Chereads / Angel's Feathers / Chapter 16 - Chapter Fifteen

Chapter 16 - Chapter Fifteen

Mukhang ang saya mo yata ngayon?" Puna ni Ben kay Johnny habang inaayos nito ang mga files para sa meeting nila. Ilang araw na niyang napapansin na parating nakangiti si Johnny.

"Bakit? May resulta na ba ang pangliligaw mo?" Tanong ni Rick sa kaibigan at lumapit dito.

"Si Johnny may nililigawan?" Gulat na wika nina Arielle at Meggan at sumali din sa usapan. Narinig ni Eugene ang sinabing iyon ni Meggan kaya naman bigla siyang napanhinto.

"Ano ba, masyado naman kayong huli sa balita. Nililigawan niya si Miss Jenny" Wika ni Rick.

"Ano!?" Gulat na bulaslas ni Julius at Meggan.

"Ang tindi mo naman si Dr. Jenny talaga?" Natatawang wika ni Julius.

"Aba balita ko pa, eh, gustong-gusto siya nang ina nito. Huh! Mukhang may pag-asa siya." Pagmamalaki ni Rick.

"Quit chichatting and bring me the files that I need!" Ito ang malakas na boses na wika ni Eugene. Dahilan para magulat sina Johnny. Hindi naman tumataas ang boses ni Eugene kapag may kinakailangan itong files. Hindi nila alam kung anong nangyari dito.

"Mainit yata ang ulo ni Eugene? Anong nangyari?" Tanong ni Julianne na pumasok sa opisina na may dalang kape. Nagkibit nang balikat sina Julius dahil sila din ay hindi maintindihan kung ano ang nangyari.

"Baka may dalaw." Pabirong wika ni Julianne saka ngumiti.

"Stop it Julianne!" Inis na wika ni Eugene. Natawa lang si Julianne sa kaibigan bago lumapit dito. Kanina lang maganda pa naman ang mood nito. Inihatid pa nito ang lola niya sa opisina niya. naging aborido na ito mula nang dumating galing sa hospital inihatid din kasi nito si Jenny sa Hospital.

"Narinig kong nililigawan ni Johnny si Jenny. Wow, tingnan mo nga naman, kakaiba talaga ang charm nitong si Jenny. Sabagay, mabait siya at maalaga. Kung ako kay Johnny talagang ma hohook ako sa ganoong klaseng babae." Wika ni Julianne kay Eugene.

"Manhid lang ang hindi magkakagutso kay Jenny. Anong masasabi mo? Tiyak masaya sa kabilang mundo si Don Gustavo dahil sa wakas nabubuhay na nang normal anng anak niya" dagdag pa ni Julianne.

"Kung wala kang ibang sasabihin. Itikom mo na lang ang bibig mo and focus on the things that you need to do." Iritadong wika ni Eugene. Napapansin niyang madali siyang mainis tuwing pinag-uusapan si Jenny at ang panliligaw ni Johnny dito. Maging si Julianne ay nabigla din sa ikinilos nang binata. Hindi naman mainitin ang ulo ni Eugene. He is calm and compose. Pwera na lang kung nasa di magandang sitwasyon ang mga taong pinoprotektahan nito.

"Ano bang nangyayari saiyo? Ang init ata nang ulo mo?"

"Wala ito."Ani Eugene at tumayo. Walang ibang nagawa si Julianne kundi sundan nang tingin ang kaibigan.

Hay naku kung hindi lang kita kaibigan kanina pa kita inupakan. Inis na wika ni Julianne.

Takot na takot ang isang babae habang walang tigil sa pagtakbo sa isang kasukalan. Madilim ang paligid halos wala siyang makita sa dinadaanan niya, ngunit hindi ito alintana ng babae. Walang ibang nakabalot sa katawan nito kundi ang isang kumot. Tumatakas siya mula sa lalaking nais pumatay sa kanya.

"Ah!" impit ng tili ng babae ng bumagsak sa lupa matapos mapatid sa isang nakausling sanga ng puno. Dahil sa kadiliman ng paligid hindi niya makita ang dinadaanan.

"AW." Daing ng babae at napahawak sa kanang paa. Dahil sa lakas ng pagbagsak at pagkakapatid sa sanga, nakakaramdam siya ng sakit sa kanang paa na para bang may naiipit na ugat kahit sa pagtayo ay nahihirapan siya.

Ngunit ang nasa isip ng babae, hindi siya pwedeng mahiga sa lugar na iyon at hintayin ang kamatayan niya. Kahit na may kirot na nararamdaman sa mga paa, pinilit niyang tumayo at muling tumakbo, nasa likod lang niya ang lalaki na gusto siyang patayin.

"Ahh!" Malakas na tili ng babae ng mahulog sa isang matarik na bangin. Nagpagugulong ito pababa bago mabagok ang ulo sa isang bato. Sargo ang dugo sa ulo nito nawalan ito nang malay dahil sa lakas ng impact ng mahulog.

Sa di kalayuan, may isang lalaki na nakasuot ng itim na damit ang patuloy nang hahanap sa kasukalan. Hinahanap nito ang babae. Para tapusin ang nasimulan.

Nagluluksa ang boung pamilya ng business man na Si Herrick Merin dahil sa pagpananaw ng asawa nitong si Sheila Merin. Isang sikat na Theather Actress at piAnist. Natagpuan ang bangkay ng babae sa isang bangin di kalayuan sa rest house na pinagbakasyunan ng mag-asawa. isang sugat sa ulo ang ikinamatay ng butihing Asawa matapos mabagok sa isang batong mahulog sa bangin." Ito ang breaking news sa lahat ng dyaryo at News station. Isang araw matapos ang 4th year wedding anniversary ng mag-asawa nakita ang bangkay ni Sheila sa ibaba ng bangin.

Ayon sa kwento ni Herrick sa mga NBI. Matapos silang mag dinner na mag-asawa sa gabi ng anniversary nila. Agad na silang nagpahinga. Ilang oras makalipas. Isang kaluskus ang narinig niya sa sala nila nang puntahan niya para tingnan ang dahilan ng ingay isang lalaki ang nakita niya na waring may hinahanap sa bahay nila.

Sinubukan niyang manlaban sa salarin pero may dala itong baril. Ipinakita pa ng lalaki ang malaking sugat sa balikat na sanhi ng tama ng baril. Ayon pa dito matapos siyang mabaril ng lalaki at pukpukin ng base sa ulo nawalan na siya ng malay tao, hindi na niya alam ang sunod na nangyari. Kinabukasan hinanap niya ang asawa niya sa boung bahay pero hindi niya ito nakita. Nagkalat din ang mag gamit sa kwarto nila.

Habang nakikinig sina Eugene at Meggan sa kwento ni Herrick si Rick at Julianne naman ay patuloy na nililibot ang bahay nina Herrick para maghanap ng mga clue sa naganap na krimen.

Grupo ng Phoenix ang ipinadala ni General Mendoza para tingnan alamin ang nangyari sa rest house ng mga Merrin.

"Masyado malinis ang pagkakagawa ng krimen." Wika ni Rick habang sinusundan ang Tinyente. Biglang napahinto si Julianne sa paglalakad at lumingon sa sarhento. Bigla itong natigalan at Takang napatigin sa lalaki.

"There is no such thing as perfect crime." Wika ni Julianne sa lalaki at muli itong tinalikoran saka naglakad patungo sa sofa kung saan nagkalat ang mga basag na vase. Napailing na napasunod ang binata kay Julianne. Kanina, bigla siyang kinabahan sa titig nito para bang may nais itong ipahiwatig sa sinabi.

Akala niya talaga kanina, magagalit ito. Sa ilalim ng sofa nakita ni Julianne ang isang piraso ng basag na vase na may nAnigas na dugo. Agad niya itong inilagay sa isang plastic para madala sa forensic.

"Ano yang dala mo?" Tanong ni Herrick kay Julianne nang makita ang basag na piraso ng vase sa loob ng plastic na hawak nito.

"Isang piraso ng basag na vase, may mantsa ng dugo. Dadalhin ko muna sa forensic para ma examin pwede tayo nitong matulungan sa paghahanap sa assailant ng asawa niyo." Wika naman ni Julianne.

"Ganoon ba. Maraming salamat sa effort na ibinibigay ninyo." Balewalang wika nito. "Ngunit sa palagay ko, pagnanakaw ang dahilan ng criminal sa pagpasok sa bahay namin." Wika pa nito.

"Sa ngayon, pwede nating sabihin na ganoon nga ang nangyari." Wika ni Julianne.

"Ibig mo bang sabihin ay sinadyang patayin ang asawa ko?"

"Hindi pa natin masasabi yan. Hanggat hindi natatapos ang imbistigasyon. Tatawagan ka na lamang naming kung may resulta na ang imbestigasyon." Sabat ni Eugene.

"Maraming salamat." Wika nito at nakipagkamay sa binata Tiyente. "Aasahan ko ang agad na pagkalutas ng kasong ito." Wika pa ng lalaki.

"Huwag kayong mag alala. Gagawin naming lahat para mabilis na malutas ang kasong ito." Wika ni Julianne. Ngunit bakit hindi siya mapakali habang nakatingin sa mata nang lalaki bakit parang nababasa niya sa mga mata nito na sinasabing hindi na nito gustong malutas ang kaso o hindi na nito gustong pakiaalaman pa nila ang kaso tungkol sa pagkamatay nang asawa nito namamalikmata lamang ba siya?

"Asahan ko yan." Wika ni Herrick. Nagpaalam ang mga pulis sa lalaki para dalhin ang bangkay sa morgue at dalhin ang mga nakuhang ebidensya sa forensics. Habang si Julianne ay hidni konbensido sa mga nakita niya sa loob nang bahay, pakiramdam niya may foul play na nangyari. Kung pagnanakaw ang nais nang suspect bakit wala man lamang nawawala sa bahay nang mga Ito. Isa pa bakit nito iiwang buhay ang lalaki habang hindi nito nilubayan ang babaeng hanggang hindi namamatay.

Johnny?" gulat na wika ni Jenny nang dumating si Johnny sa hospital na may dalang pagkain. "Anong ginagawa mo ditto?" tanong nito. Wala naman silang usapan na susunduin siya nito o dadalawin.

"Dinalhan kita nang makakain." Nahihiyang wika nito. "Well, it is not my idea actually. It was my mom. Pinilit niya akong dalhan ka nang pagkain. Sabi niya kasi hindi ko dapat hinahayaang magutom ka." anito at nagkusot nang buhok. Napangiti naman si Jenny. Gusto niya ang ina ni Johnny. Parati siya nitong pinadadalhan nang pagkain. Nakikita din niyang maalaga ito which is something that she missed on her own mom. Hindi siya pinakitaan nang ganoon nang tunay niyang ina.

"Pakisabi sa mama mo salamat. Baka naman tumaba na ako sa ginagawa niya." ani Jenny at kinuha ang dalang pagkain ni Johnny.

"Sabayan mo akong kumain?" aniya sa binata. Nagiging malapit na rin ang loob niiya kay Johnny araw araw siya nitong sinusundo sa Hospital. Malalahanin ito at mabait. Tinutukso na nga sila sa loob nang hospital at sinasabing sagutin na niya ang binata. Hindi naman lingid sa kaalaman niya ang nararamdaman ni Johnny sa kanya dahil minsan nang nagtapat ang binata sa kanya.

"I like you. Ang I am willing to wait until you are ready to give your heart to someone. I hope Ako yun." Wika ni Johnny nang araw na sinabi nito sa kanya na gusto siya nito. hanggang ngayon hindi niya alam kung paano sasagutin ang binata. Naguguluhan siya. Dahil kahiit na anong gawin niya iisang tao lang ang laman nang puso niya. ngunit napapagod na siya. Kasama nga niya ang taong ito araw araw ngunit ang lamig naman ng trato nito sa kanya.

Pinilit niyang inilapit ang sarili niya kay Johnny with the hope na kahit konti may maramdamag kirot ang taong iyon ngunit wala manlang itong reaksyon. Hanggang ngayon ang pagtingin na iyon ay hindi pa rin nasusuklian. She even confess her love to him pero anong natanggap niya?

"Thank you for telling me that you like me" ito ang mga salitang narinig niya sa bibig nang binata nang magtapat siya ditto.

"Bakit hindi mo ba gusto ang dinala ko?" tanong ni Johnny nang mag buntong hininga si Jenny.

"Hindi! Hindi ganoon yun, may iniisip kang ako." Tanggi ni Jenny.

Bakit ba biglang pumapasok si Eugene sa isip niya gayong ibang taon naman ang kasama niya.

"Akala ko naman hindi mo nagustuhan ang dala ko." ngumiting wika nito. simpleng ngumiti din si Jenny.

"Master Eugene, bakit narito pa kayo sa labas?" tanong ni Butler Lee nang lapitan si Eugene nasa harden ito at nakatingin sa may Gate.

"Hinihintay niyo ba si Miss Jenny?" tanong nito sa binata. "Napapansin kong ilang araw na siyang sunusundo at hinahatid nang binatang pulis. Kasintahan niya ba yun?" dagdag pa nito. "Please don't get me wrong, but I can sense that you like her and that you care so much about her? I know that the feeling is mutual? Are you hesitant to admit it?" anito

"Alam mo, sasang-ayon ako sa iyo sa bagay na iyan Lee." Wika ni Julianne na biglang lumapit sa kanila. "Ewan ko nga ba ditto sa kaibigan ko. Isang matinik na sundalo. Pero pagdating sa babaeng gusto niya bahag naman ang buntot."

"Ano namang pinagsasabi mo?" ani Eugene.

"Pwede ba Eugene. Don't tell me hindi mo parin nahuhulaan kung ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Jenny. Hindi isang kaibigang nag-aalala ang tingin mo kay Jenny. You worry so much about her, You cared for her, kaya lang nag aalangan ka dahil sa pangakong binitiwan mo kay Don Gustavo. Well, let me tell you, hindi ka hihintayin ni Jenny. Lalo na ngayong nandiyan na si Johnny. He is young and bold, sinasabi niya kung ano ang nararamdamn niya kay Jenny. Baka magising kai sang araw---" biglang natigilan si Julianne nang biglang tumayo si Eugene mula sa kinauupuan nito. napatingin din sila sa may Gate isang kotse ang huminto.. lumabas doon si Johnny at Jenny.

"Like I said." Wika ni Julianne. Nakita nilang hinalikan ni Johnny sa pisngi si Jenny bago ito magpaalam. Nakita nilag nagdilim ang ekspresyon ang mukha ni Eugene at nagkuyom ito nang kamao.

"Ginabi ka ata Jenny?" ani Julianne nang makalapit si Jenny sa kanila.

"Ah, oo. Pasensya na hindi ko nasabi nagpunta kami ni Johnny sa bahay nila. bigla daw kasing sumikip ang dibdib nang mama niya. Ayaw namang magpadala sa Hospital kaya ako na ang nagpunta." Wika ni Jenny.

"Ganoon na ba kayo kalapit ngayon na nagpupunta ka na sa bahay nila?" wika ni Eugene.

Taka namang napatingin si Jenny sa binata. Nasa tono nang boses ni Eugene na hindi nito gusto ang ginawa niya.

"Pasensya na kung hindi ako nakapag sabi na gagabihin ako. But I think---"

"Iwan niyo muna kami." Agaw ni Eugene sa sasabihin ni Jenny at bumaling sa dalawang lalaki. Napaawang ang labi ni Jenny dahil sa sinabi ni Eugene. Bakit naman ito nagagalit ngayon? Dahil ginabi siya at hindi siya nakapagsabi? Hindi na naman siya bata. Tumango naman si Julianne at sinenyasan si Butler Lee para pumasok na sila sa loob nang bahay.

"Kung kakailanganin niyo kami, tumawag lang kayo." Pabirong wika ni Julianne.

"Just go." Wika nang binata sa kaibigan.

"Bakit ka ba nagagalit?" mahinahong tanong ni Jenny. Nang makapasok sa loob nang bahay sina Julianne at Butler Lee.

"So what's the score between you two?" tanong ni Eugene kay Jenny. "Nanliligaw na ba siya? No, Sinagot mo na ba siya?" tanong nito.

"Ano man ang relasyon namin ni Johnny sa palagay ko labas kana doon." Ani Jenny. "I know that you care for me because my father entrusted me to you. Pero naisip mo na ba Eugene na Malaki na ako? I can decide for myself." Bulalas ni Jenny.

"Ano? Malaki? Pate ban ang sinasabi mong pagiging grown up ang uminom at umuwi nang gabi? "takang wika ni Eugene.

"Ano bang pinupunto mo? Hindi na ba ako pwedeng uminom? Kasama ko naman ang kaibigan ko bakit hindi ako pwedeng gabihin. Hindi ko alam kung anong problema mo at bakit nating pinag-aawayan ang bagay na ito." Bulalas ni Jenny.

"I am grateful, really sa lahat nang ginawa mo para sa akin. Kung hindi dahil sa iyo. maaring patay na ako. Kung hindi dahil sa iyo baka hanggang ngayon nagtatago parin ako kay Ramon. Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mo para sa kin habang buhay. I have decided to leave my life as I wanted it to be. Hindi ba ako pwedeng mabuhay sa paraang gusto ko?"

"Anong sinasabi mo?"

"Hindi ko alam kung paano ka pasasalamatan sa lahat nang mga ginawa mo para sa kin. Isa kang pamilya na hindi ko malilimutan. You become my shelfter when I needed one. Mahirap sa akin ang gagawin ko. But I think this is the only way. Gusto ko sanang magpaalam na. uuwi na ako sa bahay nang mama ko. I know we never treat each other like we are family pero kahit anong gawin ko pamilya ko parin sila. Sa ngayon, mabuti na ang pakikitungo nila sa akin. They need me." Ani Jenny.

"UUwi ka sa bahay niyo after all that you have suffered?" Ani Eugene.

"Kahit pagbali-baliktaran ko ang mundo pamilya ko sila. Hindi ko naman sila pwedeng iwan. " Ani Eugene. "Gusto kong maging anak kahit---" putol na wika ni Jenny.

"Do whatever you want to do. Gaya nang sabi mo you can already decide for yourself. Hindi na kita pipigilan. Pasensya na kung nag over react ako." Wika ni Eugene at tinalikuran ang dalaga.

Eugene you idiot! Wika nang isip ni Jenny nang iwan siya ni Eugene. Wala naman siyang planong umalis kaya lang naman niya sinabi ang mga salitang iyon dahil gusto niyang malaman kung ano siya para kay Eugene. And know it's clear they are nothing more that friends. He help her out of responsibility. At masakit iyon para sa kanya. At dahil nasabi na niya sa binata na aalis siya kailangan niyang panindigan nag bagay na iyon.

Naging malungkot si Donya Carmela nang sabihin ni Jenny na aalis na siya sa mansion. Kahit naman tutol ito sa kunwari'y kasal ni Jenny at Eugene. Naplapit sakanya ang dalaga dahil sa pagiging maalaga nitong Doctor.

Kung nalulungkot ang matanda sa pag-alis ni JEnny sina Bernadette naman at ang ina nito ay natutuwa. Si Eugene ay wala lang reaksyon. Hindi na rin si Jenny ang magiging doctor ni Aya.

"Kung nalulungkot ka dahil umalis si Jenny? Bakit ka pumayag?" ani Julianne nang maabotan ang kaibigan sa harden at umiinom nangbeer.

Ilang araw na mula nang umalis si Jenny sa poder ni Eugene. Halos araw araw niyang nakikitang umiinom si Eugene. Alam niyang mabigat ang dinadala ni Eugene. Kung wala ito sa silid ni Aya at nagmumok-muk nasa harden ito at umiinom.

"Should I go after her?" tanong ni Eugene. "Anong sasabihin ko? I even don't know what I feel about her?" ani Eugene.

"Pambihira. Are you that clueless?" ani Julianne at inagaw ang bote nang beer mula sa kaibigan saka naupo sa tabi niito.

"Hanggang ngayon hindi pa nagigising si Aya. I have so much to think. Hindi ito ang panahon para isipin ko ang sarili ko." ani Eugene.

"Idiot!" ani Julianne "Sapalagay mo ba kung gising si Aya at nakikita ka niyag ganyan sapalagay mo ba matutuwa siya. Hindi makitid ang utak ni Aya. She understand. She will understand kung susundin mo ang sinasabi nang puso mo. Isa pa, hindi ka habang buhay na hihintayin ni Jenny. Hindi mo ba alam na nagpaplano na si Johnny na yayaing pakasalan si Jenny? ANong sasabihin mo kay kapag nagising siya at nalamang ikinasal na si Jenny sa ibang lalaki." Ani Julianne saka tinungga ang lamang nang bote.

"Anong sabi mo?" takang wika ni Eugene.

"AH, hindi mo ba alam? Habang nag mumukmok ka ditto, abala naman si Johnny na makuha ang loob ni Jenny." Ani Julianne. Hindi kumibo si Eugene. Napansin ni Julianne na malalim ang iniisip nang kaibigan. Kahit hindi nito sabihin alam niyang inaalala nito ang sinabi niya.