"WHAT A tiring day!" Pabagsak na nahiga sa kama niya si Carla. Kagagaling lang nila sa paaralan para ayusin ang Internship Papers nila kinabukasan. Papaangat na rin ang midterm examination for the second semester kaya aasahan ang pagkahaba-habang pila sa Registrar's Office. Pasado alas singko ng hapon sila natapos.
Matapos makapagbihis ay inayos niya ang mga gamit niyang nagkalat sa kama niya.
"Wala bang gig tonight?" tanong sa kanya nito.
"Meron," aniya. "Pero mamayang alas otso pa kami."
Dalawang part time job ang pinasokan niya lalo na at gagraduate na siya. Although kaya namang tustusan ng mga magulang niya ang pag-aaral niya ay mas pinili niyang tumayo sa sariling mga paa.
She was eleven years old nang maghiwalay ang mga magulang. Parehong nag-asawang muli ang mga ito ay may kanya-kanyang pamilya na. At siya, walang mapuntahan ay habambuhay na naiipit sa sitwasyong 'to na hindi niya naman ginusto. Nasa America ang ina at nasa Korea ang ama. At halos eleven years niyang hindi nakikita at nakakapiling ang mga ito.
Lumaki siya sa pangangalaga ng Lola niya, ang ina ng ina niya. Ito ang siyang tumayong ama at ina niya sa mahabang panahon. And she doesn't care about what her parents are capable of doing sa mga buhay nila. What she cares more ay ang makapagtapos ng pag-aaral, makapagtrabaho at maalagaan ang Lola niya.
Habang inilalagay ang mga kakailanganing gamit niya sa loob ng bag ay naagaw ang atensiyon niya sa isang school article na nasa bedside table. Iyon ang article sa nakaraang semester. Nasa cover page ang pamilya ng Lenares.
Sa kabuuan nga cover page, iisang tao lamang ang siyang nagpatigil sa kanya. Ang larawan ni Dexter Lenares. Napakagwapo talaga nito kahit pa nasa larawan lamang. Those eyes na kung makatitig ay para ba siyang tinutunaw ng dahan-dahan. Ano ba ang meron sa lalaking ito at para bang tinamaan siya ng husto?
"He's really hot."
Nagulat siya nang marinig si Carla. Kanina lang ay nasa sariling kama ito, ngayon ay nakadapa na sa kama niya habang nakatingin sa kanya. Paano ito napunta rito?
"Ba't nandito ka?" Para na lamang itong multo na basta-basta na lamang sumusulpot. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa.
"Iyan kasi. Titig na titig sa larawan ni Dexter kaya hindi na namamalayan ang mga nangyayari sa paligid," anito.
"Ako? Nakatitig sa kanya? Hindi ah!"
"Ows? At sino ang tinitingnan mo sa cover page? Ang ama?"
Inirapan niya na lamang ang kaibigan.
"Magdeny ka pa ng magdeny at talagang maniniwala na ako na may interes ka sa lalaking iyon."
Kumunot ang noo niya. "What are you saying?"
"You know exactly what I'm saying."
"Bahala kang mag-isip ng kung anu-ano."
Napahagikhik si Carla at iniba na lamang ang usapan. "Hindi mo pa nababanggit ang tungkol sa pinag-usapan ninyo kahapon. Napabilib mo ba siya sa performance mo?"
"Iyon nga. Orientation day palpak na. Paano na lang kung sa unang araw ng internship natin pumalpak ulit ako?"
"Siguraduhin mo lang na sa kanya ka pa rin papalpak."
Hindi niya pinansin ang sinabi nito.
"Bakit ka niya pinatawag?"
"Gusto niya lang alamin ang kalagayan ko kaya niya ako pinatawag sa opisina niya."
"Really?"
"Yes."
"Wow! Special. Go girl ! He is a good catch".
At mukhang ayaw pa nitong tumigil sa paghirit.
"So, ano ba talaga ang hetsura niya? I mean, nakaharap mo siya ng matagal so, how can you describe Dexter Lenares?"
At ang sabi nito ay siya ang may interes gayong kung makapagtanong ito ay kinikilig pa. Pinaikot niya ang mga mata at naupo sa gilid ng kama.
"Go on," at hindi na makapaghintay si Carla.
"Well, he is nice and gentle."
"Gentle."
Naiinis na napatingin siya sa kaibigan. "At binibigyan mo talaga ng ibang kahulugan ang nga sasabihin ko, 'no?"
"What? I just said gentle. Ano bang problema? Ikaw itong nag-iisip ng kung anu-ano diyan, eh! So, what else?"
Nagpatuloy siya. "You're right, he's hot and handsome. Really, really handsome." Hindi niya mapigilang mapangiti.
"And?"
"He is clean and formal."
"Clean and formal." Pag-ulit nito. "Iyong tipong Christian Grey? "
"What?"
Bumangon si Carla at naupo na rin sa gilid ng kama. "Anastasia Steele described Christian Grey being clean and formal. So, iyon din ba ang nakikita mo kay Dexter Lenares?"
"At pa'nong napunta tayo sa Christian Grey na 'yan? You are really impossible, Carla!"
As far as she is concern, nakakailang ulit na si Carla sa panonood ng "Fifty Shades of Grey" na siyang pinaka-numero unong isyung pelikula ng taon. At wala na itong bukambibig kundi si Christian Grey. Ayaw niyang maniwala na addictive ang pelikula pero sa nakikita niya sa kaibigan, mukhang totoo nga.
"He's such an ideal guy!" patuloy pa nito. "Ilan nga siguro diyan naghahangad ng Christian Grey sa buhay nila."
"Really? A dominant one?"
"Sort of. I guess, twenty to thirty percent ay pinapraktis pa rin ang ritual na iyan. I mean, D/s relationship is effective kasi nabibuild up ang tiwala ninyo sa isa't isa. And in a certain relationship, darating iyong panahon na maghahanap kayo ng kakaiba. Something challenging, unique, fun..." Napabuntong hininga si Carla. "Kung minsan kasi hindi kailangang salita ang gamitin mo para ipaalam na mahal mo ang isang tao. You have to show and prove it all the way."
"Wow!" Aaminin niyang namangha siyang talaga. "At alam na alam mo iyan?"
"Sadyang malapit lang kami ng tiyuhin ko kaya kapag nagtatanong ako, nasasagot niya ng maayos."
"Tiyuhin mo? " Nanlake ang mga mata niya.
"Si Tiyong Google ko."
Napangiwi siya.
"Kaya ikaw, kapag handa kanang magmahal, siguradohin mo na kasing tulad ni Christian Grey okay?"
"No thanks. I don't want a miserable life. "
"Miserable or pleasurable? "
"Oh my God, Carla!" Napailing-iling siya. "Bakit ikaw, nasubukan mo na bang maging submissive?"
"Yes."
"Really?!?" Halos malaglag na siya sa pagkakaupo.
"And it's really amazing. It leads to satisfaction, my friend. Satisfaction for both parties. And I love my boyfriend more, that's why."
"Oh my God!" Napatayo siya at kinuha ang bag. Hindi siya makapaniwala sa nalaman niya. Oo nga at alam niyang hindi na buo ang kaibigan at mahilig sa mga adventure sa buhay pero nakakagulat malaman ang tungkol sa ganitong pangyayari.
Bakit ba kasi naitanong niya? Mukhang mapapaaga ang pasok niya sa trabaho niya.
"Oops!" Napahalakhak ito. "Nakalimutan ko na baby ka pa pala," pangungutya pa nito sa kanya.
"Ewan ko sayo." Tinungo niya ang pintuan. "Aalis na ako."
"So soon?"
"Mas maaga, mas mabuti."
"Ang sabihin mo umiiwas ka lang."
"I heard enough, Carla, okay? Gosh! Tumitindig palahibo ko dahil sayo. Bye!"
"Sana makilala mo ang Christian Grey ng buhay mo tonight! " habol pa nito.
"Oh, shut up!" Lumabas na siya at isinara ang pinto.
Oh yes, wala siyang alam sa mga ganitong bagay. She's twenty-two years old, maganda, matalino, madiskarte, ma-appeal, may talent, and...never been touched, never been kissed. And she's proud of it dahil alam niya kung paano panghawakan ang buhay niya.
Hindi naman siya nagmamadali. She's young and marami siyang pangarap at priority sa buhay. Besides, hindi pa siya handang pasokin ang buhay pag-ibig. Hindi niya pa rin kasi nakikilala ang lalaki na sa tingin niya ay para sa kanya. She will be waiting. Waiting for the right man at the right time.
Timing is everything!
*** *** ***
"ANG BUONG AKALA ko ay hindi ka pupwede tonight. Glad to see you." Niyakap siya ni Russel.
Ang sabi kasi niya sa nga kasamahan niya sa banda na baka hindi siya makakasama sa gig nila dahil my kailangan siyang tapusin. Dahil maaga silang natapos sa pagpaprocess ng requirements nila sa internship, hindi siya absent for tonights performance at sigurado siyang may kikitain siya.
"Mahirap ang buhay kaya kailangang magsumikap," aniya at dumeretso na ng back stage.
Nang silipin niya ang relos niya ay alas siete trenta na. Nagmamadaling inihanda niya ang sarili. Kinuha ang song list na nasa bag niya at inireview ang mga kakantahin sa gabing ito.
"Need a round?" tanong sa kanya ni Russel, ang lead guitarist nila at back up vocals.
Ilang araw rin siyang hindi nakasama sa rehearsals nila dahil abala sa paaralan. Pero nakakasiguro siyang hindi magiging palpak ang palabas nila sa gabing ito.
She was born to be called as a singer, not to mention. Her family has a huge background of music. Hindi man sikat pero kilala ang mga magulang niya bilang musicians noon sa San Juan kung saan siya isinilang. At sa nababalitaan niya, ang mga half brothers and sisters niya, both sides, ay nabubuhay na rin sa musika.
Singing is her life. At mahal niya ang trabaho niyang ito. Kung minsan, iniimbitahan sila ng banda na magperform sa iba't ibang lugar, sa loob at labas ng San Ferrer. And being the only girl and the lead vocalist, she shines!
"Hindi na kailangan ni Danelle iyan," sabi ni Stephen at inakbayan siya. "Wala ka bang tiwala dito? Pipikit lang iyan mamaya at makakasabay na sa tugtog."
"You are right."
Limitado lamang hanggang limang kanta ang bawat banda. Bawat gabi, tatlong banda silang nagpeperform. Their first song was a total hit! Palagi silang inuulanan ng palakpak hanggang sa dulo ng presentasyon. Second song, third and fourth song, as usual. At ang huling kanta ang siyang pinibigyan niya ng sobra-sobrang emosyon.
"Our last song for tonight," aniya at uminom panandalian ng tubig. "Sana magustohan ninyong lahat. Magkita-kita ulit tayong lahat sa susunod."
Nang magsimula ang tugtog ay nagpalakpakan ang lahat. At nang sinimulan niya ang pagkanta ay naging napakatahimik ng buong bar, nakatingin at nakikinig ang lahat sa kanya.
You would always ask me
Those words I say
And telling me
"If I feel this way"
Every single day
You always act this way
For how many time I've told you
"I love you", and this is all I know
Ilang kalalakihan ang umakyat sa stage upang abutan siya ng bulaklak. Nasanay na siya sa ganitong drama. At kahit papaano ay masaya siya dahil alam niyang hindi niya sinasayang ang panahon ng mga ito sa pakikinig sa kanila.
Come to me and hold me
And you will see
The love I give
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times I've told you
"I love you," and this is all I know
"Sabay-sabay tayong lahat!" ang siyang sigaw ni Russel.
Nakisabay ang lahat.
I'll never go far away from you
Even this I will tell you
That I need you so
For this is all I know
I'll never go far away from you
Come to me and hold me
And you will see
The love I gave
For you still hold the key
Every single day
You always act this way
For how many times I've told you
"I love you," and this is all I know
Muli ay nakisabay ang lahat.
I'll never go far away from you
Even this I will tell you
That I need you so
For this is all I know
I'll never go far away from you
Inihinto nila ang pagtugtog. This is what they usually do before the song ends.
"I need a volunteer!" aniya. And everybody is excited sa pakulong 'to.
Isang binata ang bigla na lamang umakyat sa stage. Hindi ito mapakali sa sobrang excitement.
"Hi!" bati niya rito. Tinanggal niya ang microphone sa stand nito. "Ano ang pangalan natin?" Kinuha niya ang isang mic at inabot rito.
"Christian."
Really? At hanggang sa mga sandaling 'to hindi magpapaawat ang pangalang 'to sa pandinig niya? "Christian Grey? " pagbibiro niya na lamang.
Nagtawanan ang mga nandoon.
"Pwede na rin!" sakay naman ng binata.
"Since nandito ka, obviously alam mo ang kanta. Kaya, I want you to sing with all your heart at siguradohin mong magugustohan ng audience mo okay? Bibigyan kita ng chance na sarilinin ang stage. Are you ready?"
"Ready!"
Muling tumugtog ang banda at agad na humirit ang binata. Hindi niya maiwasang matawa. At nang lingunin niya sa likuran ang kasamahan ay nagsitawanan rin ang mga ito. Paano ay wala na nga sa tamang tembre ang boses, hindi pa makasabay sa tugtog.
"Booooooooo!" ang sigaw ng mga nandoon pagkatapos.
"Wow!" sigaw niya. "Salamat sayo Christian at binuhay mo ang katawang lupa namin."
Napakamot sa ulo niya ang binata habang pababa ng stage.
"Thank you ulit sa oras ninyo. Sana ay nag-enjoy kayong lahat sa performance namin sa gabing ito."
Sumenyas siya kina Russel.
I'll never go far away from you
Even this I will tell you
That I need you so
For this is all I know
I'll never go far away from you
Hmmm...
I'll never go far away from you
Nagsitayuan ang lahat pagkatapos ng kanta. Katibayang nagustohan ng mga ito ang ipinakita nila.
Medyo masakit ang ulo niya pagkatapos ng palabas kaya minabuti niyang maupo muna panandalian. Sa mga sandaling iyon ay nasa back stage na sila habang hinihintay si Russel na kinukuha ang bayad sa kanila sa manager ng bar.
"Danelle!" Lumapit sa kanya ang waiter at inabot sa kanya ang isang bouquet ng bulaklak.
Kunot noong napatingin siya sa waiter. "Para sa akin?"
"Oo. Pinapaabot sayo ng costumer kanina."
"Wow!" ang siyang naibulalas ni Jun. "Mukhang dumadami na ang tagahanga mo, Danelle, ha!"
"Kilala mo ba?" tanong niya pa sa waiter.
Umiling-iling ito. "Parang ngayon ko lang nakita iyon dito. Kasama niya ang ilang regular costumers natin. Sige, alis na ako." Umalis na ito.
Napatingin siya sa bouquet. May isang maliit na card na nakasuksok sa mga bulaklak. Kinuha niya ito at binasa ang nakasulat.
Danelle,
You really have an angelic voice. Hope to hear more .
PS: To whom you dedicate the last song? Very nice. I like the version.
At walang pangalan ng nagbigay na nakasulat.
"May secret admirer ka na naman!" Parang mga loko-lokong pinalakpakan siya ng mga kasama.
"Heh!" Inirapan niya na lamang ang mga ito.
Hindi na bago sa kanya ang makatanggap ng bulaklak mula sa mga humahanga sa kanya. Pero ang nakakapanibago lang ay hindi pag-abot sa kanya personally at naka-bouquet pa.
At sino naman ang misteryosong admirer niyang ito?
"Big time na!" Patuloy pa sa pang-aasar si Jun.
Maya-maya pa ay dumating na si Russel. Isa-isa nitong inabot sa kanila ang nakasobre nilang sahod sa gabing ito.
"Wow!" Napansin agad nito ang hawak niya. "Galing na naman ba iyan sa tagahanga mo?"
"Yes." Kinuha niya na ang bag niya at ipinasok sa loob ang sobre.
"Lume-level up ang flowers."
"Kapag ako hindi niyo tinigilan hindi ako sisipot sa susunod na gig." Nasa tuno niya ang pagbabanta.
"At parang 'di ka na nasanay sa amin."
Nagtawanan ang mga ito sa reaksiyon niya.
"Let's go." Itinulak siya ni Stephen palabas ng back stage. "Ihahatid ka pa namin."