sa loob halos ng tatlong araw ay tila nawalan ng gana si yllaisa para sa kanyang sarili.. naging tahimik ito at halos ayaw na rin kumain.. ang dating mga mata nya na tila may ilaw sa kinang ngayon ay tila na pundi at napalitan ng hikbi.
sa isang magaramg hapunan ay ipinatawag si yllaisa ng kanyang ama upang doon ay maghapunan kasama ang kanyang ina. " matamplay ka.. kahit ang iyong sarili ay tila hindi mo na iniintindi. yllaisa anak.. lahat ng ginagawa at sinasabi namin ng iyong ina ay para sa iyong kapakanan at kinabukasan. nakakalungkot lang isipin na dahil lamang sa lalaking iyon ay nag babago ang pakikitungo mo saamin ng iyong ina" wika ng kanyang ama. ngunit tahimik lamang si yllaisa. " alam ko na mahihirapan ka marahil na makalimutan ang lalaking iyon.. lalo na kung nandirito ka pa" wika ng kanyang ama. " anong ibig sabihin mo alfredo" tanong ng kanyang ina. " bukas mas magandang magtungo muna kayo sa amerika nang sa ganoon ay tuluyan mo nang makalimutan ang lalaki iyon.. nandoon naman ang iyong lola.. mas mainan narin iyon upang kasama mo na rin pansamantala ang iyong lola. aurora.. samahan mo ang iyong anak.. bumalik ka na lamang dito sa susunod na buwan" wika ng kanyan ama. ng mga oras na iyon ay agad na tumayo si yllaisa at agad na tumakbo pabalik ng kanyang kwarto habang umiiyak.
parang gumuho ang mundo ni yllaisa ng mga sandaling iyon dahil parang lalo syang nawalan ng pag asa na muli pang makasama ang kanyang pinaka mamahal na si lando.
sa malalim na gabi ay nagulat si illaysa sa marahang tawag mula sa kanyang bintana na nagmumula sa ibaba..mula doon ay kaagad nya itong tinignan.. at doon nga ay di sya makapaniwala sa kanyang nakita. si rolando.
ang taong nasa ibaba na tumatawag sa kanya. mula doon ay agad nyang kinuskos ang kanyang mga mata.. at nananalangin na sana ay hindi iyon panaginip...at hindi mga sya nagkamali.. hindi iyon panaginip at pinatunayan iyon ng mga mahihigpit na yakap at matatamis na halik ni rolando.
" papaano kang nakapasok dito" tanong ni yllaisa "hindi na iyon mahalaga.. ang mahalaga sa ngayon ay magkasama na tayo.. at hindi ko na muli pang hahayaan na mawala ka sa akin( agad na hinawakan ni rolando ng mahigpit ang mga kamay ni yllaisa) sasama ka ba saakin?.. hindi ko alam kung saan tayo dadalhin ng pagmamahalan natin.. ngunit ang mabuhay ng kasama ka.. ay sapat nang dahilan para gawin ko ang lahat para sayo" wika ni rolando. " kung ito man ang pinakamasamang gagawin ko sa buhay ko.. patawin ako ng dyos.. walang dahilan para hindi kita samahan..sasama ako sayo rolando.. sasama ako" wika ni yllaisa bago narinig ay isang boses. " yllaisa" wika na nangaling sa kanilang likuran.
" mama" wika ni yllaisa ng makita ang kanyang ina. " rolando.. oo.. hinanap kita at dinala dito at hinayaan gawin kung ano man ang gusto nyo ng anak ko..pero hindi nangangahulugan na tatangapin na kita para sa anak ko.. mahirap tanggapin ang kung ano mang namamagitan sa inyo ng anak ko.. pero mas mahirap tanggapin para sa isang ina ang makitang nahihirapan ang kanyng anak.. yllaisa.. pakatandaan mo na mahal na mahal kita.. ikaw na tangi kong kayamanan..ang aking pinakamamahal.. nais kong malaman mo na handa kong ibigay ang kaligayahan mo kahit napakasakit para saakit ito.. sanay maging masaya ka sa piling ni rolando" wika ng kanyang ina habang yakap si yllaisa. " mama... hindi ko alam ang gagawin ko.. hindi ko po kayo kayang iwan mahal na mahal ko po kayo ..pero mahal ko rin po si rolando. Wika ni yllaisa. " alam ko anak kaya nga gagawin natin ito..alam ko nadarating ang araw na maiintundihan at matatanggap din kayo ng iyong ama.. at kapag dumating na ang araw na iyon..kapag ayos na ang lahat.. bumalik ka ha.. ipangako mo na babalik ka.." wika ng kanyang ina. " opo mama pangako ko po na babalik po ako" wika ni yllaisa. "rolando alam ko na tutuparin mo ang lahat ng ating pinagusapan sanay mahalin at alagaan mo ang anak ko..katulad ng kung papaano ko sya inalagaan at minahal.. makakaasa ba ako?" wika ng kanyang ina. " opo mam aurora. pinapangako ko po na mamahalin ko po at aalagaan ang iyong anak" wika ni rolando bago nila tuluyan lisanin ang lugar na iyon.
Kahit na ano mang bagay ang pilit na sakanila'y ihadlang
anuman ang humarang sa kanila ay hindi na sila nag aalinlangan
kahit sino paman ay walang makapipigil sa kanilang paghakbang
ang mga paa na ang nais lamang ay marating ang kaligayahan.
mula sa malayo ay tinanaw nila ang lugar na naiiwana nila para hanapin ang bagong buhay.
buhay na pangarap, buhay nawalang kasiguraduhan, buhay na hindi nauubusan ng pagmamahal, buhay na ang tanging pangarap ay mabuhay sa ng masaya habang kapiling ang isat isa .