Pagkatapos mapanood ang cctv footage ay pumunta na siya sa lugar at tinanong si Liane. Tumamang muli ang sagot ng mga in-interview niya kanina.
{[ROUGE's POV]}
Ni-replay muli namin ang video.
"Chehchewaheeche," *tok* Pinukpok ni Liane ang ulo ko gamit ang ballpen.
"At ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
"Diba pag replay ganon? may sound effects na CHECHEWECHE,"
"Uli-" tinaas niya ang kamay at binabalak na naman akong sapakin kaya tumigil na ako.
"Cheche-gil na ako sabi ko,"
"KUNG ITULOY MO NA LANG KAYA YUNG KWENTO?" kitang-kita sa mga mata nito na galit na siya. ako kasi eh, ano ngayon? Haha.
Totoo na talaga ang susunod, enjoy! Hehehe.
--
Pagkatapos mapanood ang cctv footage ay pumunta na siya sa lugar at tinanong si Liane. Tumamang muli ang sagot ng mga in-interview niya kanina.
(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+)+-
{[ROUGE's POV]}
Habang pinapanood namin ang video, pina-pause ko muna ito sa nang may napansin akong isang daliring napakahaba ang kuko na ginalaw ang kamera.
Pina-replay ko ito tsaka slow-mo. Naharangan ng daliri ang babae. Tumaas ng kaunti ang kamera at hindi nakita kung paano nangyari ang aksidente.
Bumalik ito sa ayos at nakita ang mga dugo na nakakalat sa buong kalsada pati na sa mga pader. Sa rami ng dugo ay parang naging ilog talaga ng dugo ito.
Kumuha ako ng kopya tungkol sa pangyayaring iyon.
Bumalik na ako sa lugar at tinanong ko si Liane kung marami ba talagang laman ang truck.
"Liane!" sigaw ko sa pangalan niya.
Tumingin na siya sa 'kin
"Na-check mo na ba iyong laman ng truck?"
"Oo, overloaded ang truck at maaring dahil ito sa madulas na kalsada kaya siya nabungo."
Talino niya 'no? Isa lang tanong ko pero ang daming sagot, bravoo!
Pagkatapos kong matanong si Liane ay pumunta na ako sa kamera para i-check kung may mga bakas na naiwan ang kamay na iyon sa paghawak sa kamera.
Tinanong ko ang babae kung talaga bang may gasgas o yupi ang cctv nila.
"Wala po. Maayos at walang kahit na anong gasgas po yan." mabilis na sagot niya.
Bumalik ako sa aking sasakyan at tiningnan ang windshield ng kotse ko. Naabutan ko roon si Liane.
"Ampangit na ng sasakyan mo," asar niya habang tawang-tawa.
G*go 'to ah. Natatwa pa. Ano kayang nakita niya do'n?
"Tingnan mo!" utos niya tapos tunawa ulit.
Dali-dali akong pumunta roon.
"HA?!" natahimik ako nang makita ko ang kotse ko. Wala akong nasabi habang tawa pa rin nang tawa si Liane.
Mula sa windshield hanggang sa tuktok ng sasakyan ko ay may gasgas.
Tiningnan ko ang likurang bahagi ng aking sasakyan. Nakita ko pa sa bandang kaliwa na tail light ay basag ito.
"Kuhang-kuha ko na!" sigaw ko habang seryoso ang mukha. Nagulat at natahimik naman si Liane sa ekspresiyon ko.
"Ang ano?" tanong niya at inayos ang pagkakaupo niya sa harapan ng kotse ko.
Hindi na ako umimik. Tinanong ko ulit ang babae kung puwede ko pang tingnan ang monitor. Pumayag naman ito.
Sabay kaming pumunta sa loob at tiningnan ang monitor. Hindi na ito gumagana. Tinanong ko muna kung ayos pa ang cctv no'ng una namin itong tiningnan. "Hindi" sagot niya.
Imposible ito kung iisipin ngunit ito lamang ang pumasok sa aking isipan.
9:35 p.m, nangyari ang aksidente; ginalaw ng 'kamay' ang cctv.
9:37 p.m, tumawag sa akin si Liane tungkol sa aksidente.
9:41 p.m, tumigil ako dahil meron akong napansin, nung parang may dumaan sa aking windshield.
9:48 p.m, dumating na ang babae, at nag-check kami agad sa cctv.
9:50 p.m, tiningnan ko ang cctv ng malapitan at nakita ang mga yupi at gasgas nito.
9:51 p.m, nung bumalik ako sa kotse at nakita si Liane. Tinanong ko siya kung napansin na niya yung kotse kung may gasgas o wala. "Ewan, meron ata" aniya.
9:52 p.m, bumalik ako para tanungin kung gumagana pa ba ang cctv noong tsine-check namin noong 9:48 pm, "hindi" ang sagot nito.
"Ang babae sa cctv. Sigurado akong siya ang may kagagawan sa aksidenteng ito. Ngunit hindi kapani-paniwala ang aking sasabihing rason. Maaaring may kapangyarihan ang babae, kung sa bilis at galing niya para nang pinatigil ang oras na talagang hindi kapani-paniwala. No'ng ginalaw niya ang cctv ay wala pa itong mga gasgas o ano pa man. Ngunit pagkaraan ng 12 minuto, nagpakita na ito at nasira na ang cctv. Kung sa kotse ko naman ang pag-uusapan, maaaring sa loob ng 10 ay nagpakita na ang gasgas na ito at maaaring mas malakas na puwersa ang nagamit kaya mas mabilis ang pagpapakita ng mga gasgas." mahabang pagsasalaysay ko kay Liane.
Tumawa siya ngunit pansin kong pati siya'y nagtataka rin, na parang agree rin siya sa sinasabi ko.
Pagdating ni Liane ay ganoon din ang naramdaman niya sa lugar. Halos magkakasunod lamang ang sasakyan nila patungo sa crime scene.
(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)+-+-
{[LIANE's POV]}
Binabaybay namin ang kahabaan ng Northern Voulude papunta sa sinabing lugar nang napansin ko rin ang parang pagkagandang hugis ng anino ng babae. Binabalak kong patigilin ang sasakyan pero naisip ko na baka guni-guni ko nga lang yun, 9:37 p.m pagkatapos kong tawagan si Rouge.
Matulin ang takbo ng aming sasakyan kaya 'di ko na binalak na patigilin pa ang sasakyan. Mas mahalaga para sa akin ang misyon kaysa sa guni-guni.
9:39 p.m kami nakarating sa crime scene. Buo ang loob kong lumabas sa aming sasakyan at tiningnan ang taas ng sasakyan. Wala akong nakitang kahit ano.
9:41 p.m, katatapos ko lang i-check ang laman ng truck. Bumalik ulit ako sa van na aming sinakyan at tiningnang muli ang tuktok ng sasakyan. Wala akong napansing pagbabago kaya bumalik na lang uli ako.
9:42 p.m, dumating na si Rouge. Noong tinanong niya ako tungkol do'n, meron talaga akong kutob tungkol sa mga nangyayari.
9:46 p.m, umalis na siya sa aking tabi at naghanap-hanap ng pwede niyang gagawin. Bumalik naman ulit ako sa van para masilip muli ang tuktok nito, ngunit wala pa ring pagbabago.
9:49 p.m, bumalik ulit ako sa van. May mga markang hindi ko lubos akalain. Isang parang kalmot na sinisigurado kong hindi ito kagagawan ng isang hayop.
9:50 p.m, pumunta ako sa kotse ni Rouge dahil nagtataka rin ako sa mga sinabi niya nung nakarating siya.
9:53 p.m, bumalik na si Rouge at i-kinuwento niya ang mga nalalaman niya.
Nagkunwari akong natatawa ngunit basang-basa ni Rouge ang aking mukha na parang isang libro lang sa harapan niya.
Tumigil ako at umayos sa pagkakaupo ko sa kotse niya. Seryoso kaming dalawa nang
nagtanong siya, "Basang basa na kita Liane. " aniya tsaka dumura.
Ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya.
Bumuntong hininga si Rouge.
"May marka ba-" sabay kaming nagsalita kaya tumigil si Rouge.
Walang nagbago. Malamigang titigan lang kami. Bumuntong hininga ako at nagsalita, "Sige, mauna kang magtanong." pagpapaubaya ko.
"No'ng papunta kayo dito may napansin ka bang kakaiba? Gusto ko lang ulitin yung tanong ko sa'yo kanina."
"Meron." maikli kong sagot.
"Meron naman pala eh, ba't 'di mo pa sinabi kanina? Ano yun?" agad niyang tanong.
"Para siyang isang anino ng isang babae," walang paligoy-ligoy na sinabi ko ang aking nakita.
Natawa si Rouge, tapos balik sa seryosong mukha.
"Bakit ka nagbabalik-balik kanina pa sa van? May nanakawin ka ba dun? HAHAHA," magkasunod na tanong niya.
At gaya ng sagot ko kanina, diretsohan ko na ang mga sagot ko, "Tinitingnan ko kung mayroong naiwang marka sa van."
"Tu-"
"Eh ikaw, ba't mo 'ko tinatanong kanina no'ng kararating mo lang?" pamumutol ko sa sasabihin niya.
"'Di pa ba obvious? Syempre nakita ko rin nakita mo." bununtong hininga siya, "Hays. Pati nga sa kaliwang tail light ko basag."
Parang may pumasok sa isipan ko nung sinabi niya ang direksyon ng nabasag na tail light.
"Sa kaliwa sabi mo?" paninigurado ko.
"Di mo narinig?" 'di ko pinansin ang sinabi niya at nag-isip pa ako ng mas malalim habang hawak at hinaharangan ko ang aking mukha.
"Saang banda ka na noon?"
"Sa intersection... sa malapit sa gasulinahan."
"Paandarin mo kotse mo, dali." pagmamadali ko sa kaniya.
"Ha? At bakit?!"
"Wala nang bakit bakit," tinulak ko siya sa loob.
"Saan-"
"Sundan natin siya, pumunta tayo sa intersection na iyon." tinangka kong agawin ang susi sa kanya dahil ang tagal gumalaw eh. Masasapak ko na 'to.
"Bilisan mo, baka maabutan pa natin siya!"
In-start at pinaharurot na ni Rouge ang kotse papunta sa intersection para maabutan pa namin ang babae.
Pinihit ko ang radyo-
"The wheels on the bus-"
Tumawa nang malakas si Rouge. At bakit naman kaya nursery rhymes ang nakalagay diyan? Nako naman 'to.
"At bakit naman ganyan ang patugtog mo? Putek nakakagulat naman, shit to."
Tumawa pa ito nang mas malakas.
"Nakalimutan mo bang may pamangkin ako noon?" aniya at tumawang muli.
Pinihit muli ni Rouge ang radyo.
"-go round and rou-"
Nilipat ko ang kanta at bumalik sa pagkakaupo.
...
"Twinkle, twinkle little star,
how I wonder what you are-"
Ibang version 'to ah. Ang bilis naman ng kantang yan. Nakakairita na talaga.
Tumawa pa nang mas malakas kaysa sa dati si Rouge.
"Matagal pa ba?" Tanong ko sa kanya dahil talagang nabubuwisit na ako.
"Luh, isang minuto pa lang tayo sa biyahe 'wag kang atat. Baka dalawang minuto pa."
I sighed.
"Baka makalayo na yun!" nag-aalala ako dahil baka mga marka na lamang ang maabutan namin.
"Kakaiba ka ngayon ah. Parang ito na yung last case na i-sosolove." tumawa pa siya.
"Eh kung manahimik ka kaya at bilisan mo ang pagpapatakbo? Tandaan mo gasgas na 'tong kotse mo." pananakot ko sa kaniya habang nakangiti nang nakakatakot.
"Sabi ko nga bibilisan ko na."
Hinintay pa talaga yung ngiti ko hmp.
...
Pagkaraan ng dalawang minuto ay lumabas na kami para matingnan ang intersection road na iyon.
Natanggalan ng niyebe ang mga posibleng dinaanan ng 'di pa namin kumpirmadong babae.
Masyadong magkakalayo ang mga palatandaan na ito. Ang intersection na iyon ay palabas na sa Northern Voulude papunta sa matatarik na bundok, at sa mahahabang kakahuyan.
Tumigil na kami sa paghahabol sa kaniya dahil narating na namin ang hangganan ng mga magusaling parte.
Bumalik na kami sa crime scene. Paalis na rin sila kaya kay Rouge na lang ako sumabay pauwi. Umuwi na siya pagkatapos niya akong maihatid.
+-+(-+-+-+-++-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)
"Sino kaya ang kanilang nakita, ako?"