Chereads / Away from My Smile (Book 1: The Nolmians) / Chapter 11 - Chapter 10: "Huwag Muna!"

Chapter 11 - Chapter 10: "Huwag Muna!"

Napakasaya ni Silistine kahit ang mga sinasabi niya ay negatibo. Walang tama walang mali, basta't masaya siya'y wala itong pakialam.

"Meron akong tinulungan na isang babae. Parang nagsasaya naman 'yong lalaki at takot na takot 'yong babae. Lumapit ako at napatingin sa akin 'yong lalake. Nginitian ko siya ngunit tinutok niya ang baril niya sa akin kaya napilitan akong saksakin siya gamit ang mga kuko ko at ako naman ang nagsaya. HAHAHA. 'Yong mga dugo niya nagkalat kaya nadumihan 'yong damit ko. Inabot ko ang aking kamay para hiramin 'yong panyo no'ng babae ngunit hindi niya ito binigay, tapos nginitian ko. Nanahimik lang siya at nilayo pa niya 'yong panyo kaya napilitan din ako. Hindi ko rin nagamit 'yong panyo naduguan na rin kasi. Hihi.

- Silistine

+-+-+-+-+-+(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)

{[SILINTINE's POV]}

Ang sarap talaga maligo rito sa ilog kapag nagyeyelo. Siguro mahal ako ng ilog na 'to? Haha.

Mayroon na namang isang daga ang aking hahabulin at pababalikin sa kaniyang lungga.. pero huwag muna at baka magtampo si ilog kapag umalis ako. Huhu.

Oww?! Tumigil siya, HAHA. Baka alam na niya ang tungkol sa'kin. Hintayin ko na lang siyang bumaba at maliligo muna ako saglit hanggang sa mapansin niya ako.

Two minutes later..

"Argh, ang tagal naman niyang umalis." reklamo ko at tinapon ang isang bato na bumitak sa yelo.

Huhu, nagulat yata siya. Tumingin siya sa direksyon ko nang dahan-dahan.

Tumayo ako para mapansin niya ako pero hindi pa rin yata, kasi tinuloy pa niya 'yong ginagawa niya.

"Impossible namang may babaeng lalangoy d'yan, HAHA." bulong ng lalaki na 'yon.

Napasimangot ako. Lumapit pa ako sa kaniya at narinig niya yata ang mga yapak ko at napatalikod.

HAHAHA!

Napansin niya yata ako kaya kumaripas ito ng takbo papalayo sa akin.

Baka natakot ko na siya, HAHA.

Ba't ang tagal naman yata niya? Huhu. Baka nanigas na ang mga katawan niya dahil sa sindak. HAHAHA how pathetic!

"Hope you enjoyed your ti-- AWW! Nakakasilaw 'yang ilaw mo!" hindi niya yata narinig.

Binaba niya ang hawak niyang ilaw at isinentro sa aking paa. Patuloy naman akong lumapit para mailawan ang aking mukha ngunit talagang 'yong paa ko lang ang focus niya.

Baka ayaw niya lang akong masilaw, o pwede rin surprise 'yong mukha ko, how sweet.

Malapit na ako makaalis sa nagyeyelong tubig at palapit na rin siya sa akin.

Tikom lamang ang aking bibig hanggang magkalapit na kami. Parang hindi siya takot, baka pwedeng takutin ko ng kaunti. Hehe.

Ibinaba pa niya ang flashlight na tumutok sa malawak na yelo.

Just how bright the place was at that time. The light that was coming from the flashlight reflected in those fragile ice.

I stood, fixed my posture and waited for him to run or come after me. But he didn't.

Iwinasiwas niya ang jacket na hawak niya na parang isusuot sa akin. Pero hindi ako gano'n kababaw, binitak ko ang kinatatayuan niya at nahulog siya sa tubig ngunit nakakapit pa rin siya. Nahulog din ang hawak niyang jacket na pinulot ko at isinuot. Tumalikod na ako at nagbalak nang umalis,

Hinawakan niya ang mga paa ko at binigkas ang mga salitang, "Tulungan mo ako. Gusto ko lang namang ibigay sa'yo ang jacket na 'yan dahil napakalamig dito. Wala ka man lang kahit na anong suot." pakiusap niya.

"Oh? Yun lang ba? Nakuha ko naman na, pwede na akong umalis?" mataray kong tanong.

"Sige na, pakiusap tulungan mo ako rito. Nanlalamig na ang buong katawan ko. Ilang segundo na lang at talagang makakabitaw na ako!" makaawa niya sa tulad ko na parang isa akong tagapagsagip.

Pero sige, pagbibigayan ko uli siya.

"Sige, umalis ka na para makauwi na rin ako." ani ko at inabot ko ang aking kamay para tulungan siyang i-ahon sa tubig.

Ngumiti pa siya nang mas malaki kaya hindi ko na naiwasan at napangiti na rin.

Yes, he was the second person who conquered my smile. I hope he'll last. I have no idea why he wasn't afraid of it.

Pagkatapos ko siyang maiahon at ialis sa pagkakalublob niya, sinamahan ko naman siya tungo sa kanal na nakakunekta sa syudad. Mas mainit do'n kesa sa labas.

Nang tatanggalin ko na ang jacket at ililipat sana sa kaniya, tumindig siya at ipinatong ang mga kamay sa magkabilang balikat ko. Natahimik kami at napagingin sa isa't-isa. Hindi siya nagsalita, tumititig lang siya sa akin at ewan ko ba...

"Meron bang dumi sa mukha ko?" tanong ko.

"Wala, ang sarap lang titigan ng mukha mo. Parang walang oras ang nasasayang kapag nakatingin ako sa nakakaakit mong mukha,"

"Ha? Ano ba talagang gusto mo? Hindi ako nakikipaglokohan dito."

"Seryoso rin ako, napakaganda mo. Wala kang katulad." hinigpitan pa niya ang kapit sa mga balikat ko.

Napakabigat ng kamay niya kaya napilitan akong tanggalin ito sa kaniyang pwesto.

"Ano ba talagang gusto mo? Ang ayos mo lang kanina, napakatahimik. Umalis ka diyan sa harapan ko at uuwi na ako."

Hindi niya yata pinansin ang sinabi ko. Naglakad pa rin ako, walang sinuman ang pipigil sa'kin sa pag-uwi.

Tumigil ako saglit at bumigkas, "Bakit ka nga ba nandito? Meron ka bang magandang rason para do'n?"

"Nandito lang ako dahil nandito ka rin. Ikaw ang matagal ko nang hinaha- AHH!" ang talim ng kuko ko ay sapat na para pasukin ang kaloob-looban niya na talaga namang kinagulat niya at napasigaw sa sakit.

"KUNG MAGSISINUNGALING KA LANG, SANA 'DI KA NA LANG NAGPAKITA. SINAYANG MO ANG ORAS KO SA WALANG KUWENTA MONG PANTASYA." sinaksak ko pa siya nang sinaksak hanggang wala nang hininga ang lumabas sa kaniya.

Nang napansin kong wala na siyang buhay ay itinapon ko ang katawan niya sa nanlalamig na tubig.

"Huwag na huwag mo akong gagalitin at lilinlangin. Nadagdagan ang mga ayaw ko sa tao, ayaw ko na sa mababait."

"MGA MAPANLINLANG! MGA WALANG ALAM, KUNWARI MABAIT! Ngunit sa susunod na may makita pa akong kagaya mo, hinding hindi ako magdadalwang isip na itabi siya sa hukay mo. MANANAHIMIK KAYONG DALAWA, O PWEDENG TATLO O KAHIT ILAN PA. WALA AKONG PAKIALAM, UUBUSIN KO ANG MGA GAYA NINYO."

+-+-+-+-+-+-(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)

See you again on next chapters...😉