Chereads / Angel's Feathers / Chapter 23 - Chapter Twenty Two

Chapter 23 - Chapter Twenty Two

Isa na namang rape victim ang natagpuang walang buhay sa ilalim nang isang tulay. Gaya nang mga naunang biktima, puno rin ito nang sugat lalo na sa ulo na sanhi nang kinamatay nito. May mga pasa din ang buong katawan nito na palatandaan nang pambubugbog.

Nang dumating sa lugar ang grupo ni Eugene naroon na ang mga magulang nang biktima at naghehestikal dahil sa pagkawala nang anak nito.

Napag-alam nila sa isang estudyante nang dating school na pinapasukan ni Aya ang dalaga. At ang nakakagulat pa isa itong classmate ni Aya.

"AYA!" Humahangos na wika ni Alice habang papalapit sa kanya. Naroon siya noon sa harden at nakikinig nang mga Audio tutorials.

"Nalaman mo na ba ang balita?" Wika nito nang makalapit sa kanya. "Kawawa naman siya, alam mo bang kahapon lang Nakita ko pa siya sa fast food na kumakain kasama ang boyfriend niya" Wika pa nito. Ipinakita si Alice kay Aya ang dyaryo nang Makita ni Aya ang babaeng biktima agad na pumasok sa isip niya ang kanyang panginip noong nakaraang gabi. Gaya din ito nang una, napapanginipan niya ang mga nangyayari.

"Alice kailangan kong pumunta sa lugar na iyon."Wika ni Aya.

"Ano?! Gusto mo bang pagalitan ka nang kuya mo?" Bulalas ni Alice. "Ano naman ang gagawin mo dun?" ani Alice.

"Sabi mo dati tutulungan mo akong matakasan ang mga bantay ko. May kailangan lang akong kompirmahin." Wika ni Aya.

"Hay naku naman pati ako ipapahamak mo." Wika ni Alice at napakamot nang ulo.

Wala na sa lugar grupo Nina Eugene nang dumating si Aya at Alice. Wala ring nagawa si Alice kundi ang samahan ang kaibigan. Naabutan na lang nila ang ilang miyembro nang Forensics na sinisiyasat ang lugar. Naghahanap nang ebedinsya na pwedeng magturo sa kung sino ang criminal.

"Miss, hindi kayo pwede dito." Wika nang isang pulis at lumapit kay Aya at Alice. Ngunit hindi natinag si Aya. Nakatingin lamang siya sa bahagi nang tulay kung saan nakita ang walang buhay na katawan nang biktima. Sa dakong iyon nakikita niya ang umiiyak na kaluluwa nang biktima.

Bigla itong tumigil nang mapansing nakatingin si Aya sa kanya. Biglang natuptop ni Aya ang bibig niya nang Makita ang nakakatakot na ayos nito. Biglang naging galit ang ayos nang mukha nito. Lumutang ito sa hangin at sinugod si Aya.

"Huwag!" Tili ni Aya dahil sa labis na takot at ipinikit ang mata para hindi Makita ang mukha nito.

"AYA!" Isang pamilyar na boses ang narinig ni Aya. "What are you doing here?" Tanong nito sa kanya. Dahan-dahan siyang nagmulat nang mata para tinignan ang may-ari nang pamilyar na boses. Wala na sa harap niya ang babae.

"Anong ginagawa niyong dalawa ditto?" asik ni Julius.

"Bakit ka na nginginig? May nangyari ba?" Masuyong tanong nito sa dalaga.

"Kuya Julius" Mahinang wika ni Aya saka mahigpit na humawak sa braso nang binata.

"Pasensy ka na Sgt Hererra. Hindi ko na napigilan si Aya." ani Alice.

"Yeah, it's me alright. Whats wrong?" Biglang wika ni Julius nang bigla siyang yakapin ni Aya. Ngayon lang niya nakitang nanginging at takot si Aya.

"Kilala niyo ba siya Sgt?" Tanong nang pulis sa binata.

"Kapatid ko siya, Ako na ag bahala dito." Ani Julius sa pulis. Tumango naman ito at bumalik sa mga kasamahan.

"Wait for me here." Ani Julius at dinala si Aya sa motor bike niya na nakaparada sa di kalayuan.

"Bakit?" Tanong ni Julius nang biglang nilingon si Aya nang hawakan nito ang laylayan nang jacket niya. Pinigilan siya nito nang babalik na siya sa mga pulis.

"Ill be right back." Ani Julius at hinawakan ang kamay ni Aya. Hindi alam ni Aya kung paano sasabihin kay Julius na Ayaw niyang maiwang mag-isa dahil sa kaluluwa nang biktima na sumusunod sa kanya.

Hindi rin naman niya alam kung paniniwalaan siya nito.

"Pasensya na Aya. Hindi nasana kita isinama ditto." Wika ni Alice sa kaibigan.

"Hindi mo naman kasalanan." Wika ni Aya. Siya rin naman ang may gustong pumunta sa lugar na iyon. Hindi naman niya akalain na susugurin siya nang kaluluwa nang babae. Wala naman siyang ginagawang masama ditto. Kaya bakit siya nito susugurin. Bakit ito magagalit sa kanya? Nang makabalik si Julius.

Inihatid sila nito ni Alice pabalik nang mansion sinabi nitong kailangan na nilang umuwi baka naroon na si Eugene at hinihintay sila. At tiyak magaalala iyon kapag nakitang wala siya sa mansion.

"Aya! Saan ka ba nanggaling kanina pa kami nag-aalala sa iyo." Wika ni Eugene at sinalubong ang kapatid nang dumating ito sa bahay nila. lumapit din si Julianne at Eugene sa kanya.

"Naglibot libot lang ako sa mall." Simpleng sagot ni Aya. Hindi niya maikwento sa kuya niya na pumunta sila ni Alice sa site Nakiusap din siya kay Julius na ilihim an bagay na iyon sa kapatid niya. Ayaw niyang mag alala pa ito sa kanya. Masyado na itong maraming iniisip.

"Bakit ka umaalis nang walang kasamang bantay. Alam mo bang delekado."

"Huwag kang mag-alala ako naman ang kasama niya." wika ni Julius. Hindi naman kumibo si Eugene may tiwala naman siya kay Julianne ngunit nag-aalala pa rin siya sa kapatid niya lalo pa at hindi ito na kakakita.

Alice! Tika saan ka pupunta? Ani Aya habang hinahabol ang kaibigan. Kanina pa niya ito sinusundan ngunit hindi naman nito sinasabi kung saan ito pupunta. Kanina pa niya ito sinusundan. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Hanggang sa tumigil ito sa isang basurahan.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Aya sa kaibigan. Ngunit hindi ito sumagot. Bagkus matama lang itong nakatitig sa malaking basurahan. Nagtataka siya sa ikinikilos nito.

Dahan dahan siyang lumapit sa basurahan. Hindi niya alam pero sa palagay niya gusto ni Alice na buksan niya ang basurahan. Napalunok si Aya bago dahan-dahang tanggalin ang takip nang basurahan.

"AH!" ganoon na lamang ang tili niya nang Makita ang duguang katawan ni Alice na nakalagay sa loob nga basurahan. Nang lingonin niya si Alice lalo siyang natakot nang Makita ang duguang kaibigan. May sugat ito sa ulo at sa leeg. Lalo siyang napatili dahil sa labis na takot.

Mula sa Bintana nang silid ni Aya, kitang kita ang bilog na buwan. At ang ilaw nang bilog na buwan ay pumasok sa kwarto nang dalaga. Mula sa bintanang iyon. Malayang napagmamasdan ni Achellion ang payapang natutulog na si Aya. Alam niyang nagising na ito simula nang ibigay niya ang lutos na kwentas hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon ngunit pakiramdam niya iyo ang dapat.

Habang pinagmamasdan niya ito. Bigla niyang napansin ang balisang mukha nang dalaga. Di yata't na nanaganip ito nang masama? Dahil sa labis na pag-aalala.

Walang pasabi siyang pumasok sa loob nang silid nang dalaga. Tela isang malakas na hangin ang umuhip at nabuksan ang bintana nang silid ni Aya.

"Aya! Aya." Malamyos na boses na wika ni Achellion habang tinatapik ang balikat nang dalaga. Ngunit biglang lumayo ang binata. dapat kinamumuhian niya ang dalaga. dapat nais niya itong kitlin ngunit bakit nag-aalala siya?

Lalong nag hestirical si Aya nang bigla siyang hawakan sa kamay ni Alice.

"Tulungan mo ako." Mahinang wika nito. hindi alam ni Aya kung ano ang gagawin dahil sa labis na takot. Kung kailangan ni Alice nang tulong ganoon din siya. Hindi niya gusto ang nakikita niya. Hindi niya alam kung totoo ang nakikita niya.

"Aya! Aya." Isang malamig natinig ang narinig ni Aya sa gitna nang kadiliman. Ngunit sino ang tumatawag sa kanya. Unti-unti biglang naglalaho ang imahe ni Alice.

"Anong nangyayari?" Tanong nang isip ni Aya.

Biglang napabalikwas nang bangon si Aya nang marinig ang pagtawag sa kanya. Nang mag mulat siya nang mata nakita niya ang isang binata na nakatunghay sa kanya. Gaya nang una niya itong Makita sa gate nang bahay nila nababalot ito nang matingkad na liwanag. Nagtaka siya kung paano ito nakapasok sa loob nang silid niya? biglang umuhip ang malakas na hangin kaya siya napatingin sa direksyon nang bintana. Doon nakita niya na bukas na ang bintana.

"Captain?" Mahinang wika ni Aya nang makilala anng binata. Halos tumalon anng puso niya dahil sa tuwa. Nang Makita muli nang malapitan ang binata.

Nang marinig ni Achellion ang pangalan niyang binanggit ni Aya bigla siyang nagulat. Tangka sanang hahawakan ni Aya ang mukha nang binata nang bigla itong umatras. Kapag narinig niya ang boses nang dalaga biglang kumkabog ang dibdib niya.

"Captain." Wika ni Aya at hinawakan ang kamay nang binata upang pigilan ito sapag-alis. Bigla namang napalingon si Achellion sa dalaga.

Hindi siguro tamang nagpunta siya sa bahay nang dalagang ito. Dahil kung ano-anong damdamin ang nararamdaman niya. Guston niyang magalit ngunit hindi iyon ang nararamdaman nang puso niya.

Nais niyang hawakan ang dalaga at yakapin nang mahigpit.

Hinawakan niya ang kamay nang dalaga saka marahas na tinanggal mula sa pagkakahawak sa kanya saka naglakad patungo sa binatana.

Biglang natiglan si Achellion nang bigla na lamang siya niyakap ni Aya mula sa likod niya.

"Huwag kang umalis. Huwag mo akong iwan. Natatakot ako. Hindi ba't sabi mo. Kung kailangan kita parati kang nan diyan protekthana ako?" Wika ni Aya habang umaagos ang luha sa mga mata. Hindi nakapagreact si Achellion. Biglang pumasok sa isip niya ang mga salitang iyon.

".. So everytime you need help I will always be there to protect you." Mga salitang pumasok sa isip niya.

"Pasensya na. Pero hindi ako ang taong iyon." wika ni Achellion at tinanggal ang pagkakayakap ni Aya sa bewang niya. Saka walang pasabi na umalis dahil sa naging reaksyon ni Achellion napaupo si Aya sa ibaba nang kama habang umiiyak talaga bang kinalimutan na siya nang binata? Balewala lang ba ditto lahat nan mga pangako nito sa kanya?

"Bakit mo pinuntahan ang dalagang iyon?" tanong ni Jezebeth nang bumalik si Achellion. Hindi pa rin alam nina Jezebeth na si Achellion ang tumapos sa buhay nang apat pang fallen angel.

"Dahil gusto ko siyang tapusin. Ngunit bakit ganoon? Hindi galit ang nararamdaman ko sa kanya." Wika ni Achellion. "Taliwas sa gusto niyong maramdaman ko sa dalagang iyon."

"Baka naman nahulog ka na sa mahika nang babaeng iyon." wika ni Rahab.

"Mahika?"

"Iyon ang kapangyarihan niya. Para makuha ang kapangyarihan mo kailangan mahulog ka sa kanya upang hindi mo siya patayin." Wika ni Ornais at lumapit sa kanila.

"HUwag kang magpa loko sa maamo niyang mukha. Ikaw din ang magiging biktima sa huli." Wika ni Leonard.

"Kung hindi mo siya kayang patayin. Sabihin mo lang. Kami na ang tatapos sa kanya." Wika ni Rahab.

"Ako ang tatapos sa kanya. Huwag kayon makiaalam." Asik ni Achellion. Saka iniwan ang mga kasamahan. SInundan lang siya nang tingin nang mga ito. Nararamdaman nilang humina ang kapangyarihan ni Achellion tila ba may bahaging nawawal ditto. Hindi na ito gaya nang dati. Sa enerhiya palang nitong taglay sapat na upang matakot ang sino man. Ngunit bakit may nagbago.

Kinabukasan: isang balita ang gumimbal sa lahat. Natagpuan ang walang buhay na katawan ni Alice sa loob nang isang basurahan At tulad nang mga naunang biktima nagtamo ito nang sugat sa ulo na sanhi nang pagkamatay nito. Animo'y hinataw nang isang matigas na bagay. Isang matandang basurero ang nakadiskubre sa bangkay ni Alice. Kasalukuyang nasa mansion si Eugene nang makatanggap sila nang tawag mula Kay Julianne at ibalita ang nangyari.

"AAlis ka?" Tanong ni Jenny sa kasintahan habang nasa kusina sila. Naghahanda siya nang meryenda nang lapitan siya ni Eugene at sabihing kailangan niyang pumunta sa crime scene. "Alam na ba ni Aya ang nangyari sa kaibigan niya?" tanong ni Jenny sa binata.

"Hindi pa. Hindi ko alam kung paano niya tatanggapin ang nangyari." Ani Eugene.

"Bakit anong nangyari?" tanong ni Aya na biglang pumasok sa loob nang kusina kasama si Roch. Gulat namang naptingin sina Jenny at Eugene sa dalaga. "Ano bang pinag-uusapan niyo na hindi ko pwedeng marinig?" ani Aya.

"Aya."ani Eugene at lumapit sa kapatid niya."It's Alice." Ani Eugene ta hinawakan ang balikat nang kapatid.

"Bakit anong nangyari sa kaibigan ko." Biglang kinabahan na wika na tanong ni Aya.

"Natagpuan siyang walang buhay sa loob nang isang basurahan." Ani Eugene. Gimbal na napaatras si Aya.

Sandaling na blanko ang utak niya. saka pumasok sa isip niya ang napanaginipa niya noong nakaraang gabi. So it was a premonition. Ang nakita niya sa panaginip niya ang eksaktong nangyari kay Alice.

"Pupuntahan ko sina Julianne ngayon. Dumito ka na muna." Ani Eugene sa kapatid.

"Sasama ako." Ani Aya.

"Pero Aya." Nag-aalalang wika ni Jenny.

"Please."wika in Aya saka bumagsak ang luha sa mga mata niya. Ayaw sana ni Eugene na isama si Aya sa lugar kung saan nakita si Alice ngunit hindi rin niya napigilan ang kapatid. Nagpaalam siya sa lola niya at kay Jenny dahil may emergency silang pupuntahan.

"Dito ka lang. babalik agad ako." Ani Eugene bago bumaba nang van. Alam niyang nalulungkot pa rin ang kapatid dahil sa nangyari kay Alice ngunit wala na silang magagawa. Isinama niya si Aya sa lugar kung saan nakita ang katawan ni Alice ngunit hindi niya ito pinalabas nang van. Dahil alam niyang lalo itong masasaktan kapag nakita ang kaibigan.

Nilapitan ni Eugene ang mga kasamahan sa phoenix. Inilagay na si Alice sa isang stretcher para dalhin ang katawan sa morque. Pinalibutan din nag yellow line ang buong paligid para walang civilian na makalapit.

Nang Makita ni Eugene ang bangkay ni Alice. Labis siyang naawa dahil sa lunos-lunos nitong kalagayan. Halos basag ang bungo nito dahil sa sugat sa ulo.

"May nakita bang clue na makapagtuturo sa suspect?" tanong ni Eugene.

"Gaya nang mga naunang biktima. Walang bakas na iniwan ang suspect." Ani Meggan.

"Masyado siyang malinis gumawa nang crimen." Wika ni Arielle.

Nang makaalis si Eugene bigla na lamang lumitaw ang kaluluwa ni Alice sa tabi ni Aya. Dahil sa takot balak sana niyang bumaba sa Van ngunit bigla nitong hinawakan ang kamay niya. Kasunod noon bigla na lang siyang napunta sa school nila.

Nakita niya si Alice na kausap ang kuya niya. Tinatanong nito kung nagkita ba sila. Ito ang eksena noong araw na maaga siyang umalis sa bahay nila. Maya-maya nagbago ang lugar bigla na lang siyang dinala sa isang club. Nakita niya si Alice na masayang sumasayaw kasama ang mga crew nang fast food.

Kasama ang isang lalaking hindi niya maklaro ang mukha. Bigla na lamang nasa isang bahay na sila na puno nang mga nakakatakot na imahe. Napansin din niya ang mga larawan nang mga naunag biktima. Nakita niya si Alice na nakahiga sa isang kama. Dahil sa labis na kalasingan nito hindi nito napansin na unti-unti na siyang hinuhubaran nang lalaki.

Pilit siyang sumigaw para pigilan ang lalaki ngunit hindi siya nito marinig. Maya-maya biglang nagbalik ang ulirat ni Alice napansin nito ang ginagawang paghalik nang lalaki sa leeg niya. Nanlaban si Alice ngunit mas malakas ang lalaki hanggang sa magtagumpay ito sa nais gawin sa dalaga. Matapos nitong isakatuparan ang balak. Kumuha ito nang isang martilyo at walang awa na pinukpok ang ulo niya nang martilyo.

"Tama na!" paulit ulit na sigaw ni Aya. Ngunit hindi siya naririnig nang lalaki.

"Aya!" Untag ni Julianne sa dalaga. Papunta siya noon sa van kung saan iniwan ni Eugene si Aya. Habang palapit naramdman niya ang presensya nang isang lagalag na kaluluwa. Dati naikwento ni Eugene na sa kabila nang pagiging bulag nang kapatid nakikita nito ang mga bagay na hindi nakikita nang mga mortal. Lalo pa siyang kinabahan nang marinig si Aya na sumigaw kaya naman nagmamadali niyang binuksan ang pinto nang van.

Naikwento ni Aya sa kanya ang masamang panaginip niya tungkol sa kaibigan nito. Labis siyang nag-alala sa dalaga kaya naan sinundan niya ito hanggang sa lugar kung saan nakita ang walang buhay na katawan ni Alice. At tama nga ang hula niya. Dinala nang mga ito ang diwa ni Aya. Kahit anong tapik niya sa mukha nito. Hindi niya magawang pabalikin ang dalaga.

"Aya!" Malakas na wika ni Julianne nang hindi pa rin bumabalik sa suhistyon niya ang dalaga.

Habang nasa kadiliman. May naririnig si Aya na tumatawag sa kanya. Ngunit hindi niya ma klaro kung sino. Hinang-hina ang katawan niya dahil sa nasaksihang nangyari sa kaibigan.

"Bakit? Bakit hindi mo ako tinulungan!" Ito ang galit na mga katagang sinabi ni Alice sa kanya. Mga katagang bumabagabag sa dalaga. Tama ito wala siyang nagawa. Dahil siya man din ay kailangan din nang tulong nang ibang tao.

"Aya!"

"Captain." Mahinang bigkas ni Aya sa pangalan nang binata. Naririnig niya ito tinatawag siya. Nakilala niya ang boses nang binata ito ang parehong boses na gumisig sa kanya mula sa masamang panaginip niya. Ngunit masyado na siyang napapagod ayaw na niyang kumilos.

"Aya. Snap out of it!" narinignig niya ang puno nang pag-aalalang Wika nang isang boses. Maya-maya naramdaman niya na parang may mga bisig na yumayakap sa kanya. It was warm and full of security. Mula sa kadilimang kinalalagyan niya. May maliit na liwanag siyang nakikita. Papalapit ito sa kanya. Nang subukan niya itong hawakan bigla na lamang itong naglaho.

"Angel's feather." Mahinang wika ni Aya. Maya-maya ang maliit na liwanag ay naging anyong tao. Unti-unti ang Anino ay nagkaroon nang mukha. Nakangiti sa kanya at nakaunat ang mga kamay waring inaanyayahan siyang sumama sa kanya.

"Aya!" Wika nito. dahan-dahan niyang inabot ang kamay nang lalaki. Ngunit habang inaabot niya ito lalo naman itong lumayo. Sa kagustuhan niyang mahawakan ang kamay nito sinundan niya ang liwanag.

"Captain." Mahinang sambit ni Aya. Saka nag mulat nang mata. Nang magmulat siya nang mata naramdaman niya ang nga bisig na nakayakap sa kanya. Agad niyang itinulak ang may ari nang mga bisig na iyon.

"Julianne?" Takang wika ni Aya. Nang makilala ang binata sa harap niya.

"Yes, its me." Sagot nito sa kanya. "Akala ko kung ano na nangyari sa iyo. Okay ka lang ba?" Wika nito.

"Si Alice. Kailangan niya nang tulong ko." Wika ni Aya at hinawakan ang kamay ni Julianne. Biglang napalingon si Julianne nang maramdaman ang isang malakas na aura na nasa likod niya. Ganoon na lamang anng gulat niya nang Makita si Achellion. Ang Fallen angel na dapat niyang hulihin.

Dahil malapit nang maubos ang oras nang pamamalagi niya sa mundo. Isang misyon ang ibinigay sa kanya. At iyon ay ang hulihin si Achellion. Walang sinabing detalye si Arielle kung bakit kailangan niyang ituon anng atensyon niya kay Achellion at hindi sa mga anghel na unti-unting inaatake nang mga mapaghiganteng fallen angel. Ngunit bilang isang sundalong anghel kailangan niyang sumunod nang hindi nag tatanong.

Biglang nabitiwan ni Aya ang kamay ni Julianne nang mapansin ang lalaking nasa likod nito.

Hindi nagbabago ang matingkad na kulay nito nang Makita niya ito sa labas nang gate. Akma sana siyang bababa nang sasakyan nang biglang humarang si Julianne.

"Anong ginagawa mo ditto." Asik ni Julianne sa binata.

"Hindi ikaw ang pinunta ko ditto." Wika Achellion at ibinaling ang tingin sa dalagang si Aya na nasa likod ni Julianne.

"Clearly I know na hindi ako pinunta mo ditto. Ngunit dapat mo ding malaman na hindi ka welcome sa lugar na ito. Dapat alam mo kung saan dapat lulugar ang isang tulad mo. Fallen Angel." Wika ni Julianne na halos pabulong nag huling salitang sinabi ngunit narinig iyon Achellion.

"Captain." Tawag ni Aya sa binata. Taka namang napatingin si Julianne sa dalaga. Bumaba si Aya mula sa sasakyan pinigilan pa ni Julianne ang dalaga ngunit tinaboy lang nito ang kamay nang binata.

Napangiti si Aya nang masilayan nang malapitan ang mukha nang binata. Wala itong pinagbago simula nang huli niya itong Makita.

"Captain." Wika ni Aya at akmang hahawakan ang kamay nang binata ngunit ganoon na lamang ang gulat niya nang biglang hawakan ni Achellion ang leeg niya. mahigpit ang pagkakahawak nito sa leeg niya. Halos di na siya makahinga. Bakit pamilyar sa kanya ang eksenang iyon? Saan niya Nakita ang pangyayaring iyon?

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" galit na wika ni Julianne at hinawakan ang kamay ni Achellion na nakahawak sa leeg ni Aya saka boung lakas na tinaggal mula sa pagkakahawak sa leeg nito. napaatras si Aya hawak ang leeg niya.

Hindi niya maintindihan kung bakit siya inatake ni Achellion. Hindi ba siya nito nakikilala? Maging si Julianne hindi ba nito nakikilala?

"Julianne?" Narinig nilang wika ni Eugene na papalapit sa kanila kasama ang ibang miyembro nang Phoenix.

"Oh, Si Captain" wika ni Meggan nang makilala ang binatang kasama ni Julianne.

"Maswerte ka at dumating ang mga kaibigan ko." Wika nito at marahas na itinaboy ang kamay ni Achellion.

"Captain! Kailan ka bumalik? Anong nangyari sa iyo." Wika ni Julius at hinawakan ang balikat ni Achellion. Ngunit na bigla ang lahat nang itinaboy ni Achellion ang kamay ni Julius.

"Captain? Bakit?" tanong ni Ben.

"Hind siya ang dati nating Chief." Wika ni Julianne at bumaling kay Achellion. "Nagpunta siya sa lugar na ito upang saktan si Aya. Maaaring kamukha nga niya si Captain. Pero hindi siya si Captain Dranred." Wika ni Julianne. Napatingin naman si Eugene sa kapatid niya. Hawak nito ang leeg habang nakatingin sa binatang kapitan. Umaagos din sa mga mata nito ang mga luha.

"Gusto niyang saktan si Aya? Bakit" Bulalas ni Ben.

"Dahil isa siyang mapanganib na nilalang. Kailangan siyang maglaho sa mundo." matigas na wika ni Achellion at tumingin sa dalaga.

Yabang Bakit? Tanong nang isip ni Aya. Ang mga tingin ni Achellion sa kanya. Hindi na gaya nang dati na puno nang pag-aalala. Ngayonn nababasa niya ang galit At pagnanais na mawala siya. Ang mga nakita niya sa mata nang binata ay labis na sumusugat sa puso niya.

Hahakbang sana si Achellion palapit sa dalaga nang biglang humarang si Eugene at Julianne.

"Hindi ko alam kung bakit mo gustong saktan ang kapatid ko. Pero isang bagay lang ang singurado ko. Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo siya malapitan." Wika ni Eugene.

"Don't push you luck. Hindi mo kilala kung sino ang nasa harap mo." wika ni Julianne.

"Pasensya na Captain. Lalabanan ka naming kung susubukan mong saktan si Aya." Wika ni Rick. Humilira din ang ibang miyembro sa harap ni Aya. SI Arielle naman at Meggan ay lumapit sa dalaga. Hindi naman nagtangkang lumapit si Achellion sa dalaga dahil sa mga kaibigan niitong handing protektahan ang dalaga. Bakit pakiramdaman niya siya dapat ang gumagawa nang bagay na iyon. May bahagi nang puso niya na nagsasabing mali ang gingawa niya. Ang mukha nang dalaga na habang umiiyak ay tilang punyal na tumataral sa puso niya.

"Aya okay ka lang ba?" tanong ni Eugene sa kapatid nang maglaho si Achellion.

"Bakit naman ganoon si Captain hindi na niya ba tayo naaalala?" wika ni Meggan.

"Tela kakaiba siyang Tao. Para siyang si Captain. Pero hindi. Ewan ko ba" wika ni Julius.

"Hindi siya ang kapitan natin. Isa siyang mapanganib na nilalang. Hindi ito ang magigin huling beses na sasalakayin niya si Aya. Tiyak na may susunod pa." Ani Julianne. Ngunit sa isip ni Aya. Nais niyang muling Makita si Achellion at tanungin ito kung bakit siya ito nais saktan.

Ayaw niyang maniwalang galit sa kanya ang binata. Nangako ito sa kanya na poprotektahan siya. Anong nangyari sa binata at bakit ito biglang nagbago. Dahil ba dahil bumalik na ang pagiging fallen angel nito kaya hindi siya nito nakikilala?

"Anong klaseng tao si Captain? Bakit parang ang lakas niya?" tanong ni Ben. Nakatinginan lang si Arielle at Julianne. Hindi pa pala alam nang mga kaibigan nila kung anong klaseng nilalang ang binata.

Isinama nang nina Eugene si Aya sa Phoenix. Hindi agad nakarating si Roch para sunduin ang dalaga kaya naman naisip niyang isama na lamang ang kapatid niya. natatakot din siya na baka biglang sumulpot si Achellion at pagtangkaang saktan ang kapatid niya. Kahit naman ito ang dati nilang kapitan sa uri nang ikinikilos ang binata sa ngayon tila ba hindi na niya pwedeng ipagatiwala si Aya. Ayaw niyang magkaroon pa si Aya nang anomang ugnayan sa binata.

Kahit superior niya ito dati kapag pinagtangkaan ulit nito ang kapatid niya tiyak na siya ang tatapos as binata. O kung ano man siya.

Iniwan nila si Aya sa Van. Ibinilin pa niyang huwag nitong bubuksan ang pinto kahit na sino ang kumatok. Ilang minute makalipas mula nang pumasok sa building ang kuya niya at ang grupo nang phoenix naramdaman ni Aya na may nagbukas nang pinto nang driver's seat.

"Kuya?" tanong ni Aya. Nang hindi nagsalita kung sino ang pumasok sa kotse. Hindi ito nagsalita at biglang binuhay ang makina nang sasakyan.

"Kuya Eugene? Julianne?" tanong ni Aya at napahawak sa may pinto saka tangkang binuksan ito. Ngunit inilock nang kung sinong lalaki ang pinto. Kahit na anong pilit niya hindi niya magawang buksan ang pinto. Nagpapanic na ang dalaga dahil hindi niya mabuksan ang pinto nang mapatingin siya sa loob nang bahay wala naman siyang ibang makitang pwedeng daan.

Tulong! Tulungan niyo ako Kuya. Captain!. Sigaw nang isip ni Aya. Bigla na lamang Umandar ang sasakyan. "AYA!" napabalikwas na wika ni Achellion nang marinig ang boses nang dalaga. Narinig din niya ang mabilis na tibok nang puso nito. At bukod doon naririnig din niyang natatakot ito.