Chereads / Elise and Andrew (Tagalog) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4

- Andrew's POV -

Masaya akong gumising ng umagang iyon. Kumain kami ng agahan, sabay na naligo, at masaya kaming bumyahe dahil kikitain namin si Engineer Santos. Makalipas ang ilang minutong pagsakay sa kotse ay narating na din namin ang cafe na pagkikitaan namin.

Pagdating namin ay naroon na si Engineer Santos. Nakaupo na sya malapit sa may glass-window. Masaya kaming bumaba ni Elise sa kotse at masayang tinungo ang kinaroroonan ng ka-meeting namin.

"Good afternoon, Mr. Hewitt." Bati nya sa amin ng makalapit kami.

"Good afternoon." Malamig kong saad. Tumingin sa akin ang asawa ko at kinindatan ko lang sya. Tumango naman sya na parang naiintindihan ako.

"Who's this beautiful woman?" Tanong sa kanya ni Mr. Santos.

"She's married. And she's my wife." Malamig na saad ko.

"Oww. Hi, Mrs. Hewitt. Nice to meet you." Saad ni Mr. Santos habang nakangiti sa asawa ko. Nginitian lang sya ng asawa ko at nakita kong inirapan nya din ito pagkatapos. Palihim akong natawa.

"Wag mong ipagsasabing may asawa na ako, please." Saad ko pero malamig parin.

"Ok lang." Nakangiting saad nya at tumango-tango.

"So... Let's start?" Parang naiinip na saad ng katabi ko.

"Of course." Saad ni Mr. Santos. At ganon nga ang nangyari. Nag-usap kaming tatlo at hangggang sa matapos kami. Makangiti lang ako muli noong nandoon na kami ni Elise sa kotse.

"Bakit ang cold mo kanina?" Tanong ni Elise habang nasa byahe kami pauwi.

"Nasanay po. Ganon kasi ang personality ko kapag kaharap ang ibang tao maliban sa asawa ko." Makangiting sagot ko.

"Mas gwapo ka kaya kapag nakangiti ka. Lumalabas dimples mo." Nakangiting saad nito na lalong nagpangiti sa akin.

"Basta ang sweet at adorable side ko ay para lang sa wife ko." Nakangiting saad ko at inirapan nya lang ako.

"Ewan sayo." Saad nito at umirap ulit.

"I love you." Malambing kong saad.

"Tsk! I love you more!" Malakas na saad nito at magkakrus ang brasong sumandal sa kinauupuan nya. Natahimik na kami pagkatapos noon pero naiwan parin ang mga ngiti namin sa labi. Pagkadating namin sa bahay ay napag-desisyonan naming magtampisaw sa swimming pool.

Maya-maya pa ay bigla syang lumapit sa phone ko at inis na tiningnan ako.

"Sagutin mo nga yang Arry nayan! Kanina pa yan, ha!" Inis na saad nito at inirapan ako. Hindi ko naman alam kung ano ang uunahin, kung ang phone ko ba o ang asawa ko. Wala sa sariling lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"Si Arry, kapatid ko yon. At lalaki po sya." Malambing kong saad.

"Ehh, bakit mo sinasabi sa akin?" Masungit nitong saad.

"Kasi nagseselos ka." Saad ko, walang halong pang-aasar.

"Ako? Nagseselos? Hindi kaya! Pag-untugin ko pa kayo ng kapatid mo!" Sigaw nito na nagpatawa sa akin. Inis syang humarap sa akin. "Anong nakakatawa, Mr. Hewitt?" Inis nyang saad.

"Wala. Ang cute mo lang magselos." Malambing kong saad habang nakangiti.

Di ako matitiis nito. Nakalabas dimples ko, ehh.

"Tsk! Sagutin mo na. Baka importante iyon." Malambing nitong saad.

Sabi na, ehh.

"Ok po." Nakangiti kong saad at hinalikan sya sa pisnge tyaka lumapit sa phone ko. Nagulat ako ng makita kung ilang missed calls meron doon. 100 missed calls at 47 messages from Ace and Arry. Biglang tumunog ulit ang phone ko at dali-dali kong sinagot iyon.

"Hay. Kuya, buti sumagot kana." Parang nakahinga ng maluwag si Arry

"Ano ba yon?" Tanong ko sa malamig na paraan pero nakangiting nakaharap sa asawa ko.

"May kumakalat kasing balitang... Bakla ka daw." Saad ni Arry. Nagulat naman ako.

"Ano? Pano nangyari iyon? Sinong nagkakalat?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ewan ko. Ipapadala ko sayo iyong picture na nakita kang may kasamang lalaki." Saad ni Arry.

"Sige."

"Bakit hindi ka nga pala pumasok, kuya?" Tanong ni Arry. Napatingin naman ako sa asawa kong nagtatampisaw parin sa tubig.

"I have a very important to do. And you don't have the right to ask me about it." Makapangyarihang saad nya. Hindi naman umimik ang kabilang linya.

"O.... Kay." Lang ang naisagot sa kanya ng kapatid nya mula sa kabilang linya.

"Sige na. May ginagawa pa ako." Palusot ko at ibinaba. Inantay ko muna ang litratong ibinigay nya at nagulat ako.

"Ano yan?" Muntik ko ng mahagis ang phone ko dahil doon.

"Ahh. May nagkakalat kasing bakla ang mister mo." Saad ko dito. Napasimangot naman sya.

"Sino? Dali, susugodin yan ng misis mo." Malambing na saad nito.

"Hindi ko alam, ehh." Saad ko at tiningnan ulit ang litrato.

"Si Santos yan, diba?" Tanong nito at tumango.

"Matalino ang kumuha nito. Doon lang sya kumukuha kapag ngumingiti ako dahil sayo." Saad ko.

"Nakangiti ka ba dyan? Parang tanga ka nga dyan ehh." Pang-aasar nito habang nakangisi.

"Tsk! Kung sino man ang gumagawa nito. Lagot sya kay Mr. Andrew Hewitt." Mayabang kong saad.

"Mas lagot sya kay Mrs. Elise Gonzales-Hewitt." Mayabang ding saad nito. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa natawa kami pareho.

"Muhka tayong tanga." Saad ko.

"Ikaw lang, tanga." Saad nito na ikinasimangot ko. Niyakap nya naman ako. Nagulat ako ng bigla syang bumitaw at tumakbo papasok ng bahay.

"Elise?!" Tawag ko sa kanya at sumunod sa loob. "Elise? What happened? Hey, are you ok?" Tanong ko dahil bigla nalang syang sumuka ng sumuka sa lababo dito sa kusina. "Hey, ano bang nangyayari sayo?" Tanong ko habang hinahagod ang likod nya habang sya ay sumusuka parin.

Hindi na ako nagsalita at hinayaang isuka nalang nya ng isuka. Hanggang sa matapos sya ay inilalayan ko syang maupo dahil parang hinang-hina na sya. Nang makaupo sya ay lumapit ulit ako sa lababo at kinuhaan sya ng tubig at ipinainom sa kanya.

"Are you ok?" Tanong ko ulit.

"Ok ba ako sa tingin mo?" Mataray at nanghihinang saad nito.

"Sorry po." Malambing kong saad. "Tara. Akyat na tayo. Magbihis na tayo at ipapatingin kita sa doktor. Baka kung ano na yan." Nag-aalalang saad ko at inakay sya sa taas.

Pag-akyat namin ay tinulungan ko syang magbihis pagkatapos ay sarili ko naman ang binihisan ko habang nakahiga sya sa kama. Bigla syang tumakbo papunta sa banyo at sumuka ulit doon. Binilisan ko ang pagbobotones ng polo ko at dinaluhan sya doon.

Habang sumusuka sya ay hinahagod ko ang likod nya at makalipag ang ilang minuto ay tinulungan ko na syang makatayo at inakay palabas, papunta ng kotse.

"Hon, nahihilo ako." Saad nya at humigpit ang hawak sa seatbelt na suot nya.

"Malapit na tayo sa ospital. Hmm? Kunti nalang. Kunting tiis nalang, hon." Saad ko at mas binilisan ang takbo ng kotse para mas mabilis naming marating ang ospital.

--- To Be Continued ---