Chereads / Angel's Feathers / Chapter 24 - Chapter Twenty Three

Chapter 24 - Chapter Twenty Three

Tulong! Tulungan niyo ako. Sigaw nang isip ni Aya. Wala siyang Makita sa tinatakbuhan niya dahil sa kadiliman nang gabi. Ngunit nararamdaman niya ang matalas na paghiwa sa balat niya nang mga damo sa binti niya. Hindi niya alam kung saan siya dinala nang lalaki.

Nang huminto ang van na sinakyan niya. Naramdaman niyang bumaba ang lalaki mula sa drivers seat. Nang muli niyang tangkaing buksan ang pinto hindi na iyon nakalock kaya naman madali lang niyang nabuksan ang pinto saka lumabas. Agad siyang tumakbo nang makababa nang Van. Dahil sa kadiliman nang paligid niya ilang beses pa siyang napada. Ngunit kahit na alam niyang wala siyang ibang mapupuntahan kailangan niyang makayo sa kung sino man ang nagdala sa kanya sa lugar na iyon.

Kahit tumakbo si Aya hindi parin niya natakasan ang lalaki. Nang maabutan siya nang lalaki hinawakan nito ang balikat niya. dahil sa pagpupumiglas niya nasugatan nang matulis na kuko sa kamay nito ang balikat niya. hindi niya alam kung bakit bigla siyang nahilo nang masugatan ang balikat niya bago siya taluyang lamunin nang kadiliman. Ngunit bago siya tuluyang mawalan nang ulirat isang mukha ang nakita niya. Mukha nang isang Fallen angel.

Aw! Mahinang daing ni Aya sabay sapo sa dumudugong balikat niya. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya. Naramdaman niya ang posas na nakakabit sa kanang kamay niya habang ang isang bahagi nito ay nakakabit sa head board nang papag na kinalalagyan niya. Nakatali din ang dalawang paa niya. sa loob nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa. Nakakaamoy din siya nang mga kandila sa paligid at ang pakiramdam na para siyang nasa loob nang isang haunted house.

"Mabuti at gising ka na" Narinig niyang wika nag lalaki. May naaninag siya sa hindi kalayuan. Ngunit hindi sapat ang liwanag para makilala niya kung sino ang nasa harap niya para itong may harang.

"Sino ka? Anong kailangan mo sa kin?" Hintakot na tanong ni Aya.

"Don't be scared. I am not going to hurt you. In fact, I'll make you happy." Anito at lumapit kay Aya saka hinaplos ang pisngi nang dalaga.

Agad namang itinaboy nang dalaga ang kamay nito. "Lahat nang mga dinala ko ditto. Naging masaya bago pa sila nawalan nang buhay. Ito ang unang langit mo bago kita ipadala sa kabilang mundo." Ngumising wika nang lalaki. Anong sinasabi nito? Takot na wika nang isip ni Aya.

"Huwag mo akong hawakan!" Wika ni Aya pilit na itinaboy ang kamay nang lalaki na naglalakbay sa mga braso niya.

"Bakit? Anong gagawin mo? Sisigaw ka? No one will hear you here. No one will come to save you. Ako lang ang pwedeng magpasya sa magiging kaligtasan mo." Asik nito at hinila ang kamay niyang may sugat. Napasigaw siya nang malakas dahil sa labis na sakit. Hindi niya alam kung bakit bumukas ang sugat niya sa balikat. Nanghina si Aya dahil sa ginawa nang lalaki. Nararamdaman din niya ang pag-agos nang dugo sa balikat niya.

"Behave yourself kung ayaw mong madaliin ang katapusan mo." Anang lalaki at lumabas sa silid.

"Kuya! Captain. Tulong!" Umiiyak na wika ni Aya. Wala siyang ibang maisip kundi ang kuya niya at si Achellion na pwedeng tumulong sa kanya.

"Wala pa bang balita kung nakita na ang Van?" tanong ni Eugene kay Arielle na abala sa pagtingin sa mga CCTV camera sa mga kalsada. 30 mins after they left Aya. Nang bumalik sila sa van wala na ang Van nang phoenix maging si Aya. Wala ding makapagturo kung sino ang nagpatakbo sa van.

"Hindi naman kaya si Captain ang nagdala kay Aya?" ani Johnny.

"Kanina lang nais niyang saktan si Aya. Kaya naman siya lang ang pwedeng dumukot sa kanya." Dagdag pa ni Julius.

"Hindi naman niya siguro sasaktan si Aya. Hindi ganoon si Kapitan." Ani Meggan.

"Pwede ba. Hwag niyo siyang tatawaging Kapitan. Hindi siya ang Captain natin. At kung siya man he don't deserve it. Kapag nahanap ko siya Ipapadala ko siya sa lugar na dapat niyang kalagayan." Galit na wika ni Julianne at napakuyom nang kamao. Nagkatinginan lang sina Meggan at Julius bakit parang may pinaghuhugutan ang galit ni Julianne sa binata?

Noon pa man napapansin na nilang hindi naman close ang dalawa. Tuwing naguusap ang mga it civil lang at tiwala walang emosyon.

Ngayon namang nawawala si Aya at iniisip nilang baka ang dati nilang kapitan ang may kagagawan umuusok naman ang ilong niyo dahil sa labis na galit.

Ilang Oras ding hindi bumalik ang lalaki sa loob nang silid. Pilit niyang tinanggal ang posas sa kamay niya ngunit na bigo siya. Nagkaroon tuloy siya nang sugat sa kamay dahil sa pagpupumilit na matanggal iyon. Nabigla si Aya nang may marinig siyang kaluskos mula sa labas nang kwarto. Maya-maya bigla bumukas ang pinto nang silid.

Biglang na hintakutan si Aya nang bigla na lamang pumasok ang lalaki na may dalang patalim. Nagbago din ang aura nito at nanlilisik ang mga mata. Na tila ba na sapian nang kung ano. Habang nakatingin siya sa lalaki, may bigla siyang napansin. Sa loob nang katawan nito may nakikita siyang nilalang.

Ngayon lang siya nakakita nang dalawang kaluluwa sa loob nang iisang katawan. Kanina kaya pala hindi niya Makita nang malinaw ang fallen angel dahil nangingbabaw ang kaluluwang mortal nito. Ngunit ngayong nakalantad ang fallen angel na sumanib ditto nakikita niya ito.

At dahil din sa liwanag nito kaya naman nakikita niya nang maliwanag ang fallen angel. Nahintakutan si Aya sa natuklasan kung isang fallen angel ang sumanib sa lalaki tiyak na wala na siyang kawala ditto.

Lumapit sa kanya ang lalaki at kinalagan ang tali niya sa kamay at paa. Nang makalas ang tali niya agad siyang tumayo mula sa papag at umatras. Ngumisi ang lalaki sa kanya.

"Gusto mo bang maglaro?" nakangising wika nang lalaki.

Hindi alam ni Aya kung ano ang gagawin. Wala siyang matatakbuhan kahit na gustuhin man niyang tumakbo. Napansin niyang ini-lock nang lalaki ang pinto. Hintakot na napaatras si Aya, hanggang sa bumangga siya sa isang side table.

"Bakit ka lumalayo? Hindi naman kita sasaktan." Wika nang lalaki at itinutok ang patalim sa leeg nang dalaga.

"Maawa ka." Mahinang wika ni Aya.

"Huwag kang gayan, para namang, napakasama kong tao." Wika nang lalaki at dahan-dahang ipinadaos dos mula sa leeg ni Aya ang patalim hanggang sa dibdib nito.

"Huwag mo akong hawakan!" Tili ni Aya at itinulak ang lalaki saka lumayo. Hindi naman nagustuhan nang lalaki ang ginawa ni Aya kaya sinundan nito si Aya. Hinablot nito ang kamay nang dalaga at hinatak palapit sa kanya.

"Huwag mong subukang lumaban. Wala ka rin namang magagawa." Wika nang lalaki at muling itinutok ang kutsilyo sa leeg ni Aya.

"AH!" Malakas na sigaw ni Aya nang hawakan nang mahigpit nang lalaki ang sugat niya sa braso.

"Kung magiging mabait ka, hindi kita masyadong sasakyan." Anito at lumayo sa kanya, saka hinubad ang sout na damit. Labis na natatakot si Aya. Hindi niya alam kung sino ang pwede niyang mahingan nang tulong.

"Kung magiging mabait ka. Magiging mabait din ako saiyo." Wika nito humakbang papalapit kay Aya. Labis ang takot na nararamdaman ni Aya. Kinapa niya ang side table Ngunit wala naman siyang makuhang bagay na pwedeng tumulong sa kanya upang matakasan ito.

Tangka siyang yayakapin nang lalaki nang bigla niya itong sinipa sa pagitan nang hita nito. Dahil sa sakit na naramdaman sa bahaging iyon nang katawan niya. Napahiga sa kama ang lalaki habang namimilipit sa sakit. Agad na sinamantala ni Aya ang pagkakataon para makatayo, ngunit nang dumating siya sa may pinto bigla siyang natigilan dahil naka lock ang pinto.

Nang lingonin niya ang lalaki nakatayo na ito at papalapit sa kanya. Hindi na patalim ang dala nito kundi ang martilyo. Nataranta si Aya hindi niya alam ang gagawin niya.

Lalo siyang napatili nang hatawin siya nito nang martilyo. Buti na lamang at nakailag siya. Tumama sa pinto ang martilyo. Nakailag nga siya sa martilyong hinataw nito, Hindi naman niya nailagan ang mga kamay nito na sinalo ang leeg niya.

"Ang ayaw ko sa lahat ay yung mga suwail." Galit na wika nito. habang mabalasik na nakatingin sa dalaga. Napahalukipkip sa pinto si Aya. Bigla na lamang pumasok sa isip niya ang mga imahe na ipinakita ni Alice sa kanya.

Ang lugar na ito katulad nang lugar na pinagdalhan nang criminal kay Alice bago ito mamatay. Ang takot na naramdaman ni Alice nararamdaman din niya at ang martilyo na hawak nito. Marahil ito ang martiyong ginamit nito upang patayin ang mga biktima nito.

"Achellion." Mahinang Sambit ni Aya sa pangalan nang binata. Habang pumapatak ang luha sa mga mata. Wala siyang ibang maisip na tawagin nang mga sandaling iyon kundi ang binata. Nanalangin siyang maririnig ni Achellion ang boses niya gaya nang ginagawa nito dati. Ang bigla na lamang itong darating upang iligtas siya. Ngunit nasaan ang binata?

Muli sana siyang hahatawin nang lalaki nang martilyo nang biglang may bumagsak na liwanag mula sa itaas nang bubong. Biglang napahinto ang lalaki at nilingon ang liwanag na nasa likod nila. Unti-unti ang liwanag at naging isang nilalang.

"Achellion." Wika ni Aya nang makilala ang dumating. Binitiwan nang lalaki si Aya at bumaling sa bagong dating.

"A-Achellion." Nagulat na wika nang lalaki nang makilala ang dumating. Nababalot ito nang pulang liwanag. Sa mga mata ni Achellion mababasa na labis itong nagagalit.

"BAAL!" Galit na asik ni Achellion at napakuyom nang kamao. Nakita ni Aya na nag-apoy ang kamay nito. "Sinabi ko na sa inyo. Ako lang ang may karapatan sa dalagang yan." Wika nito at Agad na inatake ang lalaki. Isang malakas na suntok ang iginawad nang binata sa lalaki. Dahil sa lakas nang suntok ni Achellion tumilapon palabas nang lalaki. Nasira pa ang pinto nang tumama ito. Bumulagta sa labas ang katawan nang lalaki. Nakita ni Aya na humiwalay ang fallen angel sa katawa nang mortal.

"Achellion. Pagbabayaran moa ng ginawa mo." Wika nito at inatake ang binata. Agad na nasangga ni Achellion ang kamay nang lalaki saka buong lakas na sinipa. Napaatras ang lalaki dahil sa impact nang ginagawa ni Achellion.

"Dahil sa babaeng yan kaya hindi maayos ang takbo nang utak mo. Hayaan mo akong tumapos sa kanya." Wika nang lalaki. Hindi sumagot si Achellion bagkus patuloy niyang inatake ang lalaki.

Nakita nang lalaki na biglang nagliwanag ang kanang kamay nang binata. Bigla ding lumabas ang apoy na pakpak nito.

"Achellion!" Malakas na tili ni Aya. Agad namang bumaling ang binata sa dalaga. Ganoon na lamang ang gulat niya nang Makita sa Cain na hawak si Aya. Ngayon lang niya nakita si Cain. Hindi niya alam na narito din ang lalaki sa mundo nang mga mortal. Ibig sabihin kumikilos na si Lucifer. Si Cain ang nakasulat sa bibliya na unang gumawa nang krimen laban sa Diyos at sa tao. Siya rin ngayon ang kanang kamay ni Lucifer.

"Cain!" Wika ni Achellion sa pagitan nang mga ngipin.

"Masyado mo akong pinabibilib sa angkin mong lakas Achellion. Magiging maganda kung magsasama ang ating lakas. Tigilan mo na ang pag tatanggol sa mga tao. Ito lang ang kaya nilang gawin. Sila sila mismo ang nag papatayan. Sila mismo ang gumagawa nang kasamaan laban sa kapwa nila. Ganitong klaseng nilalang ba ang iyong ipinagtatanggol?" Anito sa binata.

"Tingnan mo ang sarili mo Achellion isa kang Nemesis. Far more superior than the other fallen angel. Kung gugustuhin mo kaya mong sakupin ang buong mundo. Ngunit anong ginagawa mo? Hindi mo ginagamit ang kapangyarihan mo. Sayang ang lakas nang kapangyarihang hawak mo. bakit hindi ka sumama sa akin. Magkasama nating sakupin ang buong mundo."

"Achellion wag kang makinig sa kanya." Wika ni Aya kahit nahihirapang magsalita dahil sa pag kakasakal nang fallen angel. "Mabait at maalaga ang Achellion na kilala ko. Siya ang taong nasa tabi ko tuwing kailangan ko nang tulong." Wika ni Aya.

"You have a clever tongue, little girl. Nais mo na bang wakasan ko ang buhay mo?" Galit na wika nito at lalong hinigpitan ang hawak sa leeg ni Aya. Ang kamay ni Cain ay may taglay na lason. dahil sa lason sa kamay nito. Unti-unting nangingitim ang mukha ni Aya.

"Cain!" Galit na wika ni Achellion at sinugod ang lalaki. Ngunit hindi siya nakalapit sa lalaki dahil sa biglang pag harang ni Baal.

"Ako ang kalaban mo Nemesis. Huwag mong ibaling ang atensyon mo sa iba." Anito kay Achellion.

"Wala akong panahon sa iyo." Wika ni Achellion at mabilis na sinaksak nang apoy na palaso ang dibdib nang lalaki. Napa agik ang lalaki at napaatras. Unti-unti parang nasusunog ang katawan nang lalaki hanggang sa bigla itong mag alab at unti unting naging abo.

"Kamangha-mangha. Napakaganda nang kapangyarihan mo Achellion." Nakangiting wika ni Cain. Bumaling si Achellion kay Cain at mabilis itong sinugod. Naging mabilis naman ang reflexes nang lalaki. Nang palapit na si Achellion agad nitong itinulak palayo si Aya. At sinangga ang atake ni Achellion. Bumagsak sa gilid nang kama si Aya. Napahawak ito sa leeg habang binabawi ang paghinga.

"Masyado kang apektado sa mga nangyayari Achellion. Sigurado ka bang kaya mo kaming harapin nang mag-isa ka lang?" Anito habang naglalaban sila ni Achellion.

"Manahimik ka. Bago ko tapusin ang dalagang yan. Sinisiurado kong kayo ang uunahahin ko." Ani Achellion. Biglang tumigil sa pag-atake si Achellion nang lumayo si Cain.

"Hindi ito ang huling pagkikita natin Achellion. Pagisipan mong mabuti ang ginagawa mo. Kung tama baa ng desisyon mo kampihan ang mga mortal." Anito at tuluyang nanglaho.

Gaya nang dati, hindi nagapi ni Achellion si Cain dahil umalis ito sa gitna nang laban. Alam ni Achellion na hindi lang si Cain ang kalaban niya. Hindi pa rin lumilitaw si Lucifer. Mas marami pang mga fallen Angel ang maghahangad sa kamatayan ni Aya. Sinasabi nang mga ito na si Aya ang magiging katapusan niya. Ngunit kahit na anong gawin niya. Kahit isipin niyang wakasan ang buhay nang dalaga. Sa huli lumabas na siya pa ang tumutulong ditto salungat sa nais niya.

"Achellion.' Wika ni Aya at napatingin sa binata. Habang nakikipaglaban ito sa fallen angel na tinagawag niton Cain, Nasa isip parin nito ang pagtapos sa buhay niya. Anong nangyari sa Achellion na kilala niya. Nasaan na ang Achellion na puno-puno nang pagpapahalaga sa kanya. She miss his warm character.

Ang nakikita na lamang niya ngayon ay isang fallen angel na walang ibang alam gawin kundi ang pumatay gaya nang iba.

"Aya!" Wika ni Achellion at bumaling sa dalaga. Nakita niya itong nakaupo sa gilid nang kama at sapo ang brasong may sugat. Nangingitim din ang leeg nito dahil sa lason na mula kay Cain. Nahihirapan din itong huminga. Alam nyang dapat siyang magalit sa dalaga ngunit bakit. Nais niya itong hawakan at yakapan. Hindi ito ang damdaming dapat niyang maramdaman. Labis siyang naguguluhan.

"Aya?!" Nag-aalalang wika ni Achellion at nilapitan ang dalaga. Kapag wala siyang ginawa malalagutan nang hininga ang dalaga. Ngunit kalaban ang dalaga hindi dapat siya nakakaramdam nang ano mang awa ditto. Magandang pagkakataon na ito upang mawala ang dalaga gaya nang matagal na iyang gusto, Ayaw na niyang guluhin nang dalagang ito ang isip niya. Kapag iniwan niya ditto ang dalaga tiyak na kamatayan na nito ang sunod.

"Achellion." Hirap na wika ni Aya. Hinawakan ni Achellion ang leeg ni Aya. Napaatras si Aya dahil sa ginawa ni Achellion, Gaya ba nang dati tatangkain siya nitong patayin.

"HUwag kang mag-alala. Sinsabi ko na dati. Ako lang ang may karapatang pumatay sa iyo. At hindi lason ni Cain ang na isip kung kikitil sa buhay mo." Wika ni Achellion at hinawakan ang leeg ni Aya. Unti-unti naramdaman nang dalaga na naalis ang sakit sa leeg niya. Bumabalik din ang dating nitong kulay.

"Achellion." Mahinanag usal ni Aya nang lumayo sa kanya ang binata nang wala na ang lason sa leeg niya.

"Hwag mong tawagin ang pangalan ko na para bang kilala natin ang isa't-isa. Don't misunderstood. Hindi kita iniligtas. Ayoko lang na may nakikiaalam sa mga bagay na ginagawa ko. Ako lang dapat ang papatay sa iyo. Hanggat hindi dumarating ang panahong iyon. Hindi ka pwedeng mamatay." Wika ni Achellion at tumalikod. Dahil sa sinabi nang binata hindi mapigilan ni Aya na lumuha.

"Thank you for staying alive all this time. Kahit hindi mo na ako nakikilala hanggang ngayon hindi mo nakakalimutan ang pangako mo." umiiyak na wika ni Aya.

Lumabas ka nang buhay. Narinig ni Achellion ang mga katagang iyon sa isip niiya kaya naman taka siyang napalingon kay Aya. Sino ba ang dalagang ito. Bakit ang daming pumapasok sa isip niya tuwing nakikita ang dalaga. Ano ang kaugnayan nito sa kanya. Kanina nang tiwanag nito ang pangalan niya. Tila musika sa pandinig niya. Sino ba ang dalagang ito? Ano ito sa kanya?

"And because of that silly ought you. you almost got yourself killed. I don't want you to risk your life." Wika ni Aya at nagbaba nang tingin. Nabigla si Aya nang ipatong ni Achellion ang kamay nito sa ulo niya gaya nang ginagawa nito dati. Nang mag-angat siya nang tingin bigla din nitong binawi ang mga kamay.

Ano bang ginagawa ko? Bakit parang may sariling isip ang katawa ko. Wika ni Achellion nang mapansin ang sarili na ipinatong anng kamay sa ulo ni Aya. Parang kilala nang katawan niya ang gesture na iyon kaya naman bigla nalang kumilos ang mga kamay niya bago pa siya nakapag-isip.

"Will you stay?" mahinang tanong ni Aya sa binata.

"Huh?"

"Pagod na ako." Wika ni Aya saka biglang bumagsak ang katawan. Naging maagap naman si Achellion na saluhin ang dalaga. He was so close to her to the extent na Malaya niiyang nasisilayan ang maamong mukha nang dalaga. Kahit anong gawin niyang kapa sa puso niya wala siyang maramdamang galit sa dalaga. Ngunit sa isip niya may nagdidikta na hindi dapat siya mahumaling sa dalaga.

"Silly girl." Wika ni Achellion saka pinangko ang dalaga.

"Sino ka ba talaga at ano ang ugnayan ko saiyo? Bakit hindi magawang mamuhi sa iyo." Wika ni Achellion habang nakatingin sa mukha nang dalaga.

I have already given you half of my life. And this is bunos. Ito ang mga katagang pumasok sa isip ni Achellion. "Sino namang wala sa sarili ang magsasabi nang mgakatagang iyon. " Wika nang binata at tumingin sa walang malay na si Aya.

Bigla silang lumitaw sa harap nang isang hospital kung saan niya minsan dinala si Aya. Iniwan niya ang dalaga sa harap nang hospital isang nurse ang nakakita sa dalaga at agad na isinugod sa emergency room ang dalaga. Agad namang nilang tinawagan si Eugene at Jenny nang makilala kung sino ang pasyente.

Isang tawag ang natanggap nang phoenix tungkol sa kinalalagyan nang suspect nang mga rape na nangyari. Pinuntahan ni Julianne ang lugar kasama ang ibang miyembro nang phoenix. Nang dumating sila nakita nila ang lalaki na nakatali sa isang puno. Nakita din inla ang van nang phoenix na siyang ginamit sa pagdukot kay Aya.

Dinala ang suspect sa presinto para mainbestigahan. Naroon din ang pamilya nang mga biktima na galit na galit sa lalaki. Pilit nilang sinugod ang lalaki ngunit naroon ang mga pulis para pigilan sila. Napag-alama nila na ang bagong fast food manager kung saan nag tatrabaho si Alice dati ang siyang suspect sa sunod-sunod na rape and murder case.

Malaki ang pasasalamat nang pamilya nang mga biktima dahil sa pagkakahuli nang suspect. Tulala ang suspect nanahuli nila. Hindi ito makapagsalita nang maayos. Wala din itong maalala sa mga nangyari ngunit lahat nang ebidensya siya ang itinuturong suspect.