BAHAGHARI - IKALAWANG YUGTO
Panibagong talata at panibagong kabanata
Nadugtugan ang kwento ng hindi ko inaakala
Mabibigyan pala ng pagkakataong maisulat muli ang hindi kayang sabihin ng mga labi
Hayaan mong Ipagpatuloy ko ang nasimulang kwento,
At Ibahagi kung ano nga ba ang nilalaman nito
Umpisahan nating Hatiin ang mga salitang BA – HAG- HARI na nabibilang sa titulo
BA- BAkit pinahintulutan ng tadhanang maging isang nilalang ang tulad mo,
Ano ng aba ang kahulugan ng bawat letra sa pangalan mo?
At ano ng aba ang tunay na kwento ng buhay mo
Dumating kang isang biyaya para mabigay halaga at dahilan sa buhay ng isang tao
Na kahit saan mong hanaping diksyonaryo
Iisa lang ang isang tulad mo
Dahil isa ka sa mga sagot sa mga dasal, na akala ko'y hindi mangyayari subalit sinagot ng maykapal
HAG- Hahanapin ang mga dahilan ng aking Galak sa bawat halaklak
Ngunit hindi ko maintindihan dahil kasabay ng saya na aking nararamdaman ay
Patuloy naman ang pagpatak ng mga luha na sa aking mga mata'y hindi maitago ang tunay na nadarama
Hindi ko maintindihan kung ito nga ba ay luha na mula sa puso ko na puno ng kagalakan
O ito'y luha na sana hindi na matapos ang araw na ikaw ay aking hagkan hagkan.
Eto na nga ang huling mga salita na bubuo sa titulo
Ngunit sa pagkakataong ito, marami pa akong dapat sabihin sayo
Mga katagang nais marinig ng mga tenga mo
Ngunit patawarin mo ako
Sa mga panahong nananatiling sarado ang bibig kong ito
Sa tuwing naririnig ko ang mga katagang 'Miss na kita"
Alam ko naman ang kasagutan ngunit hindi ko maisambit ang mga salitang miss na rin kita
Ngunit gusto kong malaman mo na sa tuwing ito'y naririnig ko
Ito'y nagmimistulang krayola na nagbibigay ngiti sa mga labi ko
Dahil sa bawat segundo, minuto at oras na tumatakbo sa araw araw na gumigising ako
Hindi nawawala sa isip ko ang mga katanungang "kamusta kaya ang kaibigan ko"
Siya ba'y nakangiti at nakatawa?
Hindi ko man makita ang ngiti sa yong mga muka
Hahayaan ko na lamang na Tanging pagtitiwala ang syang kakawala sa mga isip kong walang hinto sa pagaalala
Maniwala ka man sa hindi ngunit ito'y totoo
Hindi ko man masabi sayo, ang mga salitang gustong marinig ng mga tenga mo
Bigyan sana ako ng lakas ng loob na isang araw masabi ko rin ito sayo
O di kaya naman bago pa magwakas ang ikalawang yugto na ito
Bigyan sana ng pagkakataong magkaroon ng kahit kaonting panahon na magbuo ng mga alaalang babaunin mo
Hanggang kabilang ebayo
Dahil walang sigurado sa mundong ito
Na baka isang araw, hindi na maisulat ang mga susunod na kwento.
Datapwa't eto na ang pinakahihintay mo
Panahon na kung saan nagkaroon ng dahilan para may isang tao na tulad mo ang mabuhay sa mundong ito
Buwan ng Setyembre ika siyam na araw tao'ng dalawang libo't dalawang pu't isa , panahon na pinakahihintay mo
Dahil ngayon ay kaarawan mo
Maligayang bati sayo ito'y isang pagbati
Na walang halong pighati
Ano ba ang regalo na nais makuha ng puso mo?
Hindi man natin sama samang pagsasaluhan ang mga pagkaing inihanda mo
Sapat na sa amin na ika'y makasama, malusog, masaya at patuloy lumalaban sa pandemyang ito
Maging kakulay sana ng bahaghari ang araw na ito
At magkaroon ng mga alaalang dadagdag sa kwento mo
Hindi mo man matanggap ang regalong hinahangad ng puso mo
Laging tandaan na ang regalong dapat mong pagkaingatan
Ay matagal mo ng nakuha
Dahil ito'y binigyan ka ng pagkakataong mabuhay sa mundo
Para magbigay ng saya, ngiti at inspirasyon sa mga tao
Ang tanging hiling ko lang sayo na sana'y wag kang huminto na abutin ang mga pangarap mo
Hayaan mo ang mga paa mong lumakad sa daan kung saan mararating mo ang mga lugar na nais ng puso mo,
kasama ng mga taong minamahal mo
At kapag nakuha mo na ito
Hindi mo sana makalimutan ang mga panahong
Kami'y naririto para sayo
Huwag sanang mawala ang pagiging busilak ng iyong puso
Na ang tanging hanggad lamang nito
Ay magmahal at mahalin ng mga taong nakapaligid sayo
Patuloy mo sanang hanapin ang mga dahilan na nagiging dahilan ng kasiyahan mo
Panatilihin mo ang pagkakaroon ng puso na handang umintindi at magmahal ng walang kaakibat na sumbat
Maging kasing kulay sana ng bahaghari ang buhay na niregalo sayo
At ipangako mo rin sa akin na hindi mo na ulit buburahin ang kulay nito
Dahil kapag ito'y nawalan ng kulay at saysay, paano na magpapatuloy sa daang may panghihinayang.
Ayaw kong sayangin ang panahong binigay sa akin para maintindihan ang kung ano nga ba ang dahilan para masulat ang kwentong bahaghari
Eto na ang huling salita na bubuo sa titulong
Ito
HARI - hayaan mong Maghari ang ngiti sayong mga labi
Ipakita ang Ngiti na walang halong pagkukunwari
dahil ito ang isang bagay na kahit na anong mangyari
Ngiti mo lamang ay mapapawi na ang lungkot sa aming mga labi
Mahalin at Ingatan mo palagi ang iyong sarili
Dahil katulad ng isang bahaghari ika'y nagsisilbing kulay at liwanag
Kami'y titingala lang at makikita ang kinang
Hayaan mong ika'y aming pagmasdan lang
Dahil natutuwa kaming makita kang
Tumatayo at Natututong lumaban sa mundong
Hindi mo kontrolado
Ako'y nagagalak na nabuo na ang mga salitang kabilang sa titulong ito BA-HAG-HARI
Tandaan mo sana ang mga kahulugan nito
Dahil ito'y para sayo
At eto ang dadagdag ng ilang porsyento
Ng kwento mo.
Huwag mo sanang kalimutan ang bahagharing naging parte nito
Dahil sasapit nanaman ang maulang panahon
Babagsak ang maraming ulan na magiging dahilan
Ng pagkawala ng kulay sa kalangitan
Na nagbibigay lakas sa bawat pagdaanan sa daang walang kasiguraduhan
Ang aking katanungan ay
Maglalakbay nanaman ba, ng punong puno ang pusong walang mapaglagyan
Ng mga bagay na hindi alam kung paano hahawakan
Ngunit sana'y sa daan kung saan ikaw lang ang nakakaalam
Bigyan sana ng oras para mabigyan ang sarili na maging matapang at mahanap sana ang mga kasagutan
Sa bawat katanungan...