Chereads / Angel's Feathers / Chapter 27 - Chapter Twenty Six

Chapter 27 - Chapter Twenty Six

Are you crazy!" galit na asik ni general Mendoza sa anak niyang si Bernadette nang sabihin nang anak niya na ito ang dahilan nang pagsabog nang sa unit nina Eugene.

"What do you want me to do? Hayaan na lang sila sa gusto nila? habang buhay ang magkapatid na iyon papa hindi tayo matatahimik. Patuloy silang manggugulo sa buhay natin. Hindi sila titigil hanggat hindi nababawi ang kayamanan ni lola." Wika ni Bernadette.

"You just gave them a reason para lalo tayong pagdudahan. Ano sa palagay mo ang gagawin ni Eugene gayong muntik nang mamatay ang kapatid niya?" Asik ni General Mendoza. "And do you really think na kaya kang ipagtanggol nang isang mamatay tao. You are deceiving yourself young lady." Dagdag pa nito at tumingin kay Herrick na kasama din nila. Simula nang makuha nina Bernadette ang kayamanan nang matandang nagsama na sina Bernadette at Herrick and they are also planning of getting married.

"Clean up your own mess. Bago pa gumawa nang aksyon si Eugene." Wika nang lalaki saka sila iniwan sa sala.

"Hindi ko maintindihan ang ama mo. akala mo kung sinong malinis. Hindi bat isa rin siya sa mga ulo nang illegal na Gawain?" ani Herrick nang makaalis ang matanda.

"Hayaan mo na siya. Dapat na nating isipin ngayon kung paano nating mapapatahimik ang magkapatid. Tiyak na hindi tayo titigilan nang dalawa. Especially Eugene. He is a persistent Jerk." Wika ni Bernadette.

"Sino at ano baa ng kahinaan nang hangal na iyon?" ngumising wika nito. Taka namang napatingin si Bernadette sa kasintahan.

"Si Jenny his girlfriend and Aya his sweet little sister. Walang ibang mahalaga para kay Eugene kundi ang pamilya niya. Isusuko niya lahat para sa mga ito." Wika nito.

"Hindi nakita kung ano ang ginawa niya sa atin. He had us arrested at ngayon hindi tayo pwedeng lumabas nang bansa." Ani Bernadette.

"Kung ganoon humanda ka na rin para isuko ang pagmamayari nang buong kayamanan nang matanda sa magkapatid. Habang buhay sila. Parating may banta na kunin nila ang ari-arian lalot iinagaw mo lang to." Ani Herrick.

"That wont happen." Madiing wika ni Bernadette. Ngumisi lang si Herrick kilala niya ang boung pagkatao ni Bernadette katulad niya itim din ang budhi nito at pagdating sa pera walang makakapanlamang sa dalaga.

Nahanap ni Butler Lee ang dating abogado nang matanda. Sinabi nito sa kanya na kapalit nang isang malaking halaga. Ipinabago sa kanya nang mag-inang Bernadette at Elena ang Last will nang matandang Heartfelia. Sinabi din nitong sunugid ang original na dokomento ngunit, dahil hindi niya magawang sirain ang document kaya naman itinago niya ito at lumayo para hindi na muling makita nang dalaga dahil nag banta ito na ipapapatay siya kapag nakita siya nitong muli.

Umamin din ang abogado na ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang matanda ay dahil sa gamot na inilagay ni Bernadette sa dextrose nito. naroon siya noong sapilitang pinapirma nang dalaga ang matanda nang peking dokumento na maglilipat nang ari-arian nito sa pangalan nila.

"Bilib din ako sa pinsan mo Eugene. Hindi pa nagkasya na patayin ang lola niyo. Pati kayong dalawa gusto ring tapusin." Wika ni Julianne habang nasa headquarters sila at naguusap tungkol sa kaso ni Bernadette.

"Ano nang gagawin natin ngayon Lt. Dahil anak ni General Mendoza ang akusado tiyak na gagawn nito lahat para makalaya muli ang anak niya." Wika ni Meggan.

"Mahihirapan tayong ipausad ang kaso dahil kay General. Alam niyo namang maimpluwensya siyang tao." Wika ni Julius.

"Sinasabi niyo bang hayaan nalang natin ang ginawa nila?"asik ni Julianne sa mga kaibigan. Natahimik naman sina Meggan at Julius.

"Hintayin natin ang issuance nang warrant of arrest." Simpleng wika ni Eugene.

Nag ilabas warrant of arrest para kay Bernadette at Herrick agad na sumugod sa mansion ang grupo ni Eugene upang arestuhin ang dalaga. Nang dumating sila sa mansion wala na doon si Bernadette at Herrick. Tanging si general Mendoza at Tiya Elena nila ang naroon. Hinaloghug pa nila ang buong bahay ngunit hindi nila nakita ang anino nang dalawa. Hinala nila, pinatakas nang General ang magkasintahan dahil sa gagawin nilang pagaristo sa mga ito.

"Sinabi ko na sa iyo dati Eugene. Hindi ko mapapalampas itong ginagawa mo. Ngunit hindi ka parin tumutigil." Galit na wika nang Heneral.

"Sinabi ko na rin dati sa inyo. Hindi ko hahayaang mailibing sa limot ang ginawa niyo sa lola ko. Isang criminal ang anak niyo at dahil itinatago niyo ang isang criminal maari kayong maisangkot sa kasong ito. Kaya kung ako sa inyo--"naputol ang sasabihin ni Eugene nang bigla siyang suntukin ni General Mendoza. Sargo ang dugo sa bibig ni Eugene dahil sa lakas nang suntok nito marahan namang pinunasan ni Eugene nang kamay niya ang dugo. At tumingin sa Heneral.

"Itago niyong mabuti si Bernadette dahil kahit saan siya magsuot hahanapin ko siya. Sa susunod na makita niyo siya tiyak na sa kulungan na." wika ni Eugene. Mariing napakuyom ang kamao ni Eugene bago sila umalis nang bahay. Alam niyang natunugan ni Gen. Mendoza ang balak nila kaya naman agad nitong pinatakas ang anak nito.

"Anong nangyari?" Tanong ni Aya kay Butler Lee nang dumating sina Eugene at Julianne sa bahay na tinutuluyan nila. Naramdaman niyang wala sa mood ang kuya niya. kanina bago ito umalis sinabi nito sa kanya na ito ang araw na huhulihin nila si Bernadette ngunit sa ayos nang mukha nang dalawa sa hula ni Aya. Walang nangyari sa lakad nang mga ito.

"Masyadong mautak si General Mendoza, Pinatakas niya ang anak niya." wika ni Julianne. At naupo sa sofa. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Eugene bago naupo. Lumapit naman si Jenny at tumabi sa kasintahan.

"Ginawa niyo naman ang lahat. Pasasaan ba at mahuhuli din ninyo si Bernadette." Wika ni Jenny.

"Tama, kasali sa block list ang pangalan nila kaya hindi sila pwedeng lumabas nang bansa. At nasa news narin na wanted sila. Wala silang ibang magagawa kundi ang magtago. At kahit na anong tago nila Mahahanap din naming sila." Ani Julianne.

Papunta na sana si Julianne sa headquarters nang phoenix nang madaanan niya si Aya sa labas nang isang Coffee Shop. Kasama nito si Roch. Alam niyang na bobored din naman itong manatili sa loob nang safe house kaya siguro naisipan nang dalawa na lumabas. Mabuti na lamang kasama nila si Roch dahil kaht papaano may sumasama kay Aya. Mabait naman ang dalaga at Mabuti ang pakikitungo nito kay Aya.

"Anong ginagawa niyong dalawa dito?" tanong ni Julianne.

"Namasyal kami NI Roch. Masyado kasing tahimik sa safe house." Simpleng wika ni Aya.

"Uuwi naba kayo? Sumabay na kayo sa akin." Ani Julianne sa dalaga. Tumango naman ang dalaga. Papasok na sana sila nang kotse nang bigla silang harangin nang mga di kilalang lalaki. As a reflex lumaban si Julianne sa mga lalaki. Ngunit wala itong nagawa nang tutukan nang isang lalaki si Aya nang baril. BIglang huminto sa pag-atake si Julianne.

"Julianne! Ashley!" tili ni Aya. hinataw nang baril si Julianne nang isang lalaki. Sinikmuraan nito si Julianne gamit ang baril nito. Hindi pa ito nagkasya binatukan pa nito ang binata gamit ang baril.

Napaagik si Julianne at bumulagta sa lupa. At dahil wala namang alam si Roch sa pakikipaglaban wala ding nagawa ang dalaga laban sa mga lalaki.

"Dalhin na yan." Utos nang lalaking may Hawak kay Julianne. Kinaladkad nito ang dalaga patungo sa isang itim na van na nakaparada sa di kalayuan nang. Binuhat nang dalawang lalaki si Julianne at dinala sa Van. INiwan nang mga ito si Roch na walang malay sa daan. Mabuti na lamang at ilang mga nakasaksi sa nangyari ang tumulong sa dalaga. Agad nilan itong dinala sa Hospital.

Ang mga tao sa coffee shop na nakakita sa nangyari ay agad na nagreport sa pulisya. Isang video din ang dinala nila sa presinto para maging ebidensya sa nangyaring kidnapping. Ngunit walang nakaisip sa kanila na kunin ang plate number nang sasakyang may lulan sa dalawa.

"Hindi ba si Lt Ramirez yan? At Si Aya!" takang wika ni Ben nang makilala lalaki sa video. Siya ang ipinadala nang phoenix para mag imbestiga sa inireport na kidnapping sa national headquarters.

"Hindi ba siya ang sikat na LT nang National defense?" takang wika nang police.

"Make sure to trace the location of the kidnappers. Mag rereport lang ako sa headquarters." Wika ni Ben at nagmamadaling umalis. Kapag nalaman ni Eugene ang nangyari tiyak na gagawa agad ito nang paraan para hanapin ang dalawa. Bukod doon kailangan nilang malaman kung sino ang dumukot kay Aya at Julianne.

Nang malaman ni Eugene ang nangyari sa kapatid niya at sa kaibigan. Isang tao lang ang pumasok sa utak niya na gagawa nang ganoong bagay at iyon ay ang pinsan niyang si Bernadette. Ito lang naman ang may gustong tapusin nilang magkapatid dahil sa mana nang pamilya nila.

Kahit hawak na nito lahat nang negosyo nila banta pa rin ang turing nito sa kanilang dalawa. Hindi na siya nag-isip pa agad niyang sinugod sina general Mendoza sa mansion.

"Are you out of your mind Eugene!" asik nito. "Bakit mo sinisisi ang anak ko sa pagkawala nang kapatid mo.!"

"Kung may tao mang gugustuhing mamawala kaming magkapatid sa mundong ito. Iyon ay walang iba kundi ang anak mo. Hindi ako magtataka kung siya ang nasa likod nang pagkidnap sa kanila. Ito ang sabihin mo sa anak mo General. Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko. titiyakin kong kahit ang kulungan hindi siya tatanggapin." Mariing wika ni Eugene.

"Tinatakot mo ba ako Lt?" inis na wika ni General Mendoza.

"Kung ganoon ang pagkakaintindi mo. Ganoon na yun." Ani Eugene.

"Ang lakas nang loob mo para pagbantaan ako! Tinyente ka lang." Galit na bulalas nito.

"Walang kinikilala ang batas General. Patutunayan ko yan sa inyo." Wika pa ng binata.

"Masyado kang nagmamatapang Eugene. Hindi mo na kinikilala ang katayuan ko bilang General. Alam mo bang pwede kitang I court martial dahil sa ginagawa mo. Pasalamat ka at hindi kita pinapatulan dahil pamangkin ka pa rin nang asawa ko." Anito.

"Hindi ko ipinagpapasalamat na nagging parte kayo nang pamilya ko. Tandaan mo ito General. Kapag may nangyari sa kapatid at sa kaibigan ko. Sinisiguro kung mabubulok sa kulungan si Bernadette at ang kinakasama niya." Mariing wika ni Eugene.

Hanggang sa makaalis si Eugene naiwang tigalgal ang matandang Heneral. Hindi siya makapaniwala na pagbabantaan siya nito sa sariling bahay niya. Napakuyom ang kamao nang General hindi siya makakapayag na maliitin siya nang isang mas mababa sang ranggo sa kanya.

Aya!" Napabalikwas na wika ni Julianne nang magising. Nang kumilos siya bigla niyang napansin na nakatali siya sa sang poste. Napansin din niya si Aya na nakatali sa isang upuan at walang malay. Naalala niyang hinarang sila nang mga dikilalang lalaki. Sinubukan niyang manlaban ngunit dahil hawak nang mga ito si Aya wala din siya nagawa. Kasunod noon nawalan na siya nang malay dahil sa paghataw nang lalaki nang baril sa ulo niya.

Napansin ni Julianne na nasa isang abanadong building sila. Sa anyo nito tila nasa isang factory sila. Maraming nagkalat na maga bakal at truso.

"Aya!" mahinang tawag ni Julianne sa dalaga. Mula sa pagkakatulog, naririnig ni Aya ang isnang mahinag boses. Pamilyar ang boses na iyon. tinatawag siya. Dahan-dahan siyang nagmulat nang mata para alamin kung sino ang tumawag sa kanya.

Ganoon na lamang ang gulat ni Aya nang makita si Julianne na nakatali sa isang poste. Mabuti nalang at di gaya nang isang normal na mortal si Julianne dahil sa taglay nitong liwanag kaya naman madali niya itong makita. Nakita din niya si Ashley sa tabi nito na nakatali.

"Gising ka na pala Kayo." Wika ni Bernadette na dumating kasama si Herrick. Nakangisi ito at naglakad palapit sa kanila kasunod nang mga ito ang mga lalaking dumukot sa kanila.

"Why am I not surprised." Sakristong wika ni Julianne. "Dahil pinaghahanap na kayo nang mga pulis kaya siguro naisip niyong madali kong tatapusin niyo ang magkapatid." Ani Julianne.

"Tumahimik ka. Sabit ka lang ditto. Dagdag sintensya ka lang kapag nahuli kami" Wika ni Herrick at sinikmuran ang binata. BIgla namang napaubo si Julianne dahil sa ginawa ni Herrick. Narinig ni Aya na napaubo si Julainne.

"Kung hinayaan lang sana ako nang kuya mo e di sana hindi ka magiging kapalit ngayon. Alam mo ba kung anong damage ang dinulot niyong dalawa sa amin? Hindi makakasapat ang buhay mo sa mga dinanas naming." Ani Bernadette.

"Kung ano man ang nangyari sa iyo ngayon. Ikaw ang may kasalanan noon. Walang may nagutos sa iyo. It was your choice. Sa dami nang ginawa mong kasalanan ikaw pa ang may ganang magalit? Ang taas naman nang tingin mo sa sarili mo." asik ni Aya sa dalaga. Dahil sa sinabi niya isang malakas na sampal ang ginawad ni Bernadette sa kanya. Hindi niya nagugustuhan ang pagiging matabil nang dila nang dalaga.

"Don't get smart over me Young lady. Ako parin ang may hawak sa buhay mo. kahit anong oras ko gustuhin magagawa kitang patayin." Asik ni Bernadette.

"Gaya nang ginawa mo sa lola ko!"

"OO! At hindi ako nagsisisi. Dahil sa matandang iyon. Naranasan kong maghirap. Sa dami nang kayamanan niya. Ipapamana niya lahat sa inyo. I live only because I want to get all her wealth pero ano? Sa kabila nang lahat sa inyo parin niya ibibigay ang lahat." Wika ni Bernadette.

"She deserve to die. At hindi ako nagsisisi sa ginawa ko. you see, Akin na lahat nang pera niya. Kayo na lang ang hadlang para maging masaya ako." Ani Bernadette.

"Kahit kailan hindi ka magiging masaya." Ani Aya kay Bernadette. "Buong buhay kang hahabulin nang mga kasalanan mo."

"Anong alam mo!" asik nito kay Aya at akma itong sasampalin.

"Tumigil ka na!" asik ni Julianne dahilan para huminto si Bernadette. Galit na lumingon si Bernadette sa binata.

"Oh if its not the buddy of my Cousin. Ang pakialamerong si Julianne. Akala mo ba dahil naging kaibigan ka nang isang prinsipe sa tingin mo magiging isang duke ka na din? Well, how unlucky of you. This will be the end of you."

"Masyadong marami ang sinasabi mo. Alam kung kumikilos na ngayon si Eugene para hanapin kami. Mas mabuti sana kung nagtago ka na lang. Ngayon dinagdagan mo pa ang kaso mo." wika ni Julianne.

"Hindi ako natatakot. Ano nalang ang ginagawa ni daddy. Kaya niyang baliktarin ang batas. At hawak niya ang batas." Wika ni Bernadette. Sakristo namang natawa si Eugene. Dahil sa ginawa nito nag cross ang kilay ni Bernadette.

"Nakalimutan ko. General nga pala ang tatay mo kaya ang lakas nang loob mong gumawa nang mga ganitong bagay." Wika ni Julianne.

"Kung hindi mo gustong patahimikin ko nang tuluyan yang bibig mo manahimik ka." Asik ni Herrick at tinutugan nang baril ang ulo ni Julianne.

"Julianne." Wika ni Aya nang Makita ang ginawa nang lalaki. Alam naman niyang sa kanilang dalawang nang kuya niya galit si Berndatte. Kaya bakit nito idadamay si Julianne.

Abala ang grupo ni Eugene na sa paghahanap sa dalawang dinukot. Inutusan ni Eugene sina Meggan at Julius para pumunta sa control room kung saan makikita ang CCTV sa lahat nang bahagi nang syudad. Alam nilang may CCTV na nakakabit sa lugar na pinangyarihan nang crimen. Maaari silang makakuha nang lead kung ano ang plate number nang sasakyang nagdala sa dalawa.

Ngunit, hindi nakapasok nang control room ang dalawa. May mga pulis na tauhan ni General Mendoza ang Humarang sa kanilang dalawa. Sinabi hindi sila pwedeng pumasok sa loob nang control room.

Agad namanh sinabi nina Meggan kay Eugene ang nangyari. Siya na mismo ang personal na pumunta sa control room para makuha ant CCTV footage ngunit hinarang sila nang mga tauhanan ni General Mendoza.

"Anong ginagawa niyo ditto?" wika nang isang boses sa likod nina Eugene. Sabay sabay naman silang napalingon nang marinig ang boses. Si General Flores ang nakita nila. Ito ang namamahala sa control room.

"General. Kanina pa kami ayaw papasukin nang mga---" wika ni Ben na naputol..

"Bakit kayo naririto sa control room? Hindi pwedeng pumasok sa isang high level facilities ang mga civilian na gaya niyo." Wika nito.

"Civilian?" Sabay na wika nina Meggan at Julius.

"Simula sa araw na ito. Inaalis na nang national security ang Task force phoenix bilang isang investigative team. At dahil nilabag niyo ang utos ni General Mendoza. Lahat kayo ay pansamantalang sisususpende." Wika ni general Flores. Napanganga ang lahat dahil sa gulat sa mga sinabi nito. maging si Eugene ay nagulat din dahil sa biglang sinabi nito.

"Mas mabuti pa kung aalis na kayo. Huwag niyo nang bigyan nang rason si general Mendoza para alisin kayo sa serbisyo. Sa ngayon mas mabuting mag lay low muna kayo. Habang mainit pa ang dugo ni General Mendoza sa inyo." Wika nang matanda.

Walang nagawa sina Eugene kundi lisanin ang national headquarters. Nagtungo sila sa bahay na tinutuluyan nila. Naroon sina Jenny at Butler lee na naghihintay sa kanila. Nakalabas na rin nang hospital si Roch. Okay na ito maliban sa pasa at bukol sa ulo.

"So ano nang gagawin natin ngayon? Dahil suspended tayo, hindi na natin magagawa ang mga bagay na nagagawa natin bilang alagad nang batas." Wika ni Julius.

"Ang mahalaga ngayon, paano natin mahahanap sina Aya kung hindi tayo pwedeng kumilos." Wika ni Ben.

"Saan naman niya hahanapin si Aya? Wala nga tayong lead kung sino at kung saan dinala ang dalawa." Wika ni Rick.

Biglang napatingin ang lahat sa telepono nang bigla itong tumunog. Agad namang tumayo si Eugene para sagutin ang telepono. Hindi na siya nagulat nang si Bernadette ang nasa kabilang linya.

"I am really expecting your call. Buti tumawag ka. Saan mo dinala ang kapatid ko!" asik ni Eugene.

"Whoa. Calm down pinsan. Wala ka sa lugar para pagtaasan ako nang boses. Kung gusto mo pang makitang buhay ang kapatid mo you should be more friendly kung makikipag-usap ka sa akin." Wika ni Bernadette sa binata. "Magkita tayo, dalhin mo lahat nang mga ebidensyang hawak mo laban sa akin. At ibabalik ko nang buhay ang kapatid mo at si Julianne." Wika pa nito. bgo pinatay ang celphone.

"Damn!" Napamurang wika ni Eugene nang ibaba ni Bernadette ang telepono.

"Sino ang tumawag?" tanong ni Butler Lee sa binata.

"Si Bernadette, Siya ang dumukot kay Aya at Julianne. Kapalit nang kalayaan nang dalawa, gusto niyang ibigay ko sa kanya ang mga ebidensyang hawak ko laban sa kanya." Wika ni Eugene.

"Huh? Kapag ginawa niyo yun, mawawalan nang saysay ang pagiimbestiga natin." Gulat na wika ni Julius. "Hindi magugustuhan ni Aya kung gagawin mo ang gusto ni Bernadette."

"Ngunit kapag wala tayong ginawa baka mapahamak si Aya at Lt." wika naman ni Meggan.

"Ano nang gagawin natin Eugene." Tanong ni Jenny at lumapit sa kasintahan. Hindi sumagot si Eugene bagkus napatingin lang ito sa kasintahan. Alam niyang kayang saktan ni Bernadette ang kapatid niya. Kung ibibigay naman niya ang mga hawak niyang ebidensya baka hindi na sila mabigyan nang pagkakataon na mabigyan nang hustisya ang pagkamatay nang lola niya.

Sa huli, naisip din ni Eugene na ibigay ang ebidensya kay Bernadette mas mahalaga sa kanya ang buhay nang kapatid niya kesa sa mga hawak niyang ebedinsya. Nagkasundo sila ni Bernadette na magkita sa isang lumang building sa isang malayong probinsya. Iyon din ang luagr kung saan nito dinala sina Aya at Julianne.

"Papunta na ditto ang kuya mo." wika ni Bernadette kay Aya.

"Huwag ka munang magsaya. Tinitiyak ko sa iyo na hindi ka makakaligtasa sa ginawa mo. pagbabayaran mo lahat nang kasalanan mo sa amin at sa lola ko." asik ni Aya kay Bernadette.

"Huwag kang masyadong magmatapang Aya.Ako ang may hawak sa buhay mo. kung gusto mong abutan ka nang buhay nang kuya mo---" biglang naputol ang sasabihin ni Berndatte nang biglang bumukas ang pinto nang bodega. Pumasok doon ang isang tauhan nn Bernadette ngunit sa pinto pa lamang bigla na itong nabuwal. Nagtaka ang lahat sa taong nakatayo sa likod nang nabuwal na lalaki. Dahil sa liwanag nang araw hindi nila lubusang maaninagan ang mukha nito.

"Sino ka naman. Bakit ka pumasok ditto!" asik ni Herrick sa bagong dating. Nakita nilang naglakad papasok ang lalaki. Unti-unti nakikita na nila nang maayos ang mukha nang bagong dating.

"Achellion!" biglang wika ni Aya nang makilala ang bagong dating. Maging si Julianne at nabigla nang marinig ang pangalan na binanggit ni Aya.

Paano sila na tunton nang binata. Ngunit nabigla si Aya. Hindi ito ang Achellion na kilala niya may kakaiba sa binata. Hindi niya makita ang pulang liwanag sa binata at ang mga mata nito, Bakit kulay asul sa halip na greenish blue gaya nang dati.

"Sino ka naman!" wika ni Herrick at lumapit sa binata saka hinawakan nang mahigpit ang kuwelyo nang damit nito. marahas namang tinanggal ni Achellion ang kamay ni Herrick.

Nagulat ang lahat nang biglang tanggalin ni Achellion ang kamay ni Herrick saka balewalang itinulak ang lalaki palayo. Sumubsub ito sa mga kahoy na kahon. Para lang itong isang langaw na pinitik papalayo nang binata.

"Herrick!" gimbal ni Bernadette dahil sa ginawa nang lalaki. Hindi agad nakatayo si Herrick dahil sa ginawa nang binata. Sumiksik ang katawan nito sa mga kaho na yari sa kahoy. Nabali pa ang ilan sa mga ito nang bumagsak ang katawan ni Herrick.

"Anong ginagawa niyo! Sugurin niyo siya!" asik ni Bernadette sa mga tauhan nila. agad namang tumalima ang mga lalaki saka sabay sabay na inatake si Achellion. Pilit na nagpumiglas si Julianne mula sa pagkakatali sa kanya. Hindi niya gustong nakatali siya habang si Achellion ay nakikipaglaban para sa buhay nila.

Hindi manlang tinamaan nang mga atake nang lalaki ang binata. Napatumba nito ang anim na tauhan ni Bernadette na parang hindi manlang ito pinagpawisan.

"Hanggang diyan ka lang." wika ni Bernadette at itinutok ang barik sa ulo ni Aya. "Hindi ko alam kung sino ka, pero hindi ako papayag na sirain mo ang mga plano ko."

"Sabi hanggang diyan ka lang!" galit na wika ni Bernadette nang hindi huminto si Achellion sa paglapit sa kanila dahil hindi parin nakinig ang binata sa kanila. Bigla nitong pinaputukan si Achellion. Tinamaan ang sahig malapit sa paa nito.

"Achellion!" tili ni Aya. Ngunit hindi alintana ni Achellion ang ginawa ni Berndaette patuloy parin siya sa paglapit sa dalawa. Hindi naman tumigil sa pagpapatok nang baril si Bernadette. Tinamaan sa Braso at balikat si Achellion ngunit tila balewala ang mga tamang tinamo nito. Hindi makapaniwala ang lahat sa nakikita. Animo'y isang pader ang naglalakad papalapit sa dalawang dalaga. Hintakot si Bernadette na itinutok ang Baril sa ulo ni Aya. Nang makita iyon ni Achellion bigla itong napahinto.

Si Herrick naman na tumilapon sa mag kahon ay nakabawi na nang kanyang malay at dahan-dahang tumayo., sargo ang dugo sa ulo nito. isang kahoy na may nakausling malaking pako ang dinampot nito naglakad palapit sa binata.

"H'wag!" tili ni Aya ngunit huli na, boung lakas na hinataw ni Herrick ang likod ni Achellion. Napaagik pa ang binata nang maramdaman ang pagbaon nang pako sa likod niya. Nang hindi natinag si Achellion mula sa kinatatayuan muling hinataw ni Herrick ang binata. Kitang kita ni Aya na umagos ang dugo mula sa sugat ni Achellion kung saan bumabaon ang pako sa bawat hatol ni Herrick. Ngunit, sa gulat nila, parang walang pakiaalam ang binata nakatayo lang ito at nakatitig kay Aya.

"Please. Tama na." mahinang usal ni Aya. Kahit alam niyang kakaiba si Achellion she don't even know kung katulad nang mortal na kakaramdam din ito nang sakit ngunit ang makitang bumabaon sa katawan nito ang pako. Nasasaktan siya, nahihirapan siyang makita sa ganoong sitwasyon ang binata.

Gimbal sina Bernadette at Herrick nang makitang wala manlang epekto sa binata ang ginawa ni Herrick. Hindi lang sila ang nagulantang maging ang mga tauhan ni Bernadette ay hindi rin nakakilos dahil sa nasaksihan.

Dahil hindi manlang natinag ang binata. muling hinataw ni Herrick ang binata nang kahoy. Muli nakitan nilang bumaon ang pako sa likod nito.

Tama na. Mahinang wika ni Aya habang umaagos ang luha sa mga mata niya. hindi parin tumigil si Herrick sa pag-atake sa binata.

"Anong klaseng tao ka?!" hintakot na wika ni Berndatte. Kitang kitang nila na tumutulo ang dugo sa semento ngunit parang wala lang ito sa binata. kung isang ordinary tao ang tumanggap nang mga ganoong tama tiyak na ngayon ay wala na itong buhay.

"What the--" putol na anas ni Julianne nang makita si Achellion na nakatayo sa harap nina Berndatte. Puno nang sugat ang likod maging siya ay hindi makapagsalita dahil sa nasaksihan. Tinatanong nang isip niya kung ganito ba ka halaga si Aya para sa binata para tanggapin nito ang ganoong klaseng parusa.

"Just What the hell are you!" galit na wika ni Herrick at naglakad sa harap ni Achellion. Ngunit walang reaksyon ang mukha nang binata.

"Don't Stand there like a piece of ----" galit na wika ni Herrick at akmang hahatawin binata nang kahoy.

"WATCH OUT!" Boung lakas na sigaw ni Julianne.

"Achellion! You Idiot! Fight back!" bulalas ni Aya nang makita ang gagawin ni Herrick na pag-atake sa binata. "Fight Back." Mahinang wika ni Aya habang tumutulo ang luha sa mga mata.

Nagulat nang lahat nang biglang saluhin ni Achellion ang dulo nang kahoy bago pa ito tumama sa ulo niya. maya-maya narinig nila ang tunog na nang gagaling sa sasakyan nang mga pulis.

Napalunok si Herrick nang bumaling nang tingin sa kanya ang binata. His eyes, it was like he was looking into a devil's eyes. Kahit na sa tingin lang nito sapat na upang pagharian nang takot ang buo niyang katawan. Tinangka niyang umatras at bawiin ang kahoy na hawak ni Achellion ngunit malakas ang binata.

"F-freak!" wika ni Herrick at binitawan sa kahoy saka umatras. Paparating na ang mga pulis. Kapag wala pa silang ginawa tiyak na hindi sila makakalabas nang buhay ni Bernadette kung hindi man sa mga pulis maaring sa kamay nang di kilalang lalaki sila mamatay.

"Pakawalan niyo na sina Aya habang may pagkakataon pa kayo." Wika ni Achellion at bumaling kay Berndette matapos itapon palayo ang kahoy

"It won't end here. Hindi ako papayag na masira ang mga plano ko dahil lang sa isang baliw na gaya mo." wika ni Berndatte.

"Tigilan mo na to." Wika ni Achellion na sa isang iglap lang nasa harap na nila ni Berndatte. Isang bagay na ipinagtaka nang lahat nang nakakita. Ni hindi nila nakitang gumalaw ang binata ngunit sa isang iglap lang nasa harap na ito ni Berndatte. Hinawakan nito ang kamay ni Berndatte na mag hawak na baril.

"Anong---" gulat na wika ni Berndatte.

"Hindi mo ba na nakikita? It will be your demise kung hindi pa ititigil ang ginagawa mo. Ikaw ang nagdala sa sarili sa ginitong sitwasyon. Walang may pumilit sa iyo it was your choice." Wika ni Achellion.

"Anong alam mo!" asik ni Berndatte at binawi ang mga kamay saka umatras. Nabitiwan din nito si Aya.

"Nang dahil sa magkapatid na iyan. Wala nang nangyaring maganda sa buhay ko. They always get what I like. Ang pagmamahal nang lola, Ang pagtanggap nang pamilya. At ngayon maging ang ari-arian niya? I wont allow it! I deserve it all!"

"Berndette." Mahinang wika ni Aya. For some reason. Naramdam siya nang awa sa pinsan. Alam niyang buong buhay nitong nakasama ang lola nila which is a reason for her to be envious. But for some odd reason. Hindi iyon ang nararamdaman niya.. Kahit na hindi siya lumaking kasama ang pamilya nila. binigyan naman siya nang mga kaibigan at kuya na handing umalalay sa kanya. May be, Bernadette just want to have someone na makakaintindi sa kanya.

"Hindi pa naman huli ang lahat." Wika in Aya.

"Tumigil ka!" malakas na sigaw ni Bernadette. Kasunod nang malakas na sigaw ni Bernadette ang paglabas nang itim na usok sa likod nito. Agad namang kinabig ni Achellion si Aya patungo sa likod niya. Nagulantang ang lahat sa nasaksihan. Maging si Herrick. Akma itong lalapit kay Bernadette nang bigla na lamang may lumitaw na isang kakaibang nilalang sa harap ni Bernadette. Bumagsak naman si Bernadette at nawalan nang malay dahil sa nakakakot na nilalang na lumitaw hindi nakalapit si Herrick sa kasintahan.

"Azael!" mahinang wika ni Achellion. Taka namang napatingin si Aya kay Achellion. Ngunit wala naman siyang naramdamang Fallen angel sa paligid? Paanong may isang Fallen na nanahan sa loob ni Bernadette.

Azael – A fallen Angel, he gets hes strength by cohabiting with a woman's body ang taking over their soul.

"Humans are lot more interesting than they look. Would you agree. Huh Achellion." Wika nang lalaki at iniikot ang ulo saka ngumisi at tumingin kay Achellion.

"Anong klaseng halimaw yan!" gimbal na wika ni Julius nang dumating sila sa loob nang abandonadong factory at nasaksihan ang biglang paglabas nang isang nilalang sa loob ni Bernadette.