Madaling araw nang pumasok sa silid ni Aya ang nurse na bantay niya. ganoon na lamang ang gulat nang nurse nang makitang wala sa kama ang dalaga. Agad niyang pinatunog ang alarm sa loob nang silid ni Aya nakonektado sa boung kabahayan. Inilagay iyon doon ni Butler lee para madaling silang mabigyan nang babala kung may mangyayri mang masama kay Aya. Dahil sa alarm nagising ang lahat nang tao sa loob nang mansion lahat sila nagmamdaling nagpunta sa kwarto ni Aya.
"Anong nangyari?" tanong ni Eugene sa nurse. "Nasaan ang kapatid ko?"
"H-hindi ko pa alam. Pagpasok ko ditto kanina, wala na si miss Aya sa kama." Kinakabahang wika nang Nurse.
"Baka naman nagising na at lumabas." Wika ni Bernadette na nasa may pinto. Dahil sa sinabi niya napatingin ang lahat sa dalaga. "What?!" asik nito.
"Bukas ba ang bintanang ito nang pumasok ka?" tanong ni Julianne na nasa harap nang bukas na binata.
"Opo."
"Walang nakita ang mga bantay na may lumabas nang bahay." Wika ni Butler matapos ibaba ang telepono. Tinawagan niya ang guard house para itanong kung may nakita silang lumabas nang mansion. "Ipinapa check ko na ang CCTV kung may nakita silang taong nakapsok sa bahay" dagdag pa nang butler.
Nakita ni Jenny na nagkuyom nang kamao si Eugene. Alam niyan nag aalala ang binata para sa kapatid nito. lumapit siya binata at hinawakan ang kamay nito. takang namang napatingin si Eugene sa dalaga. For some reason, nang hawakan ni Jenny ang kamay niya bigla nalamang napanatag ang loob at isip niya. unti unting bumukas ang nakakuyom na kamao ni Eugene.
"Lee, ipahanap sa boung kabahayan si Aya kung nagising na ang apo ko tiyak na narito lang siya sa loob nang bahay." Ani Donya Carmela.
"O baka hindi rin natin mahanap si Aya sa loob nang bahay. Kung magigisig man siAya. Tiyak na ako ang una niyang hahanapin. Baka naman may mga taong kumuha sa kanya someone who wants me and my sister gone." Makahulugang wika ni Eugene at tumingin sa tiya Elena niya at kay Bernadette.
"At bakit ka nakatingin sa amin nang ganyan? Pinagbibintangan mo ba kaming kumuha sa kapatid mo?" asik ni Elena sa binata. "You ungrateful Bastard."
"I don't know. You tell me. Dapat ba namin kayong pagdudahan?" ani Eugene. Magulo ang isip ni Eugene. Alan niyang ang Tita Elena lang naman niya ang may galit sa kanilang magkapatid. Ayaw niyang maging mapanghusga kaya lang ang buhay na nangkapatid niya ang napag-uuspan. NI hindi pa nga ito nagigising heto at nawawala na naman.
"Yah! Napuneohma! (You Jerk!)" asik ni Bernadette. "Bakit namin pag iinteresan ang isang gulay If we can just wait until she is dead." Dagdag pa nito.
"Ano--" gigil na wika ni Eugene at akmang lalapit kay Bernadette ngunit pinigilan siya ni Jenny.
"Eugene please." Mahinang wika ni Jenny na lalong humigpit ang pagkakahawak sa kamay nang binata. Naramdaman ni Jenny na muling nag kuyom nang kamao ang binata.
"Pwede ba tumigil na kayong dalawa. Ang mahalaga ngayon makita natin ang apo ko." ani Donya Carmela at pumagitna sa dalawang apo.
"Lee, madaliin niyo ang paghahanap sa apo ko. At kung may tao mang dapat managot ditto alamin niyo kung sino." Wika pa nang matanda kay Butler Lee.
Sa isang abandonadong sementeryo dinala si Aya nang lalaking dumukot sa kanya. Inihiga nito ang dalaga sa ibabaw nang isang libingan.
"Siya na ba?" Tanong nang isang lalaki na dumating kasama ang 3 pa.
"Ngunit bakit siya walang malay?" Tanong nang isa.
"Walang nakakaalam. Ngunit ang sabi sa akin ni Ornais ang dalagang ito ay maytaglay na kapangyarihan." Wika nang anghel na dumukot kay Aya.
"Ano ang magiging silbi nang isang walang malay na mortal." Wika pa nang isa.
"Amon, Azza, Balam, Caim. Bakit niyo dinala ditto ang mortal na iyan?" takang wika ni Leonard na dumating kasama sina Jezebeth at Ornais. May kasama din silang isa pang binata na nanatili sa isang malayong sulok.
"Sinabi sa amin ni Ornais na kakaiba ang taglay na lakas nang dalagang ito. Hindi ba't siya ang gumising natutulog na kapangyarihan ni Achellion?" Wika ni Amon.
Nang marinig nang binata mula sa malayo ang binanggit nitong pangalan. Napatingin ito sa direksyon nang walang malay na dalaga. Sa loob niya nakikilala niya ang dalaga. May mga salitang pumapasok sa isip niya ngunit hindi niya alam kung saan namna iyon galing.
"Hindi niyo ba alam na hindi niyo dapat dinala ang dalagang yan ditto?" Asik ni Jezebeth sa mga kasamahan. Nag-aalala siya na kapag nakilala ni Achellion ang dalaga eh hindi na nila mapasunod ang binata.
"Ano bang sinasabi mo." anito at itinaboy ang kamay ni Jezebeth. "Kung gusto nating mag deklara nang digmaan laban sa hukbo nang konseho Kailangan natin ang dalagang ito. Magiging kasing lakas tayo ni Achellion." Wika nang lalaki.
"Isa pa Jezebeth. Wala nang alaala si Achellion sa nakaraan niya bilang isang mortal. Tiyak na hindi na rin niya maalala ang dalagang ito. Kahit ano mang gawin natin sa kanya wala na siyang magagawa. Hindi mo ba nakita?
Dahil sa lakas ni Achellion. Natatakot na ang mga sundalong anghel. Ilan sa kanila ay namatay na. kung magiging kasing lakas niya tayo. Hindi na natin siya kakailanganin. Pwede na tayong sumalakay nang hindi siya kasama." Wika ni Ornais.
"Sang-ayon ako sa inyo. Ngunit. Hindi niyo dapat kalimutan na ang dalagang yan ay isang bagay na iniingatan ni Achellion. Hindi natin alam kung kailan babalik ang alaala niya." wika ni Jezebeth.
Habang nakatingin ang binata sa mukha nang dalaga. May kung anong pwersa ang tumatawag sa kanya. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa dalaga. May mga bagay siyang nakikita sa isip niya na hindi niya maunawaan.
"Anong gagawin natin sa dalagang yan?" tanong ni Azza "Paano nating mapapalabas ang kapangyarihan natin sa pamamagitan niya?" dagdag pa nito. Nakalapit na si Achellion sa dalaga. habang nakatitig siya mukha nang dalaga isang pangyayari ang bumalik sa isip niya.
Nakikita niya ang nakangiting mukha nang dalaga habang nakatingin sa kanya. Paulit ulit niyang nakikita sa isip niya ang nakangiting mukha nito.
"Kung hindi natin pwedeng pakinabangan ang dalagang ito mas Mabuti pang patayin nalang natin siya." Wika ni Balam at lumapit sa dalaga saka akmang sasaksakin.
"Anong ginagawa mo?!" asik ni Balam kay Achellion nang bigla nitong pigilan ang kamay nang lalaki habang aktong saksakin nito nang punyal ang puso nang dalaga.
"Achellion. Hayaan mo Na si Balam." Wika ni Ornais. Isang mabalasik na tingin ang iginawad nang binata kay Ornais.
"Hindi niyo gagalawin ang dalagang ito. Hindi ako sumama sa grupo niyo upang pumatay nang mga walang laban na mortal." Wika ni Achellion at inagaw ang punyal sa kamay ni Balam.
"Dahil ba sa nakaraan niyo nang mortal na ito kaya ka ----"
"Wala akong alam sa sinasabi mo. Ngunit kung makikipagtalo ka sa akin. Ikaw ang uunahin ko." wika nang binata at naglabas nang apoy sa kamay. Bigla namang napaatras si Balam dahil sa ipinakitang kapangyarihan ni Achellion.
"Achellion. Ikaw na ang bahala sa babaeng yan. Pag pasenyahan mo na si Balam." Wika ni Jezebeth at pinigilan ang kamay nang binata. Itinaboy naman nito ang kamay ni Jezebeth saka pinangko si Aya at umalis sa lugar na iyon.
"Bakit Hinayaan mo siyang umalis? Alam mong mahalaga sa atin ang dalagang iyon." Asik ni Azza.
"Ikaw na rin ang nagsabi na kapag naalala ni Achellion ang dalagang iyon TIyak masisira ang lahat nang mga plano natin."
"Mahalagang hindi natin makalaban si Achellion. Alam mo naman sigurong siya ang Nemesis. Kung wala ang kapangyarihan niya. patuloy tayong tutugusin nang mga anghel. Kailangan natin siya upang matalo ang mga anghel na iyon." wika ni Jezebeth.
Nang matangpuan nila si Achellion matapos ang incidente sa lumang windmill. Halos wala ito sa sarili niya. Naubos ang lakas nito dahil sa pag-aamok Nang mga panahong iyon hindi pa nito kayang ma control ang taglay na lakas. Wala din itong maalala. Dahil doon sinamantala nila ang pagkakataon.
Hinikayat nila si Achellion na sumapi sa kanila. Nang magawa na nitong ma control ang kapangyarihan. Sinimulan nilang atakehin ang mga anghel na ipinadala upang tugisin sila. Sa ilang lingo lang. Marami nang anghel ang nagapi nila.
Dinala ni Achellion ang dalaga sa hospital kung saan nagtatrabho si Jenny. Hinanap niya sa nurse mula sa nurse station ang dalagang doctor ngunit sabi nito hindi pa dumarating ang doctor. Hindi niya alam kung bakit niya doon dinala ang dalaga ngunit iyon ang ginawa niya. para bang may sariling utak ang katawan niya.
Lieutenant. Okay ka lang ba?" tanong ni Arielle kay Eugene nang dumating sina Eugene at Julianne sa opisina. Narinig nila mula kay Johnny ang tungkol sa pagkawala ni Aya. Naikwento kasi ni Jenny kay Johnny ang nangyari nang ihatid nito sa hospital ang dalaga.
"Hayaan mo Lt. tutulong kami sa paghahanap kay Aya." Wika naman ni Rick.
"Salamat." Simpleng wika ni Eugene.
Sa hospital, habang ginagawa ni Jenny ang rounds niya sa mga pasyente isang familiar na mukha ang nakita niya sa ward. Nasa tabi nito ang isang lalaki na nakahawak lang sa kamay nang dalaga. Agad niya itong nilapitan para kompirmahin ang pagdudua niya.
"AYA!" biglang wika ni Jenny. Bigla namang napatingin si Achellion sa nagsalita. Nakita niya si Jenny na dumating.
"Sino ka? Anong ginawa mo kay Aya?" asik ni Jenny kay Achellion saka itinulak ang binata palayo sa dalaga. Sasabihin sana ni Achellion na siya ang nagligtas kay Aya ngunit pinigilan niya ang sarili niya. paano siya paniniwalaan nang dalaga? May maniniwala ba sa kanya na isang fallen angel ang dumukot sa dalaga.
"Tumawag ka nang pulis." Wika ni Jenny sa isang nurse na lalaki. Ngunit biglang natigilan si Jenny nang mamukhaan ang binata.
"Captain Bryant?" takang wika ni Jenny. Ngunit hindi nagsalita si Achellion Agad itong tumalikod at naglakad palabas. Nakasalubong ni Achellion sina Julianne at Eugene.
BIglang napahinto si Julianne nang makilala ang binata.
"Achellion." Mahinang wika ni Julianne. BIgla namang huminto sa tapat niya si Achellion.
"Sinong---?" Putol na wika ni Eugene at napatingin sa binatang nasa harap nila.
"Chief?!" biglang wika ni Eugene. Ngunit iba ang nararamdaman niya sa binata. hindi na ito ang chief na dati nilang kilala. Malaki ang nagbago ditto. Maging ang lakas nito nagbago din.
Siguro nga kamukha nito ang chief nila ngunit may pakiramdam Si Eugene na hindi ito ang chief nila.
Hindi sila pinansin nang binata kaya naman hinawakan ni Eugene ang braso nito upang pigilan sa pag-alis. Isang matalim na tingin naman ang ipinukol ni Achellion sa kamay ni Eugene na nasa braso niya bago tumingin sa binata.
"Aalis ka na lang? Ilang buwan----" biglang natigilan si Eugene nang hawakan niya si Achellion may mga imahe siyang Nakita sa isip niya. Mga pagsabog kaguluhan at pagtangis. Mga nakakatakot na imahe. Taka siyang napatingin sa binata. Bakit ganoon ang Nakita niya? Sino ang lalaking ito na nasa harap niya. Nasa lalaking ito ang mukha ni Dranred ngunit hindi na ito ang kapitan na kilala nila.
"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo. Marahil nagkakamali ka." Wika ni Achellion at itinaboy ang kamay nangbinata.
"Talaga bang hindi mo kami nakikilala? Ako hindi mo ba ako nakikilala?" tanong ni Julianne sa binata. Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Achellion kay Julianne.
"Isa ka bang mahalagang nilalang para kilalanin ko?" wika ni Achellion. Napaawang nang labi ang dalawang binata dahil sa sinabi nito. Ano bang nangyari sa kapitan nila? bakit tila ibang tao ang nasa harap nila. "Mauuna na ako." Wika nang binata saka nagpatuloy sa pag-alis sa hospital. Naiwang walang masabi ang dalawang binata.
Sinundan nang tingin ni Julianne ang papalayong si Achellion. Anong nangyari sa binata? Bakit tila wala ito sa sarili. Hindi ba talaga sila nakikilala nang binata? Eh siya? Hindi ba siya nakikilala ni Achellion?
"Jenny? Okay ka lang ba?" tanong ni Johnny kay Jenny nang makalayo si Achellion. Agad namang napalingon si Eugene sa dalaga. Napatingin din naman si Jenny kay Eugene. Then their eyes meet.
"Wala namang nangyari sa akin. Mas mahalagang naibalik na si Aya" wika ni Jenny.
"Teka nga kayo na bang dalawa?" ani Julianne kay Jenny at Johnny.
"Hindi" maagap na sagot na wika ni Jenny saka napatingin kay Eugene ngunit hindi manlang siya tinapunan nang tingin ni Eugene. Bumaling ito kay Julianne at sinabing tatawagan lang ang lola niya para sabihing nakita na si Aya.
"Hindi pa niya ako sinasagot." Napakamot na wika ni Johnny.
"So nanliligaw ka pala." Ngumising wika ni Julianne. "Jenny huh, hindi mo manlang sinsasabi sa amin." Tukso ni Julianne.
"Pwede ba tama na yan. SI Aya ang intindihin niyo." Wika ni Jenny na pinamulahan dahil sa labis na hiya. Napatingin siya kay Eugene.
Lihim namang na dismaya si Jenny dahil sa naging reaksyon ni Eugene. Habang tumatagal pakiramdam niya lalong lumalayo ang loob ni Eugene sa kanya. Hindi niya gustong malapit lang siya kay Eugene ngunit pakiramdam naman niya milya milya ang layo niya ditto.
Alam niyang may mga problema ito hindi naman niya hinihiling na bigyan siya nito nang special na atensyon ngunit ang tratuhin siya nito na prang hindi na kikikita ay bagay na nakakasakit sa kanya. Lalo pang naging malamig sa kanya ang binata nang sumunod na mga araw iniuwi sa mansion si Aya. 24/7 may guard na nagbabantay sa silid nito. sa kawrto din nito natutulog ang isang nurse dahil na rin sa utos nang lola nila maging sina Bernadette at Elena ay hindi makapasok sa silid ni Aya kung walang permiso mula kay Eugene.
Bakit Jenny? May dinaramdam ka ba?" Tanong ni Johnny habang nasa harden sila at naghahanda nang inihaw napansin niyang wala sa sarili niya ang dalaga. Kaarawan nang kanyang ina. Inanyayahan nito si Johnny na saluhan sila sa isang barbeque party. Nagpaalam siya kay Donya Carmela na uuwi da bahay nila para sa kaarawan nang ina niya. hindi naman ito tumanggi. Ni hindi rin nagtanong si Eugene kng bakit.
Habang abala ang lahat wala naman sa okasyon ang utak ni Jenny. Napapansin niyang parang lumalayo si Eugene sa kanya. Hindi niya alam pero pakiramdam niya biglang nagkaroon nang harang sa pagitan nilang dalawa. Hindi niya nagugustuhan iyon dahil nasasaktan siya. Alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing ni Eugene sa kanya ngunit ang hindi niya matatanggap ay ang layuan siya nito na para bang may ginagawa siyang masama. Kahit noong dumalaw siya sa ospital, hindi manlang siya nito kinakauusap abala ito sa pag-aasikaso sa kapatid. Naaiintindihan niya iyon ngunit, may kakaiba talaga sa pakikitungo nang binata sa kanya.
Alam niyang hanggang kaibigan lang ang turing ni Eugene sa kanya ngunit ang hindi niya matatanggap ay ang layuan siya nito na para bang may ginagawa siyang masama. Kahit noong dumalaw siya sa ospital, hindi manlang siya nito kinakauusap abala ito sa pag-aasikaso sa kapatid. Naaiintindihan niya iyon ngunit, may kakaiba talaga sa pakikitungo nang binata sa kanya.
Nabigla ang lahat dahil parang tubig kung inomin ni Jenny ang alak na nasa baso nito. hindi lang ito nagkasya sa isa o dalawang tagay. Ilang beses siyang pinigilan ni Johnny ngunit hindi naman nakinig ang dalaga. Sa sama nang loob niya kahit ang lasa nang alak ay hindi na niya malasahan. Parang maging ang dila niya ay manhid na dahil sa galit niya. Ito mismo ang umubos sa isang bote. Habang nagkakasayahan sila, biglang nawala si Jenny.
"Oh? Aalis ka?" tanong ni Julianne sa kaibigan niya nang bigla itong tumayo.
"Uuwi muna ako sa bahay, umalis sina lola at Lee, naiwang mag isa si Aya." Wika ni Eugene.
"Naroon namang nag guard niya at nurse bakit ka ba na pa praning diyan?" ani Julianne.
"Hindi maganda ang kutob ko." Wika ni Eugene.
"Siya sige na nga. Tawagan mo ako kung may problema." Wika ni Julianne. Ngumiti si Eugene at nagmamadaling lumabas. Nang dumating si Eugene sa mansion nila. Nabigla siya nang Makita si Jenny na nakaupo sa may pinto habang yakap ang sarili. Hindi naman ito bisita sa bahay na iyon kaya nagtataka siya kung bakit hindi ito pamasok sa loob nang bahay. Nang lumapit siya dito bigla niyang naamoy ang alak na ininom nito.
"Jenny?!" Untag ni Eugene sa dalaga.
"E-eugene. Dumating ka na pala." Wika nito at tiningala si Eugene. Amoy na amoy ni Eugene ang alak sa dalaga.
"Bakit ka uminom? Bakit ka nagpakalasing? Kailan ka pa na tutong uminom?" Sunod-sunod na Tanong ni Eugene sa dalaga at tinulungan itong tumayo.
"Ano bang pakialam mo. Conceited na refrigerator." Galit na wika ni Jenny at itinaboy ang kamay nang binata. Ngunit dahil hilo at dahil sa labis na kalasingan nawalan ito nang balance. Mabuti at naging maagap ang binata.
"Huwag ka nang malikot. Kahit ang tumayo nang maayos hindi mo magawa. Gaano naman karaming alak ang inubos mo." Inis na wika ni Eugene at pinasandal sa pader ang dalaga habang binubuksan ang pinto. "Pati ang pagpasok sa loob nang bahay hindi mo na alam dahil sa labis na kalasingan." Wika ni Eugene.
"Naiinis ako saiyo Eugene." Wika ni Jenny at hinampas ang balikat ng binata.
"Huwag ka sabing malikot." Ani Eugene at inayos ang pagkakatayo nang dalaga.
"Bakit nag-aalala ka ba sakin? Huh! Himala yata. Ilang araw mo akong hindi pinapansin. Nakakainis ka. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit ang ginagawa mo."
"Marami kang naiinom. Kung ano – anong sinasabi mo." Wika ni Eugene habang iniaalalayan sa pagtayo ang dalaga. Dahil sa labis na kalasingan nito maging ang tumayo nang maayos ay di magawa.
"Nakainom ako kaya pwede kung sabihin kong ano man ang nasa isip ko. galit ako saiyo! galit na galit ako saiyo. Manhid ka!" Lalong nagwalang wika ni Jenny. Isang katulong ang nagbukas nang pinto para sa kanila. Nagulat pa ito nang Makita silang dalawa.
"Tumigil ka na nga, hindi ka ba nahihiya sa mga nakakakita sa iyo. Doon tayo sa loob." Ani Eugene at inalalayan ang dalaga na pumasok sa loob nang bahay ngunit itinaboy din ni Jenny ang kamay niya. palapit sana sa kanila ang katulong nang suminyas si Eugene na iwan sila nito. agad namang tumanggo ang katulong at umalis.
"Nagpunta ka lang sa bahay nang ina mo naging ganito ka na." wika ni Eugene at inalalayan si Jenny para hindi mabuwal. "Bakit hinayaan ka nilang uminom, Bakit ka naman naglasing kung hindi mo kayang dalhin ang sarili mo. Maswerte ka at nakauwi ka ditto nang ligtas. Hindi mo baa la na delekado ang panahon ngayon. Araw-araw may pinapatay, gabi-gabi may na re-rape. Dati kang alagad nang batas. Pero tingnan mo ang sarili mo ngayon." Mahabang litanya ni Eugene.
"Gusto kong maglasing. Bakit anong pakialam mo. wala ka namang pakiaalam kung anong gawin ko hindi ba?" wika NI Jenny at muling itinaboy ang kamay nang binata, panay naman ang pag-alalay nito sa dalaga.
"Jenny, ano bang sinasabi mo? Syempre may pakialam ako saiyo, kaibigan kita. Bakit kasi iinom kung hindi naman kayang dalhin." Naiinis na wika ni Eugene.
"Pwede ba huwag kang malikot baka mahulog tayo." Wika ni Eugene sa dalaga habang inaalalayan ito sa pag-akyat nang hagdan.
"Wala ka ba talagang ideya? Gusto kita. Gustong –gusto kita. Manhid. Gusto kita. Narinig mo? You poor excuse of a man."Wika ni Jenny bago tuluyang mawalan nang malay. Agad naman siyang sinalo ni Eugene.
"Pambihira!" Wika ni Eugene at kinarga ang dalaga. Napatingin si Eugene sa katulong na nasa may pinto nang kusina at nakatingin sa kanila, narinig nang nito lahat nang mga sinabi ni Jenny. Nakita pa niyang napa bungisngis ang mga katulong dahil sa Nakita.
"Haist. Ngayong lang ako nakakilala nang doctor na naglalasing sa tanghaling tapat. Hindi naman kayang dalhin ang sarili." Wika ni Eugene at kinarga ang dalaga papunta sa silid nito.
Habang karga ang dalaga sa loob-loob ni Eugene, hindi niya alam kung bakit masaya siya ang mga sinabi ni Jenny ay tila musika sa pandinig niya.
"Maalala mo pa kaya ang ang mga sinabi mo ngayon kapag nagising ka." Natatawang wika ni Eugene.
It was refreshing to see Jenny on that state ang dating compose na doctor ay tila isang lasenggo sa kanto na nangwawala.
Aw!" mahinang daing ni Jenny nang magising. Sumasakit ang ulo niya ngunit wala siyang masyadong matandaan sa nang-yari. Napatingin siya sa kisame habang sapo ang ulo. Napansin niyang hindi pamilyar ang kisame nang kwarto. Ibinaling niya ang tingin sa ibang bahagi nang silid. Hindi talaga pamilyar ang lugar sa kanya.
Pilit niyang inalala ang nangyari. Anong ginagawa ko ditto? Paano ako nakauwi? Tanong ni Jenny sa sarili niya.
"Gustong-gusto kita manhid!" ito ang mga salitang pumasok sa isip niya. Dahil doon bigla siyang napabalikwas nang bangon. Kung tama siya nasa loob siya nang kwarto niya sa mansion nina Eugene. Napansin din niyang nagbago na ang sout niyang damit. Agad siyang bumangon nang pumasok sa isip niya si Eugene.
"Ano bang ginawa ko." Wika ni Jenny nang maalala kung ano ang mga sinabi niya kay Eugene.
Lumabas siya sa silid niya. tahimik ang buong bahay. Saan kaya nagpunta ang mga tao doon. Napatingin siya sa wall clock na nasa sala. Alas 9 na nang gabi. Ilang oras ba siyang natulong. Nakauwi na kaya ang mga tao sa Mansion? May nakakita kaya sa kanya kanina maliban kay Eugene? Nasa bahay kaya ang binata?
Hindi niya alam kung papaano niya haharapin ang binata. Hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo niya dahil sa labis na kalasingan. Ano bang pumasok sa isip niya at naglasing siya.
Bumaba siya at naisipang magpunta sa kusina para uminop nang mainit na kape. Sumasakit din kasi ang tiyan niya naalala niyang wala din siyang maayos na kinain sa party nang nanay niya. papasok na sana siya sa kusina nang Makita niya doon si Eugene. Hindi na sana siya tutuloy sa kusina ngunit bigla siyang natigilan nang magsalita ang binata.
"Buti gising kana. Naghanda ako nang makakain. Kumain ka para magkalaman yang tiyan mo." Ani Eugene at tumingin sa kanya. Napaigtad ang dalaga nang Makita ang binate. Hindi naman siya pwedeng tumakbo dahil lang sa mga ginawa niya kanina. Sasabihin niya sanang hindi siya kakain kaso biglang kumalam ang sikmura niya.
Nakatango ang ulo na lumapit si Jenny sa kusina.
"Inumin mo'to para maalis ang kalasingan mo." Wika ni Eugene at inilapag ang mainit na Kape sa harap ni Jenny. Nakatango parin ang ulo ni Jenny dahil sa labis na hiya. Kung sinabi niya ang mga salitang iyon kay Eugene tiyak na alam na nito kung ano ang nararamdaman niya.
Tahimik silang kumain ni Jenny. Dahil walang sinasabi si Eugene hindi na rin siya nag salita.
"Siya nga pala, kelan ka pa natutung uminom?" Biglang wika ni Eugene dahil sa biglang pagsasalita nang binata biglang nasamid si Jenny at napubo. Agad namang kumuha nag tubig si Eugene. "Ano bang pumasok sa isip mo at naglasing ka." Ani Eugene. "Alam mo ba kung ano ang ginawa mo?" Ani Eugene.
"S-sinong lasing ang nakakaala sa ginawa niya." Depensa ni Jenny.
"Paano mo naalalang lasing ka?" Wika ni Eugene. "Bakit ba, gustong-gusto niyo na nag-aalala ako."Natigilan si Jenny at napatingin sa binata dahil sa sinabi nito.
"Maraming nangyayaring hindi maganda kay Aya. Labis na akong nag-aalala sa kanya. Bakit gusto mong mag-alala din ako saiyo." Wika ni Eugene. "Mababaliw na ako sa kakaisip. What do I need to do to make sure you are all safe?"
Hindi alam ni Jenny kung ano ang sasabihin. Alam niyang nagiging makasarili siya. Dahil sa nararamdaman sa binata at dahil din sa hirap na nararamdaman ng kalooban niya dahil sa pagbalewala ni Eugene sa kanya hindi na siya nakapag-isip nang maayos.
"I'm sorry." Tanging nasabi ni Jenny. "Simula ngayon hindi kana ulit mag-aalala pa sa'kin. Kung ano man ang mga sinabi ko saiyo kagabi. Pwede bang kalimutan mo na lang lahat nang iyon. Dala lang iyon nang kalasingan ko." Anang dalaga. Ngayon alam na niyang walang puwang sa puso nang binata ang mga nararamdaman niya.
"Magpahinga ka ulit matapos kang kumain." Wika ni Eugene at tumayo. Gustong umiyak ni Jenny dahil sa nagging response nang binata sa kanya. Sana nga lasing pa siya ngayon para may dahilan siyang pumalahaw nang iyak. Labis na nasasaktan ang puso niya dahill sa kawalang emosyong response ni Eugene.
"Oo."Garagal wika ni Jenny. Pinilit niya ayusin ang boses niya pero halata pa rin na may epekto ang reaksyon nang binata sa kanya. Agad namang napatingin si Eugene sa dalaga.
"Si Johnny, nanliligaw ba siya saiyo?" Tanong na ikinagulat ni Jenny.
"Iyon ang sabi niya." Simpleng wika ni Jenny.
"Mabait si Johnny at nakikita kong malapit siya sa pamilya mo. gusto mo ba siya?" wika ni Eugene at muling tumalikod.
"Mabait naman siya. Siguro hindi naman siya mahirap magustuhan." Ani Jenny.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Gusto mo na ba siya?" ulit na tanong ni Eugene at lumingon sa dalaga. Biglang napalunok si Jenny anong sasabihin niya? aamin ba siyang kahit na anong gawin niya isang tao lang ang tinitibok nang puso niya? habang nakatingin siya sa mata ni Eugene wala siyang mabasang emosyon mula ditto? Bakit naman ito natatanong nang ganoong bagay. Nalulungkot si Jenny dahil pakiramdam niya na wala man lang pakialam ang binata, wala man lang epekto dito ang ginawa niya.
"M-magugustuhan ko rin siya." Sa halip wika ni Jenny.
"Thank you for telling me that you like me." Biglang napatingin si Jenny sa binata dahil sa sinabi nito. lalo naman siyang nagulat nang tumingin din si Eugene sa kanya. Hindi niya inaasahan ang sasabihin nag binata.
"It would be much better, kung hindi ka lasing. Sa susunod kung magtatapat ka siguruhin mong nasa tama kang pag-iisip." Nahiya siya sa sinabi nito lalo pa nang ngumiti ito. Bigla namang gumulo ang damdamin ni Jenny nang biglang inilapit ni Eugene ang mukha sa kanya. At dahil na off guard ang dalaga bigla siyang napasinok. Agad naman niyang tinakpan nang kamay ang bibig niya. Sa lapit nang mukha ni Eugene wala ding humpay ang pag sinok nang dalaga. Nakita niyang ngumit si Eugene bago nito inilayo ang mukha sa kanya.
"And oh," wika ni Eugene at muli siyang nilingon. "Don't ever drink with other man or with anyone else. The next time na mag lasing ka. Parurusahan na kita." Wika ni Eugene at umalis sa kusina. Hindi naman alam ni Jenny kung ano ang gagawin. Ano ang nais ipahiwatig ni Eugene? Ayaw ding tumigil nang sinok niya at ang kabog nang puso niya na tila malalaglag.
Nang dumating si Jenny at Eugene sa hospital, nakita nila sa Johnny na naghihintay sa labas ng pinto. Na bigla pa ito nang makitang magkasama ang dalawa. Hindi na lingid sa kaalaman ni Johnny ang nararamdaman ni Jenny para sa binata ngunit ang hindi niya siguro ay kung ano ang nararamdaman ni Eugene sa dalaga naiinis siya sa ideyang wala siyang puwang sa puso ni Jenny. hindi rin lingid sa kaalaman ni Johnny na sa bahay ni Eugene nakatira si Jenny.
"Johnny? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Jenny sa binata.
"Bigla ka kasing nawala ka gabi sa party nang mama Marga." Wika nito na ang tinutokoy ay ang ina ni Jenny. "Hindi na ako pumunta sa mansion nina Lt. kaya ditto na kita inabangan." Dagdag pa nang binata. "Labis kasi akong nag-alala sa iyo. Ngunit sa nakikita ko wala naman akong dapat ipag-alala kasama mo naman si Lt." Wika nito at bumaling kang Eugene.
Mama kailan ka pa inampon nang pamilya ni Jenny? Inis na wika nang isip ni Eugene nang marinig ang sinabi nang binata.
"Talagang hindi ka dapat mag alala. Kasama niya naman ako." Wika ni Eugene
"Salamat, sa pag-aalala kay Jenny Lt. Ako na ang bahala mula dito." Wika nito sa binata.
"Nakalimutan mo bang ngayong araw ang punta natin sa bahay ko? Hinihintay kana nang mga magulang ko. Handa na rin ang pamilya mo." Wika ni Johnny. Sa narinig biglang natuliling si Eugene. Ganito na ba kalalim ang relasyon nang dalawa para dalhin ni Johnny ang dalaga sa bahay nito.
Bigla namang napatingin si Jenny sa binata, nawala sa isip niya ang bagay na iyon. Nawala din sa isip niya na nililigawan din pala siya ni Johnny, kaaraawan ngayon ng daddy nito kaya naman inanyayahan nito ang boung pamilya nila na pumunta sa party.
"May lakad pala kayo. Mauna na ako. Tawagan mo ako kapag uuwi kana susunduin kita" Ani Eugene at tumalikod.
"Hindi na kailangan Lt. ako na ang bahala kay Jenny mula ngayon. Si Aya na lang ang alagaan mo mas kailangan ka niya." wika ni Johnny.
Napatiim bagang si Eugene sa sinabi ni Johnny bakit ba pakiramdam niya nagiging sakit sa leeg niya ang binatang ito.
"Sapalagay ko wala kang pakialam kung anong gusto kong gawin. Sgt." Hindi maitagong inis na wika ni Eugene at nilingon si Johnny.
Hindi niya gusto ang pakiramdam na para itong boyfriend ni Jenny kung umasta. Sinagot na ba ito ni Jenny?
"Uuwi ako nang maaga. Hindi mo na ako kailangang sunduin." Wika ni Jenny kay Eugene at humarap sa binata. Nagkibit balikat lang si Eugene saka umalis.
"HUwag kang uuwi nang lasing." Wika nang binata kay Jenny.
"Ano naming akala mo sa akin? Lasenggo?" inis na wika ni Jenny.
"Bakit hindi ba?"
"SInabi ko naman saiyo na may dahilan ako. Bakit kailangan mo pang ipaalala yun." Ani Jenny. Habang nakatingin si Johnny sa dalawa. Pakiramdam niya hindi siya nag-eexist nang mga sandaling iyon. Ang titigan nang dalawa parang may kahulugan.
"Nakakainggit naman ang closeness niyong dalawa." Hindi mapigilang wika ni Johnny. BIgla naming natahimik sina Eugene at Jenny saka napatingin kay Johnny. "Sana maging ganito din tayo kalapit Jenny." Wika ni Johnny at tumingin sa dalaga. Tipid naming ngumiti si Jenny.
Dahil nandoon si Eugene kaya naman nakaramdam siya nang awkward na feeling. Mabait si Johnny at gusto niya ito bilang isang kaibigan. Hindi niya alam ngayon kung paano tutugunan ang atensyon ni ibinibigay nito sa kanya. Habang si Eugene naman na buong buhay niya tinatangi ay tila yata hindi naman siya espesyal para ditto. She is stuck with a one sided love at friend zone pa.