Chereads / Elise and Andrew (Tagalog) / Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6 - Chapter 6

Chapter 6

- Andrew's POV -

Maayos na ang mag-ina ko kaya pumasok na ako. Pagpasok ko ay agad ako sinalubong ng lahat.

"Saan ka nanggaling kahapon?" Tanong ni Ace habang nasa hallway.

"Pumunta sa bagong dating." Malamig kong sagot.

"Bagong dating?" Tanong nilang lahat.

"Bagong dating sa buhay ko." Saad ko at naglakad na papasok sa office ko pero bago ko pa buksan ang pinto ay nagsalita ako. "Bagong pag-asa. At kapag nakilala nyo sila. Madidiwang kayo." Saad ko at humarap kay Daddy. "Lalo ka na, Dad." Saad ko at tumalikod agad at pumasok na.

Nagtrabaho lang ako ng nagtrabaho hanggang sa matapos ko ang mga trabaho ko hanggang sa susunod na araw. Wala akong sinayang na oras para matapos ang lahat ng iyon. Para makabalik na agad ako sa ospital.

Lumipas ilang oras ay lumabas na ako ng office ko at naroon nanaman ang mga kapatid kong mangungulit nanaman.

"Kuya, saan ka pupunta?" Tanong ni Ace.

"Somewhere." Sagot ko.

"Sama kami." Makulit na saad ni Arry. Bumuntong-hininga naman ako.

"May family dinner ngayon. Di ako sasama kasi may babantayan ako. Bukas at sa isang araw ay wala din ako. Wag nyo na akong hanapin, dahil hindi ko kayo kailangan doon." Saad ko na nagpatahimik sa kanila. "Wag nyo akong tatawagan, maliban kung emergency. Aalis na ako, for now, bye." Saad ko at sumakay ng elevator.

Two Days Later. . .

Nakatingin lang ako sa kawalan ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako sa nurse na may dala sa anak ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

"Kukunin ko po sya mamayang 10:30pm." Saad ng nurse. Tapos lumabas na ng private room.

"Hmm..." Ungol ng asawa ko. Humarap ako sa kanya at ngumiti. Pagmulat sya ay agad nya akong nakita at ngumiti.

"Uhm." Pagpapacute nito habang nakangiti sa batang karga ko. "Aliase." Pagpapacute ulit nito at itinaas ang parehong kamay animong nagpapabuhat. Lumapit ako at iniabot sa kanya ang anak namin.

"Ang cute talaga ng anak natin, noh?" Tanong ko habang nakangiti.

"Mana kasi sakin." Mayabang nyang saad.

"Sundan agad natin sya pagnag 1 year old. Gusto ko babae naman."

"Tsk! Makahiling ka, ahh. Ang hirap kaya magbuntis at manganak. Lalo na at kailangan nating itago ang relasyon natin." Saad nito na may kasamang lungkot.

"Pasensya ka na, ha? Promise, magiging ok din ang lahat." Saad ko ng nakangiti. "Ngayon ka pa ba susuko? Ehh, nandito na ang baby natin." Saad ko at inginuso ang anak namin.

"Ikaw ang kamuhka ng baby natin. Walang utang na loob. Ako nahirapan tapos ikaw parin pinaburan. Mag-ama nga kayo." Masungit nitong saad habang pinanggigigilan ang anak namin.

"I love you, hon." Wala sa sarili kong saad.

"I love you, more." Sagot nya na ikinangiti ko.

One year Later. . .

"Joseph, nasaan ang report last month?" Tanong ko sa secretary ko.

"Nasakin po, sir." May iniabot itong folder na red. "Ayan na po." Saad nito at bumalik na sa cubicle nya. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng reports ng biglang bumukas ang pinto. Dahan-dahan akong humarap doon. Napatayo ako ng makita kung sino ang pumasok doon.

"E-elise." Nauutal kong saad. Nakapang-alis sya at muhkang papasok. Napatingin naman ako sa batang hawak nya.

"Uhm." Iniabot nya sa akin si Alias. "Ikaw ang magbantay." Saad nito.

"Elise, hindi nga pwede. Pagagalitan ako ng D---"

"Ikaw ang CEO dito! Pwede mong gawin kung anong gusto mo! Magdala ka ng bata o ano wala silang magagawa! At pwede ba!? Apo naman nya yan, ehh! Pag hindi sya pumayag, sya nalang ang pag-alagain mo ng anak mo!"

"Wag kang sumigaw! Magkalapit lang tayo!"

"Hawakan mong mabuti ang anak mo dahil pagnahulog at nauntog yan, paglalamayan ka na bukas!"

"Ito naman," bumaling ako sa anak ko. "Baby, si Mommy, pinagbabantaan ako." Humarap ako sa kanya at inirapan nya lang ako.

"Ohh." Abot sa akin ng baby blue na bag. "Kompleto na yan. May limang diaper dyan, just in case na magpop sya. May extrang damit din para pagtumagos yong pop hindi hassle maghanap ng damit. Nandyan din yung mga breast milk ko. Ipainom mo kaagad dahil mapapanis yan paglipas ng 2 hours. Palitan mo sya kaagad dahil sensitive ang skin nyan, at pag-umiyak ay patahanin mo." Saad nito at inilagay sa ibabaw ng lamesa ang mga gamit ng anak namin. Lumapit sya sa bata at kinausap iyon.

"Have fun with daddy, ha? Wag pasaway." Saad nito tapos ay bigla akong hinalikan. "Mamayang gabi na ang reward mo." Saad nito at kinindatan ako. "I'll be back in---" tumingin ito sa relo nya. "---3pm."

"Good. 3pm din ang uwi ko, ehh." Saad ko at hinalikan sya sa pisnge. "Take care, ok? Wala doon si baby para ingatan ka."

"I'm fine. Ikaw nga ang dapat kong sabihan nya. Take care of my son." Saad nito at sinamaan ako ng tingin. Humalik sya sa anak namin at humalik ulit sa akin saka sya umalis.

Nakakatawa man pero may crib ako sa loob ng office ko. Doon ko sya inihiga at dahan-dahang hinila ang crib malapit sa upuan ko. Nang maging ok na ang lahat ay kinuha ko na ang gamit na nasa lamesa ko at isinabit sa likod ng kinauupuan kong swivel chair.

- Arry's POV -

"Puntahan mo ang kuya mo." Saad ni Dad at mabilis ko namang sinunod iyon. Pagbukas ko ng pinto ay naroon si kuya nakaharap sa malaking bintana na kita ang mga nangyayari sa ibaba ng building habang gumagalaw na parang may hinihele.

"Hi, kuya." Saad ko. Humarap naman sya at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong may hawak syang sanggol.

"Oww, hi." Saad ni kuya. Nalakad sya papunta sa akin at naupo sa sofa'ng malapit sa akin. "What brings you here?" Tanong nya habang nakaharap sa sanggol.

"Sabi kasi ni Daddy pumunta---"

"Kuya!" Malakas na sigaw ni kuya Ace. Napahinto sya sa paglalakad ng makita nya ang batang hawak ni kuya Andrew. Napatingin ako kay kuya dahil tumayo ito. Umiiyak na ang batang hawak sya.

"Shh..." Saad nito habang hinihele ang bata. Ganon lang sya ng ganon habang naglalakad paikot sa office nya. "Tsk! Total ikaw lang din naman ang nagpaiyak, Ace. Why don't you help me? Kunin mo iyong gatas nya dyan sa loob." Saad ni kuya at itinuro ang baby blue na bag na nasa tabi ko na pala.

Sinunod naman ni kuya Ace iyon at parang natatarantang iniabot iyon. Dahan-dahang inayos ni kuya Andrew ang pagbuhat bata at saka nya ito pinadede. Tumigil na ang bata habang wala parin tigil sa paghele si kuya sa kanya. Nang makatulog na ang bata ay inilagay iyon ni kuya sa isang crib na nakatago sa may lamesa nya.

"Sweet Dreams, anak." Bulong ni kuya at.... Ngumiti. Nagkatinginan kami ni Kuya Ace at sabay ulit tumingin sa kuya naming hindi pa din nawawala ang ngiting lumapit sa amin. "So, what brings you here again?" Tanong ulit ni kuya habang nakangiti. Napatitig lang kami sa kanya at hindi pa nakapagsalita.

"Hmm. Ano ba?! Ace, Arry?! Kanina ko pa kayo pinapunta hindi par---" napahinto si dad sa sasabihin nya ng makita nya ang ngiti ni kuya. Lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Ano ba kasi yon?" Parang batang saad ni kuya.

"Y-yong tungkol sa rumors." Saad ni dad sa mahinang paraan. Parang nasilaw din sya sa ganda ng ngiti ni kuya.

"Naaamoy nyo ba yon?" Tanong bigla ni kuya Ace at suminghot-singhot. Ganon din ang ginawa namin at bigla akong napatakip ng ilong dahil sa amoy. Hindi naman sya masyadong mabaho, pero masakit sya sa ilong.

"Oh-uh." Saad ni kuya kaya napaharap kami sa kanya. Bigla syang tumingin sa sanggol na nasa crib at biglang bumuntong-hininga. "Sorry, kailangan ko na syang palitan." Nakangiting saad parin ni kuya at tumayo. Nagtabi tabi kaming tatlo sa mahabang sofa na kinauupuan namin ni daddy.

"May dala syang bata sa office?" Tanong ni dad. "Kaninong anak yan?" Dagdag pa nya. Nagkibit-balikat lang kami ni Kuya Ace. Lumapit si kuya ang inalis lahat ng laman ng center table. Tapos ay biglang naglatag doon ng sapin para sa bata.

Bumalik sya doon sa bata at binuhat iyon. Naglakad sya pabalik at hindi parin nawawala ang ngiti nya. Kumuha sya ng pulbo at diaper sa bag na naroon din. Natigil sya dahil nagsalita si dad.

"Ano bang ginagawa mo?"

"Nagpapalit po ng diaper."

"Bakit kailangan mong gawin yan? At kelan ka pa naging baby sitter?"

"Simula ng magkaanak ako." Sagot ni kuya na ikinagulat namin. Napatitig ako sa batang nasa harap namin at nilalagyan na ni kuya ng pulbo. Tumingin din ako sa muhka nya. Magkamuhkang magkamuhka sila ng bata.

"Y-you mean a-anak mo yan?" Tanong ko at itinuro pa ang bata. Nagulat ako ng bigla nyang hampasin ang kamay ko.

"Wag mo syang duruin. Dukutin ko mata mo dyan ehh." Parang batang saad ni kuya habang nilalagyan na ng bagong diaper ang bata.

"Kelan pa?"

"Last one year and a half pa."

"Bakit di mo sinabi?"

"Dahil ayoko. At ayokong madamay sa issue ang mag-ina ko."

"Kung sinabi mong may anak ka na. Edi sana hindi ka na naghihirap ngayon?"

"Hindi ako naghirap, dad. Dahil sobrang gaan noong nakilala ko si Elise." Saad ni kuya. Binuhat na nya ang bata at ibinalik ang bata sa kuna. Pumunta sya ng cr upang maghugas at bumalik sa amin.

"Kadiri ka, kuya" saad ni kuya Ace.

"Hindi kadiri yon, Ace. Hindi ka na mangdidiri pag anak mo na ang gumawa ng ganon. Diba, dad?" Nakangiting baling ni kuya kay daddy. Tumango naman si daddy.

"Ikaw itong walang girlfriend pero ikaw pa ang unang nagkaanak." Pang-aasar ko.

"May girlfriend nga kayo, wala naman kayong ganito." Saad ni kuya at itinaas ang isang kamay nya. Nagulat kami ng hawakan ni daddy iyon at gulat na tumingin sa kanya.

"M-may asawa ka na?"

"Shempre... Magkakaanak ba ako kung wala?" Mayabang na saad ni kuya habang nakangiti. Itinatapat naman ni dad ang kamay nya sa kamay ni kuya.

"At parehas pa." Saad ni dad at bigla silang natawa ni kuya.

"Im a smart. Kaya kong gayahi---" hindi na tapos ni kuya ang sasabihin nya ng biglang may babaeng pumasok ng office nya.

"Andrew, 3pm na. Kailangan na nating umuwi. Marami pa akong gagawin, at wag ka nang magreklamo dahil baka iuntog kita sa pader---" napatingin ito sa amin at biglang ngumiti ng may pagkapahiya.

"Diba? Hindi sya buntis nyan. Imagine her when she's pregnant. Haha!" Saad ni kuya.

"Kaya pala takot na takot ka noon." Saad ni kuya Ace.

"Mas nakakatakot sya noong buntis sya dahil sa mood swings nya." Nakangiting saad ni kuya. Tumayo sya at lumapit sa babae.

"Sino sila? Sila ba ang mga nagpapakalat na bakla ka? Sabihin mo lang, itutumba ko mga yan." Saad ng babae.

"Easy, hon. That's my family. Actually, kulang dahil wala si Mommy." Mambing na saad ni kuya.

"Ano ba ang landi mo, nasa harap tayo ng pamilya mo." Inis na bulong ng babae dahil bigla syang niyakap ni kuya.

"I miss you, hon."

"I love you, more." Sad nito at lumapit na sa bata.

--- To Be Continued ---