Pagkatapos namin sa Arcades ay dumiretso na kami sa isang restaurant para mag-lunch.
"Ang sweet niyo kanina yiii"
Agad na nasamid ako sa sinabi ni Hailey.Inabutan naman agad ako ni Kean ng tubig.
"H-ha?"
"Anong ha? Kita namin kayo, para kayong nagtatalo pero ang sweet niyo pa rin tingnan" Sinundot pa ni Hailey ang tagiliran ko kaya mas lalo akong napangiwi.
"LQ yan?" Dagdag pa ni Chase habang tumatawa.
Napairap kami ni Yuan sa sinabi niya.
Ano bang problema ng mga 'to?
Pagkatapos kumain ay pumunta naman kami sa isang internet cafe.Gusto daw nila mag-laro.But, i don't know how to play!
"err" Naupo ako sa seat na katabi ni Yuan.'Yon nalang kasi ang bakante.
Nakita kong ngumisi ito at kinuha ang headphones niya at sinuot ito.Inistart niya ang computer, at ganun din ang ginawa ng iba.
Paano?huhuhu.
Nagulat ako nang may biglang pindutin si Yuan sa pc na nasa harap ko.
"League of legends?" Basa ko sa game na inopen niya.
"Yeah.You know how to play it?" He asked me.
"N-no.."
He chuckled a little bit. "I'll teach you"
After an hour…
"Bobo amputa"
"Tangina ah.."
Napangiwi ako nang marinig na magmura si West at Kean.
"Hoy bibig niyo" Saway sa kanila ni Chase na tinuturuan si Hailey sa game.
"Darn..you really suck at this" Yuan smirked at me.
"Wow sorry ha" Sarkastikong sagot ko kaya natawa siya ng mahina.
Muli kaming naglaro ng isang game.
"Hala Rei, minura ka nung kalaban natin" Sabi ni Hailey na nasa kaliwa ko.
"H-ha?Ako?"
Napatingin ako kay Yuan nang kuhanin niya ang keyboard na nasa harap ko at nag-type.
"Anong ginagawa mo?"
"Cussing them back" Maikling sagot niya.
"Huh?Hindi na ka—"
Hindi niya ako pinansin at nang matapos sa ginawa niya ay muli itong bumalik sa monitor niya.
I bit my lower lip to stifle a smile.
He's pretty weird.Minsan cold, minsan gentleman, minsan childish…And i never thought that i would be friends with a person like him…a game freak..
Shuta anong nangyayari sa akin?
"Kinikilig 'yan'" Bulong sa akin ni Hailey.
"H-hindi no'" I glared at her.
"Then why are you blushing?" Ngumiti ito ng nakakaloko.
"Shut up Hails"
"Grabe naman ang Hails—"
"—parang Hell" dugtong ko at tumawa.
Ibinalik ko ang tingin sa monitor.
Tahimik lang kaming naglalaro nina Hailey,Yuan,Chase at ako,samantalang sina Kean at West..
"Pucha"
"Hahaha fuck"
"Can you two shut up?" Chase told them.
Napatingin ako kay Yuan na busy sa paglalaro..He looks very calm kahit na matatalo na kami.
"What are you looking at?" Tanong niya na hindi inaalis ang tingin sa monitor.
"Huh?Wala" Sabi ko at muling bumalik sa paglalaro.
0 kills and 13 deaths.
Wala talaga akong future sa paglalaro.
4 days has passed and nasa cafeteria kami ngayon at nag-lu-lunch.
"Nasan si Chase?" Tanong kay Hailey na kumakain ng burger.
"SSG.. i'm so sure na magiging busy 'yon dahil papalapit na ang School Festival" Sagot niya.
"Sabagay.2 weeks na lang" Sagot ko naman.
"Rei, pwede ba akong magpaguro sa'yo?" Kamot-batok na tanong sa akin ni Kean.
Ngumiti naman ako."Sige, anong subject ba?"
"History"
"Yeah no problem"
Yayakapin niya na sana ako nang umupo sa gitna namin si Yuan na mukhang katatapos lang ng klase.
"Hi" Nagulat ako nang batiin niya ako.
"Hello?" Takang bati ko at ibinalik ang atensiyon sa pagkain.
"You jealous bro?" Tukso sa kaniya ni West.
"Huh?" Yuan rolled his eyes.
"Sungit naman Yuan ah…parang hindi kayo nagyakapan ni Rei ah"
Nabulunan ako sa sinabi ni Rei.Agad naman akong inabutan ng tubig ni Kean habang tumatawa.
"Hailey..!" Sinamaan ko ng tingin si Hailey na ngayon ay tumatawa lang sa akin.
Pansin ko rin ang pagpula ng tainga ni Yuan habang nakaiwas ang tingin.
"Why don't you guys date?" West asked.
"No" Sabay na sagot namin ni Yuan kaya't napatingin kami sa isa't isa.
Wala sa sariling ngumiti ako ng kaunti at umiwas ng tingin.
"See?We're just friends" sabi ko.
Parang gusto kong sampalin ang sarili.What is wrong with me?!!!!!
Pagkatapos kumain ng lunch, bumalik na kami sa sarili naming mga classroom.
"Girl, alam mo ba si Yuan—"
"Hindi ako interesado" Walang ganang sabi ko at naupo sa seat ko.
"wow wow wow" Tumawa ito at naupo sa tabi ko.
"Ano 'yan ha?" Nang-iintrigang tanong nito.
"Shush" Sabi ko.
She was about to say something when our Teacher finally arrived.Saved by the bell :b
Napahilamos ako ng mukha ko nang maisip ang naging reaksiyon ko kanina.
Seriously?
Why did i react like that?
Ang sarap mong sampalin self! Anong klaseng reaksiyon 'yon? Baka kung anong isipin nila!
huhu parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa.Sino ba naman kasi—
"Miss Gonzales!"
"Sir—ay, M-miss Roxas!" tarantang sabi ko at tumayo.
Nagtawanan naman ang mga kaklase pati na rin si Hailey.
"What are you dozing off?" Mataray na tanong nito sa akin.
"Sorry po" Nahihiyang sagot ko.
"Bring this to the ssg office.!" Lumapit ako kay Miss Roxas nang iabot niya sa akin ang mga papers na nasa table.
Napatingin muna ako kay Haileh na paeang gustong sumama pero alam naming bawal.
Nahihiyang lumabas ako dala-dala ang madaming papers na ito.Geez ang bigat.
Habang naglalakad, ay mayroon akong nakabungguan kaya't nahulog ang mga dala ko.
"Hala!" Sabi ko at nag dali-dali sa pagpulot.
"Sorry Miss" Sabi nung lalaki sa akin habang tinutulungan ako.
"Okay lang" Ngumiti ako ng kaunti.
"Let me help you"
Nanlaki ang mata ko nang may tumabi sa aking lalaki at nakipulot din.
Yuan?
Nang matapos kami sa pagpulot ay inabot nila sa akin ang mga papers, pero si Yuan, kinuha niya ang kalahati sa akin.
"Hey!" Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi niya ako pinansin.
"Sorry ulit Miss!" Sabi nung lalaki sa akin.
"Okay lang nga.." Tumawa pa ako ng kaunti bago siya magpaalam na mauuna na.
"Saan mo 'to dadalhin?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami.
"Ssg office"
Nang makarating kami sa SSG office ay bumungad sa amin si Zach..ang SSG president.
"Hello, pinapabigay nga pala ni Miss Roxas" Nakangiting sabi ko at inabot ang mga papers na dala ko.Siniko ko si Yuan nang hindi niya inabot ang mga papers na dala niya.
"Thank you" Zach smiled at me before going in.
Iiba na sana ako ng direksyon nang hilahin ni Yuan ang braso ko.
"huh?"
"samahan mo ako" Sabi niya at binitawan ang braso ko.
"Ayoko nga.Kailangan ko nang—"
Tinaasan niya ako ng kilay."Saglit lang naman"
"Ayoko—"
"Huh edi 'wag" Asar na sabi nito at naglakad palayo.
"Kasi naman.." Inis na bulong ko at padabog na sumunod sa kaniya.
"Oh?Akala ko ayaw mo ako samahan?" Sarkastikong tanong niya.
"Tumahimik ka na lang"
Natawa ito ng mahina.
Kumunot ang noo ko nang mapansin na sa cafeteria kami papunta.
"Oreo?" Tanong ko habang nakatingin sa binili niya.
"Yeah." Sagot nito at binuksan ang binili niya.Inalok pa niya ako pero err, hindi naman ako masyadong mahilig sa oreo.Pagkatapos namin bumili ay bumalik na rin agad ako sa classroom ko.
Mahina akong natawa dahil mukhang paborito nga niya ang oreo.
What a weird guy…pfft