Napanguso ako at humarap sa kaniya.
As usual, nakasabit sa leeg niya ang kaniyang headphone.Magulo ang buhok at mukhang ilang araw nang hindi natutulog.
"Kumakain ka pa ba?" Tanong ko at inilapit ang mukha sa mukha niya.Agad siyang umiwas ng tingin at kasabay nito ang pamumula ng kaniyang tainga.
"Shet!Yun oh"
"Tsk tsk..Binata na pala ang Yuan natin"
"Tamis ah"
Nag-init ang pisngi ko at mabilis na lumayo.Nandito nga pala kami sa booth nila!
"S-s-sorry" Nahihiyang sabi ko.
Yuan held my hands and intertwined it.
WNXIENXJSNIS E-EXCUSE ME?!!!
Hinila niya ako palayo doon.
Sobrang init ng mukha ko habang pinagmamasdan ang mga kamay naming magka-hawak.Mahihimatay yata ako!Charot.
Ngayon ko lang napansin na papunta kami ngayon sa library.
H-huh?Bakit kami nandito?
"It's quite here." Aniya na para bang nabasa ang isip ko.
Naupo kami sa isa sa mga seats doon.At binalot kami ng nakabi-binging katahimikan.Dahil literal na walang tao bukod sa aming dalawa at sa librarian.Binitawan niya na rin ang kamay ko kaya't nakahinga na ako ng maluwag..ata?
Narinig ko ang pagkalam ng sikmura niya na ikinatawa ko, pero mahina lang.
Napaiwas ito ng tingin.
Kinuha ko ang mga pagkain na nasa plastic na hawak ko at nilagay sa lamesa.Muntik ko nang makalimutan na may dala nga pala ako.
"Here..Kumain ka" Mahinang sabi ko.Bawal kasing kumain sa library hehe.
"Nah..I don't need it"
Tinaasan ko siya ng kilay."Look at yourself.Mukha kang zombie—"
"What?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Oo, mukha kang zombie—"
"No wa—"
"—Ilang araw ka na bang hindi natutulog?Wala kang dark under eyes pero halatang puyat ko dahil mapungay ang mga mata mo.Laging magulo ang buhok at hindi masyadong kumakain.Mabuti at hindi ka nagiging kalansay?Inuuna mo pa ang paglalaro mo kesa sa health mo."
He sighed."Fine"
Napangiti ako at binuksan ang cookies na binili ko sa stall namin.
Nang mapalingon ako sa kaniya ay nakatingin ito sa Oreo Milkshake na dala ko.
Natawa ako ng mahina at binigay 'yon sa kaniya."Nakalimutan kong mahilig ka nga pala sa Oreo"
"Thanks" Aniya at tinanggap ang milkshake at ininuman ito.Binigyan ko rin siya ng cookies.Kumuha din ako kasi nga gutom na talaga ako.
Bigla akong nabilaukan sa di malamang dahilan.
Binigay niya sa akin ang milkshake na iniinom niya na agad ko namang tinanggap.Tinatapik niya rin ng mahina ang likod ko.
"Haaah" Sabi ko nang maging okay na ako.
Napatingin ako sa milkshake na aking hawak nang mapansin ang laway ko sa straw.Eww.Bakit kailangan ko pang makita 'yon—
Napatingin ako kay Yuan na ngayon ay nakaiwas ang tingin at namumula habang ang kaniyang fist ay nakatakip sa kaniyang bibig.Nakatingin ito sa straw na ininuman ko.
huh?
h-huh?!
Muli akong napatingin kay Yuan at nakatingin rin ito sa akin.
Agad na nag-init ang pisngi ko.
I-indirect K-k-kiss?!!!
Sa pagsapit ng hapon ay sobra ang pagod namin.Pero masaya pa rin kami at parang may energy pa.
"Tara soju~" Akbay ni Hailey sa akin.Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng gate.Kasabay din namin sina Kean,Yuan,Chase at West.
Err awkward pa rin kami ni Yuan..i mean…nakakahiya 'yung nangyari kanina.
"Soju?" I asked.
"Oo!It's a korean alcoholic drink…pero it's fine,don't worry." Kinindatan niya ako.
"Pero—"
"Rei naman~Naging successful naman ang mga booths and stalls natin eh..please?Consider this as our celebration" Ngumuso ito.
"Basta ako, game ako siyempre" Kean said.
"Girlfriend ko nag suggest,alangan namang hindi ako sumama?" Ngumiti si Chase kay Hailey kaya't kinilig naman ang gaga.
"I'm in motherfu—father" Ngumisi si West.
"Yeah whatever" Bored na sagot ni Yuan.
Ang kanilang tingin ay napunta sa akin.Bumuntong hininga ako."Fine"
Pinagsisihan ko nang sumama ako.
Nandito kami ngayon sa condo ni West.Kararating lang namin actually.Nagpalit na rin kami ng mga damit.Naka jogging pants lang ako at loose shirt.
"Let's get it on baby!" Hyper na sabi ni Kean.
Nilatag ni Hailey ang mga binila nila, sa lamesa na nasa may sala ng condo ni West.Soju,korean snacks and ramen.
"Hindi ka pa nakakainom ng alak?" Tumabi sa akin si Chase.
"Hindi pa"
Tumawa ito."Well ngayon,mararanasan mo na"
Ngumiwi ako.Binuksan ni West ang aircon sa sala niya.Damn, rich guy.
"Nood tayo guys!Ano gusto niyo panoorin?" Hailey asked and pinaalis si Chase tabi ko, para siya ang makaupo sa tabi ko.
"Wow Hailey, bahay mo?" West sarcastically asked.
"Shut up ssg officer" Sabi ni Hails at binuksan ang TV gamit ang remote.
Ilang oras na ang lumipas at nahihilo na talaga ako.Nasusuka din ako actually pero pinipigilan ko.Ang init sa pakiramdam, shocks.
"Haha, tumba na agad si Rei" tinawanan ako ni Hails.
"Shut up Hails..*hik*..hindi pa ako..*hik*…. lasing"
Tumingin ako sa lalaking katabi ko.
"Hi West" Ngumiti ako.
Kumunot ang noo nito."Susukahan mo ha ako Rei?"
"Nooo" Ngumuso ako at niyakap siya na siyang ikinagulat niya.
Nakarinig ako ng pagkalabog kaya't napatingin ako kay Yuan na nakataas ang kilay sa akin.
"W-whyy?"
Narinig ko ang pagtawa nilang lahat.
"Kean!Videohan mo dali!"
"Eto na hahaha!"
"Tangina.Laughtrip si Rei"
"Rei, nagagalit na ang boyfriend mo oh" Bulong sa akin ni West.
"P-peroo….w-wala naman akong.. *hik*… boyfriend.. *hik*.."
Hinila ako ni Yuan patayo.
"F-fuck.." Dinig kong mura niya nung yakapin ko siya.
Hehe..
I love hugs..
"YUUUUUN OH!"
"SHEEET!"
"HAHAHA OMG GIRL!"
"B-bakit ba kayo..natawa?" Paiyak na tanong ko habang kinukusot ang mata.
"Rei..sinong mas gusto mo?Si Yuan, o Ako?"Tanong ni Kean habang tumatawa.
Lumayo ako kay Yuan at kinikilig na itinuro si Kean."I-ikaw!!N-naging c-crush..*hik*.. kaya k-kita.."
Natahimik silang lahat sa sinabi ko kaya't nakanguso akong tumingin sa kanila?
huhu galit ba sila sa akin?
"Fuck you,Kean"
"T-tol…n-nag jo-joke lang naman ako!"
"Lagot ka Kean"
"Delikado na kayo"
"Haha oh no"
Lumapit ako kay Yuan at inabot ang buhok niya para hawakan ito.Natigilan siya at nagtatakang napatingin sa akin.
"H-hahh..it's so soft" Hindi ko alam kung bakit naging iba ang boses ko nung sinabi ko 'yun.
"Putangina" Mahinang bulong ni Yuan at hinila ako palabas ng condo ni West.