Chereads / Angel's Feathers / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

Mommy, anong gagawin natin?" tanong ni Eugen. Nakahinto ang sasakyan nila habang pinapalibutan nang motor nina Giovanni. Yakap-yakap pa rin niya ang kapatid na takot na takot. Napatingin si Jasmine sa mga anak niya. Wala na si Harry, siya nalang ang aasahan nang mga anak nila. Kung wala siyang gagawin tiyak na mapapahamak ang mga anak nila. Nangako sila ni Harry sa isa't-isa na kahit anong mangyari sa kanila hindi nila hahayaang may mangyaring masama sa mga anak nila.

"Eugene. Will you keep this for me?" wika ni Jasmine at ibinigay sa anak ang singsing nila ni Harry. Alam na agad ni Eugene kung anong ibig sabihin noon. Namamaalam sa kanila ang mommy nila. Nanginginig namang tinanggap ni Eugene ang mga singsing. "You have to promise me that you will protect your sister. You will never leave her. Okay." Ngumiting wika Jasmine.

"Mommy." Umiiyak na wika ni Aya. Wala siyang naiintindihan sa sinabi nang mama niya ngunit lang ang alam niya hindi maganda ang kutob niya doon.

"Hold tight." Wika ni Jasmine bago muling binuhay ang sasakyan. Kahit na nasa harap niya si Gio walang alinlangang pinaandar ni Jasmine ang sasakyan at binagga ang motor nito dahil sa lakas nang impact nang pagbangga nang sasakyan nila sa motor nawalan nang control si Jasmine sa sasakyan. Gumiwang-giwang ang sasakyan nila. Panay ang tili nang magkapatid dahil sa labis na takot. Sa paggiwang nang sasakyan, bumangga ito sa barikadang nasa bangin. Dahil sa dilim nang paligid hindi iyon napansin ni Jasmine. Gumulong-gulong ang sasakyan nila pababa nang bangin.

"Aya!" malakas na sigaw ni Achellion nang Makita ang nangyari sa sasakyan nang mag-iina. Agad siyang lumipad papalapit sa kotse. Huli na nang makalapit siya sa kotse. Bumangga ito sa isang malaking bato. Nagsimula na ring masunog ang likod nang sasakyan. Kasabay nang pagkulog at pagkidlat ang naging trahedya sa pamilya nina Aya.

"Gio anong gagawin natin?" tanong nang kaibigan ni Gio na nakita ang nangyari sa kotse.

"Tiyak na hindi na sila mabubuhay dahil sa nangyari. Mabuti pang umalis na tayo." Wika pa nang isa. Ilang sandaling tinitigan ni Gio ang sasakyan bago nagpansyang umalis sa lugar na iyon at iwan ang mag-anak.

Dinungaw ni Achellion ang bintana nang sasakyan, Nakita niya doon ang duguang mag-anak. Si Jasmine na nasa driver's seat ay malalim ang sugat sa ulo at wala na ring hininga. Ngunit ang magkapatid ay buhay pa ngunit mahina ang pulso. Swerte naman ang aso nila dahil hindi ito nasaktan dahil yakap-yakap nang magkapatid. Inilabas nang sasakyan ni Achellion ang mag-anak. Hindi niya alintana kahit na panay ang pagkulog at pagkidlat. Nailabas niya sa sasakyan ang katawan nang mag-anak bago pa sumabog ang kotse.

"Mommy. Daddy." Narinig niyang mahinang usal ni Eugene. "Si Aya. Iligtas mo si Aya." Hirap na wika ni Eugene at hinawakan ang braso ni Achellion. Ganoon na lamang ang pagtataka ni Achellion dahil nagawa siyang hawakan nang binatilyo. Nagtama din ang mata nila. hindi niya maipaliwanag kung dala lang ba iyon nang mahinang katawan nang binata at sa kagustuhan nitong mailigtas ang kapatid. Bumaling si Achellion sa batang si Aya. May sugat din ito ngunit hindi kasing lala nang sugat ni Eugene. Kung hindi dahil sapag proprotekta ni Eugene marahil ay naging malubha din ang batang babae.

Gamit ang kapangyarihan niya pinagaling niya ang mga sugat ni Eugene. Huminto na ang pagdurugo nang sugat nito sa ulo. Gagamutin na sana niya ang sugat nang batang babae nang biglang mapahinto si Achellion. Mainit ang noo nito at ganoon din ang buong katawan. Na wari bang nag aapoy. Naririg niyang mahina ang tibok nang puso nang batang si Aya.

Hinawakan ni Achellion ang kamay nang batang babae saka mariing ipinikit ang mga mata. Maaaring hindi na niya mailigtas ang buhay nang batang babae. Mahina na ang kapangyarihan niya. And if he is to share his life energy to her tiyak na buhay niya ang kapalit. Ngunit nang mga sandaling iyon hindi na niya inisip kung ano mangyayari sa kanya. Bumaling si Achellion sa binatilyong walang malay. Lalong lumakas ang kulog at kidlat makikita sa kalangitan ang pagguhit nang kidlat.

"You have done well." Ngumiting wika ni Achellion at hinimas ang ulo ni Eugene. "It is now up to you." Wika ni Achellion.

Napatingin siya sa asong nasa tabi ni Aya panay ang buwal nito sa kamay niya gamit ang bibig. Waring pilit nitong ginigising ang amo.

"Huwag kang mag-alala ililigtas ko siya." Wika ni Achellion sa aso. Isang kahol naman ang itinugon nang aso kay Achellion bago naupo sa tabi ni Aya.

Hindi magawang gamutin ni Achellion ang batang si Aya, waring may kung anong pumipigil sa kapangyarihan niya. Alam niyang mahina na ang kapangyarihan niya ngunit hindi ito dahilan para hindi niya malapatan nang lunas ang batang babae. Bukod doon, maiinit din ang buong katawan nang batang babae na wari nag aapoy.

Isang solusyon lang ang naiisip ni Achellion. Ngunit alam din niyang kapag ginawa niya iyon maaaring buhay niya ang maging kapalit. Maaring tuluyan na siyang maglaho sa mundo. Maglaho nang walang naiiwang bakas. Ngunit hindi niya pwedeng hayaan si Aya na nasa bingit nang kamatayan. Hindi na nag dalawang isip si Achellion, hinawakan niya ang kamay ni Aya at mariing ipinikit ang mga mata.

Ilang sandaling ganoon ang ayos nila. unti-unting lumitaw ang lotus na marka sa kamay ni Achellion matapos ang ilang sandali bigla na lamang itong naglaho at biglang lumitaw bilang isang kwentas at sout na iyon ni AYA. Lalong nagging malakas ang kulog at kidlat. Tela may malakas na bagyong paparating ngunit hindi iyon alaintana ni Achellion. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang kaligtasan nang batang babae. Alam niyang hindi siya dapat makiaalam sa kapalaran nito ngunit hindi niya magawang iwan ang magkatapid sa ganoong ayos.

Nang bitiwan ni Achellion ang kamay ni Aya naramdaman agad niya ang pagkaubos nang natitira niyang lakas. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya mananatili sa anyo niya. Ngunit wala na siyang pakiaalam kung ano man ang mangyari sa kanya masaya siya dahil na dugtungan niya ang buhay ni Aya. Siguro hanggang ditto nalang ang buhay niya. Mahaba na rin ang pamamalagi niya sa mundo. Nitong nakaraang mga taon habang binabantayan niya ang batang babae, muli niyang naramdaman ang kaligayahan na maging isang bantay. Isang anghel dela guardia, bagay namatagal na niyang kinalimutan.

Nang muling maibalik ang pintig nang puso ni Aya, napaupo si Achellion sa lupa at napatingin sa bangkay nang ina nang mga ito na nasa di kalayuan. Saka tumingin sa walang malay na mga bata.

Ngayon wala nang magulang ang dalawa, hindi na magiging madali ang mundo para sa kanila lalo na sa batang si Aya. Nais man niyang may gawin para ditto ngunit umabot na siya sa limitasyon niya. Nararamdaman na niya ang unti-unting paghina nang lakas niya. Ngayon lang ulit niya nagamit ang buong enerhiya niya at sa pagliligtas pa nang mortal.

Sir Dito!" wika nang isang pulis nang makita ang magkapatid na walang malay. Dahil sa kahol ni Snow kaya madaling natunton nang mga pulis nag kinalalagyan nang magkapatid. Agad namang lumapit ang paramedics sa magkapatid. Ganoon na lamang ang gulat nila nang I check nila ang vitals nang magkapatid. Stable na ang mga ito ngunit wala lang malay. Agad nilang isinakay ang mag kapatid sa ambulance saka dinala sa ospital.

Ang mga pulis naman na naiwan sa lugar nang aksidente ang sumiyasat sa kotse nang mag-anak. Nakita nila ang bangkay ni Jasmine na nasa di kalayuan nang nasusunog na kotse. Napag-alaman din nila na sa bahay nang mga ito natagpuan ang bangkay nang asawa nito at nang isang ginang. Sa hinala nang mga pulis isang murder ang naganap na insidente sa mag-anak.

"Where is my Son?" natatarantang wika ni Donya Carmela nang dumating sa Hospital. Agad silang tinawagan nang mga pulis paraa sabihin ang nangyaring aksidente sa mag-anak. Lalo namang nag hysterical ang matanda nang makita ang walang buhay na katawan nang anak niya. Malaki ang pagsisisi niya na maraming taong ang nasayang dahil sa katigasan nang loob niya. ngayong hindi na niya magagawang mayakap ang nag-iisang anak.

Sinabi din sa kanya nang mga pulis na ligtas ang mga apo niya. bukod sa mga bugbog wala malubhang sugat ang magkapatid sa ngayon ay nagpapahinga ang dalawa sa isang silid. Dahil hindi pa rin niya matanggap ang pagkamatay nang nagiisang anak si Butler Lee ang inutusan niyang tingnan ang mga apo.

Dahil wala pa ring malay si Eugene walang makapagturo kung sino ang may kagagawan nang pagpatay sa mag-anak. Patuloy naman ang pag-iimbestiga nang pulisya nagtungo sila sa haciendang pinagtatrabahuhan ni Harry. Lahat nang tinanong nila sinasabing isang mabuting katrabaho si Eugene at mabait na kaibigan kaya naman hindi sila makapaniwala sa malagim na nangyari ditto.

Nang magising si Eugene, si Butler lee ang una niyang nabungaran. Napansin din niyang nasa isang magandang silid na sila ni Aya. Napansin din niya si Aya sa kabilang kama na mahimbing paring natutulog.

"Master Eugene, Gising na kayo. May masakit ba sa inyo?" tanong ni Butler lee at hinawakan ang balikat ni Eugene. Ngunit agad na itinaboy ni Eugene ang kamay nang lalaki. Hindi naman nagtaka si Butler Lee hindi naman siya kilala nang batang lalaki dahil sanggol pa ito nang Makita niya.

"Sino ka? Bakit kami narito? Nasaan na ang Mommy at daddy ko?" tanong ni Eugene. Bigla ding tumigil si Eugene. Naalala niya ang nangyari sa kanila. Na aksidente sila at nahulog ang kotse sa bangin. Bago siya mawalan nang malay isang liwanag ang nakita niyang bumalot sa kanila ni Aya. Bukod doon wala na siyang naalala.

"Makakaya mo na bang maglakad sasamahan kita sa daddy at mommy mo." wika ni Butler Lee. Mahinang tumango si Eugene. Sinamahan ni Butler Lee si Eugene sa Morque kung saan naka himlay ang katawan nang daddy, mommy at lola niya, nang dumating sila doon kasalukuyang ikini cremate nang katawan nang mga magulang niya.

"Ano to? Bakit ditto mo ako dinala?" asik ni Eugene kay Butler Lee. "Nasaan ang Mommy at daddy ko!"

"Apo gising ka na." wika ni Carmela at lumapit sa apo. "Im so-sorry, Iniwan na tayo nang daddy mo." wika nang matanda at agad na niyakap ang batang lalaki. Ilang sandaling naging bato ang katawan ni Eugene. Hindi niya alam kung paano mag rereact noong isang araw lang masaya pa sila na dumalo sa graduation niya.

"Hindi. Hindi totoo yan." Wika ni Eugene at lumayo sa lola niya. saka pumatak ang luha mula sa mga mata. Hindi niya gustong paniwalaan na sa isang iglap lang nawala na ang kanyang mga magulang.

"Oh Eugene ang kawawa kong apo." puno nang habag na wika ni Carmela at agad na niyakap ang apo. Alam niyang hindi niya kay ang tumbasan ang pagmamahal na ibinigay nang mga magulang nila sa kanila ngunit gagawin niya ang lahat para hindi maramdaman nang magkapatid na wala na silang pamilya. Ang tanging na recover nang mga pulis mula sa incidente ay ang wedding ring nang mag-asawa na siya ring ibinigay nang matandang babae sa binata.

Lalo namang napahagulgol ang labing 15 taong gulang na si Eugene nang tanggapin ang singsing nang mga magulang. Sinabi niya sa mga pulis na nagiimbestiga kung anong totoong nangyari sa kanila. Sinubukang puntahan nang mga pulis si Giovanni at ang grupo nito upang humingi nang statement ngunit hindi na nila inabutan ang lalaki. Umalis na ito kasama ang grupo niya at nagtago. Kahit ang asawa, anak at ama nito hindi alam kung saan nagpunta ang lalaki. Nabigay naman sila nang assurance na tutulong para sa ikakalutas nang kaso.

Hindi inaasahan nang matandang Don ang ginawa nang anak niya. Gusto niya si Harry dahil sa pagiging masipag nito at responsible bagay na hindi niya Makita sa sariling anak.

Minsan nagtatalo sila nang anak niya dahil sa atensyon na ibinibigay niya sa lalaki siguro ito rin ang dahilan kung bakit iyon nagawa ni Giovanni. Naging maramot siya sa pagmamahal para sa anak.

Nasa tabi nang kama ni Aya si Eugene at nakatitig sa wala pa ring malay na kapatid. Paano niya sasabihin sa kapatid na wala na ang mga magulang nilang hindi man lang nito nakita. Paano niya ipapaliwanag sa kapatid ang nangyari.

"Snow paano natin sasabihin kay Aya ang nangyari kay mommy at daddy?" wika ni Eugene sa asong nasa sofa at nakahiga.

Biglang umungol si Aya. Dahan-dahang imunulat nito ang kanyang mga mata. Ngunit wala siyang ibang makita kundi ang dating kadiliman nang paligid niya.

"Ku-kuya." Hintakot na wika ni Aya. agad naman ginagap ni Eugene ang kamay nang kapatid niya. Alam niyang takot na takot ito.

"Narito lang ako." Wika ni Eugene.

"Si Mommy at Daddy? Si Lola?" tanong ni Aya. bigla namang natahimik si Eugene. Paano niya ipapaalam sa kapatid niya ang malagim na sinapit nang pamilya nila. Patay na ang daddy nila at lola Dolores. Hindi na rin Nakita ang katawan nang mommy nila.

"Kuya? Bakit ka natahimik?" tanong ni Aya. "Anong nangyari sa kanila?"

Hindi sumagot si Eugene bagkus at itinungo nito ang ulo. Alam niyang labis na masasaktan si Aya kapag nalaman nito na wala na ang mga magulang nila.

Ngunit hindi niya pwedeng ilihim ang bagay na iyon sa kapatid, mas makabubuting matanggap nito nang mas maaga na ulila na sila.

Labis na nag dalamhati si Aya nang ipinagtapat sa kanya nang kanyang kapatid ang nangyari sa mga magulang nila. masakit na malaman na nawalan ka nang magulang sa isang iglap lang. ngunit mas masakit isipin na wala na ang mga magulang mo nang hindi mo manlang nakikita.

"Ikaw na ang magtago sa singsing ni mommy. Ako naman ang magtatago sa singsing ni Daddy." Wika ni Eugene at inilagay sa kwentas ni Aya ang singsing nang mommy nila.

Sa singsing makikita din ang initial nang mga magulang nila. Sa singsing na iyon nararamdaman ni Aya ang pagmamahal nang mga magulang niya. Mga magulang na hindi man lamang niya Nakita hanggang sa huling sandali nang buhay nang mga ito.

Alam na Eugene na sa puntong iyon nang buhay nilang magkapatid. Kailangan niyang maging gabay ni Aya ang maging ina at ama para ditto. At ipinangako niya sa labi nang mga magulang niya na aalagaan niya si Aya at poprotektahan kahit na ano mang mangyari.

Nang makalabas nang hospital ang magkapatid, inayos agad ni DOnya Carmela ang passport at visa nang magkapatid. Isasama na niya ang dalawa. Hindi siya papayag na malayo sa mga anak niya gayong ito na kamang ang naiwang alala nang kanyang mahal na anak. Ngayong ulila na ang mga apo niya kailangang siya ang mag-alaga sa mga ito. Nakikita niya sa mga mata ni Eugene ang anak niyang si Harry she knows isang responsableng bata ang panganay nito.

Nang dumating sina Aya at Eugene sa bahay nang lola nila sa korea. Nakilala nila doon ang kapatid nang daddy nila si Elena at ang nag-iisa nitong anak na si Bernadette. Kasing gulang lang ito ni Eugene. Gaya nang inaasahan hindi nagustuhan nang dalawa ang biglang pagdating nila.

"Its good to finally meet you." Wika ni Elena at hinalikan sa pisngi ang magkapatid. Alam ni Eugene na hindi naman talaga sila welcome sa bahay na iyon nararamdaman niya iyon sa kilos nang Tiya Elena niya. alam niyang nagpapanggap lang ito sa harap nang lola Carmela nila. ngunit wala siyang sinabi sa kapatid niya, ayaw niyang takutin si Aya.

Alam niyang nag dadalamhati pa ito sa pagkawala nang mga magulang nila.

Sa pananatili nila sa bahay nang lola niya. tuwing kaharap nila ang matanda, parating nakangiti sa kanila ang Tiya Elena nila. ngunit kapag hindi nakaharap ang lola nila. kung ano anong masasamang salita ang sinasabi nito sa ama nila. kesyo, sumama ito sa isang mahirap na babae. At binigyan nang sakit nang ulo ang pamilya nila.

Ramdam ni Eugene ang disgust nang tiya nila sa kanilang magkapatid. Hindi na lamang siyan nagsalita ayaw niyang bigyan nang alalahanin si Aya lalo pa at masaya itong makasama ang lola nila. nakikita niyang hindi masayadong umiiyak ang kapatid niya at masaya siyang ganoon nga ang nakikita. Nakakalimutan nito ang trahedya na nangyari sa pamilya nila.

Isang gabi habang pababa si Eugene patungo sa kusina, nadaanan niya ang bukas na study room nang Tiya Elena niya. naroon sa loob nang silid ang isang lalaki at ang pinsan nilang si Bernadette. Hindi ugali ni Eugene na making sa usapan nang iba ngunit hindi niya napigilan anng sarili nang marinig na binaggit nang tiya Elena nila ang pangalan nila ni Aya.

"Hindi ako papaya na sa isang iglap lang mawawala sa aking ang lahat. Alam kung mahal ni mama carmela ang anak niyang si Harry. Ngunit ano baa ng ibinigay nito sa kanya? Hindi ba sakit lamang nang kalooban? Umalis ito sa poder niya at sumama sa isang mahirap na babae. Ngayon wala na ito bigla namang darating ang mga anak nila at aangkinin ang dapat sa atin! Hindi ako papayag na si Bernadette ang nawawalan." Gigil na wika ni Elena.

"Ngunit, ang magkapatid ang tunay na taga pagmana." Wika nang isang lalaki.

"Kaya nga kailangan ko nang tulong mo Atty. Isang makatutuhanang aksidente lang pwede na nating masolo ang kayamanan nang matanda. Maraming taon kung pinaghirapan na makuha ang loob nang matanda hindi ako papayag na mga paslit lang ang sisira nang plano ko." wika pa nito.

"Madali namang gumawa nang aksidente. Ako na ang bahala doon." Wika nang lalaki. Biglang nahintakutan si Eugene. Hindi sila magiging ligtas ni Aya sa lugar na ito. Nangako siya sa libingan nang mga magulang na hinding-hindi niya iiwanan at pababayaan ang kapatid niya. ngayong dalawa na lamang sila siya lang ang maaaring promotekta sa kapatid niya.

Hindi na tumuloy sa pagbaba si Eugene bagkus ay nagtungo siya sa silid nang kapatid. Marahan niyang ginising ang kapatid.

"Bakit Kuya?" tanong ni Aya sa kapatid nang magising maging ang aso nila na nasa baba nang kama ay bigla ding tumayo

"Magbihis ka aalis na tayo." Wika ni Eugene at kumuha nang makapal na jacket para sa kapatid. Makapal na ang snow sa labas tiyak na lalamigin ito.

"Bakit tayo aalis?" gulat na wika ni Aya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag, bilisan mo nang kumilos."wika ni Eugene at kinuha ang isang backpack ni Aya at nilagyan nang damit. Nang makapagbihis ang kapatid. Tahimik silang umalis sa mansion kasama ang aso nila. Maingat ang dalawa upang hindi makagawa nang ingay. Nakalayo sila sa mansion nang hindi nalalaman nang mga bantay nang lola nila. sumakay sila nang taxi patungo sa airport.

Hindi maunawaan ni Aya kung bakit sila umalis ngunit, Malaki ang tiwala niya sa kuya niya alam niyang may dahilan ito.

Dalawang ticket ang binili nang kuya niya pabalik nang Pilipinas. Iyon lang ang alam ni Eugene na paraan para mailayo ang kapatid mula sa kapahamakan.

"Kuya hindi ba natin babalikan si Lola?"tanong ni Aya sa kapatid niya.

"Hindi muna ngayon." Simpleng wika ni Eugene. Alam niyang mag-aalala ang lola nila. ngunit wala siyang plano na manatili sa lugar na hindi garantisado ang kaligtasan nang kapatid niya.

Umaga na nang mapansin ni Butler lee na nawawala ang magkapatid. Pinuntahan niya sa silid niya si Aya dahil nais sanang makasalo nang matanda ang magkapatid sa almusal. Ngunit hindi na niya nakita ang mga ito.

"Mouragoyeo!" gulat na wika ni Carmela nang ipagtapat sa kanya ni Butler lee na umalis ang magkapatid. Inutusan nito ang mga gwardiya na sundan sa airport ang magkapatid. Inilagay din nila sa blocklist ang pangalan nang magkapatid para hinsi makaalis nang bansa ngunit huli na sila. Gabi pa nang maka alis nang korea ang magkapatid.

"Just as I thought, kagaya sila ni harry, mas pinili ang ----" wika ni Elena na naputol

"Ayoko nang marinig mula sa iyo ang mga salitang yan Elena. Lalo na kung hindi makabubuti. Tiyak kung dahil sa mga masasama mong salita kaya naglayas ang mga apo ko." agaw nang matanda.

"Ano?" gimbal na wika ni Elena.

"OO, tama ang dinig mo. Alam kung masama ang loob mo sa anak ko. at alam kung hindi mo gustong kinuha ko anak niya. Ngunit hindi mo pwedeng ipagkaila na sila anng tunay kong mga apo." Wika nang matanda. napatiim bagang si Elena.

Alam niyang pranka kong magsalaita ang matanda ngunit hindi niya akalain na masyado siya nitong minamaliit. Hanggang ngayon pa rin ba hindi pa rin pamilya anng turing nito sa kanila.

"Butler Lee, See to it that you will be able to find my grand children." Anito sa butler. "Makapal ang snow sa labas at malamig. Baka mapahamak sila." Sa pag hahanap nito sa magkapatid napag alaman ni Butler Lee na bumalik nang Pilipina ang magkapatid. Agad na pinaalam nang Butler ang bagay na iyon sa matanda.

Labis na nabigla si carmela. Hindi niya akalain na gagawin iyon nang magkapatid. Ngunit ano ang nagtulak sa kanila para lisanain ang poder niya nang walang paalam.

Agad namang tinawagan nang matanda ang mga tauhan sa pilipinas upang hanapin ang magkapatid. Nang lumapag sa Airport ang eroplanong sinasakyan nang magkapatid. Agad na napansin ni Eugene ang mga lalaking nakasuot nang itim na suit. Gaya sa mga napapanood niyang Action film alam niyang may mga hinahanap din ang mga ito. Alam niyang maimpluwensya ang lola nila pwede nito utusan kahit na ang mga pulis para hanapin sila at ibalik. Ngunit hindi siya papayag na ibalik sila sa lugar na iyon kung magiging sanhi lang noon ang kapahamakan nila.

Para hindi sila mapansin nang mga lalaking naghahanap sa kanila. Sumabay sila ni Aya sa paglabas sa mga tourista. Ligtas naman silang nakalabas sa airport nang hindi napapansin nang mga lalaki.

"Kuya saan na tayo pupunta?" tanong ni Aya sa kapatid niya. kanina pa sila palagad lagad wala naman silang destinasyon. Bukod doon napaka init din nang sikat nang araw.Alam ni Eugene na napapagod na si Aya. Halos wala pa itong tulog tapos ngayon ay naglalakad sila sa mainit na kalsada.

Naiisipan niyang tumigil sa isang fast food chain para kumain. Hindi pa man sila nakakapasok ni Aya nang biglang may isang binatilyo ang umagaw sa bag ni Eugene. Panay ang kahol ni Snow nang Makita ang binatang kumuha nang bag na tumakbo. Tatakbo din sana ito upang habulin ang lalaki kaya lang dahil nakatali siya at hawak ni Eugene ang tali niya hindi ito nakatakabo. Ibinigay ni Eugene at tali ni Snow sa kapatid.

"Snow bantayan mo Aya." Wika ni Eugene at agad na hinabol ang lalaki. Panay din ang tahol ni Snow habang inihahatid nang tingin ang papalayong binata.

"Kuya bumalik ka kaagad." Wika ni Aya. Natatakot siyang maiwang walang kasama sa lugar na iyon. Naririnig niya ang palabas at pasok nang mga tao sa isang pinto na malapit sa kanya. Buti na lamang at kasama niya ang aso nila kahit papaano hindi siya nakakaramdam nanglabis na takot. Kaya lang nangangamba siya dahil hindi pa rin bumabalik ang kuya niya.

"Hoy! Bumalik ka Dito! Ibalik mo ang bag ko."ani Eugene at hinabol ang lalaki. Iniwan niya si Aya sa harap nang fast food chain. Laman nang inagaw na bag niya ang pera nilang magkapatid ang iyon lamang ang nadala niya dahil sa pagmamadaling makatakas sa mansion.

"Bilis Tumakbo nang Mokong na to."wika nang binatang umagaw sa bag ni Eugene. Malapit na siyang maabutan nang binata kaya mana itinapon niya sa baba nang tulay ang bag kung saan may isang lalaki din ang nag aabang at sumalo sa bag. Sa halip na ang una ang habulin ni Eugene ang lalaking nasa ibaba nang tulay ang hinabol niya. sa paghahabol niya sa binata, dinala siya nang mga paa niya sa isang abandonadong building, kung saan nakita niya ang ilan pang mga bata.

Nakita niya ang bag niya na hawak nang isang lalaki na sa palagay niya ay siyang tumatayong leader nang grupo.

"Pambihira, ang tigas din nang ulo mo. hanggang ditto ba naman sumunod ka parin." Wika nang lalaki.

"Ibalik niyo sa kin ang bag ko." wika ni Eugene habang hinahabol ang paghinga.

"Ano ba ang laman nang bag mo at hinabol mo pa ako hanggang ditto." Wika nang lalaki at binuksan ang bag ni Eugene.

Ngunit hindi nakita nang lalaki ang laman nang bag niya nang bigla itong agawin ni Eugene. Ang bilis nang kilos nang binata wari'y isang kidlat. Ikinagulat din nang lalaki ang kilos ni Eugene.

"You should learn not to touch things which does not belong to you." Galit na wika ni Eugene.

"Aba!" inis na wika nang lalaki. Biglang naalerto si Eugene nang bigla na lamang nagsilabasan ang ilan pang mga binata.

"Huwag kang magtapang-tapangan ditto. Kung ayaw mong masaktan ibigay mo na lang sa amin ang bag nayan." Wika nang lalaki.

"Hindi ko to ibibigay." Mariin na wika ni Eugene.

"Turuan nang leksyon ang isang yan!" wika nang lalaki. Matapos mag bigay nang utos ang lalaki sabay-sabay na sinugod nang mga lalaki si Eugene. Pilit na ipinagtanggol ni Eugene ang sarili niya at prinotektahan ang bag niya.

Ngunit wala siyang labas sa naparaming mga lalaki, bukod doon alam niyang sanay sa basag ulo ang mga ito. Na bugbug nang husto si Eugene at kinuha din nang mga lalaki ang bag niya.

"AYA." Mahinang ungol ni Eugene bago siya mawalan nang malay. Dahil sa paghahabol niya sa bag niya, nakalimutan niya si Aya na naiwan sa harap nang fast food chain. Nag sisisi siya na inuna niya ang bag niya kesa sa kapatid niya. Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kapatid niya.

"Kuya nasaan kana!" umiiyak na wika ni Aya habang nasa labas nang fast food chain. Kumagat na ang dilim at nagsara na din ang fast food ngunit hindi siya binalikan nang kapatid niya. BIglang bumuhos ang malakas na ulan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at kung saan hahanapin ang kapatid niya. Dahil hindi niya alam kung saan pupunta wala siyang ibang nagawa kundi ang maupo sa tabi at yakapin ang aso nila.

"Kuya! Ayokong mag isa. Nasaan ka na ba!" umiiyak na wika ni Aya. naramdaman niya ang mga taong labas pasok sa isang pinto ngunit hindi naman niya alam kung anong lugar iyon. Sabin ang kuya niya huwag siyang umalis sa lugar na iyon kaya naman hindi rin siya kumilos.

"Hoy Gising!" untag nang isang tinig kay Eugene. Naramdaman niya ang pag tapik nito sa braso niya.

Agad naman niyang napabalikwas nang bangon nang maramdaman ang tapik na iyon, napansin niyang nasa isang lugar siya na puno nang mga karton.

"Balak mo nalang bang matulog diyan? Bago ka ditto no?" tanong nang isang binata. Ngayon lang nakita ni Eugene ang binatang ito. Hindi ito kasama sa mga bumogbug sa kanya.

"Mukhang nakahanap na naman sina Raul nang mapagtitripan." Wika nang binata. "Kaya mo bang tumayo?" wika nito at inilahad ang kamay. Ngunit sa halip na tanggapin kusang tumayo si Eugene at naglakad patungo sa labasan.

"Saan ka sa palagay mo pupunta?"tanong nang lalaki at pinigilan siya.

"Aalis sa lugar na ito." Sagot ni Eugene.

"Aalis? Nagpapatawa ka ba? Wala nang pumapasok sa death zone na nakakalabas nang buhay." Wika nang lalaki. Hindi naman makapaniwala si Eugene sa narinig. Wala siyang panahon na manatili sa lugar na iyon iniwan niyang nagiisa ang kapatid. Alam niyang delekado para ditto ang mag-isa wala itong alam sa lugar na iyon.

"Wala akong paki alam sa kung ano man ang tawag niyo sa lugar na ito. Hindi ako pwedeng magtagal ditto." Wika ni Eugene at tinaboy ang kamay nang lalaki.

"Huhulaan ko wala kang ideya kong ano ang napasok mo." umiiling na wika nito. "Nakikita mo yun?" wika nito at itinuro ang lalaking may dalang baril na nasa bukana nang sirang building. "Kapag nakita niyang lumabas tayo sa lugar na ito nang hindi nila pinahihintulutan. Tiyak na pamamahayan nang bala ang katawan mo." wika nito.

"Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito. Nasa kalye ang kapatid ko.Wala siyang alam sa pasikot sikot sa paligid. Pwede siyang mawala at hindi na kami magkita. Kung mamatay man ako, paano ako haharap sa mga magulang ko sa kabilanng buhay at paano ko sasabihin sa kanila na mas pinili ko ang makaligtas kesa hanapin ang kapatid ko." galit na wika ni Eugene at marahas na tinaboy ang kamay nang lalaki.

"Sabihin mo nga hindi ka ba nakakaintindi nang tagalog? PAPATAYIN KA NILA oras na lumabas ka ditto." Wika pa nang lalaki.

"Hindi ako pwedeng mamatay hanggat hindi ko nasisigurong ligtas ang kapatid ko." wika ni Eugene at tumingin nang derecho sa mata nang lalaki. Habang nakatingin ang lalaki sa mata ni Eugene ramdam niya na kahit anong sabihin niya hindi rin maniniwala sa kanya ang lalaking ito.

"Crazy jerk." Singhap nang binata. nababasa niya sa mata nito na hindi niya ito magagwang pigilan.

"HAY!" napabuntong hininga na wika nito. "Ngayon lang ako nakakilala nang isang baliw na kagaya mo. Julianne Ramirez iyon ang pangalan ko." wika nang lalaki at nagsimulang tanggalin ang mga karton na pinagpatong patong.

"Hindi mo ba ako tutulungan? Akala ko ba gusto mong makaalis sa lugar na ito?" wika ni Julianne at bumaling kay Eugene kahit nag tataka tinulungan naman ni Eugene ang binata sa pag aalis nang mga kahon.

Ganoon na lamang ang gulat ni Eugene nang makita ang isang maliit na pinto na natatakpan nang mga kahon.

"Tayo na!" wika ni Julianne at binuksan ang pinto. Wala namang kibo si Eugene na sumunod sa binata. Isang tunnel ang nasumpungan nang dalawa. Isang tunnel na nag uugnay sa isang drainage sa labas nang isang estasyon.

"Saiyo ko lang ipinakita ang sekreto kong lagusan kaya naman ----" biglang naputol ang sabihin ni Julianne nang biglang tumakbo si Eugene.

"ABA ang batang iyon. Hindi man lang nagpasalamat." Wika ni Julianne at hinabol ang binata. Nasa isip ni Eugene ang iniwan niyang kapatid. Madilim na ang gabi at malakas ang ulan. Hindi niya alam kung nasa lugar parin na iyon ang kapatid niya. ngunit kailangan niyang subukan.

Patuloy ang pag-iyak ni Aya habang nababasa nang ulan, hindi niya magawang umalis sa kinalalagyan niya. gusto niyang abutan siya nang kuya niya sa parehong lugar kung saan siya nito iniwan. Alam niyang babalikan siya nito. Ngunit ilang oras na siyang nakaupo sa bahaging iyon hindi pa rin dumarating ang kuya niya.

Maya-maya pa bigla na lamang nakaramdamdam nang pagkahilo si Aya. Hanggang sa tuluyang bumgasak ang katawan niya sa lupa. Narinig niya ang kahol ni Snow at ang pagbuwal nito sa kamay niya ngunit kahit pipilitin niya buksan ang mga mata niya hindi niya magawa tila wala siyang lakas upang gawin iyon. Unti-unti humihina ang tahol ni Snow sa pandinig niya hanggang sa tuluyan na itong mawala.

Isang lalaki ang nakakita sa kanya. Binuhat niya ang batang babae at isinakay sa kotse. Dinala niya ang bata sa isang hospital dahil sa taas nang lagnat nito. Hindi rin nito naiwan ang aso dahil agad itong sumunod nauna pa itong sumakay sa kotse maging sa hospital kahit na panay ang taboy nang mga nurse hindi umalis ang aso sumama din ito kahit sa silid na pinagdalhan sa batang babae.

Hindi nagpakilala ang lalaking tumulong sa batang babae, bigla na lamang itong umalis sa hospital nang masigurong ligtas na ang batang babae.

"AYA!" mahinang wika ni Eugene nang dumating sa fast food chain kung saan niya iniwan ang kapatid. Ngunit kahit saang bahagi niya hanapin ang kapatid hindi niya Nakita doon ang batang babae.

"Aya nasaan ka." Wika ni Eugene. Basa na siya sa ulan at hindi niya alam kung saan hahanapin ang kapatid niya. Kung hindi sana niya iniwan ni Aya hindi ito mawawala. Nag-aalala siya para ditto.

"Sino bang hinahanap mo ditto?" Wika nang binatang kasama niya. Habang sumusunod sa aligagang si Eugene.

"Ikaw ang may kasalanan nang lahat nang ito. Kung hindi mo kinuha ang bag ko hindi sana mawawala ang kapatid ko!" asik ni Eugene. Saka hinawakan ang kuwelyo nang damit ni Julianne.

"Hoy! Hindi ko sinabing iwan mo ang kapatid mo!" asik ni Julianne saka marahas na tinanggal ang kamay ni Eugene sa damit niya. "Kung hindi mo ako sinundan sana hindi nawala ang kapatid mo. Pasalamat ka nga at pinatakas kita."

Hindi nakapagsalita si Eugene. Alam niyang kasalanan niya kung bakit nawawala ang kapatid niya. kung hindi sana niya inuna ang bag niya dana kasama pa niya ang kapatid niya.

"Bukas na natin hanapin ang kapatid mo. Sa ngayon umuwi muna tayo."

"Hindi ako aalis ditto." Giit ni Eugene na patuloy na umikot sa lugar na tila hindi naman alam kung saan pupunta.

"Anong gagawin mo ditto ka matutulog? I kung magkasakit ka? Paano mo hahanapiin ang kapatid mo. Nag-iisip ka ba?" asik ni Julianne sa binata saka hinawakan ang braso nito. Bigla namang huminto sa paglalakad ag binata.

Naiisip ni Eugene na tama ito kapag nagkasakit siya paano niya hahanapin ang kapatid niya. kailangan niyang maging malakas para magawa niyang protektahan ang kapatid niya gaya nang ipinangako niya sa mga magulang niya. Wala rin siyang kilala sa lugar na ito. Kung hindi siya sasama sa lalaking ito tiyak na hindi siya makakatagal.

"Salamat sa tulong mo. Julianne kamo ang pangalan mo? pasensya ka na kung nasungitan kita nag-aalala lang ako sa kapatid ko. May kapansanan siya. Baka kung ano nang mangyari sa kanya." Wika ni Eugene. Nang dumating sila sa maliit na bahay ni Julianne sa isang squatters area. Binigyan siya nito nang tuwalya para magpatuyo.,

"Pinatakas kita sa death Zone at tinulungang hanapin ang kapatid mo. Bukod doon binigyan din kita nang matutulugan, ngunit hindi ko manlang alam ang pangalan mo." wika ni Julianne kay Eugene.

"Ah, Pasensya na nawala sa isip ko. Eugene Heartfellia iyon ang pangalan ko." Wika ni Eugene.

"Ano naman ang ginagawa niyo ditto? Sa unang tingin makikita kaagad na hindi ako mula sa lugar na ito. Isa pa, sa kutis niyo at pananamit. Natitiyak kung hindi kayo mga batang kalye. Mga takas kayo no? Lumayas kayo sa bahay niyo?" Wika ni Julianne. "Tsk. Kakaiba talaga ang mga anak mayaman. Madali lang para sa inyo lumayas. Tapos kapag napadpad sa kalye ano?"

Taka lang na naka tingin si Eugene sa binata. Sa lahat nang mga street kids ito palang nag nakita niyang dissenting tingnan at kung magsalita para itong matandang tao. Siguro marahil na rin sa pananatili nito sa kalsada kaya naman mature ito kung mag-isip, marahas ang mundo sa labas para sa mga katulad niyang nabuhay sa kanlungan at pangangalaga nang magulang niya. Bagay na lalo niyang ikinabahala. Paano na lamang si Aya.

"Bakit?" tanong n Julianne nang mapansin ang titig ni Eugene sa kanya.

"Ah, Wala naman. Mula kami sa isang malayong probinsya. Namatay na ang mga magulang namin kaya kami napadpad ditto." Simpleng wika ni Eugene.

"Kung mananatili kayo sa lugar na ito hayaan mong pagpayuhan kita. Dito lahat nang mga batang kalye, kasama sa isang Grupo. Pinamumunuan ang grupong iyon ni Aldo. Walang pwedeng mang delihensya kung hindi niya pahihintulutan. Malupit ang mundo ditto sa labas. Sigurado ba kayong kaya niyo?" ani Julianne kay Eugene.

"Wala akong planong mabuhay sa kalye. Hahanapin ko ang kapatid ko at aalis kami sa lugar na ito." Simpleng wika ni Eugene. Napatingin naman si Julianne sa binata. 8 taon na siya sa kalsada ngayon lang siya nakakita nang taong ayaw mabuhay sa kalye matapos iwan nang magulang. Sa mga katulad nila, ang kalye na lamang ang natitirang lugar na pwedeng kamanlong sa kanila.

"Wala kang ibang pagpipilian. Ito na ang huling destinasyon sa mga katulad nating walang magulang." Wika ni Julianne sa binata.

"Parati tayong may pagpipiliin. Kaya lang nagkakaiba tayo nang mga desisyon." Wika ni Eugene. "Nangako ako sa mga magulang ko na hindi ko hahayaang magdusa si Aya. At hindi ako sisira sa pangako ko." determinadong wika ni Eugene. Lalo namang humanga si Julianne sa binata. Kakaiba ito sa lahat nang mga nakasalamuha niya sa kalye. May panindigan ang binata. Bukod doon isang pamilyar na pakiramdam ang nararamdaman niya sa binata. Ito rin ang dahilan kung bakit siya lumapit sa binata. Habang nakikilala niya ang binata lalo siyang humahanga sa pagiging matatag at responsible nito.

"So anong plano mong gawin ngayon?" Tanong ni Julianne kay Eugene.

"Kapag nahanap ko na si Aya. Maghahanap ako nangtrabaho at lalayo sa lugar na ito." wika ni Eugene.

"Alam mo ba kung gaano ka hirap mag hanap nang trabaho. Sa isang tingin palang sa iyo. Mukhang hindi ka sanay sa mga mabibigat nagawain." Ani ni Julianne.

"Makakaya kong magtrabaho." Wika ni Eugene. Iyon lang ang naiisip niyan paraan. Hindi na niya nais na bumalik sa poder nang lola niya kung mapapahamak lang din naman ang kapatid niya.

Kinabukasan, muling bumalik sina Julianne at Eugene sa lugar kung saan nila iniwan si Aya ngunit nabigo silang makita ang batang babae. Wala ding makapagsabi kung may Nakita silang bata doon. Ilanga raw na nagpbalikbalik doon sina Eugene at Julianne ngunit na bigo silang makita si Aya.

Nagising ang dalawa dahil sa malakas na pagbukas nang pinto nang bahay ni Julianne. Nabungaran nila sa pinto ang isang lalaking may balbas kasama ang mga binatang bumugbog kay Eugene.

"So ikaw pala ang nagpatakas sa isang yan." Anas nang lalaki at lumapit kay Julianne saka walang pasabing hinawakan ang kuwilyo nang damit ni Julianne. "Ang lakas nang loob mong kalabanin ako." Wika nang lalaki at sinikmuraan si Julianne.

Nang bitiwan nito si Julianne napaluhod ang binata sa sahig dahil sa sakit saka naman bumalik ang lalaki kay Eugene.

"Ang sama mong makatingin." Ani to kay Eugene.

"Hayaan mo na siyang makaalis." Ani Julianne at hinawakan ang binti nang lalaki dahilan para mapahinto ito sa paglalakad.

"Huwag kang makialam." Anito at sinipa si Julianne. Sa lakas nang sipa nito tumama ang katawan ni Julianne sa mesa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" asik ni Eugene sa lalaki. "Bago pa ako tumawag nang pulis umalis na kayo." Wika ni Eugene.

"Pulis?" maang na wika nang lalaki. "Tatawag daw siya nang pulis?" nakangising wika nito at humarap sa mga tauhan. Natawa naman ang mga binata. Inilabas nang lalaki ang chapa niya at ang ID nito. ganoon na lamang ang gulat ni Eugene nang makita ang ID nito. Sgt Aldo Navales. Iyon ang nakasulat sa ID nito.

"Bakit ka pa tatawag nang pulis? Kung may pulis naman ditto." Nakangising wika nang lalaki. Napakuyom ang kamao ni Eugene dahil sa labis na pagkairita sa lalaki. Kaya pala ang lakas nang loob nito dahil isa pala itong pulis. Isang nakakahiyang miyembro nang pulis.

"Sgt. Matapang ang isang yan. Magagamit natin siya." Wika nang lalaki sa pinuno nila.

Napalingon siya kay Julianne na nakayuko sa may sahig sinenyasan siya nito na lumabas. Kahit na walang ano mang salita na lumabas as bibig nila, sa pamamagitan nang mga tingin alam na agad nila ang gagawin. Bigla na lamang tumayo si Julianne at sinunggaban si Aldo.

"Eugene takbo!" wika nito sa binata. Agad namang itinulak ni Eugene ang isang lalaki at nagmamadaling tumbao palabas. Agad ding tumayo si Julianne at sumunod sa binata.

"Anong ginagawa niyo habulin niyo sila!" galit na wika ni Aldo.

Isang makipot na eskinita ang tinatakbuhan nang dalawa para hindi sila tuluyang mahabol nang mga lalaki, tinabig ni Julianne lahat nang mga kahon nang soft drinks na nadaanan nila. nakalabas na sila nang eksinita patawid na sana sila nang kalsada nang bilang bumusina nang malakas ang isang itim na sasakyan. Agad namang napahinto ang tatlo.

"Hoy! Balak niyo bang magpakamatay!" asik nang driver sa kanila.

"P-Pasensya na ho." Wika ni Eugene.

"Bakit?" tanong nang isang matadang lalaki na lulan nang kotse sa driver niya.

"May mga tatanga-tanga kasi na gustong tumawid sa kalsada. Muntik ko nang masagasaan." Sagot nito.

Bumukas ang pinto sa likod at mula doon iniluwa ang isang matandang lalaki na puti ang buhok at may tungkod. Nakita nilang naglakad palapit sa kanila ang matanda. napalingon ito sa mga lalaking nasa di kalayuan bago bumaling sa kanila.

"I wont ask why you are running. Allow me to offer some help." Wika nito at ngumiti kay Aya. Agad namang nag kubli si Aya sa likod ni Eugene at Julianne. "You are running away from them, are you not?" baling nito kay Eugene.

Simple namang nilingon ni Eugene ang grupo ni Aldo.

"Sumakay na kayo." Anang lalaki at naglakad patungo sa kotse ngunit huminto din ito nang mapansin nan hindi sumunod ang tatlo. "Hindi ako masamang tao. Gusto ko lang tumulong." Wika nito.

"Tayo na!" wika ni Eugene kay Julianne. Hindi na nag-isip ang dalawang binata. Kung hindi sila makikipagsapalaran hindi sila makakaligtas sa mga humahabol sa kanila.

Dinala sila nang lalaki sa isang Mansion. Doon nakilala nila ang nag-iisang anak nang lalaki na si Jenny Ledesma, 15y/o.

"Sino sila Papa?" tanong ni Jenny sa ama nang makita ang tatlo.

"Mga bagong kaibigan." Nakangiting wika nito. "Nakita ko silang nangangailangan nang tulong kaya isinama ko sila ditto. Diba sabi mo dati nais mong magkaroon nang mga kalaro?" wika nito sa anak.

"Ikinagagalak ko kayong makilala ako nga pala si Jenny." Wika nang dalagita at inilahad ang kamay.

"Julianne Ramirez." Wika ni Julianne at inabot ang kamay ni Jenny. "Siya naman ang mga kaibigan ko si Eugene." Pakilala ni Julianne.

Hindi na muling dinalaw nang lalaki si Aya sa hospital. Wala ring ibang kamag-anak ang dumadalaw sa batang babae. At dahil maykapansanan, hindi naman magawa nang mga doctor na paalisin ang bata sa hospital. Isang Nurse ang nagmagandang loob at nag alok nang tulong sa batang babae. Dinala niya si Aya sa bahay nila kasama ang aso nito na kahit anong gawin niya ayaw umalis sa tabi ni Aya.

"Sino naman yang dala mo?" Singhal nang isang lalaking nakaupo sa sofa at may hawak na bote nang alak. Napatingin din ito sa asong nasa tabi nang batang babae. "Nagdala kapa nang isa pang alagain. Ibenta mo na lang yan sa mga taga katay nang aso nang magawang pulutan." Wika nito. Tumahol si Snow sa lalaki. Umakto din ito susugod sa lalaki at ipinakita ang matutulis na ngipin tanda nang galit nito.

"Ang aga pa alak na naman ang hawak mo." Wika nang babae at tumuloy sa loob nang bahay at inakay si Aya papasok.

"Maupo ka muna ditto ikukuha kita nang maiinom." Wika nang babae at pinaupo si Aya sa isang upuan sa tabi nang lalaki. Naupo naman ang aso sa pagitan nila. Matamang tinitigan nang lalaki si Aya.

"Ano tong dala mo Dana? Bulag pa ata. Magdadala ka na manlang nang bata ditto. Ang dalhin mo yung may silbi." Wika nito.

"Wala na siya mapupuntahan, iniwan siya sa hospital at hindi na binalikan. Naawa ako kaya naman dinala ko ditto. Matagal mon ang sinasabi na gusto mong magkanak kaya naman heto meron na tayong anak. AT tingnan mo ang ganda niya hindi ba." Wika ni Dana at lumapit kay Aya saka ibinigay ang baso na may lamang orange juice.

Nararamdaman niyang mabuting tao ang babaeng ito. Ngunit ang lalaking nasa tabi niya. Natatakot si Aya ditto. Nararamdaman niyang hindi siya nito gusto. Kaya lang wala naman siyang ibang mapuntahan hindi niya alam kung saan hahanapin ang kuya niya. Sabi naman sa kanya ni Dana na tutulungan siya nitong hanapin ang kuya niya. Kaya lang paano niya iyon gagawin hindi naman niya alam kung ano ang itsura nang kuya niya.

"Snow, hinahanap kaya tayo ni Kuya?" Tanong ni Aya sa katabi niyang aso habang nakaupo. Tuwing gabi nakatingin siya sa langit at humihiling na sana magkita na ulit sila nang kuya niya. Ilang araw na rin ang nakalipas simula nang tumira siya sa Bahay ni Dana at ang asawa nito mabait ang babae ngunit hindi asawa nito. Bukod sa pagiging lasinggo wala ito trabaho at tamad.

Hindi niyo ba gusto ang pagkain?" tanong ni Gustavo sa tatlo habang naghahapunan sila. Napansin niyang hindi agad kumain ang dalawang binata waring nag aalangan ang mga ito.

"Ayaw niyo ba nang pagkain?" tanong ni Jenny.

"Kumain na kayong dalawa. Kakailanganin niyo nang lakas mamaya." Wika ni Ramon sa dalawang binata. Nagkatinginan sina Julianne at Eugene bago nagsimulang kumain. Kahit naman maganda ang bahay na tinitirahan nila hindi mawala sa isip ni Eugene ang kapatid niya.

Ilang araw na niya itong hindi nakikita. Nag-aalala na siya sa kung ano ang nangyari ditto.

Kapwa nagulat sina Julianne at Eugene nang malaman kung anong klase anng trabaho nang lalaking nagligtas sa kanila. Isang pinuno nang gangster ang lalaki, may mga illegal itong Gawain at si Ramon ang kanang kamay. Isang bodega ang pinuntahan nila kung saan isang palitan nang mga illegal na droga ang magaganap. Sinabi sa kanila nang matanda na iyon ang uri nang trabaho nila. Hindi makapaniwala si Eugene sa napasukan niyang mundo. Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang maghihintay sa kanila ni Julianne. Sa isang banda nakahinga nang maluwag si Eugene dahil wala doon si Aya Hindi niya gugustuhin na lumaki si Aya at makagisnan ang ganoong buhay. Alam niyang hindi rin iyon magugustuhan nang mga magulang nila.

Personal na kinausap ni Eugene si Gustavo at sinabi ang nasa loob niya, Malaki ang pasasalamat niya dahil sa tulong nito sa kanila at dahil binigyan sila nito nang matutulyan. Sinabi din niya sa matanda an hindi niya kayang sikmurain ang uri nang trabaho nito. humanga ang matanda kay Eugene. Inamin din ni Eugene sa matanda na balak niyang pumasok sa Military Academy. Akala nang matanda nagbibiro lamang si Eugene ngunit nang makita niya ang katapatan sa mga mata nito hindi na siya nag dalawang isip. Sa kabila nang pa gamin ni Eugene sa mga nasa loob niya hindi siya pinakawalan nang matanda.

Nais parin siya nitong gawing trabahador niya. nais niyang mag trabaho si Eugene sa kanya dahil sa pagiging matapat nito. dahil sa katapatan ni Eugene, biglang nagbago ang pananaw nang matanda. sa unang pagkakataon, nabuksan ang mga mata niya na may ibang bagay pa siyang pwedeng gawin at iyon ay bagay na makakabuti para sa anak niya..

Hindi nagustuhan ni Ramon ang biglang pagbabago nang matandang lalaki. Bigla na lamang inihinto na nito ang mga illegal na transaction at binigyan nang babala ang mga tauhan na oras na malaman niyang nilabag nang mga ito ang utos niya paalisin niya ang mga ito. Maging si Jenny ay nabigla sa pagbabago nang ama. Dati naman wala itong masyadong oras sa kanya ngunit bigla na lamang nagkaroon na ito nang oras sa kanya. Madalas kapag nagkakausap nila parati nitong binabanggit ang pagkagalak nito na nakilala sina Eugene.

Masaya siya para sa ama niya. Sina Julianne at Eugene ay itinuturing siyang nakakabatang kapatid. Minsan ang dalawa ang naghahatid sa kanya sa school nila. dahil sa dalwang binata wala nang mga nang bubully sa kanya.

Dati parati siyang tinawag na putok sa buho at anak nang criminal. Ngunit dahil kay Eugene at Julainne tumigil ang mga nang lalait sa kanya. Wala naman talaga siyang pakailam kung ano ang tawag sa kanya nang mga tao.

Dahil din sa pagdating ni Eugene at Julianne sa bahay nila napansin ni Jenny na madalas na siyang makipag-usap sa mga tao. Dahil sa pagiging kalog ni Julianne mas madalas na siyang naka ngiti. Ngunit kung naging mabuti para sa kanila ang nangyari iba naman ang palagay ni Ramon hindi niya nagustuhan na tumigil ang matanda sap ag nenegosyo.

Noon pa nais na niyang siya ang mamahala sa samahan kapalit nang matanda ngunit ngayong huminto na ito hindi na matutupad ang balak niya. At hindi niya matatanggap ang bagay na iyon. Napapansin ni Ramon na mas nagiging malapot si Gustavo sa dalawang binata. Mas madalas na ang dalawang binata ang kasma nito kisa sa kanya. At hindi niya gusto ang nakikita niya.

Nalaman ni Gustavo na nakakipag kalakalan si Ramon sa black market, ibinenta nito ang natitira nilang pekeng pera. Hindi nagustuhan nang matanda ang ginawa ni Ramon at dahil sa labis na galit, pinalayas nang matanda si Ramon sa bahay nila at kailanman hindi na pinababalik. Pinagbatantaan din nang matanda si Ramon na ipakukulong kung magpapakita pa siya sa kanila.

Dahil sa ginawang pagpapalayas sa kanya nang matanda lalo lamang naging matindi ang galit ni Ramon para kay Gustavo. At dahil sa galit na iyon, iyon ang nagtulak para maghigante siya.

Sa isang gabing puno nang lagim, sinalakay ni Ramon at nang grupo niya ang bahay ni Gustavo. Pinatay nito lahat nang mga taong kampi kay Gustavo.

Inuutusan ni Gustavo si Eugene at Julianne na lisanin ang bahay nila at dalhin si Jenny. Ibinilin din niya sa binata na huwag hahayaang matunton ni Ramon si Jenny. Alam ni Gustavo na dati pa Malaki na ang gusto ni Gustavo sa nag-iisang anak. Lalo pa nitong hahangarin na mapasa kanya ang dalaga ngayong nasakop na nito ang grupo ni Gustavo.

Labis na nalungkot si Jenny dahil kailangan niyang umalis at iiwanan ang kanyang ama. Alam niyang may posibilidad na hindi na sila magkita. Iyon ang labis na nakakapagpa lungkot sa dalaga.

Matapos nilang makatakas sa bahay at sapag rerebelde ni Ramon, Inihatid nila sa airport si Jenny. Noon pa man, inasikaso na nila ang mga document ni Jenny para sumunod sa ina nitong nasa England.

Hindi alam ni Jenny ngunit, lihim na kinontact ni Gustavo ang dati nitong asawa at sinabing gusto niyang ipadala si Jenny sa England para mag aral. Hindi naman ito tumutol, magadang pagkakataon din ito para tuluyang maiwasan ni Jenny ang panganib na dala ni Ramon.

"Saan na kayo pupunta ngayon?" tanong ni Jenny kay Eugene at Julianne.

"Hindi pa naming alam. Huwag mo kaming alalahanin. Makakagawa kami nang paraan ni Julianne." Nakangiting wika ni Eugene. Alam niyang nararamdaman ni Jenny na pinalalakas lang niya ang loob niya. Kailangan din niyang hanapin ang kapatid niya. Masyado na siyang naging abala at hindi na niya nahanap ang kapatid niya.

"Kami nang bahala sa mga sarili naming. Hwag mo kaming intindihin." Wika ni Julianne.

"Sulatan niyo ako. Sabihin niyo sa akin kong may maitutulong ako sa inyo." Ani Jenny.

"Para namang hindi mo kami kilala ni Eugene. Makakalusot kami sa gulong ito. Mag iingat ka doon. At huwag mo kaming kakalimutan." Ani Julianne.

"Parati kung ipagdarasal na maging ligtas kayo. Hayaan niyo babalik din ako ditto. By that time, tiyak may maitutulong na ako." Ani Jenny.

"Mag-iingat ka." Ani Eugene sa kanya at hinawakan ang balikat niya. ngumiti siya at tumango bilang tugon sa dalaga. Inihatid nila nang tingin si Jenny habang papasok ito sa departures area. Kinailangan nilang ipadala si Jenny sa ina nito ayon na rin sa utos ni Don Gustavo. Iyon lang ang paraan upang hindi ito masundan ni Ramon.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong ni Julianne sa kaibigan.

"Hindi ko alam." Simpleng wika ni Eugene. Dahil sa paghahanap niya sa kapatid niya ang dami na nilang pinagdaanan at hanggang ngayon hindi pa rin niya nakikita ang kapatid.holok

Palabas na noon sina Eugene at Julianne nang Airport nang makasalubong nila si Butler Lee ang kanang kamay nang lola niya.

Huminto sa paglalakad si Eugene at napatingin sa binata. Si Julianne naman ay nagtaka lang dahil sa Nakita. Hindi niya alam kung bakit biglang huminto si Eugene nang Makita ang lalaki at kung ano ang kaugnayan nito sa kaibigan. Bakit tila yata kilala nito ang isa't-isa.

Nakita ni Julianne na nag bow kay Eugene ang Nakasalubong nilang lalaki. Hindi niya alam kung anong klaseng tao ang kaibigan niyang si Eugene but he can sense na hindi lang ito isang basta-bastang rich kid na naligaw sa lugar na ito. Their meeting should be destined.

Apat na taon mula nang magkahiwalay sila nang kuya Eugene niya. Walang araw na hindi ipinanalangin ni Aya na sana maging ligtas ang kanyang kapatid. Walang araw na hindi niya ipinapanalangin na sana magkita silang muli. Nasa puso niya ang pag-asa na mag kikita silang muli nang kuya niya. Tuwing gabi para siyang nakadungaw sa binatana at nananalangin. Habang hawak-hawak ang singsing nang ina niya. Ang nag-iisang bagay na nanaiwan nito sa kanya.

Ilang taon na ang nakakaraan simula nang maganap ang trahedya sa pamilya nila. namatay ang mga magulang niya at nakahiwalay sila nang kuya niya. Apat na taon na ang nakakaraan nang ampunin siya nang pamilya ni Dana. Mabait ang inainahan niya ngunit si Henry ay hindi. Araw-araw itong lasing at parating galit sa kanya.

Halimaw ang turing nito sa kanya dahil sa kakaibang kulay nang mata niya. Parati siya nitong pinagagalitan. Dahil sa may kapansanan siya sa paningin mainit ang dugo nito sa kanya. Parati nitong sinasabi na wala siyang silbi. Wala siyang maitulong sa kanila. Kung hindi dahil sa alaga niyang aso baka parati siyang binubugbog nang lalakii, Mabuti nalamang at parating nasa tabi niya si Snow. Handa itong sakmalin si Henry kapag sinubukan nitong saktan si Aya. Hindi rin naman nito magawang makalapit dahil sa asa.

Isang araw naiwan sila ni Henry sa bahay nila. Pumasok sa hospital si Joy at sa eskwelahan naman si Julius. Labis ang galit ni Henry sa kanya dahil nasagi niya ang vase. Nahulog ito at nabasag. Dahil sa labis nitong galit. Ilang beses siya nitong pinalo.

Nang sandaling iyon ikinulong nito si Snow sa loob nang silid panay ang kahol nito at pagwawala habang narinig ang iyak ni Aya. Ngunit dahil sa nakalock ang pinto hindi ito makalabas upang tulungan si Aya.

Panay ang paghingi niya nang tawad ngunit hindi siya pinakiggan nang lalaki. Habang pinapalo siya nang lalaki. Panay naman ang dasal ni Aya na iligtas siya mula sa malupit na kamay nang lalaki. Sa isang iglap bigla na lamang binalot nang liwanag si Aya. Isang liwanag na nakakasilaw dahilan upang mapaatras si Henry Labis ang sakit na nanaramdaman nito sa mata niya nakaramdam din ito nang hapdi na tila sinusunog ang mata niya.

Nang malaho ang liwanag. Napansin ni Aya ang isang bead na kwentas sa leeg niya. Nakita din niya ang kwentas niyang singsing. Nakita din niya ang anino nang isang lalaking nakahalukipkip sa sulok habang kinukusot ang mata. Ito ang unang beses na may naaninagan siya hindi man niya lubusang nakikita subalit naaninag niya ang bulto nang lalaki.

Ilang sandali pa napansin niya nag isang imahe na tumatakbo nang mabilis patungo sa lalaki, napaatras si AYa nang bigla itong lumundag sa lalaki. BUmulagta ang anino nang lalaki sa sahig habang nasa ibabaw nito ang isang anino nang malaking aso.

"S-snow huwag."Wika ni Aya nang makilala ang bulto nang hayop. Galit na galit ito at handing sakmalin ang leeg ni Henry ano mang oras. Ngunit nang marinig nito ang boses ni Aya bigla itong kumalma at umalis sa pagkakadagan sa lalaki saka naglakad palapit kay Aya. Agad naman niyakap ni Aya ang aso niya.

Napatingin si Aya sa Bead na kwentas. Kailan pa siya nagkaroon nang bead na kwentas? Dati naman ang nakakapa lang niya sa leeg niya ay ang kwentas na singsing na ibinigay nang kuya niya.

Kakaiba ang kwentas na iyon. para itong isang bead. Sa loob noon may nakikita siyang isang ibon na may dalang isang bulaklak. Iyon lang ang tanging bagay na nakikita niya nang malinaw.

"Anong nangyari dito?" gulat na wika ni Dana nang dumating sila sa bahay nila.

Naabutan niya si Henry na parang nasunog ang mata, habang si Aya naman ay nasa sulok. Yakap nito ang aso niya at nakasiksik sa gilid. Hindi nito nagawang lumapit kay Henry.

"Anong ginawa mo asawa ko?" galit na asik ni Dana kay Aya nang makita ang nangyari sa asawa. Halos hindi mahawakan ni Henry ang kanyang mata dahil sa init na nagmumula doon.

"H-hindi ko po alam." Nanginginig at umiiyak na wika ni Aya. Hindi rin naman niya alam kung ano ang nangyari sa lalaki. Wala rin namang maniniwala sa kanya kahit na ipaliwanag niya ang naganap.

"Demonyo ang batang yan! Bakit kasi kinupkup mo pa yan, Kamalasan na nga ang dala sa atin. Tingan mo ang ginawa niya sa akin." Wika Ni Henry. Dahil sa sinabi ni Henry biglang naalerto si Snow at denipensahan si Aya.

"W-wala po akong ginagawang masama." Hintakot na wika ni Aya. Galit na bumaling si Dana sa batang babae.

"Pagkatapos kitang kupkupin at alagaan ito ang igagante mo sakin? Anong klaseng halimaw !" asik nito.

"Mama Dana, Wala po akong gina---"

"Huwag mo akong tawaging Mama. Hindi kita anak. At wala din akong balak na mag kupkop nang isang demonyo!" wika nito at tumayo saka lumapit kay Aya at kinaladkad ang batang babae palabas nang bahay panay ang pagmamakaawa nang batang babae kay Dana ngunit hindi nito pinakinggan ang pakiusap nang batang babae. Itinulak nito palabas nang bahay ang batang babae at pinalayas.

Si snow naman ay galit na kumahol kay Dana. Lalapitan pa sana ni Dana ang batang babae kaya lang biglang humarang ang aso at ipinakita ang matatalas na ngipin. Pinoprotektahan nito ang batang babae laban sa babae. Para bang anuman oras na may gawin itong masama sa bata hindi ito mag aatubiling sugurin ang babae.

"Mag-sama kayo nang aso mo pareho kayong walang silbi. Hindi kana ulit makakabalik sa bahay ko! Lumayas ka." Wika ni Dana saka pumasok sa bahay nila at isinara ang pinto. Ilang beses na tinawag ni Aya ang babae at nagmakaawa na papsukin siya dahil wala din naman siyang mapupuntahan ngunit hindi na siya binuksan nang pinto nang babae.

Walang ibang nagawa si Aya kundi ang maglakad palayo sa bahay na iyon habang umiiyak. Tahimik naman sumunod sa kanya ang aso. At parang hindi nakikisama ka kanya ang panahon. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Walang ibang pasilungan si Aya kundi ang isang maliit na sulok sa isang parlor. Yakap niya ang sarili habang basing-basa nang ulan. Patuloy na tinatawag ang pangalan nang kuya niya at humihingi nang tulong. Nakatulugan na ni Aya ang labis napag-iyak. Lumapit naman sa kanya ang aso at naupo sa tabi nito.

"Anong gagawin natin ngayon snow?" tanong batang babae saka niyakap ang aso.

"Ay Bata!" tili nang isang bading nang buksan ang pinto nang parlor niya at Makita ang isang batang babaeng nakahiga sa pinto habangg yakap ang isang aso. Agad naman lumapit ang isa pang bakla sa kanya.

"Ay ano yan? Buhay pa ba?" tanong nito.

"Tingnan mo." Wika nang una.

"Bakit ako?" Reklamo nito.

"Ano ba!" asik nang bakla. Dahil sa ingay nila biglang nagising si Snow, Agad naman nitong denipensahan si Aya gaya nang parati nitong ginagawa.

"Hey Dog mababait kami no. Gusto lang naman namin siyang tulungan." Wika nang isang bakla. Wala ring nagawa ang huli kundi tingnan ang bata. Nang kinapa niya ito, Naramdaman niyang tumitibok pa ang puso nito ngunit mataas ang lagnat. Agad nilang dinala sa loob nang parlor nag bata at ginamot. Mabuti nalamang at wala itong ibang sakit, mataas lang ang lagnat nito dahil sa pagkakababad sa ulan.

"Sino naman kaya ang batang ito? Sinong walang pusong magulang ang nag-iwan sa batang ito?" Tanong nang isang bakla.

"Bakit hindi mo siya kupkopin?" Tanong nang isa.

"Alam mo naman na ayaw ni Jimboy ko nang bata. Baka iwan ako noon kapag nalaman niyang may inampon ako."

"Eh ano? Pababayaan mo ang batang ito? Kapag may nangyaring masama sa kanya maatim ba nang konsensya mo?" Natigilan ang bakla. Alam niya ang pakiramdam na maging isang palaboy dahil ganoon din siya noon hanggang sa makilala niya ang 2 kaibigang bakla. Nagtrabaho sila at nagtayo nang sarili nilang parlor at ngayon nakatira silang tatlo sa itaas na bahagi nang parlor nila.

"Hindi naman siguro magagalit si Destiny kung madadagdagan tayo." Ngumiting wika nang bakla.

"Isasama din ba natin siya sa probinsya?" tanong pa nito.

"Akong ang bahala sa kanya. Mahilig sa bata yun tiyak na hindi iyon tatanggi isa pa nakikita mo ba ang ganda nang batang yan. Nararamdaman kung suswertehin tayo dahil sa kanya. Sabi nila ang mga bata ay mga anghel." Wika pa nito.

"Alam mo Trini, ngayon ko lang nalaman na religious ka pala. Hindi halata sa iyo." Wika nito.

"Serenity, Bakla ako Hindi isang jablo." Wika nito. Ngumiti lang si Serenity. Hindi nila alam na dahil sa pagkupkop nila sa batang babae malapit nang magbago ang takbo nang buhay nila.

"Eh paano ang asong ito?" tanong ni Trini. Habang nakatingin kay snow na nasa baba nang kama at naka higa. Hindi nito iniwan ang batang babae. Talagang binabantaya nito nang mahigpit ang bata.

"Ano pa ang magagawa natin mukhang hindi niya hihiwalayan ang batang yan. Kupkupin na rin natin siya." Ani serenity. "Mukha namang mabait."

10 years ago…

Dumating ang mga pulis sa lugar kung saan naaksidente ang pamilya ni Harry Hearfellia. Natagpuan na walang malay ang dalawang anak nito di kalayuan sa nasunog na kotse. Duguan ang mga bata ngunit walang sugat. Dahil sa natitirang kapangyarihan ni Achellion nagawa niyang pagalingin ang sugat nang dalawang bata at mailigtas ang mga ito mula sa panganib.

Ngunit dahil sa ginawa ni Achellion, ang sarili niyang buhay ang naging kapalit. Dinala nang mga lalaki ang magkapatid sa isang ambulance nais sanang sumunod ni Achellion ngunit bigla siyang nakaramdam nang pagkahilo.

Animo'y isang lasing sa kanto si Achellion habang naglalakad sa kalsada. Maraming nag daraan na mga sasakyan. Naririg niyang bumubusena ang mga ito, ngunit dahil alam niyang hindi naman siya nakikita nang mga mortal hindi na lang niya pinansin ang mga ito. Isang truck ang huminto sa harap niya. Malakas ang buhos nang ulan at sunod-sunod ang kulog at kidlat.

"HOY! Kung balak mong magpakamatay huwag mo kaming idamay! Baliw!" bulyaw sa kanya nang driver bago nito tuluyang paandarin ang sasakyan. Ngunit naglalakbay sa kawalan ang isip ni Achellion.

Hindi niya naiintindihan ang nangyayari sa kanya. Bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan hindi iyon ininda ni Achellion patuloy siyang naglakad, ngunit hindi niya alam kung saan pupunta. Biglang napalingon si Achellion sa likod niya nang marinig ang isang malakas na bosena.

Iniharang ni Achellion ang kamay niya sa mata niya dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw nang sasakyan. Ilang sandali pa naramdaman ni Achellion ang pagtama nang katawan niya sa harapan nang kotse. Bumagsak ang katawan ni Achellion sa lupa. Bago pa lamunin nang kadiliman ang ulirat niya isang mukha nang isang lalaki ang naaninagan niya.

Nang magkalamay si Achellion nasa isang putting silid na siya. Agad niyang napansin ang isang matandang lalaking nakaupo sa isang sofa habang natutulog. Biglang naguluhan si Achellion. Pakiramdam niya walang laman ang utak niya. hind niya alam kung nasaan siya. At kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon. Wala siyang maintindihan. Higit sa lahat, wala siyang maalala. Kahit na anong isip ang gawin niya wala siyang maalala.

"Gising ka na.Okay ka lang ba? Kailangan mo ba nang doctor?" tanong nang lalaki sa binata nang magising ito at mapansin na nakatingin siya ditto. "Pasensya ka na, hindi ko sinasadyang mabangga ka." Wika nang lalaki sa kanya.

"A-anong lugar to? Bakit ako nandito?" tanong ni Achellion sa lalaki. Nabigla ang lalaki sa sinabi nang binata.

"Hindi mo ba natatandaan? Nabangga ka nang sasakyan namin." Takang wika nang lalaki. Lalo laman gumuhit ang labis na pagtataka sa mukha nang binata. Hindi alam nang lalaki kung umaarte lang ba ang binata o talagang wala itong ideya.

"Anong pangalan mo? May pamilya ka ba na pwede nating tawagan?" tanong nang lalaki sa binata.

"A-hindi ko alam." Sagot ni Achellion. Hindi niya pwedeng sabihin sa lalaking ito kung sino siya. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya at kung bakit nakikita siya nang isang mortal. Bukod doon napansin din niyang sobrang mahina anng katawan niya. Para bang naubos lahat nang lakas niya.

"May pamilya ka ba? Alam ba nila ang nangyari sa iyo?" tanong nang matanda. Umiling ang binata.

"Wala ka bang natatandaan sa nakaraan mo? O kung saan ka nakatira." Simpleng iling lang ang tinugon nang binata. Hindi rin naman siya paniniwalaan nang matanda. Kaya mas mabuti pang huwag na siyang magsalita. .

Tinanong nang matanda ang doctor kung naapektuhan nang aksidente ang ulo nang binata kaya ito nawalan nang memorya ngunit sabi nang doctor wala namang malubhang sugat ang binata. Wala din itong mga fracture. Maliban sa mga galos. Iyon ang ipinagtaka nang mga doctor. Wala silang makitang kakaiba sa katawan nang binata. At bukod doon mabilis ding gumaling ang sugat niya.

Isang dating miyembro nag US navy ang taong nakaligtas kay Achellion. Si retired Admiral Niel Bryant. Ngayon ay nagtatrabaho siya sa Armed forces bilang Commision officer.

Nang mamatay ang anak niyang si Dranred sa isang gyera sa Libya, naisipan nitong magretire at pumasok bilang commission officer. Hindi niya maiwanan ang tungkulin niya dahil ito lang ang naglalapit sa kanila nang nasawi niyang anak.

Hahayaan na sanang umalis ni Neil ang binatang iniligtas niya ngunit nang mapansin na wala naman itong mapupuntahan naisip niyang kupkupin ito. Walang mapupuntahan ang binata at siya naman ay patuloy pa ring na ngungulila sa kanyang anak. Naisip niyang sa pamamagitan nang binata patuloy niyang mapapanatili ang alaala nang kanyang anak sa katunayan ibinigay pa nito ang pangalan ng anak. Sa katauhan nang hindi kilalang binata muling nabuhay ang kanyang anak na si Achellion. Isang magaling na sundalo at mabuting anak.

"Wala ka bang mapupuntahan?" tanong nang matanda kay Achellion. "Kung gusto mo pwede kang sumama sa akin." Wika nang matanda. "Ngayong wala kang matandaan sa pagkatao mo, magiging malupit sa iyo ang mundo hayaan mong gabayan kita. Bibigyan kita nang pagkatao, iyon ay kung okay lang sa iyo, Achellion." Wika nang matanda. hindi naman nakakibo si Achellion dahil sa kabaitang ipinakita nang matanda. kung ibang tao pa ito marahil hinyaan na siya nito na mamatay sa kalsada.

Nabuhay si Achellion sa bago niyang katahuhan bilang si Lt. Dranred Bryant nang Navy Seal and UN Special Unit. Ipinakilala siya nang retired admiral na anak. Sa paglipas nang panahon. Ipinakita nang binata ang kakaiba niyang galing. Galing na nangingibabaw mula sa iba. Halos taon taon kung bigyan nang parangal ang binata na dahilan para labis na ikatuwa ni Gen. Neil Bryant. Na promote bilang isang Captain si Achellion at mula doon, na promote din siya bilang isang squadron leader.

Isang malaking engkwentro ang naganap sa pakitan nang mga pulis at isang grupo nang mga drug dealer. Nakatakas ang leader nang grupo ngunit malubha itong nasugatan. Nang dumating ito sa hide out nila sinalubong ito nang isang binata.

"Aldo anong nangyari sa iyo? Ang mga tauhan mo?" tanong nang binata at inalalayan ang lalaki.

"Minalas kami, isang set up ang lahat. Hindi totoo ang sinabi nang informant mo. Mga pulis ang naroon. Mabuti nalang at nakatakas ako. Sino naman kayang walang hiyang nagsabit sa akin. Wala naming ibang may alam nang operasyon na iyon kundi lang at si---" biglang natahimik na wika nito at lumingon sa isang lalaki sa likod nito.

"Aldo Hindi ako yun. Tapat ako sa iyo alam mo yan." Wika nang lalaki at umatras.

"Kung hindi ikaw. Baka naman ikaw!" asik nito at bumalik sa binate.

"Oo baguhan ako sa samahang ito pero hindi ako traydor." Ngumising wika nang binate.

"Kapag nalaman ko kung sino ang nagtraydor sa akin. TIyak na babalatan ko siya nang buhay." Wika nito at iniwan ang dalawang binata. Nang umalis ang lalaki, agad din naming tumalikod ang binatang sumalubong kay Aldo kanina at naglakad palabas ngunit bago pa siya makalabas sinalubong ito nang lalaki.

"Sino ka ba talaga? Bakit ka sumali sa grupo naming? Simula nang dumating ka wala nangoperasyon ang natutuloy." Wika nang lalaki.

"SInabi ko na dati. Gaya mo rin ako. Huwag mong isisi sa akin kung palpak ang mga operasyon niyo. Hindi ko kasalanan kong mahihina kayo." Wika nang binata at hinawi ang braso nang lalaki sa tuluyang lumabas. Nagkuyom naman nang kamao ang lalaki habang inihahatid nang tingin ang lalaki.

"Bantayan niyo ang galaw niya. Masyado siyang masekreto." Inis na wika nang lalaki sa iba pa niyang tauhan. Magaling naman ang bagong salta, kaya lang hindi niya maiwasang hindi magtaka masyado itong malihim at hindi nakikihalo-bilo sa kanila para bai tong may sariling mundo. Kaya naman nagdududa siya.

Ilang beses na niya itong sinubakan ngunit napapatunayn nito na mali ang mga hinala niya. Hindi niya alam kung talagang mapanghusga lang siya o magaling lang magtago ang lalaki.

Talaga bang sa Maynila kana ma aasign? Bakit hindi lang ditto sa probinsya? Maganda naman ang trabaho mo ditto bilang pulis ah." Wika ni Destiny sa binatang nag-aayos nang mga gamit noon. Nang umalis sila sa parlor na pinagtatrabahuhan nila nagpunta sila sa isang probinsya at nagtayo nang sarili nilang parlor. Dinala nila ang batang Nakita nila dahil sa kanilan paniniwalang swerte ito.

"Mamo, matagal na nating napag-usapan ito hindi ba?" Gusto ko talaga sa Maynila magpulis. Kakalawangin ako ditto." Wika pa nang binata. "Uuwi naman ako ditto kapag may pagkakataon."

"Eh kalian yan? Masyadong Busy ang mga pulis sa Maynila. Magulo doon. Bakit hindi ka nalang dumito. ALam mo bang napapabalitang may mga rebeldeng grupo na gumagala sa lugar na ito. Ngayon mas kailangan nang pulis ditto." Ani serenity.

"Napakatahimik nang lugar na ito bakit naman ditto magkakaroon nang rebelde?"

"Alam mo nabalitaan ko noon may isang pamilyang pinatay sa lugar na ito, usap-usapan pa sa hacienda. Yung anak daw ni Don Guillermo ang suspect. Hanggang ngayon nga hindi pa rin nagpapakita ang ----"

"Mamo. Huwag niyo ngang tinatakot ang sarili niyo." Agaw ni Julius sa iba pang sasabihin nang bakla. "Aya, pwede ba kausapin mo sila." Wika nang binata at tumingin sa dalagang nasa sala at nakikipaglaro sa isang puting malaking aso. Nakangiti namang nag-angat nang tingin si Aya.

"Ayaw lang nila na umalis ka kuya Julius. Magiging malungkot ang bahay na ito kapag wala ka." Wika pa nang dalaga.

"Paano naman ang pangarap ko." Anang binata.

"Siya sige. Ano pa ba ang magagawa naming buo na ang pasya mo" pagsuko nang bakla.

"Thank you Mamo." Masayang wika nang binata at niyakap ang tatlong bakla. Napangiti naman si Aya nang marinig ang masayang binata. Kahit na hindi siya tunay na kadugo nang mga ito itinuring pa rin siyang isang mahalagang bahagi nang pamilya kaya naman nagpapasalamat siya na ang mga ito ang nakakita sa kanya. Ngunit sa kabila noon patuloy pa rin siyang umaasang isang araw muli silang magkikita nang kuya Eugene niya. Patuloy siyang mananalangin at magdarasal na matupad ang matagal na niyang hinigingi.

SImula nang kupkupin nila si Aya, nagging maswerte din ang negosyo nila. Naging marami silang customer, kaya lang dahil din sa pag-aampon nila kay Aya, Away bati si Serenity at ang boyfriend niyang ayaw sa dalaga. Kahit ngayong dalaga na si Aya inis pa rin ito kapag dumadalaw at nakikita ang dalaga. Mabuti na lamang at naroon si Julius ang anak ni Destiny.

SI Destiny ay dating isang basket ball player noong nag-aaral pa ito. Isang heartthrob, kaya lang hindi niya maitanggi na isa siyang bakla. May isang babaeng nagkagusto sa kanya. Nilasing siya nito at may nangyari sa kanila. Nang mabuntis ito, ihndi nito natanggap ang responsibilidad, ni nais nitong patayin si Julius nang isilang ito ngunit kinuha iyon ni Destiny at pinalaki.

Buong buhay ni Julius nagging tampulan siya nang tukso dahil sa uri nang pamumuhay nila nang ama niya. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating si Aya.

Dahil sa dalaga nagawa niyang tanggapin ang ama at ang pamumuhay nito. Naging masaya din siyang umuwi sa bahay nila dahil sa dalagang itinuring niyang kapatid niya.

Nagkakagulo sa isang mall dahil tinutugis ng mga pulis ang isang suspect ng sunod-sunod na nakawan sa mga kilalang bangko. Nakaabang sa labas ng mall ang mga SWAT members habang ang dalawang police officer ang siyang humahabol sa suspect. Umabot ang habulan sa pangatlong palapag. Ngunit hindi nagpahuli ang mga lalaki. Nagsitakbuhan pa ang mga ito palabas nang mall. Nang palabas ang mga ito nang mall, nakabangga nila ang binatang papasok.

"Tabi-Tabi." Wika nang isang officer na nahumahabol sa mga lalaki. Umiwas ang binata sa daan upang bigyan nang maraanan ang officer. Nakita niyang tumalon ito patungo sa isang lalaki. Dahilan upang madaganan nito ang isang lalaki. Nakita nang binata na walang humahabol sa isang lalaki kaya naman agad siyang kumilos upang harangin ito. Nakita nang officer na nagpambuno ang dalawa. Magaling makipaglaban ang binate at hindi manlang umobra ang lalaki sa binata. Bumulagta ang lalaki sa lupa nang walang malay. Lahat nang nakakita nag palakpakan dahil sa galing nang binata. Maging ang officer na nakadagan parin sa isa pang suspect ay labis din ang panghanga sa lalaki.

Hindi na niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang binata. Doon lang niya iyon napansin nang kunin nito ang posas sa likod niya at muling nalakad palapit sa walang malay na lalaki. Ikinabit nito ang posas sa isang kamay nang lalaki at sa bente nito upang hindi ito makatakas.

Tumayo naman ang officer at itinayo ang nahuling lalaki.

"Salamat sa tulong mo Mr. I think I can take it from here." Wika nang officer.

"Magaling ka kaya lang hindi ka dapat nag iisa sa mga ganitong operasyon." Wika nang binata. "Masyadong maliit ang katawan mo. Sa tindig mo mapagkakamalan kang babae. Pero magaling ang ginawa mo. Tutoy." Wika nito at tinapik ang braso nang officer saka naglakad palayo ditto. Hahabulin pa sana nang officer ang binata kaya lang bigla itong nawala mula sa kumpulan. Sakto naming dumating ang mga kasamahang pulis nang officer.

"Pasensya na ngayon lang kami. Ito kasing si Julius. Kukuha nalang nang Kotse karagkarag pa. Tuloy nasiraan kami." Wika nang isang babae na dumating kasama ang isang lalaking naka uniporme din.

"Kaya pumapangit ang reputasyon nating mga pulis dahil sa parating huli nating pag responde sa mga ganitong pangyayari." Inis na wika nang officer saka itinulak ang holdapper sa lalaki. Agad naming sinalo nang lalaki ang holdapper at nilagyan nang posas.

"Talagang ang galing niyo. Biruin mo nahuli mo ang dalawang yan nang ikaw lang mag isa." Anang Babae.

"Hindi ako mag-isa may isang antipatikong tumulong." Inis na wika nito saka naglakad patungo sa isa pang lalaki.

"Kasalanan mo to. Kung hindi ka sana palpak. E di sana hindi mainit ang ulo niya ngayon." Wika nang babae sa lalaki.

"Kasalanan ko bang pinakialaman ni mamo ang kotse ko." Wika ni Julius.

"Sige magdahilan ka pa. Makakatulong yan saiyo." Wika ni Babae.

Bumalik sa presento ang tatlong pulis kasama ang 2 holdapper na nahuli nila.

"Aba, may huli ka na naman ngayon Ah." Salubong nang isang pulis sa kanila. "ANo naman ang naitulong niyong dalawa?" tanong nito sa dalawang kasama nang officer.

"Kapag hindi ka tumahimik sasamain ka sa kin."wika ni Julius.

"Bago uminit iyang pwet niyo. Pinatatawag kayo ni Col, Sanchez. Kanina pa niya kayo hinihintay." Wika nito. Hindi naman sumagot ang tatlo at agad na pumaosk sa opisina nag hepi nila.

Nang makapasok sila, sinabi sa kanila nang colonel na kasali silang tatlo sa isang entrapment operation na pamumunuan nang Armed forces and SWAT team. Isa iyong joint operation upang hulihin ang isa sa malaking sindikato nang illegal drug and smuggled Fire arms. Ito rin ang unang kasong makakasama sila maliban sa paghuli nang mga holdapper at bank robber.

Sa isang pier gaganapin ang entrampment operation. Isang contact mula sa loob nang sindikato ang nagsabi sa kanila sa lugar at oras. Kasama ang miyembro nang SWAT pumuwesto sila sa lugar kung saan hindi sila makikita nang mga huhulihin nila.

Dumating ang mga sasakyan sa pier. Sakay nang mga ito ang leader nang mga sindikatong huhulihin nila. Habang nakamasid sila nakilala nang officer ang isa sa mga binatang kasama nang Leader nang isang sindikato. Ito yung binatang mayabang na tumulong sa kanya na mahuli ang suspect. Napa singhap pa siya nang makilala ito.

Nang magsimulang mapalitan nang epektus ang mga sindikato saka naman sila umaksyon. Nagsilabasan mula sa pinagtataguan nila ang mga SWAT members dahilan upang mapalibutan ang mga lalaki. Hindi alam nang lalaki na ang ka negosasyon niya ay miyembro din nang Police. Nahuli ang lahat nang miyembro nang grupo maliban na lamang sa isang lalaki.

"Bakit?" tanong niJulius nang mapansin na tila may hinahanap ang kasama niya.

"May nakatakas." Wika nito.

"Anong nakatakas? Paano siya makakatakas E napapalibutan natin sila. Baka naman namamalikta ka lang. Nahuli natin lahat nang miyembro nang grupo nila." Ngunit hindi mapakali ang officer talagang Nakita niya ang lalaki kanina. Ngunit paanong bigla na lamang itong nawala.

Habang abala ang SWAT sa pagsakay nang mga nahuli nilang sindikato. Pasimple naming lumayo ang binata. Walang nakapansin sa kanya dahil sa dami nang mga SWAT nanaroon. Naglakas siya patungo sa isang Itim na kotseng nakaparada sa di kalayuan. Bumaba mula sa kotse ang isa pang Binata.

"May nakakilala ba Saiyo?" tanong nito sa kanya.

"Hindi nga ako nakilala ni Aldo, Ang mga pulis pa kaya. Mabuti pa umalis na tayo ditto bago nila mapansin na may nawawala." Wika nang binata at sumakay sa kotse.

"Hindi ka kaya manganib kapag nalaman nilang ikaw ang assest nang gobyerno sa loob nang mga malalaking sindikato. Alam mong malaking sindikato ang binangga mo." Wika nang binata at Sumakay sa kotse "Sabi nga pala ni Butler Lee dumating na ang lola mo. Hinahanap ka." Dagdag pa nang binata bago binuhay ang makina nang sasakyan at umalis sa lugar na iyon.

"Gusto mo bang dumiretso sa headquarters o sa bahay niyo?" Tanong nito saka tumingin sa binata.

Nakita niyang napasandal sa headboard nang upuan si Eugene bakas sa mukha nito ang labas na pagod marahil dahil na din sa misyon nito habang isinasabay ang paghahanap sa nawawalang kapatid.

"Gusto ko munang magpahinga sa bahay na tayo." Wika ni Eugene sa kaibigan.

"All right." Wika ni Julianne saka nagsimulang paandarin ang sasakyan. HInayaan na lamang niyang matulog ang kaibigan.

Nang makasalubong ni Eugene si Butler Lee sa airport 10 years ago, muli siya nitong ibinalik sa poder nang lola niya. Kinupkop din nito si Julianne at pinag-aral. Kapwa sila nang aral sa ibang bansa at pumasok sa armed forces 5 years ago. Si Eugene ngayon ay isa sa mga special forces na pumapasok sa mga sindikato bilang intelligence. Marami na rin silang sindikatong napabagsak dahil sa galing nilang dalawa.

Sa arm forces nakilala sila ni Julianne na Phantom dou dahil sa galing nilang lumutas nang kaso. Ngayon hawak nila ang isang kaso nang malaking sindikato na pinamumunuan ni Ramon. Ang parehong taong pumatay sa matandang kumupkop sa kanila ni Julianne. Nangako si Eugene na huhulihin si Ramon upang maipaghigante ang kaibigan nila at ang matandang tumulong sa kanila.

Dumating ang matagal nang hinihintay ni Eugene ang muli nilang pagkikita ni Ramon. Dahil sa kanyang ipinakitang kapatapan sa grupo kaya naman binigyan siya nang pagkakataon na makilala ang leader nang sindikato. Muli ding nag sanib nang lakad ang PNP at armed forces special team upang mahuli sa wakas ang leader nang malaking grupo.

"Eugene! Julianne!" asik nang lalaki nang makilala ang binatang dumating. "Buhay pa pala kayo."

"Mabuti naman at nakikilala mo pa kami." Wika ni Eugene.

"Ikaw ba ang may dahilan kung bakit nahuli si Elmer?" asik ni Ramon kay Eugene. "Hindi ko akalaing naloko niyo ako. Talagang hanggang ngayon pinahahanga niyo ako sa galing niyong mag isip." Ngumising wika ni Ramon. "Kaya lang kung sa tingin niyo madali niyo akong mahuhuli nagkakamali kayo." Wika nito at binaril ang dalawang binate. Mabilis na kumilos ang dalawang binata at nagkubli. Nagpalitan nang putok nang baril ang grupo ni Ramon at nang SWAT.

Maraming nasugtang Pulis at SWAT member. Marami ding namatay na mga miyembro nang sindikato subalit hindi nila nahuli si Ramon.

"Sir!" wika nina Eugene at Julianne nang dumating ang isang matandang naka uniporme sa insignia nito sa balikat na isang bituin malalaman na isa itong General.

"Well done gentlemen. Talagang hindi ako nagkamali na kunin kayo sa misyong ito."

"Pero hindi natin nahuli si Ramon." Wika ni Eugene.

"Sa ngayon. Ngunit dahil sa ginawa ninyo, pwede na natin siyang ilagay sa most wanted list. Magiging masikip na ang mundo niya ngayon. Isa na lamang siyang pangkaraniwang pugante." Wika nito. "I appreciate all your effort." Anito at kinamayan ang dalawang sundalo.

"Anong pakiramdam mo na nagkabalik ka na dito nakalipas ang 10 taon? Sa palagay mo ba may maalala ka na?" Tanong ng admiral sa binatang katabi niya na nakaupo sa backseat. Nakatingin sa labas ng Bintana ang binata at nagmamasid. Nabuhay siya sa katauhan nang anak nito. Kahit na may mga alaala siya sa nakaraan niya, nagpanggap siyang walang ibang naaalala maliban sa pangalan niya. Hindi niya alam kung paniniwalaan siya nang matanda. bukod doon nakita niyang masaya ang matanda dahil na buhay sa kanya nag katauhan nang Anak nito.

Sa nakalipas na mga taon, Sa pamumuhay niya bilang si Dranred ang anak ni Commisioner Niel Bryant. Kinailangan niyang, Magpanggap na hindi niya nakikita ang mga katulad niyang Fallen angel. Nakita niya kung paano manipulahin nang mga fallen angel ang mga kawawang mortal. Ngunit, nangako siya sa sariling hindi makikiaalam sa mga problema nang mortal. Baka sa anyo niya ngayon bilang isang mortal makaligtas siya mula sa parusang naghihintay sa kanila. Bukod doon, Alam niyang may mga anghel na tumutugis sa kanila. Dahil mortal na siya. Hindi na siya mararamdaman nang mga ito. Naging pabor sa kanya ang pagkawala nang kanyang kapangyarihan.

"Hindi naman ako nagmamadali na maalala ko ang lahat. Sa palagay ko darating na lang ang oras na may-maalala ako sa nakaran ko." pagkuwa'y wika nang binata saka bumaling sa matandang lalaki. Ang mga nangyari 10 taon na ang nakakaraan ay malinaw parin sa diwa ni Achellion.

Hanggang ngayon iniisip parin niya kung ano ang nangyari sa dalawang batang iniligtas niya. Nabuhay kaya ang mga ito? Nasaan na sila ngayon? He even saved the girl the second time pero hindi na niya ito nagawang balikan. Hindi rin niya nagawang ibalik ang kwentas nito. Hindi rin iya alam kung saan ito hahanapin.

"Sinabi sa akin ni Gen Mendoza na sa special unit ka maassign. Mukhang ipapadala ang task force na ito sa ibang bayan para umayos nang gulo" Wika nang matanda.

"OO. Iyon ang sabi niya. Maarami daw kasing kaso ang nakatambak at wala pang resulta ang imbestigasyon. Gusto niyang bigyang pansin ang mga kasong iyon." sagot ni Achellion.

"Masaya kong nagugustuhan mo ang trabaho mo. Kung babubuhay sana si Dranred ngayon tinitiyak kong katulad mo rin siya." Wika nang matanda.

"Alam ko namang kahit nasaan man si Dranred ngayon masaya siyang makitang nabubuhay ka nang maayos."

Kahit noon pa hindi niya naramdaman na outsider siya. Ipinaramdam nang matanda sa kanya ang pagmamahal nang isang tunay na ama. At nagpapasalamat siya sa kabaitan nito, Kaya naman mahirap sa kanya na bigyan ito nang sama nang loob. At kung hindi dahil ditto baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Maswerte siya at isang mabuting tao ang nakahanap sa kanya.

Hangganng ngayon iniisip pa rin niya kung ano ang nangyari sa magkapatid na tinulungan niya. Nagawa kaya nilang makaligtas? Ano na ang nangyari sa kanila? Anong buhay ang meron sila?

Bago siya magsimulang magtrabaho sa task force isang trabaho ang tinanggap ni Dranred sa FBI. Iyon ay i-infiltrate ang kuta nang kilalang rebelding grupo. Marami nang ipinadalang spy sa grupong iyon pero lahat ay hindi na nakakalabas nang buhay. Sa pagpasok ni Dranred sa grupo napag-alaman niyang lahat nang mga NBI agent na ipinapadala sa grupo at tinotorture nang mga ito at pinapatay. Isang lingo din ang tinagal niya sa grupo bago nabunyag ang tunay niyang katauhan dahil nasa reputasyon nang grupo ang hindi pagbuhay sa mga nahuhuli nitong mga miyembro nang gobyerno.

Sugatan si Dranred habang tumatakbo sa kasukalan. Kahit namang anong galing niya bilang isang special agent at galing sa martial arts hindi rin maitatanggi ang katawang mortal niya. Nakatakas siya mula sa pantoturture sa kanya nang mga rebelde. Pinipilit alamin nang mga ito kung bakit nagpapadala nang mga sundalo ang gobyerno sa grupo nila. Nais din nilang patunayan na silang ang batas at hindi ang mga taong nakaupo sa gobyerno.

Habang tumatakas si Dranred hindi niya Nakita ang bangin n sa dinadaanan niya. Nabuwal siya at nagpagulong-gulong hanggang sa mahulog siya sa tubig. Dahil sa Nakita nang mga rebelde inisip nilang napatay na nila ang binatang sundalo. Hindi na rin sila nag aksaya nang panahon na tingnan pa ito.

Malaki ang paniniwala nila na sa taas nang nahulugan nito at sa tindi nang mga sugat na tinamo tiyak wala na itong ligtas.

"Snow! Hintayin mo ako." Wika ni Aya habang sumusunod sa aso niya hawak niya ang tali nito habang namamasyal sila sa dalampasigan. Mabilis ang pagtakbo ni Snow kaya naman halos mabuwal na siya. Maya-maya narinig niyang tumahol si Snow at lalong bumilis ang takbo wala naman siyang magawa kundi ang tumakbo din. Hanggang sa dalhin siya nang aso sa isang lalaking nakahiga sa may baybayin. Mukhang inanod ito papunta sa lugar na iyon, Napansin din ni Aya ang dugo sa buhangin.

"Paano ko siya nakikita?" gulat na wika ni Aya nang Makita ang lalaking naka dapa sa buhangin. Panay naman ang sigaw ni Snow sa lalaki. Umikot ikot din ito sa lalaki at binuwal ang kamay. "Patay na yata siya snow." Wika ni Aya sa aso. Dahan-dahan siyang lumapit sa lalaki at kinapa ang pulso sa leeg nito.

"Hu-humihinga pa siya snow!" gulat na wika ni Aya nang maramdaman ang mahinang pulso nang lalaki. Buong lakas niya pinihit ang katawan nang lalaki. Puro sugat ang mukha nito at may saksak ang tiyak. May sugat din ito sa balikat at bente. Sa dami nang sugat na tinamo nito at sa tindi nang mga sugat na iyon. Nagtataka si Aya kung paanong humihinga pa rin ito.

"Tulungan natin siya." Wika ni Aya sa aso. Hindi niya alam kung sino ang lalaking ito o kung bakit ito sugatan ngunit isa lang ang alam niya hindi niya pwedeng pabayaan ang lalaki sa ganoong sitwasyon.

Dinala niya ang binata sa isang kweba di kalayuan sa kabayahan. Doon hindi magtataka ang mga residente kung may nagtatago mang lalaki doon. Wala namang nagagawing mga residente sa lugar na iyon dahil sa napapabalitang mga rebelde na umiikot-ikot sa lugar na iyon.

Kasama niya si Snow tuwing binibisita niya ang lalaki habang napapagaling ito. Minsan sinama niya si Alice ang kaibigan niya at kaklase. Nagulat pa ito nang Makita ang lalaki. Si Alice ang una niyang naging kaibigan nang dumating sila sa bayan ito. Anak siya ang isang babaeng nagtatrabaho sa isang night club sa karatig bayan. Wala itong kinilalang ama dahil iba iba naman ang kasamang lalaki nang mama niya kahit nga ang tunay nitong ama ay hindi nito alam Wala rin namang naikukwento sa kanya ang mama niya. Kaya wala siyang alam tungkol sa ama niya.

"Aya, anong ginawa mo? Paano kung rebelde pala yan!" wika ni Alice sa kanya.

"Hindi naman siguro mukha naman siyang mabait. At pakiramdam ko Nakita ko na siya dati." Wika pa ni Aya.

"Hay naku, ikapapahamak mo ang ginagawa mong yan. Isa pa, paano mo siya nadala ditto?" takang wika ni Alice alam naman ni Alice na may kapansanan siya sa paningin. Sino naman ang naniniwala sa kanya na nakikita niya ang lalaking ito.

"Adrenaline rush." Wika pa ni Aya.

"Huwag mo nga akong bulahin." Wika nito sa kanya. "Anong balak mo ngayon? Paano pag nalaman ni Kapitan na may estranghero ditto? Alam mo naman sila mga paranoid." Wika pa ni Alice.

"Kaya nga isinama kita ditto. Kailangan mo akong tulungan. Kailangan hindi nila malaman na may tao ditto." Wika ni Aya. "Kapag naging malakas na siya tiyak na makakaalis na siya sa lugar na ito."

"Iwan ko saiyo, pati ako idadamay mo pa."

"Please." Wika ni Aya at hinawakan ang kamay nang kaibigan.

"Eh ano pa nga ba. Wala naman akong magagawa kundi tulungan ka. Pero, kailangan may kapalit."

"Huh, ano naman?"

"Tutulungan mo ako sa assignment natin sa loob nang isang buwan."

"Iyon lang pala sige ba." Masiglang wika ni Aya. Inilihim nang magkaibigan ang tungkol sa binata. Araw-araw silang bumabalik sa luagr na iyon upang tingnan ang kalagayan nito. Isang araw nang bumalik sila sa kweba Nakita nilang wala na doon ang lalaki ang tanging naiwan doon ay ang kumot na puno nang dugo. Hindi naman alam nang magkaibigan kung saan nagpunta ang lalaki. Ilang beses nilang binalikan doon ang lalaki ngunit hindi na nila ito Makita.

"Marahil malakas na siya kaya umalis na siya. Pero bakit ganoon. Hindi man lang niya nagawang magpasalamat." Wika ni Alice.

"Hayaan mo na ang mahalaga eh, ligtas siya. Kung nakaalis siya ditto ibig sabihin okay na siya." Wika ni Aya. Ang hindi alam nang magkaibigan habang nag-uusap sila nasa di kalayuan ang binata nagkukubli ito sa isang puno habang hawak ang sugat sa tiyan. Nakabinda ito ngunit halatang nagdurugo pa rin ang sugat. Bigla siyang nagising dahil sa mga narinig na kaluskos. Akala niya ay kalaban kaya naman agad siya tumayo at nagtago.

Naisip sana niyang lapitan ang dalagang nagligtas sa buhay niya kaya lang kapag nalaman nang mga rebelde na buhay siya at narito sa lugar na ito tiyak na hindi lang siya ang mapapahamak maging ang buhay nang dalagang ito ay mapapahamak din. Minabuti niyang huwag nalang magpakita sa mga dalaga.

Bumalik na tayo Aya." Wika ni Alice.

Aya? Tanong nang isip ni Achellion. Pamilyar lang ba ang pangalan nito? Hindi niya Makita ang mukha nang dalaga dahil nakatalikod ito. Biglang kumabog ang dibdib niya paano kung ang dalagang ito ang dalagang matagal na niyang hinahanap?

Ito pala ang National defense office." Manghang wika ni Meggan nang dumating sila nina Julius at nang isa pang officer na kasama nila na malilipat. Akala ni Julius nang lumuwas siya sa maynila magiging miyembro lamang siya nang pulis maynila iyon pala mas magiging kabilang pa siya sa isang malaking organisasyon. Kasabay nilang dumating sina Eugene at Julianne. Nang Makita nang officer na kasama ni Meggan ang binatang dumating agad itong naglakad patungo sa lalaki at walang pasabing nilagyan nang posas ang kamay nito, nagulat pa si Eugene dahil sa ginawa nang officer.

"Ang tagal kitang hinahanap. Dito lang pala kita makikita." Wika nang officer.

"Sandali lang, I think this is a big misunderstanding." Wika ni Julianne sa officer.

"Kasabwat ka ba niya?" asik nito kay Julianne.

"Kasabwat?" gulat na wika ni Julianne.

"Kung wala kang kinalamab ditto. Tumabi ka." Wika nito at hinila si Eugene ngunit dahil mas Malaki ang bulto nang katawan ni Eugene hindi manlang ito natinag mula sa kinatatayuan. Nang mapansin nang officer na hindi kumilos ang binate binalingan niya ito.

"Hwag ka nang manlaban. Sa kulungan din ang bagsaka mo."

"Alam mo totoy, I really appreciate your effort to do your job. But I think you are mistaken." Wika ni Eugene at balewalang hinila ang kamay niya dahilan upang mapaatras ang officer. Dahil sa maliit na bulto nang katawan nito. Madaling nahatak ni Eugene ang katawan nito. Nawalan nang balance ang officer at akmang mabubuwal ngunit nagging maagap si Eugene at hinapit ang bewang nang officer.

Ganoon na lamang ang gulat nila nang bumagsak sa lupa ang sout nitong sombrero at bumagsak ang mahabang buhok nito.

"You—you're a girl?" gulat na wika ni Eugene.

"Sorry to disappoint you." Wika nang dalaga at tumayo saka itinulak si Eugene. Nang Makita nina Meggan at Julius ang nangyari. Agad silang lumapit sa tatlo.

"Officers! Anong kaguluhan ito?" maawtoridad na wika nang general na lumapit sa kanila.

"Sir!" sabay na wika nina Eugene at Julianne saka sumaludo sa lalaking dumating.

"Carry on." Wika nito. Napatingin naman ang dalaga kay Eugene. Naguguluhan siya. Anong klaseng tao ba ang lalaking ito? Bakit tila kilala siya nang general.

"Follow me." Wika nang heneral at naunang maglakad. SUmunod naman sina Julianne at Eugene habang sina MEggan at Julius ay naiwan kasama ang dalaga.

"SPO4 Ledesma. Okay ka lang ba?" tanong ni Meggan kay Jenny.

"Hindi mo ba nakilala ang isang yun? SIya si Lt. Eugene Heartfelia nang Air Force." Wika ni Julius.

"Eugene?" gulat na wika nang dalaga. Kapangalan lang kaya nito ang dati niyang kaibigan? Bakit hindi nakilala ang binata. Parati naman niyang nakikita ang pangalan nito sa mga dyaryo.

Sinama sila ni Nang heneral sa isang silid kung saan naghihintay ang 3 pang miyembro nang bagong task force. Nang makaupo sila, pa simpleng tinunton nang mata ni Jenny ang binate. Hindi kaya siya nito nakikilala? Ito kaya ang Eugene na nakilala niya noon?

"Captain Bryant. Welcome!"masiglang wika nang heneral at tumayo sa kinauupuan at naglakad palapit sa bagong dating na binata. Sabay-sabay silang napatingin sa may pinto nang Makita ang lalaking pumasok sa silid.

"My apologies I am late." Wika ni Achellion.

"No, No, It's Okay. Alam ko naman na kalalabas mo lang nang hospital." Ani to at inalalayan ang binata patungo sa unahan. Nang makabalik si Dranred sa syudad agad siyang dinala sa hospital upang ipagamot ang mga sugat doon nanatili siya nang isang lingo para tuluyang gumaling.