Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

LANSETA

🇵🇭RILL_CRUZ
--
chs / week
--
NOT RATINGS
8.4k
Views
VIEW MORE

Chapter 1 - LANSETA

paano mo nga ba makikita ang mali sa napakaraming tama...paano mo nga ba mapipili ang tama sa libo-bong mga mali.
paano kung ang huling tamang gagawin mo na lamang ay isang napakalaking pagkakamali para sa iba.. at paano kung ang pagkakamali iyon ang sya palang magbabago ng iyong buhay..

taong 2015 huwebes, buwan ng hulyo.
maynila...
isang abala at maingay na lunsod..
doon ay bakas ang pagiging agresibo ng iilan habang nagtratabaho at ang pagsisikip ng bawat daan dahil sa dami ng mga tao.
naroon ang ibat ibang klase ng pagkaing niluto at kakain mo sa gilid ng daan.
mga batang nagtatakbuhan na nakasabit sa likuran ng mga sasakyan.
mga lumang kainan at patahian.. mga bata't matatandang namamalimos sa bawat lansangan mga kawatan at taong walang kunsesya kung gumawa ng kasamaan.

ngunit sa ginta ng lahat ng iyon ay may isang taong tanan ang kalungkutan at pangungulila..
tanan ang sakit at galit na nagdala sa kanya sa mundo ng kawalan.
madungis,marumi,mabaho nakakatakot kung tignan.walang pumapansin.. iniiwasan ng marami. at wala na sa kanyang itsura ang bakas ng katinuan.
isang taong grasa, baliw, pulubi, mga salitang ipinuputong ng mga taong nakakakita sa kanya..
mga taong walang alam sa sakit na kanyang pinag daan at buhay na iningatan bago pa ito mauwe sa isang maling istorya.

Sa isang madilim na sulok sa isang iskinita ay may isang inosenteng babae ang naglalakad.
mula sa kanyang likuran ay naramdaman ng babae ang isang mabigat na kamay na tumakip sa kanyang bibig." huwag mo nang tangkain pang sumigaw kung ayaw mong mamatay.. simple lang naman ang gusto ko.. ibigay mo ang lahat ng dala mo saakin ang selpon, wallet at ang bag mo.. at sisiguraduhin ko sayong mabubuhay ka" wika ng lalaki habang itinututok ang isang patalim sa baywang ng kawawang babae. ngunit di iyon ang nangyari. matapang ang babae..agad itong nagpumiglas at sumigaw..at sa pag kakataong nga iyon ay wala na nga magagawa ang lalaki kung di patayin ang babae upang hindi siya mabulyaso. sa isang saksak mula sa likod ay sumigaw ang babae.
mula sa kanyang harapan ay agad na bumulagta ang lalaking nagnanais na sya na patayin .. at mula nga doon ay nakita nya ang isang lalaki marungis at madumi na may nakakatakot na emahe habang may hawak na patalim.. alam nya sa kanyang isipan na tila iniligtas sya ng lalaking iyon ngunit sa kanyang itsura ay agad na natakot ang babae.dahilan kung bakit ito kumaripas takbo at mula sa malayo ay huningi ito ng tulong.

halos isang oras ang lumipas sa isang presinto

tanan ng dalawang pulis. agad nilang ipinasok sa kulungan ang taong grasa dahil sa pag patay nito sa lalaking. " ano ang nangyari" tanong ng isang pulis. " marahil ay wala sya sa katinuan. pinatay ang isang lalaki.. at may hinala kami na ung babaeng sumisigaw daw.. baka kasama ng pinatay nya.. baka sa subrang takot kaya tumakbo.. antayin nalang natin sya sakaling pumunta sya rito"wika ng isa pang pulis parang namumukaan ko taong yan.. mahirap na talaga sa panahon ngayon hindi mo alam kung anong kapahamakan ang maaring mangyari sayo( tumingin sa taong grasa) napansin ko lang.. bakit di sya nagsasalita..bakit sya umiiyak" wika ng isa ring pulis. " marahil ay nagsisisi sya sa kanyang ginawa.. o baka sadyang nababaliw lamang sya" wika ng isa pang pulis bago ilabas ang isang pitaka. " nakita ko ito sa bulsa ng taong yan( tinuro ang taong grasa) sigurado na ang pitakang yan ay hindi pag mamayari ng taong pinatay nya.. malayo ang itsura ng lalaking kanyang pinatay sa itura ng tao na nasa kanyang id.. oh ito tignan nyo" wika ng isang pulis bago iniabot ang pitaka. " hmm.. mukang tama ka..luma na at madumi ang pitakang ito marahil ay sa kanya nga ito" wika ng isang pulis bago sinuring mabuti ang pitaka. " A-PEEK CONSTRUCION COMPANY.. 2010?? hm..marahil ay nagtrabaho sya sa kumpanyang ito...sya ROLANDO ASMIN" wika ng isang pulis at sa pag kakataong iyon ay narinig pala ng taong grasa na binabanggit ang pangalan nya. " tignan mo ung likod bandang to..( kinuha ang isang litrato ng isang babae na may mga salitang nakasulat sa likod) sino ito.... napakaganda naman nito..marahil ay asawa o kasintahan nya ito" salita ng isang pulis na kaagad binasa ang nakasulat sa likod ng maliit na litrato. " oh mahal ko..YLLAISA MARTINES.

YLLAISA MARTINES!!! ... YLLAISA MARTINEZ!!!!....

mga salitang narinig ng taong grasa.
isang pangalan na paulit ulit sa kanyang isip at diwa
isang pangalan na nag patululo ng kanyang mga luha..
isang pangalang na muling nagdala at naghatid sa kanya sa mapait ng nakaraan.
nakaraan kung saan nag simula ang lahat...
nakaraan na sana ay kaya niya pang mabalikan. upang ang sakit na kanyang nararamdaman ay maglaho at muling humarap mula sa unang araw.
unang araw kung saan.... una nyang napagmasdan ang kagandahan ng kanyang kasintahan.