Chapter 5
- Elise's POV -
"Ha?"
"Ha?"
Sabay naming sagot sa tinuran ng OB. Nagkatinginan kami at halata parin ang gulat sa amin.
"Ang sabi ko. Mrs. Hewitt is 2 weeks pregnant." Malumanay na saad ni Doc Victoria at nagkatinginan naman kami ng asawa ko. Makalipas ang ilang mga paalala ni Doc ay umuwi na kami.
Nakauwi na kami pero wala paring imik ang asawa ko. Nag-aalala na ako dahil hindi sya ganon katahimik. Palagi syang madaldal pag ako ang kausap nya. Kaya napag-desisyonan kong kausapin sya.
"Ahm... Hon? M-may problema b-ba?" Nauutal kong tanong dahil natatakot ako sa magiging sagot nya.
"I'm still shocked." Saad nito at humarap sa kanya. Bigla nalang may nangilid na luha sa mga mata nito kaya dali-dali ko syang niyakap.
"Hey... What's wrong?" Nag-aalalang tanong ko.
"I'm just happy. Kasi dumating na ang blessing na pinakainaantay ko. Natin. Noong una palang natatakot na akong iwan ka sa kwartong iyon kasi walang kasiguradohan kung magkikita pa tayo o hindi. Kung ganon ang nangyari, pano na si Baby? Pano ka na? Kasi gusto ko nang tumakas non. Gustong-gusto ko na. Pero iniisip kita. Kaya im sorry." Humihikbing saad nito at humigpit ang yakap sa akin. Niyakap ko din sya ng mahigpit.
"Shhh. Tama na. Ang mahalaga, ito kami ngayon ni Baby sa harap mo. At least ok lang ang lahat." Nakangiting saad ko na nagpangiti sa kanya. Nakangiti syang tumango habang may luha paring tumutulo sa mga mata nya. "Kain nalang tayo. Gutom na ako, ehh." Natatawang saad ko, natawa din sya at pinunasan ang basang pisnge nya.
- Andrew's POV -
Masaya ako ng buong maghapon noon. Nawala nga sa isip ko na may issue'ng kumakalat about sakin. Kaya pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng mga nandidiring tingin na hindi ko nalang pinansin.
"Kaya pala masyado syang malamig. Nasa loob pala ang kulo." Bulong ng isang empleyado na naglalakad sa harap ko
"Kaya nga mabait sya sa mga lalaki diba? Kasi nga bakla sya." Saad pa ng isa. Tumikim ako na nagtawag sa atensyon ng lahat.
"Nandito kayo para magtrabaho, hindi para pagtsimisan ang boss nyo." Masungit at malamig kong saad at dumiretso na sa office ko. Maya-maya pa ay biglang tumunog ang phone ko. Si Elise ang tumatawag.
"Hi, my wife." Bati ko sa kanya.
"Lalaki! Gusto ko ng pagkain. Bilhan mo ako!" Malakas na sigaw nya.
"Hon, nasa work po ako." Malambing kong saad.
"And I don't care!" Sigaw nito at pinatayan ako. Nakangiwing tinignan ko ang phone ko.
- Arry's POV -
Papasok na kami ng office ni kuya ng bigla syang tumayo at parang nagmamadali. Nagkatinginan kami ni Kuya Ace.
"Anong meron?" Tanong ko kay Kuya Andrew.
"May emergency lang." Saad ni Kuya Andrew.
"Kuya may meeting tayo ngayon." Saad ni kuya Ace.
"Mas importante pa ang gagawin ko kesa sa meeting. Dahil ikakamatay ko kapag hindi ko nagawa agad iyon." Malamig na saad ni kuya Andrew at sumakay na ng elevator.
Bagkas ang balikat naman kaming pumunta ng conference room. Nandoon na ang lahat pero at hindi pa nagsisimula.
"Where's Andrew?" Tanong ng isang tao.
"Oo nga. Sya ang laging pinakamaaga dito bakit wala pa sya?" Tanong pa ng isa.
"Nasaan na nga ba ang kuya nyo?" Masungit na saad ni Daddy.
"May emergency daw po. Kakaalis lang." Sagot ni kuya Ace.
"Anong emergency ba iyon? Mas importante sa kanya ang work diba? Bakit may pinuntahan sya sa oras ng trabaho?" Masungit na saad ni Daddy habang nakataas ang kilay.
"Dad, sabi nya, ikakamatay daw nya iyon." Saad ko. Naipinagtaka ng lahat.
"Huh? Anong ikakamatay nya?" Tanong ni Daddy. Masungit pero may pag-aalala.
"Ehh, iyon lang ang sinabi nya, ehh." Saad ko at nagkibit-balikat. Maya-maya ay parang may kumatok sa pinto.
"I'm sorry. Im late." Saad ni kuya at parang wala lang sa kanya. Tapos ay nagsimula na ang meeting pero patuloy lang ang malalim na paghinga ni kuya at naaagaw ang atensyon ng lahat. Nasa kalagitnaan na kami ng biglang tumunog ang telepono nya.
Napatingin kami sa kanya at sa telepono nya. May pangalang Elise doon at nanginginig na inabot ni kuya ang phone at parang takot na takot na saguton iyon.
"Excuse me." Paalam ni kuya sabay tayo.
"H-hello?" Nauutal na saad ni kuya at biglang inilayo ang phone sa tenga nya. "Ahh... Hehe. Shempre. Ahm... Hindi. Ok lang. May meeting lang tapos uuwi na ako. Oo. Hindi." Tumingin sya sa relo nya. "3pm." Tapos inilayo nanaman nya ang telepono sa tenga nya. "Ok. Calm down. Calm down." Saad nito at lumapit sa amin.
"Ahm... Everyone. Mauuna na ako. Wala naman akong ipepresent, so... Bye. Baka iburol na ako bukas." Saad nito habang kinukuha ang mga gamit nya sabay takbo-lakad na umalis sa harap namin. Lahat naman kami ay natahimik at iniisip kung anong nangyari. Natapos ang meeting at hindi na bumalik si kuya. Nandito kami ngayon sa office ni Daddy.
"Tingin ko ay may sindikatong sinusunod ang kuya nyo." Saad ni Daddy.
"Hindi naman ata, daddy." Saad ko at nag-isip.
"Wag na muna natin isip iyon. Bahala na kayo, bantayan nyo nalang ang kuya nyo." Mahinang saad ni Daddy at bumuntong-hininga.
"Opo, dad." Sabay naming saad ni kuya Ace at umalis na sa kinauupuan namin.
- Andrew's POV -
Nang makauwi ako ay nanginginig ako na parang ewan. Hindi ko alam kung saan ba ako natatakot, sa asawa ko ba o sa pinagbubuntis nya.
"Hon, im home!" Sigaw ko habang nagpapalinga-linga.
"I'm here!" Sigaw galing sa kusina. May naamoy akong mabango kaya wala sa sariling naglakad ako papunta ng kusina. Narealize ko nalang ng sinusubuan na ako ng asawa ko.
"Masarap ba?" Tanong nito habang nakangiti.
"Opo." Masarap talaga. Maya-maya pa ay may iba pa syang kinuha doon sa oven, muhkang bagong luto. Humiwa sya ng kaunti. Hinipan nya muna iyon.
"Ahhh..." Saad nito habang nakanganga, muhkang susubuan ulit ako. Sinunod ko naman at napapikit dahil sa sarap noon.
"Masarap?" Nakangiting tanong nito, tumango naman ako. "Itong mga tohh ang magiging menu ng restaurant, fast-food chain, cafe, at bar.
"Masarap sya, hon. Sure papatok ang mga pagkain mo." Saad ko sabay halik sa noo nya.
"Talaga? Yieee! Excited na tuloy ako." Saad nito na nagpangiti sa akin.
A few months later. . . .
Lumipas ang mga buwan ay nabuksan na ang building nya. Pero ang boutique ay hindi parin. Malaki na rin ang tyan nya ngayon. Marami narin ang kumakain sa restaurant na itinayo nya. Kaya marami na syang naipon. Ang unang buwan ay hinati nya sa mga empleyado at sa ampunan. Ang natira ay inilagay nya sa savings namin.
"Masaya ka ba?" Tanong ko. Kakagaling lang namin ng ospital dahil nagpacheck up kami. Malapit na syang manganak.
"Oo. Shempre, akalain mo. Lalaki yung baby natin. Parehas nating gusto ng lalaki kaya ayan! May baby boy na tayo!" Masayang sigaw nya at pumalakpak pa.
"Ngayon, uuwi ka muna. Papasok pa ako ng work." Saad ko habang nakaharap sa kalsada at nakangiti.
"Ok." Sagot nya. Sumulyap ako sa kanya dahil sa ikli ng sagot nya. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakangiti sya.
"Basta tatawag ka kung may emergency, ok?"
"Yes!" Sagot nito. Pagkahatid ko sa kanya ay dumiretso na ako ng trabaho ko. Pagpasok ko ng conference room ay nagsisimula na sila. Nakatingin sila sa akin na para bang nag-uusisa.
"You're late." Saad ni Daddy na may pagkasakrastiko.
"I know, Dad." Saad ko at naupo na. Tahimik lang sa hanggang sa matapos ang meeting nandoon pa kaming lahat ng biglang tumunog ang phone ko. Taka akong tumingin sa pangalan ni Elise at sinagot iyon.
"Ahhh---- Hon! Umuwi ka na! Please! Manganganak na ako---ahhh!!" Sigaw nito at bigla akong napatayo. Napatingin sila sa lahat sakin pero di ko nalang pinansin.
"Elise, hold on." Saad ko habang hinahakot ang mga gamit ko. "Uuwi na ako." Saad ko at pinatay ang tawag. Lahat sila ay nakatingon sa akin pero wala akong pakialam. Manganganak na ang asawa ko at nandito pa ako sa trabaho ko.
"Kuya, what's happening?" Saad ni Ace habang hinahaplos ang likod ko.
"Nasaan na ba yon..." Mahina kong saad. Hindi ko namalayang umiiyak na ako.
"Andrew, ano bang nangyayari." Tanong ni Dad. Pero di ko na sya pinansin at dali-daling lumabas dahil nahanap ko na ang nahanap ko. Lumuluha ako habang nagdidrive hanggang makauwi.
"Hon, I'm home!" Sigaw ko at dali-dali akong pumasok. Pagpasok ko ay nandoon sa sala si Elise. Inakay ko sya papunta sa kotse habang sumisigaw sya sa sakit.
"Ang sakit! Ahh! Di ko na kaya!" Sigaw nya habang tinatahak namin ang daan papunta sa ospital.
"Shhh... Kaya mo yan." Saad ko habang mas binibilisan ang pagpapaandar ng kotse.
--- To Be Continued ---