Chereads / Away from My Smile (Book 1: The Nolmians) / Chapter 9 - Chapter 8: "Adding Pieces in the Puzzle"

Chapter 9 - Chapter 8: "Adding Pieces in the Puzzle"

{[ROUGE's POV]}

Tinapos namin ang lahat ng mga dapat tapusin. From Northern to Eastern to Southern to Western, and lastly to Central Voulude. Kung saan mas mahirap ang gumalaw sa lugar na ito. Puno ng mga mata sa lahat ng sulok kahit sa CR pa nga meron.. joke na 'yon. Haha.

Iisa o dalawa lang naman ang nalaman namin na meron sa lugar na 'yon kaya sa tingin ko hindi kami masyadong magtatagal. Makikita na lang pagdating namin doon.

...

Bumungad sa amin ang napakalawak na entrance papasok sa Central Voulude. Talagang nakakaakit ito at yayamanin ang mga kasangkapang meron sa kanila sa loob.

Ang ginamit na base ng malaking arkong iyon ay ginto hanggang sa kataasan nito. May mga palamuti pa itong mga diyamanteng kumikinang kinang kapag nasisikatan ng araw. About 30ft siguro 'to. Akalain mo pagbinenta ko 'to 'di na ako magtatrabaho. Pero 'di 'yon mangyayari, mamamatay muna siguro ako. Pero 'wag naman sana mamatay.

100 meters away sa arko ay may checkpoint. Higit sa limang tao ang nag-ooperate sa mga papasok at nasa isang dosena naman na sundalo ang humaharang at nagpapatigil sa mga sasakyan bago ma-check.

Mabilis na rin sila, kasi mula sa kinaroroonan ko ay maaaring mayroong 200 meters at natapos lang ng isang minuto. Talagang masasabi kong well-trained ang mga nagmamando dito. Meron din palang mga traffic enforcers bago ka makalagpas sa checkpoint.

At kami na nga ang i-checheck. Pinabuksan nila lahat ng bintana at tiningnan ito ng mga sundalo. Tiningnan lamang nila, hindi nila ginalaw ito o ano man, basta't tiningnan lang at nagsenyas kung okay na. Sinenyasan nila ang mga tao sa may parang check-in at pinayagan na kami.

Ito ang unang beses ko kaya bago talaga sa akin ito. Ngayon lang ako nabigyan ng ganitong role para pumasok sa kagalang-galang at yayamaning Central Voulude na 'to.

Pagkatapos macheck ng mga sundalo, sa mga nagchecheck-in naman ang kailangang malagpasan. 'Yon ang senyas sa akin ng isa sa mga sundalo kaya't sinunod ko na lang ang senyas niya.

At tama nga ako. Dito na talaga malalaman kung pwede ba kaming pumasok o hindi. Pinakita ko naman ang ID na binigay sa amin ni chief kaya walang naging aberya.

Medyo gulat 'yong mga nagchecheck. Bakas na bakas sa mga mukha nila. 'Di ko naman alam kung bakit. Sila nang bahala, alam naman nila ang gagawin nila. Ang importante makapasok na kami.

Binigyan niya ako ng isang guide at nakasulat, "GUIDE FOR POLICEMEN." na binasa naman ni Liane. Siguro 'yon 'yung mga rules and regulations na kailangan pa rin naming gawin. Baka, as a police and as a visitor siguro 'yon. Tanungin ko na lang si Liane kung nabasa na niya.

"Ang dami naman nito, 5 pages tapos back-to-back pa!" reklamo ni Liane.

"Baka ganito lang talaga kaayos 'tong lugar na 'to kaya ang istrikto nila." paliwanag ko naman.

Nanahimik na lang siya at nagbasa.

"80km/hr lang daw pwede rito sa direksyon natin. 'Wag na 'wag kang mago-overspeed, malilintikan yang lisensiya mo." biglang paalala ni Liane no'ng nakalampas na kami sa nakita niyang linya.

Natakot akong mawala lisensiya ko kaya maintaining 60-70km/hr lang hehehe. Mahirap na 'e.

Pagkaraan ng isa pang minuto ay nagsalitang muli si Liane, "Pwede na ulit hanggang 80-100km/hr. Tapos 'pag may nakita kang mahabang red na rectangular mag-stop ka."

"Ha? Bakit?" tanong ko naman.

"'Stop to find out'. 'Yon lang ang nakalagay. Sundin mo na lang 'wag na maraming tanong!"

"Oo na. Sabi mo eh." baka tungkol na naman sa lisensiya 'yong kapalit, kaya gagawin ko na lang.

Tumigil ako roon at naghintay kung ano ang mangyayari.

"Your tires are okay! You can go now. Thank you for choosing Central V." isang robotic voice ang tumunog at naging green ang red na rectangular shape.

Nagulat talaga kami ni Liane sa biglaang pagsasalita ng robot na iyon. Ang lakas masyado parang naka max volume. Nagvavibrate pa yung puso ko everytime na bumibigkas ito sa lakas niya.

Pagkaalis ko sa rectangular shape ay may lumabas sa harapan kaya napapreno ako. Isang drone ang lumabas mula sa konkretong kalsada at nagsalita rin, "We are about to enter the Central Voulude. Make sure you've already read the rules that was given to you by the staff at the first station. Enjoy your visit and have fun. ARIGATOU GUZAIMASU!"

Nagja-Japanese din pala mga robots dito, baka doon lang galing.

"Sa tingin mo galing sa Japan 'to Liane?"

"Pwede rin namang oo, pwedeng hindi."

"Yes, we are robots from Japan. We are the special A.I.s made just for this city."

"WOW!" pagkamangha ko. Gagi! Sumagot siya sa tanong ko?! Like what?! Parang ang advance masyado ng lugar na 'to.

Dumiretso na lang kami dahil sabik na sabik na rin naman kaming makapasok sa loob para makita ang mga bagay na wala siguro sa normal na lugar sa labas nitong Central Voulude na'to.

Bumungad nga ang nakakapanibago sa aming paningin. Kung sa labas parang isang napakalaking nahating bilog lamang, kung nasa loob ka na, mapapanganga ka na lang.

Ang daming mga drones robots at mga sasakyan na nasa himpapawid at lumilipad nang walang problema. Sa lahat ng dako ay kitang kita ang mga security guards para masiguro ang kaligtasan at mapanatiling kalmado ang mga tao.

Pagkatapos naming gawin ang pinapagawa ng mga robots ay maaari na kaming gumala para hanapin ang mga biktimang 'yon. Bago lamang kami rito kaya 'di kami sigurado kung saan 'yong tinatahak namin kaya ginamit ni Liane ang google map niya para mas madaling matagpuan ang mga taong hinahanap namin.

Higit sa sampung minuto ang nakalipas ay nahanap na namin ang isa. Okay lang naman para sa amin kasi sulit talaga ang makikita mo rito sa loob.

Bumaba na si Liane ngunit hanggang do'n lang siya sa harapan ng gate.

"Hoy! Bilisan mo yung I.D kailangan. Scan daw muna yung I.D tapos ring the doorbell."

"Oo palabas na!" 'di makapaghintay eh

"Oh! 'Yan kunin mo na, tapos ring mo na rin!" pasigaw ko namang binigay yung I.D. Kung makamadali kasi akala mo mamatay na pag 'di ginawa.

*Dinggggg *donggg

"Uyyy! Ba't ang haba?! Baka mapagalitan tayo dito, ikaw sasagot." saway ko sa kaniya. Kung makapindot akala mo last na 'yon. I sighed.

Napakunot ang noo ni Liane at nagsalita, "Hoy! Basahin mo nga, nakalagay na ro'n oh. 'Di mo kita? DINGGGGG DONG! nakasulat oh."

"Ay, so-sorry naman. Hehe," ewan ko lang talaga pero parang palaging bad mood si Liane.

Bumukas ang gate at bumungad sa amin ang isang malaking mansion. Napatanong na lang ako sa sarili ko, "Dito ba talaga? Parang hindi eh, 'no?" tanong ko tsaka tumingin ako kay Liane.

He sighed, "Umiral lang 'yang ka-ignorantehan mo!"

"Pa'no ka ba 'di nagpapakita ng emosyon ha? Ang boring mong tao,"

"Wait there for 10 seconds." pagsasalita ng AI sa gate.

"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2.."

"This is the car that have been damage at the top. If you want to ask questions, just speak and wait for the owner's response. Thank you."

Andami namang robot ng may-ari na 'to, talaga bang importante sa kaniya ang sasakyan na 'to? Parang hindi ih.

"Saan po-"

"Kindly speak in English, sir." putol sa akin ng robot. Ay, sirain kita d'yan eh.

"Ehem.. sige lang, mag-Tagalog ka na lang." ani ng isang bagong boses.

"Saan po nanggaling 'yong boses niyo?" tanong ko.

"Sa speaker ng robot na nasa harapan ninyo." sagot naman sa kabila.

"Maaari ko po bang mahawakan para matingnan kong mabuti ang inyong sasakyan?" tanong ko pa.

"Maari, at ang mga tanong?"

"Ah, opo. Saan at kailan pa po 'to naging ganito?" nagsimulang magtanong si Liane.

"Nagpunta ako sa Northern's Hotsprings para mag-relax ng kaunti at i-enjoy ang mgagandang tanawin. Habang nasa kalagitnaan ako ng Longest Bridge of the Northern, medyo naging kakaiba ang lamig at maraming mga tunog ang aking narinig. Kumakaluskos na mga bato, umaagos na ilog, nagbibitak-bitak na mga yelo sa baba ng tulay na tila sinusundan ako. Mas binilisan ko pa ang takbo na siyang sanhi ng pag-ingay pa ng sasakyan ko para sana hindi ko marinig ang mga 'yon ngunit kabaliktaran sa inaasahan ko ang nangyari, lumakas din ito kaya binuksan ko ang aking earphones at tumawag sa mga nasa bahay para sundan ako. Natakot talaga ako kaya bumalik na lamang ako at tumigil ang mga naririnig ko." pagkukuwento niya sa mga nangyari sa kaniya.

Hindi ako naka-focus ng maigi sa ginagawa ko dahil sa narinig kong kwento niya.

Halatang takot siya dahil sa tono ng pananalita niya. Napaka kalmado niya no'ng hindi pa siya tinatanong ni Liane.

Hindi na umimik ang kausap namin pagkatapos niyang i-kuwento ang mga pangyayari sa kanya. Halatang ayaw na ayaw niya ang nangyari sa kaniya roon at na-trauma rin siguro siya.

Tinanong na lamang ni Liane kung kailan nangyari iyon sa wikang ingles kaya ang robot na ang sumagot.

"15/01/2089 at 8:36–8:39." maikli nitong sagot sa tanong ni Liane.

Nahulog ko ang hinahawakan kong kapiraso ng sasakyan at napatingin ako kay Liane. Tumingin din sa akin ang mga mukha niyang gulat din dahil sa sinabi ng robot.

+-+-+-+-+-(+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-)

See you on next chpaters...

Kung meron po kayong tanong or mga typos na 'di maintindihan.

Feel free to ask po.😉