Isang dalaga ang naglalakad sa gitna ng kalsada habang tumatawa na parang baliw.
At bigla na lang nagsalita,
"The weather isn't nice today. Everyone uses jackets like it was very cold. Are those baby skin you have? AHAHA!" Habang nakatingin sa mga tao sa gilid na parang diring-diri.
Madilim sa lugar kung kaya't hindi masyadong maaninag ang babae. Tanging ang boses lang nito ang naging tanda na meron siya roon.
"Oh! I think I'm just hot." Pagpuri sa sarili habang tumatawa na parang ewan, sabay hawi sa mga niyebe sa kanyang harapan.
Isang bumubusinang malaking sasakyan ang sasalubong na sa kaniya. Isang 10-wheeler truck. Nginitian niya lamang ang drayber. Bakas sa mukha niya ang takot nang ito'y masilayan.
Nataranta — hindi na nakapagpreno at tuluyang nasagasaan ang mga tao sa gilid ng kalsada. Pagkatapos ng insidenteng iyon ay wala na ang mga tawa ng babae sa gitna ng kalsada at tanging ang isang pares ng damit lang ang nakitang nakalapag doon.
...
Ang tanong:
Handa ka bang makita ang ngiti niya?