Chereads / "Bahaghari- A Promise of Eternity" / Chapter 4 - IKAAPAT NA YUGTO (Chapter 4)

Chapter 4 - IKAAPAT NA YUGTO (Chapter 4)

Nagdesisyon akong ipagpatuloy ang nasimulang kwento

Dahil naniniwala pa rin ako na masisilayan muli ang ganda na dulo't ng tulang ito

Patuloy sa proseso na kung saan binubuo muli ang pusong nasira dahil sa paglisan mo

Hindi naman pwedeng manatili sa estadong ganito

Kailangan ko ring tulungan ang sarili ko

Na maibabalik muli ang pagmamahal na inilaan sayo na binalewala mo

Na dapat sana'y inalay ko na lang sa sarili ko

Para hindi ko na maranasan ang masaktan ng ganito

Sa mga panahong ibinigay sa akin para kilalanin ko ang tulad mo ay sadyang napakasaya ng puso ko

Hindi ko pinagsisisihang binigyan kita ng pagkakataong makilala rin ang tulad ko

Naging maikli man ang panahong nanatili ka sa tabi ko

Walang araw na hindi ka nawala sa isipan ko

Dahil sa maulan at sa tag aaw ng buhay ko, hinahanap ng puso ko ang isang kaibigang mapagsasabihan at makakasamang bubuhatin ang bigat na dala dala ko

Ngunit napakalupit ng panahon hindi ko pa nga nasasabi ang mga gusto kong sabihin sayo nawalan na ko ng pagkakataong ibalik ang mga salitang dapat na marinig ng mga tenga mo

Wala akong magawa kundi isulat na lang ang mga salitang para sana sayo

Wala akong laban sa tadhanang inilaan para sayo dahil isa lang naman ako sa mga taong dumaan lang at nagbigay ng ngiti sa mga labi mo sa maikling panahon

Siguro nga, sa mga taong pinapapasok ko sa buhay ko darating ang oras na masisira din ang tiwalang ibinigay ko

Hindi ko maintindihan na kung kelan itinaas kana ng taong pinagkatiwalaan mo iiwan ka rin nilang nagiisa sa isang sulok ng walang sapat na dahilan

Ang tanong ko ay? Hahayaan ko ba ang sarili ko na magtiwala ulit ng hindi ko alam kung kailan nila sisirain ang tiwalang ito

O di kaya naman hindi na muling ibibigay ang tiwala upang hindi na naghahanap ng dahilan kung bakit tayo nasasaktan

Kung ikaw nagbago, ipinangako sa sarili ko na kahit na anong mangyari ako pa rin yung taong nakilala mo noon

Huwag ka na lang sana mangako kung hindi mo kayang panindigan

Bakit mo ko tintrato na parang wala akong halaga sayo

Hindi mo man pinapakita pero yung ang nararamdaman ng puso ko

Dumating ba sa pagkakataong kapakanan ko ang iniisip mo at hindi ang sakit na nararamdaman mo

Hindi ba? Ganoon naman talaga kapag mahal mo ang isang tao?

Nagpaalam ka, na para bang wala na nga talagang pangalawang pagkakataon

"Paalam" isang salita na may anim na letra

Bakit nga ba naimbento ang salitang ito na alam naman natin na kung sinoman ang makakatanggap nito ay may kaakaibat na bigat

Simpleng salita pero buong buhay mo ang magiging kapalit nito

Dahil kahit na anong gawin mo kapag sila'y nagdesisyong sambitin ang mga salitang ito ay kahit na anong pambura ang gamitin mo, hindi nito mapapawi ang mga luhang papatak mula sa mga mata mo

Ang tanging hiling ko lang sana ay kapag pinili mong sabihin ang salitang ito

Mabigay ko sana sayo ang kalayaang hinahangad mo

Kasabay nito ang pagpapalaya at pagpapatawad ko sa sarili ko

Dahil kailangan ko ring lumaban para sa mga taong nangangailanman ng paglaban ko

Gusto ko ng lumaya mula sa mga sakit na to

Gusto ko ng maging masaya

Gusto kong bumalik sa kung gaano ako kasaya noon

Dahil sa tuwing nakikita ko ang sarili ko ngayon

Ay awa ang nararamdaman ko

Alam ko namang ako lang din ang tutulong sa sarili ko

Kaya sa tuwing pasuko na ako palagi kong binabalikan ang dahilan kung bakit ko ipinagpatuloy ang istoryang ito

Sa bawat pahina at bawat salita

Nakaukit ang mga katagang "Lumaban ka"

Sa bawat pelikula at bawat kabanata

May simula at may katapusan

Sa bawat hakbang habang naglakad sa daan

Madadapa ka pero magpapatuloy ka sa paglakad dahil may pinaglalaban kang kapayapaan

Dahil ang buhay ay hindi mananatiling pareho, lahat magbabago

Mas piliin mo sanang maging matapang at matatag

Maging totoo at wag itago ang mga dulot ng pagkabigo

Para saan pang narating ko ang kinatatayuan ko ngayon kung susuko ako

Malayo na ang mga nilakad ko

Lamakad ka man papalayo at nag iwan ng mga alaalang babaunin ko

Sana'y kasabay ng paglisan mo ay dinala mo na rin ang mga alaalang ito

Para makalaya na rin ako at makausad sa susunod na yugto ng buhay ko

Naging masakit man ang kabanatang ito

Masaya pa rin ako na marami akong natutunan sa mga itinuro sakin ng kwentong nabuo

Dahil ang lahat ng ito may dahilan

Kung anoman yon ay walang nakakaalam

Katulad ng bahagharing magkakaiba ang kulay

Na nagsisilbing kulay sa madilim kong kwento

Hindi madali ang paghilom ng mga sugat na dulot mo

Ngunit pangako

Ako'y laging humihiling na maging maligaya ka sa bawat Segundo ng buhay mo

Hahayaan ko na lamang na magsarado ang pintuan dahil yun ang makakatulong para sa aking magsimula ulit ng panibago

Dahil kasabay ng pagsarado nito

Ay pagbukas ng bagong kwento

Kung saan nabuo ko na ang puso ko na nasira na dulot ng paglisan mo