Sa pagkakataong ito sumapit na nga ang araw na hindi ko inaasahan
Dumating ang maulang pahanon at Nawala na ang kulay sa kalangitan
Unti unti naring nawawala ang dahilan
Para bumangon at isulat muli ang kwentong hindi pa nasisimulan
Ngunit nagkaroon na ng katapusan
Kasabay rin ba ng pagbabago ng panahon ay pagbabago rin ng taong nakilala ko noon?
Alam ko namang walang permanente sa mundo
Ngunit ang hindi matanggap ng puso ko ay kung paano biglang nagiba ang takbo ng buhay ko
Dati nama'y kasakasama ko kayong harapin ang mga mabibigat na dalahin ng puso ko
Ngunit isang araw nagising na lang ako na wala na kayo sa tabi ko
Pilit kong ipinipikit ang mga mata ko nagbabakasakali na panaginip lang ang lahat ng ito
Ngunit ginising ako ng reyalidad na iniwan niyo na nga ako
At nagsimulang dumami ang katanungan sa aking isipan
Na tanging ako lang rin ang makakahanap ng kasagutan
Isa na rito ay Nakalimutan mo na nga ba ang ating pinagsamahan?
Mas pinili mong manlamig na para bang nyebeng hindi matitinang na kahit na sinoman
Mas pinili mong paniwalaan ang mga kasinungalingan
Mas pinili mong manahimik habang ako'y nangangailangan ng mapagsasabihan
Mas pinili mo ang iyong sarili dahil ika'y hindi napagbigyan sa munting kahilingan
Mas pinili mong isantabi ang pagkakaibagang ating sinimulan
Pilit kong hinahanap kung saan ang aking pagkukulang, handa ko namang punan
Manatili ka lamang
Ganon na lang ba kadaling iwan at bitawan ang mga alaalang pinaghirapan
At sabay na napagtagumpayan
Sa isang iglap ay ako na lamang ang naglalakad sa daang dapat sana'y kasama kitang lumalaban
Naglalakad sa isang daan kung saan hindi alam ang patutunguhan
Sa ilalim ng buwan at mga tala na nagsisilbing liwanag sa madilim kong paglalakbay
At naging saksi sa bawat pagpatak ng mga luha kong walang hinto sa pagpatak
Mailabas lang ang sakit na aking nararamdaman
Sa mga panahong kailangan kita, nasan ka?
Hindi kita Makita, dahil habang tumutulo ang aking mga luha
Ay kasabay ring naaaninag nito ang mga aninong unti unting nawawala
Hindi alam kung paano magsisimula
Babalik nanaman ba sa panahong ako na lang ulit magisa? O ipagpapatuloy ang labang nasimulan kahit na nagiba na tayo ng daang nilalakaran?
Ibibigay pa ba ang tiwala sa mga tao na hindi ko alam kung masasayang ulit ito
Nakakapagod rin pa lang iwan ng mga taong mahal mo
Dahil hindi nagiging sapat ang presensya mo para manatili sila sa tabi mo
O kahit hindi na ako ang dahilan ng pananatili mo
Sana'y ialay mo nalang ito sa ating panginoon
At hayaan na siya ang magbigay ng katotohanang hinahanap mo
Hindi pa nga nakakabangon mula sa pagkakalugmok na dulot ng pagsubok sa nakaraan
Ito'y naulit nanaman sa kasalukuyan
Ano nga ba ang totoong dahilan kung bakit tayo iniiwan?
Ang totoo ay wala namang tama at malinaw na kasagutan
Ang tanging alam ko lamang ay kapag natapos na ang itinakdang misyon ng isang tao sa buhay mo
Tadhana na mismo ang kusang magaalis nito
Masakit man pero kailangan mong tanggapin na hindi na sila umabot sa dulo ng kwento mo
Mananatili ang mga alaala sa puso mo ngunit hindi ang tao na kasama mong bumuo nito
At sa muling pagkikita ay hindi na ulit tayo magkakilala
Hindi pwedeng tumigil ang mundo mo dahil lang sa mga pangyayaring hindi kagustuhan ng puso mo
May mga bagay talaga na nakatadhanang dapat mong bitawan at dapat mong ipaglaban
Dahil hindi lahat ng patuloy mong hinahawakan ay mapapanatili nito ang kasiyahan
Kaya mas mabuti pang bitawan ang mga kamay na nagkukubli sa alaalang naguugnay at para hindi na masaktan
Ihakbang mo ulit ang iyong mga paa at ipagpatuloy ang kwentong nasimulan
At patuloy na maniwala na titigil rin ang pagulan
Kumapit ka lang, kumapit ka sa kamay na hindi ka kailanman bibitawan
hindi tulad ng pagbitaw mo sa kaniya dahil ika'y sumuko na
Habang lumalakad sa daan, bigyan mo ulit ng pagkakataon ang sarili mo na maghilom na dulot ng mga masasakit na nangyari sa nakaraan
Huwag mo ring kalimutang patawarin ang iyong sarili
Palayain mo na ito sa mga kadenang humihila sayo papalayo sa totoong idinisenyo sayo
Marapat mong maranasan ang kasihayaan at kapayaan
Mawala at humiwalay man ang naging dahilan ng pagbuo ng tulang ito
Ipangako mo sa sarili mo na ipagpapatuloy mo ang kwentong nasimulan mo
Dahil kahit sa pamamagitan nito maibabahagi mo ang mga hindi masabi ng puso mo
Sana balang araw mabasa mo rin ang tulang ito
At gusto kong malaman mo na sa bawat yugto ng kwentong ito kaibigan pa rin ang turing ko sayo
Nakatatak pa rin ang mga salitang sinambit mo
Ngunit binigo ako nito
Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil sayo nagkaroon ako ng kwentong maibabahagi ko sa buong mundo
Masakit man na lumakad kana papalayo sa tabi ko
Laging nakatatak sa puso ko na sa kabila ng mga sakit na aking naranasan
Hindi ako hihinto na maniwala at magtiwala
Ngunit sa pagkakataong ito ibibigay ko ang tiwala sa mga taong handang pahalagahan ito
Ipagkakatiwala ko na sa may likha na siyang magpupuno ng mga pagkukulang ng mundo
At ang bahagharing sumisimbolo ng isang pangako na matatapos rin ang maulang panahon ay magpapakita sa takdang panahon kung saan ipapaalala sayo na ang pangako ng Diyos ay kailanman hindi napapako.