Chapter 4 - 4 Chapter 3

Chapter 3

- Angelo's POV -

Nasa kalagitnaan ako ng 5 minutes break ko ng biglang tumunog ang phone ko. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong ang bunso pala naming kapatid iyon.

"Hello, kuya?"

"Ohh, bakit?"

"Kasi, kuya... Si Ate Finnei, pinasundo nila Mommy. Nandito sya ngayon sa bahay."

"Nandyan lang pal--- ano?!" Gulat kong tanong.

"Sorry, kuya."

"Iuwi mo na si Finnei, Ash. Please."

"Pero, kuya--- Hello? Angelo, wag ka na mag-alala, kaming bahala sa mag-ina mo."

"Mom, lalo akong nag-aalala, ehh." Nakangiwi kong sabi.

"Bye, we're having fun. Here, talk to your wife. --- Hello?"

"Hello, bae? Are you ok?"

"I'm fine. Completely ok. Don't worry, wala naman kaming ginagawang makakasama sa amin ni baby. Naglalakad-lakad lang naman kami tapos mamaya magyo-yoga kami ni Tita."

"Basta kapag napagod ka, sabihin mo agad kay Mommy. Wag kang magpagutom, may crepe cake ka ba dyan? Gusto mo dalhan kita?"

"Yes, please."

"Ok. Bye."

"Sige. Bye. I---"

"Huh?" Taka akong napatingin sa screen ng phone ko dahil hindi ko na narinig ang sinabi nya. Napabuntong-hininga ako dahil alam kong dadamdamin nanaman ni Finnei iyon mamaya.

'Babawi nalang ako mamaya.'

- Finnei's POV -

Parang nanghina ako bigla ng babaan nya ako agad. Hindi ko pa nga tapos sabihin ang 'I love you'. Napabuntong-hininga ako at ibinalik kay Ashiro ang phone nya.

"Ate, ok ka lang?" Tanong ni Ashiro.

"Wala to, ok lang ako." Sagot ko tapos binigyan sya ng pilit na ngiti.

"Gusto mo bang gumawa tayo ng crepe cake?" Biglang tanong ni Tita Angel. Bumalik naman agad ang mood ko dahil sa crepe cake na narinig ko at sunod-sunod na tumango ng may ngiti sa labi.

Inakay nya ako papunta ng kusina tapos pinahanda lahat ng mga sangkap na gagamitin. Habang hinahanda ng mga katulong nila ang mga sangkap ay nag-uusap naman kami ni Tita.

"Bakit parang bigla kang nanghina kanina? Anong sinabi kanin ni Angelo?" Tanong ni tita.

"Sabi nya, pupunta daw po sya dito." Sagot ko.

"Ayaw mo bang nandito sya?" Tanong pa ni tita.

"Gusto po, pero binabaan nya po kasi ako agad hindi pa nga po ako tapos sa sinasabi ko." Sagot ko.

"Ahh... Nakakainis nga ang ganon, bigla ka nalang babaan pero hindi ka pa naman tapos." Natatawang sabi ni Tita. "Naku, mahal. Masyadong clingy ang manugang ko." Sigaw ni tita sa asawa nya.

"Oo nga, parang ikaw." Sabi naman ni Tito. Inirapan lang sya ni tita tapos kami naman ay sinimulan na ang paggawa ng crepe cake.

NANG matapos kami ay biglang may dumating. Biglang dumating sila Renzo at Rehana, pinsan nila kuya. Nakangiti silang lumapit at nagmano kila tito at tita tapos kumaway sa akin.

"Ohh, napadaan kayo?" Tanong ni Tito.

"Dinala lang po namin yung gamit ni ate Angeline na naiwan sa café kahapon. Pumunta po kasi sya doon para bumili ng crepe cake." Nakangiting sagot nya.

"Kumain muna kayo, ginawa namin to ng ate Finnei nyo." Sabi naman ni Tita. Tumanggi naman sila dahil may pupuntahan pa daw sila tapos doon na dumating si kuya.

"Ohh, Angelo? Wala ka nang trabaho?" Tanong ni Tito.

"Nag-halfday lang ako. Nandito kasi sa inyo ang asawa ko, ehh." Sabi nya habang nililiitan ng mata ang ina nya.

"Bakit? Wala naman akong gagawing masama sa anak at asawa mo." Natatawang sabi ni Tita.

"Wala nga, mom. Papagurin mo naman ang asawa ko." Ganon parin sya.

"Ok lang naman ako, ehh." Nakanguso kong sabat.

"See, she's ok." Natatawang sabi parin ni Tita.

"Here, dinalhan kita ng crepe cake." Sabi nya tapos inilapag sa harap ko ang crepe cake na dala nya.

"Crepe cake nanaman?" Parang nandidiring sabi ni Ashiro.

"Shut up, lil bro. Yan kasi ang pinaglilihian nya kaya gustong-gusto nyang kumain nyan palagi." Masungit na sabi nya sa kapatid nya.

"Gumawa din kaya sila ni Mommy nyan, tapos binilhan mo pa." Sabi pa nya tapos umiiling-iling.

"Buti hindi ka tumataba?" Tanong ni Tita.

"May bata po kasing nakikikain din." Natatawang sabi ko, nakitawa naman sya sa akin.

"Kumain ka na. Ubusin mo na yang nasa plato mo, tapos uuwi na tayo." Sabi pa nya. Umupo sya sa tabi ko tapos inakbayan ako.

"Tatlong cake kaya ang ginawa nila." Sabat ni Ashiro.

"Edi, dadalhin namin yung dalawa." Sabi naman ni kuya.

"Dalawa?" Gulat kong tanong sa kanya.

"Oo, ginawa nyo ni Mommy yon, ehh."

"Ohh, kumain ka muna. Tikman mo muna ang ginawa namin ng asawa mo." Sangit ni Tita tapos inabot sa kanya ang isang hiwa ng cake.

"Masarap?" Tanong ko ng makasubo sya.

"Hmm. Masarap." Tumango-tango nyang sabi.

"Kelan nga pala ang kasal nila Zeir, anak?" Tanong ni Tito.

"Bago daw mag-dalawang buwan si Jenny." Sagot ni Kuya.

"Ehh, kayo? Kelan nyo gustong magpakasal?" Tanong naman ni Tita. Nilingon ko naman sya, nagkibit-balikat lang si kuya tapos sumubo muna bago sumagot.

"Pagkatapos nalang siguro manganak ni Finnei, mom." Sagot nya pagkatapos nilingon ako. Nakangiti naman akong tumango pero deep inside, parang ayoko.

- Angelo's POV -

Nang makauwi kami ni Finnei ay agad syang kumain ulit ng cake. Nagtataka ako kasi habang kumakain sya ay hawak nya ang phone nya at parang hindi nya ito mabitiwan.

Hindi kasi sya ganon. Pagkakain sya o kahit ano pang gagawin nya, hindi nya hinawakan ang cellphone nya, lalo na kapag kakain sya. Pasimple akong lumapit at naupo sa tabi nya.

At doon ko nga nakita kung anong ginagawa nya. Naghahanap sya ng magandang recipe sa crepe cake at kausap ang mga kaibigan namin. Pasimple naman akong natawa.

'Talagang malakas ang tama ng crepe cake sa kanya, talagang iyon pa ang pinaglihian nya.'

'Third Generation'

Angeline: Baka naman may pa alak kayo dyan?

Zeir: Buntis si Jenny, hindi ko sya papayagang uminom.

Chanel: Talagang hindi sya iinom. Ayokong makunan ang future kumare ko.

Jenny: Hindi pa nga lumalabas, ehh.

Zeir: Shut up already, oras na ng afternoon nape ni Jenny.

Chanel: Bye, sis.

Finnei: Pwede po bang magtanong?

Lander: Bakit? Pinalayas ka ba ni Angelo?

Angeline: Anong nangyari?

Finlay: Hayaan nyo na sya, desisyon nya yan, nakaya nya ngang magdesisyon mag-isa. Kayanin nya ang problema, ng mag-isa.

Nagulat ako ng biglang humagolgol si Finnei.

'Siguro dahil sa nabasa nya.'

"Finnei, bae, it's ok." Pagpapatahan ko sa kanya.

"S-Si kuya..." Naiiyak nyang sabi tapos yumakap sa akin. Hinayaan ko syang yakapin ako hanggang sa tumahan na sya.

"Halika na, kain nalang tayo ng lunch." Sabi ko tapos inakay sya papunta ng kusina. Inalalayan ko syang umupo saka ako naupo sa tabi nya.

KINAGABIHAN ay sabay kaming naligo dahil masakit daw ang paa nya at di sya masyadong makatayo kaya naman binuhat ko nalang sya papunta sa banyo.

"Ok ka na ba?" Tanong ko ng makatapos kaming maligo.

"Ok na." Sabi nya tapos ngumiti sa akin.

"Bae, may gusto ka bang kahit ano?" Tanong ko pa dahil nag-aalala talaga ako. "Gusto mo ba ng crepe cake?" Tanong ko pa.

"Sige." Pilit na ngiti na ang iginanti nito sa akin. Lumabas ako saglit at kumuha ng crepe cake tapos bumalik ulit sa kwarto.

"Here." Sabi ko tapos iniabot sa kanya ang cake. Kaagad naman nya iyong kinuha tapos tumabi ako ng upo sa kanya. "Bae, wag mo nalang damdamin ang mga sinasabi ng kuya mo. Nagtatampo lang yon kasi bigla nalang nyang nalaman na... na buntis ka... na nabuntis kita."

"It's not your fault." Bigla nyang sabi.

"Hmm... But still, I'm sorry." Sensero kong sabi. Ngumiti sya sa akin tapos hinalikan ako, at ang simpleng halik lang, naging malalim.

- To Be Continued -

(Wed, June 16, 2021)