Chapter 3 - 3 Chapter 2

Chapter 2

- Angel's POV -

Nasa iisang sasakyan kami ngayon ni Mommy. Kasama si Adrian. Nagkwe-kwentuhan sila ngagon at ako ay nakikitawa lang. Di ko masyadong naririnig ang ibang sinasabi nila dahil madalas ay nagbubulongan sila. Taka akong napapatingin kay Mommy kapag humahagikgik sya.

Paglabas namin sa kotse ay agad na may lumapit sa akin at bumati. Ang iba ay binigyan ako ng mga chocolates, snacks, flowers, letter, at iba-iba pang pwede nilang ibigay. Naglalakad ako ngayon papuntang locker room at nakasalubong ko sila Jaylen. Automatic na ngumiti ako kahit pilit dahil masama ang tingin sa akin ni Jaylen.

"H-hi, guys" bati ko sa kanila.

- Jaylen's POV -

"H-hi, guys" halatang nalililang nyang bati sa amin. Agad na napalingon sa kanya ang mga kasama ko.

"Hi, Angel" sabay-sabay na bati nila.

"Good morning" bati nya pa. Tumango naman ang mga loko.

"Uhm... Sammy tapos mo naba yung pinapagawa ko?" Tanong nya kay Sammy.

" Ahh... Oo. Ito, ohh. " May kinuhang Flash drive si Sammy sa bag nya at binigay kay Angel.

"Salamat. Ahm... Salamat dito."

"Anytime, Angel."

"Sige. Alis na ako..." Tumingin muna sya sabay tumango unirapan ko lang sya at sya naman ay umalis na.

"Ano yon?" Tanong namin kay Sammy.

" Ahh. May pinagawa lang sakin. Para daw sa Mommy nya. Kakadating lang daw kanina." Sagot nito." Ayaw daw kasing lumabas ng Mommy nya kaya, ayon, nagpadownload ng mga movies" tumunog na ang bell kaya nagsibalikan na kami ng mga classrooms namin.

DISCUSS

DISCUSS

DISCUSS

LUNCH BREAK

Kakalabas lang ng terrior teacher namin. Nahagip ng mata ko si Angel. Angbilis ng kilos nya. Ilang sigundo lang tapos na sya. Pagkatapos ay mabilis din ang naging kilos buti nalang at naisara ko na ang bag ko dahul nailagay ko na lahat ng gamit ko. Di ako nagpahalata at pasimpleng naglakad lang. Huminto sya sa tapat ng may batang lalaking lumapit sa kanya. Nag-usap ang dalawa at ako naman ay pasimpleng nagtago.

"Basta di ako sasabay mamaya, Ok? Mag-ingat nalang kayong apat." Saad nung bata.

" Ok, then. Just promise me, please, be careful, ok? Basta dapat pagtumawag sayo si Mommy. Sagotin mo na kilala mo naman si Mommy, Right? " Paalala nya sa bata. M-may kapatid sya? At ito? Kapatid nya? Tinitigan ko ng mabuti ang batang nasa harap ko at napansin kong magkamuhka ng sila ni Angel. Tsk! Ang tagal ko na syang kilala pero ngayon ko lang nalamang may kapatid pala sya!?

Naglakad na paalis si Angel kaya naman mas napatago ako kung nasaan ako. Nakita kong papunta sya sa may Canteen kaya lumabas na ako. Biglang may humila sa akin pero dahil sa lakas ay di ako nakapumiglas sa kanya.

"Who are you? And why are you stalking my sister?" Tanong nito sa akin.

" I-im her s---"

- Angel's POV -

Dahil bored ako. Naisipan kong hanapin si Jaylen, pero wala sya sa canteen. Napaupo nalang ako sa isang upuan. Napag-isipan kong pumunta muna locker room. Dahil for sure andami ng laman non na puno ng kung ano-anong galing sa mga manliligaw at secret admirer ko. Pero isa lang talaga ang inaantay ko. Ang sa secret admirer kong si Mr. S. Yeah! Mr. S. Kasi yon lagi nyang sinusulat sa mga binibigay nya. Kinuha ko lahat ng nandon at nagiwan ng note.

Mr. S. Can I Get Your Number?

Matapos kong isulat ay idinikit ko iyon doon. Umalis na ako at bumalik na sa Canteen. Pagpunta ko doon ay nandoon na si Jaylen may hawak na kung ano sa kamay nya. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa tabi nya sa sibrang lalim ng iniisip nya ay di nya ako napansing umupo.

"Hi, Jaylen..." Tinignan ko ang gwapo nyang muhka habang nasa gulat na ekspresyon parin ayon. "Ko." Dagdag ko pa.

"A-Anong Jaylen mo?! Kelan pa ako naging sayo?!" Sigaw nito. Ang sungit naman!

" Bakit mo ko sinisigawan?" Lumabi ako na para bang batang nagpipigil ng iyak. Siminghot-singhot pa ako.

"Umalis ka na lang!" Sigaw nya ulit.

"Ayoko." Pagmamatigas ko.

"Angel! Ano ba?! Umalis kana! Please!?" Sigaw nya nanaman.

" Bakit mo ba ako sinisigawan? Sige, aalis ako sa isang kondisyon..." Saad ko. Habang nakalabi at simisinghot-singhot.

"Ano?" Tanong nito.

"Kiss ko muna." Sagot ko at itinuro ang labi ko. Tinitigan nya lang ako at di sya gumalaw.

"Baby? Why are so nervous? Its ok, Kiss me." Nginitian ko sya at sya naman ay mas lalo akong ninamaan ng tingin. Di ko na mapigilan matawa at hawakan ang tyan ko.

"Bwahahaha--- sana may salamin ako--- hahahahaha--- para makita mo---haha--- sarili mo--- hahahaha" matagal-tagal din akong natawa at ng mahimasmasan ako ay tumitig ako sa gwapo nyang muhka.

"Bili mo ko lunch. Di pa ako kumakain" malungkot kong saad.

" Nasan mga kaibigan mo?" Tanong nito.

"May pinontahan sila. Kailangan yon para sa scholarship naming apat. Naayos ko na kasi yung akin di kasi nila pinasabay kasi daw baka daw mahirap lang ako. " Sagot ko. Tumayo sya at naglakad pero nakaka limang hakbang palang sya ay humarap ulit sya.

"Anong gusto mo?" Tanong nya at ngumiti naman ako dahil sa tanong nya.

"Ikaw na bahala." Sagot ko. Naglakad na sya ulit at pumunta sa line. Ng bumalik sya ay meron na syang dala-dalang isang tray na puno ng pagkain.

"Ang dami ah?" Tanong ko.

"Gutom ka diba?" Tanong nito sa akin. Natawa naman ako dahil sa sagot nya. Ano to? Isang tanong, isang tanong din ang sagot? Luhh! Nagkwe-kwentuhan kami habang kumakain. Di ko mapigilan ang kiligin dahil sa pagka gentleman nya.

"Ano ang pinaka-ayaw mo?" Tanong ko.

"Ang mga Liars, Cheaters, at mga Users." Seryosong sagot nito. Natahimik naman ako. Ayaw nya talaga sa akin!

"Ikaw?" Tanong nuto sa akin.

"Ayoko ng walang pagkain" seryoso pero nakangiti kong saad.

" Haha. Seryoso?" Natatawang tanong nito sa sakin.

"Seryoso nga! Hahaha. " Natatawang pag-amin ko. Nagkwentuhan pa kami habang panay parin ang tawa. Napansin kong gumaan ang pagkain namin dahil sa kwentuhan namin. Napatingin ako sa tray namin sabay simangot.

"Wala na." Nakalabing saad ko sabay tingun sa kanya.

"Mamaya nalang. Sa Break. Bibilihan ulit kita." Nakangiting saad nya.

" Talaga? Yahh! Salamatee"

"S-salamatee?" Takang tanong nya.

" Salamat. Hahahah! " Sagot ko. Nakitawa naman ulit sya. Tumayo na kami. At nagkwen-kwentuhan habang papunta ng locker room. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang ang maraming letters at kung ano-ano pa. Pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko. Nakita ko ang isang letter na may kasamang isang rose. Kinuha ko iyon at binasa ang nasa letter.

Para sa pinakamamahal kong Angel,

Narito na ang hinihingi mo. Sorry ha? Masyado akong cheesy! Hahaha! Pero sana kinikilig ka.

0921*******

Nagmamahal,

Ang iyong masuyong manliligaw,

Mr. S.

Nakangiti ako habang binasa ko iyon. I-sinave ko kaagad ang number nya at tenext sya.

Me: I got your number. You're so sweet. Thank you.

Naglakad na ako at nakita ko si Jaylen na taka titig sa akin. Nginitian ko lang sya. Naglakad na ako at naramdaman kong sumunod na sya. Nagmamadali syang naglakad at parang hinahabol ako.

"Ano yong kinuha mo sa locker mo?" Tanong nya.

" Ahh... May inaantay kasi ako... Tapos sakto pagpunta natin don... Nandon na. " Nakangiting paliwanag ko.

" Ayieeeeeee!!! " Malakas na sigawan ng mga kaklase namin. Sabay kaming napalingon sa mga kaklase namin. Wala pa doon ang guro namin pero nandoon na ang mga kaklase namin.

"Kayo ha? Kaya pala nakita kayo ni Berny na magkasama sa may locker room. Di nyo ba sasabihin samin kung bakit kayo magkasama?" Tanong ni Nadilen, ang pambansang chismosa sa buong campus.

"Sabay lang kaming kumain, wala na." Nakangiti saad ko.

" We're dating" seryosong saad ni Jaylen. Taka naman akong tumingin sa kanya. Lumapit sya sa akin, niyakap nya ako at hinalikan sa pisnge sabay bulong.

"Your Mine. Only mine, Angel" bumitaw sya sa pagkakayakap sakin at nginitian ako. Naglakad na sya sa upuan nya. Wala sa sariling napatingin ako kay Justine. I automatically stilled in where i stand because of his eyes. Its very scar me, its like his going to eat me now, alive.

--- to be continued ---