Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Angel's Feathers

🇵🇭Odette_BD
--
chs / week
--
NOT RATINGS
80.1k
Views
Synopsis
"I have a guardian Angel, and who cares if he is a fallen one"
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

2000 taon na mula nang mamatay ang anak nang Diyos. 2000 taon na rin siyang lagalag sa mundo nang mga mortal. Iba't-ibang klaseng tao na rin ang Nakita at nakilala niya. Buong akala niya wala nang mabait na tao sa mundo at nakakakilala sa kanila. Hanggang sa makilala niya ang isang babaeng buntis. Nakita niya itong lumabas sa simbahan kasama ang isang batang lalaki . Nakita nang kasama nitong batang lalaki ang isang batang babae na binubully nang mga mga batang lansangan na gaya nito. Nilapitan nang batang lalaki ang umpukan at ipinagtanggol ang batang babae. Ngunit dahil sa maliit ito agad lang itong nabuwal nang itinulak nang isang batang lalaki.

Nakita naman nang buntis ang ginawa nang bata sa kasama niya kaya naman agad niya itong nilapitan. Sa halip na magalit dahil sa ginawa nang mga bata. Pinatawad nito ang mga bata at pinagsabihan. Binigyan pa nito nang pambili nang pagkain ang mga bata. Labis naming nagpasalamat ang batang babae dahil sa kabaitan nang mag-ina. Bago nito pinaalis ang batang babae pinagsabihan nito na maging matapang para hindi na mag-alala sa kanya ang guardian angel nito. Nabigla siya dahil sa sinabi nito. Ito ang unang beses na narinig niya mula sa bibig nang isang mortal ang tungkol sa kanila.

"Gusto ko kapag lumabas ang baby ko maging kagaya mo siya matapang." Wika nang babae at hinamas ang ulo nang batang babae saka ngumiti.

"Babae po ba ang anak niyo?" tanong nang batang babae.

"Oo." Ngumiting wika nang Babae. Ilang sandali pa dumating ang isang lalaki upang sunduin ang babae at ang batang lalaki.

Habang naglalakad si Achellion sa kadiliman nang gabi. May narinig siyang boses mula sa isang bahay. Napatingin siya sa bahay na iyon. Mula sa kanyang kinatatayua nakikita niya ang isang lalaki na nasa labas nang pinto hindi ito mapakali habang nasa tabi nito ang isang batang lalaki at hawak ang kamay nito. Dala nang matinding kyuryusidad nilapitan ni Achellion ang bahay.

Nang makalapit siya narinig niyang ang babaeng narinig niya tuli kanina ay kasalukuyang nagsisilang nang sanggol kaya lamang ilang oras na itong nahihirapang manganak.

"Harry dalhin na natin sa hospital si Jasmine. Baka hindi na natin mailigtas ang mag-ina mo." Wika nang isang ginang na lumapit sa lalaki.

"Mukhang impossible po yan Aling Dolores. Sira ang kalsada patungo sa bayad. At dahil sa lakas nang ulan kanina tiyak nab aha na din sa may Tulay. Baka hindi makadaan ang sasakyan natin. Baka sa halip na mailigtas natin ang mag-ina e sa daan pa sila mapahamak. Nariyan naman si Corazon magaling siyang midwife sa lugar na ito." Wika nang isang lalaki. Ang tinutukoy nitong Corazon ay ang babaeng nasa loob nang silid kasama si Jasmine. Nang sumilip si Achellion sa bintana. Nakilala ni Achellion ang babae ito ang babaeng Nakita niya sa labas nang simbahan.

Isang malamig na hangin ang biglang umihip. Naramdaman niyang may isang malakas na presensya na nasa loob nang kabahayan.

"Obyzouth." Usal ni Achellion nang makilala ang aurang iyon. Si Obyzouth ay isang fallen angel na pumapatay nang mga sanggol and can cause still-birth. Napatingin siya sa babaeng nakahiga sa kama at hirap na hirap na sa labor nito. Malalaki din ang butil nang pawis nito sa noo.

Ilang sandali Nakita niya si Obyzouth na nasa tabi nang higaan nang babae. Nakaunat ang kamay nito sa tiyan nang lalaki. Ilang sandal pa biglang lumakas ang agos nang dugo mula sa babae. HIrap na hirap na rin ito sap ag ere.

Sa loob ni Achellion mabait ang babae ngunit hindi lang siguro para ditto ang sanggol na nasa sinapupunan nito. Akmang tatalikod si Achellion nang Makita niyang may nahulog na matinggad na feathers sa tiyan nang babae bigla din itong naglaho. Ngunit labis na ipinagtaka din ni Achellion ang nasakhihan sa nakaraang 2000 taon ngayon lang siya nakasaksi nang ganoong pangyayari. Maaaring may dahilan kung bakit may feathers na nahulog sa tiyan nang babae. At kapag nagtagumpay si Obyzouth na patayin ang sanggol hindi na niya malalaman kung ano ang misteryong iyo.

Inipon niya sa kamay niya ang isang bola nang enerhiya at agad na ibinato kay Obyzouth tinamaan ang kamay nang lalaki dahilan upang mawala ang konsintrasyon nito. Agad siyang nagkubli bago pa siya nito Makita.

Dahil sa ginawa ni Achellion lumabas nang bahay ni Obyzouth upang hanapin ang nagbato nang bola nang enerhiya. Nang lumabas si Obyzouth nang silid agad namang pumasok nang silid si Achellion isang force field ang ginawa niya. Proteksyon iyon laban sa mga masasamang elemento na pumapaligid sa lugar na iyon. Proteksyon din iyon nang mag-ina mula sa kamay ni Obyzouth. Ang dahil sa force field na iyon hindi na muling nakapasok si Obyzouth sa silid. Dahil hindi na niya muling mapasok ang bahay naiisip nitong umalis na doon. Ni hindi nito Nakita si Achellion dahil sa agad na pagkubli nang binata nang malaalis si Obyzouth lumapit si Achellion sa babaeng habol ang paghinga. Napatingin siya sa tiyan nito.

"So you are a girl. Magiging marahas ang mundo sa paglabas mo. You are so lucky Nakita ko ang feathers na iyon na bumagsak sa iyo. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon ngunit dahil doon ligtas ka. Huwag mo nang pahirapan ang ina mo. Pwede ka nang lumabas." Wika ni Achellion na animo nakikipag-usap sa sanggol na nasa loob nang sinapupunan ni Jasmine.

"Okay lang kaya si Jasmine?" Tanong ni Harry. Bigla kasing tumahimik ang loob nang silid. Kanina lang naririnig niya ang malakas na sigaw nang asawa ngayon ay tahimik na ang loob nang silid.

"Feathers." Mahinang wika nang batang lalaki habang nakatingin sa nakabukas na palad na animo ay may sinasalo. BIgla naming huminto sa paglalakad si Achellion nang marinig ang sinabi nang batang lalaki. Ilang sandali pa, narinig nila sa buong kabahayan ang iyak nang isang sanggol. Nagmamadaling lumabas si Dolores upang sabihin kay Harry ang magandang balita.

"Ligtas ang mag-ina mo Harry. Isang malusog na batang babae ang anak mo." Wika nito. Iyon lang ang pinakinggan ni Harry at agad siyang tumakbo papasok. Agad ding sumunod ang batang lalaki sa ama. Sa loob nang silid Nakita nila si Jasmine na katabi ang bagong sanggol nito. Nilapitan naman ni Harry ang asawa.

"You did well. I'm so proud of you. Mahal." Wika ni Harry at hinalikan ang noo ang asawa. Ang batang lalaki naman ay lumapit sa sanggol na kapatid.

"Feathers." Masayang wika nito nang Makita ang matingkad na feathers na nahulog sa noon ang kapatid.

Nasaksihan din ni Achellion ang Nakita nang batang lalaki at lalo siyang namangha dahil sa nasaksihan. Anong misteryo ang bumabalot sa sanggol?

6 years ago….

How can you do this Harry, you are part of a Chaebol Family how can you marry a person like her?" hindi makalapaniwalang wika nang isang ginang habang kausap ang anak lalaki kasama ang isang babae na may kargang isang batang lalaki. Sa tono nang pananalita nang ginang halatang ayaw nito sa babaeng kasama nang anak niya. dahil galing lang ito sa isang mahirap na pamilya at dati nilang naninilbihan.

"Anong nakita mo sa babaeng yan? Ah alam ko na, pera mo ang habol niya kaya siya nagpabuntis sa iyo?" sakristong wika nito.

"Omoni!" Wika nang binata. Alam niyang simula pa lamang tutol na ang ina niya sa relasyon nila ni Jasmine. Isa siyang tagapagmana nang malaking kompanya sa Korea at anak nang isang sikat na business woman. Ngunit hindi niya kayang dayain ang puso niya si Jasmine ang babaeng nais niyang makasama. At wala siyang pakialam kahit na tanggalan siya nang mana nang kanyang ina.

Kahit kailan hindi pera ang habol niya. Nais lang niyang makuha ang pahintulot nang ina niya napakasalan si Jasmine at maibigay niya sa anak nila ang pangalan niya.

Si Harry ay isang half Korean half British isang air force general ang ama niya at isang chaebol business woman naman ang ina niya. at dahil mula sila sa magkaibang lahi hindi nagkatuluyan ang mga magulang nila. namatay ang ama niya na hindi manlang niya nakikita. Dahil sa tradisyon nang pamilya nila hindi pwedeng magpakasal ang isang katulad niya sa hindi nila kauri.

Mahal niya si Jasmine at wala siyang pakialam sa lahi o uri. Ibibigay niya sa anak niya ang pangalan niya at hindi siya pwedeng pigilan nang kanilang mga tradisyon.

"Magkano ba ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko?" wika nang ginang sa dalaga tahimik lang ang dalaga ngunit sa loob niya labis na siyang nasasktan sa pangmamaliit nang ina ni Harry. Maaring nabuhay siyang salat ngunit hindi iyon ang dahilan para mahalain niya si Harry. Hindi siya lumaki sa isang marangyang bahay gaya ni Harry ngunit sa piling nito hindi niya naramdaman kulang ang pagtao niya.

Ito ang buo sa kanya. Kay Harry din hindi mahalaga ang estado nang pamumuhay nila. Kahit na napakatayog nito, pinatunayan nito na pwedeng humalik ang langit sa lupa. Kaya naman naglakas loob siyang harapin ang ina ni Harry dahil sa tiwala niya sa binata na hindi siya pababayaan gaya nang pangko nito sa kanya.

"Mom! Stop it already!" saway ni Harry sa ina niya.

"Waeyo? Nasasaktan ba siya? Ang kapal nang mukha niya para magpakita sa akin. Hindi niya ba alam kung anong dinala niya sa pamilyanng iton? Ikaw ang nagiisang taga pag mana ko. paano ko ipapakilala sa mundo natin ang isang katulad niya? Hindi ako papayag. Hihawalayan mo siya sa ayaw mo man o sa gusto. Kung hindi naman, Malaya kang lisanin ang bahay na ito. Ngunit tandaan mo, wala kang makukuha sa akin ni isang kusing." Asik nang ginang.

"Pasenya na, hindi ko magagawang iwan si Jasmine at ang anak namin." Wika ni Harry at hinawakan ang kamay nang kasintahan. "Hindi ko na hihilingin na tanggapin niyo kami. Aalis na kami ditto. At hindi na niyo kami makikita."

Tahimik lang si Jasmine habang nag-uusap ang mag –ina. Malaki ang pasasalamat niya na ipinagtatanggol siya ni Harry and that he is responsible enough para panagutan sila nang anak niya. Ngunit habang naririnig niya ang mga sinasabi nang ina nito. Hindi niya maiwasang makaramdam nang panliliit. Mababa ang tingin sa kanya nang ina ni Harry.

Hindi na siya dapat pa magtaka. Isang Chaebol son si Harry habang siya naman ay isang hamak na anak nang isang katiwala sa isang farm. Kung hindi pa siya nagkaroon nang scholarship baka nga hindi na siya nakapag-aral nang kolehiyo.

Naiitindihan niyang mataas ang pangarap nang in ani Harry para sa binata at kahit sinong ina hindi gugustuhin na mapunta lang sa isang mababang uri nang babae ang isang katulad ni Harry.

"Don't try to threaten me young man! Kaya kitang tanggalan nang mana." Asik nang matanda sa anak nito.

"Gawin niyo na nag gusto niyong gawin. Ngunit hindi ko maaaring talikuran ang pamilya ko." wika ni Harry at hinawakan ang kamay ni Jasmine.

"Let's go." Mahinang wika nito. marahan namang tumango si Jasmine. He can see in his eyes na masakit para ditto na talikuran ang ina.

She felt guilty for what happen ngunit hindi na siya naka pagsalita pa. Nakita din niya mga mata nang lalaki na desidedo na ito na nais na gawin. Kilala niya si Harry. Hindi madaling magbago ang isip nito lalo na kung katoon ang isip nito sa isang bagay na gusto nitong gawin.

"Harry, oras na lumabas ka sa pintong yan. Mawawalan ka na nang ina at karapatan sa kompanya." Habol nang ginang nang tumalikod ang magkasintahan at maglakad patungo sa pinto. Ngunit hindi manlang natinag ang binata, inalalayan nito ang kasintahan palabas nang silid.

"Harry! Harry!" Habol nang matanda sa anak ngunit hindi lumingon ang binata dumiretso ito palabas nang silid nakasalubong pa niya ang Ampon nang mama niya Si Elena. Kinupkop ito nang mama at ina niya noong 10 taon gulang ito. Iniwan ito sa kalsada nang mmga magulang habang nasa kagitnaan nang winter. Galing sa isang mahirap na pamilya si Elena. Isang mangingisda ang ama nito at tindera ang ina. Ang alam niya, Naghiwalay ang mga magulang nito at dahil hindi siya kayang buhayin nang ina nito kaya naman ito iniwan sa kalsada. Kinupkup ito nang ina niya dahil, matagal na nitong gustong magkaroon nang anak na babae. Namatay ang ama niya noong 5 taon gulang pa lamang siya at hindi ito nagbigyan nang pakakataon na magkaroon nang anak na babae.

"Harry, Hindi mo ba naririg na tinatawag ka nang mama?" Ani Elena sa kanya. Tumitig ito kay Jasmine na waring sinusukat o inobserbahan ang klase nang pagtao niya.

Ang titig nito ay talaga namang kapagbigay nang awkward na pakiramdam kay Jasmine. Nakita ni Jasmine ang tila sakristong smirk nang babae sa kanya.

"Ang taas nang pinag-aralan mo pero na loko ka nang isag gaya niya. Ano naman ang ipinakain niya sa iyo at maging si mama ay nagawa mong suwayin?" wika nito habang nakatingin sa dalaga.

"Pakiusap, ikaw na ang bahala kay mama. Hwag mo siyang iiwan." Wika ni Harry kay Elena bago sila tuluyang bumaba nang mansion. Hindi na niya pinansin ang mga sinabi nang kapatid. Buo na ang pasya niya at pananagutan niya si Jasmine at ang anak nila. Napaawang na lamang ang labi ni Elena, hindi siya makapaniwala sa ginawa nang kapatid niya.

Sinundan naman sila nang kanang kamay nang matanda si Butler Lee.

"Master!"habol nito sa lalaki. Huminto sa paglalakd si Harry at humarap sa binata. para na niya itong nakakatandang kapatid at Malaki ang respeto niya sa binata. Ito lang din ang tanging taong maasahan niya.

"Ikaw na ang bahala kay mama. Baka matagalan bago niya matanggap ang pinili kong landas. Huwag mo siyang pababayaan." Ani Harry sa binata.

"Don't worry, Para ko nang ina si Donya Carmela. Aalagan ko siya para sa iyo. Darating din ang panahon na matatanggap niya ang buhay na pinili mo." wika ni Butler lee at tumingin sa batang lalaking karga karga ni Jasmine.

"He has your eyes." Nakangiting wika nito. "Mag-iingat kayo Master." Wika nito sa binata. Ngumiti lang si Harry at Tumango. "Eugene right?" Tanong nito.

"Oo." Simpleng wika ni Harry.

"Good choice for a name. Its Greek origin mean Well born-Noble. And I am sure just like his done he will grow up with a noble heart."

"I think you are over praising me." Awkward na wika ni Eugene.

"I am just telling the truth."

"Thank you. I entrust everything to your care. Please watch over my mom." Wika ni Eugene at inilahad ang kamay sa butler. Masigla namang tinanggap iyon nang butler at nangakong aalagaan ang kanyang ina.

Nang lisanin nila ang mansion agad silang nagtungo sa airport. UUwi sila sa bansa sa pamilya nang dalaga para doon manirahan. Hindi nila alam kung paano sila tatanggapin nang ina nang dalaga ngunit kailangan nilang subukan wala na silang ibang lugar na mapupuntahan. Hindi rin sigurado si Jasmine kung kaya ni Harry na mabuhay na walang luho. Wala ang mga mamahaling sasakyan nito at mga maids.

"Mahal, may oras ka pa para bumalik sa inyo tiyak naman na tatanggapin ka nang mama mo." Wika ni Jasmine nang nasa airport sila. "Alam kong mahal mo ang mama mo. Maaaring may tampuhan kayo ngayon, ngunit kapag nag-usap kayo tiyak na patatawarin a niya." Dagdag pa ni Jasmine.

"Buo na ang pasya ko. Ikaw at ang anak natin ang buhay ko. Hindi ko ma picture out ang buhay ko na wala kayo." Wika ni Harry at hinawakan ang kamay nang asawa. "Some day she will understand my decision. "

"Pero magiging mahirap ang buhay mo sa---" naputol ang sasabihin ni Jasmine nang ilagay ni Harry ang daliri nito sa labi niya tanda na hindi na nito gusting marinig ang ano mang sasahin niya.

"I am prepared to handle those kind of handship. Kapag kasama kung kayo nang anak natin wala akong hindi kayang harapin." Ngumiting wika ni Harry. "So stop convincing me to leave you okay? Dahil hindi mangyayari yun." Hindi naman kumibo si Jasmine dahil alam naman niyang hindi na magbabago ang pasya ni Harry. Kapag nagdesisyon ito hindi na pwedeng mabago ang pasya nito.

"He is asleep." Wika ni Harry saka hinimas ang noon ang kanyang anak. He wasn't expecting na magkakaanak nang maaga ngunit hindi namna siya nagsisi. Wala siyang ibang maisip na babae para sa kanya kundi si Jasmine. He knew when she first saw her. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa at agad na niligawan si Jasmine. He was lucky dahil gusto rin siya nang dalaga.

"I promise to give you and our child a better future." Wika ni Harry sa asawa.

"There is no doubt about it. And you will be a good father. I know it." Ngumiting wika naman ni Jasmine.

Muli silang nagbalik sa poder ni Dolores sa isang probinsya. Alam na ang ginang ang magiging reaksyon nang ina ni Harry. Nalulungkot siya para sa binata. Ngunit higit sa lahat ang suporta niya ang kailangan nang dalawa. Maging ang in ani Jasmine ay tutol sa ginawa nang dalawa ngunit dahil sa alam naman niyang wala nang mapupuntahan ang dalawa at nakikita naman niyang mahal ni Harry ang kanyang anak kaya hindi na rin siya tumutol na manatili sa kanya ang dalawa.

"Anong plano niyong dalawa? Hindi ako papayag na magsasama kayo nang walang kasal." Wika ni Dolores habang naghahapunan sila.

"Balak ko sanang mag hanap muna nang trabaho. Plano naman naming magpakasal kaya lang ngayon ay wala pa akong pera." Wika ni Harry.

"Hindi problema ang pera may naipon ako ditto,Ayokong patagalin ang pagsasama ninyo nang hindi pa kayo ikinakasal. Ayokong lumaki ang apo ko nang hindi kayo kasal." Wika ni Dolores.

Hindi naman nagawang tanggihan ni Harry ang ina ni Jasmine. Nahihiya siyang ang ina pa ni Jasmine anng gumastos para sa kasal nila. Nangako siyang susukliana ng kabaitan nito at aalagaan ang anak. Idinaos ang simple nilang kasal sa chapel nang lugar nila. kahit simple lang ang kasal nabasbasan naman ang pag iisang dibdib nila. Naging maayos ang kanilang kasal kahit simple lang naging selebrasyon.

Matapos ang kasal nila ni Jasmina kinailangan ni Harry nang trabaho para sa pamilyang bubuohin nil ani Jasmine.

Namasukan si Harry sa may ari nang racho bilang isang trabahador habang nag hahanap ito nang trabaho sa bayan. Nang una ayaw niyang tanggapin ang trabahong iyon dahil, masyadong mababa para sa isang katulad niya. Ngunit habang iniisip niya si Jasmine at ang anak nila bigla nalang siyang nahiya sa sarili niya.

Hindi masama ang papasukan niyang trabaho, Marangal na trabaho ang maging isang trabahador sa isang rancho. Kilala nang ina ni Jasmine ang may-ari dahil namamasukan iton bilang kusinera sa mansion kaya naman madali siyang natanggap.

Dahil hindi sanay sa mga gawaing mabibigat parating huli si Harry sa mga manggagawa. Tuwing umuuwi si Harry sa bahay nila napapansin ni Jasmine na bugbug ang katawan nang asawa ngunit parati parin itong nakangiti. Alam ni Jasmine na nahihirapan ang asawa niya. hindi ito sanay sa mga mabibigat na Gawain lalo na ang mga hapong pagbubuhat nang sako sakong inaning mga prutas.

Sakabila noon wala siyang narinig na angal mula kay Harry o salita man lang na nahihirapan na ito. Kapag umuuwi ito, kahit na pagod nagagawa pa rin nitong makipaglaro sa anak nila. minsan pa nga ay nakatulog na ito habang nakikipaglaro kay Eugene habang abala siya sa paghahanda nang hapunan. Kung hindi pa umiyak si Eugene hindi niya mapapansin na tulog na si Harry.

"Jasmine Magandang umaga." Bati nang mga kababaihang trabahador kay Jasmine nang pumunta siya sa taniman nang manga para maghatid nang tanghalian sa asawa.

"Magandang umaga." Nakangiting bati naman ni Jasmine.

"Harry narito na ang mises mo. Swerte mo talaga. Si Jasmine ang napangasawa mo." wika nang isang kasama ni Harry nang makita si Jasmine na palapit sa kanila.

Agad namang tumigil si Harry sa ginagawa niya at bumaling sa asawa. Sa Tuwing nakikita niya ang masayang mukha ni Jasmine pakiramdam niya nawawala ang pagod niya at sakit sa katawan. At tila ba nagkakaroon siya nang panibagong lakas.

"Mahal, May dala akong pananghalian mo kumain ka muna." Wika ni Jasmine nang makalapit sa asawa.

"Tamang tama gutom na ako." Nakangiting wika ni Harry. At nilapitan ag asawa saka ginawaran nang halik sa pisngi.

"Kami din Gutom na." nakangising wika nang mga kasama ni Harry.

"Sabay sabay na tayong mananghalian." Wika naman ni Harry.

Likas na mabait si Harry kaya naman madaling napalapit ditto ang loob nang mga katrabaho niya. maging ang Amo nila ay malapit din kay Harry. Lumipas ang Taon, patuloy na nagtrabaho si Harry sa rancho mula sa pagiging kargador na diskobre nang may ari ang kakahayan ni Harry sa pamamahala nang negosyo at dahil isang Chaebol naging madali kay Harry ang mga ipinagagawa nito.

Mula sa pagiging kargador naging assistant manager si Harry hanggang siya na ang ginawang manager nang rancho. At dahil sa galing nito sa paghawak nang negosyo hindi rin maipagkakaila na lumago at naging Malaki ang kinikita nang rancho.

Walong taon ang lumipas, nanatili si Harry at Jasmine sa probinsyang iyon. Nanatili din si Harry bilang manager nang rancho. Makalipas din ang Walaong taon muling biniyayaan nang anak ang mag-asawa.

"Daddy!" humahangos na wika nang batang lalaki habang tumatakbo patungo sa taniman nang pinya kung saan naroon si Harry at pinamamahalaan ang pag-aani.

"Manager ang anak niyo parating." Wika nang isang trabahador nang makita si Eugene na tumatakbo palapit.

"Daddy!" bahol ang hininga na wika nito nang makalapit sa ama.

"Eugene? Anong nangyari?" tanong ni Harry sa anak niya.

"SI Mommy! Masakit daw ang tiyan niya." wika nang batang lalaki. Biglang nagimbal si Harry sa narinig mula sa anak niya. buntis ang asawa niya, at natatakot siyang baka may masamang nangyari sa mag ina niya. hindi na nag-isip pa si Harry agad niyang pinasan ang anak niya at nagmadaling nagtungo sa bahay nila.

Nang makarating sila sa bahay nila nasa labas ang biyanan niya kasama ang ilang mga kababaihan.

"Ma, anong nangyari kay Jasmine? Ang Anak namin? May nangyari ba sa mag-ina ko?" takot na wika ni Harry.

"Huminahon ka. Ipinatawag ko na si Corazon kay Jepoy. Wala namang masamang nangyari sa mag-ina mo okay lang sila. " Ani Dolores.

Ilang saglit pa dumating ang isang lalaki kasama ang isang midwife si Corazon itinuturing na magaling na midwife sa lugar na iyon. Nagsimulang maglabor si Jasmine hapon pa lamang ngunit dumating na ang gabi hindi pa rin lumalabas ang anak nila.

Naririnig ni Harry na nahihirapan ang asawa niya at wala siyang magawa. Wala naman siya maitutulong sa asawa niya.

Kung pwede lang na siya na ang nasa kalagayan ni Jasmine ay gagawin niya kaya lang hindi naman iyon mangyayari. Noong ipinanganak si Eugene hindi naman ito nahirapan gaya nang nakikita nila ngayon.

Alas onse nang gabi nang marinig nila sa buong kabahayan ang malakas na sigaw nang isang bagong panganak na sanggol, nang marinig ni Harry ang iyak nang sanggol agad siyang napatingin sa silid ni Jasmine. Biglang lumukso ang dibdib niya na para bang excited na kinakabahan at the same time tila nakahinga din siya dahil ligtas na ang mag-ina niya. Agad naman silang pumasok sa loob nang silid upang puntahan si Jasmine at ang bagong panganak nilang sanggol.

"Feathers." Mahinang wika ni Eugene nang makita ang mga matitingkad na balahibo na bumaksak sa noon ang kapatid niya.

"Bakit Eugene?" tanong ni Harry nang makitang titig na titig ang anak sa kapatid nito. "She is beautiful right?" ani Harry.

"Daddy, may Feathers." Inosenteng wika ni Eugene sa ama niya. ngunit hindi nabigyang pansin ni Harry ang sinabi nang panganay niya. Labis na masaya si Harry dahil ligtas ang magina niya. "Eugene simula ngayon ikaw na ang mag-aalaga sa kanya. You have to protect you sister, alright?" Inilapit ni Eugene ang kamay ang hintuturo sa kamay nang kapatid. Ganoon na lamang ang gulat niya nang bigla itong hawakan nang mahigpit nang sanggol. Napangiti lang si Harry nang takang tumingin sa kanya ang batang lalaki.

"She likes you." Ngumiting wika ni Harry sa anak na lalaki.

"She has beautiful eyes daddy." Wika ni Eugene habang nakatingin sa mata nang kapatid. Napansin din niya ang kakaibang kulay nang mata nito. Napatingin din si Harry sa mata nang anak niya. Tama si Eugene maganda ang mga mata nito. At bukod doon kakaiba din ang kulay.

"What should we call her?" Tanong nito sa asawa.

"Anica Yahaira." Simpleng wika ni Jasmine.

"I like it. Anica means Favored grace while Yahaira means He (God) Enlightens." Ngumiting wika ni Harry sa asawa.

"Aya." SImpleng wika ni Eugene at nilaro-laro ang kamay nang kapatid.

Tila nagustuhan naman nito ang sinabi nang kapatid. Narinig nilang humalakhak ang sanggol. Matamis namang ngiti ang sumilay sa labi nina Harry at Jasmine.

Ilang buwan matapos isilang ang bunso nila. Napansin na agad nilang may problema sa paningin ang bata. Kaya naman agad nila itong dinala sa hospital.

Kimumpirma nang doctor na bulag ang bunso nila. Nang malaman ni Jasmine ang sinabi nang doctor labis itong nalungkot at naawa para sa bunsong anak nila. Alam niyang hindi magiging normal ang paglaki nito. magiging tampulan nang panlalait at tukso.

Nalungkot ang mag-asawa dahil sa kapansanan nang bunso nilang anak. Natatakot sila sa magiging hinaharap nito paano ito matatanggap nang iba. Kung sa kanila lang kaya nilang tanggapin ang anak nila kahit ano man ito kaya lang sa mata nang iba baka iba ang maging tingin nila sa bata. Hindi naman nila saklaw ang isip nang ibang tao. Maaari nilang maibigay ang pagmamahal sa anak kaya lang hindi nila masisiguro ang pagtanggap nang iba.

Lumipas ang 4 na taon lalong naging masaya ang mag-anak nina Harry lalo na nang dumating ang bunso nilang si Aya. Sa kabila nang katotohanang hindi nakakakita ang bunso nila hindi iyon naging hadlang para maging masaya ang mag anak nila. Sa kabila nang kapansanang iyon nang anak nila, naroon si Eugene para gabayan ang kapatid niya. siya ang nagsilbing mga mata nito.

"Angel of God my Guardian dear to whom Gods love commits me here ever this night be at my side to light and guard to role and guide .. Amen. Jesus, makakakita pa kaya ako? Gusto kung makita ang mukha nang mommy at daddy ko. ganoon din ang lola ko at kuya Eugene ko." ito ang parating dasal nang batang babae bago matulog.

"Matulog kana Aya." Mahinang wika nang matandang babae at inalalayan si Aya na mahiga.

"Lola, Kapag patuloy akong magdasal sa Guardian Angel ko palagay niyo po ba pakikinggan ni Jesus ang dasal ko?" tanong nang batang babae sa lola niya.

"Kapag malinis ang hangarin mo. Tiyak pakikinggan niya ang dasal mo." wika nang matanda at hinaplos ang buhok nang bata.

"Lola kwentuhan mo uli ako. Gusto ko nang kwento tungkol sa anghel." Wika nang batang babae.

"Pwede ba akong sumali sa kwentuhan ninyo." Wika ni Eugene na nasa pinto nang silid ni Aya.

"Kuya Eugene!" masiglang wika nang batang babae nang marinig ang boses nang kuya niya saka tumayo mula sa higaan.

"Galing ka ba nang School? Marami ba kayong pinag-aralan ngayon? Gusto ko ring matutung magsulat." Masiglang wika ni Aya.

"Ang dami mo namang gustong gawin. Unahin mo munang matulog para lumaki ka kaagad." Wika ni Eugene at tumabi sa kapatid.

"Gusto ko kasing matutong magbasa."

"Tuturuan kita." Nakangiting wika ni Eugene. Tumango naman ang batang babae. Bilib ni si Eugene sa batang kapatid sakabila nang kapansanan nito masayahin parin ito.

"Siya sige, umayos na kayong dalawa mag kukwento na ako." Wika nang lola nila. agad namang bumalik sa pagkakahiga si Aya. Tumabi naman sa kanya si Eugene. Nag simulang mag kwento ang matanda tungkol sa mga anghe ang paboritong kwento ni Aya.

Tuwing nag kukwento ang lola niya nanng tungkol sa mga anghel mabilis itong nakakatulog. At dahil sa mga kwentong iyon kaya siguro hindi nasisiraan nang loob ang batang babae. Malaki ang paniniwala niya na balang araw makakakita din siya at makikita niya ang ganda nang mundo. Makikita niya ang mukha nang mga taong nagmamahal sa kanya. Ilang sandali pa mahimbing nang natutulog ang dalawang bata. Tahimik na lumabas nang silid ang matanda.

"Oo naman, ang isang mabait at mabuting bat ana tulad mo ay parating binabantayan nang kanyang anghel."

"Would they also grant my wish? Para makakita na ako." Wika naman nang batang babae. Hindi nakakibo ang matanda. Labis lang siyang naawa sa kanyang apo.

"Lola, Sa palagay niyo, binabantayan ako nang anghel ko?" Tanong ni Aya sa kanyang Lola.

"MA!" gulat na wika ni Harry nang dumating sa bahay nila at mabungaran ang ina niya sa bahay. Naroon si Jasmine kasama ang dalawa nilang anak at ang ina ni Jasmine. Napansin din kaagad ni Harry ang mga dalang laruan nang ina niya at ang asong nilalaro-laro ni Eugene. Isa iyong aso na kamukha nang isang lobo. Puting-pupi ang kulay nito at halos walang dumi.

"I thought you already forget who I am. it has been, 13 long years." Wika naman nang matandang babae. Kahit na medyo tumanda na ito at kitang kita na rin ang mapuputing buhok, mararamdaman pa rin sa aura nito ang pagiging isang dominante.

"Eugene, dalhin mo muna si Aya sa labas doon kayo mag laro." Wika ni Harry sa panganay na anak.

"Opo." Magalang na wika ni Eugene at lumapit sa mommy nila na kalong ang kapatid. Agad namang sumama si Aya sa kuya niya. Napansin ni Eugene na sumunod sa kanila ang aso na dala nang lola nila kaya naman hinayaan nalang niya ito.

"Paano niyo nalaman na narito kami?" tanong ni Harry sa ina niya nang makalabas ang anak nila. alam niyang hindi pa rin sila napapatawad nang ina niya. Ayaw niyang makita nang mga anak niya na hindi sila magkasundo nang lola nila.

"I have my ways." Simpleng wika nito. "Sa loob nang maraming taon, nabuhay ka nang payak sa lugar na ito? Hanggang kailan ka magmamatigas? Anong maibibigay mo sa mga anak mo? Malaki ba ng kinikita mo sa pagiging bantay nang maliit na ranchong ito?" tanong nang matanda. Kahit mahigit sa sampong taon na ang nakakaraan, masyado paring mataas ang tingin nang matanda sa sarili niya.

"Nabubuhay nang maayos ang pamilya ko. kaya kong ibigay sa kanila ang mga kailangan nila." wika naman ni Harry.

"C'mon Son, don't make me laugh. Believing that you can provide then what they need is stupidity. Alam nating pareho na hindi ka sanay na mag trabaho na tila isang alipin. You are living like a prince. Sabihin mo lang at ibibigay ko muli sa iyo ang buhay na iyon."

"Ma., hindi pa rin po nagbabago ang pasya ko. Ang kailangan ko lang ay ang pang unawa ninyo. Hindi na ako ang dating Harry na nabubuhay sa karangyaan o ang Harry na Tagapagnama nang Kingdam. I am Harry, just Harry."

"Naïve! I can see that your daughter is sick. Kaya ko siyang ipagamot sa isang sikat na hospital sa Korea. Wala bang halaga sa iyo ang kalagayan nang anak mo? Lumalaki na siya. Kailangan mong tanggapin na hindi magiging mabuti ang mundo sa isang tulad niyang may kapansanan." Wika nang ina niya.

"Makakaya kong gabayan ang anak ko. makakaya ko siyang ipagamot. Salamat sa alok niyo." Wika ni Harry.

Ayaw niyang mag matigas sa ina niya at magmalaki dahil alam niyang wala siyang maipagmamalaki. Ngunit ayaw din niyang maging isang mahinang ama gusto niyang kapag lumaki si Aya at Eugene maipagmalaki siya nang mga ito. Hindi man marangya ang buhay nila gusto niyang mabuhay kasama ang mga anak at asawa nang puno nang pagmamahal.

"Ano naman ang gagamitin mong pera. Masyadong maliit ang kinikita mo sa pagtatrabaho sa maliit na ranchong ito." Wika nang ina niya. Kahit namaraming taon na ang lumipas at matagal silang hindi nagkita ramdam pa rin ni Harry ang pagiging proud nang ina niya. Masyadong mataas ang tingin nito sa sarili.

Habang nag lalaro sila sa harden hindi namalayan ni Eugene na nawala sa tabi niya ang kapatid. Sa kasukalan, nagkukubli ang anghel na si Achellion. Nakatingin siya sa repleksyon niya sa ilong mula sa tubig. Nagpupuyos ang kalooban habang nakikita ang isinumpa niyang pakpak. Ang itim at puti niyang pakpak. Tanda nang isang makasalanang anghel. Libong taon na ang nakalipas ngunit tuwing nakatingin siya sa pakpak niya. Paulit ulit niyang na aalala ang kanyang mga kasalanan. Ang pakpak niya ang patunay nang mga kasalanan niya.

"Anong ginagawa mo ditto Ginoo?" biglang napalingon si Achellion nang marinig niya ang boses na nang gagaling sa likod niya. ganoon na lamang ang gulat niya nang makita ang isang batang babae. Ngunit ang mas ikinagulat niya ay ang katotohanang nakikita siya nito. ito ang unang beses na may mortal na nakakita sa kanya. Nang Makita niya ang batang babae may bilang nahulog na feathers sa harap nito gaya nang Nakita niya 4 years ago.

Hindi na niya nalaman kung ano ang nangyari sa sanggol dahil umalis siya nang ipinanganak ito. Nangamba siyang bumalik si Obyzouth sa lugar na iyon at Makita siya. Iniiwasan niyang makasalamuha ang katulad niyang fallen angel.

"Tao kaba? Isa ka bang Anghel? Anong klaseng nilalang ka? Hmmp, pero bakit ganoon? Kakaiba ang kulay nang iyong pakpak. Sabi nang lola ko puti at matingkad daw ang kulay nang pakpak nang anghel, ngunit kakaiba ang kulay nang pakpak mo." wika nang batang babae.

"Alam mo ba ito ang unang beses na nakakita ako nang tao." Dagdag pa nang batang babae na lalong ikinagulat ni Achellion.

Derecho siyang tumingin sa mata nang batang babae ganoon na lamang ang gulat niya nang makita hindi niya makita ang reflection niya sa mata nito. Kakaiba din ang kulay nang mga mata nito. Biglan niyang naalala ang sanggol na isinilang 4 na taon na ang nakakaraan. Ganito ang kulay nang mata nang sanggol na iyon.

Marahan siyang tumayo. Nagtatalo ang loob niya. Sinasabi nang isang bahagi nang isip niya na ito ang sanggol na iniligtas niya noon. Sinasabi din nang isa pang bahagi nang isip niya nab aka nagkataon lang.

"Wow. Paano mo ginawa yun? Paano nawala ang pakpak mo." Manghang wika ni Aya nang makitang tumiklop ang mga pakpak nang lalaki. Hindi umimik si Achellion nakatingin lang siya sa mukha nang batang babae.

"Bakit Kayo nag-iisa ditto? Wala ba kayong kasama?" tanong ulit nang batang babae. Hindi parin nagawang magsalita ni Achellion dahil sa labis na gulat. "Ako, Ayokong mag isa, Natatakot akong mag-isa. Hindi ka ba natatakot?" sunod sunod na tanong ni Aya.

"AYA!"nabigla si Achellion nang marinig ang boses nang isang lalaki. Agad siyang napatingin sa pinanggagalingan nang boses.

"Naku hinahanap na ako si Kuya." Wika nang batang babae. Dahil hindi makakita kailangan pa nitong kapain ang paligid para maging gabay sa pagalakad. Hindi nagpatuloy sapag alais ang batang babae bagkus muli nitong nilingon ang binata.

"Kung hindi naman abala sa iyo Ginoo, pwede mo bang ituro sa akin ang daan pabalik? Hindi ko kasi matandaan kung saan ako nang galing.

Akala ko kanina may tumatawag sa akin sa bahaging ito kaya naman nagpunta ako ditto. Hindi ko na alam kung saan ang daan pabalik. Tiyak na nag-aalala na sa akin ang kuya ko." wika nang batang babae. Napansin ni Achellion ang dumi sa damit at sa tuhod nang batang babae may mga galos din ang binti at braso nito halatang ilang beses itong nadapa at sumabit sa mga matutulis na halaman.

Naglakad si Achellion palapit sa batang babae. Ngunit hindi siya huminto sa tapat nito bagkus ay naglakad patinuna sa bata. Naglakad siya patungo sa daan pabalik sa pinanggalingan nito. Nang mapansin ni Aya ang lalaking naglalakad papalayo agad siyang tumayo at sinundan ito.

"Alam mo bang napakaliwanag mo?" wika nang batang babae habang naglalakad sila pabalik. Mabuti na lamang dahil maliwanag ang lalaki nagagawa niyang maglakad nang walang alinlangan at hindi rin siya tumatama sa mga matutulis na damo at sanga nang kahoy. Palabas na sila nang kasukalan nang masalubong nila ang isang binatilyo. Tumatakbo ito palapit sa batang babae. Nasa tabi lang nang bata si Achellion ngunit hindi manlamang ito napapansin nang batang lalaki.

"AYA! Kanina pa kita hinahanap. Tiyak magagalit na naman nito si Mommy at daddy." Biglang wika nang batang lalaki nang makalapit sa kapatid.

Panay din ang kahol nang aso habang papakapit sila kay Aya. "Paano ka napunta sa lugar na ito? Hindi mo ba alam na delekado." Wika nito sa kapatid at hinawakan ang kamay. "Tingnan mo ang dumi mo at ang dami mong sugat."

"Sorry kuya." Wika nang batang babae. "Alam mo kuya may nakilala akong isang mabait na ginoo siya ang naghatid sa kin palabas." Wika ni Aya at lumingon hindi na niya Makita ang lalaki ngunit nakikita parin niya ang taglay nitong liwanag kaya alam niyang malapit lang ito.

"Nagtago na yata siya." Malungkot na wika ni Aya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Ayan dahil sa kalikutan ko ang dami mong sugat sab inti." Wika nang batang lalaki at pinunasan ang mga binti nang kapatid na may mga galos dahil sa mga matutulis na halaman. "Sakay na!" wika nang batang lalaki na ang ititukoy ay ang pagsampa nang kapatid niya sa likod niya.

Ngumiti naman ang batang babae bago sumakay sa likod nang kapatid. Inihatid lang nang tingin ni Achellion ang dalawang batang papalayo.

"Snow tara." Wika ni Eugene sa bagong alagang aso.

"Snow binigyan mo na siya nang panaglan?" taking wika ni Aya.

"Ang bagal mo kasing mag-isip at bakit ka ba umalis, mamaya may kung anong hayop ditto." Wika ni Eugene sa kapatid.

"Hindi ko alam kung matapang ka ba o malikot lang." dagdag ni Eugene. "Sa susunod na umalis ka, itatali ko si Snow sa bewang mo para mas madali kitang mahanap. Di ba snow?" wika ni Eugene at bumaling sa asa. Agad naman tumahol ang asong sumusunod sa kanila. Tila sa tahol na iyon ipinapahiwatig nang aso ang pagsang-ayon sa sinabi nang batang lalaki.

"Pinagkakaisahan niyo naman ako."sumimangot na wika ni Aya.

"Masyado ka kasing makulit."

"Kuya alam mo ba may nakita akong kakaibang mama sa gubat. May pakpak siya na kakaiba ang kulay. Sabi ni lola puti ang kulay nang isang anghel, ngunit bakit itim ang isang pakpak nito. nakita mo rin ba siya kuya?" wika ni Aya sa kapatid habang pauwi sila.

"Ano ba yang pinagsasabi mo. Kung ano ano na naman yang nakikita mo." wika ni Eugene sa kapatid. Alam ni Eugene na may mga nakikita si Aya na hindi nila nakikita. Hindi man nito kayang makita ang mga bagay sa paligid nila. may mga bagay naman ito na ang kapatid lang niiya ang nakakakita.

Minsan nga nang naiwan itong mag-isa sa bahay nila, nadatnan niiya itong takot na takot at umiiyak sabi nito may nakita daw itong nakakatakot na mama sa likod nang bahay nila. akala nila noong una dala lang iyon nang imahinasyon nang kapatid. Ngunit napatunayan ilang totoo ito nang minsang nag sama nang isang ispiritista ang daddy nila. Hindi nito ugaling maniwala sa mga multo ngunit dahil sa takot na nakita mula sa bunsong anak kaya ito nag sama nang ispiritista.

Nalaman nilang may kaluluwa nang isang lalaki na gumagala sa lugar nila. ayon pa ditto isa itong biktima nang digmaan noong panahon nang hapon. Simula noon hindi na nila iniiwang mag isa ang kapatid.

Naging palaisipan kay Achellion ang batang nakita. Sa unang pagkakataon may taong nakakita sa kanya. At pagkakataon lang ba na gaya nang sanggol na iniligtas niya may Nakita din siyang feathers na nahulog sa noo nito. Anong ibig sabihin nito? Kaya naman sinundan niya ang dalawang bata para malaman kung saan nakatira ang mga ito. Simula noon parati na siyang nasa paligid nang bahay nang mag-anak. Gabi gabi naririg niya ang dasal nang batang babae. Ang mataimtim nitong dasal na sana makakita na siya. Araw-araw niyang sinusubaybayan ang batang babae. At nakikita niyang sa kabila nang kapansanan nito hindi nawawala ang mga ngiti nito sa labi. Madalas kasama ito nang mommy niya sa health center. Nag tatrabaho bilang isang nurse ang mommy niya sa health center ang lugar nila. Habang nag tatrabaho ang mommy niya nasa isang bahagi nang center ang batang babae at nag lalaro parati nitong kasama ang asong ibinigay nang lola Carmela nila.

Naging malapit sila sa isa't-isa at minsan ito pa ang nag tuturo sa kanya sa tamand daan. Nang Makita ni Achellion ang ina nito doon lang niya nasagot ang tanong sa isip niya ang batang babaeng ito at ang sanggol na iniligtas niya 4 years ago ay iisa. Ngunit bakit hindi ito nakakakita gaya nang normal na mga bata?

Matamang nakatitig si Achellion sa batang babae nang bigla siya nitong ngitian. Nabigla ang binata dahil sa nangyari. Nakatayo siya noon sa isang puno malapit sa center.

Habang naglalaro si Aya, napansin niya ang lalaking nakita niya sa may ilog. Nakatingin ito sa kanya. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa lalaki. Kagaya noong una isang kakaibang liwanag ang nakikita niya sa lalaki. Malinaw niyang nakikita ang lalaki na nakatayo katabi nang isang puno.

Napansin ni Aya ang aso niyang tumatahol habang nakatingin sa isang puno. Ito mismo ang puno kung saan niya Nakita ang binata. Dahil sa taglay nitong liwanag kaya naman nakikita niya ang asa nila. Tumayo ang batang babae mula sa kinauupuan nito at dahan dahang naglakad palapit sa aso.

"Snow, tama na yan kaibigan ko siya." Wika ni Aya at hinimas ang ulo nang aso. Tela naman naintindihan nito ang sinabi nang batang babae saka huminto sa pagtahol.

"Nakikita ka rin ni Snow." Wika ni Aya kay Achellion at Ngumiti.

"Mag isa ka na naman?" tanong nang batang babae sa kanya. "Bakit Ganoon? Sa lahat nang mga nakita kung multo ikaw ang may pinakmatingkad na kulay." Nakangiting wika nang batang babae.

"Anong pangalan mo? Ako nga pala si Aya." Wika pa nang batang babae nang hindi sumagot si Achellion. "Ito ang alaga naming si Snow. Sabin ang kuya ko maputi daw ang baliahibo niya. Dahil sa liwanag mong taglay napatunayan kong tama ang kuya ko."

"Wala akong masyadong kaibigan dahil hindi ako makakita. Pwede bang ikaw na lang ang kaibigan ko?" tanong nang batang babae sa kanya.

Dahan dahang inilapit ni Achellion ang kamay niya sa mukha nang batang babae ngunit bigla siyang napahinto nang biglang lumitaw ang lotus niyang marka sa kanang kamay. Ito ang unang pagkakataon matapos ang ilang libong taon. Labis na nagtaka si Achellion.

Ang isang anghel na naging isang fallen angel ay dapat mawalan na kahit ano mangkapangyarihan biglang isang anghel. Lahat silang tumakas mula sa parusa ay nagtungo sa mundo nang mga tao. At naging mga fallen angel. Nawala ang mga marka nila na sumisimbolo sa kanilang kapangyarihan bilang mga sundalo nang langit. Ang simbolo niya ay Phoenix at Lotus na ang ibig sabihin ay reincarnation.

"AYA!"biglang napatingin si Achellion sa babaeng papalapit sa batang babae. "Paano ka na punta sa bahaging ito? Diba sabi ko huwag kang aalis sa kinauupuan mo?"nag aalalang wika nang babae nang makalapit sa anak. Napalingon ito sa paligid. Hindi naman ugali nang anak niyang gumala. Ngunit paano ito napunta sa bahaging iyon.

"Mommy, kausap ko lang ang kaibigan ko." Wika ni Aya.

"Kaibigan?" takang wika ni Jasmine dahil sa sinabi nang anak niya.

Ngunit wala naming ibang tao sa bahaging iyon kundi ang anak niya. BIgla siyang kinilabutan. May mga nakikita ba at nakakausap ang anak niya na hindi nila nakikita.

"Tayo na. Nariyan na ang daddy mo." Wika ni Jasmine at kinarga ang anak niya. Saka nagmamadaling umalis.

Snow tara na." Wika ni Jasmine sa aso. Sinundan nang tingin ni Achellion ang papalayong mag-ina.

"Bakit?" tanong ni Harry sa asawa niya nang maabutan ito sa labas nang silid ni Aya. Nakatingin ito sa anak na natutulog. "May bumabagabag ba sa iyo?"

"Kanina, sabi sa akin ni Aya kinakausap niya raw ang kaibigan niya. Ngunit wala naming ibang tao sa paligid. Pareho naman nating alam na walang gaanong kaibigan si Aya. Natatakot akong lumaking hindi normal ang pamumuhay nang anak natin." Wika ni Jasmine.

"Pwede ba huwag mong masyadong iniisip ang mga bagay na iyan. Narito tayo upang gabayan si Aya. Hindi naman ako papaya na isipin niyang hindi siya normal gaya nang ibang bata." Wika ni Harry at hinapit ang bewang nang asawa. "Bata lang si Aya at malikot ang imagination." Ani Harry.

Kahit sa sinabi ni Harry hindi pa rin mapanatag ang isip ni Jasmine. Alam niyang hindi magiging madali ang buhay ni Aya. Lalo na dahil sa kapansanan nito.

Lumipas ang isang taon, patuloy na sinubaybayan ni Achellion ang batang babae at ang ina nito, ngunit hindi na siya nagpakita ditto. Tahimik siyang nag matyag sa batang babae. Tuwing gabi, kapag matutulog na ang batang babae parati siyang nag-iiwan nang puting rosas sa labas nang bintana sa silid nito. Iniisip ni Achellion na sa ganitong paraan makakaramdam ang batang babae na may nagbabantay sa kanya.

Tuwing naririnig niyang nagpapasalamat ang batang babae dahil sa rosas lihim na nagagalak ang puso ni Achellion.

Matapos ang ilang libong taon, ngayon lang uli niya naramdaman ang kakaibang saya habang may isang batang nagpapasalamat sa isang maliit na bagay na kanyang ginawa. Biglang pumasok sa isip niya ang mga panahong isa pa siyang anghel at nagbabantay sa mga tao. Habang naalala niya ang dati niyang buhay hindi niya maiwasang hindi malungkot. Ngayon lang niya napagtanto ang laki nang bagay na isinuko niya dahil sa isang maling paniniwala.

Ngunit alam ni Achellion na kahit mag sisi siya hindi na niya maibabalik ang nakaraan Hindi na niya maibabalik ang dati niyang buhay. Habang panahon na siyang mananatiling isang Fallen Angel isang makasalanan anghel.

Masayang-masaya ang batang si Aya dahil, dadalo siya sa middle school graduation nang kuya Eugene niya. kasama niya ang mommy at daddy niya ganoon din ang lola Dolores nila. Kahit hindi niya nakikita ang mga nangyayari alam niyang masayang masaya ang boung pamilya niya dahil sa isang top student ang kuya niya. alam niyang matalino ang kuya niya. ito rin ang tutor niya dahil hindi siya makapasok sa eskwelahan dahil sa kapansanan niya. Matyaga siyang tinuturuan nang kuya niya kahit na alam niyang kailangan pa nitong mag aral nang nga aralin sa school nila talagang hinahangaan niya ang kuya Eugene niya.

Masaya ang buong mag anak ni Harry habang papunta sa bayan para mag celebrate. Naisip niyang dalhin sa isang mamahaling restaurant ang boung pamilya para ipagdiwang ang graduation ni Eugene.

"Ito Aya, ikaw na ang mag suot nito." masayang wika ni Eugene at isinuot kay Aya ang isa sa mga Medal niya. "At may regalo pa ako sa iyo." Wika ni Eugene at inilabas mula sa bag niya ang isang maliit na box.

"Ano yan Eugene?" tanong nang Lola nila. Ngumiti si Eugene at binuksan ang takip nang box. Nakita nang matanda ang dalawang kwentas na may locket na hugis globo na may dalawang pakpak sa gilid. Isang gold at isang silver na locket ang laman noon.

"Tingnan mo Aya. Nasa loob nang kwentas ang larawan nating apat. Si Mommy, daddy, At ikaw." Wika ni Eugene at ginagap ang kamay nang batang babae patungo sa kwentas. Binuksan din ni Eugene ang locket at doon lumitaw ang 5 pang bilog na may laman nang mga picture nila. Isang picture ni Eugene, Aya, Nang Mommy at Daddy nila at nang lola nila at isang larawan na naroon silang lahat Nakita ni Eugene ang matamis na ngiti ni Aya nang ma trace nito ang hugis puso nitong anyo at ang pakpak na style nito.

"Parati mo itong isusuot ha." Wika ni Eugene at isinuot ang silver na locket sa kapatid. Nakita ni Eugene ang matamis na ngiti si Aya.

Agad na ginagap nang batang babae ang locket saka muling ngumiti nang magagap ang pakpak nang anghel sa kwentas.

"Tig-isa tayo." Wika ni Eugene at isinuot ang gold na kwentas. "Para kahit malayo tayo sa isa't-isa parati mong maalala na narito lang ako. At madali din kitang mahahanap." Wika ni Eugene.

"Naku bagay sa iyo Aya." Masayang wika nang lola Dolores nila.

"Talaga Lola?" Nakangiting wika niya AYA "Salamat kuya." Wika ni Aya at kinapa ang kwentas na ibinigay nang kuya niya. "Bagay ba sa akin?" nakangiting wika ni Aya sa kapatid. Narinig nilang tumahol ang asa

"OO, bagay saiyo pati si Snow sangyayon. Mukhang mas bagay sa iyo yan kesa sa akin." Masiglang wika ni Eugene. Alam niyang sa kabila nang mga ngiti nang kapatid naroon ang kalungkutan dahil hindi nito magagawa ang mga bagay na gusto nitong gawin. Sina Harry at Jasmine na nasa unahan ay tahimik lang nanakikinig sa kanila. Napansin ni Harry na pinahid ni Jasmine ang luha sa mga mata niya.

"Mahal, Bakit?" tanong ni Harry sa asawa at hinawakan ang kamay nito. "Are you okay?" masuyong wika ni Harry at hinawakan ang kamay ni Jasmine.

Alam niyang inaalala nang asawa niya ang bunso nila. maraming plano si Jasmine para sa mga anak nila. At alam niyang masakit para ditto na makitang hindi makakita ang anak nila.

"Okay lang ako. Labis lang akong masaya." Wika ni Jasmine at ngumiti sa asawa.

"Mommy. Umiiyak ka ba?" maya-maya ay narinig nilang tanong ni Aya. Si Aya kahit na hindi na kakakita, malakas ang pakiramdam nito. nararamdaman nito ang kalungkutan sa paligid niya. kahit na pilit nila itong itago alam nilang nararamdamn ito ni Aya. Hindi nila kailan man nakita si Aya na umiyak dahil sa kapansanan nito o dahil malungkot ito dahil sa hindi makakita. Parati itong nakangiti sa harap nila. Kung tutuusin mas matapang pa nga si Aya kesa sa kanila.

"Masaya lang ako. Hindi ako umiiyak." Wika ni Jasmine.

Nakalutang sa ere si Achellion habang sinusundan ang masayang mag anak. Natutuwa siyang makitang masaya si Aya. Araw araw niyang sinusubaybayan ang bata. At labis siyang natutuwa tuwing nakangiti si Aya at masaya.

Kahit na sa mga simpleng bagay lang nakikita niyang masaya si Aya.

Gabi nan ang makauwi ang mag-anak matapos ang pamamasyal nila. Nang dumating sila sa bahay nila napansin agad ni Eugene ang mga kalalakihang nakatayo sa harap nang bahay nila. Taka naman siyang napatingin sa asawa niya. Kapwa sila nagtatanong kung sino ang mga ito. Sabay silang napalingon sa likod nang kotse kung saan natutulog sina Eugene at Aya dala na rin siguro nang labis na pagod dahil sa nangyari.

"May mga bisita ba tayo Eugene?" tanong nang matanda at tumingin sa mga lalaking nasa labas nang bahay nila.

"Dito muna kayo, lalapitan ko sila." Wika ni Eugene saka binuksan ang pinto at akmang lalabas ngunit hindi natuloy ang paglabas nito nang hawakan ni Jasmine ang kamay nang asawa. Taka namang napatingin si Harry sa asawa.

"It's okay." Assurance na wika ni Harry at hinawakan ang kamay nang asawa saka ngumiti.

"I'll go with you." Wika ni Jasmine.

"Mahal, mas Mabuti pang ditto ka nalang." Wika pa ni Eugene.

"Please, Gusto kitang samahan." Wika ni Jasmine. Napabuga nang hangin si Harry at hindi rin nakatiis kundi ang hayaan ang asawa na samahan siya. Hindi rin naman niya ito mapipilit na manatili sa sasakyan knowing kung gaano ka tigas ang ulo nang asawa niya. Nagpaalam ang dalawa sa matanda bago lumabas nang sasakyan. Magkahawak kamay pa sila habang papalapit sa mga lalaki.

Habang papalapit sila unti-unting nakikilala ni Eugene kung sino ang mga lalaki ito. Ito ang grupo ni Giovanni Sebastian. Ang kaisa-isang anak nang may-ari nang haciendang pinamamahalaan niya. Simula nang dumating sila sa lugar na ito. Napansin na agad ni Harry ang malalagkit na tingin nang binata sa asawa niya. Bagay na hindi naman nito itinanggi. Sinabi nito sa kanya na may pagtingin ito sa asawa niya. Dahil sa bagay na ito kaya hindi sila magkasundo. Kahit na may asawa na ito at mga anak, hindi pa rin nito ipinagkakaila ang pagtingin sa asawa niya. Mabait sa kanya ang ama nitong si Don Guillermo Kaya naman nananatili siya sa pagtatrabaho sa Hacienda, kung hindi dahil sa tiwala nito sa kanya hindi na siguro siya nagkaroon nang lakas nang loob na malampasan ang mga pagsubok sa buhay niya. Simula nang umalis siya sa poder nang ina niya hindi na siya nakapasok sa mga kompanya dahil sa pagharang nito. Tanging ang matanda ang nagtiwala sa kanya.

"Manager. Ginabi yata kayo." Wika nito at naglakad palapit sa kanila. Lalo namang humigpit ang hawak ni Jasmine sa kamay nang asawa. Naamoy nila ang alak na ininom nang lalaki. Bukod sa pagiging batugan kilala din ang anak nang Don na isang lasenggero at mahilig sa babae. Kahit na may-asawa na ito gabi-gabi nasa kabilang bayan ito at nasa night club.

"Ah, OO nagpunta kami sa kabilang bayan at ipinasyal ang mga anak namin." Wika ni Harry. Kahit naman ayaw niya sa lalaking ito kailangan pa rin niya itong pakisamahan. Ayaw naman niyang magkaroon nang mga kaaaway sa lugar na ito.

"Magandang gabi, Jasmine. Lalo ka yatang gumaganda." Wika nito na hindi pinansin ang sinabi ni Harry at tumingin kay Jasmine na nasa tabi ni Harry.

"M-magandang gabi." Alangang wika ni Jasmine.

"Gusto sana naming makipag-inoman sa asawa mo kung pwede. Hindi ka naman magagalit hindi ba?" wika pa nito kay Jasmine. Taka namang napatingin si Jasmine sa asawa niya. Ayaw naman niyang makipag-inoman ang asawa niya sa mga lalaking ito alam niya kung ano ang reputasyon ni Giovanni sa lugar nila.

Alam din niya ang pagkakagusto nito sa kanya. Sa totoo lang hindi niya gusto ang lalaki. Wala siyang makitang katiting na act of responsibility ditto. Puro lang ito barkada na para bang walang pamilya na dapat alalahanin. Dahil nabuhay sa karangyaan siguro kaya ganoon ito mag-isip.

"Masyado nang malalim ang gabi. At isa pa mukhang lasing narin kayo. Bukas nalang kayo mag-inoman, Isa pa, nariyan ang mga anak naming pagod sila sa pamamasyal. Gusto na rin naming magpahinga." Magalang na pagtanggi ni Jasmine.

"Naku ikaw naman, minsan nga lang kami magyayang uminom bakit mo naman ako tatanggihan. Alam mo bang hindi ko gustong hini-hindian ako." Wika ni Giovanni.

"Daddy." Boses nang isang batang lalaki ang narinig nilang nagsalita. Sabay- na napalingon ang mag-asawa sa may kotse. Nakita nila si Eugene na nasa labas nang kotse. Lumabas din ang ina ni Jasmine habang karga-karga ang tulog na si Aya.

Nilagyan lang nito nang Jacket ang batang babae upang hindi lamigin. Naglakad sila palapit sa mag-asawa na kausap si Giovanni.

"Magandang gabi aling Dolores." Bati nito sa matanda.

"Magandang gabi naman. Mukhang nagkaroon kayo nang kasiyahan ah." Wika nito nang pamansing lasing ang lalaki.

"Nakainom lang nang konti." Wika nito sa Ginang. "Yayayain ko sana si Harry na makipag-inuman sa amin."

"Naku, bukas nalang. Malalim na ang gabi. Isa pa, antok na ang mga bata." Wika nang matanda.

"Iyan din ang sinabi ni Jasmine sa akin." Sumeryosong wika nito. "Ayoko sa lahat ay yung tinatanggihan ako." Nakita nila ang galit na ekspresyon na mukha nang lalaki. Alam ilang hindi gusto nang lalaki na hindi nasusunod ang gusto nito. Naging mahaba ang katahimikan sa pagitan nila. Kung hindi pa tumahol ang aso nilang si snow hindi mababasag ang katahimikang iyon. Tumakbo papalapit kay Eugene ang puting aso.

"Snow huwag kang maingay natutulog si Aya." Wika ni Eugene. Nangangalit ang aso habang nakatingin kay Giovanni.

"Ano ba yan maging ang aso niyo ayaw pumayag." Napakamot nang ulo na wika nang lalaki at ngumiti. "Paano ba yan, bukas nalang." Wika pa nito. "Jasmine, uuwi na kami" baling nito kay Jasmine. Tumango lang si Jasmine.

"Aling Dolores. Aalis na po kami." Wika pa nito bago bumaling kay Harry. "Harry, Babalikan kita." Wika nito. Sa pandinig ni Harry tila may ibang ibig sabihin ang salitang iton. Bakit bigla siyang natakot.

"Mag-iingat kayo." Wika ni Dolores nang naglakad papalayo ang barkada ni Giovanni.

"Mas Mabuti pang pumasok na tayo." Wika ni Harry nang mawala sa paningin nila ang grupo ni Giovanni.

Inilock ni Harry ang gate nila bago sila pumasok sa loob nang bahay. Hindi niya sinabi sa asawa niya na masama ang pakiramdam niya sa pagdating nina Giovanni sa bahay nila.

"Mommy, Daddy sa kwarto kami ni Aya matutulog ngayon." Wika ni Eugene na lumapit sa magulang niya na lumabas sa silid nang batang babae. Kasama ni Eugene si Snow.

"SIge." Ngumiting wika ni Jasmine at binuksan ang pinto nang kwarto sabay naman pumasok sa silid sina snow at Eugene. Naglatag si Eugene nang cushion sa ibaba nang kama ni Aya para sa kanila ni Snow. Napangiti lang sina Harry at Jasmine nang mahiga si Eugene at snow.

"Good night." Sabay na wika nang mag-asawa bago isara ang pinto nang kwarto.

"Mahal? Bakit?" tanong ni Jasmine sa asawa nang mapansin na tila malalim ang iniisip nito, naging tahimik din ito simula nang Makita nila si Giovanni sa labas nang bahay nila.

"Wala naman." Pilit na ngiting wika ni Harry at inakbayan ang asawa at inakay patungo sa silid nila. Ayaw naman niyang matakot ang asawa niya sa mga tumatakbo sa isip niya. Nang gabing iyon hindi nakatulog si Harry dahil sa pagkabalisa. Pasado alas 2 nang madaling araw nang makarinig siya nang kaluskus sa ibaba nang bahay nila.

Agad siyang napalikwas nang bangon. Dahil sa ginawa niya bigla namang nagising si Jasmine na nasa tabi niya.

"Mahal? Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Jasmine. Hindi siya sinagot ni Harry bagkus ay tumayo ito mula sa kama at naglakad patungo sa pinto. Naguguluhan naman si Jasmine sa kinikilos nang asawa. Tumayo din siya mula sa kama at sinundan ang asawa. Tumigil si Harry sa tapat nang pinto. Saka bumaling kay Jasmine.

"Dito ka lang." wika nito. Bigla namang kinabahan si Jasmine sa reaksyon nang asawa niya. ANo bang nangyayari? AT bakit ito kumikilos na tila balisa. Hindi na siya hinintay ni Harry na sumagor lumabas ito nang silid. Nang kalabas si Harry nang silid agad siyang bumaba sa sala upang alamin ang dahilan nang kaluskos na narinig niya. Ganoon na lamang ang gulat niya nang Makita ang armadong grupo ni Giovanni na nasa sala.

"Anong ginagawa mo ditto?" asik ni Harry sa mga lalaki.

"Binibisita ka naming. Masyado ka kasing mailap. Niyaya ka naming maginoman kanina pero tumanggi ka. Isa pa gusto kong tapusin ang kung mang namamagitang hidwaan sa atin." Wika pa nito. Naamoy parin ni Harry ang alak mula sa katawan ni Giovanni.

"Walang namamagitang hidwaan sa atin. Kung aalis kayo nang tahimik kakalimutan ko ang ginawa niyong ito. Nasa taas ang pamilya ko at nagpapahinga. Mas Mabuti pang umalis na kayo." Wika ni Harry.

"Pamilya mo? Hindi ko maintindihan kung bakit ang isang talunan na katulad mo ay nabigyan nang isang mabait na asawa. Alam mo bang noon ko pa gusto ang anak ni Aling Dolores. Kahit noong hindi ka pa pumapasok sa buhay niya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako kailangang tanggihan at piliin ang isang gaya mo." Wika nito.

"Umuwi kana Gio. Lasing ka." Wika ni Harry sa lalaki.

"Mahal, anong nang---" naputol na wika ni Jasmine nang Makita ang mga armadong lalaki sa loob nang bahay nila. Napatingin naman si Harry sa asawa. Nagtaka si Jasmine dahil hindi pa rin bumabalik ang asawa niya kaya naisipan niya itong sundan hindi naman niya akalaing mga di inaasahang bisita ang makikita niya.

"Jasmine, kahit nakasout ka nang pantulog lutang na lutang pa rin ang ganda mo." Ngumising wika ni Giovanni. Biglang nagsitayuan ang mga lalaking nakaupo sa sofa nila.

"Ano bang ingga---" putol na wika ni Dolores nang lumabas sa silid niya. Narinig niyang parang maykausap si Harry at nakikipagtalo kaya naman lumabas siya ganoon na lamang ang gulat niya nang Makita ang grupo ni Giovanni.

"Anong ibig sabihin nito?" asik nang matanda.

"Aling Dolores. Alam niyo naman na matagal ko nang gusto ang anak niyo. Pero pumayag pa rin kayong ikasal siya sa dayuhang ito. Kaya naman narito ako para kunin si Jasmine."

"Nababaliw ka na Gio. Kahit na anong gawin mo hindi ako sasama saiyo lalong hindi ako magkakagusto sa iyo. Kaya umalis kana. Bago pa ako tumawag nang pulis." Asik ni Jasmine.

"Nakakalimutan mo yata kung sino ako Jasmine. Anak ako nang pinakamakapangyarihang tao sa bayang ito. Makukuha ko lahat nang gusto ko. Maging ikaw. Kung kailangan kong patayin sa harap mo ang asawa mo gagawin ko." Asik nito.

"Harry!" hintakot na wika ni Jasmine nang biglang sugurin nang mga lalaki si Harry. Sasaklolo sana si dolorese ngunit bigla siyang sinaksak nang lalaki.

"MA!" sigaw ni Jasmine nang Makita ang ginawa nang mga lalaki sa ina niya. Nakipagbuno si Harry sa mga tauhan ni Giovanni hanggang sa magawa niyang makatakbo. Tumakbo siya palapit sa asawa niya saka ito hinila palayo. DInala niya ang asawa sa silid nang mga anak nila. Nang pumasok sila sa silid Nakita nila si Eugene at Aya na gising na, Yakap-yakap ni Eugene ang takot na kapatid.

"Kailangan niyong umalis ditto." Wika ni Harry.

"Anong ibig mong sabihing kami? Paano ka?" ani Jasmine sa asawa.

"Kailangan ko silang harapin para magkaroon kayo nang oras na makatakas." Wika ni Harry.

"Hindi! Hindi kita iiwan ditto." Wika ni Jasmine habang nakahawak sa kamay nang asawa. Narinig nila mula sa labas na tinatawag sila ni Gio. Naririnig din nilang binubuksan nito ang mga pinto nang silid sa bahay nila.

"Ito lang ang paraan para mailigtas kita at ang mga anak natin." Wika pa ni Harry. "Eugene. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo at sa mommy mo. Kailangan mong maging matapang." Wika nito sa binatilyo at inilagay ang kamay sa ulo nito. Saka bumaling sa bunsong anak. ""Hey Sweetie, Be strong okay. Makikinig ka sa kuya at mommy mo." Wika ni Harry at hinawakan ang mukha nang anak.

"Harry, bakit hindi nalang tayo sabay-sabay na tumakas." Wika ni Jasmine at lumapit sa asawa.

"Bilang asawa mo, kailangan kitang protektahan gaya nang pangako ko." Wika ni Harry at lumapit sa asawa. Marahan niyang tinanggal ang wedding ring sa kamay saka inilagay sa kamay nang asawa niya.

"Kunin ko saiyo yan kapag nagkita tayo. Pipilitin kong makalabas ditto nang buhay para kunin ulit yan." Ngumiting wika ni Harry.

"You have to keep your promise." Wika ni Jasmine.

"Kailan ba naman kita binigo." Hinawakan ni Harry ang pisngi nang asawa bago ginawaran nang halik sa labi. Matapos makapagpaalam sa isa't-isa. Mula sa binata, inalalayan ni Harry ang magina niya upang makatakas. Isinama din nila ang asong si Snow. Saktong nakababa sila nang bahay nang makapasok si Giovanni sa loob nang silid. Tumatakbo ang mag-ina patungo sa sasakyan nang marinig nila ang isang malakas na putok nang baril. Hindi lang isang beses nilang narinig ang putok nang baril kundi maraming beses. Habang pilit na pinapaandar ni Jasmine ang sasakyan hindi niya mapigilan ang umiyak.

Nangangamba siyang baka ang asawa niya ang napahamak sa putok nang baril na iyon. Nakaupo siya sa driver seat at hindi makagalaw dahil sa labis na takot nais niyang balikan ang asawa niya dahil natatakot siyang baka may nangyati nang masama ditto.

"Mommy nariyan na sila." Wika ni Eugene na nasa back seat habang yakap ang kapatid. Nakita niyang lumabas mula sa loob nang bahay ang grupo ni Gio.

"Jasmine, bumalik ka ditto!" sigaw nang lalaki. Ngunit hindi siya pinakinggan ni Jasmine. Agad na binuhay ni Jasmine ang makina nang sasakyan at pinaandar iyon papalayo sa lugar na iyon. Nakita nilang sinundan sila ni Gio gamit ang mga motor nito.

Hindi alam ni Jasmine kung saan sila pupunta ang alam lang niya kailangan nilang makatakas sa mga lalaking gustong pumapatay sa kanila.

Nagpunta si Achellion sa bahay nina Aya. Napansin niyang bukas ang ilaw nang kabahayan. Ang isang bagay na pinagtataka niy ay ang bukas na pinto nang buhay nito. Naglakad siya palapit sa bahay nang nasa pinto na siya Nakita niya ang duguang ina ni Jasmine. Dahil sa labis na pagkabahala agad siyang pumasok sa loob nang bahay. Nakita niya ang magulong ayos nang sala tanda na nagkaroon nang labanan sa loob nang bahay. Wala nang buhay ang ina ni Jasmine nang lapitan niya.

"Aya." Mahinang wika ni Achellion nang maalala ang batang si Aya. Nagmamadali siyang umakyat sa ikalawang palapag.

Nakita niya ang bukas na mga pinto nang silid. Isa isa niyang pinasok ang loob nang silid ngunit hindi niya Nakita ang pamilya ni Aya hanggang sa makapasok siya sa silid ni Aya, doon Nakita niya ang walang buhay na bangkay ni Harry. Tadtad nang bala ng katawan nito.

HInanap ni Achellion sa buong kabahayan ang batang si Aya ngunit hindi niya ito Nakita. Hindi rin niya Nakita ang batang lalaki maging ang magulang nito. Nang magtungo siya sa isang silid. Nakita din niya ang bukas na bintana at ang kumot na pinagdugtong dugtong. Inisip niyang marahil ito ang ginamit nang mag-ina upang makatakas. BIglang naglaho si Achellion. Sunod siyang lumitaw sa himpapawin habang hinahanap ang pamilya ni Aya.