Chereads / The Gamer Next Door! / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

"Thank you po"Sabi ko kay manong taxi driver.Tinulungan pa kasi niya ako sa pagbubuhat ng mga gamit ko.Binigyan ko narin siya ng dagdag na bayad dahil mabait naman si Manong.

Huminga muna ako ng malalim bago buhatin ang mga gamit ko paakyat ng magiging bagong unit ko.Mabuti nalang at may elevator dito,dahil kung wala,baka mamatay pa ako sa pagod bago makaakyat sa floor ko.

At nang makarating ako sa aking floor, ay nadatnan ko doon ang landlady ng apartment na ito.

"Ikaw ba si Rei?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa boses niya!Mukha siyang mataray at medyo nakakatakot.

"O-opo"

"Ito ang iyong susi.Natanggap ko narin ang advanced-payment mo kaya mag-enjoy ka lang sa new unit mo"Aniya at inabot sa akin ang susi bago umalis.

"omygod" Ang tanging naibulong ko bago pumasok sa apartment unit ko.

Napangiti nalang ako nang mapansing malinis ito.Kakaunti lang ang mga furnitures pero okay lang sa akin.Hindi ko naman kailangan ng maraming gamit dito.

Naglibot muna ako sa buong unit bago napag-isipang mag-ayos ng gamit ko.Natapos ako ng gabi.

Kinabukasan ay naisipan kong ipag-luto ang mga katabing apartment ko.Para may friends naman ako or kakilala dito kahit pa-paano.

Nagluto ako ng kalderetang manok at bumili rin ako ng short-cake para sa kanila.Kakaunti lang naman daw ang nakatira dito sa 10th floor kaya okay lang sa akin.

Kumatok muna ako sa kanilang mga pinto bago iabot ang niluto ko.Mas matatanda sila sa akin at parang mga nasa 30s na sila.Yung isa sa kanila ay kasama niya ang kaniyang girlfriend sa apartment which I found cute.

Ngayon ay nasa harap ako ng pinto ng katabing apartment ko.As in kapitbahay ganun.Nakailang katok muna ako bago ako pagbuksan.At tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaking may nakasabit na headphone sa kaniyang leeg.Ang kaniyang mga mata ay pawang pagod at ilang araw nang hindi natutulog.

"A-ah hello" Pag-ngiti ko.

Tumingin siya sa akin ng may pagtataka.

"Here oh!Uhm,I'm Rei.Bagong lipat lang ako sa katabi ng apartment mo" Sabi ko at inabot sa kaniya ang kalderetang manok at isang short-cake.

"thanks" Matipid na sagot niya at tinanggap ang mga inabot ko tsaka sinarado ang pinto.

"Pinagbuksan ka niya ng pinto?"

Napalingon naman ako sa kaharap kong unit kung saan nanggaling ang boses.As far as I remembered,siya si Tita Freya.She's a mother of two kids.And she's working as a teacher sa school kung saan nag-aaral ang mga anak niya.

"Opo"

"Naku 'yang si Yuan,ilang araw na atang hindi natutulog 'yan.Hindi narin lumalabas ng apartment niya simula noong nag bakasyon.Nag-aalala na nga ako sa batang iyan kaso hindi naman ako pinag-bubuksan ng pinto"

My jaw dropped.

"Kung maaari sana hija,kaibiganin mo si Yuan para naman maging malusog ang batang iyon."

"h-huh?opo" Ngumiti ako ng kaunti bago pumasok sa apartment ko.

Bakit naman ako?De joke.

Pansin ko nga na parang hindi na siya natutulog.Hindi naman maitim ang under eyes niya pero halata sa mata niya na ilang araw na siyang hindi natutulog.

"bahala na nga" sabi ko at pabagsak na humiga sa aking kama.

"Why do I need to worry for a stranger?" I mumbled.

Muntik nang lumabas ang kauluwa ko sa aking katawan nang may ring ang phone ko.

"Hello?" I answered tha call.

'Rei nak,nakarating ka na bas a bago mong apartment?"

Napangiti naman ako. "opo ma"

"Mabuti at hindi ka naligaw?"

Napalitan ng ngiwi ang nakangiti kong labi.

"Ma naman!"

Narinig ko ang pagtawa ni mama."Biro lang Rei.Oh siya,tawag ka lang kung wala ka ng allowance ha?"

"Hmm" ang tanging sinagot ko bago ibinaba ang tawag.

Tatlong araw ay papasok na ako sa bagong school.Geez,senior high school na ako.Actually nasa kalagitnaan na ng semester,pero lumipat parin ako.Hindi maganda ang mga memories sa dating school ko.

After kong kumain ng lunch ay naisipan kong gumala muna sa labas.Sumisilip rin ako sa ibang shops,pero,silip lang.Kailangan kong magtipid!

"woof woof!"

My eyes widened when isaw a dog in the middle of the road.And I saw a fast car approaching it.

I was about to save the dog pero may mukhang may nauna na sa akin.

Agad na lumapit ako sa taong iyon at sa cute na aso.

"Hala,okay lang ba siya?"

Napatingin sa akin ang lalaki kaya't napatingin din ako sa kaniya.

"ah oo,okay lang naman siya" sagot niya at pinagmasdan ang asong tumatakbo palayo. It's a stray dog.

"Are you new here?"He asked me.

Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.

"Paano mo nalaman?"

Tumawa ito."Kilala ko lahat mga tao dito"

"Anak ka ba ng mayor?" I joked.

"Oo" He even smiled kaya't nasamid ako ng kaunti.

"What's your name?"He asked me.

"Rei" Sagot ko naman.

"I'm Kean"

He smiled so I smiled back.

Nag-ring ang phone niya kaya naman nagpaalam muna siya para sagutin.

"hello?...tangina bakit pabago-bago ka ng number?...okay…sige.."

I bit my lower lip.

"Sorry Rei,I need to go"

Huh?bakit siya nag so-sorry?

Nagtataka man ay ngumit nalang ako."Ha?Okay lang naman."

"Bye and nice to meet you"Sabi niya at umalis na sakay ng motor niya.

Kinikilig na nakagat ko ang aking labi.Pero mabilis na sinampal ko ang aking pisngi.

"Omygod,ang landi ko"

Mga hapon narin ako nakauwi sa aking apartment.May mga binili rin akong mga snacks and mga prutas at gulay para healthy tayo mars.

Buong gabi ay nanood lang ako ng c-drama.Pero sa gabi ding iyon ay hindi naging maganda ang panonood ko.Paano kasi,ang ingay ng katabing unit ko!

"whoo…shet!"

"hahaha what the fuck!"

See?

Inis na tumayo ako at kinatok ang katabing apartment.Nakailang katok muna ako bago ako pinagbuksan.At hindi inaasahang mukha ang tumambad sa akin.

"Kean?"

"Rei?"

Huh?What is going on?

"A-ah hello"Nagtatakang bati ko.

"Hey" he smiled.

"Pasok ka"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Hindi niya na ako hinintay pang makasagot at inakbayan ako papasok ng apartment.

"T-teka.."

"What took—" Napatigil yung Yuan sa pagsasalita,mukhang napatigil din ito sa paglalaro.

"she's Rei,my girl"

Nasamid ako sa sinabi ni Kean samantalang napairap naman yung Yuan.Tumayo ito at pinukpok ng mahina ang braso ni kean na nakaakbay sa akin.

"Sorry" Yumuko pa ito ng kaunti sa akin kaya naman nagulat ako.

"h-huh!?Ayos lang" Nahihiyang sabi ko.

"haha sorry Rei" Napakamot si Kean sa kaniyang batok habang nakatingin sa akin.

Tiningnan ako ni Yuan na para bang sinasabi na umalis na ako,or something like that.Nahihiyang nagpaalam ako sa kanila bago umalis ng apartment ni Yuan.

Are they friends?

Ang liit naman ng mundo kung ganun,hays.

Wait—shocks!

Nakalimutan kong sabihin sa kanila ang dapat kong sabihin!

Ano baaaaaa Rei?!

YUAN'S POV

"Hala tinakot mo ata si Rei kaya umalis!" Pinagsusuntok ni kean ang braso ko kaya't sinamaan ko naman siya ng tingin at muling bumalik sa paglalaro.

"You're the who scared her"

Tumawa si Kean sa sinabi ko.

"Luh!Nag jo-joke lang naman ako sa kaniya tsaka friends na naman kami.Eh ikaw?Nakita ko tumingin siya sa'yo tapos biglang nagpaalam!Kaya ka di nagkaka-jowa eh"

I ignored him and nag focus nalang sa paglalaro.

Yeah?She looked at me.But I wasn't trying to scare her, I was just being myself.Am I really scary?