Chereads / The Gamer Next Door! / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Finally,it's Friday na.

"Ang pogi ni Sir Nico" Bulong sa akin ni Hailey habang nakatingin sa history teacher namin na si Teacher Nico.

"hmm" Pagsang-ayon ko .Teacher Nico is one of the new teachers here.He's just 26 years old,pero he looks younger than his age.Ang pogi….Ano bang mga pinagsasabi ko?Nahahawa na yata ako kay Hailey.

"Girl,nakatingin siya sa'yo" Kinikilig na bulong sa akin ni Hailey.

Nagtama ang paningin naman ni Sir Nico,and the one I knew is that,nasa harap na ako ngayon at nagsasagot!

"Answer that equation,Miss Gonzales!"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi sa nerbiyos.Sir naman!

Pagkatapos kong mag-solve ng equation ay tumingin ako kay Sir.

"T-t-tapos na po" Mahinang sagot ko.

Tumingin ito sa aking sagot bago bumuntong hininga.

"It's correct..good job Miss Gonzales"

Agad na napangiti ako.

"But you still need to pay attention on the class"

Tumango ako at bumalik na sa aking seat.

"omg,ang galling mo"Yinuguog ni hailey ang braso ko kaya't natawa ako.

After our morning class,Hailey and I went to the cafeteria together.She also told me na 'wag na daw ako mag-rder because meron daw siyang baon na lunch na para sa amin.

"Do you like sushi,Rei?" Hailey asked me while opening her big lunchbox.

"Yeah" I smiled.

Ngumiti din siya at nilabas ang laman ng lunchbox niya."Tadaa~"

"I told my yaya na ipagbaon ako ng Japanese foods for lunch,and damihan na rin para share tayo hihi"

I..don't know what to say..

Why is she doing this?

We're..just..c-classmates..?right?

"Bakit parang naiiyak ka?"Nag-aalalang tanong niya.

Umiwas ako ng tingin at pinunasan ang mata ko.

"W-wala.."

"Let's eat na" She smiled.

"Mag o-order na lang ako" Tatayo na sana ako nang sinamaan niya ako ng tingin.

"No!Share na tayo oh,please?"

I sighed and muling bumalik sa pagka-kaupo.

And gaya nga ng gusto niya,we shared lunch togetherMasasabi kong ito na ata ang pinakamasayang school lunch ko sa buong highschool life ko.Habang kumakain ay tawanan lang kami ng tawanan habang nagku-kwentuhan.May isang beses pa na hindi niya namalayan na madami na pala ang wasabi na nailagay niya sa kaniyang sashimi,kaya ayun,when she took a bite in it,she almost cried because it was really spicy.Tinawagan ko pa nga si Chase dahil doon.

And ngayon ay nasa clinic kami dahil sa nangyari kay Hailey.

"huhuhu,baby ko..Ang init ng lips at ng stomach ko"

"Darn..."

I frowned while looking at the lovebirds.Edi sino pa ba?Si Hailey at Chase.

Hailey glared at me na parang sinasabi na umalis na ako dahil baby time daw nila.Inirapan ko siya at bumalik na sa classroom.Tsh,masunog sana labi niya..charot lels!

Buong maghapon ay nakinig lang ako sa aming Teacher.Actually nag recitation nga kanina tapos natawag ako.Ang malas diba?Kaso mabuti na lang at mabait si Miss Lyn,sinabi ko kasi na hindi pa ako masyadong nakakahabol sa mga lessons,kaya ayun,hindi na ako pinagsagot.May advantage din pala ang pagiging transferee?Pero ngayon ko lang naman ginamit ang card na yon huhu.Hindi na po mauulit,sorry!!

Ngayon,ay papunta ako sa clinic para bisitahin si Hailey.Actually inutusan lang ako ni Miss Sunny na icheck siya and sunduin if ever na okay na siya.

"Hello po" Bati ko sa school nurse nang makapasok ako sa clinic.

Nagtaka ako nang mapansing wala sa clinic bed si Hailey.

"Nasaan po si Hailey,yung babae po na nandito kanina?" Tanong ko sa school nurse.

"She already left na eh.With Chase"

Napakunot naman ang noo ko.

Aalis na sana ako nang muli akong tawagin ng school nurse.

"Girlfriend ka ba ni Yuan?"

Agad na nasamid ako dahil sa tanong niya.

"P-po?"

Natawa ito sa naging reaksiyon ko.

"I am Yeri..Yuan's cousin"

My eyes widened."H-hello po!"

Naalala ko 'yung sinabi sa akin ni Yuan noong nakaraang araw.

"So?Girlfriend ka ba niya?" Nang-i-intriga niyang tanong.

"Hindi po--"

"shh..no need to use honorifics to me..2 years lang ang tanda mo sa akin" She winked at me.

"But are you sure na hindi kayo…alam mo na.." Pinagdikit niya ang pareho niyang index finger.

"Hindi!" Napangiwi ako.

"Sayang.Bagay kayo actually"

Tumawa na lamang ako ng peke bago tuluyang umalis ng clinic.Pabalik n asana ako sa classroom,nang may humila sa akin papunta sa ilalim ng hagdan.

"Ara—"

"Are you Hailey's bestfriend?"

Wait…She seems familiar to me..Ah!Siya yung mataray na girl na nakabungguan ko noong first day ko dito!

"Answer me,newbie" Hinila niya ang kwelyo ng blouse ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.Puno ng galit ang mata niya.

"m-masakit" Daing ko dahil nasasakal ako sa ginagawa niya.

Biglang bumalik sa ala-ala ko ang mga memories na gusto ko nang kalimutan.Kung paano ako itrato ng akala ko'y mga kaibigan ko.Kung paano naging impyerno ang buhay ko dahil sa kanila.

"Are you friends with Hailey?!"

"no.." Hindi ko alam kung bakit iyan ang lumabas sa bibig ko.

Natatakot ako..

Binitawan niya na ako at tinulak kaya't napatama ang braso ko sa may sahig.

I saw how her lips formed into a smirk bago lumingon sa isang tao.

"Heard that,Hailey?" Nakangising tanong nito sa taong ngayon ay nanonood sa amin.

Unti-unting nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Hailey na ngayon ay puno ng galit at lungkot ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

Hindi ako nagsalita at umiwas ng tingin.

Sabay silang nawala sa paningin ko.

Nagtago ako sa ilalim ng hagdan at tinakpan ang mukha gamit ang aking palad.At kasabay nito ang sunod-sunod na pagtulo ng aking mga mata.

B-bakit ganito ako?

Hindi ba't dapat kong alagaan ang sarili ko at hindi agad magtiwala sa iba?Hindi ba't dapat maging masaya ako dahil hindi na siya aaligid sa akin?

Pero bakit ako umiiyak?

Nang sumapit ang uwian ay pumunta ako sa section ni West para ipabigay ang notes ni Hailey.

"Okay ka lang ba,Rei?" Nang aktong hahawakan ni West ang aking mukha ay marahas na napalo ko ang kamay niya.Pareho kaming nagulat sa ginawa ko.

"P-pakibigay kay hailey" Mabilis na sabi ko sabay abot ng notes ni Hailey sa kaniya at tsaka ako mabilis na umalis.

Nagulat ako nang makita si Yuan na nag-aabang sa may gate ng school.When he saw me,he immediately took off his headphone and let it hang around his neck.

Bahagyang kumunot ang noo nito nang makita ang mukha ko.

Magulo ang isipan ko..

Parang gusto ko na naming umiyak.

Pero hindi,bakit naman ako iiyak sa ganoong mga bagay?ha ha.

"Are you sick?"

Hindi ako sumagot at mabilis na naglakad palayo sa kaniya.Pero agad niya akong hinabol.

"What happened?"

"Stop asking" Inis na sabi ko.

"But—"

"Why do you always hang-out with me?!Why do you always act like you care?!Why are you acting like we are fucking friends when we're not!!I don't want to be friends with you!I hate people like you the most!" Galit na sabi ko.

Pero parang biglang naglaho ang galit ko nang makita ang naging reaksiyon niya.Naging malamig ang ekspresyon niya habang nakatingin sa akin.

"Right" Ang tanging sinagot niya bago tuluyang maglakad palayo.

Nanghina ang tuhod ko at kasabay nito ang pagbuhos ng luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Ano bang nangyayari sa'kin…