Chereads / Livin’ La Covida Loca / Chapter 1 - Intro

Livin’ La Covida Loca

🇵🇭rioromantico
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 5.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Intro

Ako nga pala si Rio. Early 40-ish. Obvious naman sa Ricky Martin reference, di ba? Inabutan ko pa nga iyong kanta ng Menudo, boy band ni Ricky noong teenager pa siya (pero hindi pa boy band and tawag noon), na Like a Cannonball. Pero alam ko rin ang Cannonball ni Damien Rice pati ang Wrecking Ball ni Miley Cyrus. Bukod sa "in" pa rin naman sa Millennials at Gen Z, medyo may variety din ang taste ko sa music, films at books. So kung ilalarawan ko ang sarili ko (frustrated painter ako actually), sa pamamagitan ng lyrics, dialog at quotes. TSB din ako. Tomboy Since Birth. Pwede ring Tamang Soft Butch. ISTP ayon sa science. Libra sa stars.

So ito ang example ng "About Me" na hinihingi ng bawat dating app. Sisiw ang paggawa, no? Kasi nga tungkol lang naman dapat sa iyo, so anong mahirap, di ba? Kumbaga parang slumbook lang. (Uso pa ba ito ngayon?) Magsasabi ka lang ng School/Company, Likes/Dislikes, Hobbies, Favorite Books/Movies/Songs, Ambition, Motto, First Love/Kiss, Most Embarrassing Moment, etc. Pero sa totoo lang, hindi siya madali, gaysh! Hindi madaling pag-usapan ang sarili mo. Unless na lang idol mo si Narcissus, ang GGSS ng Greek mythology. Gwapong-Gwapo Sa Sarili niya noong makita ang reflection niya sa isang bukal. Hinalikan niya ang reflection eh di nalunod at namatay. Ayaw mo niyan.

May guide questions naman ang dating apps, so malaking tulong. Wala namang dapat ika-tensed kahit na shy ka pa. Well, true naman na parang slumbook lang siya. Pero hindi mo naman siguro ilalagay ang Most Embarrassing Moment mo na halos magkaroon ng ebakuation este evacuation sa classroom ninyo dahil natae ka noong elementary ka, di ba? Dapat naman intact pa rin ang dignidad. May magkakagusto bang i-date ka niyan? Ikaw nga tanungin mo ang sarili mo, "Turn-on ba sa akin ang babaeng natae sa panty niya in public?" Iyong totoo ha.

Hindi lang kasi parang slumbook ang "About Me." Sa totoo lang, slumbook + lifestyle questionnaire + psychological test siya. Bukod sa pa-cute basic things about yourself at medyo seryosong religious/political affiliation at planong pag-aanak kung wala pa, tatanungin ka kung gaano ka kadalas mag-exercise, uminom at magyosi pati kung pet person ka. Eh di ba sabi mas mabait at emotionally healthy ang mga taong may alagang hayop? Doon na lang may plus pogi points ka na pagdating sa personality. Depende na lang kung aso, pusa, daga, baboy, ahas at iba pa ang alaga mo dahil may meaning din iyan kung anong klaseng pag-uugali ang meron ka hehe. Para kang nag-aapply sa trabaho. Kaya nga "Dating App" ang tawag; App is short for Applicant. Dapat mo talagang ibenta ang sarili mo. Iyong tamang benta naman ha, huwag masyadong hardsell. Baka naman pati total bank savings, number of real estate properties at worth ng insurance ilagay mo. Siguradong maraming magma-"MINE!" sa iyo with matching palakpak at padyak pa iyan pero malamang sa malamang kidnappers at gold diggers iyan. Huwag gawing uncommon ang common sense. Iyan dapat ang lifetime motto ng kahit sino.

Isipin mo isang libo't isang tibo and many more ang nakabalandra at nakatambay ngayon sa dating apps dahil nga bawal lumabas at kailangan mag-comply, sabi ni Kim Chu. So paano ka mag-i-stand out?

Kung noong panahon namin some two decades ago until Pre-Pandemic ang medyo importante para sa iba Pesonality at Caracter dahil pwede kang lumabas anytime, anywhere na walang ikinakatakot kapag nabahingan at naubuhan, ngayon iba na ang labanan. Wala sa daan, gimikan o pisikal, nasa online. Kung ano ang ipinakikita mo sa dating apps, ikaw na iyon. Wala namang means ang mga tao na malaman kung totoo nga ang sinasabi mo. Alangan namang ipa-background check ka pa? Ano praning or obsessed lang? Unless magkita kayo.

Pero para may maging interesado sa iyo up to the extent na gusto na niyang makipagkita sa iyo in person, iyon nga—dapat kapansin-pansin naman ang "About Me" mo! Kapansin-pansin enough para sulyapan, basahin at i-swipe right ka.

At dito papasok ang PPP formula. Huy, baka kung anu-ano iniisip mo, maghunos-dili ka! GP (pa) tayo rito.

Photos

Kung ma-selfie kang tao, congrats! For sure, hindi ka na mahihirapang mamili pa kung ano ang ilalagay mo. Baka nga ma-bad trip ka pa dahil bakit anim lang ang pwede i-upload hassle eh ang dami mo pa namang magagandang poses. Baka nga papalit-palit ka pa niyan every day depending on your mood.

Pero kung ikaw ang tipong nagkakaroon lang ng photos kapag may groupfie at coupfie, medyo hasain mo ang cropping skill mo. Basta pumili ka ng litrato na buo ang mukha mo at hindi na kailangang pang i-magnifying glass para lang makitang tao pala iyon. Okay lang naman i-post ang favorite travel destinations, dishes you can't live without at beloved pets mo pero maglagay ka naman ng isang photo na andiyan ang mukha mo, utang na loob! Ikaw ang makikipag-date, hindi si Brownie o Miming.

At please, por pabor, nagmamakaawa kami! Pakibawasan naman ang paggamit ng filters. May mukha ka nga, natatakpan naman ng mga tenga, ilong at dila ng aso. Tapos ang puti-puti pa ng mukha mo, daig mo pa ang nag-Chin Chun Su. Unless human-dog o dog-human o si Snow White ka, unacceptable ito.

Profile

Sagutin mo ang guide questions as much as possible. Hindi kailangang essay, hindi ka naman gagraduhan. Hindi rin kailangang pang-Miss Universe, hindi ka naman kokoranahan. Pero iyong hindi naman "Yes or No," "Pasta or Pancit" lang ang sagot mo. Lagyan mo naman ng spice para ganahang basahin ang pinagsasasabi mo. Tipong "Yes kasi ganito, ganyan…." or "Pancit iyong bihon ha ang alat ng Canton eh." Mag-feeling artista ka na, ito na ang chance mo malagay sa spotlight. Gawin mong tungkol sa iyo ang "About Me" kasi ito ang paraan para ma-curious ang mga tao at kilalanin ka pa nang mas mabuti.

Personality

Maging totoo ka lang sa photos at profile mo, tiyak na lalabas kung sino ka talaga. Huwag kang matakot kung boring kang tao. Relative ang pagiging boring. Pwedeng iyong boring sa iyo, exciting pala sa akin. Ang importante dito may mahanap kang swak sa personality mo at mangyayari lang iyon kung magpapakatotoo ka, bruh.

P.S. Ang Intro ay short for Intrue or Intrueduction. Coz true colors are beautiful like a rainbow. 🌈