Chapter 1
- Finnei's POV -
Nakaupo kami ni Kuya Angelo sa couch habang sapo nya ang noo nya. Pinagalitan kasi sya kanina ng mga magulang namin dahil nalaman nila ang pagbubuntis ko.
Tatlong buwan na akong buntis ngayon. Mahigit tatlong buwan din naming tinago ang pagbubuntis ko. Hindi kasi pwedeng malaman ng media na nag-dadalang-tao ako dahil baka mawala ang trabaho ko.
Kaso biglang may lumabas na article at ayon nga. Ito na kami ngayon, pinagalitan na ng lahat. Magkatabi kami ngayon habang sapo parin nya ang noo nya.
"Kuya..." Mahinang tawag ko sa kanya. Bahagya nya akong nilingin at binigyan ng nagtatanong na muhka. "Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nag-iwas lang sya ng tingin. Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang tyan kong tatlong buwan ko nang dinadala.
"Ok lang. Magpahinga ka na, gabi na. Bukas magpapa-check-up tayo." Malamug nyang sabi tapis lumabas muna at pumunta sa may teresa ng condo nya.
Actually, nandito kami ngayon sa condo ni kuya at dito na daw muna kami titira sabi nya. Hindi pa daw kasi tapos yung bahay na pinapagawa nya sa D' Villas.
Ang D' Villas, village iyon na exclusive lang sa mga lalaking member ng Dynasty. Sila lang daw ng pwedeng magpagawa ng bahay doon at ayon, nag-uunahan na silang magpagawa ng malaman nilang sa kanila lang iyon.
Pumasok na ako ng kwarto at hinayaang dapuan ang antok pero hindi ako makatulog. Hibdi ko alam kung ilang minuto na akong nakahiga pero hindi parin ako dapuan ng antok.
Pumasok na si kuya at tumabi na ng higa sa akin. Niyakap ny ako mula sa likod at ang kamay nya ay naroon sa tyan ko. Dahan-dahan nyang hinimas iyon tapos hinalikan nya ang pisnge ko.
"Good night, Finnei. Wag ka nang magpuyat dahil baka malaglag ang anak natin. Sabi ni doc noong una tayong mag-pa-check-up, mahina ang kapit ng bata kaya magpahinga ka na." Paalala nya at panenermon nya sa akin. Humarap ako sa kanya at hinalikan sya sa labi.
"Kuya, gusto ko ng crepe cake." Nag-uutos kong sabi.
"Sige, ibibili kita pero dapat matulog ka na pagkatapos, ok?" Masungit nyang sabi.
"Ok." Nakangiting tanong ko. Lumabas sya ng kwarto at makalipas ang ilang minuto ay bumalik syang may dalang crepe cake.
"Here." Sabi nya tapos kinuhaan ako ng kutsara tapos ibinigay sa akin. Pagkabigay nya ay agad ko din namang kinain ang crepe cake na binili nya.
Nang maubos ko ang buong crepe cake ay sabay kaming pumasok ulit sa kwarto. Makapasok kami sa loob ng kwarto ay agad nya akong pinahiga saka sya tumabi sa akin.
Kinabukasan ng magising ako ay umatake nanaman ang morning sickness ko pagkagising na pagkagising ko palang. Matapos kong magsuka sa bathroom ay lumabas ako ng kwarto.
Paglabas ko ay nandoon sa kusina si kuya, nagluluto. Nang makita nya ako ay agad ko syang kinitaan ng pag-aalala sa muhka nya. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko sya mula sa likod.
"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" Tanong nya sa akin.
"Medyo nahihilo lang pero ok naman ako." Sagot ko sa kanya. Inihain na nya ang pagkain habang nasa likod nya ako saka nya ako pinaupo.
"Bilisan mo na ang kilos mo, may duty pa ako." Sabi nya bago naupo sa tabi ko. Tinulungan nya akong hiwain ang pagkain ko saka nya ako hinayaang kumain ng mag-isa.
NAKAUWI na ako. Si kuya naman ay dumiretso sa ospital na pinagta-trabahuan nya. Dahil wala akong magawa dito at naisipan kong tignan muna ang phone ko.
'Third Generation'
Angeline: How's my sister-in-law?
Chanel: Sana All may sister-in-law.
Ara: Naiingit yung isa dyan.
Chanel: Shut up!
Finnei: Ok lang po ako. Medyo ok na daw po si Baby, ehh.
Finllein: Ate, can I go at your place?
Finnei: Of course.
Angelo: Matulog ka na, Finnei. It's your afternoon nap.
Finnei: Kuya? May duty ka?
Angelo: May 2 mins break ako. Sige na, bibilhan kita mamaya ng crepe cake.
Binaba ko na ang phone ko ng tumunog ang doorbell at ng tignan ko kung sino iyon ay ang kapatid ko pala iyon. Nakangiti itong pumasok at may dala pang crepe cake.
"Kumusta ang ate ko?" Tanong nya habang pumupulupot nanaman sa akin.
"Finllein, wag ka nang yumakap. Mainit." Reklamo ko. Agad naman syang bumitaw at naupo nalang sa harap ko.
"Kumusta na ang pamangkin ko?" Tanong nya habang nakatingin at nakangiti sa tyan ko. Napalingon ako sa tyan ko at hinawakan iyon bago sumagot sa kanya.
"Ok naman. Nagagalit nga yung Daddy nya kasi pasaway daw ako masyado." Natatawang sabi ko.
"Inaaway ka parin ba ng asawa mo, ate?"
"Hindi ko pa sya asawa, Llein."
"May anak na kayo. Asawa mo na sya." Mataray nyang sabi.
"Pahingi nalang ako ng crepe cake." Sabi ko na mabilis nya namang sinunod. Nang maibigay nya sa akin ng strawberry flavored crepe cake na binili nya ay agad kong nilamtakan iyon.
"Ate, hindi ka ba nade-depress dito? Hindi ka kaya sanay mag-isa. Tyaka mas kailangan mong may kasama kasi nagbubuntis ka."
"Ok lang naman. Hindi namab inaabot ng 10pm sa labas si Kuya Angelo. Tyaka, mas gusto kong mapag-isa para masanay ako." Sabay kaming napatigilan ng tumunog ang phone nya.
Nagkatinginan muna kami bago nya sagutin ang tawag. Sandali syang may kinausap bago nya ibinaba ang telepono nya. Agad ko naman syang tinanong.
"Anong problema?" Tanong ko.
"Nagpatawag ng press conference si tito. Kailangan mo daw magpakita para kompirmahin na ang pregnancy issue mo." Bakas sa tono nya ang pag-aalala.
"Sige." Pagpayag ko. "Just give me, 2 minutes." Sabi ko tapos pumasok ng kwarto.
HUMINGA muna ako ng malalim bago ako bumaba ng kotse. Nang makababa ako ay nagkalat ang mga pagkislap ng mga flash galing sa mga camera ng mga reporter, paparazzi, at iba pa.
Taas-noo akong naglakad papasok habang kasunod ang mga tao. Nandoon na ang mga mahahalagang tao sa loob ng agency ko habang may dalawang bakanteng upuan para sa amin ni Finllein.
Sabay kaming pumunta ni Finllein doon at sabay din kaming naupo sa mga bakanteng upuan at taas-noong humarap sa mga taong nasa harap namin. Kaaramihan sa kanila ay mga fans ko.
"Good morning, everyone. We are now here to announce the real status of our beloved model, Finnei. Pwede na kayong magtanong ng mga gusto nyong itanong sa isa sa mga star model ng D' Entertainment." Sabi ng Emcee. Agad na nag-taas ng kamay ang lahat pero isa lang ang pinili nya.
"Ano po bang totoong lagay nyo?" Tanong ng isang reporter. Tumikim muna ako bago ako sumagot sa tanong nya.
"I'm... Three months pregnant." Pagkompirma ko. Agad na naging maingay ang crowd dahil sa bulungan ng lahat bago nagtaas ulit ang ilan ng kanilang mga kamay.
"Sino po ang ama? Totoo po bang si Van Carlos ang ama ng dinadala nyo?" Tanong nya. Napakunot naman ang noo ko.
"No." Sabi ko habang umiiling-iling pa.
"Totoo po bang nag-da-date kayo ni Van Carlos?" Tanong naman ng isa.
"No. Bago pa ako magbuntis, I already dating with someone else." Sagot ko.
"Totoo po bang si Doc. Angelo ang dini-date nyo?" Tanong naman ng isa.
"Yes..."
"Kelan po ang kasal nyo?"
"We're not yet talking about that." Sagot ko.
"Ok. Tama na ang tanong." Pagtatapos ng emcee. Agad akong naglakad papunta sa labas habang maraming body guard ang nakapaligid sa akin.
- Angelo's POV -
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad, kakagaling ko palang sa isang pasyente ng bigla akong mapalingon sa tv. May balita kasi ngayon at tungkol nanaman kay Finnei.
"Nandito po tayo ngayon sa loob ng D' Entertainment, live. Biglaan kasing nagpatawag ng press conference ang CEO ng nasabing companya ukol sa issue na kinahaharap ng sikat na modelong si Finnei." Panimula ng reporter tapos biglang nakaharap na kay Finnei ang camera.
"Ang ganda talaga nya, ano?"
"Oo. Akala ko nga may pag-asa na ako, ehh. Kaso parang wala na, buntis na, ehh." Rinig kong usap ng dalawang kasama kong doktor.
"Ano po bang totoong lagay nyo?" Agad na tanong ng isang reporter, walang ano-ano pa.
"I'm... Three months pregnant." Walang paligoy-ligoy na sagot ni Finnei. Napakuyom naman ang kamao ko.
'Pasaway ka talaga, Finnei.'
"Totoo ngang buntis nya." Rinig kong komento ng isang nurse.
"No." Maikling sagot nya sa tanong ng isang reporter.
'Ako lang kasi ang naka-date nya.'
"No. Bago pa ako magbuntis, I already dating with someone else." Sagot nya nanaman sa isang tanong ng isa oang reporter.
'Yeah, that's me.'
"Totoo po bang si Doc. Angelo ang dini-date nyo?" Tanong naman ng isa.
"Yes..." Nang maisagot iyon ni Finnei ay ang lahat ay napalingon sa akin na may nagtataka at gulat sa muhka.
"What?" Tanong ko. Maglalakad na sana ako ng biglang matigilan ako sa sumunod na tanong.
"Kelan po ang kasal nyo?"
"We're not yet talking about that." Maikli at halata ang sakit sa boses nya. Naglakad na ulit ako at hindi nalang pinansin ang mga matang nakatingin sa akin.
"Ohh, kuya?" Sa pagpapatuloy ko sa paglalakad ay nakasalubong ko na ang kapatid ko.
"Bakit?" Maikling kong tanong.
"Tapos na ang duty mo, ahh? Hindi ka pa ba uuwi? Alas-singko na, ohh." Sabi nya.
"I'm on my way home, Angeline. Suddenly, you call me." Masungit kong sabi.
"By the way, tumawag si Finllein kanina. Tumaas daw ang BP ni Finnei kanina dahil masyadong na-stress doon sa mga tanong nung mga reporters." Sabi nya. Napailing-iling naman ako.
'Pasaway kasi.'
- Finnei's POV -
Napatingin ako sa pinto kasi akala ko bumalik si Finllein pero mali ako. Si kuya pala iyon habang nakatingin sa akin ng 'ayan-kasi-look'.
"Ohh? Ano? Pasaway ka kasi. Sabing wag ka munang magpapa-interview kasi maii-stress ka lang pero anong ginawa mo? Sinaway na kita tapos ano? Hindi sumunod?" Masungit nyang sabi.
"I'm sorry, kuya." Sensero kong sabi.
"Next time, makinig ka naman sa asawa mo, Finnei. Hindi naman ako nagsasabi ng ganyan dahil lang sa wala. Matuto kang makinig sa akin, Fin. Kayo lang naman ng anak natin ang inaalala ko." Sabi nya pa. Lalo naman akong napipi sa kinauupuan ko.
"Sorry..." Naiiyak ko nang sabi.
"Wag mo kong iyak-iyakan, Finnei. Hindi mo maalis nyan ang inis ko." Sabi nya bago ko maramdaman ang pag-angat nya sa muhka ko tapos hinalikan ako. Nang bitawan nya ako at binigyan nya ako ng kutsara.
"Kuya..."
"Shh... Oo na, kumain ka na lang. Magbibihis lang ako." Sabi nya saka ako iniwan sa sala. Naluluha akong sumubo ng cake na binili nya tapos bigla naman nabawasan non ang nararamdaman ko.
Pero hindi ko alam kung bakit patuloy parin ako sa pag-iyak. Nang makalabas si kuya ay taka itong tumingin sa akin tapos tinaasan ako ng kilay.
"Bakit umiiyak ka parin?" Tanong nya tapos nilapitan ako at sya ang nagpunas ng luha ko. "Why are you crying, bae?" Tanong nya.
"Galit ka kasi sa akin, ehh." Naiiyak ko paring sabi.
"Of course not. Naiinis lang ako kasi hindi ka nakikinig sa akin." Paliwanag nya. Yumakap ako sa kanya at niyakap nya din ako at hinalikan pa ang noo ko. "Wag ka nang umiyak dahil baka may mangyari sa anak natin kakaiyak mo." Sabi nya.
- To Be Continued -
(Sun, June 13, 2021)