Nang makalabas ng apartment ay sakto ding paglabas ni Yuan sa apartment niya.
Napatingin ako sa kaniya at ganun din siya sa akin,pero ,abilis niyang binalik ang atensiyon sa nilalaro.
Game Freak!
Sabay din kaming pumasok sa elevator pababa ng building.Minsan ay napapsulyap ako sa kaniya dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya.Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin.
"sup Rei!"
"Hello" Bati ko kay Kean na ngayon ay dinadaldal si Yuan.Pero hindi siya pinapansin ng kaibigan kasi nga,busy sa paglalaro.
"Rei, nakita kita kahapon ah?Kasama mo si Chase…tapos hinalikan pa ni West ang kamay mo!"
Napangiwi na lang ako at tumango.
"Nilalandi ka ba niya?"
Tumango naman ako at bumuntong hininga.
"Aba puta—" Napatigil siya sa pagsasalita nang sinamaan siya ng tingin ni Yuan.Nasamid naman si Kean at tumawa ng peke.
"ha ha ha,,ang ibig kong sabihin…sabihin mo lang sa amin pag ginugulo ka pa niya"
"Huh?"
Ginulo ni Kean ang buhok ko. "Ano ka ba Rei?Siyempre magka-kaibigan tayo,so,we'll protect you.Kahit naman member sila ng student council,anak pa rin ako ng Mayor" tumawa ito.
Napahinto ako sa paglalakad at napatungo.
Friends?
Sarkastikong natawa ako ng mahina.
What does friends even mean?
Why do we need to make friends kung iiwan din naman nila tayo?
Why do they need to act friendly if they will just betray us?
Why—
Huh..?
Napatunghay ako nang mapansing nasa harap ko si Yuan.
"you're gonna be late,shorty" nakapamulsa itong naglakad palayo.
Kean smiled at me." I don't know what happened to you in your former school pero….we are here for you,always.We will be your friends,okay?" Aniya at sumunod kay Yuan.
Napangiti ako ng mapait at napahawak sa ulo.
Huh?
Why am I wearing a headphone?
Nanlaki ang mata ko nang may ma-realize..
Why did he gave me his headphone?
Nang makarating ako sa school ay agad na sinalubong ako ni Hailey at sabay kaming pumasok sa classroom namin.
Why is she being like this?
She's just my seatmate…..
"Kanino galling 'yang headphone mo?" Tanong niya sa akin habang nakaturo sa headphone ni Yuan na nakasabi sa leeg ko.
"ha?Ah wala.."
"Sus…that looks like a gamer's headphone!omygosh,are you dating someone?!" Kinikilig na tanong niya kaya nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling.
"Wala no' "
Tumawa ito sa naging reaksiyon ko.
"No need to deny Rei..it's obvious" Kumindat pa ito sa akin kaya't napangiti nalang ako ng peke.
"Anyway, may facebook ka ba or any social media account?"
"Facebook lang..bakit?"
"Anong bakit?Siyempre dahil bestfriends na tayo, kailangan ding maging mutual tayo sa facebook no' !And give me your number na din haha"
My eyes widened.
No..
I'm not..ready..
"Rei!Give me your number!"
"Huh?Para saan?"
Demi smiled sweetly at me.
" We are bestfriends na kaya!So, let's exchange our contacts"
"Is that how it works,demi?"
"oo..Mygosh,Rei!You are so clueless talaga" Demi laughed kaya't natawa na rin ako.
Few months later,nag-iba na ang turing niya sa akin.
"Rei! Igawa mo kami ng essays,okay?"
"Huh?Bakit naman—"
Demi immediately grabbed my hair which made me winced out of pain.
"Do you want to suffer again?Don't ask b*tch, just do what I said"
"Rei?"
Napatingin ako kay Hailey nang marinig ko siyang magsalita.
"Are you okay?You look pale" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
Ngumiti nalang ako ng kaunti at tumango. "Okay lang ako"
"No..You really look pale"
I laughed."Sira,okay lang talaga ako"
Ngumuso ito pero sa huli ay natawa rin.
After our morning class we decided to eat lunch together,again.And when we came back to our classroom,our classmates said that we are free for the rest of the afternoon class because the teachers have a meeting.
"Girl,pupunta ako sa may gymnasium sama ka ba?"
"ha?Hindi na" Sagot ko aman.Alam kong makikipagkita lang siya kay Chase kaya,no thanks.
Dala-dala ang aking bag ay pumunta ako sa may library.Mag-aaral sana ako doon pero,madaming students..hindi ako makakapag-aral ng maayos.Kaya I decided na sa rooftop na lang mag-aral.Lahat naman ng buildings dito may rooftop,pero yung iba ay restricted.
"Wow" Sabi ko at napangiti nang tumama sa akin ang malamig at malakas na hangin dito sa itaas.
Huh?
Nakita ko si Yuan na natutulog sa may bench.
Wala sa sariling lumapit ako sa direksyon niya.Tinanggal ko ang headphone na nakasabit sa leeg ko at isinuot ko sa kaniya.Pero sa hindi inaasahan,nagmulat siya ng mga mata niya kaya't nagtama an gaming paningin.
"a-ah.." Mabilis na lumayo ako at umiwas ng tingin.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa kahihiyan.
BUmangon ito at nagkusot ng mata.
"Why..?" I asked.
"Huh?"Takang tanong nito sa akin.
"Why did you gave me your headphone?"
Umiwas ito ng tingin,pero hindi sumagot.KAhit naman tanungin ko siya ng tanungin,hindi pa rin siya sasagot.
Bumuntong hininga nalang ako at naupo sa may sahig,sa gilid.Mas gusto kong mag-aral sa ganitong posisyon.
Habang nag-aaral ay naramdaman ko ang pag-tabi niya sa akin.At nang mapasulyap ako sa kaniya ay nakita koi tong nag-lalaro.
"What are you playing?" TAkang tanong ko.
"League of Legends"
Napatango tango na lamang ako kahit na hindi ko naman alam ang laro na iyon.Patuloy lag ako sa pag-aaral habang siya ay patuloy sa pag-lalaro.I'm not really that studious, kailangan ko lang talagang humabol sa mga lesson namin.
After few hours nakaramdam ako ng antok pero may kailangan pa akong tapusin kopyahin.
"Take a nap" Dinig kong sabi nito na hanggang ngayon ay nag-lalaro pa din.
"May kailangan akong tapusin" Sagot ko naman at muling humikab.
"You've been writing since kanina"
"so?" I raised my left eyebrow kaya't napatingin ito sa akin.He just shook his head and muling binalik ang atensiyon sa game.
After few more minutes, my eyes suddenly feel heavy.Na kahit gusto kong imulat ay bumabagsak pa rin sila.Hanggang sa hinayaan ko na lang ang sarili kong makatulog.
At sa pagmulat ng aking mga mata, kulay kahel na kalangitan ang tumambad sa aking paningin.My eyes widened when I realize na hapon na!
Napatingin ako sa katabi ko at nagulat ako nang Makita ko si Yuan na natutulog rin .
Wait..
Did I fell asleep…on his shoulder?
NApatakip ako ng mukha sa kahihiyan.Ilang beses pa ba akong mapapahiya sa lalaking 'to?! Napasulyap ako sa katabi ko na mahimbing ang tulog.Aaminin kong, pogi siya.Maputi ang kutis at mukhang mayaman.Ang buhok siya ay bagsak at magulo pero,bagay sa kaniya.MAtangos ang ilong at may singkit ang mga mata,napansin ko din na may maliit siyang mole sa may gilid ng right eye niya.
Waah!Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko?!
Nakita ko siyang nagmulat ng mga mata.
Mukha talaga siyang kulang sa tulog,pero bakit ganun?Wala siyang dark under-eyes! Ang unfair ni earth.
Isinukbit niya nag headphone sa may leeg niya at tumayo na,dala-dala ang kaniyang bag.Kaya naman,tumayo na rin ako, suot ang aking bag.
"Anong oras na?" TAnong ko sa kaniya.
Tumingin siya sa may cellphone niya." 4:48 " Sagot niya na ikinalaki ng mata ko.
"H-ha?!"
5 pm ang uwian namin! Omygod! Ilang oras kaming nakatulog!
Natataranta na ako pero sobrang kalmado niya lang!
"tara na sira ka ba?!" Sabi ko sa kaniya at hinila siya pababa ng rooftop.
Ngayon lang ako naging mabilis pagdating sa mga hagdan.
"Sige,mauuna na ako sa—"
Hinila niya pabalik ang braso ko.
"Where are you going?"
"Classroom"
"I'll go with you"
Taka ko siyang tiningnan."Hindi tayo magkaklase"
Hindi niya ako pinansin at nauna pa siyang maglakad sa akin.Inis ko siyang hinabol hanggang sa makarating na kami sa section ko.
Ano bang nasa isip nitong lalaki na 'to?!
Kumatok si Yuan sa may pinto kaya't napunta sa kaniya ang atensiyon nina Miss Brooklyn at ng mga kaklase ko.NAkita ko ang panlalaki ng mata ni Hailey habang nakatingin sa akin at kay Yuan.
"Yuan?Rei? What is the meaning of this?" Mataray na tanong ni Miss Brooklyn kaya't kinakabahang napahakbang ako paatras.Napalingon si Yuan sa akin at hinawakan ang braso ko.
Nagulat ako nang sabihiniya kay Miss Brooklyn na hinimatay ako at ngayon lang ako nagising.Noong una ay hindi siya pinaniwalaan ni Miss Brooklyn pero sa huli ay mukha naman siyang naniwala sa idinahilan ni Yuan kaya nakaligtas ako mula sa punishment.At sinabi na mauna na daw akong umuwi.
Napalingon ako kay Yuan." Paano ka?"
Nagulat ito sa tanong ko.
"Huh?"
" Mag e-explain din ako sa teacher—"
" No need…I already texted the school nurse of what happened.."Nakapamulsa niyang sagot.
Takang napatingin ako sa kaniya pero as usual hindi niya ako pinansin at naunang maglakad.
"Hoy!" Pag-habol ko sa kaniya.
"What?" Tanong niya.
"You saved me earlier,kaya---"
Pinitik niya ang noo ko,pero mahina lang."Don't worry..I won't get punish"
Gusto ko pa sanang magtanong pero sinuot niya na ang headphone niya at muling naglaro.
NAtapos ang buong araw na magkasama ulit kaming naglalakad pauwi.Normal lang naman 'yon dahil magkalapit lang ang unit naming di'ba?Normal lang 'yon..normal..