Chereads / Angel's Feathers / Chapter 12 - Chapter Eleven

Chapter 12 - Chapter Eleven

Ano bang balak mo sakin?" wika ni Jenny nang dumating si Ramon sa silid niya. mahigit isang buwan na siyang itinatago nang lalaki sa loob nang dati nilang bahay. Ikinukulong siya nito sa kwarto na parang isang bihag.

"Gusto mo bang malaman ang balita sa iyong pinakamamahal na si Eugene?" nakangising wika ni sa kanya. Tuwing dumadalaw si Ramon sa kanya wala itong ibang ginawa kundi ibalita sa kanya ang mga nangyayari kay Eugene. Lahat nang sinasabi nito torture para sa kanya. Oo ngat hindi siya sinasaktan ni Ramon ngunit wala naman itong ginawa kundi ipamukha sa kanya na kinalimutan na siya nang binatang kaibigan niya.

Inilapag ni Ramon sa harap niya ang isang dyaryo kung saan si Eugene ang nasa front page. Nasa headline na ang successor nang Kingdom ay malapit nang ikasal sa anak nang isang sikat na businessman sa England

"Sapalagay mo ba talaga. Hahanapin ka pa ni Eugene? Dati pa lang ang tingin niya sa iyo ay isa lamang reponsibilidad na iniwan sa kanya nang taong pinagkakautangan niya. ngayong nawala ka na sa palagay mo hahanapin ka pa niya? Tingna mong mabuti! Magpapakasal na siya. Ni hindi ka nga niya hinanap." ani Ramon.

"Masyado mong pinapangarap ang isang taong hindi mo maabot ang isang galing sa putik na gaya mo ay nababagay lamang sa isang gaya ko. Hanggang ngayon pa rin ba ayaw mo ba ring magpakasal sa akin? Tayo ang bagay Jenny." Wika ni Ramon.

"Iwan mo na ako." Mahinang wika ni Jenny habang pinipigilan ang mga luha sa mata niya. tumawa nang malakas si Ramon bago lumabas nang silid niya. ilang beses niyang tinangkang tumakas sa bahay na iyon ngunit parati siyang nahuhuli ni Ramon. Nang makalabas si Ramon biglang napahagolgol si Jenny at niyakap ang sarili niya. naaawa siya sa kalagayan niya. habang nagmamatigas siya lalong nagiging porsigedo si Ramon na ikulong siya sa bahay na iyon.

Tuwing hating gabi, naririnig ni Jenny na umaalis ang sasakyan ni Ramon. Ngunit hindi ibig sabihin noon nag iisa siya sa bahay na iyon. nasa labas lang nang kwarto niya ang mga tauhan ni Ramon at nagbabantay sa kanya.

Nakatulugan na ni Jenny ang pagluha niya hindi na niya namalayan na bumagsak na lang nang basta ang katawan niya sa kama.

Napabalikwas nang bangon si Jenny nang marinig ang ingay sa baba nang bahay. Narinig niya ang pagkabasag nang mga gamit na wari bang may nag-aaway. Agad siyang napabangon sa kama at bumaba saka lumapit sa pinto ngunit nang ipihit niya ang sira dura hindi niya mabuksan ang pinto nang silid dahil sa naka lock ito mula sa labas. Nang mapalingon siya sa bintana hindi rin siya pwedeng dumaan doon kung kailangan man niyang tumakas. May mga rehas ang binatana simula nang magtangka siyang tumakas naging maingat na si Ramon pinalubutan nito nang rehas ang bawat binatana nang bahay at nasa labas ang lock nang silid niya.

Bigla na lamang tumigil ang ingay mula sa labas nang kwarto ni Jenny. Narinig din niya ang mga yapak palapit sa silid niya. napahigpit ang hawak niya sa serdura nang pinto. Sino ang nasa labas? Naramdaman ni Jenny na may isang taong nakahawak din sa siradura nang pinto. Agad na binitiwan ni Jenny ang siradura nang pinto at umatras. Kung ang pakay nang taong ito ay saktan siya tiyak na wala siyang magagawa. Napalunok si Jenny nang makitang dahan-dahang pumihit ang seradura nang pinto. Dahan-dahang bumukas ang pinto nang silid niya. nanginginig ang boung katawan ni Jenny habang nasa harap nang isang matangkad na lalaki. Dahil sa dilim nang silid niya hindi niya lubusang makita ang mukha nang lalaking dumating hindi niya alam kung kaibigan ba ito o kalaban.

"Jenny." Malamyos na boses nang lalaki. Biglang natuptop ni Jenny ang bibig niya nang marinig ang boses nang nagsalita it has been 2 months mula nang huli niyang marinig ang boses na iyon. biglang bumukas ang ilaw sa loob nang silid ni Jenny. Doon niya nakita nang malinaw kong sino ang lalaking dumating. Nang makita niya ang mukha nang binata hindi niya napigilang hindi mapaiyak nag uunahan sa pagtulo ang mga luha niya sa mata. Nakita rin niya sina Julianne at Johnny na nasa likod nang binata.

"Jenny." Mahinang wika ni Eugene nang makitang umiiyak ang dalaga. It took him 2 months para malaman na sa dating bahay lang pala nila Jenny intinago ni Ramon ang dalaga. Hindi agad siya nakapunta sa lugar na iyon para saklolohan ang dalaga dahil sa higpit nang pagbabantay ni Ramon. Agad siyang lumapit sa dalaga at niyakap ito.

"Anong ginagawa mo ditto? Paano mo nalaman na ditto---"

"I'm sorry. Huli na ba ako." Agaw ni Eugene. Sa halip na sumagot lalong napaiyak si Jenny naramdaman ni Eugene ang mahigpit na hawak nang dalaga sa braso niya.

"I'm here now." Malambing na wika ni Eugene. Masaya naman sina Johnny at ang iba pa dahil nailigtas nila si Jenny. Nahirapan din sila sa pagmomonitor kay Ramon. Bago nila nagawang pasukin ang bahay na iyon.

Talaga bang plano mong gawing charity house tong bahay natin? Hindi pa ba natatapos ang gulo sa buhay nang babaeng yan!" asik ni Bernadette kay Eugene nang dumating sila sa mansion kasama sina Jenny at Julianne. Simula nang huling pagkakidnap nina Aya a Jenny pinaigting nang matanda ang siguridad sa mansion nila. Naisip ni Eugene na muling dalhin doon si Jenny wala naman kasi itong pupuntahan. Hindi rin naman siya papayag na bumalik ito sa bahay nila.

"Pwede naman--" wika ni Jenny kay Eugene ngunit hindi natapos dahil biglang nagsalita si Eugene.

"Hindi aalis ditto si Jenny. Kung nasaan kami ni Aya doon din si Jenny maging si Julianne." Wika ni Eugene "Isa pa nga pala. Huwag mong pinagsasalitaan nang masama sina Julianne. Lalo na si Jenny. Magpapakasal na kami." Wika ni Eugene at hinapit ang bewang nang dalaga. Gulat naman napatingin si Jenny at Julianne sa binata. Maging sina Donya Carmela at Butler Lee ay nagulat din dahil sa sinabi nang binata.

"Anong kalokohan ito Young man?" gulat na bulalas nang lola niya. Hindi pa nga nila nreresolba ang gulo sa nakapending na wedding nila ni Frances at malabong status nang engagement nang dalawa. May bago na namang pasabog ang binata.

"Pasensya na hindi niya lang alam kung anong sinasabi niya." depensa ni Jenny. At itinulak palayo ang binata.

Alam niyang ginagawa iyon ni Eugene para lang protektahan siya ngunit hindi siya papayag na gawing pananggalang ang sarili ang maging tagapagligtas nalang niya habang buhay.

"I think I know what I am saying." Agaw naman ni Eugene. Saka muling hinapit ang bewang nang dalaga, pasimple namang inilayo ni Jenny ang binata. Ano nalamang ang iisipin nang lola nito? Sinasamantala niya ang kabaitan ni Eugene?

"Baka naman nabibigla ka lang Eugene? Magpapakasal sa kanya? Gusto mo bang maging kasing gulo nang buhay niya ang buhay mo? isipin mo ikaw anng successor nang Heartfelia Kingdom. Hindi maganda kung isang walang kwentang babae lang ang mapapangasawa mo." Wika nang kanyang Tita Elena.

"Ito ba ang dahilan kung bakit tinanggihan mo ang kasal ninyo ni Frances? Alam mo ba ang magiging epekto nito sa pamilya natin at sa negosyo?" wika pa nang Tiya Elena niya.

"This is an outrage young man." Bulalas nang matanda.

"Talking about how crazy is this." Ani Bernadette.

"Lee, samahan mo ako sa silid ko. Sumasakit ang ulo ko." Wika nang matanda. Agad namang inalalayan nang binata ang matanda patungo sa silid nito.

"Pareho kayo nang ama mo puro sa kit sa ulo ang ibinibigay sa pamilyang ito." Wika nang tita Elena niya isinama si Bernadette palabas nang mansion. Naiwan silang tatalo niya Julainne at Jenny sa sala.

"Eugene, baliw ka na?" bulalas ni Jenny nang maiwan sila. "Naiintindiihan kong gusto mo lamang ako protektahan laban kay Ramon ngunit hindi naman kailangan umabot sa ganito Eugene. Wala ka nang obligasyon sa akin."

"Kung may naiisip ka pang ibang paraan para takasan si Ramon sabihin mo." wika ni Eugene. "Nangako ako sa mga magulang ko na babantayan ko si Aya maging kapalit man noon ang buhay ko. Ganoon din ang pangako ang ko sa ama mo. gagawin ko lahat para protektahan ang mga taong mahalaga sa buhay ko." wika ni Eugene.

"Alam kong ginagawa mo ito dahil sa binitawan mong pangako sa ama ko. nagpapasalamat ako dahil naging matapat ka sa pangakong iyon. pero hindi mo na kailangang gawin to. Hindi ito ang solusyon. Gagawa lang tayo nang panibagong gulo." Wika ni Jenny.

"Lalo na kung ang kaligtasan ko lang ang dahilan. Hindi iyon ang gusto ko. Huwag tayong pumasok sa isang sitwasyon na pagsisihan natin sa huli. Huwag mong itali ang sarili sa isang pangako sa isang namayapa na." wika ni Jenny at tumayo mula sa kinauupuan.

"Ganoon ba ang tingin mo sakin?" habol ni Eugene sa kanya.

"Gusto ko nang magpahinga. Bukas nalang tayo mag usap." Wika ni Jenny at iniwan si Eugene. Napakuyom naman nang kamao ang binata nang makaalis ang dalaga.

"Sinasakatan mo siya sa ginagawa mo." wika ni Julianne

"Anong sa tingin mo ang dapat kung gawin. Dalawang importanteng tao sa buhay ko ang parating napapahamak."ani Eugene.

"Gusto mong uminom?" tanong ni Julianne. Saka nagpaalam sa kaibigan, nagpunta ito sa kusina at kumuha nang 4 na bote nang beer. Nang bumalik ito naupo ang binata sa isang bakante upuan at ibinigay kay Eugene ang isang bote nang beer.

"Gusto kong maglasing ngayong gabi." Wika ni Eugene at tinanggap ang beer. Sabay lagok sa laman noon. Hindi naman nakapagsalita si Julianne sa gulat. Hindi naman ugali ni Eugene na uminon ngunit sapalagay niya makakatulog din ito ngayon.

"Bakit? Dahil pakiramdam mo you were dumped?" pabirong wika ni Julianne.

"Ano?" wika ni Eugene.

"Alam kong malinis ang intension mo kay Jenny. Gusto mo siyang protektahan laban kay Ramon. Pero Buddy, ipapaalala ko lang saiyo na sagrado ang kasal. Hindi yan scapegoat kung kailangan mo nang matatakbuhan. Dahil sa ginagawa mo alam mo bang sinasaktan mo si Jenny? Matanong nga kita? Ano bang nararamdaman mo kay Jenny? Is that just sense of responsibility dahil sa pangako mo kay Don Gustavo?" ani Julianne.

"I don't know." Wika ni Eugene at inimon ang beer na hawak.

"Pambihira, ikaw na matinik sa babae hindi mo alam kong ano ang nararamdamn mo para kay Jenny?" ani Julianne.

"Kaibigan ko si Jenny. Parang kapatid ang turing ko sa kanya." Wika ni Eugene

"But your actions are telling me it's different." Ani Julianne.

"Ano bang sinasabi mo? hindi pa natin nauubos ang bote nang beer lasing kana agad." Natatawang wika ni Eugene.

"Hindi pa ako Lasing. Gusto ko paring pag isipan mo ang mga sinabi ko" wika ni Julianne. Naging tahimik silang dalawa habang nakatingin sa mga bituin sa langit.

"Ngayon ko lang napansin maganda pala ang mga bituin ngayong gabi." Wika ni Eugene. Habang nakatitig siya sa mga bituin inisip niya kung ano ba ang dahilan kung bakit hanggang ngayon patuloy parin niyang sinusunod ang pangako niya sa namayapang ama ni Jenny. Kung tutuusin pwede naman niyang kalimutan ito ngunit bakit pati buhay niya handa niyang isakripisyo para sa pangakong iyon?

Oh, akala ko magbubuhay prinsesa ka dahil nakatira ka isang palasyo. Buti naman at tinutulungan mo anng mgakatulong sa mga Gawain ditto sa kusina." Wika ni Bernadette kay Jenny nang maabutan niya ang dalaga na nasa kusina at tinutulungan ang mga kusinera na mag handa nang almusal.

"Magadang Umaga. Lady Bernadette." Wika nang mga katulong sa dalaga.

"Magandang umaga." Bati naman ni Jenny sa kanya.

"Hindi porque gusto ka ni Grandma at kaibigan ka nang pinsan ko magiging mabait na ako sa iyo. Sa totoo lang ayoko talagang narito ka. Kaya kung pwede lang kapag narito ako sa bahay huwag mong ipapakita yang mukha mo sa kin." Wika nito kay Jenny at binagga ang dalaga saka lumapit sa ref. napakagat labi lang si Jenny. Hindi siya magpapadala sa pang iinsulto si Bernadette.

"Mukhang masarap ang almusal natin ngayon." Ani Gen Mendoza nang nasa komedor na silang lahat.

"Tinulungan kami ni Miss Jenny na maghanda nang almusal." Wika nang isang katulong.

"Sa amoy palang mukhang masarap na. Hala sige maupo na tayo." Wika ni Donya Carmela. Napa ismid lang ang mag inang Bernadette at Elena saka naupo. Naupo din naman si Julianne sa isang bakanteng upuan ganoon din si Butler Lee. Aalis na sana nang komedor si Jenny nang bigla siyang pigilan ni Eugene.

"Hindi ka ba mag-aalmusal? Pupunta ka pa sa Hospital ngayon hindi ba? Papasok kaba sa trabaho mo na walang laman ang tiyan." Ani Eugene sa dalaga. Nasa hospital pa rin si Aya at kailangang naroon si Jenny bilang personal doctor nito bukod doon may mga Gawain din siya sa hospital. Mabuti na lamang at tinanggap siya nang hospital na pinapasukan niya ngayon. At utang niya iyon sa lola ni Eugene.

"Doon nalang ako ---" putol na wika ni Jenny na ang tinutokoy ay ang kusina kung saan kumakain ang mga maid. Dati hindi naman nila nakakasabay sa hapag ang pamilya nina Bernadette dahil madalas namang wala ang mga ito. Si General Mendoza naman ay madalas sa hotel natutulog. Sabi pa nito hindi ito komportable sa mansion lalo na kapag nasa bansa ang matandang Donya lagi nitong kinukompara ang heneral sa anak nito.

Hindi natuloy ang paalis ni Jenny dahil bigla siyang pinihit ni Eugene paharap sa mesa at sapilitan pinaupo sa bakanteng upuan sa tabi nang upuan nito. Lihim lang na napangiti si Julianne.

"Jenny. Nag-aalangan ka ba sa amin?" tanong ni Donya Carmela. "Please don't pamilya tayo ditto. Ang pamilya ni Eugene at pamilya ko din. I am happy that you are here. Kaya lang hindi ko parin gusto ang ideya na magpakasala kayo. You see, he is enagage to my friends daughter at sila ang bagay." Nakangiting wika nito sa dalaga.

"Granny, hindi pa tayo nag-aalmusal huwag niyong tanggalan nang gana ang mga tao ditto." Wikani Eugene upang ilayo sa kasal niya ang topic. Alam din naman niyang hindi komportable si Jenny sa usapang iyon lalo na dahil sa naging deklarasyon niya noong nakaraang gabi.

"Nakakawalang gana naman talaga ang kumain kasama ng mga sampid." Wika ni Bernadette. Simula nang makita nang lola niya ang apo nito sa nag iisang anak. Bigla silang na itsapwera nang ina niya sa eksena. Lalong hindi nila nagustuhan ang desisyon nang lola niya na gawing CEO nang kompanya nila si Eugene. Habang siya ay isa lamang branch manager. Naiinis siyang isipin na mawawala lahat nang pinaghirapan nila dahil lang sapagdating nang magkapatid. At hindi siya papayag na siya ang mawalan. Mahigit 10 taon nilang nilambing ang lola niya at hindi sa kawalan sila pupulutin nang mama niya.

OO nga at ampon lang ang ina niya ngunit anak parin siya ni Donya Carmela kaya naman may karapatan sila sa yaman nito.

"Susunduin kita mamaya." Wika ni Eugene nang dumating sila sa Hospital. Inihatid niya sa hospital si Jenny at dinalaw na rin ang kapatid niya.

"Hindi na." wika ni Jenny.

"Ano bang hindi na. Baka nasa tabi tabi lang si Ramon. Mas mabuti na ang nagiingat." Wika ni Eugene.

"Eugene, Kung tratuhin mo naman ako parang isang mahinang babae. Nakalimutan mo bang dati din akong miyembro nang task force I think I can handle myself." Wika ni Jenny.

"Hintayin mo ako mamaya. Susunduin kita." Wika ni Eugene at nagmamadaling nagpunta sa drivers seat. Hindi na niya hinayaang makatanggi pa ang dalaga. Lihim nalamang na napangiti si Jenny. Bakit tila na gugustuhan niya ang ikinikilos ni Eugene.

Matapos ang pictorial ni Frances para sa isang CM. naisipan niyang magpunta sa isang malapit na Coffee shop. Hindi niya kasama si Julianne. Simula nang naging body guard niya ang binata halos wala na siyang pagkakataong mapag-isa. Para itong asong bunto nang buntot. Kahit mga fans niya hindi manlang niya malapitan dahil sa binata. At ngayon dahil hindi nakatingin si Julianne sa kanya nagawa niya itong takasan. Sa totoo lang, hindi naman siya naiinis ditto dahil sa pag buntot-buntot nito sa kanya. Sa katunayan ay natutuwa pa nga siya. Si Julianne ang tipo nang taong ipagtatanggol ka.

Naalala pa niya noong inatake siya nang isang babaeng hater niya. kung hindi dahil kay Julianne marahil ay naligo na siya sa isang timbang kaning baboy na dala nito. iniharang nito ang sarili para protektahan siya. Ngunit pagkatapos noon sabon naman ang inabot niya kay Julianne. Kung bakit daw ba siya hindi nakikinig. ALam niyang nagagalit lang naman ito kapag nagmamatigas siya ngunit si Julianne ay isang malambing na tao wala siyang duda sa bagay na iyon. Itinatago lang nito ang ganoong personality dahil sa pagiging public figure nito at sa pagiging kilalang matinik na alagad nang batas.

"Precisely! He is like the young version of Hitler." Wika ni Frances saka natawa. "CRAP!" biglang wika ni Frances nang mapatingin sa wrist watch niya. isang oras na pala siyang nasa coffee shop. Tiyak na umuusok na naman ang ilong ni Julianne sa kakahanap sa kanya.

Tumawag siya nang isang taxi para agad siyang makabalik sa location nang photo shot. Sinabi niya sa taxi driver na dalhin siya sa sinabi niyang location. Ilang minute ang makalipas napansin ni Frances na hindi pamilyar sa kanya ang dinadaanan nang sasakyan.

"Teka mama, mali yata tayo ng dinadaanan." Wika ni Frances sa taxi driver. Ngunit hindi lang kumibo ang taxi driver.

"Ihinto niyo ang sasakyan." Wika ni Frances sa lalaki ngunit hindi pa rin siya nito pinapansin. "Sabi kong ihinto mo ang sasakyan!" nagtaas na nang boses na Wika ni Frances. Pero hindi pa rin nakinig ang lalaki. Bagkus bigla nito ni lock ang pinto sa passenger's seat.

"Teka! Ano bang ginagawa mo." Asik ni Frances sa driver.

Biglang inihinto nang lalaki ang taxi sa harap nang isang bahay na wala man lang kailaw-ilaw. Bigla itong bumaba ng sasakyan at binuksan ang pinto ng kotse. Nagulat pa ang dalawang dalaga dahil may dala itong baril at nakatutuk sa kanila.

"Baba!" utos nito sa dalaga. Nang buksan nito ang pinto nang kotse nahintakutan si Frances dahil sa hawak nitong baril.

"Welcome home, my princess." Wika nang lalaki at hinimas ang braso ni Frances. Agad namang napaigtad ang dalaga dahil sa pagkabigla. Nabalot din siya ng takot. Hindi kaya ito ang lalaking nagpapadala sa kanya ng mga sulat.

"Inayos ko na ang matutulugan mo pumasok na mo." Nakangising wika nito sa kanya at muling hinaplos ang braso niya.

"Ano ba!" Asik ni Frances sa lalaki at tinapik ang kamay nito. "H'wag mo akong hahawakan nakakadiri ka." Asik ng dalaga. Lalong nahintakutan ang dalawang dalaga ng bigla nitong itutuk ang baril sa ulo ni Frances.

"Tayo na sa loob." Wika nito sa kanya. Walang nagawa ang dalaga kundi ang sumunod dito.

Nang makapasok sila sa loob ng bahay nakita nila ang mga picture ni France na nakadikit sa dingding nga boung bahay. Biglang kinilabutan si Frances nang makita ang loob ng bahay. Ito pala ang itsura ng bahay ng isang obsessed fan.

"Upo!" Wika nang lalaki sa dalaga at itinuro ang sofa. Nakatutuk pa rin ang baril nito sa kanya. Agad naman naupo ang dalaga dahil sa labis na takot.

Biglang nataranta ang lalaki hindi nito alam kung ano ang gagawin. Parang isang binatang natataranta dahil dinalaw ng kanyang girlfriend. Nag punta ito sa kwarto. Ilang sandali lang bigla itong lumabas at nagpunta sa kusina.

"Pasensya na ito lang ang naihanda ko." Wika nang lalaki na biglang lumabas sa kusina na may dalang basong orange juice nanakalagay sa isang tray. Nasa tabi din ng mga baso ang baril ng lalaki.

"Magpalamig ka muna." Wika nang lalaki at inilapag ang baso nang juice sa mesa.

"Ayoko. UUwi na ako." Ani Frances at akmang tatayo. Ngunit bigla siyang natigilan nang muling itututokk sa kanya nang lalaki ang baril.

"Ano bang balak mong gawin sakin?" Bulalas ni Frances.

"Bakit ka ba nagaGalit? Ayaw mo ba dito sa bahay natin?" Wika nang lalaki. "Tingnan mo nasa dingding ng bahay ang mga picture mo tulad ng gusto mo. Ako mismo ang gumawa nito. Diba sabi mo--"

"Pwede bang gumising ka! Hindi kita kilala, hindi kita inutusan na punuin ng picture ko ang bahay mo. Hindi ito nakakatuwa." Agaw ni Frances sa ibang sasabihin ng lalaki. "At kahit na kilala kita hindi ako magkakagusto sa isang baliw na gaya mo." Dagdag pa ni Frances.

Bigla na lamang nagbago ang ekspresyon nang mukha nito. Bigla nitong kinuha ang baril at umupo sa tabi ni Frances.

"Alam mo iniisip ko. Kung ano ba dapat ang gawin ko saiyo." Wika nito habang nakapatong ang kamay na may hawak na baril sa balikat ni Frances.

Ilang sandali pa, bigla itong tumayo at hinawakan ang kamay ni Frances.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na wika ni Frances.

"Tayo!" utos nito sa dalaga. At biglang hinila si Frances. Bigla nataranta si Frances nang biglang tumunog ang Cellphone niya. Maging ang lalaki ay nataranta nang marinig ang tumutunog na cellphone. Binawi ni frances ang kamay mula sa lalaki at kinuha ang celphone niya. SI Julianne ang tumatawag. Marahil kanina pa siya nito hinahanap.

"Hitler?" Takang sabi nito nang makita ang pangalan na ang reregister caller ID. "Sino si Hitler? Siya ba ang lalaki mo?" Asik nito kay Frances.

"Ano bang pakialam mo." Ani Frances at tangkang inagaw ang cellphone ngunit mabilis na iniiwas nang lalaki ang kamay. Bago nito sagutin ang tawag itinutok muna nito ang baril sa mga dalaga.

"Hey Brat! Saan ka ba nagpunta?" Wika ni Julianne sa kanilang linya. Nandilim ang ekspresyon nang mukha nang lalaki nang marinig ang boses nang lalaki sa kabilang linya.

"Bakit hindi ka sumasagot? Saan ka ba nagpunta?" Wika pa ni Julianne.

"Huwag mo na ulit tatawagan ang Frances ko." Wika ng lalaki sa kabilang linya.

"What?!" nabiglang Wika ni Julianne. Bukod doon nagtaka siya kung bakit lalaki ang sumagot sa cellphone ni Frances.

"Tulong! Julianne!" Biglang tili ni Frances.

"Frances?! Nasaan ka? Anong nangyari sa iyo?" Wika ni Julianne nang marinig ang boses nang dalaga.

"Manahimik ka!" Wika nang lalaki at itinutok ang baril kay Frances.

"Anong ginagawa mo kay Frances?" Asik ni Julianne sa lalaki.

Ngunit bigla nitong pinatay ang telepono. Bigla nitong binitawan ang cellphone ni Frances. Napatili naman ni Frances nang barilin nito ang Celphone niya.

"Sasama ka sa 'kin dapat kang maparusahan." Wika nito at biglang hinatak si Frances.

"Bitiwan mo ako." Nagpupumiglas na wika ni Frances habang kinakaladkad siya nang lalaki patungo sa isang silid.

"Palabasin mo ako Dito." Wika ni Frances habang patuloy na pinupukpok ang pinto nang kwarto kung saan siya nakakulong.

"Anong gagawin natin?" wika nang lalaki na kinakausap ang sarili.

"Bakit ka nagdala nang ibang babae sa pamamahay na ito? Binuntis mon a naman ba?" narinig ni frances na nagbago ang timbre nang boses nito.

"Hindi. Hindi ganoon yun." Wika nang lalaki. Biglang huminto si Frances sap ag suntok sa pinto nang marinig ang lalaki na kausap ang sarili. Napunta ba siya sa isang baliw na tao? Ano na lang ang gagawin niya? paano siya makakaligtas sa lugar na iyon.

"Sinasabi ko na nga ba bakit hindi ka nang iingat." Wika nito at binitiwan siya. "Anong gagawin ko. Hindi pwedeng malaman ni Frances ang tungkol dito." Wika nang lalaki. Ilang sandaling pinakinggan ni Frances ang paligid tumigil sa pagsasalita ang lalaki tahimik na rin ang boung kabahayan.

Hinalungkat ni Frances ang mga gamit sa loob nang silid naghahanap siya nang pwedeng magamit para makalabas siya nang silid hanggang sa makita niya ang isang hair pin. Napapanood niya sa mag pelikula na pwedeng magamit iyon para mabuksan ang pinto she was hoping na gumana ang teorya niya dahil kung hindi maari siyang mamatay sa lugar na iyon. ilang beses niyang sinubukang buksan ang pinto gamit ang hair pin at matapos ang kalahating oras naging matagumpay din siya sa pagbukas noon.

Nang mabuksan niya ang pinto. Nakita niya ang lalaki na natutulog sa sofa yakap pa nito ang baril. Marahang naglakad si Frances patungo sa pinto saka maingat iyong binuksan. Nang makalabas siiya nang bahay. Agad niyang nakita ang taxing gamit nang lalaki kanina.

Mabuti na lamang at naroon ang taxi na ginamit nito sa pagdala sa kanila sa lugar na iyon. Agad na sumakay si Frances sa driver's seat at nagmamadaling binuhay ang makina nang sasakyan. Binuhay niya ang makina nang sasakyan saka akmang paandarin. Biglang napatili si Frances at agad na inapakan ang preno nang makita ang lalaki na nakatayo sa harap nang kotse.

"Bumaba ka diyan!" Asik nang lalaki kay Frances. Napaiyak naman si Frances dahil sa labis na takot. Dahil sa kagustuhang iligtas si Frances.

"Ayoko! Maawa ka." Umiiyak na wika ni Frances.

"Sabi kong baba!" galit na wika nang lalaki at binuksan ang pinto nang koste. Nakatotok ang baril nang lalaki sa kanya. Walang ibang nagawa anng dalaga kundi ang bumaba nang sasakyan.

"Walang hiya ka!" galit na wika nang lalaki at sinampal si Frances. Nanlilisik ang mga mata na humarap ang lalaki sa dalaga saka kinaladkad ito pabalik sa loob nang bahay. Dinala nito ang dalaga sa loob ng isang silid. Biglang nahintakutan si Frances at nais niyang maduwal nang makita ang ayos nag kwarto. May mga naka preserve na ulo nang tao na nakalagay sa malalaking "garapon". May ulo nang isang matandang babae, isang lalaki at isang babae. Bigla siyang kinulabutan sa mga nakita.

Napaigtad siya nang muling bumalik ang lalaki at hinawakan siya sa kamay saka marahas na pinaupo sa isang upuan sa harap nang pinto itinali nito ang paa niya at mga kamay saka siya itinali sa upuan.

"Bakit mo ba ginagawa ito? Ano bang kailan mo sa akin? Pakawalan mo na ako" wika ni Frances sa lalaki.

"Anong gagawin ko ngayon? Nagselos na si Frances at lumayas." Wika nang lalaki na hindi manlamang pinansin ang sinabi niya. Biglang tumayo ang lalaki at lumapit sa isang mesa. Lalong nadagdagan ang takot ni Frabces nang makita ang iba-t ibang klase nang kutsilyo inayos. Inayos din nito ang isang kama na parang isang operating table.

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat! Ngayon ako ang kailangang maglinis sa mga kalat mo." Wika nang lalaki na sa palagay niya isang babae ang nagsalita.

"Anong gagawin mo?" Tanong nang lalaki sa sarili.

"Kailangan nating masiguro na hindi magsisilang ang babaeng yan. Ito lang ang paraan para bumalik ang asawa mo." Wika naman ng lalaki.

Parang binuhusan ang malamig na tubig si Frances nang marinig ang sinabi nang lalaki.

Sa palagay niya hindi na sila pareho nang mundong ginagalawan at kahit na anong kausap niya sa lalaking ito tiyak na hindi na siya pakikinggan nito.

Dahil sa nangyari nang huling makausap ni Julianne sa frances. Humingi na ang binata nang tulong kay Rick at Ben para samahan siyang hanapin si Frances.

Hindi naman nakasama si Eugene dahil may iba rin itong Gawain ipina follow up pa nito ang kaso ni Ramon na hanggang ngayona ay Malaya parin.

Dahil sa nakakabit na traking device sa relos ni Frances na tunton agad nila Julianne ang coordinate nang dalaga. Sa tulong ni Arielle naibigay sa kanila ang eksaktong lokasyon nang dalaga. Isinama nila sina Julius at Meggan sa pagliligtas sa dalaga.