Sir. May mga sundalo. Nasundan tayo." Wika ng isang tauhan ni ng Senador na pumasok sa Cabin kung saan nagpapahinga ang senador at si Dranred na nagpapanggap bilang si Elmer. Agad na napatayo mula sa kinahihigaan ang Senador ng marinig ang sinabi ng tauhan.
"Walang hiyang Lt. Heartfelia na iyon. Naisahan ako." Galit na wika nito.
"Ano pang hinihintay niyo! Pabagsakin ang mga sundalong iyan!" galit na wika nito.
"Yes Sir!" agad na wika nito. Pero ikinagulat ng senador ng bilang salakayin ni Dranred na nagpapanggap na Elmer ang tauhan nito. Binato nito ng kutsilyo ang lalaki tinamaan ang kamay nito na nakahawak sa pinto.
"Elmer anong ginagawa mo?" Gulat na wika ng senador.
"Pasensya na pero hindi ako ang anak mo." Wika ni Dranred at tumayo mula sa kinauupuan. lumapit sa lalaki saka kinuha ang nakatarak na kutsilyo sa kamay nito bago suntukin ang lalaki na dahilan para mawalan ito ng malay.
"Anong ibig mong sabihin na hindi ikaw si Elmer?" Takang Wika nito.
Dahan-dahang inalis ni Dranred ang bendahe sa mukha nito. ganoon na lamang ang gulat nang makitan hindi si Elmer ang binatang nasa harap niya.
"Ikaw?!" gulat na wika ng senador ng makilala ang binata.
"Pasensya kana, nangako kasi ako sa anak mo na dadalhin kita sa kanya ngayong araw. Kaya kung ako sa iyo isusuko ko ang sarili ko ng maayos." Wika ni Dranred. Ngunit mukhang walang balak na sumuko ang senador ngumisi ito sa binata. Akma sana nitong kukunin ang baril na nasa side table ng biglang barilin ni Dranred ang baril dahilan para tumilapon ito. Nagulat ang Senador sa ginawa ni Dranred at napatingin sa binata.
"Pasensya kana Sen. Hindi kita papayagan na ituloy ang binabalak mo." Wika ni Dranred at lumapit sa lalaki.
Isinama ni Dranred ang Senador palabas ng cabin. Nang makalabas sila nakatutuk lahat ng baril ng mga tauhan kay Dranred.
"Paano ba yan mukhang ako parin ang nakakalamang." Wika ng Senador kay Dranred ng Makita na handa siyang ipagtanggol ng mga tauhan nito.
Sinimulang sugurin si Dranred ng mga lalaki dahilan para mabitiwan nito ang senador habang nakikipag-laban si Dranred sa mga tauhan nito gumawa naman ang senador ng dahilan para makalabas ng Barko.
Ibinaba nito ang isang Bangka saka sumakay para magamit palayo.
"Ano pang ginagawa natin bakit hindi natin tulungan si Yabang!" Ani Aya na sakay ng isa sa mga Chopper kasama ang Kuya niya at si Juluis.
"Tumatakas na ang Senador. Execute plan B." Wika ni Eugene sa piloto ng hindi man lang pinapansin Si Aya.
YABANG!" maya-maya sigaw na Aya na ikinagulat ng lahat kasabay ang isang malakas na pagsabog ang narinig ng lahat. Agad na napalakad si Eugene sa may pinto para Makita ang Barko na sumabog. Nakita nila ang senador na napapalibutan na nang mga Bangka ng coast guard na siyang plan B. Natinutukoy ni Eugene. Naanticipate na nila na pwedeng tumakas ang senador kaya naman may mga taga Marine na nakabantay. Ngunit hindi nila naanticipate na pasasabugin nito ang barko kasama si Dranred at ang mga tauhan nito.
Sa lakas ng pagsabog halos nagkapira-piraso na ang barko. Tiyak na walang makakaligtas sa ganoon kalakas na pagsabog. Ilang beses na nagpaikot-ikot ang chopper nila sa boung paligid nagbabakasakali na makikita si Dranred o kahit na ang labi man lang nito.
"Yabang!" Nagulat ang lahat ng bigla na lamang sumigaw si Aya habang nakatayo sa may pinto ng chopper. Ito ang pangalawang beses na inilagay nang binata ang sarili sa panganib para iligtas siya. Bakit kailangang humantong ang lahat sa pagkasawi nito.
"Sa baba!" Wika ni Rick ng mapanasin si Dranred na lumalangoy patungo sa direksyon nila. Agad na inutusan ni Eugene ang piloto na si Julianne na lumapit ng konti kay Dranred. Kakaibang relief and naramdaman ni Aya ng makitang buhay pa si Dranred. Kahit na parati siya nito iniinis dahil sa kayabangan nito Masaya siyang Makita itong buhay.
"Hindi ko alam kung magaling ba talaga siya o sadyang Swerte." Natatawang wika ni Julianne. Noong una nakaligtas din ito sa nasusunog na bahay at lumabas ng walang ano mang galos. Ngayon naman matapos ang malakas na pagsabog nakaligtas pa rin ito.
Agad na inihulog ni Eugene ang ladder para makaakyat si Dranred. Masaya naman ang lahat ng Makita ang binata na ligtas. Bukod sa sugat nito sa bilikat mukhang wala namang ibang iniinda ang kanilang Chief.
Napaupo si Dranred sa may pinto ng chopper na tuluyan na siyang makaakyat. Akala niya talagang matatapos na siya ng mga sandaling iyon. Mabuti na lamang at agad niyang napansin ang bomba na nakasabit sa barindilyas ng barko. Mula sa malayo nakita niya ang Senador na may hawak na remote control. Bukod doon narinig din niya ang tunog ng mga timer ng bomba. Bago pa mapindot ng Senador ang control nakatalon na siya sa barko kaso tinamaan siya ng bala sa balikat.
"Hey Trouble girl! What are you doing here?" Nakangiting wika ni Dranred ng Makita ang dalaga. Masaya siya na ligtas ito.
"How do you feel?" walang emosyon na wika ni Aya. Natakot siya nang makitang sumabog ang yate akala niya hindi na makakaligtas ang binata. Ito ang ikalwang beses na isinugal nito ang buhay para iligtas siya.
"Freezing!" nakangiting wika ni Dranred. Ngunit biglang napalis ang ngiti nang binata nang makita ang luha sa gilid nang mata Aya.
"Hindi ko alam kung magaling ba talaga siya o sadyang Swerte." Natatawang wika ni Julianne. Noong una nakaligtas din ito sa nasusunog na bahay at lumabas ng walang ano mang galos. Ngayon naman matapos ang malakas na pagsabog nakaligtas pa rin ito.
Agad na inihulog ni Eugene ang ladder para makaakyat si Dranred. Masaya naman ang lahat ng Makita ang binata na ligtas. Bukod sa sugat nito sa bilikat mukhang wala namang ibang iniinda ang kanilang Chief.
Napaupo si Dranred sa may pinto ng chopper na tuluyan na siyang makaakyat. Akala niya talagang matatapos na siya ng mga sandaling iyon. Mabuti na lamang at agad niyang napansin ang bomba na nakasabit sa barindilyas ng barko. Mula sa malayo nakita niya ang Senador na may hawak na remote control.
Bukod doon narinig din niya ang tunog ng mga timer ng bomba. Bago pa mapindot ng Senador ang control nakatalon na siya sa barko kaso tinamaan siya ng bala sa balikat.
"Hey Trouble girl! What are you doing here?" Nakangiting wika ni Dranred ng Makita ang dalaga. Masaya siya na ligtas ito.
"How do you feel?" walang emosyon na wika ni Aya. Natakot siya nang makitang sumabog ang yate akala niya hindi na makakaligtas ang binata. Ito ang ikalwang beses na isinugal nito ang buhay para iligtas siya.
"Freezing!" nakangiting wika ni Dranred. Ngunit biglang napalis ang ngiti nang binata nang makita ang luha sa gilid nang mata Aya.
"Nakakainis ka. Akala mo ba bayani ka nang maituturing?" bilang bulalas ni Aya na ikinagulat ng lahat. "Akala niyo ba natutuwa akong makitang parati kayong nagsasakripisyo para sa akin. Hindi ko yun gusto." Ani Aya saka nagbaba nang tingin.
"AYA!" tanging nasabi ni Eugene dahil sa gulat.
Napangiti lang si Dranred at tumayo para maupo ng maayos. Pero bago siya dumiretso sa isa sa mga upuan huminto siya sa tapat ni Aya at hinawakan ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga.
"I know you are thinking of thanking me. And you want to repay me. I already made a promise did I not? Hindi pa ako sumisira sa pangako ko." Wika nang binata. taka namang nag-angat nang tingin si Aya dahil sa gulat sa sanabi nang Kapitan. "I know one way on how you can repay me." Ngumiting wika ni Dranred at inilapit ang mukha sa dalaga. napaigtad pa si Aya dahil sa pagkabigla. Ngunit bago pa siya makabawi. Isang mabilis na halik sa noo ang iginawad ni Dranred sa kanya. For a split second. Pakiramdam ni Aya tumigil ang buong paligid at ang oras. Lahat nang naroon biglang naging bato. Just like before.
"Everytime you cause such turmoil and everytime I save your life. This how you should repay me." Wika nang binata at itinuro ang noo ni Aya. hindi maitago ni Aya ang pamumula nang pisngi. Dahil sa ginawa at sinabi ni Dranred.
"You can count on me. Everytime you need help. I will be there to save you. Always." Wika ni Dranred at nilampasan ang dalaga. BIgla nalang pakiramdam ni Aya bumalik ang takbo nang oras.
Dumiretso sa pag-upo si Dranred matapos balutin ang sarili ng tuwalya na ibinigay ni Rick. Ipinikit nito ang mga mata dahil rin siguro sa pagod. Napatingin si Aya sa kuya niya. Hindi ba nila nakita ang ginawa nang binatang kapitan? Talaga bang huminto ang oras nang ilang Segundo?
Naramdaman ni Aya ang biglang naginit ang kwentas niya ngunit bigla din itong nawala. Hindi niya ito binigyan ng ano mang importansya napatingin siya sa binata na nakaupo.
Dahil sa sugat nito sa balikat nagkakaroon ng pulang mantas ang tuwlya na gamit nito. Mukhang malamim ang sugat sa balikat nito dahil patuloy parin ang pagdurugo ng sugat nito.
Napakuyom ang kamao ni Julianne nang Makita ang ginawa ni Achellion. Masyado na itong nagiging malapit sa dalaga. At hindi niya nagugustuhan ang ideyang iyon baka masaktan lang ang dalaga.
Hindi siya dumiretso sa ospital bagkus sa main head quarters nagtungo si Dranred kasama ang grupo niya at si Aya. Dinala ng mga Marine ang Senador sa main headquarters. Maraming mga media ang naroon na nais mag cover sa pagkakahuli sa Senador at sa anak nito. Patung-patong na kaso ang isinampa ni Dranred sa mag-ama dahil sa mga illegal na Gawain nito at sa pagkidnap na rin kay Aya.
"I think you should thank me. You will not be missing each other." Ani Dranred sa mag-ama na nasa loob ng kulungan.
"You wont hold me that long Captain. Hindi mo kilala kung sino ang mga kasamahan ko." Wika ng Senador.
"Well hindi mo kailagang sabihin sa akin dahil ako mismo ang maghahanap sa kanila." Wika ni Dranred.
"Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo."
"Malalaman ko rin oras na matapos ang imbestigasyon. Wala akong paliligtasin ni Isa man na magdadala ng kaguluhan." Ani Dranred.
"Pagbabayaran mo ang kahihiyang idinulot mo sakin Capt. Bryant. You will be paying big time. Uubusin ko lahat nang taong mahalaga sa buhay mo.Asahan mo yan."
"Itigil niyo na ang panlalaban niyo. Kung nabuhay lang sana kayo ng may malinis na konsenya at tuwid na Gawain walang batas na tutugis sa inyo.
Hindi lang batas ng tao ang nilabag niyo kundi maging batas ng Diyos. Magpasalamat kayo dahil may oras pa kayong mag-sisi." Wika ni Dranred bago iwanan ang mag-ama.
Maraming TV station ang nais mag-interview sa bagong Chief ng Phoenix dahil sa naging mga accomplishment nito. Una ang kidnapping issue na tumagal ng anim na buwan bago na lutas. Ngayon naman nahuli at naipahayag sa publiko ang mga maling Gawain ng Senador. Ngunit walang isa man sa kanila ang pinaunlakan ni Dranred para sa interview.
"Wala ka bang balak ipagamot yang sugat mo?" tanong ni Aya nang pasakay na ng kotse si Dranred. Sinundo siya ni Mike dahil na rin sa utos ng ama niya. Nalaman nito ang operasyon na ginawa nila. Sa pag-aalala ipinadala nito si Mike para sunduin ang binata.
"Dont worry, Malayo sa bituka ang sugat ko. I wont die!" ngumiting wika ni Dranred.
"Yabang talaga!" napasinghap na wika ni Aya. "Bakit ba ako nag-aaksaya nang panahon na mag-alala sa iyo. I bet you don't need it."
"And OH!" wika ni Dranred saka hindi itinuloy ang pagsakay sa kotse bumaling ito sa dalaga."Stay out of trouble. I might not be there to save you this time. Kailangan kong magpahinga.." Ani Dranred sa dalaga.
"Ano?! Sinabi ko bang iligtas mo ako!" mataray na wika ni Aya.
"Such a pain!" nakangiting napailing si Dranred bago sumakay at inutusan si Mike na paandarin ang kotse.
"Such a pain!? Yabang!" Inis na sigaw ni Aya.
Nasa sasakya si Dranred nang mapansin niyang kusang naghilom ang sugat niya. Gaya nang sugat niya noong kalaban nila ang mga rebelde. Unti-unti na kayang bumabalik ang kapangyarihan niya. Kaya na niyang paghilomin ang sarili niyang sugat, madalas na rin niyang nakokontrol ang oras.
Subalit kapag nagagalit siya hindi niya kayang kontrolin ang kapangyarihang taglay niya.
"Sa Hospital ba ang tuloy natin? Mukhang malalim ang sugat mo?" tanong nang driver ni Dranred.
"Hindi na, sa bahay nalang tayo. Kailangan ko nang magpahinga." Wika ni Dranred.
"Sige." Simpleng wika nito. Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong magpahatid sa hospital nakikita naman niyang maraming dugo ang nawala sa binata. Nilingon ni Mike ang binata nakapikit ang mga mata nito at tila natutulog. Alam niyang isang magaling na sundalo ang anak nang commission officer at amo niya ngunit tiyak naman niyang isa lang itong normal na lalaki kaya kahit anong galing nito sa mga sugat na natamo nito tiyak na manghihina din ang katawan nito. Hindi naman ito si Superman na bakal ang katawan.
Takot na takot ang isang lalaki habang tumatakbo sa isang madilim na eskinita. Nagkakanda buwal-buwal na ito. Panay ang tingin sa likod niya na waring my tinatakasan. May sugat sa kaliwang tagiliran ang lalaki na waring galing sa isang matulis na bagay. Hinawakan nito ang sugat habang tumtakbo.
Napaatras ang lalaki ng biglang may lumitaw na isang tao sa harap nito. May dala itong isang matulis na bagay na puno ng dugo. Bakas sa mukha ng lalaki ang labis na takot ng Makita ang hawak nitong matulis na bagay. Ngumisi ang lalaki bago saksakin sa tiyan ang kawawang lalaki. Hindi pa ito nag kasya bagsak na ang lalaki pero undayan parin niya ito nang saksak. Hindi nito tinigilan ang lalaki hanggat hindi nito nasisiguro na wala na itong hininga.
Napabalikwas si Aya dahil sa kakaiba niyang panaginip. Pinagpapawisan din siya nang malagkit. Hindi niya alam kung saan galing ang ganoong klaseng panaginip niya subalit ramdam na ramdam niya ang takot nang biktima at ang galit nang lalaki. Kung panaginip lang ito bakit totoo ang takot na nararamdaman niya.
Sobrang lakas ng tili ng babae ng Makita ang duguang bangkay ng isang lalaki sa loob ng eskinita. Ilang sandali pa, marami ng tao ang naki osyoso. Kasunod noon ang pagdating ng Mga pulis at ng Task force Phoenix at mga miyembro nang media para tingnan ang bangkay ng biktima. Si Rick at Ben na dating miyembro ng Forensics ang siyang tumingin sa bangkay.
Habang sina Meggan at Julius naman ang tumingin sa paligid ng pinang yarihan ng insedente.
Agad ding lumabas sa balita ang nangyaring insidente.
"Ang dami na talagang hindi magandang nangyayari sa bayan ngayon. Sunod-sunod na patayan at nakawan." Wika ni Elena habang nasa komedor sila sakto ding ipinalabas ang balita tungkol sa lalaking pinatay. Sakto namang pumasok si Aya sa komedor nang ipalabas ang mukha nang biktima sa TV Screen. Nabitiwan pa niya ang dalang baso dahil sa labis na gulat. Ang lalaki sa panaginip niya at ang mga tama nang saksak nito ay pareho sa panaginip niya.
"What The---" putol na wika ni Bernadette dahil sa gulat sa pagbagsak nang baso sa sahig.
"HIja, Are you okay?" Tanong nang lola niya.
"Ang aga-aga para kang sirang nakatulala diyan. Balita lang yan. Hindi ka pa ba nasanay?"
"Lady Aya. Ako na." wika ni Lee nang makitang wala sa loob na dinampot ni Aya ang mga basag na bahagi nang baso, Nakita rin niyang nanginginig ang kamay nang dalaga.
"Mas Mabuti pang maupo ka muna." Wika ni Butler Lee at inalalayan ang dalaga patungo sa upuan. Inutusan naman niya ang isang katulong na dalhan nang tubig ang dalaga. Hindi niya alam kung anong nangyari sa dalaga ngunit alam niyang natatakot ito. Dahil kaya sa Nakita nitong balita. Hindi naman niya masisisi ang dalaga, ilang beses nang nalagay sa panganib ang buhay nito at ilang beses nang na kidnap kahit sino tiyak na matu-trauma. Inutos nang matandang Donya na patayin ang TV dahil sa nakitang reaksyon nang apo.
"Ang arte naman." Wika ni Bernadette at tumayo. "Nakakawalang gana." Anito at umalis. Hindi pa rin maka paniwala si Aya sa Nakita niya sa TV. Totoong nangyayari ang panaginip niya.
Hindi naalis sa isip ni Aya ang panaginip niya at ang katotohanang totoo ang mga nangyari. Isang tao lang ang iniisip niyang pwede niyang masabihan nang mga Nakita niya sa panaginip niya at tiyak hindi siya pagtatawanan. Matapos ang klase nila nagtungo siya sa opisina nang Phoenix, kaya lang wala siyang ibang naabutan doon kundi si Arielle nagpunat kasi sa Crime scene lahat nang miyembro nang Phoenix maliban sa dalaga dahil sa mga files na pinapaayos ni Dranred. SInabi sa kanya nang dalaga na sa opisina nalang nang kapitan siya maghintay.
Ilang oras na siyang naghihintay doon hindi pa rin dumarating ang binata ilang dyaryo na yata ang naubos niyang basahin hindi parin bumabalik ang mga ito hanggang sa makatulog nalang siya dahil sa paghihintay.
Ipinakuha lahat ni Dranred ng larawan ng mga biktima ng serial killing. Sa loob ng isang lingo apat na agad ang biktima ng killer.
"Hindi basta basta ang biktima ng killer na ito. Lahat sila galing sa isang kilalang pamilya." Ani Johnny habang nasa loob sila ng conference room at pinag-aaralan lahat ng mga litratong nakuha nila.
"Bukod doon, ang apat na ito at dating magkakaklase at magkakaibigan." Ani Meggan. "Ang iniisip ko. Bakit sila papatayin ng suspect. Maliban na lang kung may atraso sa kanya ang apat na ito." Dagdag pa nito.
"OO parang kwento sa isang, Novela. Naghihigante ngayon ang killer dahil sa ginawa nila noon sa kanya. Maaring binu-bully siya noong apat noong nag-aral pa sila. Tinorture at pinahirapan. At ngayon at naghihigante na ito." Ani Ben.
"Sabihin mo Ben? Ano namang pelikula ang pinanood mo?" ani Arielle sa binata.
"Aba hindi natin pwedeng Baliwalain ang posibilidad na isa itong kaso ng paghihigante." Ani Ben.
"Pwede nating sabihing paghihigante ang dahilan ng mga pagpatay. Mas maiigi na maghanap pa tayo ng ebedensya na mag-uugnay sa mga taong ito. Ni wala tayong clue kung sino ang killer. Mahirap magbigay ng konklusyon sa ngayon." Ani Eugene.
Napatingin ang lahat sa pinto ng bigla itong bumukas at mula doon pumasok ang isang binata. Sa ayos nito natitiyak nilang galing ito sa isang mayamang pamilya.
"Magandang umaga. Nariyan ba si Capt. Dranred Bryant." Wika ng lalaki. Biglang nagkatinginan ang lahat bakit nito hinahanap si Dranred? Iyon ang mga tanong sa isip nila.
"Wala siya dito ngayon. Anong kailangan mo sa Chief namin?" ani Julianne.
"Sa kanya ko lang sasabihin ang pakay ko." Anito kay Julianne. "Hihintayin ko na lang siya dito. Anong oras ba siya makakabalik." Tanong nito.
"Pabalik na rin yun." Sagot ni Meggan "May Kailangan lang siyang puntahan sa Empire." Dagdag pa nito.
Inabot ng ilang oras ang hihinintay ng lalaki bago dumating si Dranred kasama si Eugene. Nagulat pa ang binatang kapitan ng lapitan siya ng lalaki.
"Captain Bryant kanina pa kita hinihintay." Anito at naglahad ng kamay. "Ako nga pala si Renz Lopez." Anito at pinakilala ang sarili.
"Renz Lopez?!" gulat na wika ni Meggan
"Bakit?" Tanong ni Julius. "Kilala mo ba siya?"
"Sinong hindi makakakilala kay Renz Lopez isang sikat na soccer player at anak ng isang Judge." Ani Meggan.
"Soccer is not my sport." Ani Julius.
"OO dahil ng alam mo lang ay kumain." Wika ni Meggan sa kaibigan at ngumiti.
"Aba kung hindi mo alam magaling ako mag baseball." Ani Julius ngunit hindi siya pinansin ni Meggan.
"May kailangan ka sa'kin?" tanong ni Dranred sa binata.
"Pwede bang sa opisina mo na natin ito pag-usapan." Anito.
"Alright!" ani Dranred bago bumaling kay Eugene. "Prepare the files that I need. See you guys in the conference room after an hour." Wika ni Dranred.
"Yes Captain." Wika ng lahat. Nagpatiuna si Dranred papunta sa opisina niya sumunod naman agad ang lalaki. Nang buksan ni Dranred ang pinto agad niyang nakita si Aya na natutulog sa Sofa. Nasabi sa kanya ni Arielle na nasa opisina niya si Aya, muntik na niyang makalimutan iyon. Bigla siyang huminto at hindi itinuloy ang pagpasok sa silid. Muli niyang isinara ang pinto at bumaling sa bisita.
"Bakit captain?" Tanong nito.
"Lets talk in the conference room. Hindi ko pa nalilinisan ang opisina ko." Ani Dranred.
"Alright." Anang binata at sumunod kay Dranred. Nakahinga naman ng maluwag si Julianne dahil hindi pumasok sa opisina ang binata. Alam niyang naroon si Aya. Malamang nakatulog na ito dahil sa tagal ng paghihintay.
"So what business do you want from me?" wika ni Dranred nang nasa loob na sila ng conference room.
"Gusto kung I-hire ang Task Force niyo para maging bodyguard ko." Wika nito na ikinagulat ni Dranred at hindi rin niya nagustuhan ang bagay na iyon.
"BodyGuard? I think I heard it wrong." Wika ni Dranred.
"Yes Bodyguard." Anito.
"I think you have come to the wrong place. Task Force Phoenix is not a security agency. Kung gusto mo i-i-endorse kita sa kakilala ko." Wika ni Dranred.
"I am a bit insulted by your word Captain."anito.
"Did I? Mr. Lopez. We solve cases thats why we are under crime squad. Hindi namin trabaho ang maging bantay o Bodyguard." Madiing wika ni Dranred.
"Siguro naman, nakarating na sa inyo ang balita tungkol sa serial killing incident." Wika nito. "I need your protection. I have a feeling na isa ako sa pwede niyang maging biktima." Ani Renz.
"Bakit niyo naman naisip na isa kayo sa magiging target ng killer? Are you somehow related to him?" ani Dranred.
"Lahat ng biktima niya ay ang dati kung mga kaibigan. Kaya naisip ko na baka ako na ang isunod nila." Anito. "Isang malaking psychopath ang killer na ito. Tinatarget niya lahat ng mga taong sikat sa lipunan." Wika nito.
"Kung totoo ang sinabi mo. Lahat ng mga mayayamang tao kailagan din ng bodyguard." Wika ni Dranred.
"What I am saying is. Matutulongan ba ako ng agency ninyo. Kaya kong magbayad ng malaki." Ani Renz. Hindi sumagot si Dranred bagkus ay nakatitig lang ito kay Renz. Hindi siya makapaniwala s aka buktutan nang ugali nang binata.
"Unbelievable. I just told you that I can Pay you as much as you need." Anito kay Dranred.
"I don't need your money." Direktang wika ni Dranred. Hanggang sa huli hindi parin ibinigay ni Dranred ang nais nito. "Kung wala ka nang ibang kailan. Pwede ka nang umalis. Do I need to show you the way out?" sakristong wika ni Dranred sa binata.
"You will regret rejecting me Captain."
"I'll cross the bridge when I get there." Wika ni Dranred. Inis na lumabas nang conference room ang binata.
Tinitigan niya nang masama ang mga tauhan ni Dranred nang makasalubong niya ang mga ito. Patii Arielle na walang malay ay binangga nito. nagkalat sa sahig ang dala nitong files ni hindi manlang nito tinulungan ang huli sa halip ay nilampasan lang.
"Ang sama nang ugali nang isang yon." Ani Meggan at inalalayan si Arielle na tumayo.
"Salamat." Ani Juri. "Sino bay un at ang angas." Wika ni Arielle.
"Si Renz Lopez." Wika ni Meggan.
"I can see that, ni reject ni Captain ang isang yon." Wika ni Ben. Nakita nilang lumabas si Dranred sa conference room at dumiretso sa opisina niya, nang pumasok siya nakaupo na si Aya sa sala.
"Did you had a good nap?" tanong nang binata.
"Pasensya na sa tagal niyo nakatulog na ako." Wika ni Aya.
"That's Okay. Nandiyan sa labas ang kuya mo. Pwede mo siyang kausapin ngayon habang hindi pa naguumpisa ang conference naming." Wika ni Dranred.
"Ang totoo niyan, ikaw ang pinunta ko ditto." Wika ni Aya. Taka namang tumingin si Dranred sa dalaga.
"Okay. May nangyari ba?"
"Yung—yung lalaking nasa balita. Nakita ko siya sa panaginip ko. Pati ang nangyari sa kanya Nakita ko rin. Hindi ko alam kung bakit but I did." Wika ni Aya, Nakita naman ni Dranred ang panginginig nang kamay nang dalaga. Lumapit siya ditto at hinawakan ang kamay nito.
"Huwag mon ang masyadong isipin niyon. Don't stress yourself." Wika ni Dranred. Wala din naman siyang sagot kung bakit napanaginipan ni Aya ang bagay na iyon.
Ilang oras matapos makaalis ang binata. Galit na galit na sumugod Si Gen. Sa Headquarters. Dahil ito sa pagtanggi ni Dranred sa paghingi ng proteksyon ni Renz. Lumapit ito sa ama niya na matalik na kaibigan ng General. At dahil malakas ang hawak na kapangyarihan ng General walang nagawa sina Dranred. Si Eugene ang itinalaga ng General na maging BodyGuard nito. Tahasang tumutol si Dranred at sinabi sa General na kailangan niya si Eugene para malutas ang kaso.
Talagang hindi ito pumayag na gawing body guard nang mayamang binata ang sub ordinate niya. Ngunit nagbanta si General Mendoza na kapag patuloy siyang sinuway nang binatang ipapa court martial niya ito. Dahil sa sinabing iyon nang heneral, kusang pumayag si Eugene sa bago nitong tungkulin.
Dahil si Eugene ang bagong bodyguard nito kailangan nitong samahan ang binata kahit na saan man ito magpunta. Na bigla si Eugene ng sabihin nito may dadalawin itong kaibigan sa isang hospital kung saan ito nagtatrabaho. Mas nagulat naman siya nang malaman na si Jenny ang dadalawin nito.
"Eugene!" nagulat na wika ni Jenny nang Makita ang binata kasama si Renz. Dumalaw ito sa hospital. Kasalukuyan niyang nililinis ang isang stock room. Napagalitan kasi siya nang kanilang head surgeon kaya pinarusahan siya at pinaglinis nang stock room kahit isa siyang doctor hindi parin siya nakaligtas sa mala terror nilang head surgeon at dahil baguhan siya hindi siya pwedeng humindi sa mga utos nito.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Renz.
"OO. Kaibigan ko siya." Wika ni Jenny.
"Kung ganoon. Mas mapapalagay ang loob ko dahil pwede ka rin niyang bantayan. Si Eugene ang personal Bodyguard ko." Anito. "Lt. Si Jenny Ang fiancé ko kaya naman kung ano ang pagbabantay mo sa kin ganoon din ang gawin mo sa kanya." Anito.
"Huh?" gulat na singhap ni Jenny. Ano bang sinasabi nitong fiancé? Nanliligaw ito pero hindi niya maalala na sinagot na niya ang binata. Tumingin siya kay Eugene ngunit wala naman siyang nakitang emosyon sa binata.
"Yes Sir." Ani Eugene.
"Hindi na kailangan iyon. Kaya ko ang sarili ko. Nakalimutan mo bang dati akong miyembro nang PNP." Ani Jenny Nainis siya sa reaksyon ni Eugene. Alam naman niyang hindi nagpapakita nang emosyon ang kaibigan ngunit bakit nageexpect siya.
Si Renz ang naging kaibigan ni Jenny sa England noong nag-araal siya doon. Ito rin ang nagsilbing kakampi niya sa lahat nang mga lungkot at pangungulilang naramdaman niya. mabait si Renz sa kanya kaya naman napalapit na ang loob niya ditto.
Ngunit kahit na kilala na nila ang isat isa hindi lumampas sa pagkakaibigan ang turing niya kay Renz. Hindi niya maturuan ang puso niya na ibaling ang atensyon ditto. Niligawan siya ni Renz at sinubukan niya itong mahalin subalit hindi naman iyon nagtagumpay. May isang tao ang hinahanap nang puso niya. She seeks that feeling of security and safety, bagay na hindi niya naramdaman kay Renz. That feeling na kay Eugene lang niya na raramdaman. Simula pa noon.
Simula noong bata pa sila. May gusto na siya sa Binata. Pero kaibigan lang ang turing nito sa kanya. Kaya naman sinubukan niyang itago ang nararamdaman niya sa binata. Hindi niya maikaila na naroon parin ang pagkagusto niya sa binata. Hindi ito nabawasan o mas magandang sabihin na lalo pa yatang lumala. Nasasaktan siya tuwing naiisip na may fianceé na ito. Lalo na noong nakilala niya ang fianncee nito. Sino ba naman siya laban sa isang international model? Isa lang siyang doctor at anak pa nang isang dating gang leader.
"Busy ka ba?" Tanong ni Renz kay Jenny.
"May mga aayusin lang ako dito sa sa stock room. Ginalit ko kasi ang head surgeon naming kaya heto ako ngayon. Bakit?" sagot niya.
"Gusto sana kitang yayaing mag dinner. Hindi na tayo nakakalabas dahil sa dami ng ginagawa ko. Baka isipin mo na nakalimutan na kita." Anito at lumapit kay Jenny.
"Wala kang dapat ipag-aalala. Gaya mo Busy din akong tao. Kaya hindi ko na iniisip ang oras. Okay lang naman sa akin kung busy ka." Ani Jenny at lumayo sa binata saka naglakad patungo sa loob nang stock room.
"Nandito ka na rin lang pwede mo ba akong tulungang maglinis?" nakangiting wika ni Jenny. Natawa si Renz sa dalaga.
"I really cant resist your charms." Anito. "Where do we start?" anito at hinubad ang suot na coat.
"Una kailagan nating ayusin ang mga kahon na iyon." Ani Jenny at itinuro ang mga box na nasa loob ng storage room.
"Not a problem. Tutulugan naman tayo ni Lt." Anito kay Eugene.
"Huh?!" gulat na wika ni Eugene. Paano ako nasali sa usapan? Bodyguard ako hindi boy. Wika ng isip niya.
"Pwede mo ba kaming tulungan? Kung hindi naman abala sa iyo." baling ni Jenny kay Eugene at ngumiti.
Kung ngingiti ka ng ganyan. Paano ako makakatanggi. Wika ng isip ng binata na agad din niyang inalis. Ano bang sinasabi niya. Kaibigan niya si Jenny at isa pa may Girlfriend siya.
"If I say No. Lalabas ba akong kontrabida?" wika ni Eugene na nakatitig sa dalaga. Tumango si Jenny habang nakangiti. Napangiti naman si Eugene sa itinugon ng dalaga. Saka hinubad ang jacket na sout. Ang tanging naiwan ay ang itim na t-shirt nito na fit na fit sa katawan nito. Klarong klaro ang malalapad nitong dibdib at malalaking braso.
"Heto!" ani Jenny at inabot sa mga binata ang paris ng gloves at face mask. "Masyadong maalikabok sa loob." Wika pa nito.
Nagsimulang i-file ng mga binata ng mga box sa loob ng storage room kasama si Jenny. Napatingin ang mga binata sa dalaga ng bigla itong bumahing dahil sa labis na alikabok kahit na may face mask na ito panay-panay pa rin ang bahing nito.
"Doon ka na sa labas." Wika ni Eugene at lumapit kay Jenny habang hawak-hawak ang tatlong kahon.
"Hindi na. Kaya ko naman."
"Anong kaya. Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Panay-panay na ang bahing mo." Ani Eugene.
"Dahil lang ito sa alikabok." Wika ni Jenny.
"Alam ko. Kaya doon ka na sa labas." Ani Eugene.
"Ang dami pang gagawin oh." Ani Jenny.
"Ang tigas naman ng ulo." Wika ni Eugene at binitiwan ang box na dala. "Lalabas ka ba o kailangan pa kitang buhatin palabas?" ani Eugene.
"Ano?!" gulat na wika ni Jenny.
Napasinghap si Eugene nang muling bumahing si Jenny. Napatayo si Renz mula sa kinauupuan niya ng bigla na lamang pangkuin ni Eugene si Jenny. Napatitig si Jenny sa binatang bumuhat sa kanya. Pakiramdam niya gusting tumalon ng puso niya. Sobrang bilis ng tibok nito at ang lakas ng kabog. Nakatitig din ang binata sa mukha ng dalaga. With those spit seconds. Naisip ni Eugene na maganda pala itong si Jenny.
Ang kinis ng mukha at may natural na mapupulang labi at matangos ang ilong. Bakit hindi niya napansin ang mga physical features na ito nang dalaga.
"A-Anong Ginagawa mo?" gulat na wika ni Jenny.
Pero hindi sumagot si Eugene. Agad nitong dinala ang dalaga sa labas nang stock room nagkataon na may mga nurse na dumaan dahil sa hiya biglang tumalikod si Jenny, Nakita niyang ngumiti ang mga nurse narinig paniyang nagbulungan ang mga ito at hangang hanga sa kakisingan nang binata. Ibinaba nito si Jenny nang nasa opisina na sila at malayo sa storage room.
"Anong ginawa mo? Ang dami pang lilinisan sa loob oh." asik ni Jenny.
"Ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" balik na tanong ni Eugene.
"Wala tayong mararating kung ang tanong ko ay sasagutin mo rin ng isa pang tanong." Ani Jenny at akmang babalik sa storage room pero biglang humarang si Eugene.
"Talaga bang hindi ka makikinig sa kin? Gusto mo bang sumpungin ka ng hika mo dahil sa alikabok? Pinag-aalala mo ba talaga ako?" ani Eugene at tumingin ng diretso sa dalaga. Natigalgal naman si Jenny sa narinig mula sa binata. Kung ganoon hanggang ngayon alam pa nito na hindi parin niya gumagaling mula sa Hika niya. Ang tono ng boses nito na nag-aalala ay nagpapataba sa puso niya.
"Huwag ka nang bumalik sa loob. Kami na ang tatapos sa Gawain doon." Ani Eugene at tumalikod sa dalaga. Ano bang ang sinabi niya? Nag-aalala siya na baka bigyan iyon ng ibang kahulugan ni Jenny. Pero totoo naman na nag-aalala siya sa dalaga.
Sina Eugene at Renz na ang tumapos sa paglilinis sa storage room. Nang makalabas ang dalawa. Napangiti si Jenny dahil sa dungis ng dalawan binata. Lalo na kay Renz na nangingitim ang sout na puting long sleeved na polo.
"Siguro naman ngayon hindi mo na tatanggihan ang dinner natin." Ani Renz kay Jenny nang bigyan siya nito ng tuwalya.
"Sunduin mo ako mamaya around six." Ani Jenny at ngumiti dito bago maglakad palapit kay Eugene para iaabot dito ang tuwalya.
"Yes." Masiglang wika ni Renz.
"Salamat." Mahinang sabi niya. Hindi naman tumugon ang binata at tinanggap lang ang tuwalya. Agad na tumalikod si Jenny kay Eugene at bumaling kay Renz. Hindi na nagawang magsalita ni Eugene nang Makita niyang lumapit si Jenny pabalik kay Renz Lopez. Nakangiti ito habang nakikipag-usap sa binata. Ewan ba niya ngunit naiinis siyang Makitang masaya pa ang dalaga habang nakikipagusap sa binata.
Natapos na ang isang araw ng lecture ng instructor nina Aya, pero ni isa sa mga sinabi nito wala siyang naintindihan. Nasa malayo ang utak niya. Iniisip niya ang nakita niya ang kanyang panaginip at kung ano ang kinalaman nito sa kanya? Bakit niya Nakita sa panaginip niya ang pagkamatay nang lalaki. Hindi talaga siya matahimik. Simula nang makakita siya kung ano-ano ang nakikita niya, kasama na doon ang mga duguang mukha nang kuya Eugene niya at Dranred. Ano naman kaya ang ibig sabihin noon? May mangyayari kayang masama sa mga ito?
Paglabas niya sa gate ng Academy nila agad niyang napansin ang kotse ni Frances. Nasa labas ng kotse and PA nito. Nang Makita siya nito agad siyang nilapitan ng babae.
"Miss Aya." Wika ng babae. Simpleng ngiti lang ang tinugon niya sa PA.
"Bakit?" Tanong niya.
"Libre ka ba? Gusto ka sanang makausap ni Miss Frances, nasa Loob siya ng kotse." Anito.
"Sige." Aniya dito. Wala naman siyang dahilan para tumanggi. Naunang naglakad patungo sa kotse ang babae siya naman ay sumunod. Binuksan ng babae ang pinto ng backseat saka siya pumasok. Nasa loob na si Frances at sa pakiwari niya ay bagot na bagot na ito dahil sa paghihintay.
"Pwede mo ba akong samahan sa supermarket?" Tanong ni Frances sa kanya na siya namang ikinagulat niya. Parang may kakaiba sa dalaga. Kahit fiancée ito nang kuya niya nakikita ni Aya na napipilitan lang ang kuya niya napakisamahan ang dalaga. At kung hindi pa sa lola nila tiyak na hindi na ito pinansin nang kuya niya. Para pa ngang civil ang pakikitungo nang kuya niya sa babae at walang pagmamahal.
"S-sige." Alangang wika niya. Iyon lang ang pinakinggan nang babae saka inutusan ang driver na pumunta sa Supermarket. Nang nasa super market na sila bumili ito ng mga ingredients sa paboritong Pagkain ng kuya niya.
Sinabi nito sa kanya na ipagluluto nito ang kuya niya at susubukang kunin ang loob nito. Sabi pa nga sa kasabihan, The way to a man's heart if through his stomach. Para sa kanya maganda narin na ito na ang kumilos para magkasundo sila. Nakikita ni Aya na talagang nag eeffort ang dalaga na makuha ang loob nang kuya niya sabi pa nito hindi naman ang businesss merger ang dahilan kung bakit siya pumayag na me-engage kay Eugene. Talagang gusto niya ang binata. Nakikita naman niyang mabait ito. Hindi naman siguro masama kung magiging kaibigan niya si Frances.
Hindi na tatapos sa supermarket ang pagsama niya kay Frances. Sumama ito sa bahay nila dahil ipagluluto daw nito ang kuya niya. Ang hindi niya lang alam ay kung marunong bang magluto si Frances. Alam niyang galing ito sa mayamang pamilya. Kaya naman hindi siya palagay sa nais nitong gawin.
Pero hinayaan lang niya ito total maganda naman ang intension nito. Wala sa bahay nila ang Tita Elena niya at si Bernadette dahil nagbakasyon ang mga ito sa Taiwan. Gaya nang parating gingawa nang mag-ina ang maglibot sa mundo na para bang walang problema.
Nakatulog na siya sa pagbabantay dito habang nagluluto ito. Nang magising siya ala sais ng gabi. Naisipan niyang puntahan si Frances sa kusina. Muntik na siyang sumigaw dahil sa kalat ng kusina, naghalo ang mga balat ng patatas at iba pang basura habang si Frances ay inaayos ang niluto nito sa isang sulok.
"Tapos na ka na bang mag luto?" Tanong ni Aya.
"OO, pasensya ka na ang kalat ng kusina." Wika ni Frances.
"Naku okay lang yan. Ako na ang maglilinis ang importante na tapos mo ang niluluto mo. Pwede ko bang tikman?" ani Aya at ngumiti dito. Tumango naman ang babae. Lumapit si Aya sa niluto nito saka kumuha ng kutsara para tikman ang niluto ni Frances.
"Kumusta? Sa palagay mo magugustuhan ba ng kuya mo?" Tanong ni Frances.
Ngumiti si Aya. Hindi na masama ang niluto nito kahit na sa palagay niya medyo maalat alam niyang magugustuhan ito ng kuya. Napangiti naman si Frances dahil sa relief. Kahit paano hindi na ito mahihiya na ipakain kay Eugene ang niluto nito.
Biglang nabitawan ni Aya ang hawak na kutsara. Bigla itong napahawak sa dibdib nito, napansin ni Frances na nahihirapan nang huminga si Aya.
Nagsimula narin siyang magpanic hindi niya alam kung anong gagawin. Walang maid sa loob nang bahay dahil pinaalis niya ito dahil gusto niyang siya ang magluluto nang pagkain ni Eugene. Wala din doon si Butler Lee dahil may mga inaasikaso sa hotel.
Bigla siyang napaigtad nang tumunog ang telepono. Nasa kabilang linya si Dranred at hinahanap si Aya. Hindi niya alam kung coincidence ba ang nanyari ang mahalaga makahingi siya nang tulong.
Ilang minuto lang dumating si Dranred sa bahay nila Aya.
"Anong nangyari?" Tanong nito sa dalaga.
"Hindi ko alam bigla na lang siyang nahihirapang huminga." Wika ni Frances. Iyon lang ang pinakinggan ni Dranred saka nagmamadaling pumasok sa bahay nina Aya. Nakita niya ang dalaga na nahihirapang huminga habang nakaluhod at pinupokpok ang dibdib.
"Hey trouble girl." Ani Dranred ng makalapit dito. Agad namang napahawak ng mahigpit sa braso nito ang dalaga. Agad na pinangko ni Dranred ang dalaga.
"Tawagan mo si Lt. Sabihin mong dadalhin ko sa Hospital ang kapatid niya." Tumango lang si Frances. Nagmamadali namang lumabas si Dranred sa building para dalhin ang dalaga sa ospital.
Habang si Eugene naman ng mga sandaling iyon ay isinama ni Renz sa Restuarant kung saan niya dinala si Jenny para sa isang dinner date. Ayaw sana niyang sumama pero parang paranoid si Renz dahil sa mga serial killing na nang yayari.
Hindi macontact ni Frances si Eugene dahil naka off ang cellphone nito. Kaya si Jenny ang tinawagan nito para sabihin na dinala sa Ospital si Aya.
Nasa labas ng restaurant si Eugene at nakatayo sa labas ng kotse habang sina Renz at Jenny at nagdidinner sa loob. Ilang sandali pa, biglang lumabas si Jenny at lumapit kay Eugene. Nagtaka naman ang binata kung bakit ito lumabas. At nababakas niya sa mukha nito na parang labis ang pag-aalala nito. Kasunod ni Jenny na lumbas si Renz.
"Bakit?" Tanong ni Eugene ng makalapit ang dalaga sa kanya.
"Si Aya." Biglang wika nito.
Aya? May nangyari ba sa kapatid niya? Parang hindi niya gustong marinig ang sasabihin pa nito.
"Bakit anong nangyari kay Aya?" Tanong ni Eugene sa dalaga at hinawakan ang balikat nito.
"Dinala siya sa hospital nahirapan daw huminga." Wika ni Jenny.
Iyon lang ang pinangkinggan ni Eugene at agad na tumawag ng Taxi. Hindi na napansin ng dalawa si Renz dahil sa labis na pagmamadali. Agad silang sumakay sa Taxi at iniwan si Renz na tulala na nakatingin sa kanilang dalawa. Nakalimutan na ni Jenny na magpaalam kay Renz. Ganoon din naman si Eugene.
Nang dumating sila sa Hospital naroon na sina Julianne at Julius at Dranred na siyang nagdala kay Aya sa Hospital naroon din Si Frances at hindi mapakali, Na mumula din ang mga mata nito dahil sa labis na iyak.
Nang Makita nito si Eugene na paparating agad itong tumayo at tumakbo palapit sa binata at agad itong niyakap.
"Si Aya?" tanong ni Eugene sa mga naroon.
"Nasa Emergency room pa siya." Sagot ni Julius.
"Anong nangyari?" tanong ni Jenny kay Julianne.
"Hindi ko rin Alam." Wika ni Julianne.
"I'm sorry! I'm really sorry. Hindi ko alam na malalason siya." Wika ni Frances na umiiyak habang yakap si Eugene.
"Lason?"Takang wika ni Eugene at bahagyang inilayo si Frances.
"Naisipan ko kasing ipagluto ka. Tinikman ni Aya ang niluluto ko. Hindi ko naman alam na malalason siya." Wika nito. "Ngunit wala naman akong kakaibang inilagay sa niluto ko. Gusto ko lang mapalapit sa iyo.
Wala akong intension na saktan ang kapatid mo." umiiyak na wika ni Frances. Agad namang niyakap ni Eugene ang dalaga. Hindi niya ito magawang masisi dahil sa nangyari kay Aya. Alam niyang hindi naman nito intension na mapahamak ang kapatid niya.
Habang nakatitig si Jenny sa dalawa. Hindi maiwasang hindi siya mainis. At magselos sa isang banda.
Ilang sandali pa lumabas na ang doctor mula sa emergency room.
Agad namang lumapit si Eugene dito para magtanong kung ano ang nangyari sa kapatid niya.
Sabi ng doctor isang allergic reaction ang dahilan kung bakit hindi makahinga si Aya. Maaring may nakain ito na hindi pwede sa kanya. Saka lang naalala ni Frances ang chicken powder na nilagay niya sa niluto niya.
"I'm sorry hindi ko alam." Wika Frances sa binata.
"Its okay, I am not blaming you." Ani Eugene at niyakap ang dalaga.
"Pupuntahan ko lang si Aya." Ani Jenny at hinatak si Julianne patungo sa silid kung saan dinala si Aya.
"I'll be going ligtas na naman si Aya." Wika ni Dranred kay Eugene.
"Salamat sa pagdala sa kapatid ko dito." Wika naman ni Eugene sa kapitan nila.
"Dont mention it." Anito saka naunang umalis.
Nang magising si Aya, napansin niyang nasa isang silid siya kung saan puro puti ang nakikita niya. Nagtataka siya kung bakit siya naroon sa lugar na iyon.
Ang huling naalala niya ay nasa bahay na siya at sinasamahan si Frances na magluto para sa kuya niya.
Nang magmulat siya ng mata nakita niya si Jenny na natutulog na nakatango ang ulo sa kama at hawak ang kamay niya.
"Ate Jenny." Wika ni Aya at inalog ang dalaga. Simula nang makilala niya si Jenny naging malapit na sila sa isat-isa. Minsan din sa Clinic siya nagpapalipas nang oras kapag wala silang klase. Nag kukwentuhan. Parati niyang tinatanong si Jenny tungkol sa kung ano ang kuya niya noong nasa poder nila ito.
Agad namang nagising si Jenny dahil sa ginawa ng dalaga.
"Aya!" wika nito nang Makita siyang gising. "May masakit ba sayo? Nahihirapan ka bang huminga?" Wika nito na nag-aalala sa Dalaga.
Simpleng umiling si Aya.
"Buti naman." Wika nito saka ngumiti at umayos sa pagkakaupo. "Alam mo bang tinakot mo kami?" ani Jenny dito.
"Anong nangyari?" Tanong ni Aya.
"Allergic reaction daw sabi ng doctor. Dahil siguro sa chicken powder na nilagay ni Frances sa niluto niya." Ani Jenny.
"Si Frances? Nasaan na siya?" Tanong ni Aya kay Jenny. Iniisip ng dalaga na baka sinisisi nito ang sarili dahil sa kanya.
"Inihatid siya muna ni Eugene. Wala kasing ibang ginawa kundi ang umiyak." Wika pa nito. "Nagugutom ka ba? Bibili ako nang makakain sa labas." Ani Jenny lumapit sa bag nito.
Tumango si Aya at ngumiti.
"Babalik ako agad." Ani Jenny at lumbas ng kwarto. Nang makalabas siya ng silid. Nakasalubong niya si Renz. May pasa ang mukha nito at may binda ang kanang kamay.
"Renz?!" gulat na wika ni Jenny nang Makita ang binata sa ganoong ayos. "Anong nangyari sa iyo?" Tanong ni Jenny. Kagabi lang okay pa naman ito nang umalis siya? May nangyari ba dito habang abala sila kay Aya?
"Some Idiot just played a prank on me." Sagot nito kay Jenny.
"Nagreport ka na ba sa mga pulis?" Tanong ni Jenny.
"There is no need. Pwede mo ba akong samahan pauwi?" Anito kay Jenny.
"Huh?! Ngayon na?" tanong ni Jenny at napalingon sa kwarto ni Aya. Iniisip niya na nakapangako siya kay Aya na babalik siya. Ngunit hindi rin naman niya pwedeng pabayaan ang isang kaibigan lalo na sa ayos nito ngayon.
"Mukhang abala ka." Anito na biglang naging malungkot ang mukha.
Sa loob ng kwarto naririnig ni Aya na tila may kausap si Jenny sa labas ng kwarto. Ilang sandali din niyang pinakinggan ang usapan nila.
Ngunit wala siyang masyadong maintindihan. Malabo ang boses ng kausap nito pero sa sigurado siyang lalaki ang kausap nito.
Dumating na kaya ang kuya Eugene niya? Tanong ng isip niya. Dala ng labis na kyuryosidad at dahil bigla ding tumigil ang usapan nina Jenny naisip niyang tumayo sa kama at lumabas gusto niyang Makita kung sino ang kausap ni Jenny.
Akmang hahawakan ni Aya ang siradura ng pinto ng bigla itong bumukas. Bigla siyang napaatras dahil sa pagkabigla.
"Kuya!!" gulat na wika ni Aya ng Makita ang kapatid na siyang nang bukas ng pinto.
"Are you going somewhere?" tanong ni Eugene sa kapatid.
Umiling ang dalaga. "Akala ko kasi narinig ko si Ate Jenny na may kausap. Gusto ko sanang tingnan kung ikaw ang kausap niya." Sagot niya.
"Si Jenny? Narito siya? Hindi ba may trabaho siya?" takang wika ni Eugene.
Nagkibit balikat lang si Aya sa tanong ng kapatid. "Nang magising ako, nakita ko siyang natutulog sa tabi ko. Sabi niya bibili lang daw siya ng makakain sa cafeteria." Wika ni Aya.
"Galing ako sa cafeteria, pero hindi ko siya nakasalubong." Sagot ni Eugene.
"Pwede mo ba siyang hanapin. Parang lalaki ang narinig kong kausap niya. Baka nagtanan na yun." Pabirong wika ni Aya sa kapatid. "Baka mauna pa yong magpakasal sa iyo."
"Naku! Ang imahinasyon mo." Ani Eugene at pinitik ang noo ng kapatid. Agad namang hinawakan ni Aya ang noo.
"Bumalik ka na sa loob. Hahanapin ko siya." Ani Eugene at iniabot kay Aya ang dalang prutas.
Bumalik sa kama si Aya ng makaalis ang kapatid niya. Ilang sandali pa. May narinig siyang kumatok sa pinto. Agad siyang tumayo para buksan iyon.
Ganoon na lamang ang gulat niya ng Makita niya si Dranred sa labas ng pinto at may dalang bulaklak. Naalala pa niya kagabi ng dalhin siya nito sa ospital, bakas sa mukha ng binata ang labis na pag-aalala.
"You're red, are you okay?" tanong ng binata sa kanya. Biglang napakagat ng labi si Aya. Namumula ba siya? Bakit? Hindi niya napansin.
"Kumusta na pakiramdam mo? Nahihirapan ka pa rin bang huminga?" nasa tono nito ang pag-aalala.
"Okay na ako." Ani Aya at tumalikod sa binata.
"It Looks like you are still sick." Ani Dranred sa kanya.
"Yah!" asik ni Aya at humarap sa binata. "Sabi ko okay na ako." Dagdag niya na nag baba ng boses. Nakita niyang napa ngiti si Dranred. Dahilan para mainis siya.
"May Nakakatawa ba?" asik niya dito.
"Its a relief, knowing that you can argue with me right now. Seems that you are really okay." Ani Dranred at iniabot kay Aya ang dalang bulaklak.
"Hindi ka naman siguro allergic sa mga rosas." Nangingiting wika ni Dranred.
"Allergic ako sa taong may dala." Mahinang wika ni Aya at kinuha ang dala nitong bulaklak. Napangiti si Dranred sa itinuran ni Aya.
Biglang tumunog ang Cellphone ni Aya. Sabay silang napatingin ni Dranred sa cellphone niya. Agad naman niya itong kinuha. Si Jenny ang nakaregister na tumatawag sa kanya. Tumingin siya sa binata bago sinagot ang tawag.
Nang sagutin niya ang tawag nito parang takot na takot ang boses ni Jenny. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Tapos bigla na lamang naputol ang tawag ng biglang may umagaw sa Cellphone ni Jenny. Narinig niyang tumili si Jenny. Napuno ang pag-alala si Aya. Maaring nasa panganib ang buhay ng ate Jenny niya.
Agad namang tinawagan ni Dranred ang Phoenix headquarters para e-trace ang location ni Jenny.
"Where are you going?" tanong ni Dranred ng Makita niyang sumunod sa kanya ang dalaga ng lumabas siya ng silid.
"Sasama ako sa paghahanap." Sagot niya.
"You better stay here. Baka sa halip na dumali ang trabaho mas lalong maging komplikado." Wika ni Dranred sa kanya.
"No!" tanggi ng dalaga. "I am not gonna sit here ang wait for something to happen." Aniya.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo." Ani Dranred sa kanya. "Do you have any idea this could be dangerous?"
"Huwag na tayong mag-away. Pwede mo akong pagalitan pero huwag ngayon hanapin muna natin si Ate Jenny." Ani Aya. "Tiyak mag-aalala si Kuya kapag nalaang nawawala si Ate Jenny." Nakita ni Dranred na nangilid ang luha sa mata nang dalaga. Nararamdaman niyang mahalaga sa dalaga si Jenny and he hates it when he sees her eyes na nangingilid ang luha.
"Ano pa nga ba ang magagawa ko. But are you really gonna go out wearing nothing but pajamas?"
"Para namang may oras pa akong magpalit." Wika ni Aya.
Napapailing na hinubad ni Dranred ang suot niyang jacket at iniabot sa dalaga. Ngumiti si Aya at tinanggap ang jacket nito.
"I think I will just postponed your punishment for later." Wika nang binata at itinuro ang noo si Aya.
Nilibot na ni Eugene ang boung cafeteria pero hindi niya nakita si Jenny. Kaya naman naisip niyang balikan sa silid nito ang kapatid. Ganoon na lamang ang gulat ni Eugene ng pagbalik niya sa loob ng kwarto. Isang sulat ang nakita niya na mula kay Aya. Sabi nito na nasa panganib si Jenny at kailangan niyang hanapin. Agad namang umalis ang binata dahil sa labis na pag-aalala para sa dalaga at sa kapatid na pabigla-bigla ng desisyon
2 hours ago .....
Dalawang oras bago mawala si Jenny nakita niya si Renz sa labas ng kwarto ni Aya. Nagpapasama ito sa kanya sa pag-uwi nito sa bahay niya. Puno ng pasa ang mukha ni Renz at may arm cast ang kaliwang braso. Dahil sa awa sa kaibigan sinamahan niya itong umuwi. Hindi na siya nakapagpaalam sa dalagang si Aya dahil akala niya sandali lang siyang mawawala. And hindi niya akalain ay ang mangyayari sa kanila sa daan.
Habang nasa daan sila, bigla silang hinarang ng isang itim na sasakyan isang lalaking nakaitim ang lumabas mula sa kotse. Pinatay nito ang driver ni Renz. Takot na takot si Jenny sa pwedeng mangyari sa kanila. Nanlaban si Renz pero dahil sa benda sa kamay nito wala din itong nagawa laban sa lalaki maging siya ay wala ding nagawa. Pinukpok siya ng lalaki sa ulo gamit ang isang baril dahilan para mawalan siya ng malay.
Natangpuan ang bangkay ng driver ni Renz at ang abandonadong sasakyan nito. Agad na nabuo sa sa isip ni Eugene na pwedeng kasama ni Renz si Jenny at baka nasa panganib na ang buhay ng dalawa.
Nag hiwahiwalay ang grupo para maghanap ng clue sa kung nasaan si Jenny at Renz.
Nang magising si Jenny napansin niyang nasa loob na siya ng isang abandonadong building. Nasa loob siya ng sasakyan ng lalaking dumukot sa kanila. Bigla niyang naisip natawagan si Eugene para humingi ng tulong ngunit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Kaya naiisipan niyang tawagan si Aya. Ngunit bago pa niya masabi kay Aya ang nangyari sa kanila dumating ang lalaki at inagaw ang cellpone niya.
Kinaladkad siya nito palabas ng sasakyan. Dinala siya nito kung saan naroon si Renz. Grabeng takot ang naramdaman ni Jenny ng Makita ang lagay ng kaibigan. Sargo sa dugo ang mukha nito. Sa ibaba ni Renz ay mga matutulis na kawayan na nakatayo. Tiyak na pagnahulog ang binata mag mimistula itong barbecue. Gusto niyang sumigaw dahil sa takot. Hindi niya alam kung kanino siya hihingi ng tulong.
"Renz!" wika ni Jenny. Halos hindi na nito maibukas ang mga mata dahil sa labis na bugbug. "Anong binabalak mong gawin?" asik ni Jenny sa binatang dumukot sa kanila.
"Huwag kang mag-aalala. Papatayin ko rin kayo. Pero maglalaro muna tayo." Ngumising wika ng lalaki. At hinapit ang bewang niya.
"Bitiwan mo ako." Ani Jenny at pilit na itinutulak ang binata.
"Renz! Naalala mo ba ang ginawa mo sa girlfriend ko? Ipapakita ko saiyo na kaya ko ring gawin iyon sa girlfriend mo. Panoorin mong mabuti ang gagawin ko. Regalo ko 'to saiyo bago kita ipadala sa impyero." Wika ng lalaki.
"H-Hayop ka!" pilit na wika ni Renz. Natawa lang ang lalaki sa sinabi ni Renz.
"Hayop?" sakristong tanong nito kay Renz "Kumpara sa ginawa mo at nang barkada mo kay Mila. Wala pa itong gagawin ko." Asik ng lalaki at itinulak si Jenny patungo sa isang mesa. Nawalan ng balance ang dalaga at napahiga sa misa. Tatayo sana siya pero bigla siyang nilapitan ng lalaki napsigaw ang dalaga ng bigla nitong pinunit ang suot niyang damit.
"Huwag!" tili ng dalaga. Pero tila walang naririnig ang lalaki. Pinilit siya nitong halikan pero panay ang iwas niya at panlalaban. Hanggang sa maalala niya ang spray na nasa bulsa niya. Dinala niya ito kanina. Agad niyang ginagap ang spray na dala niya saka inispray sa mukha ng binata. Nasapol ang mata nito dala ng hapdi nabitiwan nito si Jenny. Agad na tumayo anng dalaga at tumakbo.
Sa paghahanap nila Dranred sa dumukot kay Jenny. Napag-alaman nila ang koneksyon ni Renz sa mga kaibigan na pinatay. Isang ka klase nila ang nakakalam sa nangyari dalawang taon na ang nakakalipas.
Si Renz at ang barkada niya ang pinagkatuwaan ang magkasintahang Mila at Miguel na noon ay nakatakda ng ikasal. Sa araw ng kasal dinukot nila ang magkasintahan at dinala sa isang abandonadong building. Doon ay pinahirapan nila si Miguel at ginahasa ang kasintahan nito. Bukod sa pangagahasa ng mga ito sa dalaga. Pinatay pa nila ang dalaga. At sa pag-aakalang pati si Miguel ay namatay iniwan ng barkada ang bangkay ng dalawa sa isang liblib na lugar.
Sa loob ng dalawang taon nanahimik ang tanging taong may-alam sa nangyari dahil sa takot kay Renz at sa banta nitong papatayin siya. Hindi alam nina Renz na buhay pala si Miguel at ngayon nga ay naghihigante.
Nauna na nitong patayin ang mga kaibigan ni Renz at ngayon naman ay ang binata.
"Bakit pati si Jenny idinamay niya sa paghihigante niya?" ani Eugene sa saksi.
"Marahil dahil malapit ang ito kay Renz." Sagot nito.
Napakuyom ng kamao si Eugene habang iniisip ang pweding mangyari sa dalaga sa kamay ng lalaki. Nangako siya sa ama ni Jenny na hindi niya hahayaang mapahamak ang dalaga at tumutupad siya sa binitiwan niyang pangako.
Sa kabilang banda ang tumakas na si Jenny ay nagkubli sa mga malalaking drum. Nanginginig ang boung katawan niya dahil sa labis na takot.
"Kahit na anong gawin mo hindi mo ako matatakasan." Narinig niyang wika ng lalaki ng dumaan ito kung saan siya nagtatago. Natuptup ni Jenny ang sariling bibig para hindi makagawa ng ano mang ingay. Nang mapansin na nakalayo na ang lalaki. Agad siyang lumabas mula sa pingakukublihan.
Habang hinahanap ang daan palabas sa lugar na iyon. Biglang napatili si Jenny nang may humawak sa braso niya. Pilit niya itong binawi at nagpumiglas dahil sa labis na takot.
"Hey! Hey. Its me." Wika ng lalaki. Biglang huminto sa pagpupumiglas ang dalaga ng makilala ang boses ng lalaki. Agad siyang nagtaas ng tingin. Ng makilala ang lalaki agad na pumatak ang luha sa mga mata nito.
"Are you alright? Hindi ka ba nasaktan?" puno nang pag-aalala na wika ng binata sa Dalaga.
"Eugene!" wika ni Jenny at agad na niyakap ang binata. Pakiramdam ni Jenny ligtas na siya dahil sa pagdating ng binata. Napayakap din si Eugene sa dalaga. It was a relief na hindi pa siya nahuli. Bakas niya ang takot sa mukha ng kaibigan.
"Lets Go!" ani Eugene at binitiwan si Jenny saka hinawakan ang kamay para alalayan ito na lumayo sa lugar na iyon. Biglang nagtaka ang binata dahil parang naging bato ito at hindi kumikilos. Nababakas din ang takot sa mukha nito.
"Hey! Are you okay?" tanong niya dito. Pero hindi sumagot ang dalaga. Akmang titingin siya sa likod ng biglang may humataw sa kanya. Isang matigas na bagay ang tumama sa ulo niya. Narinig niyang tumili si Jenny. Ang takot na takot na mukha nito ang naaninag niya bago siya lamunin ng dilim.
Nang magising si Eugene, nakatali na siya sa isang upuan habang si Jenny naman ay katayo sa tabi ng lalaki nakaakbay ito sa takot na takot na dalaga.
"Gising ka na pala." Nakangising wika ng lalaki sa kanya.
"Anong ginawa mo kay Jenny?" asik ni Eugene sa lalaki. Natawa ito sa kanya.
"Wala pa naman. Hinihintay kitang magising. Gusto kung mapanood mo ang gagawin ko." Anito kay Eugene. Hinawakan nito ang buhok ni Jenny at inamoy na parang isang asong ulol.
Napatiim bagang ang binata at napakuyom ng kamao.
"Hmm. Mukhang mag-eenjoy ako nito ng husto." Anang lalaki. Hintakot na iniiwas ni Jenny ang mukha niya sa lalaki.
"Don't you dare!" asik ni Eugene sa lalaki. Malakas lang na tawa ang itinugon nito sa binata.
"Wala kang magagawa. Nakatali ka. Huwag kang mag-alala. Ibibigay ko siya sa iyo bago ko siya patayin." Wika nito at hinimas ang mukha ng dalaga. Saka pilit na hinalikan nito ang dalaga. Panay naman ang iwas ni Jenny. Wala namang magawa si Jenny kundi ang umiyak kahit na anong gawin niyang pag-iwas o pagtanggi sa nais nitong gawin sa kanya. Sa sitwasyon nila ngayon. Wala nang makakaligtas sa kanila.
"Stop it you rascal!" sigaw ni Eugene sa binata at pilit na nagpumiglas sa kinauupuan.
Lalo namang tumawa ng malakas ang lalaki na para bang naaliw pa ito sa nakikitang reaksyon ng binata.
"FREEZE!" wika ni Julianne nang biglang masira ang pinto ng building. Kasunod noon ang pagpasok ng iba pang Phoenix member kasama si Aya at Dranred. Lahat ng baril nakatutok sa binata. Naging mabilis naman ang kilos ng lalaki. Agad nitong kinuha ang baril na nakasuksok sa likod nito at itinutok sa ulo ni Jenny sabay hawak sa leeg ng dalaga.
"Ate Jenny." Wika ni Aya at akmang hahakbang paabante. Pero bigla itong tumigil at agad na napahawak sa braso ni Dranred.
"Pakawalan mo si Jenny at isuko mo ang sarili mo nang maayos." Wika ni Julianne sa lalaki.
"Isuko? Bakit pa? Malapit ko nang makuha ang paghihigante ko. Kung hindi dahil sa walang kaluluwang taong yan at ng mga kaibigan niya. Buhay sana ngayon si Mila." Ani Miguel sa kanya na ang tinutukoy ay si Renz
"Alam ko, kung anong nararamdaman mo. Pero mali ang ginagawa mo. Hayaan mong batas ang magparusa sa kanya." Ani Dranred. Alam niyang ang galit sapuso nang lalaki ang nagtulak ditto upang gumawa nang masama at ang pumatay. Hindi man niya alam kung gaano ka lalim ang galit sa puso nito isa lang ang alam niya nagagalit lalo na sa katotoohanang ginagawa ito nang lalaki dahil sa paghihigante.
"Batas? Hindi alam ng batas kung paano kumilala ng Biktima. Hindi ako makakahanap ng hustiya sa bulok niyong batas." Wika nito. "Ako ang biktima dito. Pero bakit siya ang pinakinggan ng batas? Hindi niyo ba alam kung gaano ka hayop ang lalaking yan." Asik nito.
"Hindi mo matatawag na biktima ang sarili mo. Dahil lahat ng rason na nagsasabing biktima ka ay matagal nang nawala. Nang sandaling pinili mong maging mamamatay tao. Lahat ng dahilan para ituring kang biktima ay nawala. Ano pang pinagkaiba mo sa kasalanang nagawa ni Renz." Ani Dranred.
"Anong alam mo kung anong nangyari sa akin at kay Mila. Ang mga taong katulad niya ay hindi na binubuhay pa." Wika ni Miguel. Habang kinakausap ni Dranred ang lalaki. Pilit namang kinakalagan ni Eugene ang sarili mula sa pagkakatali. Nang makalagan nito ang sarili agad nitong sinugod si Miguel dahilan para mabitiwan nito ang dalaga. Nagpanbuno naman sina Eugene at Miguel. Sa pag-aagaw nila ng baril nakalabit ni Eugene at gatilyo at tinamaan si Miguel. Humandusay ito sa sahig na may tama ang tiyan.
Agad namang nilapitan ni Eugene ang takot na takot na si Jenny.
"Jenny." Wika ni Eugene nang makalapit sa dalaga. Agad namang niyakap ni Jenny si Eugene dahil sa labis na takot saka umiyak.
"It's okay now." Wika ni Eugene at hinimas ang likod nang dalaga.
Ngunit ang ikinagulat ng lahat ay ang sumunod na nang yari. Isang itim na usok ang lumabas sa katawan nito at maya-maya ay naging isang anyo ng tao. Na ang nagpakita sa kanila ang isang fallen Angel na sumanib sa katawan ni Miguel. Nang lumabas ang fallen angel nawalan naman nang ulirat ang lalaki.
Dahil sa kagustuhan ni Miguel na maipaghigante ang kasintahan niya kaya naman naging madali para sa death Angel na sakupin ang katauhan nito.
"So you already decided to show your face." Ani Dranred. Lumingon ang Fallen angel sa kanila. Nakatuon ang paningin nito sa dalagang Si Aya.
"Mukhang may kasama kang interesanteng bagay." Nakangising wika ng Fallen Angel at tumingin kay Aya.
"Dont you dare come near her." Ani Julianne kinabig si Aya patungo sa likod niya at itinutok ang baril sa lalaki.
"Sa palagay mo ba tatablan ako ng baril mo?" wika nito kay Julianne na patuloy na naglakad palapit sa direksyon ni Aya.
Biglang nagpaputok ng baril si Eugene. Tinamaan ang fallen angel ngunit tila walang epekto ang ginawa ng binata. Napahinto sa paglalakad ang fallen angel at bumaling kay Eugene. Ngumisi ito sa binata. Mula sa likod nagpaputok din nang baril si Dranred.
Nang hindi natablan ang lalaki inisip ni Dranred na salakayin ito at gumamamit nang mano manong lakas. Hindi pa man siya nakakalapit isang malakas na pwersa ang tumama kay Dranred at tumilapon ang binata patungo sa ikalawang palapag. Narinig pa nila ang tunog nang gumuhong pader dahil sa pagtama nang binata. Kung isang ordinaryong tao ang tumama sa mga pader na iyon tiyak na wala na itong buhay.
"CAPTAIN!" sabay sabay na wika nang mga miyembro nang phoenix.
Natuptop lang ni Aya ang bibig niya dahil sa nakitang nangyari sa binata. Sa isang iglap nanglaho ito mula sa kinatatayuan niya. At sa loob ng ilang isang sigundo nasa harap na ito nina Eugene. Nagulat ang lahat sa bilis ng pangyayari.
"Nakakabilib ang tapang mo binata. Pero hindi lang tapang ang kailangan para matalo ako." Anito at bigla na lamang sinaksak si Eugene.
"Kuya!" tili ni Aya ng Makita ang ginawa nito sa kuya niya. Agad namang pinaputukan ni Julianne ang fallen angel.
Bumaling ito sa binata at nagsimulang maglakad palapit sa kanila. Sunod-sunod na nagpaputok si Julianne. Ganoon din ang iba pang miyembro ng Phoenix. Tinatanggap lang fallen angel lahat ng mga bala. At hindi man lang tinatablan ang katawan nito.
Kaasar! Inis na wika nang isip ni Julianne. Dahil maraming tao hindi niya magawang magpalit anyo bilang si Leo. Wala siyang magawa kundi ang lumaban bilang isang mortal. Nakalapit na sa kanila ang Fallen angel. Isa isa nitong inatake ang mga miyembro nang phoenix. Hanggang sa si Julianne na lamang at Aya ang nakatayo.
Isang suntok ang binitiwan nang lalaki ngunit agad itong sinalo ni Julainne bagay na ikinagulat ni Aya. Nakikita niyang daig nang lakas ni Julianne ang lalaki. Isang malakas na suntok ang iginawad ni Julianne sa fallen angel dahilan para mapaatras ito.
"Malakas ka." Nakangising wika nito Kay Julianne.
"Julianne!" tili ni Aya ng atakehin ng lalaki ang binata. Tumilapon ang katawan ni Julianne at tumama sa pader. Napaubo pa ang binata habang pilit na tumatayo. Ginamit niya ang lakas niya bilang si Leo ngunit mas malakas ang lalaking ito at mabilis ding kumilos. Naiwang mag-isa si Aya. Nakangisi lang ang lalaki habang palapit sa kanya.
"Kuya!" tili ni Aya ng bigla na lamang nitong sinugod ang lalaki sa kabila ng mga sugat na tinamo nito. Ngunit dahil mahina na ang katawan ni Eugene dahil sa lalim na tinamong sugat para lang itong batang iwinasiwas ng lalaki.
"Eugene!" ani Jenny at mabilis na tumakbo patungo sa binatang tumama sa mga nakasalansang kahon. Napaubo ang binata at sargo ang dugo sa labi.
"Eugene." Nag-aalalang wika ni Jenny sa binata.
"Ang mga taong kagaya ninyo ang kinaiinisan ko sa lahat. Kahit na wala ng pag-asa patuloy na lumalaban. Sumasakit ang ulo ko tuwing nakakakita ako ng mga tulad ninyo." Wika ng fallen angel at naglakad patungo sa bumagsak ni si Eugene. Agad na tumayo si Jenny at iniharang ang katawan sa binata.
"H'wag kang lalapit." Nangingig na wika ng dalaga.
"Jenny!" ani Eugene na pinilit na tumayo. Ngunit hindi na niya makuhang mabalanse ang katawan dahil sa labis na sugat na tinamo. Nanginginig is Jenny habang nakaharang sa harapan ni Eugene.
Isang malakas na sampal ang iginawad nang lalaki sa dalaga. agad naman itong nabuwal sa lupa. Dahan-dahan itong lumapit ang lalaki sa dalaga. halos hindi naman makakilos si Eugene. SI Julianne naman pinipilit na tumayo.
"Yah!" sigaw ni Aya sa fallen angel at binato ito ng sapatos niya. napalingon naman ang lalaki sa kanya. Agad na nagkagat nang labi si Aya. Ano nang gagawin niya ngayon? Mukhang ginalit pa niya ang lalaki.
"A-aya." Mahinang anas ni Eugene sa nakitang ginawa ng kapatid.
"Oh, Ang dalagang may nakaka-akit na amoy." Wika ng lalaki sa dahan-dahang naglakad palapit sa dalaga. Napalunok naman ang dalaga. Hindi na niya alam kung ano ba ang gagawin niya o kung tama ba ang ginawa niya. Parang nagalit sa kanya ang fallen angel. Kahit mapapatitig pa lamang siya sa mga mata nito talagang natatakot na siya. Ano na ngayon ang gagawin niya?
Captain Nasaan ka na ba? Are you dead? Tanong nang isip ni Aya.
Dahan-dahang naglakad ang Fallen angel sa kanya.
"Aya. Tumakbo ka na." mahinang wika ni Eugene. Wala siyang magawa upang iligtas ang kapatid niya.
"Nakakainis." Inis na wika ni Julianne. "AYA! Tumakas ka na!" sigaw nang binata. Napatingin lang si Aya sa kaibigan. Iyon ang gustong gawin nang isip niya ngunit ayaw sumunod nang katawan niya. Tila na pako ito mula sa kinatatayuan.
"Napapasaakin ka." Nakangising wika nang lalaki.
"Captain!" malakas na sigaw ni Aya. Dahil sa kawalang pag-asa. Kasunod nang sigaw ni Aya ang biglang pag labas nang pulang liwanag mula sa kwentas nang dalaga. Lumabas din ang pulang liwanag sa direksyon kung saan tumilapon si Dranred.
"Anong nangyayari?" gulat na wika nang fallen angel nang bigla na lamang niyang naramdaman ang isang malakas na kapangyarihan. Nakita nilang may isang anino ang naglakad mula sa liwanag. Hanggang ang anino ay naging isang bulto. Bago pa makilala ni Eugene ang lalaki. BIgla na lamang nagbago ang lugar na kinalalagyan nang fallen angel. Bigla silang napunta sa isang space na puro puti ang paligid.
"Anong Ginagawa mo?" Asik nang lalaki kay Julianne. Nakaluhod ang binata habang hawak ang dumudugong sikmura. Iyon lang ang nakayang gawin nag kapangyarihan niya.
Habang tumatagal siya sa mundo nang mga mortal unti-unti ring humihina ang taglay niyang kapangyarihan. Tuwing binubuksan niya ang ibang dimension malaking bahagi nang lakas niya ang nauubos.
"AF. Mas mabuti pang sumuko ka na." wika ni Leo sa fallen angel.
"LEO!" asik nito nang makilala ang binatang duguan. "Ikaw nga ang anghel na si Leo ngunit sa estado nang katawan mo ngayon hindi mo ako kaya." Wika nang lalaki at naglakad palapit sa binata. Bago pa makalapit si Rahab kay Leo isang bolang apoy ang tumama sa kanya. Agad naman siyang napalingon sa pinanggalingan nang apoy.
Nakita niya doon ang binatang tumilapon kanina. Ito rin ang binata nababalot nang pulang liwanag.
"Ang liwanag na yan. Ang Phoenix." Gimbal na wika ni AF. Nagulat naman si Leo. Bakit nakikita niya sa mukha nito na takot ang lalaki. Ang alam niya isang Alamat ang Phoenix. Isang sinaunang fallen angel na nagkatawan bilang isang ibon na may kapangyarihang apoy. Alam niyang Phoenix ang pangalan ni Achellion nang maging fallen angel nito ngunit hindi siya makapaniwala na ito ang maalamat na Phoenix.
"Alam mo bang mali ang naging desisyon mo na atakehin anng dalagang iyon?" wika ni Achellion na ang tinutukoy ay si Aya. napaatras si AF.
Wala siyang laban sa lalaking nasa harap niya ngayon. Hindi niya saklaw ang taglay nitong kapangyarihan.
Ngayon lang niya nakita ang ganitong klaseng nilalang. Nararamdaman niya ang itim nitong aura gaya nang isang fallen angel ngunit may kakaiba. Malakas ang taglay nitong kapangyarihan.
"Ang kabaluktunan nang mga tao na tini-take advantage niyo ay isang bagay na hindi ko mapapalampas. Anong pinagkaiba nang mga ganid na tao sa mga katulad mo." Galit na wika ni Dranred.
"Humanda ka sa katapusan mo." wika ni Achellion at parang hangin sa bilis na kumilos. Sa isang kisap mata nasa harap na ito nang lalaki. Isang malakas na suntok ang pinakawalan nang binata. Nanlaki pa ang mga mata ni Julianne nang makitang tumagos sa dibdib ni AF ang suntok ni Achellion. Unti-unti nasunog ang katawan ni AF hanggang sa maging apoy ay naging abo hanggang sa tuluyang mawala. Nakita ni Julianne ang kakaibang kislap sa mata ni Achellion. Hindi ito katulad nang Achellion nanakita niya noong una. May nagbago sa binata.
"Achellion." Mula sa dimensyong iyon narinig nila ang mahinang tawag ni Aya.
"Aya." mahinang usal ni Achellion. Nagbago ang kulay nang mata nito at nawala ang mabagsik nitong Aura. Muling ibinalik ni Julianne ang dimension. Napaupo siya sa sahig at napasandal sa pader. Naubos ang lakas niya dahil sa ginagawa niyang pagbubukas nang dimension habang sugatan siya. Napatingin naman siya sa binatang si Dranred na nakatayo sa ikalawang palapag. Hindi na ito nababalot nang liwanag.
"Captain!" Malakas na wika ni Eugene nang makitang nahulog si Dranred mula sa ikalawang palapag. Mabuti na lamang at may mga kahong karton na nakahilera sa ibaba. Hindi agad na tumama ang katawan ni Dranred sa semento.
"CAPTAIN!" nag-aalalang wika ni Johnny at Rick na nakabawi na mula sa atake ni Rahab at tumayo saka tumakbo palapit sa binata.
"Chief?" wika ni Johnny at lumapit sa binata. Tiningnan din niya kung buhay pa ito. May mga galos ito ngunit hindi Malala. Nawalan lang ito nang malay.
"Buhay pa siya." Wika ni Rick. Saka lumingon sa kasamahan. Nakatayo na rin sina Arielle, Meggan Ben at Julius. Tinulungan ni Julius si Julianne na tumayo. Si Meggan naman ay nilapitan si Renz. Habang si Ben ay Nilapitan si Miguel.
Napaungol si Dranred saka nagmulat nang mata.
"Chief? Okay lang kayo?" tanong ni Rick sa binata.
"Masakit ang katawan ko Pero sa palagay ko naman buo pa ang mga buto ko." wika ni Dranred. Inalalayan siya nang dalawa na tumayo. Saka naglakad palapit kay Eugene. Malalim ang sugat na tinamo nito.
Narinig nila ang serena mula sa ambulansyang parating. Nang huminto ang mga ito. Si Eugene at Miguel ang unang isinakay at agad na isinugod sa hospital. Si Renz naman ay isinakay sa police car. Upang dalhin sa presinto.
"Aya?" Wika ni Julianne sa dalagang hindi natinag mula sa kinatatayuan niya. Nakatulala ito at nakatingin sa pinagbagsakan ni Achellion. "AYA!" untag ni Julianne. Ngunit hindi parin ito natinag. Napansin naman ni Dranred ang dalaga. Kumalas siya mula sa pagaalalay nina Johnny at naglakad palapit sa dalaga.
Nang tumilapon siya sa ikalawang palapag, alam niyang nawalan siya nang malay. Hindi niya magawang ilabas ang lakas niya kaya naman hindi niya nasangga angg atake ni AF. Habang nasa kawalan siya. Narinig niya ang boses ni Aya at ang pagtawag nito. Bigla niyang naramdaman ang kakaibang init na bumalot sa katawan niya. Pakiradam niya nagaapoy ang buong katawan niya. Sunod niyang nakita ang sarili niya sa isang dimension at ang pag-atake niya kay AF. Wala siyang control sa katawan niya. O sa kapangyarihang iyon. Alam niyang hindi niya iyon kapangyarihan. Hindi pa niya nagagamit ang ganoong lakas.
"Hey Trouble girl." Wika ni Achellion at tumayo sa harap nang dalaga. Pilit siyang ngumiti alam niyang nag-alala ang dalaga. simplang napatingin sa kanya si Aya. Ilang sandali din itong tumitig sa kanya.
"Are you okay? Are you hurt?" Tanong ni Dranred.
"You're okay." Mahinang wika ni Aya habang nakatingin sa binata. Maliban sa galos. Hindi na ito nasugatan pa. Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa binata. Nang lumabas ang pulang liwanag bigla din itong naglaho. Tapos bigla na lang lumitaw ang binata. Nang mahulog ito sa ikalawang palapag akala niya katapusan na nang binata.
"Ano bang sinasabi mo. Of course I am okay." Ngumiting wika ni Dranred at ipinatong ang kamay sa ulo nang dalaga. Saka humakbang palapit sa dalaga. "I have to stay alive. Or I won't be able to protect you." Wika nang binata. Agad namang nag angat nang tingin si Aya dahil sa sinabi ni Achellion.
"You know I am not the kind of angel that you expect me to be. But know that when ever you need me. I am always there to protect you. Always." Ngumiting wika ni Achellion.
Para kay Aya ang mga salitang iyon ni Achellion ay tila musika sa pandinig niya. And they make her heart flutter.
"You're acting cool sa mga sitwasyong ganito. Tiyak kong okay ka na nga." Ngumiting wika ni Aya. Napangiti naman si Dranred dahil sa sinabi nang dalaga.
"Alright guys, lets wrap this up" Wika ng binata. Saka Bumaling sa mga Tauhan niya.
"Yes Captain." Wika ng Apat. At agad na kumilos ayon sa utos ng kanilang kapitan. Agad na dinala sa Hospital sina Eugene at ang dalawa pang sugatan.
Sa kasalukuyan ligtas na ang tatlo mula sa panganib. Dahil sa sunod-sunod na pagpatay na haharap si Miguel sa kasong multiple murder.
Habang si Renz naman ay sinampahan ng kaso na Rape at murder. Dahil sa pagpatay nito sa kasintahan ni Miguel na si Mila dalawang taon na ang nakakaraan. Sa oras na mailabas sa ospital ang dalawa idi-diretso na sila sa kulungan para pagbayaran ang kanilang mga kasalanan.
Sa kabilang banda naman, ligtas na sa tiyak na kapahamakan si Eugene. Buti na lamang at walang internal organ ang tinamaan kahit na malalim ang sugat na tinamo nito. isa pa sa mga ipinapagtaka nang lahat ay ang mabilis na paghilom nang mga sugat nito.
Araw at gabi si Jenny ang nagbabantay sa kanya sa ospital.
Biglang nagmulat ng mata si Eugene dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha niya. Pakiramdam niya sobrang tagal na niyang natutulog. Bukod doon naging maganda rin ang panaginip niya, para bang iyon na ang realidad. Isang panaginip na alam niyang mananatiling panaginip.
Nang magmulat siya ng mata, isang pamilyar na bulto ng katawan ang nakita niya sa loob ng hospital. Inaayos nito ang bulaklak sa isang vase. Parang isang panaginip.
"Jenny." Mahinang wika ni Eugene ng makilala ang dalagang nag-aayos ng bulaklak sa vase. Agad naman itong napahinto at napalingon sa binata.
"Eugene!" wika nito at agad na lumapit sa binata. "May masakit ba saiyo? Tatawagin ko ang doctor mo." Wika Jenny at akmang aalis pero biglang hinawakan ni Eugene ang kamay niya. Dahilan para magulat ang dalaga.
At bukod doon, dahil sa ginawa ng binata pakiramdam ni Jenny gustong lumabas ng puso niya dahil sa bilis ng tibok noon. For a moment there, they were staring at each other.
"Ate Jenny!" biglang wika ni Aya na biglang pumasok sa loob ng kwarto. Agad namang binatiwan ni Eugene ang kamay ni Jenny ng biglang pumasok ang kapatid. Agad din namang bumalik si Jenny sa pag-aayos ng bulaklak sa Vase.
"Bakit ba ang ingay mo." Wika ni Eugene sa kapatid.
"Kuya!" gulat na wika ni Aya ng Makita ang kapatid na gising na. Agad na lumapit si Aya sa kuya niya at niyakap ito ng mahigpit. Napangiti naman ni Jenny sa ginawa ng dalaga.
"Hey! Hindi na ako makahinga." Natatawang wika ni Eugene sa kapatid.
"Oops sorry. Masaya lang ako dahil gising kana. Alam mo ba. Na isang lingo kang tulog. Talagang pinag-alala mo kami. Lalo na si Ate Jenny." Wika ni Aya.
"Ay!" wika ni Jenny na biglang nabitiwan ang gunting. Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Aya. Paano na lamang kung bigyan iyon ng kahulugan ni Eugene.
"Ate Jenny." Wika ni Aya at bumaling sa dalaga.
"Jenny? Okay ka lang ba?" Tanong ni Eugene sa dalaga.
"Pasensya na. May pagka clumsy talaga ako pagminsan." Ani Jenny at dinampot ang gunting. "Mamaya ko na lang to aayusin. Aya, nagugutom ka na ba?" tanong ni Jenny. "Bibili lang ako ng makakain." Dagdag pa nito at nagmamadaling lumabas.
Taka namang napatingin ang magkapatid sa dalaga. Parang kakaiba ang kinikilos nito.
"Kulit, sabihin mo, talaga bang nag-alala si Jenny?" ani Eugene sa kapatid.
"Aba kuya interesado ka ah!" biro nito sa kapatid.
"Anong interesado gusto ko lang malaman." Wika nito.
"Hindi lang nag-alala, sobrang nag-alala. Alam mo bang iyak siya ng iyak. Kawawa nga siya. Sinisisi niya ang sarili dahil sa nangyari sa iyo. Ang drama talaga ni Ate Jenny." Wika niya sa kapatid at lumapit sa vase saka tinapos ang iniwan ni Jenny.
"Bakit parang ang daldal mo ngayon." Natatawang wika ni Eugene sa kapatid. Dahil sa mga nangyari sa kanila hindi siya sanay na marinig ang kapatid na madaldal.
Nagkahiwalay sila nang mahabang panahon at nitong mga nakaraang buwan puro panganib ang kinaharap nilang magkapatid.
"Naisip ko kasing masyado nang madrama ang buhay natin. Saka nakakapagod maging emo noh. Isipin mo nalang emo ka sa buong maghapon tapos ang puno pa nang drama ang mga tao sa paligid mo nakakapagod iyon.
Sabi nga sa kin ni lola, dapat maging light lang ang turing natin sa buhay. HUwag masyadong seryoso." Ngumiting wika ni Aya.
Nakikita ni Eugene kay Aya ang kapatid niya noong bago pa sila pinaghiwalay ang kapatid niyang kahit sa kabila nang mga problema nanatiling masigla at positibo. Parang lahat nang masamang nangyayari sa paligid nito at madaling nalalampasan nang dalaga at ang kahit ano mang negatibong pananaw ay nagiging positibo para ditto. Parang walang masamang tinapay.
"Sabi ba talaga ni Lola yun?" pabirong wika ni Eugene. Kilala niya ang lola niya ito yung tipong hindi magsasalita nang mga ganoong bagay masyado itong mapagmataas para sa mga ganoong salita. Humarap si AYa sa kapatid at ngumiti. Umiling ang dalaga. Natawa lang si Eugene sa kapatid niya.
Makalipas ang isang linggo, sabay na dinala sa kulungan sina Renz at Miguel at kapwa naparusahan ng habang buhay na pagkakabilanggo dahil sa kanilang mga kasalanan. At tulad ng inaasahan ni Dranred. Galit na galit ang ama ni Renz Lopez lalo na sa binatang si Eugene dahil hindi daw nito nagawang protectahan ang anak laban sa mga kaso na isinampa dito. Giit pa ng ama nito isang kasinungalingan ang mga kaso laban sa anak. Pinagbantaan nito ang binata na babalikan dahil sa sinapit ng anak.
Ngunit hindi lang natinag ang binatang tinyente. Ilang beses na siyang nakarinig ng pagbabanta mula sa mga kalaban niya lalo na sa mga politiko, hindi na ito bago sa kanya. Hindi niya iuurong ang kaso laban sa binata dahil lang sa pagbabanta nang ama nito. alam nang lahat na Malaki ang naging kasalanan ni Renz lalo na kay Miguel.
Habang kausap ni Dranred ang ama ni Renz, hind iniya mapigilang hindi magalit dahil sa kakitidan nang pag-iisip nito. Kahit kasalanan pa nang anak nito ang nangyari sa kanya sa ibang tao pa rin nito sinisi ang mga kakulangan nang anak. Mahigpit siyang napakuyom nang kamao.
Gustong gusto na niyang sagutin ang matanda kaya lang pinipigilan niya ang sarili niya at habang patuloy niyang pinipigilan ang sarili niya lalo naman niyang nararamdaman ang galit. Habang nakatingin siya sa mukha nang galit na matanda. Lalong nag-iinit ang ulo niya. Hindi napansin nang binata ang paglabas nang phoenix na tatak sa kamay niya. Dahil sa labis niyang galit marahas niyang ipinukpok ang kamao niya sa mesa. At ganoon na lamang ang gulat nang matanda nang bigla na lamang nahati ang mesa.
BIgla pa itong napatayo ang matanda dahil sa gulat ang mga tauhan naman ni Dranred na nasa labas nang opisina niya ay biglang napasugod sa loob nang marinig ang malakas na tunog mula sa nabiak na mesa. Lahat sila napaawang ang bebeng dahil sa Nakita. Napansin din nila ang nakakuyom na kamao nang binata.
"What the hell!" anas nang matanda.
"Captain." Mahinang wika ni Arielle at lumapit sa binata. Nang marinig ni Dranred ang boses nang tauhan pinayapa niya ang sarili niya doon lang niya napansin ang nangyari sa mesa. And again isa na namang serye nang hindi niya pagkontrol sa kapangyarihan niya. Tuwing nakakakita siya nang mga mortal na gumagawa nang kasamaan sa kapwa nito mortal bigla na lamang nagiinit ang dugo niya, gusto niyang atakihin ang mortal at dumidilim ang kanyang paningin para siyang pinangingimbabawan nang kasamaan.
"Naku hindi naman matibay itong mesang kinuha nila. Captain magpapakuha ulit nang bago. Masyadong mahina itong klaseng nabili ko." Wika ni Julius at siniko si Ben upang tulungan siyang kunin ang nahati na mesa. Hindi naman nakapagasalita si Dranred. Wala siyang palusot sa mga Nakita nang tauhan niya mas mabuting itikom niya ang bibig niya.
Si Miguel naman tanggap ang lahat nang kasong isinampa sa kanya aminado siyang dapat niyang pagbayaran lahat nang mga nagawa niya. humingi din siya nang tawad sa dalagang si Jenny dahil sa nagawa nito. Alam ni Jenny na nabulag lang si Miguel dahil sa labis na galit. Matagal na panahon itong nagdusa dahil sa pagkawala nang kasintahan naiintindihan niya ang sakit na nararamdaman nito.
Alam niyang pang-unawa ang kailangan ni Miguel at iyon ang ibibigay niya. hiling lang niya na sana maging payapa na rin ang puso nito
Nang makalabas si Eugene sa ospital nalaman niyang, ilang araw nang hindi pumapasok si Jenny sa Hospital na pinapasukan nito. Biglang nag-alala ng binata. Kaya agad niya itong pinuntahan sa apartment na tinitirahan nito. Ngunit napag-alaman niya mula sa kahera na ilang araw nang hindi umuuwi si Jenny sa apartment. Bagay na lalo niyang ipinag-alala. Mabuti na lamang at mabait ang kahera, ibinigay nito sa kanya ang address ni Jenny. Agad naman niyang pinuntahan ang lugar ng dalaga.
Sa isang private subdivision ang address na ibininigay ng kahera sa binata. Napatitig si Eugene sa malaking bahay sa harap niya. Hindi siya makapaniwala na dito nakatira si Jenny. Mula sa terrace Nakita ni Jenny ang binatang dumating. Agad siyang nagkubli bago pa siya Makita nang binata. Hindi niya inaasahan ang biglaang pagpunta ni Eugene sa bahay nila.
Ilang sandali din siyang nakatayo sa labas ng gate. Hanggang sa may isang lalaking lumapit sa gate. Sa hula ni Eugene nasa mid 40's na ito. At sa sout nitong damit maaaring isa ito sa mga katiwala ng malaking bahay.
"Binata, may maipaglilingkod ba ako sa iyo?" tanong ng lalaki sa kanya at binuksan ang gate sa lumapit sa kanya.
"A- may hinahanap kasi akong kaibigan. May nakapagsabi sa akin na dito siya nakatira." Wika ng binata. Nakita niyang parang nagtatanong ang mga mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya.
"Maaari ko bang malaman kung sino ang hinahanap mo? Marami akong kilala sa lugar na ito. Pwede kitang tulungan." Biglang wika nito. Habang nagsasalita ang lalaki, biglang napatingin ang binata sa terrace ng bahay, isang pamilyar na mukha ang nakita niyang nagkukubli sa likod nang salaming pinto. Alam niyang alam ni Jenny na nandoon siya ngunit bakit naman ito magtatago sa kanya?
Biglang napansin ng lalaki na nakatingin si Eugene sa itaas ng balkonahe. Kaya naman puno nang pagtataka na sinundan niya ang tingin ng binata.
"Maganda siya hindi ba? Sayang nga lamang at ginawa siyang pambayad utang." Wika ng lalaki na nakatingin din sa dalaga.
Pambayad utang? Biglang wika ng isip ni Eugene. Ano pa ba ang hindi niya alam kay Jenny. Ano ba ang nangyari sa dalaga noong nakahiwalay sila? Bakit pakiramdam niya may mga lihim ang dalaga na hindi niya alam at nag-aalala siya para ditto.
"Hindi ko maintindihan kung bakit may mga magulang, na kung ituring ang mga anak nila parang isang bagay na pwedeng pagka perahan." Dagdag pa nito. Nakita nilang umalis si Jenny sa terrace. Sunod nila itong nakita ng lumabas ito sa malaking bahay at lumapit sa kanila.
"Eugene!" Wika ni Jenny nang lumabas mula sa pinto nang malaking bahay. Taka namang nagpapalit-palit nang tingin ang matanda sa kanilang dalawa. Hindi nga ba't si Jenny ang hinahanap ng binata?
"Kilala ko siya mang Berto." Nakangiting wika ni Jenny sa matanda. Bigla naman itong tumango ng sinabi ni Jenny na kilala niya ang binata.
"Kung ganoon, mauuna na ako at marami pa akong gagawin." Wika nito sa kanilang dalawa. Tumango lang si Eugene sa matanda.
"Gusto mong maglakad-lakad?" tanong ni Jenny at ngumiti sa binata. Hindi naman tumanggi si Eugene gusto rin niyang makausap ang dalaga at tanungin kong ano ang nangyari dito? At kong bakit hindi na ito pumapasok sa Hospital.
Sabay silang naglakad patungo sa club house ng Subdivision. Bukod sa club house may palaruan din sa loob ng subdivision para sa mga batang nakatira doon.
"Kailan ka pa nakalabas? Pasensya na hindi na ako nakabalik sa Ospital may ng nangyari lang kasi na hindi inaasahan." Wika ni Jenny habang nakaupo sila sa isang Swing.
"Kahapon lang ako lumabas. Nalaman ko kay Aya, na hindi kana pumapasok sa Hospital, kaya naman hinanap kita. Baka kasi iniisip mo parin ang nangyari sa iyo." Wika ni Eugene.
"Pumunta ako sa apartment mo. Sabi ng kahera na ilang araw ka nang hindi umuuwi doon. Kaya ibinigay niya sa akin ang address na ito hindi ko naman akalain na sa isang malaking bahay ka na nakatira." Dagdag ng binata.
"Talagang hindi natin alam kung anong mangyayari bukas. Baka hindi na ako bumalik sa pagdodoctor. At baka--" wika nito na biglang naputol. Nakita ni Eugene na nahawak ng mahigpit si Jenny sa hawakan ng Swing nakita rin niyang biglang pumatak ang luha nito. Naagad din nitong pinahid.
Noon lang ulit nakita ni Eugene na umiyak sa harap niya ang dalaga. Kilala ni Eugene si Jenny hindi ito ang klase nang taong madaling maiyak. Matatag ito, ngunit alam din niyang kahit na ipinapakita nito na matatag siya alam ni Eugene sa loob nito nahihirapan na ito. Biglang may kung anong kirot ang naramdaman niya sa puso niya ng makita si Jenny na umiiyak.
"Pasensya na. Hindi maintindihan sa mata kung 'to, bigla nalang pumapatak ang mga luha. SIguro bagay sa 'king mag-artista." Ngumiting wika ni Jenny at pinahid ang mga luha.
"Hindi mo kailangan magtapang-tapangan sa harap ko. Sabihin mo? May nangyari ba?" tanong ni Eugene. "Kung kailangan mo ng taong masasabihan ng mga problema mo, nandito lang ako. Pwede mo akong gawing takbuhan o kahit na hiding place kung sa tingin mo nasasakal ka na. Pwede mo rin akong utusang mang bugbog sa mga umaaway sa iyo." Wika ni Eugene sa dalaga na nakatingin sa mga batang naglalaro sa slide.
"Nangako ako kay Sir Gustavo na aalagaan kita at poprotektahan. Hindi pa ako sumisira sa pangako ko."
Biglang napatingin si Jenny sa kaibigan. Bigla niyang naalala ang Eugene na nakilala niya noon.
Ang dating Eugene, natagapaglitas ng mga naaapi at ang kanyang knight.
"Sabihin mo lang kong anong pwede kong gawin para tulungan ka." Wika ni Eugene at tumingin sa dalaga saka ngumiti. Simpleng ngiti lang ang itinugon ni Jenny sa kaibigan.
Kanina pa niyang gustong sabihin kay Eugene ang problemang hinaharap niya kaso nga lang nagdadalawang isip siya hindi niya alam kung papaano sisimulan. At kung paano siya tatanggapin ng binata. Gusto niyang sabihin sa binata na gusto niyang lumayo dahil natatakot siya sa mga pwedeng mangyari sa kanya. Ang mga bangungot sa buhay niya ay unti-unting bumabalik.
Nais sanang itanong ng binata kay Jenny kung ano ba ang nangyari dito at kung ano ang ibig sabihin ng matandang lalaki ng tawagin siya nitong pambayad utang. Ngunit pinili niyang manahimik. Ayaw niyang ma offend ang dalaga sa mga tanong niya. Hihintayin na lamang niya kung kailan ito magiging handa para sabihin sa kanya ang mga nangyayari dito.