Chereads / Angel's Feathers / Chapter 8 - Chapter Eight

Chapter 8 - Chapter Eight

Ilang araw nang napapansin ni Julianne at Aya na gabi na kung umuwi si Eugene at hindi man lang sinasabi sa kanila kung saan ito nag pupunta. Maging ang butler Nila ay nagtataka na rin sa ikinikilos nang binata.

"Kulit, alam mo ba kung ano ang ginagawa ng kuya mo?" tanong ni Julianne sa dalaga habang nasa kusina ito nagtitimpla nang kape. Dalawa lang sila ni Julianne na naghapunan, sa hotel natulog ang lola nila at sinamahan ni Butler Lee ang Tita Elena naman niya at Ate Berndatte ay umalis din. Ang kuya naman niya nang umiwi ay diretso na ito sa pagtulog. Hindi nga nila ito magawang makausap.

"Kayo ang magkasama sa Trabaho hindi mo Alam?" sakristong wika ni Aya.

"Haizt! Talagang magkapatid nga kayo. Parehong pilosopo kung sumagot. Sige! Ako na ang walang kwentang kaibigan." Wika ni Julianne. Naningkit ang mata ni Aya at napatingin sa binata.

"Nagdadrama ka ba?" aniya dito.

"Kumain ka na lang." Wika ni Julianne at pinisil ang ilong ng dalaga. Matapos ilagay ang baso nang gatas na tinimpla nito.

Nasanay na siya na parating ipinagtitimpla ni Julianne nang gatas. Kapag wala ang kuya niya si Julianne ang nag-aasikaso sa kanya Para itong kuya niya kung tratuhin siya nang binata.

"Yah!" asik ni Aya at tinapik ang kamay ng binata. Natatawa naman si Julianne sa dalaga at sa reaksyon nito. "Kung wala kang gagawing matino. Matulog ka na ngalang." Inis na wika ni Aya sa binata.

Tumatawa na umalis sa kusina ang binata habang si Aya naman ay napalabi at itinuloy ang ginagawa.

Nasa isip niya parin kung ano ang pinagkakaabalahan ang kapatid. At kung bakit hindi nito sinasabi sa kanila ang mga ginagawa nito. May malaki kaya itong problema. Maging si Frances ay hindi na rin nito dinadalaw.

Nitong mga nakaraan araw, gumawa si Eugene nang sariling imbestigasyon tungkol sa nangyari kay Jenny, hindi siya mapalagay at hindi niya basta na lamang balewalain ang kaibigan.

Sa kanyang pag-iimbestiga nalaman niya ana ang dahilan kung bakit bumalik sa bansa ang pamilya ni Jenny kasama ang tunay na ina ito ay dahil nalugi sa negosyo ang asawa nito. Isang director ang pangalawang asawa nito na step father ni Jenny. Isang Dating sikat na director na ngayon ay isa na lamang baldadong lalaki at nababaon sa isang malaking utang.

Walang sinabi si Jenny sa kanila sa mga sulat nito parati nitong sinasabi na mabuti ang kalagayan nito at mabait sa kanya ang step Father niya ganoon din ang dalawa nitong step sister. Nang magkita sila ni Jenny sa task force ang sabi nito ay umuwi ito sa bansa para hanapin sila ni Julianne. Lihim din ang pagpasok nito sa task force at nang malaman nang ina niya ay pinaalis ito at pinapasok sa isang hospital.

Hindi niya akalain na ganito kalaking problema ang tinatago ni Jenny. Ang lalong ikininagulat niya ay nang malaman kung sino ang lalaking pinagkakautangan nang pamilya ni Jenny. Nang una hindi mapaniwalaan ni Eugene ang nalaman, hindi niya matanggap na sa isang taong tulad niya mapupunta si Jenny.

Hanggang ngayon alam niyang nasa isip parin ni Jenny ang nangyari sa ama niya. at alam niyang may trauma pa din si Jenny lalo na sa lalaking iyon. sa lalaking pumatay sa ama niya at ngayon magiging asawa pa niya ito. Akala niya nang mabuwag niya ang sindikato ni Ramon ay magiging isang hamak na pugante na lamang ito hindi niya akalain na maging si Jenny ay hindi nito tinitigilan.

Sinundan ni Eugene si Jenny nang araw na makita niya ito sa Supermarket, nais sana niya itong lapitan ngunit hindi na niya tinuloy. Sa palagay niya malalim ang iniisip ng dalaga. Pumasok ito sa supermarket ngunit wala naman itong binili.

Sa pagsunod niya sa dalaga, napansin ni Eugene na pumunta ito sa isang subdivision. Nakita niya huminto si Jenny sa tapat ng isang asul na gate isang babae na may katabaan ang nagbukas ng pinto. Sa hula niya mas matanda ito kay Jenny. Sa ekspresyon ng mukha nito parang hindi ito Masaya na makita si Jenny na dumating.

Nakita niya pumasok si Jenny sa loob, sa isang maliit na espasyo ng harden, nakita niya ang dating director na nasa wheel chair. Nag mano si Jenny sa lalaki.

"Buti naman dumalaw ka. Anong akala mo sa amin, may tiyan na yari sa bato?" narining niyang wika ng isang ginang na nasa likod ng lalaking naka wheelchair. Kung titingnan masasabi mo agad na ito ang may bahay ng director.

"Pasensya na kayo. Dahil hindi na ako pumasok sa hospiyal. Nahirapan akong kunin ang pera ko." Paliwanag ni Jenny.

"Pinoproblema mo ang pera?" sakristong wika nito. "Para ano pa at nasa bahay ka ni Ramon." Wika ng babae.

Biglang napakuyom ng kamao si Jenny sa naranig na sinabi ng ina niya. Bakit pa nga ba siya bumalik sa bahay na ito? Nang una pa lang siyang dumating alam na niyang hindi naman siya tanggap ng mga ito. Mas gugustuhin pa niya manatili na lamang sa kombento o bumalik sa England bahala na kung wala siyang kilala. Bahala na kung magumpisa siya sa wala. Ngunit dahil siya sa stepfather niya. Hindi rin niya mapigilan ang sarili kundi ang bumalik at magtiis. Bukod doon kahit naman baliktarin niya ang mundo narito ang ina niya.

Bakit kailangan niyang pakisamahan ang taong kinamumuhian niya sa lahat? Ang taong pumatay sa tatay niya. Bakit siya nagtitiis sa ganitong buhay?

"Hanggang ngayon pa rin ba nag-iinarte ka pa din?" wika ng matabang babae na nagbukas ng gate. "Mapapangasawa mo na ang lalaking iyon, kaya ang pera niya ay pera mo din. Madali lang humingi ng pera doon." Wika nito. "Nakalimutan mo rin ba na, kanang kamay siya nang ama mo. Sa ama mo galing ang yaman niya, kaya kung ano ang meron siya iyo din iyon."

"Madali naman pala bakit hindi ikaw ang magpakasal kesa sa ako ang ipinagpipilitan niyo." Bulalas ni Jenny na napahawak ng mahigpit sa bag niya. Gulantang ang lahat sa narinig mula sa dalaga. Ito ang unang beses na narinig nila sumagot pa balik ang dalaga.

"Anong sabi mo? May pinagmamalaki ka naba? Aba! Baka na kakalimutan mo kung ano ka sa pamilyang ito." Anang Ina niya. "Baka nakakalimutan mo. ibinigay ka sa akin nang ama mo ni walang isang kusing na iniwan. Hindi libre ang pagtira mo sa poder ko baka nakakalimutan mo. Well let me refresh your memory." Asik ni Marga. "SInong pinagmamalaki? Ang ama mo? Nasaan na siya ngayon? DIba matagal nang kinain nang uuod ang katawan niya!" galit na asik nang babae kay Jenny

"Hinding-hindi ko nakakalimutan kung gaano kaliit ang tingin niyo sa pagkatao ko. Araw-araw ipinamukha niyo sa akin na isa lang akong anak sa labas. Paano ko naman iyon makakalimutan." Ani Jenny.

"Tanggap ko naman iyon. kaya lang Ma, paano ko naman matatanggap na balak niyo akong ipamigay sa taong pumatay sa ama ko." Wika ni Jenny na tumulo ang luha. Noong nasa England pa siya hindi niya alam na pinadadalhan pala ni Ramon ang pera ang mama niya kaya namna pala nagawa siya nitong pagaralin sa isang marangyang eskwelahan. Akala niya tanggap siya nang ina niya. Iyon pala dahil lang sa perang ipinapadala ni Ramon kaya siya nito tinanggap. Buong buhay niyang kinamuhian si Ramon dahil sa pagtataksil nito sa ama niya. Hindi niya alam na ito rin pala ang nagbigay nang pera para makatapos siya.

Ang pera din nang lalaki ang ginastos sa pagpapagamot sa step father niya. Nang malugi ito at malubog sa utang pera din nito ang pinambayad. Kaya naman, wala siyang magawa kahit na ipambayad siya nang ina niya sa lalaki.

Gusto niyang sumigaw at mag amok dahil sa labis na galit ngunit kahit na anong gawin niya wala namang makakarinig sa kanya.

"Ano? Aba! Marunong ka nang sumagot. Nag mamalaki ka na ba? Bakit anong pinagmamalaki mo?" asik nito.

"Ano naman ang mapagmamalaki ko kung lahat ng gawin ko sobrang liit pa din para sa inyo?" anang dalaga. Dahil sa mga sagot ni Jenny. Napuno ng inis ang kanyang ina. Naglakad ito palapit sa kanya at ibinigwas ang kamay para sampalin ang dalaga.

Na bigla ang lahat ng biglang may mga kamay na sumangga sa kamay ng ina ni Jenny. Maging si Jenny ay nagulat din sa nangyari agad siyang napalingon sa may-ari ng mga kamay na nangahas na saluhin ang kamay ng kanyang ina.

"Sino ka naman?" wika ng matabang babae.

"Eugene!" biglang wika ni Jenny nag makilala ang binata. Bigla na lang huminto sa pagtulo ang luha niya nang Makita ang binata.

"I told you. Kung kailangan mon ang taong masasandalan nandito lang ako." Wika ni Eugene sa dalaga.

"Kilala mo ang walang modong lalaking ito?" takang tanong ng kanyang ina at binawi ang kamay mula sa binata.

"Pasensya na kung bigla akong pumasok ng walang paalam. Matagal ko nang sinasabi kay Jenny na ipakilala niya ako sa inyo para pormal ang relasyon namin ngunit masyado siyang mahiyain." Wika ng binata at agad na inakbayan ang dalaga bagay na ikinagulat ni Jenny at nang pamilya nito.

"Anong ginagawa mo? Anong sinasabi mo?" pabulong na tanong ng dalaga sa binata.

"Improvising!" nakangiting bulong ng binata. Wala naman talaga siyang planong magpakita. Ngunit nang Makita niyang umiiyak si Jenny at sinasaktan nang sarili nitong ina hindi na niya nagawang magnood nalang. Kusa na lamang kumilos ang katawan niya.

"Ano?!" gulat na bulalas ng dalaga.

"Anong ibig sabihin nito Jenny?" tanong ng matandang director.

"Ibig sabihin nito, ako ang kasintahan ni Jenny. At mahal na mahal naming ang isat-isa kaya naman hindi siya pwedeng magpakasal kahit na kanino." Ani Eugene. Saka inakbayan si Jenny. Mangha namang napatingin si Jenny sa binata. Ito ba ang sinasabi nitong improvising? Pareho silang mapapahamak sa sinasabi nito.

"Ano?!" sabay-sabay na wika ng tatlo. Napaawang lang ang labi ni Jenny dahil sa labis na gulat.

"Anong kalokohan ito Jenny?" asik ng kanayang ina. "Pinaglalaruan mo ba kami?"

"Hindi ito lokohan ma'am. Gusto kong ipaalam sa inyo na malinis ang hangarin ko kay Jenny, at kung iniisip niyo kung anong buhay ang ibibigay ko kay Jenny. May trabaho ako at kumikita ng sapat para buhayin siya." Wika ni Eugene. Ang gulat na si Jenny ay nakatitig pa rin sa mukha ng binata. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang naririnig mula sa binata. Parang isang panaginip.

"Binata, alam mo ba kung ano ang ginagawa mo? Kahit mahal mo si Jenny. Hindi siya pwedeng magpakasal kahit kanino. Nakatali na ang mga kamay niya sa isang lalaki." Wika ng Direktor.

"Wala pa naman akong nakikitang singsing ibig sabihin hindi pa ako huli." Wika ni Eugene.

"Kakaiba ka mag-isip, bahala ka kung anong gusto mong gawin, pero sinasabi ko saiyo. Mabibigo ka." Wika pa nito sa binata.

"I will challenge everyone for her hand." Wika ng binata na tumingin ng diretso sa matanda. Hindi makapapagsalita si Jenny dahil sa mga sinasabi ni Eugene. Isa lang ang tiyak niya pinalalala lang nito ang sitwasyon nila.

"Jenny saan ka pupunta!" tawag nang ginang nang akayin ni Eugene si Jenny palabas nang bakuran nila. BIglang huminto sa paglalakad ang dalaga saka nilingon ang ina.

"Oras na lumabas ka sa gate nay an, kalimutan mon ang ako ang nanay mo." Galit na wika nang babae. Marahan namang binitiwan ni Jenny ang kamay ni Eugene. Kahit naman galit sya sa ina niya baliktarin man niya ang mundo nanay parin niya ito.

"Jenny." Napalingon si Jenny sa binatang nagsalita.

Gusto niyang takasan ang lahat nang problema niya at naroon si Eugene para iligtas siya, pero bakit nagdadalawang isip siya.

Sa bandang huli wala ring nagawa ang matanda mula sa mapilit na binata. Isinama ni Eugene ang dalaga paalis sa lugar na iyon.

"Ano ang gingawa mo?" tanong ni Jenny nang nasa loob na sila ng kotse.

"Sabi ko naman sa iyo, pwede mo akong maging takbuhan. Kailangan pa kitang palihim na sundan para malaman ko ang totoong nangyayari sa iyo. Hindi mo kailangan dalhin mag-isa ang problema mo. Narito kaming mga kaibigan mo. Isa pa, ano na lamang ang sasabihin ko kay Sir Gustavo kapag nagkita kami? Paano ko ipapaliwanag na hinayaan kitang maikasal sa taong pumatay sa kanya. Paano pa ako haharap sa kanya. Hayaan mong tulungan kita. Hindi ka nag-iisa." Wika ni Eugene.

"Salamat sa pag-aalala, pero--"

"Salamat na nga may pero pa!" agaw ni Eugene sa sasabihin ng dalaga saka binuhay nag makina ng sasakyan. Napa ngiti na lamang si Jenny dahil sa sinabi ni Eugene.

"Ganyan! Mas maganda kang tingnan kapag nakangiti." Wika ni Eugene at pinaandar ang kotse.

Dinala ni Eugene si Jenny sa bahay nila, nagulat naman sina Aya at Julianne ng makita ang dalawa na magkasama. Sinabi ng binata sa dalawa ang dahilan kung bakit naroon si Jenny. At sinabi din niya na simula sa araw na iyon doon na titira si Jenny.

"GInawa mo pang ampunan ang bahay natin." Inis na wika ni Bernadette nang sabihin ni Eugene na sa kanila titira ang dalaga. Okay lang naman sa lola nila na doon muna si Jenny. Ngunit hindi ang Tita Elena niya at pinsang si Bernadette.

"Hindi ko alam kung bakit ang hilig niyong mag-akyat nang mga pulubi sa bahay na ito." Inis na wika nang dalaga at tumayo saka naglakad pakyat. SImpleng ngumiti lang si Aya.

"Kaya pala, hindi ka makausap nitong mga nakaraang araw. Ito pala ang inaasikaso mo." Makahulugang wika ni Julianne.

"Loko!" ani Eugene at binato ng throw pillow ang kaibigan.

"Ate Jenny, magkasama tayo sa silid ko." Wika ni Aya at lumapit sa dalaga.

"Para lang din ito nang nakatira tayo sa dating bahay niyo." Wika ni Julianne. At tumingin kay Eugene.

"Maraming salamat sa tulong ninyo." Wika ni Jenny at pinahid ang luha.

"Para ka namang ibang tao kung magsalita. Pamilya tayo. Ang problema ng isa, problema ng lahat." Ngumiting wika ni Eugene.

Tumango naman sina Aya at Julianne tanda nang pagsang-ayon sa sinabi ni Eugene. Napangiti naman si Jenny. Nagpapasalamat siya dahil may mga kaibigan siyang handa siyang tulungan sa oras ng pangangailangan niya. Ngunit naroon din ang takot sa puso niya, hindi basta-bastang kalaban si Ramon. Alam niya ang kaya nitong gawin. Natatakot siya para kay Eugene at kay Aya. Natatakot siya na baka katulad nang ama niya kunin din ni Ramon ang mga kaibigan niya.

Nalaman ni Ramon sa pamilya ni Jenny na sumama ang dalaga sa binatang si Eugene. At gaya ng inaasahan sobrang nagalit ang lalaki dahil sa nangyari. Pinagbataan nito ang pamilya ni Jenny na may mangyayaring masama dito kung hindi maibabalik si Jenny sa kamay nito.

"Bakit ka nandito?"gulat na wika ni Frances ng makita si Jenny sa bahay nina Eugene. Dumalaw ito sa kanila ng walang pasabi.

Wala din nang mga oras na iyon sina Eugene at Julianne dahil sa trabaho nila so Phoenix. Ang naroon ay sina Aya at Jenny.

Gulat ang dalawa sa bisitang dumating sa kanila.

"I am Asking you! Why are you Here?" inis na ulit nito.

"Dito na siya nakatira." Simpleng wika ni Aya.

"Ano?!" gulat na wika nito mula sa narinig.

"Dinala siya dito ni Kuya noong isang Araw. Kailangan ni Ate Jenny ng tulong ni Kuya kaya dito muna siya nakatira." Sagot naman ni Aya.

"Ano?! Wala ka bang bahay? Bakit nakikitira ka sa bahay ng isang lalaki?" asik nito.

"Hindi naman ibang tao si Ate Jenny. Parang kapatid na ang turing namin ni Kuya sa kanya." Sagot ni Aya.

"This is Crazy!" anito at biglang umalis. Napakagat labi na lamang si Jenny. Paano niya ipapaliwanag sa dalaga na wala naman itong dapat na ikagalit.

"Hayaan mo na yun Ate Jenny, si Kuya na ang bahalang kumausap sa kanya." Ani Aya. Simpleng tango lang ang isinagot ni Jenny. Ayaw niyang abalahin sina Aya at Eugene kaya lang wala naman siyang ibang mapuntahan. Ilang sandali simula ng umalis si Frances. May narinig ang dalawa na nagdoor bell. Nagkatinginan sila bago sabay na lumapit sa pinto para buksan ito. Iniisip ni Aya na baka bumalik si Frances para lalong awayin si Jenny

Nang buksan ni Jenny ang pinto, nagulat ang dalawa ng makita ang mga lalaking nakasout ng itim na damit. Agad namang nakilala ni Jenny ang mga lalaking ito. Ito ang mga tauhan ni Ramon. Isasara sana ng dalaga ang pinto ngunit napigilan ito ng isa sa mga lalaki. Agad nitong hinawakan ang kamay ni Jenny at hinatak palabas.

"Yah!" asik ni Aya sa lalaki at sumunod sa paglabas. Hindi niya alam ngunit nakakaramdam na naman siya ng panganib. Panganib na dala ng mga lalaking bisita. Tinapik ni Aya ang kamay ng lalaking humawak kay Jenny, agad nitong nabitiwan ang dalaga.

"Aya!" takang wika ni Jenny. Pumagitna sa kanila ang dalaga.

"Anong ginagawa mo? Hindi ikaw ang kailangan namin." Wika ng lalaki kay Aya.

"Alam ko. At wala kayong karapatan na dalhin ang isang tao ng sapilitan. Kung ayaw niyong makulong umalis na kayo." Asik naman ni Aya.

Napangisi ang lalaki dahil sa sinabi ni Aya.

"Miss, umalis ka sa harapan ko bago ko makalimutan na babae ka."

"Ayoko!" matigas na sabi ng dalaga.

"Miss huwag mong inuubos ang pasensya ko." Asik ng lalaki.

"Huwag ka nang makipagtalo pa, dalhin mo na rin pati ang sabit na yan." Wika naman ng isa na parang siya ang leader sa kanila. Agad naman na sumunod ang mga lalaki dito. Nanlaban ang dalawang dalaga ngunit wala din silang nagawa laban sa mga ito.

Nakita si Julianne na may mga lalaking sapilitang isinasakay si Aya sa isang kotse sa labas ng bahay nila. Agad niyang sundan ang mga ito. Hindi na niya nagawang makababa sa kotse niya dahil bigla ding umalis ang mga lalaking iyon kasama sina Jenny at Aya.

"Julianne!" sigaw ni Aya ng makita ang binatang nagmamaneho sa isang sasakyan at sinusundan sila.

"Gumawa ka nang paraan para tigilan tayo ng parak na iyan." Wika ng lalaking nasa harap at katabi ng dirver.

Naging parang eksena sa sa isang action film ang nangyaaring habolan sa kalsada nina Julianne at ang mga dumukot sa dalaga. Ngunit sa bandang huli wala ring nagawa si Julianne. Bumangga ang sasakyan niya sa isang kahoy habang iniiwasan ang truck.

"Papatayin mo ba siya?" asik ni Aya sa driver at nilingon ang sasakyan ng binata na umuusok matapos bumangga sa kahoy.

"Damn!" inis na wika ni Julianne at napasuntok sa manibela. Saka bumaba sa sasakyan niya. Wala na siyang nagawa para masundan pa ang mga ito. Hindi na rin aandar ang sasakyan niya.

Dinala ng mga lalaki sina Jenny at Aya sa isang rest house kung nasaan si Ramon.

"Kumusta ka na Jenny." Wika nito sa kanya. "Kahit anong gawin mo hindi mo ako matatakasan. Alam mo bang ilang taon kitang hinanap? Hindi mo alam kung gaano ako nalungkot nang bigla ka na lamang nawala." Wika nito sa dalaga at hinawakan ang mukha nito. Agad namang umiwas si Jenny mula sa lalaki.

"Maghintay ka lang. Dadating dito ang kuya ko at ililigtas kami." Wika ni Aya sa lalaki.

"Sino naman yang maingay na dinala niyo." Inis na wika ng lalaki.

"Mukhang siya ang kapatid ng kasintahan nitong si Jenny, Boss." Wika ng lalaki.

"Ah! Ang matapang na binatang kumuha kay Jenny. Magaling ang ginawa niyo. May rason na ako para patayin ang batang ito." Wika ni Ramon ay ngumisi kay Aya.

"Huwag kang mayabang!" asik ni Aya.

"Ramon, hindi mo ba alam na si Lt. Eugene Heartfelia ang kasintahang tinutukoy nila." wika ni Aldo at lumapit sa kanila.

"Tingnan mo nga naman. Sobrang liit nang mundo, Hindi ko akalain na napakaswerte ko pa pala. Mukhang makukuha ko na anng paghihiganting nais ko. Alam niyo ba kung gaano ka laki ang utang sa akin nang Lt Heartfelia na iyon." wika nito kay Aya. "Kung dati sinuwerte kayo. Ngayon hindi na. sabay sabay ko kayong ipapadala sa lugar kung saan niyo makikita si Sr. Gustavo." Ani Ramon.

"Huwag kang kampante, baka ikaw ang mauna. Pero tinitiyak kong hindi magandang lugar ang kababagsakan mo." ani Aya sa lalaki.

"Patahimikin niyo ang isang yan. Bago magdilim ang mata ko at kung anong gawin ko diyan." Inis na wika ni Ramon, isa namang lalaki ang lumapit kay Aya at nilagyan ng tape ang bibig ng dalaga.

"Manigas ka! Kahit patayin mo ako ngayon hindi kita pakakasalan!" asik ni Jenny. Natawa naman si Ramon sa sagot ni Jenny. "Hindi ako magpapakasal sa isang mamatay taong kagaya mo."

"Alam ko naman na wala kang balak na pakasalan ako. Kaya naman hindi kita, papatayin. Hindi ko ibibigay ang gusto mo. Bagkus siya ang ipapapatay ko kapag hindi ka pumayag. Siguro naman, hindi maaatim ng konsensya mo na mamatay ang batang yan kapalit ng buhay mo." Wika ni Ramon na ang tinutukoy ay si Aya. Tinutukan ng lalaki ng baril ang ulo ni Aya.

"Ano Jenny? Anong desisyon mo?" tanong ni Ramon sa kanya, napakuyom ng kamao si Jenny, hindi niya alam kung anong magiging desisyon. Ngunit kapag tumanggi siya tiyak na mapapahamak si Aya. Ginawa na ni Ramon na patayin ang ama niya. alam niyang hindi ito magdadalawang isip na patayin din si Aya. Umiling si Aya kay Jenny. Nais niyang ipahiwatig na huwag itong pumayag sa nais ni Ramon.

Hinahahanap ko si Lt. Eugene Heartfellia, may mensahe ako para sa kanya." Wika ang isang babae na dumating sa opisina sa presinto, naroon ang lahat nang miyembro dahil sa biglang pagtawag ni Julianne, inireport nila ang nangyari sa kapatid niya at ni Jenny.

"Anong kailangan mo sa akin?" tanong ni Eugene at lumapit sa babae.

"Para sa iyo ang regalong ito. Mula sa girlfriend mo." Wika ni ng babae.

"Kasintahan?" gulat na wika ni Frances at lumapit sa dalawa. Nagulat din pati ang mga miyembro ng Phoenix. Sinong kasintahan ba ang tinutukoy nito? Gayong naroon naman si Frances sa loob.

"Inaasahan kong magiging matalino ang pasya mo Lt." Anang babae bago umalis.

"Sino pa ba ang babae mo bukod sa akin? Huh!" asik ni Frances. Nakatigin lang sa kanila ang mga miyembro ng Phoneix, hindi naman sumagot si Eugene, bagkus binuksan nito ang kahon para tingnan ang laman.

CD? Tanong ng isip ni Eugene ng makita ang laman ng kahon.

"Rick!" ani Eugene at ipinasa sa binata ang CD. Agad naman nitong nakuha ang gustong ipagawa ni Eugene sa kanya.

"Bakit ba hindi mo ako sagutin Eugene? Sino pa ba ang bababe mo bukod sa akin?" habol na tanong ni Frances.

"Wala!" inis na wika ni Eugene na nagtaas na nang boses. Hindi maganda ang pakiramdam niya. Mukhang alam na niya kung kanino nanggaling ang CD. Gamit ang laptop niya pinanood ni Rick ang nilalaman nang CD.

"LT!" biglang wika ni Rick na tumatakbo palapit sa kanila. "Mukhang nasa panganib si Miss Jenny at ang kapatid niyo." Wika ni At tumayo saka lumapit sa tinyente at ipinakita ang nilalaman nang video CD.

Isang video ang laman ng CD kung saan ipinapakita na bihag sina Aya at Jenny. Nakaupo si Aya sa isang upuan habang nakapiring ang mga mata at may busal ang bibig. Si Jenny naman ay nasa isang upuan at nakaharap sa isang Camera. Nakasout din ito ng damit pangkasal. Napakuyom ng kamao si Eugene ng makita ang dalawang dalaga sa ganoong ayos.

"Siguro naman, alam mo na ang nangyayari sa mga taong kumakalaban sa akin. At para malaman mo, pumayag na magpakasal sa akin si Jenny kapalit ng buhay ng kapatid mo. Huwag kang mag-alala, ibabalik ko siya sa iyo pagkatapos ng kasal ko. Mahirap na baka iwan ako ng babaeng ito." Wika nito at hinawakan ang mukha ni Jenny agad namang iniwas ng dalaga ang mukha niya dito. Matapos ang mensahe ni Ramon agad ding natapos ang Video. Nagngingitngit ang loob ni Eugene nang makita ang video. Lalo na nang makita niya ang mukha ni Ramon. Maraming taon niya itong hinanap dahil nais niya itong pagbayarin sa mga kasalanan nito kay Jenny at sa ama nito.

Muli nakita ng mga kasamahan niya ang galit na ekspresyon na mukha ng Tinyente. Hindi lang isang beses o dalawang beses nalalagay sa panganib ang buhay ng kapatid nito, ngayon naman pati ang buhay ng kaibigan nito.

Biglang dumating si Julianne sa presinto. May sugat ito sa ulo at galos sa mga kamay sanhi ng aksidente habang sinusundan niya ang mga kumidnap kay Aya.

"Lt. Anong nangyari sa iyo?" tanong ni Meggan na agad lumapit sa binata.

"Anong nangyari?" tanong ni Eugene sa kaibigan.

"Okay lang ako. Pero sina Aya mukhang hindi maganda ang lagay. Sayang at hindi ko sila nahabol." Wika ni Julianne.

"Alam na namin ang nangyari sa kanila. Nagpadala ng video ang mga kumidnap sa kanila." Wika ni Eugene.

"May kinalaman ba dito ang lalaking yun?" tanong ni Julianne na ang tinutukoy ay si Ramon. Nasabi na ni Eugene sa kaibigan ang tungkol kay Ramon at ang kasunduan ng pamilya nito. Si Ramon ang kanang kamay noon ni Don Gustavo na nag traydor sa matanda at pinatay ito saka inangkin lahat nang mga ari-arian nang matanda. hindi ito nahuli nang mga pulis at dahil malawak ang impluwensya nito hindi nagalaw si Ramon at hindi ito naparusahan sa mga ginawang kasalanan.

"Mukhang sa isang rest house sa tagaytay nila dinala sina Aya. Kung magbibiyahe tayo sakay ang Van matatagalan baka hindi na natin sila maabutan ng buhay." Ani Julianne.

"Why don't we fly." Ani Dranred na biglang dumating. Tinawagan siya ni Arielle. Nasa gitna siya noon nang conference kasama ang mga heneral. Agad namang napatingin ang lahat sa binata.

"Captain!" masayang sabi nina Meggan ng makita ang binatang kapitan.

Dinala ng binata sina Eugene sa Empire kung saan naghihintay sa kanila ang isang chopper na magdadala sa kanila sa Tagaytay. Inhanda ito ng ama ni Dranred para sa mga Emergency nitong lakad. Hangang-hanga ang lahat sa taglay na yaman nang binata hindi nila akalain na isa itong prinsepe kong maituturing.

Gamit ang private Chopper nang mga Bryant inihatid sila nito sa tagaytay kung saan naroon ang rest house ni Ramon at kung saan gaganapin ang kasal nila.

Samatala.....

Sa isang harden gaganapin ang kasal nina Ramon at Jenny. Para mailigtas si Aya. Walang nagawa si Jenny kundi ang pumayag na magpakasal dito. At isa sa desisyon ni Ramon bago pakawalan ang dalaga ay ang magpakasal muna ito sa kanya.

"Ate Jenny!" mahinang wika ni Aya habang nakaupo sa tabi ni Jenny bago ang kasal nito.

"I'm okay. Ihingi mo na lamang ako ng Sorry sa kuya mo. Hindi kita kayang pangalagaan. Hanggang dito lang ang pwede kong magawa para sa iyo." Wika ni Jenny at biglang umiyak.

Agad naman siyang niyakap ni Aya. "Ate Jenny hindi mo naman dapat gawin to. Hindi ka dapat magpakasal sa isang talad niya. siya ang dahilan kung bakit namatay ang ama mo." Wala rin siyang pwedeng magawa para mailigtas ito. Dahil sa kanya kaya ito mapipilitan na magkasal sa lalaking hindi nito gusto.

Nagsimula na ang seremonya ng kasal nina Ramon at Jenny. Gusto sanang tumayo ni Aya para pigilan ang dalaga ngunit may mga lalaking nakabantay sa kanya.

Achellion nasaan ka?. Wika ng isip ni Aya. Wala siyang maisip na pwedeng magligtas sa kanila kundi ang binata. Iniisip din niya na baka may masamang nangyari kay Julianne. Alam na kaya ng kuya niya na ikakasal na si Jenny sa lalaking mukhang halimaw.

Oo tama, para kay Aya. Mukhang halimaw si Ramon hindi lang sa mukha kundi maging ang ugali nito.

Sinimulan na ng pari ang seremonya ng kasal, bigla na lamang umihip ang malakas na hangin. Sabay-sabay na napatingala ang lahat isang chopper ang nasa taas nila at nakadungaw sa pinto sina Julianne at Eugene.

"Kuya!" sigaw ni Aya.

Agad na hinawakan ni Ramon si Jenny at isinama para tumakas.

"Taposin niyo ang babaeng yan." Wika nito sa mga tauhan.

"Aya!" hintakot na wika ni Jenny ng marinig ang utos ng lalaki sa mga tauhan nito.

Humanap naman ng landing spot ang chooper nina Dranred bago sila nagtungo sa harden para iligtas ang mga dalaga.

"Julianne ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Wika ni Eugene at humiwalay sa kanila.

Tumango lang si Julianne sa Kaibigan. Habang si Aya naman ay nasa panganib sa kamay ng mga tauhan ni Ramon.

"Paano ba yan miss. Dahil hindi natuloy ang kasal ng boss ko mukhang sa langit na ang bagsak mo." Wika ng isa sa dalaga.

"Manigas ka." Ani Aya at binato ng upuan ang lalaki. Saka tumakbo ngunit hinabol din siya ng mga lalaki. Ngunit kahit anong takbo at iwas ang gawin niya parati siyang sinasalubong ng iba pa. Na parang hindi manlang nasasaktan sa mga upuan na tumatama sa mga ito.

Napatili si Aya ng bigla siyang hinawakan ng dalawang lalaki. Saka namang pagdating nina Julianne,Johnny at Julius.

"Julianne!" sigaw ni Aya.

"Bitiwan niyo siya." Wika ni Johnny na nakatutok nag baril sa mga lalaki. Pero hindi nakinig ang mga ito bagkus inatake nito ang tatlong binata. Wala namang ibang nagawa sina Julianne kundi ang lamaban.

Kabilang banda ang tumatakas na si Ramon kasama si Jenny ay hinabol ni Eugene kasama sina Meggan at Rick.

Hindi nakasama si Dranred at Ben sa kanila dahil sa ipinatawag ng General ang binatang kapitan. May sariling misyon ang binata at isang top secret na maging ang mga tauhan nito ay hindi alam kung ano ang misyong hawak nang kapitan nila. Si Ben naman ang inutusan ni Eugene na ihatid si Frances sa kanila.

"Eugene!" naabutan nina Eugene si Ramon bago pa ito makasakay ng kotse. Agad na hinawakan ni Ramon si Jenny at tinutukan ng baril sa ulo.

"Subukan mong lumapit at sisiguruhin kong sasabog ang ulo ng babaeng ito." Wika ni Ramon.

Kahit na gustong barilin ni Eugene ang lalaki hindi niya magawa dahil sa dalaga. Nangangaba siya na baka mapahamak pa ito sa maling kilos niya.

Na bigla ang lahat ng kagatin ni Jenny ang kamay ni Ramon. Agad nitong nabitiwan si Jenny. Dahil sa labis na galit nito sa ginawa ng dalaga. Ibinagwas nito ang kamay. Tinamaan sa mukha si Jenny at nabuwal agad namang kumilos si Eugene. Binaril nito ang kamay ni Ramon. Nabitiwan nito ang baril, saka naman lumapit sina Meggan at Rick para hulihin ito.

Agad namang nilapitan ni Eugene ang dalaga.

"Jenny, okay ka lang ba!" tanong ni Eugene sa dalaga at tinulugan itong tumayo. Labis na ikinagulat ng lahat ng biglang niyakap ni Jenny si Eugene. Nakita naman nina Julianne at Aya ang ginawa ni Jenny. Nanoon ay papalabas na ng bakuran.

Pasekreto pang nag high five ang dalawa at napangiti.

Dinala sa presinto sina Ramon at ang mga tauhan nito at agad na sinanpahan ng kasong kidnapping.

"Hey. I am glad to see you're unharm. Pasensya na hindi ako nakasama." Wika ni Dranred nang magkita sila sa Presinto kung saan dinala sina Ramon. Ang totoo niyan kung hindi lang siya ipinatawag ng General siya na mismo ang sumugod para iligtas ang dalaga.

Kanina, hindi siya mapakali lumilipad ang isip niya. Iniisip niya kung nakaligtas ba si Aya. O baka naman isang fallen Angel ang hinaharap ng mga ito at wala siyang magawa para dito.

Ito ang unang beses na nakita niya si Dranred na naka-uniporme. At she admit. Talagang napaka gwapo nitong tingnan.

"Akala ko ba. Kung kailangan ko nang tulong you will always be there to protect me. Nasaan ka nang muntik na kaming mamatay ni Ate Jenny?" asik ni Aya sa binata.

Hindi niya maintindihan kung bakit wala doon si Dranred. ang nag-iisang taong inaasahan niyang magliligtas sa kanya.

"Hey! As a soldier I have responsibilities on my shoulder." Wika ni Dranred.

"Ah talaga? Hindi mo ba alam na muntik na kaming mamatay?" ani Aya. "I am beginning to doubt your words. I bet those are swallow words you use to lure girls. Huh, I should have known. You are no different from the rest of the Fal---" biglang natigilan si Aya. Hindi alam nang mga kasamahan ni Dranred na isa siyang fallen angel. Napatingin si Aya sa mga kasamahan nang binata. Masyado na ba siyang nagiging madaldal?

"Aya!" saway ni Julianne sa dalaga. "Nakakahiya maraming tao." Bulong nito. Napakagat ng labi si Aya dahil sa labis na inis. Bakit nga ba siya naiinis? Hindi naman obligasyon ni Dranred nabantayan siya 24 oras. Bakit ganito na lamang siya kung magreact? Hindi rin naman siya binigyan nang assurance ni Dranred na babantayan siya nito 24/7 pero bakit naiinis siya na hindi ito dumating?

Masyado ba siyang nasanay na parati itong nandiyan para iligtas siya. Nagiging makasarili na ba siya at itinuturing niyang kanya ang binatang kapitan?

"I'm sorry." Wika ni Aya at tumalikod. Hahabulin sana ni Dranred ang dalaga ngunit humarang si Julianne. Nabasa ni Dranred ang mensahe sa mata nang binata. Huwag na nitong tangkaing lapitan ang dalaga and that he will make sure na hindi na siya muling makakalapit sa dalaga. Hindi niya nagustuhan ang nabasa sa mga mata ni Julianne dahilan upang mangalit siya. Lihim na nainis si Dranred.

"Ako nang bahala sa kanya. And stay away from her. " Wika ni Julianne hindi naman nagustuhan ni Dranred ang ikinilos na iyon ni Julianne ang what he don't like is that parang tinanggalan siya nito nang karapatan na habulin si Aya.

"Hey! Bakit mo ipinagkakalat na kasintahan mo si Eugene?" asik ni Frances kay Jenny na biglang dumating sa presinto at sinugod ang dalagang nakaupo sa isang upuan. Napatingin naman ang lahat sa bagong dating maging ang mga reporter ay agad na lumapit sa mga ito.

"Naku lagot Away ito!" wika ni Ben na nakasunod kay Frances. Alam nang mga miyembro nang Phoenix na si Frances ang fiancée ni Eugene dahil sa isang arrange marriage.

"Frances pwede ba huwag ka dito gumawa ng gulo." Wika ni Eugene at lumapit sa kanilang dalawa. Dumating din ang pamilya ni Jenny ng malaman na nasa presinto si Ramon at Jenny dahil sa ginawa nitong pagkidnap sa Dalaga.

"Huh! Sabihin mo, sino sa amin ang nagsisinungaling? I am your fiancee pero bakit ipinagkakalat ng babaeng ito na siya ang kasintahan mo." Inis na wika nito.

"Frances you are being so childish. Lets talk later." Wika ni Eugene at hinila si Jenny palayo sa lugar na iyon ngunit biglang pinigilan sila ni Frances.

"No lets settle it here, now! Sa harap naming lahat sabihin mo kung sino ang kasintahan mo." Wika ni Frances.

Napalunok naman si Jenny. Hindi niya alam kung anong gagawin. Naroon ang pamilya niya na hinihintay lang na magkamali siya. Naroon din si Ramon na tiyak hindi palalampasin ang kahit na anong mali na mangyayari sa sasabihin ni Eugene.

Si Aya naman ay nakatingin lang sa kapatid hinihintay niya kung anong sasabihin nito. Pero may tiwala siya sa kapatid niya.

Kung ano man ang maging pasya nito tiyak alam niyang may rason at para sa ikabubuti ng lahat. Sana nga lamang tama ang sagot niya.

"Bakit hindi ka sumagot? Bakit? May itinatago ka ba?" asik ni Frances. "Tama ako hindi ba? Ako ang tunay na fiancée ni Eugene. Nagkasundo na ang pamilya natin. You can't do this." Nagmamalaking wika ni Frances. Nagaanatay ang mga reporter sa sasabihin ng binata. Isa itong malaking balita.

Isang intriga para sa parti ni Frances. Dahil isa siyang public figure talagang pagpipyestahan ng marami ang balitang ito. Lalo na ang eksena na ipinagpipilitan nito na siya ang kasintahan ng binatang LT.

"Ang totoo --" biglang wika ni Jenny. Mas mabuting na kanya na manggaling ang sagot kesa naman sa iba pa niya marinig. Wala siyang pakialam kung malaman ng lahat na anak siya sa labas ng isang dating gangster. Bahala na! Iyon ang nasa isip ni Jenny.

"Ate Jenny!" wika ni Aya at napahawak sa kamay ni Julianne. Agad namang napansin ng binata na nangangamba si Aya. Tumingin siya dito at pinisil ang kamay saka ngumiti. Na parang sinasabi na huwag siyang mag-alala.

Nakita naman ni Dranred dalawa na magkahawak ng kamay. Bigla siyang napakuyom ng kamao. Ito ang isang tanawin na ayaw niyang makita. Pakiramdam niya may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib niya. Naiinis siya ng walang dahilan.

"Ako at si Lt. Hearfellia--" wika ni Jenny na biglang naputol. Napatingin siya sa binata.

Naramdaman ni Jenny na humigpit ang hawak ni Eugene sa kamay niya. Alam niya na nais siyang protektahan ni Eugene. Ngunit hindi rin niya gustong maging dahilan para sumama ang tingin ni Frances sa kanya. Marami ng naitulong ang binata sa kanya. Ngayon panahon naman na siya na mismo ang gumawa ng paraan para tulungan ang sarili niya. Ano ngayon kong anak siya sa labas at gagawing pambayad sa utang. May mga kaibigan naman siyang nagmamahal sa kanya.Ngumiti siya sa binata.

"Nagpapasalamat ako sa mga kaibigang handa akong tulungan at ipagtanggol. Naisip ko na hindi dapat, ako nagkukunwari o kahit sinong tao, mas mabuting magpakatotoo sa sarili mo nang sa gayon wala nang masyadong alalahanin." Wika ni Jenny.

"See? Isa siyang malaking sinungaling. Ginagamit niya ang Fiance ko." Wika naman ni Frances. "Nakakatawa, idinamay mo pa ang fiance ko sa gulo nang buhay mo. I can help you resolve your problem. Just say so." ani Frances.

"Frances, I am Sorry, really. Hindi ko naman gustong magsinungaling. Nagkataon lang na wala akong ibang mapagpipilian--" Wika ni Jenny.

"Tama, sa mga ganitong bagay hindi dapat tayo naglilihim." Wika ni Eugene at lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay niya. Taka namang napatingin ang dalaga sa binata. Nagtatanong ang mga mata niya. Anong binabalak ng binata?

"Narito na rin lang ang lahat, gusto kong sabihin sa inyong lahat na kami ni Jenny Ledesma---" putol na wika ni Eugene.

"Hindi sila magkasintahan dahil ako fiance ni Eugene. And we are to be married soon" Agaw ni Frances.

"Ang totoo niyan, hindi naman namin gustong maglihim. Kaya naman, gusto kung malaman ninyo na ...." wika ni Eugene at tumigin sa dalaga. Pigil ang paghinga ng lahat gustong marinig ang sasabihin ng binata. Nakatitig lang si Jenny sa binata. Ano bang binabalak nito? Hindi naman siguro nito iniisip na patuloy na magsinungaling.

Biglang inakbayan ni Eugene si Jenny at kinabig palapit sa kanya. Nakatingin lang ang lahat at nagaantay sa sunod na gagawin ng binata.

"Gusto kung malaman ninyong lahat na. Balak na naming magpakasal sa taong ito." Wika ng binata na ikinagulat ng lahat lalo na si Jenny at Frances. Maging si Aya. Ganoon din naman si Julianne. Na agad ding nakabawi. Kilala niya ang kaibigan. Kung ano man ang plano nito tiyak na pinag-isipan nitong mabuti.

"Ano?! Are you crazy? Ako ang Fiancee mo,!" asik ni Frances.

Anong ginagawa mo?" halos pabulong na wika ni Jenny.

"Winging it!" ngumiting wika ni Eugene.

"Hindi totoo ito. Sabihin mong nagsisinungaling ka! Hanggang kailan niyo ba balak magpanggap na magkasintahan kayo?" ani Frances.

"I'm sorry, I'll explain everything to you later." Wika ni Eugene. Gusto niyang maunawaan ni Frances ang sitwayson ngunit. Parang kailangan pa niyang i-explain ito sa dalaga. Siguro ito lang ang paraan para hindi na umasa si Frances na may kasal na magaganap. Mabait ang dalaga But he cant make himself fall for her.

"NO! Give me a valid proof para maniwala ako na totoo ang sinasabi mo." Wika ni Frances.

"OO nga naman Lt. Hindi naman yata sapat na sabihin mo lang na magkasintahan kayo. Parang hindi totoo, sa reaksyon pa lamang ni Frances. Talagang hindi kami naninawala." Wika ng isang reporter.

"What else do you Need?" asik ni Eugene sa reporter.

"Isang bagay lang na pwede naming paniwalaan. Kung totoo na kayo nga." Wika pa nito.

"There is a misunderstanding here." Wika ni Jenny na biglang lumayo kay Eugene.

Gusto na niyang tapusin ang dramang ito. Na giguilty siya habang nakatingin sa mukha ni Frances.

"May Nais ba kayong sabihin?" wika ng Reporter kay Jenny.

"There is no Misunderstanding here. Kailangan niyo nag proweba? Then a proof you will get." Wika ni Eugene at humakbang palapit sa dalaga.

"Lets stop this. There is no reason para ituloy to." Pabulong na wika ni Jenny. Iniisip niyang hindi na sila dapat pa magpanggap ni Eugene. Nakakulong na si Ramon at isa pa alam naman niyang ang dahilan nang pagpapanggap ni Eugene at para tulungan siya.

"Yeah, lets stop it right here." Wika ng binata at hinapit ang bewang ni Jenny na labis nitong ikinagulat.

"Naku! Naloko na!" Ani Julianne. "Ano bang ginagawa mo Eugene." Dagdag na pa nito.

"Ano bang ginawa ni Kuya!" Wika ni Aya. Alam niyang nais lang nang kuya niya na bigyang tuldok ang ano mang pag-asang meron sa isip ni Frances na may kasal na magaganap. Hindi ang kuya niya ang taong susunod sa utos nang lola nila.

Ngunit hindi siya sang-ayon sa ginagawa nito. Alam niyang kapwa nito masasaktan si Jenny at Frances.

"Julianne wala ka bang gagawin?"

"Ano namang magagawa ko?" Ani Julianne.

"Kaibigan ka ni Kuya. Pigilan mo siya."

"It is not my obligasyon na manghimasok sa tadhana nang ibang tao. This is their destiny. Kailangan ----"

"Ano bang kalokohan ang sinasabi mo. pwede ba!" Agaw ni Aya sa iba pang sasabihin ni Julianne.

"Hey! Bakit ka naman sa kin nagagalit?" natatawang wika ni Julianne.

"Haist!" ani Aya at tangkang lalapit sa kapatid ngunit napahinto din siya ng makita ang sunod na ginawa ng kuya niya. Reflex naman ni Aya ang biglang pagtakip nang kamay niya sa mata. Natawa lang si Julianne sa reaction nang dalaga.

How cute. Natatawang wika ni Julianne. Habang si Dranred naman ay naninigkit ang mata dahil sa nakitang reaksyon ni Julianne. Hindi niya nagugustuhan ang pakiramdam niya sa kakaibang tingin ni Julianne sa dalaga.

Kung nabigla siya, mas nagulat naman si Jenny sa hindi inaasahang ginawa ng binata. Nasapo ni Frances ang bibig ng makita ang binata na hinalikan si Jenny sa harap nilang lahat.

Narinig nilang nagpalakpakan ang mga taong naroon maging ang mga pulis na nakakakita sa kanilang dalawa.

Unang humiwalay si Eugene sa dalaga. Kitang-kita niya ang gulat na gulat na mukha ng dalaga. Napangiti si Eugene at humarap sa mga reporter.

"Siguro naman titigilan niyo na ang kakatanong." Wika ni Eugene. "Let's go." Wika ni Eugene at inakbayan si Jenny palayo sa mga tao. Pingakaguluhan naman ng mga reporter ang tulalang si Frances.

"Captain?!" mahinang singhap ni Aya ng makita si Dranred na lumapit kay Frances inakbayan nito ang tulalang dalaga at inakay patungo sa Kotse nito habang iniiwas sa mga camera ng mga reporter. Lihim na nainis si Aya. Bakit kailangan ito pa ang tumulong sa dalaga.

"Ihatid niyo na siya sa bahay niya." Wika ng binata sa driver nito bago bumaling kay Frances.

"Compose yourself and when you are ready to accept an explanation just talk to Eugene." Wika ng binata sa dalaga. Nakakatitig lang si Frances sa binata. Walang laman ang utak niya ngayon kundi ang labis na gulat dahil sa nangyari. At ang labis na inis dahil pakiramdam niya pinaglaruan siya ng lahat.

Nais niyang gumanti hindi pwedeng maging laman siya ng balita ng isang babae na pinagpipilitan ang sarili sa isang lalaki.

Akmang isasara ni Dranred ang pinto ng bigla siyang niyakap at halikan ni Frances. Gulantang ang lahat sa nakitang ginawa ni Frances. Lalo na sina Jenny at Eugene na hindi naituloy ang pagpasok sa sasakyan dahil sa nakita.

Agad namang natuptop ni Aya ang bibig dahil sa labis na pagkagulat habang ang isang kamao at mariing nakakuyom.

Dahil sa bilis nang mga nangyari at dahil sa pagkabigla. Walang ibang naging reaksyon. Nanlaki ang mata niya sa gulat. Saka niya napansin na kinukunan na sila ng picture ng reporter. Pasimple niyang itinulak si Frances nagtatanong ang mga mata niya.

Bakit iyon ginawa ng dalaga? Anong gustong mangyari nito. Lihim siyang nainis. Typical humans. Dahil sa mga pride nito hindi na nila iniinda ang gumawa nang eksena para lang saktan ang isa't-isa bagay na hindi niya nagugustuhan.

"Help me!" mahinang wika ni Frances sa binata. Nakatingin pa rin ang binata sa mukha ng dalaga. Alam niyang nahihirapan ito sa nangyari. Ngunit ang pinaka ayaw niya sa lahat ay ang gamitin siya at gawing sinungaling.

"If this is your way of asking help. I don't want to be part of it. Grow up." Wika nang binata at umatras. "Go home and compose yourself. Dont tell me to tell lies. I don't buy it!" matigas na wika ng binata at umatras saka tumingin sa mga reporter.

"Kapag may nakita akong kahit isa sa mga larawang kinuha ninyo. I swear we will see each other in Court!" maitigas na wika ni Dranred sa mga reporter. Biglang na baling ang tingin niya kay Aya. Nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

AYA! Wika ng isip ng binata habang nakatingin sa mukha ng dalaga. Tiyak na nakita nito ang ginawa ni Frances.

Habang ang mga reporter naman ay nagbubulungan.

Diba siya ang Anak nang commison officer? Balita ko dati siyang FBI at Miyembro ng NASA? Sa bata niyang iyan? Galing naman niya? Ito ang mga bulong-bulongan na nariring ni Dranred mula sa mga reporter.

Habang si Frances naman ay naiwang tigalgal. Hindi niya akalain na may lalaking tatanggi sa kanya matapos niyang halikan.

Ito ang unang beses na tinanggihan siya ng isang lalaki at harap-harapan. Sa gitna ng mga nagkukumpulang tao isang lalaki ang nakaagaw pansin kay Aya. Nalilisik ang mga mata nito at nakangisi sa kanya.

Bigla na lamang nabalot ng takot ang katawan niya. Sa takot bigla siyang napaatras at sa pagatras niya bigla siyang tumama sa isang katawan ng tao. Ang mapupulang mata nito ay nakakatakot kakaiba sa mga fallen angel na Nakita na niya. Kakaiba ang takot na naramdaman niya nang Makita ang muka nang lalaki

"Aya? Bakit?" tanong ng tao sa likod niya.

Bigla niyang nilingon ang may-ari ng boses. Si Julianne ang tao sa likod niya.

"Bakit?" ulit nitong tanong. "Para kang natuka ng ahas." Wika nito sa kanya.

Hindi sumagot ang dalaga. Muli niyang binalikan ng tingin ang kumpulan ngunit hindi na niya mahanap ang lalaki. Ano ang nakita niya? Hindi ito tao ngunit hindi rin naman ito fallen Angel. Bigla siyang napahawak si Aya sa braso ni Julianne. Agad namang napansin ni Julianne ang takot sa mga mata ni Aya.

"Lets Go!" wika ni Julianne at hinawakan ang kamay ni Aya saka inakay patungo sa sasakyan. Naramdaman din niya ang presinsyang iyon. Ang mga nanlilisik na mata na nakamasid sa kanila. Nakamasid kay Aya. Hindi lang niya makumpirma kung ano ngunit alam niyang malakas ang taglay nitong kapangyarihan.

Hind niya maunawaan ngunit bakit nilalapitan si Aya nang mga fallen angel. Napatingin siya kay Dranred na nakatingin sa kanila. Kung isang fallen angel man ang naramdaman niya kanina isa lang ang alam niyang pwede niyang gawin ang ilayo si Aya kay Dranred. Isa siyang sundalong anghel na tumutugis sa mga fallen angel ngunit isa rin siyang Anghel Dela Guardia at tungkulin niyang bantayan ang mga mortal na nasa panganib.

Matapos ang nakaka stress na araw na iyon, pinuntahan nina Eugene at Jenny ang pamilya ng dalaga, para pormal na ipagpaalam ang dalaga. Dahil nakalabas si Ramon sa Kulungan mas maiigi na nasa malapit niya si Jenny hindi nila alam kung kailan nito balak na bumalik para gumanti lalo na at napahiya ito sa harap ng maraming tao. Bukod din doon. Alam na nang boung bansa na magkasintahan na sila. Kailagan nila iyong panindigan at kailagan din nilang magpaliwanag kay Frances.

"Eugene, mas mabuti pang kausapin mo si Frances. Baka ma mis interpret niya ang mga nangyayari. Isa pa tiyak na nasaktan siya sa mga nangyari mas mabuti kong ipaliwanag mo ang lahat." Wika ni Jenny habang patungo sila sa unit nila Eugene.

"Magkikita kami mamaya." Simpleng wika ni Eugene.

"Mabuti naman." Ngumiting wika ni Jenny. Pero bakit nasasaktan siya? Umaasa ba siya na sana totoo na lang ang lahat ng mga sinabi ni Eugene? Hindi ba drama lang ang lahat? Bakit ganito ang reaksyon ng puso niya. Bakit ganito ang nararamdaman niya?

Dahil sa biglang pagtahimik ng dalaga. Biglang napalingon si Eugene sa dalaga. Nakapikit ang mga mata nito na parang natutulog. Ilang sandali din siyang nakakatitig sa maamong mukha nito. Bigla na lamang niyang naalala ang halik na pinagsaluhan nila. At bigla na lamang natagpuan niya ang sarili na nakangiti. Agad na ipinaling ng binata ang ulo.

Ano ba itong nasa isip niya? Hindi ba't drama lang ang lahat? Bakit parang may tuwa siyang nararamdaman tuwing naiisip ang halik na iyon? Ano kaya ang iniisip ni Jenny? Para kaya sa dalaga drama lang ang halik na iyon? Ito ang mga tanong sa isip ni Eugene nang mga sandaling iyon.

"Natutulog ka ba?" biglang wika ni Eugene at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Agad namang nagmulat ng mata si Jenny. Hindi naman siya natutulog. Malalim lang ang iniisip niya.

"Hindi. May Iniisip lang ako." Wika ni Jenny.

"Ako ba?" nakangiting wika ni Eugene na katingin parin sa kalsada.

"Ano?!" biglang wika ni Jenny na medyo garagal ang tining. Bigla siyang na off guard dahil si Eugene naman talaga ang laman ng isip niya.

"Ano ba Biro lang. Bakit mo naman ako iisipin." Wika ng binata.

"May dahilan ba para ikaw ang isipin ko?" pairap na sagot naman ng dalaga. Napa ngiti lang ang binata ngunit sa loob niya naroon ang pakiramdam ng pagka dismaya dahil sa sagot ng dalaga. Bakit parang hindi iyon ang sagot na nais niyang marinig.

Manhid! Asar na wika ng isip ni Jenny dahil sa pagkadismaya. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana. Bakit ba siya nagkakaganito.

Dati pa siyang may gusto kay Eugene ngunit kaya niyang maging compose ngunit ngayon bakit bigla na lamang siyang natutulala at nawawala sa isip niya.

"Bigla ka natahimik? May iniisip ka ba?" tanong ni Eugene ng hindi na nagsalita ang dalaga. Pero hindi sumagot si Jenny. Kaya naman tumingin siya ulit sa dalaga.

Biglang natawa si Eugene nang makita si Jenny na natutulog at nakahilig ang ulo sa salamin. Kinabig niya ang sasakyan patungo sa gilid ng kalsada.

Dahil tulog ang dalaga, Malaya niyang napagmamasdan ang maamo nitong mukha. Biglang nadako ang tingin niya sa mapupulang labi nito. Bigla na lamang, parang isang eksena sa pelikula na naalala ni Eugene ang halik na pinagsaluhan nila.

"This is crazy!" saway ni Eugene sa sarili. Ilang beses na niyang naiisip ang bagay na iyon sa loob ng isang araw. Talagang baliw na siya. Iyon ang nasa isip ng binata.

Dahan-dahan niyang inaayos ang dalaga sa pagkakaupo at inihilig ang ulo nito sa may upuan. Saka muling pinaandar ang sasakyan.

Nakarating kay Donya Carmela ang ginawa ni Eugene. Nalaman niya ito sa ama ni Frances. Sinabi nitong labis na nasaktan ni Eugene ang anak nito at ipinahiya sa maraming tao. Labis pa itong nagalit nang malamang isang anak nang dating gangster ang ipinakilalang girlfriend nito. Dahil sa nangyari nag banta ang ama ni Frances na ika-cancel ang kasunduan nilang merger. Kung walang kasalang magaganap wala ding merger na magaganap sa kompanya.

Malakas ang loob nang matanda na magbanta sa Donya dahil ang kompanya nito ang isa sa pinaka malaking Kompanya sa England. Ngayong nagpaplano ang Donya mag expand sa bansang iyon. Mahihirapan sila kung kakalabanin nila ang pamilya nang mga Montreal. Agad na nagpadala nang mensahe ang matanda kay Eugene na ayusin ang gulong ginawa niya at humingi nang paumanhin sa pamilya ni Frances at sabihing hindi totoo ang kumakalat na balita.

"Anong gagawin mo ngayon Eugene?" tanong ni Julianne sa kaibigan.

"Hindi ko alam." Mahinang wika ni Eugene. "Hwag mo muna itong ipaalam kay Aya at Jenny. Ayokong mag-alala sila" wika ni Eugene.

Ito ba ang sinasabi mong bago mong misyon?" Tanong ni Rick at Ben sa kanilang kapitan isinama sila nito sa isang underground fighting pit. Kung saan mga minor de edad na batang lalaki ang pinasasabog na para bang mga manok. Mahihina ang katawan ngunit kailangang makipaglaban sa isa't-isa para mabuhay. May mga malalaking business man na naroon at pinagpupustahan ang buhay nang mga binatilyo.

"Napaka Brutal nang lugar na ito." Wika ni Ben.

"Teka Chief. Talaga bang sasali ka sa labang iyan. Nakikita mo bang ang lalaki nang mga lalaking yan." Ani Rick. Bukod sa mga minor de edad na pinaglalaban laban may mga lumalaban din na matatanda. Makakalaban nila ang ring master. Isang malaking lalaki na tela ginawang papel ang sariling katawan. Punong-puno nang tattoo ang katawan.

"Nakakatakot ang mukha niya." Wika ni Rick.

"Pwede ba kayong dalawa. Talasan niyo nalang ang mata niyo at hanapin ang subject" wika ni Dranred. Misyon nilang hanapin ang master mind nang underground fighting pit na iyon. Hawak nito ang mga binatilyong pinag-sasabong nito. At kailangan nilang iligtas ang mga binatilyo bago pa mamatay ang mga ito sa isang brutal na labanang iyon. Noong unang nagpunta si Dranred sa lugar na iyon upang obserbahan ang lugar, Nakita niya ang isang labing limang taong gulang na lalaki na pinilit na ipakalaban sa isang lalaki. Mahina ang katawan nito at patpatin. Ngunit wala naman itong magawa, hawak nang lalaki ang kanyang nakakabatang kapatid at nagbantang papatayin ang kapatid nito nang lalaki kung hindi nito susundin ang sinasabi nila.

Dahil sa liit nang pangangatawan nang binatilyo, nalagutan ito nang hininga sa gitna nang laban at ang batang kapatid naman nito ay ibingay sa lalaking nanalo sa pustahan. Bagay na hindi na gustuhan ni Dranred. Habang tumatagal nakikita niya kung gaano kabaluktot ang mga mortal. Parang hindi na niya kayang manatili sa lugar na puno nang kabaluktutan.

"Achellion. Nakita mo na kung anong klase ang mga mortal." Wika nang isang boses. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon.

"Magsanib tayo muli nang lahat, Ngayon tinitiyak kung mawawakasan natin ang buhay nang mga hamak na mortal at ang kanilang kasamaan." Minsan gustong maniwala ni Achellion sa boses na naririnig niya kaya lang tuwing nakikita niya si Aya. Naisip niyang hindi naman siguro lahat nang mga mortal masasama. Si Aya ang nagbibigay sa kanya nang dahilan para maniwala sa mga mortal.

Nagawa ni Dranred na makaharap ang kanilang ring master at sa laki nang katawan nito tiyak na mahihirapan siyang kalabanin ito. Nagpapanggap siyang isang underground fighter upang mahuli ang master mind nang illegal fighting pit na iyon. At gaya nang hinala niya isang makapangyarihang tao ang nasalikod nang illegal fighting pit na iyon. Habang nakikipaglaban si Dranred sa lalaki, Nakita niya ang isang politikong siyang may-ari nang fighting pit.

Nakaupo pa ito sa harap nang ring habang pinapanood silang maglaban, nang Makita siya nang lalaki tela agad siya nitong nakilala. May ibibulong ito sa referee na sinabi naman nito sa malaking kalaban nang binata. Tiyak ni Dranred na iniutos nito na tapusin ang buhay niya. Kapag nakalabas siya doon nang buhay tiyak na masisira ang pangalan nito maging ang negosyo nito. At iyon naman ang balak ni Dranred.

Nahirapan siyang tapusin ang lalaki. Malaki ang katawan nito kaya kahit anong atake ang gawin niya tila iniinda lang nang lalaki.

"Naku lagot na si Chief." Wika ni Rick habang pinapanood nila ang chief nila na ang bawat sipa at suntok ay tila tapik lang sa malaking lalaki. Parang isang papel na binuhat nang lalaki si Dranred saka iniikot sa ere bago itapon. TUmama sa rehas ang katawan ni Dranred bago bumagsak sa sahig. LUmapit naman sina Ben at Rick sa binata. He even spit blood dahil sa lakas nang pagkakatapon sa kanya. Nahirapan pang tumayo ang binata.

"Captain. Okay kalang ba?" tanong ni Ben.

"Maging alerto kayo alam nilang mga sundalo tayo." Wikani Dranred at tumayo. Napatingin naman sa paligid sina Rick at Ben, napansin nila ang mga goons na nakatingin sa kanila. TIyak na kahit anong mang maging resulta nang laban nang kanilang kapitan hindi sila makakalabas nang buhay doon.

Nakita nilang SInakal nang lalaki si Dranred. Kasabay ang sunod-sunod na pagsuntok sa sikmura nito. Binitiwan nito ang binata at bumagsak sa sahig.

Sargo ang dugo sa bibig. Napalunok naman sina Rick at Ben. Kapag namatay ang kapitan nila tiyak na tapos na rin sila.

"Aya?" gulat na wika ni Eugene nang bigla nalang mabitiwan ni Aya ang basong dala, Nakita nilang may tumulo na luha sa mata nang dalaga.

"Anong nangyayari?" nag-aalalang wika ni Eugene at lumapit sa kapatid.

"HIn-hindi ko alam." Wika ni Aya at napahawak sa dibdib niya. BIgla-bigla na lamang nanikip ang dibdib niya sa hindi niya malamang dahilan. Bigla niyang Nakita sa isip niya ang duguang mukha ni Dranred. Para bang isang babala iyon. May nangyayari kayang hindi maganda sa binata?

"Sasamahan na kita sa silid mo." Wika ni Jenny at inalalayan ang dalaga paakyat. Ang naiwang sina Eugene at Julianne ay hindi naman mapigilang hindi magtaka. KAnina lang ang sarap pa nang usapan nila tapos bigla nalang umiyak si Aya nang hindi nila alam.

"Okay na ako Ate Jenny." Wika ni Aya nang makaupo sa kama.

"Sigurado ka ba?" tanong nito. Simpleng tango lang ang tinugon nang dalaga. Nagpaalam naman si Jenny sa dalaga para makapagpahinga ito. Habang iniisip ni Aya ang binata hindi niya alam na nahaharap ito sa isang matinding laban. Halos hindi na ito makatayo dahil sa bugbug na tinanggap mula sa kalabang lalaki. Mahigpit na napahawak si Aya sa kwentas niyang bead.

Captain. Sambit ni Aya. Habang nanalangin n asana nasa mabuting kalagayan ang binata. Hindi man niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan para ditto ipinapanalangin niyang maging maaayos ang binata. Habang nakahiga si Achellion. Nakatingin siya sa dingding, naririnig niya ang sarili paghinga. Ngayon lang siya tila nabugbog nang husto. Pakiramdam niya Durugdurog na ang mga buto niya. Kaya pa kaya niyang tumayo? Bakit ngayon ayaw lumabas nang kapangyarihan niya kung kalian kailangan niya.

"Captain." Narinig ni Dranred ang mahinag boses ni Aya napatingin siya sa mga tao sa loob nang arena ngunit hindi naman niya Nakita ang dalaga. Habang nakatingin siya sa dingding Nakita ni Dranred ang matingkad na balahibong bumagsak sa harap niya. Saka niya naalala ang pangako niya kay Aya.

"Trouble girl." Ngumiting wika ni Achellion saka pinilit na tumayo. Napangiti naman sina Rick nang makitang tumayo ang binata.

"May lakas ka pa rin?" gulat na wika nang lalaki.

"New flash genius. I can't die here." Wika ni Achellion saka sinugod ang lalaki.

Sunod-sunod na sipa ang ginawa nang binata. Sapol ang panga nang lalaki sa bawat sipa ni Dranred.

Nang mga sandaling iyon pakiramdam nang lalaki biglang bumigat ang mga sipa nang kalaban niya. Tela ba bakal ang mga ito na tumatama sa kanya. Sa huking ikot nag binata sa ere, sapol na sapol ang panga nito halos umikot pa nga ang leeg nito dahil sa lakas nang impact nang sipa ni Dranred. BUlagta sa sahig ang katawan nang malaking lalaki na halos tabingi ang leeg.

Napatayo naman ang leader nang fighting pit nang Makita ang ginawa nang binata sa ring master. Inutus nito sa mga tauhan na tapusin ang buhay nang binata. Bago pa makapasok sa ring ang mga lalaki. Agad na sumigaw si Martin upang patigilin ang mga ito. Maging sina Rick at Ben at nagulat nang Makita si Martin doon. Nagulat pa sila nang Makita ang ipa pang miyembro nang SWAT na nagpanggap pang mga manood. Hindi naman nakakilos ang mga lalaki dahil sab aril na nakatutok sa kanila sa palibot nang lugar.

Napangiti si Dranred nang Makita ang kaibigan. Bumaba si Dranred ring at lumapit sa politico. Saka ito hinuli. Nagawa naman ilang patakasin ang mga binatilyong hawak nito Kinumpiska din lahat nang mga illegal na pusta nang mga mayayamang nandoon.

"Akala ko talaga mamatay ka na doon." Wika ni Martin at lumapit sa binata.

"Gusto mo na talaga akong mamatay ano?" nakangiting wika ni Dranred.

"Whoaa. Chief, akala ko talaga hindi na tayo makakalabas ditto." Wika ni Rick. Napangiti lang si Dranred.