taong 2003
dito makikilala mo si madam aurora martinez at si senior alfredo martinez ang mga magulang ni yllaisa.
ang buhay nila ay nalalayo sa buhay ng mga taong nakapalid sa kanila.. ang karangyaan sa buhay at maging tila langit upang tingalain ay patuloy nilang nararanasan.. ang lawak ng lupaing iyong patatanaw mula sa kanilang balkonahe at kulang pa upang masaklaw mo o makita ang lupaing meron sila.
yamang kanilang lalong pinagyaman. kayamanang lalo nilang pinagyaman.
ngunit tulad ng isang magandang bulaklak.. hindi sya magiging masaya kung pipitasin mo sya mula sa lupa at ilagay sa florerang may tubig.. dahil kahit gaano man daw kaganda ang isang bulaklak ay mas nababagay parin ito sa lupa.
mula sa malawak na lupaing iyon ay tila tinangay ng hangin ang puso ni yllaisa sa isang mag bubukid na nagngangalang rolando. ang buhay ni rolando ay di nalalayo sa marami. ang mga sunog nitong mga balat at sandamakmak napawis ay ang araw araw nyang armas upang matakasan ang kagutuman. Taliwas iyon sa buhay na meron si yllaisa. dahil ang buhay nito ay tila isang gintong kutyaritang iniingatan at hindi basta basta na ipinapahawak sa iba. gayon pa man ay hindi iyon naging hadlang upang ang puso ni yllaisa ang tuluyan na ngang mabihag ni rolando.
bagay na tila ayaw pagbigyan ni rolando.. hindi dahil ayaw nya kay yllaisa. kung alam lamang ni yllaisa kung gaanong sya pinapangarap ni rolando. tila isang pangarap ng isang batang makarating sa dulo ng bahaghari. ngunit iyon ay imposeble. mas pinili na lamang ni rolando na pigilin ang kanyang nararamdaman dahil alam nya at tanggap nya na ang buhay at estasdo na meron sila ay tila langis at tubig na hindi kahit kailanman maaring magsama.. pagmamahalan walang bayad ngunit bawal.. pagmamahalang kahit walang mga pader ay may mga bagay na humahadlang.
ngunit tulad ng isang ulan walang makakapigil sa kanyang pag bagsak at dampian ang kanyang lupang inaasam.
tulad ng isang baha na di mo mapipigil ang agos..tulad ng init ng araw na hindi i mo mapipihit sa lilim. Tulad ng pagmamahalan nilang dalawa bawal man ay di na nila napigil.
hanggang sa ang kanilang pagsuyo ay pinagbigyan sa wakas
langit man o lupa ang pagitan nila ay patuloy silang gumagawa ng paraan upang ang kamay ng bawat isa ay mahagkan
pagmamahalang tila bagong hain na kain dahil sa init
pagmamahalang tatawid at aapak kahit sa bubog man o sa tinik
ngunit tulad ng bakal na kinakalawang ng pahanon
lahat ay may hangganan.. walang kahit anong sekreto ang maitatago at di nabubunyag..
isang malalim na gabi. mula sa mga yapak ni yllaisa na tila sanay nang umapak sa katahimikan ay biglang!!!
" tatlong gabi na kitang minamantyagan..bibigyan kita ng pag kakataon na sagutin ang tanong ko.. saan ka nagpupunta?" wika ng ama ni yllaisa. " ah.. papa.. nahihilig lamang po ako mag lakad lakad sa hardin at tumingin sa mga bituin" wika ni yllaisa bago sya sampalin ng kanyang ama. " sinungaling!!! anong buhay ang ibibigay sayo ng magsasakang iyon..hindi kita pinagaral at binuhay para lamang sa hampaslupang iyon" wika ng ama ni yllaisa. ng mga oras na iyon ay di na nakapagsalita si yllaisa hindi nya naring magawang magpaliwanag dahil alam nyang alam na ng kanyang ama ang tungkol sa kanila ni rolando. " anong ang nangyayari dito.. anong ginagawa mo sa anak mo alfredo" wika ng ina ni yllaisa. " bakit hindi mo tanungin ang magaling mo anak..alam mo ba na may namamagitan sa kanilang ng hampaslupang anak ni armira" wika ng kanyang ama. " si rolando ang magsasakang iyon... sagutin mo ko yllaisa totoo ba ang sinasabi ng iyong ama.. sumago ka" wika ng kanyang ina. " oo..!!! at mahal na mahal ko sya.. ung taong sinasabi nyong hamapaslupa..sya lang naman ang nag papasaya saakin" wika ni yllaisa bago lapitan muli ng kanyang ama. " hindi pa tayo tapos.. sinisigurado ko sayo na magsisisi ka kapag hindi ka nakipaghiwalay sa lalaking iyon.. maliwag!!" wika ng kayang ama bago ito tuluyang umakyat at pumasok ng kwarto.
ganon na lamang ang sakit na naramdaman ni yllaisa. Alam nyang darating ang panahong iyon. ang kanilang kinakatakutan. ang malaman ng kayang magulang ang kanilang relasyon. at iyon na nga ang nangyari.. matapos iyon ay hindi na magawa pang makaalis ni yllaisa sa kanilang tahanan dahil alam nyang bantay sarado lamang sya ng mga tauhan ng ka yang ama.. at ayaw nyang mapahamak si rolando.kaya nagtiis na lamang sya at nag hintay sa ano pa mang mangyayari.