Nagsimula ng umarangkada ang karera ng Viral Sensition na si Anna Julia kasama ang sikat na Pinoy Hollywood Actor sabay nilang kinakanta ang himig ng awiting "Ang Aking Awitin."
Bakit 'di ko maamin sa iyo
Tunay na awitin ng loob ko
'Di ko nais mabuhay pa kung wala sa piling mo
Ngunit 'di ko pa rin maamin sa iyo (hah)
'Di malaman ang sasabihin 'pag kaharap ka
Ngunit nililingon naman 'pag dumaraan ka
O, ang laking pagkakamali kung 'di n'ya malalaman
Kaya sa awitin kong ito ipadarama
La la la la la, la la la la,
La la la la la la, la la la la,
La la, la la, la, la,
Sa awitin kong ito ipadarama
Doon nagtapos ang kanta na nairecord sa isang Record Music Company. Matapos nito deretso naman si Anna Julia sa isang tv talk show.
"Magandang Umaga sa inyo! Ngayong, araw isang special na panauhin ang makakasama natin! At masasabi kong, Walang, hindi nakakakilala sa kanya, Atin nang tawagin, Si Miss Viral Sensition Anna Julia Lombardi,,,"
Palakpakan, hiyawan ang tanging narinig sa loob ng Studio ng lumabas si Anna Julia. Nang lumaon pinaupo na ng host ang bisita.
"Magandang Umaga Sa inyong lahat!"
Nakangiting simula niya. Sa ganitong pangyayari malaking bagay ang tulong na ginawa sa kanya ni Gaston kumuha siya ng private tutor para turuan siyang maging eligante, at pino kung magsalita sa harap ng telebisyon.
"Anna Julia Maraming netizens Sa Social Media ang napapaisip, Paanong nangyari na, Ang isang karaniwang gaya mo ay napunta doon mismo sa Restaurant ng bigating, actor na si Sigundo Sajardo?"
Pang iintriga ng host sa Singer.
"Siguro dahil ito sa isang kaibigan ko! Kundi sa kanya wala ako sa kinalalagyan ko ngayon, Kaya salamat sa kanya!"
Tugon niya sa host.
"Ngayon balita ko nagsimula ka ng makatrabaho sya? tama? Kamusta sya sa'yo? Posible kaya na, Ma in love ka sa kanya? Alam mo naman siguro na naisyu siya sa isang Beauty Queen? at naging dahilan ito ng hiwalayan nila ng Ramp Model! ang tanong ko, Handa ba ang puso mo,,,, para dito?"
Umiiling-iling at natawa na lang si Anna Julia sa narinig mula sa host ng programa alam niyang ang tulad ng actor imposible mahalin siya nito dahil sa estado ng pamumuhay niya.
"Ma, in love? Hindi pa yata sumagi sa isipan ko ang ganyan! Nagsisimula pa lang naman ako, Pero kung dumating man ang panahon na 'yon, Bahala na! Ayokong mainvolved sa kanya! Ewan ko kung, Paano sya magmahal! Siguro in right time, I'll try! Kung walang magagalit?"
Natutuwa na lang siya sa sinabi niya habang binigyan naman ng background music ang naging tugon niya dito. Pero sa isang banda hindi niya kayang itago sa sarili na gusto niyang maranasan ang mahalin siya ng aktor sa kahit anong paraan. Pero minabuti na lamang niyang isantabi ito dahil batid niyang pagmamamay –ari na siya ng kanyang kapatid na si Dubraska. At ayaw niyang maging komplikado ang lahat sa kanilang dalawa.
"Okey! Dyan lamang kayo at marami pa tayong malalaman Sa Viral Sensation, Sa pagbabalik 'yan, nang "Paparazzi.",,,,,,,"
Panandaliang pinutol ang panayam na iyon para ipatawag ang Pinoy Hollywood Actor doon sa kanyang dressing room. Hindi alam iyon ni Anna Julia. na, Nang sandaling iyon lihim na pinanood ni Sigundo ang panayam sa kanya nang host nang naturang programa. Ilang saglit ang lumipas nagsimula na siyang mag-ayos ng sarili para sumalang sa programa.
Ilang oras ng hinahantay ni Gaston si Anna Julia doon sa sikat na Museyo nang mga pintor. Usapan kasi nila na magkita doon pagkatapos ng commitments niya. Gusto niyang ipakita ang magiging tagumpay niya sa larangan ng isang "Pintor."
"Ang ganda naman nang Obrang ito!"
Napalingon bigla si Gaston habang tenitext si Anna Julia.
"Ikaw pala Constanza! Anong ginagawa mo sa lugar na ito?"
Buong akala niya si Anna Julia na ang babaing iyon. Nang oras na iyon nagsimula na siyang malungkot.
"Hindi ba halata! Tumitingin ako ng mga ito! Kasi gusto kong iregalo sa kuya ko! Malapit na kasi ang birthday nya! Ang dami ko nang napuntahan pero, Ewan dito ko dinala ng mga paa ko eh! Ikaw? Anong ginagawa mo dito? Tumitingin ka din ba nang mga obra gaya ko?"
Dating magkasintahan sila Gaston, at Constanza pinaghiwalay sila ng tadhana dahil sa hindi pumabor ang pamilya ng dalaga kay Gaston.
"Ano? Ako 'yung, Nanalo doon sa poster making! At ang suwerte ko! Dahil hindi pa man naipasusubasta meron na agad nag bid!"
Parehong natawa sila Gaston, at Constanza.
"Ayaw mo 'yon? na ang dating karelasyon mo ang gagawa nito sa'yo!"
Muling sumilay ang halakhak sa mukha ni Constanza. Pero ng lumaon bumalik ang lungkot sa mukha ni Gaston at sumiple na tignan ang phone baka sakaling may sagot na sa kanya si Anna Julia.
Sa pagpapatuloy ng programang "Paparazzi" hindi pa doon natapos ang enterogasyon kay Anna Julia ng host.
"Alam nyo ba? Maliban Sa pagiging isang "Viral Sensation" nitong si Anna Julia! Pinasok na rin niya ang pagiging isang actress! Anna Julia? Paano naman nangyari ito? "
Bunyag ng host sa mga audience at maging sa social media kung saan exclusibong napapanood iyon ng lahat.
"Oo tama ka! Ganito kasi 'yan! May isang Producer kasi ng Pilikula ang lumapit, at, nag alok sa akin na mag artista! Siguro nagandahan sa akin! Nung una nga! Hindi ko pinansin, Iniisip ko na, Baka scam lang! Pero naniwala na ko nung sinabi sa akin ng kaibigan ko na totoo ang sinabi nang producer na 'yon!"
Sa kabila ng kaba pinilit ni Anna Julia na panatagin ang loob.
"Ano, naman ang kategorya ng pilikulang ito?"
Usisa ng host.
"Romance! Ang totoo nito, Hindi ko pa alam kung Paano ko iaarte! Pero sabi ko sa sarili ko Bahala na,,,,, Napag–aaralan naman 'yon!"
Tumango lang sa kanya ang host.
"May ideya ka ba kung Sino ang maaari mong maka pareha sa pilikulang ito?"
Paintriga pa sa kanya ng host at umiling sa kanya si Anna Julia.
"Sabi kasi sorpresa daw! Hindi na ko nagtanong, dahil Hindi naman yon ang mahalaga sa akin!"
Hindi na pinatagal pa ng host na ipaalam sa dalaga kung sino ang makakapareha niya sa pilikulang una nitong sabak sa showbiz.
"Bueno magulat ka kaya kung sabihin ko sayo na, Si Sigundo Sajardo, lang naman iyon! Tawagin na natin sya ang nag–iisang Pinoy Hollywood Actor Mr Sigundo Sajardo,,,,,,"
Hindi iyon inasahan ni Anna Julia, kahit ang paniwalaan pa iyon tila mahirap sa kanya gusto niyang isiping isa lamang iyong panaginip, pero ang reyalidad ng buhay naroon sa katotohanang hindi iyon basta panaginip lamang. Habang palapit ang aktor sa kanya binigyan siya ng romance background music ng programa bagay na tila nagpatigil ng mundo ng Viral Sensation. Sa unang pagkakataon natuklasan ni Anna Julia ang dahan-dahang pagkahumaling niya sa Actor. May dala itong bouquet na lalong nagpatindi ng kanyang kaba. Pero sa halip na ilabas ang nadaramang kilig minabuti na lang niyang ilihim ito sa sarili dahil naniniwala siyang magiging masakit lang sa loob niya ang mahalin ang aktor.
Sa isang Fashion Show ng isang kilalang Fashion Designer inirarampa nang ilang modelo ang mga likha nitong Gown kabilang dito si Dubraska, at si Emperatriz na naimbitahan para magsuot ng nasabing damit.
"Grabe Sweet! Hindi ako makapaniwala! Ako ang nagsuot ng huling gown para sa fashion event na ito!"
Hindi maipinta ang tuwa sa mukha ni Emperatriz sa nangyaring iyon.
"Nakita mo ba 'yung mukha ni Dubraska nang malamang Ikaw ang nagsuot no'n?"
Tila may pang-aasar sa tono ng pananalita ni Sweet. Nakalapit na doon si Dubraska at, hinahantay na lamang niya ang maaaring masamang bibig na manggagaling kay Emperatriz.
"Sweet Ano ka ba? Nasa public place tayo oh! 'yung bibig mo naman! Alam mo? Hindi mo dapat sabihin 'yan! Kapag may ibang nakarinig isipin pa nilang sinisiraan pa natin si Dubraska!"
Pagmamalasakit ni Emperatriz pero ang ganoong kababaang loob minasama na agad ni Dubraska.
"Oh Bakit? Hindi nga! ba? Emperatriz? Puwede ba? Huwag kang umarte dyan na parang isang maamong tupa! Ang totoo kinuha mo lang naman sa akin 'yung dapat na sa akin lang! Tulad na lang naman halimbawa nang pagtanggap mo ng offer para lang landiin ang nobyo ko,,,,,,,"
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Emperatriz kay Dubraska.
"Sumusobra ka na Dubraska! Bago mo sana akong pagbintangan,Tanungin mo muna sarili mo! Pareho tayong nasa mundo ng industriyang ito! Hindi ba? Dapat lang na gawin ko 'yon! Dahil bilang isang respetadong Beauty Queen, Karangalan Sa akin ang makatrabaho ang, Pinoy Hollywood Actor na, si Sigundo Sajardo!"
Dahil sa sinabing iyon ni Emperatriz dumaloy sa puso at isipan ni Dubraska ang galit. Dahil doon nagawa niyang sampalin si Emperatriz doon sumiklab ang naipong poot sa dibdib ng Beauty Queen ng nadama ang sakit ng pagkasampal nito nasabunutan nya si Dubraska at nagkaron ng gulo.
"Anong kaguluhan ito?"
Pagalit na tanong ng designer. Maraming nakapaligid na bigating tao ang nandoon na, nagsisibulungan sa naganap. Si Dubraska ng madama ang kahihiyan naisip niyang humanap ng damay sa nangyari at, si Emperatriz ang nakita niya.
"Otilia! Bakit hindi mo tanungin ang malanding, mariparot na babaing 'yan? Narinig kong sinisiraan ka nila! Ang sabi ng Emperatriz na 'yan na, Ang chichipipay daw ng mga Gowns mo!"
Hindi na inasahan iyon ni Emperatriz bagaman naroon ang pagkabigla sa narinig.
"Hoy! Ikaw nga! itong naunang nanakit kay Emperatriz! Tapos ngayon sisiraan mo pa siya kay Otilia! Mahiya ka naman sa sarili mo Dubraska!"
Pagtatanggol ni Sweet kay Emperatriz sa ganoon paraan umasa sina Emperatriz at Sweet na papanigan sila ng sikat na Fashion Designer.
"Sweet? Hindi ba dapat na sa halip na si Dubraska ang sinasabihan mo ng ganyan, Bakit hindi ang mga sarili nyo ang sabihan nyo? Una sa lahat Emperatriz! Alam, mo naman na maselan ang lagay ni Dubraska, Dahil sa batang magiging anak niya kay Sigundo! Binigay ko sayo ang pagkakataon na ikaw ang huling magsuot ng Gown ko dahil, Tiwala akong bagay sayo ang rumampa sa huling Gown ko! Pero ang siraan mo ko patalikod masakit sa akin iyon! Tatanungin kita Emperatriz! May problema ka ba sa akin?"
Nag tagumpay si Dubraska sa planong iyon. kita iyon sa mukha niya pero ang masakit hindi maipagtanggol ni Emperatriz ang sarili dahil may katwiran si Otilia.
"Wala sa'yo Otilia! Mauna na kami, Sweet? Tayo na!"
Nahiyang lumabas sa loob ng naturang event na iyon si Emperatriz alam na niyang hindi lamang doon matatapos ang lahat magiging laman na naman siya ng balita sa Telebisyon at maging ng Social Media.