Chereads / The Gamer Next Door! / Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 15 - Chapter 14

"Whoo shet, school festival na"

Napalingon ako kay Inigo.Club mate ko.

"Ay sorry, na e-excite lang ako" Tumawa ito.

Wala sina Mina ( yung club president) , kean at yung iba dahil a-attend sila ng school-fest-opening sa gymnasium.At kailangan na may maiwan na 2 members each club para mag-bantay ng sari-sariling stalls/booth.

Hindi na ako sumagot at tumingin na lang sa malayo.

"Sana madaming pumunta ngayong school-fest" Aniya.

"Sana nga.." Sagot ko naman.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na ang iba naming mga ka-club mates.

"Geez, haba ng speech ni Mr.Ludwig" Sabi nung isa sa ka

"True…Humikab pa nga ako kanina eh hehe"

"Shuta ka.hahaha"

"Shh, tumahimik nga kayo" Sabi ni Mina sa kanila.

"Rei~" Napangiwi ako nung lumapit sa akin si Kean at yakapin ako.

"Luh Kean haha" Komento ni Inigo.

Kinurit ko ang braso ni Kean kaya't tatawa-tawa siyang humiwalay sa akin.

"Tama na nga 'yan..Mag simula na tayo"

Inihanda na namin ang mga cookies at personalized cupcakes na ibebenta namin.Pati na rin ang mga toppings,icing and decorations na ilalagay sa cupcakes.Dahil nga, ang mga customers ang mag de-design ng sarili nilang cupcakes,and pwede din namang kami ang mag de-design ng gusto nila if ever na hindi sila masyadong artistic.Pero siyempre, mas mahal kapag personalized.Mayroon din namang ordinary cupcakes,at mura lang 'yon.And we also decided to add milkshakes and milk teas sa aming ibebenta.Kaso hindi siya gaano kadami, mahal eh.

"Ah Rei, pwede favor?" Kirra asked.She's one of my club mates.

"Ano 'yun?"

"Pakibigay naman 'to kay West oh?" She handed me 1 set of cookies which contains 4 cookies,a personalized cupcake and a milk tea.

My jaw dropped."B-bakit naman ako?"

"Hindi kami close..and super crush ko siya..And i've noticed that you guys are friends.Please Rei???Binayaran ko naman 'to huhu"

Napangiwi ako ng kaunti at bumuntomg hininga."O-okay"

"Yaay!Thank you!"Masayang sabi niya at bumalik sa ginagawa.

Nagpaalam muna ako kay Mina na may ibibigay lang ako kay West.Narinig 'yon ni Kean at sinamahan ako.Tinanong niya 'rin kung anong ibibigay ko kay West, at bakit ako may ibibigay sa kaniya.Kaya siyempre, ipinaliwanag ko sa kaniya ang sinabi sa akin ni Kirra kanina, hays.

"Damn..Famous pala ang ugok na 'yon?" Nakangising aniya.

"Yeah?I mean, he's really good looking"

Natigilan ito at gulat na tumingin sa akin.

"W-what?"

"Na-fall ka na ba sa kaniya?!"

Agad na umikot ang mata ko."Hindi no'"

"Good." Ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.

Napatingin ako sa mga stalls and booth na nadadaanan namin.

May horror booth, souvenirs stall, crochet stall,science booth..and many more.

They're all interesting to be honest.

Napansin ko rin na madami nang mga tao dito sa school.And it seems like they are all enjoying it.I've never experienced this kind of school life.

"Ang ganda mo 'pag ngumingiti ka" Nabalik sa huwisyo ang isip ko dahil sa sinabi ni Kean.Nakangisi ito sa akin.

Agad na nag-init ang pisngi ko at napanguso.

"S-shut up"

Nang makita na namin si West ay agad namin siyang nilapitan.Namangha naman ako sa kanilang booth.Dancing Booth.

"Wow"Sabi ko.

"Astig 'diba?" Ngumiti si West na parang proud na proud.

"Anong meron sa booth niyo?" Kean asked him.

"Ah, parang 'yung sa mga arcades na may tiles na tinatapakan habang nagsasayaw.Pero siyempre, mas ginawa naming mas trendy.May party lights,decorations and mga juice..since bawal ang mga alcoholic beverages…gusto niyo sumilip?"

Tumango kami ni Kean at sumilip.

Omgggg!

Ang ganda ng set-up!Ang daming mga led lights and mukhang nag e-enjoy talaga 'yung mga tao sa loob.Infairness madami na agad silang customer.

" 'Nga pala, why are you guys here?" He asked.

"Ah here" Sabi ko at inabot sa kaniya ang pinapabigay ni Kirra.

Nakita kong napangisi si West."Damn.Crush mo na—"

Agad ko siyang sinamaan ng tingin."Excuse me?Pinapabigay lang 'yan ni Kirra.Ka-club-mates namin..and crush ka daw niya"

He chuckled."Alright.Pakisabi, 'thank you' "

Tumango ako at nagpaalam na kami ni Kean.

Habang naglalakad pabalik ay nakita namin ni Kean si Chase at Hailey na nakakulong sa Jail Booth.

"HAHAHAHA" Sabay na tawa namin ni Kean nang makalapit sa kanila.

"Kean!Rei~" Bati ni Hailey habang nakahawak sa mga rehas.

"Sinong nagbayad niyan?Ikaw ba Hails?" Pang-aasar ko na ikinanguso niya.

"Hindi no'! Si Chase kaya!"

Gulat kaming napatingin ni Kean kay Chase.

"Totoo ba Chase?HAHA" Tanong ni Kean.

Chase rolled his eyes."Shut up..And yes"

"Sige,HAHA!Goodluck sa pagiging prisoners" Natatawang sabi ni Kean at nilisan namin ang Jail Booth, ng Math Club.

Ilang oras ang lumipas at medyo pagod na ako.Ako kasi ang naka-assign as cashier,while Mina is with me..Siya naman ang nag we-welcome at nagbebenta sa mga customers.'Yung iba naming ka-club-mates ay nag-pe-prepare ng mga orders while yung iba ay nag e-enjoy sa ibang booths.Mas dumami ang mga tao sa pagsapit ng tanghali.Gosh, haggard na ako.

Napalingon ako kay Kean na mahimbing natutulog sa may lamesa.He's cute and handsome….malandi nga lang talaga.

"Rei, ako na muna papalit sa'yo..I-enjoy mo muna ang School Festival..Transferee ka 'diba?" Pag-lapit sa akin ni Lia.

"Hala!Thank you" Ngumiti ako ng matamis.Bago umalis, ay bumili ako sa sarili naming booth para naman may ambag ako…and gutom na rin ako actually.I bought, 1 set of cookies and milkshake..oreo flavor.

Habang nagli-libot ay nakita ko ang booth ng Gaming Club.

Pumunta ako ako doon, at sumilip.

"Gusto mo ba manood,miss?" Napatalon ako sa gulat nang may tumabi sa aking lalaki.

"A-ah..sige"

Sinamahan niya ako sa loob.Ang cool ng set-up nila..geez, game freaks..

Nakita ko si Yuan na busy sa paglalaro.At sa opposite niyang direction ay may isang lalaki na naglalaro rin.Napansin ko na ang daming nanonood sa kanila at nag chi-cheer.Pero mga students lang din sila, from different schools.

"Well 'yung booth namin ay simple lang.Makikipaglaro sila kay Yuan, and pag natalo sila, mapupunta sa booth namin ang pera na pinambayad nila.50 pesos lang naman ang entrance.At kapag may nanalo against Yuan, sa kaniya mapupunta ang perang kinita namin ngayong School Festival."

Napanganga ako sa sinabi nung lalaking katabi ko."What?That's insane..!Masasayang lang ang pera na kinita niyo"

Ngumisi siya."Nah.Yuan is a pro when it comes to games."

"H-how do you say so?"

"Yuan got invited by national and international pro gamers to compete against another pro gamers.Ewan ko ba sa kaniya, ilang beses namin siyang tinanong kung bakit ayaw niyang mag-stream or kung bakit hindi niya tinanggap 'yung alok."

My jaw dropped.He's really that good when it comes to games?!!!

Makalipas ang ilang minuto ay nagsigawan ang mga tao sa loob.

"Damn!Konti na lang bro!"

"Kingina!Good game pre Yuan"

"Ganda ng laro puta"

Napangiwi ako.

"Lunch time!!!Mamaya na ulit kami ta-tanggap ng customers!" Sigaw nung katabi ko sa kanilang lahat.Nakarinig ako ng pagka-dismaya sa mga customers at sinabi pang babalik daw sila mamaya.

"Shit dude!Naka 4,000 na tayo!"

Kailangan ko na ata umalis?Club nila 'to baka magmukha akong spy huhu.

Aalis na sana ako nang may humila ng damit ko.

"Where are you going?"