Tinanginan na ito ng Doctor ng ilang buwan. Sa simula hindi agad naniwala si Anna Julia sinubukan niyang kumunsulta sa ibang Doctor baka nagkamali lang ang Doctor sa una nilang nilapitan. Pero walang nagbago ganoon pa rin ang napag-alaman nila. May brain tumor daw ang Ina nito taglay daw niya ang sintomas ng may ganoong kondisyon. Dahil sa pangyayaring iyon ang hikaos nilang pamumuhay lalo lamang bumigat. Isang dating bayarang babae ang kanyang Ina para mabuhay kumapit sa patalim ito noong mga panahong bata pa lang sila ng magkapatid. Para makatulong lumalagi si Anna Julia sa mga Singing Contest sa kanilang lugar kasama ang kapatid na si Milena, at, ang kababatang si Gaston. Isang araw umuwi ang kanyang Ama galit na galit ito dahil hindi daw tumupad sa usapan si Milena na samahan na ang mag-asawang balo sa ibang bansa sa ganoon paraan umasa ang padre de pamilya na giginhawa na ang buhay nilang hikaos.
"Milena Nakukuha ko ang gusto mong sabihin, Pero isipin mo, Hindi ba sa isang banda matutulungan mo na kong, Iayos ang pamilyang ito!"
May katwiran si Anna Julia pero hindi naman kaya ng konsensiya ni Milena ang iwan ang kapatid sa responsibilidad na mag-isa.
"Hindi! Anna Julia, Paano kung gawin din ito sayo ng Itay? Sino ng mag-mamalasakit sa ating Inay?"
Mahirap na pasya, mabigat sa loob ang isiping yon. pero ang pagkakataon na ang kusang lumalapit. Sa dulo nito pareho man naging masakit sa loob ng magkapatid ginawa pa rin ni Milena ang tingin niyang magpapabago ng masamang gawi ng kanilang Itay. pero mula ng nawala si Milena hindi na rin umuwi ang kanilang Ama. ganoon pa man malaki ang paniniwala ni Anna Julia babalik ang kanyang Ama, na magkakasama silang pamilya, at magiging masaya. bumilang ang isang araw, at ang isang araw, naging buwan, at buwan, naging taon. pero wala pa rin ang Ama ng tahanan na pilit na hinintay ng mag-Ina hanggang sa dumating ang araw na napabayaan na ng kanyang Ina ang sarili nito dahilan para siya ay dapuan ng karamdaman.
"Tao po!"
Tawag pansin ng ilang pulisya sa bahay nila Anna Julia.
"Sino? Ahh! Bakit po?"
Takang naitanong ni Gaston sa mga pulisya.
"Dito ho! ba nakatira si Abner Hernandez?"
Nang marinig ito ni Anna Julia sandaling iniwan muna niya ang Inang may iniindang karamdaman at mabilis na hinarap ang pulisya.
"Itay ko po 'yon! Ano pong ipaglilingkod namin sa kanila?"
Nagsisimula ng kabahan si Anna Julia pagkakita sa mga pulisya batid niyang may hindi na naman mabuting ginawa ang kanyang Ama.
"Bueno! kung ganoon, Maaari bang pumasok sa loob? May search warrant kaming dala sayong Ama! Kaugnay ito nang pagkakasangkot niya sa pagkuha sa mga menor de edad na anak ng isang alkalde doon sa isang probinsya."
Buong akala ni Anna Julia mabubuo pa niya ang pamilyang sinira na nang kasalanan pero bigo siyang natupad iyon. Nahuli ng mga pulisya ang kanyang Ama sa akto ng pagdadakip sa parehong pulitikong mga anak din ang target nito.
"Itay? Paano nyo nagawa ito sa amin ng Inay? Buong akala ko ang Ate na ang huling menor de edad na gagawan nyo nito! Alam nyo umasa kami ng Inay na, Babalik kayong wala na sa dating ninyong kinagisnan. na, Maayos tayong pamilya! pero, Bakit ganoon? umasa lang pala ako sa wala! Alam nyo Itay? Tinanong nyo ba ang sarili nyo kung, Bakit pumayag ang Ate na gawin nyo 'yon sa kanya?"
Walang tigil sa pag-iyak si Abner batid niya ang pagkakamaling iyon at handa niyang pag-bayaran anuman ang kahahantungan nito. Pero ang hindi niya kaya ang magising sa katotohanang lumayo na ang loob ng kanyang anak.
"Anak! Anna Julia Bago mo sana isiping husgahan ako, Sana man lang, Pakingan mo muna sana ang dahilan ko!"
Pero huli na ang lahat. ganoon na lamang ang pag-sisisi ni Abner nang umalis na sa harapan niya ang anak. masakit isipin na umabot si Abner sa puntong iyon. pero inihanda na niya ang loob niya para dito.
Sa Acapulco kung saan tahimik na nagbabakasyon ang Ramp Model na si Dubraska tila tinamaan siya ng konsensiya matapos ang ginawa niya umano sa Pinoy Hollywood Actor na si Sigundo. Sa siyudad na iyon kanyang napagtanto ang pagkakamali niya kaya ng magbukas siya ng kanyang social media menansahe niya ang tinitingalang actor ng lipunan.
"Ang akala ko sabi mo hiwalay na kayo ni Sigundo? Bakit parang, Nag iba 'yata ang ihip nang hangin?"
Gulat na nilogout ni Dubraska ang kanyang social media hindi niya namalayan ang biglang pagsulpot na iyon ni Constanza.
"Puwede ba? Constanza! Sa susunod na papasok ka sa kuwarto ko, Matuto kang kumatok! Hindi ka siguro naturuan ng magulang mo ng, Salitang manners!"
Tila nagdamdam ng bahagya si Constanza dahil parang may mali sa kanyang narinig.
"Dubraska Tama bang narinig ko sa'yo? Hindi ba dapat ikaw ang mahiya sa sarili mo! Dahil baka nalilimutan mong, nakikitira ka lang dito! Kung tutuusin dapat nga! tinutulungan mo ko sa mga bayarin ko dito sa bahay na ito! Pero dahil kaibigan tayo, Hindi ko 'yon gagawin sa'yo! kasi, What friends are for?"
Nang sandaling iyon nahiya si Dubraska sa sarili dahil sa wala na siyang ibang mapupuntahan, at sa bansang iyon ay hindi naman siya ganoon kasikat. Hindi tulad ng kanyang nobyo na pumasok man siya sa siyudad na iyon kahit sino walang hindi makakakilala sa kanya.
"Pasensya na Consanza! kasi,,, Nabigla lang kasi ko!"
Mabilis na ngumiti sa kanya si Constanza. at kalauna'y niyakap siya nito. tanda na hindi na ito galit.
"Ano ka ba? Dubraska! Sabi ko nga! sa'yo Wala na 'yon! Maiba ako plano mong bumalik sa buhay ni Sigundo! Tama ba?"
Alam ni Dubraska na hindi niya maaaring itangi iyon kay Constanza at dahil mahabang usapan iyon inalok niyang maupo sila sa higaan at doon niya sinimulan ibahagi ang plano niya para sa aktor.
Sa pasilyong iyon ng Hospital inabutan ni Gaston si Anna Julia nakaupo at tila malalim ang tingin.
"Anna Julia? Nanghihinayang ka ba dahil hindi natin nakuha ang talent fee na, pinaghirapan natin? Para sa mga pangangailangan ng iyong Inay, at Para na rin sa mga utang na dapat mong bayaran. Puwede mong isisi sa akin ang lahat! Huwag kang mag-aalala, Tatanggapin ko lahat ng maririnig ko sayo!"
Kung tutuusin kung sinunod lamang ni Anna Julia ang bilin sa kanya ni Gaston marahil malaking bagay na rin ang perang iyon. pero dahil sa gusto ni Anna Julia na maiba ang tema nang kanta umuwi silang parang isang talunan.
"Gaston Wala sa isipan ko ang sumbatan ka! Ang totoo nito nasa akin ang pagkakamali! Sinubukan ko lang naman kung pwede, Dahil baka sa kanta kong 'yon, Mabago ko ang himig ng kanilang paniniwala!"
Hindi maipaliwanag ni Gaston kung bakit ganoon na lang ang bilib niya sa dalaga. Sa kabila nang pinag dadaanan nito nakita nya sa mukha niya ang tibay nang loob. pero wala pa man isang saglit na natakasan na ni Anna Julia ang lungkot muli na naman siyang tinatawag ng unos. Napansin niyang tila naaalarma ang ilang nurse at papunta iyon sa silid ng kanyang Inay wala ng sinayang na sandali sina Gaston, at Anna Julia habang palapit sa silid nang kanyang Inay mabilis ang tibok ng puso niya. Umiiyak na siya ng sandaling iyon pero nagpasalamat sya dahil naroon si Gaston hindi siya iniwan nito sa gitna nang ganoong sinusubok ang kanyang tatag.
"Anna Julia Tama ba? Pinapupunta ka ng iyong Inay sa loob. May ilang minuto ka pa, Dalian mo lang!"
Hindi na nag aksaya ng panahon si Anna Julia batid niyang oras na lang ang nalalabi na ibig ipakahulugan ng Doctor.
"Anna Julia Anak! Alam kong marami ka ng pasanin sa buhay mo! pero, Huwag mo sanang kaligtaan ang kapatid mo. Maaari bang hanapin mo siya? At ang iyong Itay, Puwede bang patawarin mo na sya."
Sinikap ni Anna Julia na hindi patulan ang huling habilin na iyon. pero ng marinig ang Amang dahilan ng karamdaman ng kanyang Ina hindi niya magawang magsawalang kibo na lang.
"Galit ako sa kanya Inay! Dahil sa kanya, Hindi mangyayari ito sa inyo kung,,,, Tumigil na sana siya noon, Hindi sana nawala sa atin ang Ate, Hindi sana ako mag-isang haharap sa hamon nang buhay na ito.,,,"
Lahat ng nararamdaman niyang bigat sa dibib kanya ng nilabas. kahit alam niyang hindi iyon makabubuti sa kondisyon ng kanyang Ina pero nagawa niya ng hindi sinasadya.
"Huwag kang ganyan Anna Julia, Ama mo pa rin siya! Hindi galit ang dapat mong maramdaman mo sa kanya, Sana matutunan mo rin ang mapatawad siya!"
Ang huling salitang pakiusap nang kanyang Ina. at kanyang narinig.
Matapos na ipagluksa, at, ilibing ang kanyang Ina pinagtuunan niyang simulan hanapin ang kapatid na si Milena. Sa bagong yugtong iyon umasa siyang magiging isa silang magkapatid na magtutulungan tulad noon. Viral sa Social Media ang umano'y pag bisita ni Anna Julia sa Singing Bar para doon kumita. magugunitang hindi nagustuhan ng mga bigating tagapakinig nito ang kanyang kinanta hindi dahil sa siya ay sintonado kundi dahil sa hindi nasunod ang alituntunin ng tema ng Restaurant na pag mamay-ari ng Pinoy Hollywood Actor na si Sigundo Sajardo. Sa kabila nito umani ng magagandang papuri ang singer nang oras na iyon walang ideya ang Pinoy Hollywood Actor sa ganap na iyon abala siyang tumutugtog ng kanyang Piano sa loob ng kanyang bahay at kalaunan ay sinasabayan pa niya ito sa pag kanta sa awiting may pamagat na "Bukas Sana." Habang patuloy siyang kumakanta gayondin ang pagtutog nang piano hindi niya namamalayan ang pagdating doon ni Anna Julia pinapunta siya roon ni Zoila Lola ni Sigundo.
Sana Ang Bukas,
Ay panghabang buhay,
Sana, di matapos,
Ating bukas kailanman.
Napalingon at napatigil sa pagtututog ng Piano si Sigundo ng marinig ang isang magandang himig ng dalaga.
"Magandang Araw sa'yo!"
Nakangiting bati sa kanya nito nang mapansin tumigil ang tugtog ng piano.
"Wait a minute, Do I know you?"
Handa na sana siyang sagutin ni Anna Julia pero ang Lola ng actor na si Zoila na ang siyang nagpaunawa sa kanyang popular na apo na kadadating lang doon.
"Hindi ka siguro marahil updated sa Social Media, Kaya hindi mo siya ganoon makilala!"
Ngumisi sa kanya ang apo na bahagyang hindi ganap na lubos naiintindihan ang nangyayari.
"So Grandma! Do i have to know her?"
Tumayo na sa upuang yon si Sigundo at bahagyang lumapit pa sa kanyang Lola at sa dalaga. Bagay na sadyang hindi iyon naibigan ng kanyang Lola.
Sigundo,,,,
Pakiramdam ni Zoila may hindi gustong sabihin ang kanyang apo dahil napapahiya siya nito sa bisitang si Anna Julia. Malaki ang paniniwala niya dahil iyon sa Beauty Queen napag alaman niya kay Manalo na sinugod ito ng kanyang apo. habang sa isang tabi ang walang kibong si Anna Julia ng madama na tila umiinit na ang usaping iyon nahiya sa sarili.
"Ahhm! Mawalang galang po sa inyo! Siguro aalis na lang muna ako!"
Hahakbang na sana si Anna Julia para lumayo na sa pangyayaring iyon pero mabilis na naging maagap ang kamay ni Sigundo para pigilan ang pag-alis ng dalaga.
"Sinong nagbigay nang permiso sayong, Umalis na?"
Halos kumabog ang pintig ng puso ni Anna Julia ng magtama ang kanilang mga mukha ng actor. Ito ang unang pagkakataon na naramdaman niya iyon.
"Sigundo ikaw na bahala sa babaing 'yan! Alamin mo ang dahilan kung, Bakit narito siya? Para magawa 'yon, Hanapin mo sa Social Media!"
Nabura ng pangyayaring iyon ang bahagyang alitan ng mag Lola. Sa isang banda umalis si Zoila ng may ngiti sa labi. maya-maya halos sabay na lumayo sina Sigundo, at Anna Julia nang matauhan na wala na roon ang Lola ng sikat na actor mabilis na tinignan ni Sigundo ang kanyang Social Media at doon unang umagaw ng pansin niya ang isang mensahe hindi nya na sana ito pagtutuunan ng pansin pero inisip niyang baka doon niya maaaring unang matagpuan ang sagot sa tanong na nag-papausisa sa kanya. Pero sa kanyang hangad na masagot iyon poot ang tangi niyang nadama dahil ang mensahe nagmula kay Dubraska. Humihingi ito ng kapatawaran sa actor sa nagawa niya batid ng Ramp Model na hindi iyon ganoon kadaling makuha. Pero umaasa siyang sa kanyang daw pagbabalik sa Pilipinas gagawin niyang itama ang lahat makamit lang ang inaasam nitong tawad. Dahil dito nag wala si Sigundo at ang lap-top na gamit niya ang nakitang dahilan para ilabas ang namumuot niyang pagkasuklam sa babaing sumira ng maganda niyang reputasyon sa lipunang minamahal siya ng mundo.
"Siguro kailangan ko ng umalis! May mahalaga pa kasi kong iniwang gagawin."
Ramdam ni Anna Julia na kahit hindi sabihin sa kanya ng aktor alam niyang wala na ring saysay pa ang tumagal siya doon. pero ng humakbang na siya palabas si Sigundo may gustong matiyak sa babae.
"Sabihin mo sa 'kin! Anong sinabi sa'yo ng Lola ko? Ikaw na ba, 'yung babaing hinahanap para sa isang malaking pagbabago sa buhay ko?"
Ganoon na lamang nabigla at nadismaya si Anna Julia nang makita ang magalit sa kanya ng ganoon ang Pinoy Hollywood Actor ganoon pa man nabatid niya ang pinanggagalingan nito nang hindi sinasadyang mabasa nya ang mensaheng iyon. nang kanya iyon ibalik sa mesang naroon. Naawa siya para sa actor sa kalungkutan nito buhat nang makita niya na sinusubukan nitong lunurin ang sarili sa alak. Baka sakaling doon gumaan ang nabibigatang loob nito.
"Hanggang ngayon patuloy mo pa din siyang hindi mapatawad sa nagawa niya sa'yo ni Dubraska! Pero sana Sa pagbabalik niya sa buhay mo, magawa mo na siyang mapatawad."
Nagpanting ang tenga ni Sigundo sa sinabing ito ni Anna Julia. sa isang banda ginawa ng dalaga iyon para sa kapatid niyang si Dubraska na nagmamalasakit lamang. nalaman ni Anna Julia na kapatid niya si Dubraska ng mapadaan sila ni Gaston sa isang National Book Store sa Mall para itanong sa mga naroon kung kilala ba nila ang babaing hawak niyang litrato dahil sa walang malay ng dalaga sa kaganapan sa kanyang kapaligiran, at, dahil sa abala na mapabuti ang lagay noon ng kanyang Inang may malubha ng karamdaman hindi niya agad na bigyan pansin ang Ramp Model.
"At anong karapatan mong manghimasok sa bagay na 'yon? Sino ka ba? Hindi kaya, isa kang taga-hanga niya na, binayaran nya? Ngayon malinaw na sa akin! Kaya ka nag paviral sa gayon, Gusto mong,,,, Ikaw naman ang mahalin ko! Pagkatapos sa bandang huli sasaktan, at iiwan mo din."
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Anna Julia kay Sigundo na hindi nya sinadyang gawin.
"Para sabihin ko sa'yo, Hindi ako ang ganoong klaseng babae! At gusto kong malaman mo, Dahil sa sinabi mong 'yan, Hindi ko na tatangapin ang alok ng Lola mo! Hindi na ko pipirma ng kontrata. Oo maaaring mahirap lamang ako, Pero marangal ang pagkatao ko! Ganyan ba talaga kayong mayaman, Tingin sa aming mahirap kapit sa patalim, sa oras ng pangangailangan?"
Nang magkagayon nagising sa kamalayan ng galit si Sigundo kanyang napagtanto ang maling nasabi sa dalaga. Nang hihingi na siya ng tawad pinili ni Anna Julia ang talikuran na lamang iyon at lumabas na lamang sa tahanang iyon na may kaba sa kanyang dibdib.
---