"BAHAGHARI"
Nagsimulang umikot ang mundo
Natutong makihalubilo't kilalanin ang mga naririto
Ang iba'y naging parte ng buhay ko
Ngunit ang iba ay nagmistulang dumaan lang at nag iwan ng bakas sa puso
Eto na ang ikinatatakot ko
Ang maiwan ng magisa sa mundong nilalakaran ko
Na dati'y masaya at may kasangga sa bawat pagsubok
Ngunit isang araw naging mapagbiro ang tadhanang akala ko'y kakampi ko
Nawala na parang bula ang mga taong dapat karamay ko
Umalis ang mga taong dapat Sana'y kasama kong lumaban sa problemang ito
Kay sarap lasapin ng panahon na ang tanging alam ay bumangon
Mga panahong tila ba'y kayang bitbitin ang mga bagay para makaahon
Mga panahong ang tanging nais ng aking puso'y maging maligaya
Kahit na hindi ko nakikita ang dahilan
Patuloy kong hinahanap manatili lang ang saya sa aking mga mata
Ngunit sa paglipas ng mga panahon bakit lalong bumibigat
Nawala na ba ang saya na dati'y hagkan hagkan?
Bakit tila hindi nababawasan ang aking buhat buhat
Bakit pakiramdam ko'y nasa liwanag ako
Subalit nananatiling madilim ang nakapalibot sa puso ko
Kasabay rin ba nito ang pagtulo ng ulan
Ay patulo ng luha kong ang nais lang ay mawala ang dala dala
Ang tanging nais ng puso ay mapawi ang pagluha
O bat hanggang ngayo'y hirap pa ring makuha
Maulang panahon katulad rin ba ito ng pagragasa ng mga pagsubok sa buhay ko?
Walang katapusan
Hindi malampasan
Bawat segundong tila ba wala ng katahimikan
Ang puso kong tila nalulunod sa mga bagay
Na hindi ko namang nais hawakan
Maraming hindi maipaliwanag, ano nga ba ito
Na patuloy na nagpapabagal
Na dapat umuusad ngunit tila ba'y
Huminto ang ginagalawang mundo
Huminto nga ba o sadyang hindi ko makita ang pagusad nito, dahil sa mga luhang nakaharang sa mga mata ko?
Pagod na ang puso ko, kailan ba matatapos ito?
Pwede bang samahan mo ako?
Sa bawat oras na hindi ko na alam kung paano lalabanan ang mga pagsubok na ito
Pahinga lang naman ang kailangan ko
Pahinga kung saan may kasamang paghinga
Magpahinga at huminga
Dahil kasabay nito ang pag asang uusbong
At pagkamit ng kaligayahang hinahangad
Dahil hindi ko nais manatili ng ganito sa matagal na panahon
Pwede bang maging masaya kahit isang minuto
At ipaalala saakin ang saya ng kahapon
Upang ako'y magkaroon ng pagkakataong makabangon
Kapit lang, Laban pa
Ipaglaban mo ang bagay na magbibigay ng saya
Maging matapang ka
Labanan ang mga bagay na ikaw lang ang nakakaalam
Ngunit wag kalimutang kami'y naririto lang
Salamat dahil patuloy kang lumalaban
Salamat dahil mas pinili mong lumaban
Salamat dahil nananatili ang saya sayong mga mata kahit na ang puso mo'y punong puno ng sakit na dulot ng mga nararanasan mo
Salamat.
Darating din ang araw tanging galak at kaligayahan
Tanging ngiti at kasiyahan
Na lamang ang mararanasan
Kasa kasama mo kami sa lahat ng laban
Iwan ang mga nagiging dahilan ng kalungkutan at Lumakad sa daan kahit na walang kasiguraduhan
Bitawan ang mga dala dala
Tanging puso at pangarap ang syang magdadala
Dahil sa susunod na kabanata
Makakamit ang kaligayahan at pagmamahal na hinahangad.
Hindi pa tapos ang laban
Marami ka pang daan na lalakaran
Marami ka pang malalaman
Huwag sanang kalimutan ang mga alaalang nagbigay ng kasiguraduhan na ikaw lang
Ikaw, na nagsilbing ilaw sa madilim paglalakbay
Lumipas man ang maraming panahon
Masaya kami sa patuloy mong pagahon
Masakit man ang iyong pagbabago ng daang wala kami roon
Pero sa maikling panahon
Masaya ang aking pusong, binigyan ng pagkakataong maging parte ng iyong kwento
Hindi man alam ng puso kung hanggang saan na lang ito
Magising man isang araw na tumawid ka na sa daang ikaw lang ang maaaring humakbang
Ngunit laging pakatandaan na paglayuin man ang ating mga puso
Ang mga ala alang idinulot mo
Ay mananatiling nakaukit sa puso
Isa lang ang hiling ko
Na Sana'y piliin mong sumaya kahit wala na kami sa tabi mo
At tulungan mo rin akong tanggapin ang yugtong wala kana rito.
Hindi pa tapos ang kwento dahil magsisimula pa lang ito
Isa lang ang paalala ng tulang ito
Na sana'y ano man ang mangyari ay manatiling kang nakakapit kay Hesu kristo
At huwag kalimutan ang mga panahong inilagi mo rito.
Daanan mo lang ang mga pagsubok na ito
Dahil darating ang araw na makakamit mo ang inaasam ng puso.
Mapapawi rin ang lungkot dahil lilipas ang maulang panahon
Uusbong ang makulay na bahagharing
Sumisimbolo ng isang pangako
Pangako nakung saan hindi na muling luluha ang puso.