Chapter 5 - 5 Chapter 4

Chapter 4

- Angelo's POV -

Nakaupo ako sa tabi ng asawa ko habang nakaharap sya sa laptop nya at kausap ang mga kaibigan namin. Panay ang hagikgik nya dahil sa kapatid nyang napipikon sa kapatid ko.

"Ayoko nga!" Sigaw ni Finllein. Napalingon naman ako sa asawa kong masarap pakinggan at panuuring humagikgik.

"Kunwari pang ayaw nya." Pang-aasar pa ni Angeline.

"Hoy, Ange. Tama na, baka sumabog na sa kilig si Llein." Panunukso din sa kanya ni Jenny.

"Bakit ako lang ang binubully nyo? Bully-hin nyo din kaya si Ashiro. Sya kaya ang bigla umamin sa harap ko." Na-aasar paring sabi ni Finllein.

"Tulog sya, ehh. Pinatulog muna ni Mommy." Natatawang sabi ni Angeline.

"Baka naman matunaw si Finnei nyan, Angelo." Nanunuksong sabi ni Chanel. Sinamaan ko sya ng tingin tapos hinalikan ang si Finnei bago ako tumayo at naghanda ng pagkain namin.

'Psh. Killjoy.'

- Finnei's POV -

Sinundan ko ng ting ang pag-alis ni kuya bago ko binalik ang paningin ko sa laptop ko. Nang magbalik ako ng tingin ay nag-aasaran parin si ate Angeline at ang kapatid kong bunso.

"Asus! Kunwaring pang ayaw nya---"

"Ayoko nga kasi sa kanya!" Sigaw nanaman ni Finllein pero nagulat kami ng may biglang tumunog na may umalis sa amin.

"Sinong umalis?" Tanong ko.

"Hala! Narinig ka ni Ashiro, Finllein. Lagot ka." Pananakot naman ni ate Angeline. Bumuntong-hininga naman si Finllein tapos bigla ding umalis.

"Muhkang nainis na talaga sya." Nakangiwing sabi ni ate Angeline.

"Paganyan-ganyan lang naman ang mga yan. Sa una, aayaw. Pero sa huli, gusto din naman pala. Kaya nga buntis na ang magaling kong kapatid, diba? Ibinigay agad ng hindi pa nagiging sagrado ang pagsasama nila." Masungit na sabi ni kuya. Napaiwas ako ng tingin para hindi nila mahalatang may namumuo nang luha sa mga mata ko.

"Ayan ka nanaman, Finlay! Kagaya nga ng sinsabi mo, buntis ang kapatid mo tapos ganyan pa ang ginagawa mo? Gusto mo bang makunan sya?" Panenermon sa kanya ni Ate Angeline.

"Bakit? Totoo naman ang sinabi ko, diba?"

"Tumigil ka na, Finlay. Kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko, hindi ko alam ang magagawa ko sayo." Biglang sabat ni Kuya Angelo sa likod ko. Nilingon ko sya pero diretso at matalim ang tingin nya sa laptop ko.

"Isa ka pa, kung makabanta ka parang marunong kang makinig sa banta sayo, ahh? Ano bang pakialam nyo kung pagsabihan ko ng ganon ang kapatid ko?" Mayabang at galit na sabi ng kuya ko.

"Ano bang hindi mo maintindihan sa buntis nga sya? Sa bagay, hindi mo talaga maiintindihan yan dahil selfish ka." Nagpipigil ng galit na sabi ni Kuya Angelo. Nagpapalitan naman ako ng tingin sa laptop ko at sa asawa ko.

"Ikaw kaya itong hindi marunong makaintindi at selfish. Selfish ka kasi ginamit mo sya para sa sariling pangkaligayahan mo, ginamit mo lang ang kapatid ko at ikaw ang hindi makaintindi dahil sarili mo mismo hindi mo maintindihan! Aminin mo na kasing hindi mo mahal ang kapatid ko at kaya mo ginagawa yang mga palabas mo dahil ayaw mong makulong!" Galit na sigaw ni kuya.

"Bakit nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?!" Sigaw naman ng asawa ko.

"Tama na..." Mahinang sabi ko. Mabilis naman syang humarap sa akin tapos isinara ang laptop ko.

"Are you ok, bae?" Nag-aalala nyang tanong. Tumango-tango ako bilang sagot sa tanong nya at parang nakahinga naman sya ng maluwag.

"Gusto ko ng crepe cake, kuya..." Mahina kong sabi.

"Sige, kukuhanan kita, ok?" Sabi nya. Tumango ako bilang sagot tapos tumayo na sya para kuhanan ako ng cake. "I'm sorry sa narinig mo. Masyado nang praning ang kuya mo, hindi ko alam kung bakit nya naisip iyon." Mahinang sabi ng asawa ko ng makabalik sya sa tabi ko.

"Ok lang. Ganon talaga mag-alala ang kuya ko." Mahinang sabi ko.

"Grabe naman sya kung ganon."

"Ok lang naman ako." Pangungumbinsi ko parin sa kanya. Lumapit sya sa akin para yakapin ako, nagpaigaya naman ako.

KINABUKASAN ay napansin kong parang kakaiba ang kilos ni kuya. Parang may hindi sya masabi at parang may gusto syang gawin pero hindi nya masabi sa akin.

Nang maubusan na ako ng pasensya sa kakaikot-ikot nya sa buong bahay namin ay naglakas-loob na akong tanungin sya kahit parang wala syang balak mag-salita at magpaikot-ikot nalang.

"Kuya? May hinahanap ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"May alam ka bang magadang lugar?" Tanong nya na ipinagtaka ko.

"Bakit?" Tanong ko.

"Gusto ko lang malaman. Nagtatanong kasi si Doc. Gomez, dadalhin nya daw sa date ang girlfriend nya." Sabi nya.

"Ahh... Kung mag-di-dinner date sila, pwedeng doon nalang sila sa restaurant ng triplets na Roles. Pwede kung gusto nilang tahimik doon nalamg sila sa park na malapit lang dito." Sagot ko.

"Ehh, ikaw? Saan mo gusto pumunta?" Biglang tanong nya na ikinagulat ko.

"Ha?" Gulat kong tanong.

"Sabi ko, saan mo gustong pumunta?" Pag-ulit nya ng sinabi nya.

"Kahit saan, basta hindi mo kakalimutan yung crepe cake ko." Nakangiti kong sabi.

"Alam mo ba kung anong meron sa araw na to?" Bigla nyang tanong. Napakunot naman ang noo ko.

"Ano bang araw ngayon?" Balik ko ng tanong sa kanya.

"Saturday." Sagot nya. Sandali akong nag-isip at bigla kong naalalang ngayon pala iyon.

"It's your birthday." Masayang sabi ko. Nakangiti naman syang tumango-tango sa akin tapos niyakap ako.

"Gusto mo bang lumabas?" Tanong nya. Sandali akong nag-isip at doon na ako pumayag.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Ikaw bahala." Nakangiting sabi nya.

"Shopping tayo. Malapit nang lumabas si Baby, five months na sya." Natutuwa kong sabi habang hinahaplos ang tyan ko.

"Oo nga, ehh. Nag-iipon pa nga ako para sa kasal natin tapos kasama na din yung sa panganganak mo." Natatawang sabi nya pero hindi maintindihan kung bakit sya tumatawa, hindi naman iyon nakakatawa. "By the way, tapos na pala ang bahay. Ang kailangan nalang nating gawin ay bumili ng mga kailangan."

"That's great." Natutuwa kong sabi.

"Sige na. Maligo na tayo pagkatapos mag-sho-shopping na tayo." Nakangiting sabi pa nya tapos inalalayan ako papunta ng kwarto.

SOBRANG laki ng ngiti ko ng makapasok kami ng asawa ko sa loob ng mall. Agad kaming naglakad at nag-ikot-ikot habang nag-uusap ng kung ano-anong bagay.

"Sabi ni Doc., pwede na daw malaman ang gender ng baby natin next session natin." Natutuwa sabi ko.

"Talaga? Sasamahan kita sa next session nyo." Natatawang sabi nya.

"Wait, ito maganda to kapag babae ang baby natin." Sabi ko habang nakatingin sa isang kulay pink na kuna.

"Maganda nga, pero hindi naman tayo sure kung babae ba sya." Sabi naman nya. Napanguso naman ako dahil sa sinabi nya. Naglakad-lakad pa kami hanggang biglang may tumawag sa amin.

"Finnie! Angelo!" Sigaw galing sa likod namin. Nang humarap kami ay sila ate Jenny pala iyon at ang asawa nyang si kuya Zeir.

"Ohh? Nandito din pala kayo?" Tanong ng asawa ko.

"Oo. Ito kasi, gusto daw tumingin ng mga damit. Ehh, hindi pa nga sya nag-iisang buwa't kalahati." Sabi ni kuya Zeir.

"Ang laki na ng tyan mo, Finnei." Natutuwang sabi sa akin ni ate Jenny. "Kelan ang labas?"

"Sa February po." Magiliw kong sagot.

"You know what, total malapit na din kayong lumipat sa D' Villas, Why don't you visit me? Just have a girls thingy, ganon?" Magiliw paring nyang sabi. Agad naman akong pumayag dahil alam kong makakabuti iyon dahil pareho kaming nagdadalang-tao.

"Sige, ate." Sagot ko sa kanya.

"Ate?" Tanong ni ate Jenny tapos lumingon sa mga asawa namin.

"Doon kasi sya nasanay. We're one year older than her." Paliwanag naman ng asawa ko.

"Ohh, is that so?" Tanong nya naman sa akin. Tumango-tango naman ako.

"She's also calling me kuya." Parang nanghihinang sabi ng asawa ko.

"Ouch. That's hurt, bro." Natatawang sabi ng asawa ni ate Jenny. .

"Shut up, Zeir." Napipikong sabi ng asawa ko.

- To Be Continued -

(Wed, June 16, 2021)