Chereads / Làgrimas En El Cielo / Chapter 4 - Kabanata 04

Chapter 4 - Kabanata 04

Abalang gumuguhit si Gaston ng kanyang Obra sumali siya sa isang poster making contest. Bawat kalahok pinagbubuti ang kanilang mga gawa dahil ang mapipiling panalo itatampok sa isang sikat ng museyo Sa Pilipinas. Habang gumuguhit isang ala-ala ng kahapon ang muling gumuhit sa nakaraan.

"Mama,Papa,Nuria. Anong?"

Hindi makapaniwala si Gaston ng makita ang kanyang pamilya na duguan,bulagta, at, wala ng buhay. Makalat ang buong loob ng bahay na iyon tila may bakas ng krimen ang naganap. Kanina lang ay sabik siyang ipaalam sa mga iyon ang naging panalo niya sa isang poster making contest sa Paris. Pero ngayon puno ng lungkot ang bumalot sa kanyang pagkatao.

"Gaston! Anong ginagawa mo dito?"

Naguluhan, at tila nalito si Gaston ng makita roon si Milena. Hindi naman insahan ni Milena ang pagbalik sa bansa ng kababata.

"Hindi ba ako ang dapat na magtanong sayo niyan! Milena? Anong ginagawa mo dito sa pamamahay namin?"

Sasagot na sana si Milena pero ng marinig ang putok ng isang baril naalarma ng husto si Gaston at mabilis na tinungo ang pinangyarihan ng insidente.

"Gaston sabi ko na sa'yo, Huwag ka ng pumasok sa loob nitong Opisina ng iyong Papa!"

Tumiklop ang mga kamay ni Gaston sa galit nang abutan niya pati ang abugado ng pamilya niya hindi sinanto.

"Milena? Sagutin mo tanong ko, Pakiusap! Kasabwat ka ba ng lalaking ito?"

Pinipilit kunbinsihin ni Gaston ang sarili na walang kinalaman si Milena na Maaaring napadaan lang ito sa bahay ng kanyang mahal na pamilya. Kahit alam niya sa sarili na hindi pa nya nadadala si Milena sa bahay na iyon kasama ang kapatid na si Anna Julia.

"Gaston?"

Umiiyak sa takot si Milena Naguguluhan kung sa paanong paliwanag niya ipauunawa sa kababata ang lahat.

"Sumagot ka,,,,"

Nanginginig sa takot si Milena nang marinig ang sigaw, at, nakita ang galit sa mukha na iyon ni Gaston kasabay nito sumimple siyang lumingon sa kanyang Ama na iniisaisa ang mga dukomento papunta sa tagumpay niya Itinuturing ng kanyang Ama na ang nagawang kremin umano nito ay isang malaking pagbabago para sa kanya kay Dubraska.

"Oo na Tama ka! Plinano namin ng Itay ito, Pero gusto ko sanang maging malinaw sa'yo, Walang kinalaman si Anna Julia sa planong ito!"

Masakit sa dibdib ni Milena na mapagbintangan siya nang ganoon kabigat na paratang pero alang-alang sa kanyang Inay, at, kapatid sumugal na lamang siya. sa takot sa kanyang Ama sa maaaring gawin nito para sa, kanilang siguridad.

"At pinagtatakpan mo pa siya! Tingin mo matapos ang nasaksihan ko, Palagay mo paniniwalaan pa kita! Milena kaibigan mo ko, Pero ngayon na nalaman ko na ang tunay mong kulay, Mabuti pa siguro na, Ito na ang huling araw natin bilang kaibigan mo!"

Pagkatapos bumaba na siya sa loob ng Opisinang iyon na may layuning isumbong sa mga otoridad ang krimen pero bago pa man makaalis pina-uulanan na siya ng bala ni Abner.

"Sige! Isang hakbang mo pa, Kung mahalaga pa sa'yo ang buhay mo, Hindi ka aalis dito sa loob ng tahanang ito nang, Hindi ko pa nasasabi ang dapat mong marinig!"

Nakatutok na ang hawak na baril ni Abner kay Gaston ng makababa na ito sa wakas. Habang si Milena naroon na ang kaba sa kanyang dibdib.

"Para sabihin ko sa inyo, Sapat na ang ginawa ninyong kremin! Maliban doon sarado na ang tenga ko sa mga paliwanag na maririnig ko sa inyo!"

Nang magkagayon kumilos ng bahagya si Gaston para lumabas ng pinto pero ng gawin nya iyon daplis sa braso ang kanyang natamo. Si Milena ganoon na lamang ang hiyaw nya ng makitang nabaril ang kababata.

"Itay,,,, Itigil nyo na ito! Nakuha nyo na naman na, ang gusto nyo! Hindi ba? Pakiusap! Patakasin nyo na si Gaston!"

Sinubukan tulungan ni Milena ang nahihirapang bumangon na si Gaston na makatayo mula sa pagkakabaril ng kanyang Ama pero iniwasan iyon ni Gaston sa pamamagitan nang distansiya.

"Baliw ka ba? Paano kung isuplong tayo ng lalaking 'yan sa pulisya?"

Sa galit at, walang magawa napilitan si Gaston na pagbigyan na ang gusto ni Abner.

"Abner? Kung Anuman ang gusto mong hayop ka! Sabihin mo na, Nang sa ganoon matapos na ito!"

Ngumisi sa kanya si Abner na tila nasasabik sa maaaring idulot nito kay Gaston.

"Para sa kaalaman mo lang naman, Ang lahat ng yaman ng magulang mo, Isinalin na sa pangalan ng babaing katabi mo!"

Hindi gustong paniwalaan ni Gaston ang sinabi ni Abner Pero ng sumagi sa isipan niya na naroon din ang abugado nila masakit man pero wala siyang magawa kundi ang paniwalain iyon.

"Time, is up! na daw, Ano ba? Hindi mo ba narinig?"

Gumising sa kamalayan na yon si Gaston at, napagtantong nag sisilabasan na ang ilang natitirang kasama niya sa palahok na iyon at, nang bumaling sa binatang pamilyar sa kanya.

"Braulio?"

Dala ng pagbabalik tanaw niya napakunot noo siya dito Ng lumuwas si Gaston papunta ng Paris para lumahok sa kumpitisyon na maging pintor nakilala niya si Braulio. Mula noon naging magkaibigan ang dalawa Pero ng lumaon hindi na rin sila nagkita pang muli, Nabalitaan na lang niya na minamatrato ang kaibigan niya nang kanyang kaanak dahil ulila noon hinanap ni Braulio ang sariling kapalaran.

"Kaya ba hinayaan mong sarili mo mapalapit sya sa'yo, Dahil sa gusto mong masiguro na, Katulad din siya ni Milena?"

Ang naging tugon ni Braulio kay Gaston matapos ilahad ang naganap noon sa buhay ng kaibigan. Habang nanananghalian sa isang Restaurant.

"Kung, 'yon ang tanging paraan para, malaman ang katotohanan, Bakit hindi?"

Kibit balikat pang patuloy ni Gaston.

"Look Gaston It's been a year Wake up! Siguro napatunayan naman na ni Anna Julia, Ang pagiging inosente niya! Tama ba ko?"

Tumango sa kanya si Gaston.

"Pero,"

May idadag, pa sana siya doon pero si Braulio may gustong iintindi sa kaibigan.

"Gaston? Hanggang kailan mo ba planong gawin ito sa kanya? Hindi ba, Sa halip na siya ang pagtuunan mo ng pansin, Bakit hindi ang tunay na salarin? Balita ko uuwi na daw si Milena este! Dubraska pala!"

Agad bumaling ang pansin ni Gaston sa dalaga. Ayaw man itanong Pero, hindi niya maiwasan lalo na at, malaki ang atraso ng babaing iyon sa kanya.

"Anong balita naman kaya ang hatid mong ito sa 'kin Braulio?"

Pero sa halip na sagutin sandaling tinapos ni Braulio ang kanyang pananghalian.

"Tayo na sa Airport! Doon ang destinasyon nya."

Ang huling salita ni Braulio bago sila tuluyang umalis.

Kasalukuyan nasa photo shoot sina, Sigundo, at, Emperatriz para sa isang commercial indorsment nila. Bagaman unang pagkakataon ito ni Emperatriz na makatrabaho ang Pinoy Hollywood Actor sa kabila ng mga panunuliksa ng mga tao sa kanya hindi niya hinayaang maapektuhan siya ng trabaho sa kanyang karera.

"Aalis ka na agad?"

Napatigil sa pagliligpit ng gamit si Emperatriz ng marinig ang pamilyar na tinig na iyon.

"Ikaw pala! Sigundo?"

Nagdumali na siyang ayusin ang mga iyon dahil wala roon si Sweet para, tulungan siya.

"Sandali nga lang! Emperatriz, Iniiwasan mo ba ko?"

Nahalata ni Sigundo ang ura-uradang kilos ng International Beauty Queen. Bagama't hindi lingid sa kaalaman niya na siya ang dahilan hiningi niya ang pagkakataon na iyon na makausap si Emperatriz.

"Bakit mo naman nasabi 'yon? Pero siguro nga! Sigundo Pakiusap lang, Ayoko lang kasi ng gulo! Ngayon na umaayos na ang lahat Siguro naman, Matatahimik na ko,,,,"

Aalis na sana doon si Emperatriz kundi lang nahawakan ni Sigundo ang braso niya.

"Patawad sa nangyari Emperatriz, Gusto kong malaman mong,,, Hindi ko ginustong madamay ka sa gulo namin ni Dubraska! Nahihiya ako sayo."

Nang oras na iyon naroon na sa loob ng Dressing Room si Sweet.

"Naiintindihan ko, At salamat dahil ginawa mo ito para kay Dubraska, Bueno aalis na ko, Ito na sana ang huling pagkakataon na mangyayari ito! Gusto kong ipaalam sayo na, Isang karangalan ang makarabaho ka!"

Pagkasabi niyang ito tuluyan na niyang iniwan ang actor sa, loob ng silid na iyon pero, lingid sa kaalaman niya ang pangyayaring iyon sinadyang kuhanan ni Sweet ng Video ng palihim at, agarang pinost sa social media. Paraan, nya ito sa paniniwala, na doon na magtatapos ang isyung sinimulan ni Dubraska.

Sunod-sunod na katok ng pinto ang gumambala sa pag-lilinis ng bahay ni Anna Julia animo'y gigiba na ang pinto sa tindi nang pagkatok nito.

"Aling Fusha? Kayo ho pala 'yan!"

Bungad na sabi ni Anna Julia na hindi inasahan ang pagdating nito.

"Saan na ang pangako mong mag–bibigay ka?"

Naka lahad na ang kamay ng matatanda kay Anna Julia na tila asang-asa na mabayaran siya.

"Ah! kuwan kasi,,,,"

Nang oras na yon nasa likod na ni Aling Fusha si Mr Dean.

"Huwag mong sabihin na iliban ka na naman? Anna Julia! Hindi biro ang nilabas kong pera para lang sa Nanay mo! Alalahanin mo na kung hindi dahil sa akin, Hindi mo mailalabas sa Hospital At, maililibing ang Nanay mo! Balita ko nag–viral ka? oh! Anong nangyari? Hindi ba dapat 'yung mga tulad mo marami ng mga offers?"

Naguluhan, at, tila nag–aalangan siya na makiusap muli sa matanda. alam niyang hindi na ito papayag pa na mabalewala ang pag punta niya. Natakot si Anna Julia na kasuhan siya ng estafa nang matanda.

"Mawalang, galang lang! Kung papayag kayo, Gusto kong magtanong? Magkano lahat nang pagkaka-utang sa inyo ng babaing ito?"

Bumusangot ang mukha ng matanda sa panghihimasok ng isang binata.

"Suma tutal nasa, One hundred fifty thousand pesos lang naman! Kaya mo ba 'yon?"

Walang cash na dala si Mr Dean pero may cheke itong binigay sa matanda pirmado iyon ni Sigundo. Kung tutuusin gusto niyang pasalamatan ang samaritanong ito pero sa kabilang banda napapa-isip si Anna Julia kung anong kabutihan ang nagawa niya para mangyari ito.

"Salamat pero, Huwag nyo sanang masamain! Bakit nyo ho! ba ginawa 'yon? Isa pa Sino po ba kayo?"

Ngumiti sa kanya si Mr Dean.

"Ako, si Mr Dean! Ang laging kasaka-sama ng Pinoy Hollywood Actor na si Sigundo Sajardo."

Inilahad na ni Mr Dean ang kanyang kamay kay Anna Julia bilang tanda ng pagkakakilala nila.

"Kung, tungkol ho! ito sa kontrata, Pasensya na sinabi ko na ito kay Sigundo. At nagkalinawan na kami!"

Taas kilay niyang nasabi.

"Bueno kung ganoon, Tingin ko dapat lang siguro na,,, Tanggapin mo na ang offer! Ano sa palagay mo? Anna Julia?"

Sa pamamagitan ng kanyang salita sinubukan ni Mr Dean na ilagay sa konsensya ni Anna Julia ang pabor na ginawa umano ni Sigundo para sa kanya. Malinaw kay Anna Julia na ginamit ang pagkakataon na yon para makuha ang loob niya ng actor. Gustuhin man niyang ibalik ang pera, at, pangyayari pero, alam niyang hindi ganoon kadali nya makukunbinsi si Aling Fusha dahil alam niyang may mga pangangailangan din ito. sa huli tinanggap na nya ang offer pasasalamat na lang nya sa actor.

"Mabuti naman na, At nakunbinsi ka ni Mr Dean! Anna Julia? Good job! sa kanya!"

Pero hindi kay Anna Julia batid niyang hindi sya magiging komportable lalo't makakatrabaho niya ang sikat na actor na labis na tinitingala ng buong mundo.

"Madam Zoila Mauuna na po ko!"

Ng makalabas na siya sa Library ng Lola ng actor dinalangin niya na huwag muna silang magtagpo ni Sigundo gusto niyang ihanda ang sarili mula sa nakaabang na pang huhusga ng mga tao sa kanya. Habang si naglalakad palabas hindi sinasadyang nagkabuguan sila.

Aray!

Hawak ang sumasakit na ulo dala ng banggaang iyon.

"Ikaw kasi,,,,,,, Hindi mo tinitignan dinadaanan mo,,,"

Napatigil sa iba pang sasabihin si Sigundo ng makilala ang babaing kaharap niya.

"Kasi naman ho! Kayo rin,,,, naman eh!"

Nakapikit pang iniinda ni Anna Julia ang nanunuot na pagtama ng ulo nila ng actor. At, ng kalaunan ng kanyang marinig ang pamilyar na boses na iyon napadilat sa kaba.

"Anong, ginagawa mo dito?"

Pagtatakang naitanong sa kanya nang actor.

"Kuwan kasi Ano? Ah! Pumirma na ko sa kontrata!"

Kinakabahang tugon niya sa pag-aakalang may galit pa sa kanya ang actor malumanay ang naging sagot niya dito.

"Ganoon ba? Sandali masakit pa ba 'yung, ulo mo?"

Agad na tinignan ni Sigundo ang bahagi nang ulong masakit sa dalaga. Nang magkagayon tila inuubusan na ng hininga si Anna Julia dahil sa labis na kabog ng kanyang dibdib.

"Yung tungkol nga ho! pala doon sa perang naibayad nyo sa pagkaka-utang ko, Ahm! Iawas nyo na lang 'yung kikitain ko dito! Kung kulang pa gagawan ko na lang nang paraan."

Para makaiwas na sa maaaring sabihin pa ng actor si, Anna Julia mabilis na humakbang palayo sa kanyang kinatatayuan.

"Saglit lang, Tungkol sa sinabi mo, Hindi mo sana masamain itong sasaihin ko pero, May naisip na kong plano para doon! Kung papayag ka, Magkita tayo bukas, Si Mr Dean na bahala sa lahat."

Hindi makuhang maintindihan ni Anna Julia ang gustong mangyari ng actor pero ganoon pa man pinilit niyang magtiwala dito.

"Sige ho! Aalis na ko."

Maya-mayang sabi na lang niya si Sigundo habang, pinapanood ang pag alis ng dalaga bumalik naman sa ang ala –ala niya sa naging usapan nila ni Mr Dean. Hindi ito sumasang ayon sa plano niyang ligawan ang dalaga sa layuning maunawaan kung iba ito kay Dubraska. Bagaman aminadong marami na syang naging karelasyon pero mula ng dumating si Dubraska sa buhay nya at, kalaunan ang pag–sasamang iyon ay nag karoon ng lamat dahil dito nahirapan na siyang ibukas sa iba ang kanyang puso.

Nang makauwi na si Dubraska sa Pilipinas pag-labas pa lang sa Airport sinalubong na siya ng mga Media.

"Dubraska? Anong masasabi mo tungkol sa kumalat na, Video sa social media na, Nagsasabi nga! talaga ng totoo ang International Beauty Queen?"

Hindi malaman ni Dubraska kung paano siya magrereact sa isyung ginugulantang siya.

"Tungkol saan ba ito? Sa totoo lang kababakasyon ko lang Abroad! kaya,,,, Wala kong ideya kung, Ano itong sinasabi nyo?"

Ngingiti ngiti pa siya sa harap ng media.

"Kaya ba ginawa mo 'yon, ay dahil sa gusto mong takasan ang katotohanan?"

Sabi pa ng isang mamamahayag. ng madamang napapahiya na siya sinikap ng Ramp Model na alalahanin ang sinasabi ng mga media. Nang magkagayon naisip ni Dubraska na kuhanin na ang pagkakataon na iyon para sakaling makarating ang balita kay Sigundo ay mabigyan niya ng katwiran ang nagawa niya.

"Hindi sa ganoon! kasi, I was so depressed that time! Nalaman ko noon Sa Doctor ko na, Buntis ako, At, wala naman ibang gagawa noon kundi Si Sigundo lang!"

Niyanig ni Arizmindi ang publiko sa pag-aming ito ang mga mamamahayag na kinapapanayam siya nag sisibulungan na wari'y hindi makapaniwala.

"Kung totoo man ang sabi mo, Bakit inilihim mo pa ito sa lahat? "

Hindi napigilang usisa nang isang mamamahayag.

"Tulad nang sabi ko, Depressed ako ng panahong 'yon! Kaya minabuti kong lumayo muna sa maingay na mundong ginagalawan ko! 'Yon ang totoo! Nasa inyo na kung, Paano nyo isusulat 'yon!"

Pagkasabi nito mabilis ng umiwas ang Ramp Model sa mga tanong pa ng Media. at sumakay sa magarang sasakyan.

"Deretso Tayo Sa bahay."

Nakahinga na nang maluwag si Dubraska matapos na makatakas mula sa malilikot na isipan ng mga Media. Agad naman ng pinaadar ng driver ang sasakyan tahimik, at walang kibo si Dubraska. Habang nasa kalagitnaan ng biyahe nakadama sya nang pag kaantok ang lahat ng iyon hindi naging lingid sa kaalaman ni Gaston na siyang nagmamaneho ng sasakyan nito.

"Gumising, ka dyan!"

Utos ni Gaston kay Dubraska na nag uunat-unat pa ng braso nito. Maya-maya dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at ng makita si Gaston, sa pagkagulat iniayos niya ang sarili.

Gaston!

Hindi akalain ni Dubraska na naroon ang kababata naisip niyang gisingin ang sarili baka panaginip lang iyon.

"Ako nga! Ang kababata mong ninakawan mo ng magandang kinabukasan, At, naulila Nang dahil sa sarili mong kagagawan."

Ng magkagayon bumaling ang atensiyon ng Ramp Model sa kanyang driver.

"Anong, ginawa mo sa driver ko? Nasaan sya?"

Sa halip na sagutin sapilitang pinababa ni Gaston si Dubraska sa loob ng sasakyan. Hindi na niya inaalintana ang pag mamakaawa nito at ang pag–sisigaw niya sa pang publikong lugar na iyon. Doon sa loob ng Simbahan pumasok sila.

"Para, sabihin ko sa'yo Dubraska! Bilang na ang mga masasayang araw mo, Subukan mo kayang mangumpisal! Baka sakaling maawa sa'yo ang Deus At, mabawasan naman kahit Paano, ang kasalanan mo!"

Pagkasabi nito tinulak siya ni Gaston at napadapa nya sa sahig ang Ramp Model.

"Sige lang! Kahit ilang libong ulit mo pa itong gawin sa akin, Tatanggapin ko 'yon! Alam kong buong buhay kong pagsisisihan ang nangyaring 'yon sa buhay mo! pero,,, Kung, isisilang muli ako, Gusto ko sanang bumalik tayo ulit sa dati! Maaari ba 'yon Gaston?"

Nagsusubok na umiyak si Dubraska. Nang hindi nya na napigil ang sarili hinayaan na lang niyang umagos ang mga ito.

"Kung inaakala mo na, Madadaan mo ko sa pag-iyak mong 'yan, Iminumungkahi, kong magpalit ka na lang ng ibang propesyon, At, umarte ka na lang sa Pilikula, at, Telebisyon. Baka sakaling bumenta ka sa mga manonood At, paniwalaan ka nila!"

Pagkatapos umalis na si Gaston ayaw nya ng tumagal dahil baka kuhanin pa ang loob niya ng Ramp Model at, maging dahilan para masira ang plano niya para dito.