Chereads / My CEO Wife (Filipino) / Chapter 5 - Kabanata Lima

Chapter 5 - Kabanata Lima

Sahara Xander a.k.a Avyanna

Ang sarap sa pakiramdam na makapag unat-unat! 'Di kailangan mag gym, basta may yoga mat at music. Stretch habang nakaupo, stretch habang nakatuwad, at stretch habang nakahiga! "Perfect!" I whispered. Kapag mahal o gusto mo ang iyong ginagawa, sigurado magiging masaya ka.

This is my simple way of relaxing and open up my whole body. "Jusko! Need ko talaga ngayon ang peace of mind at pag yo-yoga dahil sa stress sa lalaking iyon!"

Patapos na ako sa final pose ko ng pagyo-yoga nang pumasok si Chandy sa aking opisina.

"Bff, ginawa mo na naman gym/bahay/studio itong opisina mo!"

"Ano ka ba naman, Chan! Parang lagi kang bago! Ngayon na nga lang ulit ako nakapag-yoga. At kaya nga tayo lang ang may access dito sa opisina ko, 'di ba?!" Yes! Kaming dalawa ni Chandy ang pumasok at lumabas dito sa aking opisina.

I have my small bedroom na konektado dito sa aking opisina. Pinagawa ko talaga iyon in case na kailangan ko mag overtime sa trabaho at hindi hassle sa akin para makapag pahinga kaagad.

"Ewan ko sayo! Ngayon lang ako nakakita ng CEO na nag yo-yoga dito sa opisina. Ang malupet, minsan nakapambahay ka pa! Hahaha."

"Kaya nga hindi ako tumatanggap ng walk-in meeting. Gusto ko naka schedule para alam ko kung kailan ako naka-ayos at kung kailan ako nakapambahay."

Umupo si Chandy sa sofa. Binuksan nito ang ilang mga papeles dahil magsisimula na itong mag-report at mag remind sa buong araw na gagawin ko.

"Congratulation sa aming mga staff mo at marami tayong orders for our Avyanna Clothing Series. And take note, inside and outside the Philippines ang mga nag-order na clients. Bet nila ang sinuot mong dress sa fashion show. But I think, hindi naman talaga ang damit ang maganda, kundi yung nagsuot."

"Then, add 1% incentive in your salary, including all staff who participate in the event."

"You are so kind talaga, bff. Kaya naman hindi ka iiwan ng mga tauhan natin dahil napakagalante mo!"

"Aanhin ko naman ang malaking pera kung ako lang ang makikinabang? Masaya na ako sa maliit na kita kasya makita kayong nagugutom at naghihikahos na mga tauhan ko. At saka pinag paguran niyo naman iyan."

"Kung yan ang gusto mo, go ako dyan. Sayang incentive!" Ngisi nitong tugon. "Anyway, 10 am ang meeting ninyo ni Mr. Pantallon about sa bulk orders nitong mga Avyanna Clothing Series."

"Okay!" Kaswal kong tugon habang nagpupunas ng pawis.

"Nag request si Sister Connie na kung pwede bisitahin mo naman ang orphanage. Alam ko na kahit gaano ka hectic ang sched mo, sinisingit mo talaga sila. Kaya after lunch ang schedule ng pag bisita mo roon after ng meeting natin kay Mr. Pantallon."

"Prepare something for the kids."

Naglakad na ako papasok sa aking kwarto upang maligo at makapag prepare na rin.

"Everything is set at nabili ko na ang paborito ng mga bata. Pati sila SIster Connie and Sister Carla, kasama din sa mga pinamili namin. Meron din food packs para sa mga katuwang nila sa orphanage."

"Thanks, Chan. Paano na lang kung wala ka." Buntong hininga kong tugon, "Paano na ang schedules ko." ngising tugon ko.

"Ang sama mo, bff! Secretary lang ba talaga turing mo sa akin?!"

Ngumisi lang ako at dumiretso na sa kwarto papasok.

After graduating college abroad and become successful in my career, tinupad ko ang isang pangarap na inaasam ko, ang magpatayo ng mumunting orphanage. My family is one of the sponsors for the basic needs of the orphan. Kaya thankful ako na nandyan sila para sumuporta.

Nagpatayo ako ng simpleng bahay kung saan may tatlong kwarto. Ang bawat kwarto ay tinutulugan ng 10 bata. Sila Sister Connie at Sister Carla ay natutulog sa bawat kwarto, ganun din ang ilang taga gabay sa orphanage upang bantayin ang mga bata.

Napakasakit isipin na ang mga batang kinupkop namin ay kulang sa pag-aalaga ng kanilang magulang. Ang iba naman ay pinagmalupitan ng kamag-anak pagkatapos pumanaw ng kanilang magulang. Karamihan sa kanila ay mga batang babae na naabuso, maliliit pa lamang.

"Can you transfer my earning to Avyanna Orphanage?" Saad ko pag-upo sa swivel chair ko. Hinarap ko na ang mga papeles na nasa lamesa ko.

"What! Bff, walang matitira sayo this month."

"Oks, lang. Makakabawi pa ako next month." Ngising tugon ko.

"Pagpapatayo na talaga kita ng rebulto sa tabi ni Jose Rizal sa Luneta."

""Wag, baka pag pyestahan ang ganda ko. Alam mo naman ayoko ng ganun. Hahaha." Birong tugon ko.

"Fine! Kung iyan ang gusto mo wala naman ako magagawa dahil pera mo naman iyan. Isa pa nga palang problema. What I mean, hindi naman talaga major problem. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iimbestiga si Mr. Parker. Interesadong-interesado na makilala si Avyanna at ang model na nanipa ng pagkalalaki niya."

"Kahit anong gawin niya, kahit gaano pa karami ang connections niya, walang mangyayari. Hayaan mo siya! Marami naman siyang pera na ibabayad sa imbestigador. At least kikita yung imbestigador sa kanya."

Nilagdaan ko ang ilang papeles na kinakailangan na ni Chandy. Hindi ko kailangan problemahin ang lalaking iyon. 'Time will come, but not this time. Not now!' Nakatulong talaga ang pagiging low-key profile ko kaya hindi nito agad-agad makukuha ang gusto nitong makuha.

"But sooner or later, maari na kayong magkakilala."

"I know! Pero bago mangyari iyon, I assure na pahihirapan ko muna siya." Tugon ko. "Tatapusin ko lang ito, then let's go. Ayoko naman paghintayin ng matagal si Mr. Pantallon."

"Noted." Nakangiting sabi ni Chandy.

Isang high class restaurant ang napiling business venue ni Mr. Pantallon. Pinaparada ko na ang kotse sa parking space sa tapat ng restaurant. Dahil may mga ilang bagay pang kukunin si Chan sa kotse, nauna na ako pumasok sa restaurant.

Heading to the reservation table, natanawan ko sa malaking sliding glass door si Mr. Pantallon na kausap ang isang lalaki.

"Shit!" Reaksyon ko. Agad akong tumalikod at naglakad muli palabas sa restaurant. Nagtataka pa si Chandy sa inaasal ko dahil pati siya ay hinatak ko palabas ng restaurant.

"Girl, anong problema mo?!" tanong nito at may pagtataka sa mukha.

"'Di ako pwede pumasok sa loob. Ikaw na makipag meet kay Mr. Pantallon. Maghihintay ako dito sa kotse." Aligagang saad ko.

Medyo may kaba ako kasi, naalala ko ang nangyari sa backstage kung gaano siya kagalit noon. Maaring 50/50 pa ang buhay ko kapag nagkita kami ngayon.

"Anong nangyayari? Teka! Bakit bigla-bigla ganyan na."

"Pumasok ka na! Malalaman mo sa loob. Tatawagan na lang kita, okay."

Tinulak ko papasok si Chandy papunta sa loob ng restaurant at dali-dali naman akong bumalik sa parking space. Lumipat pa ako ng parking para lang ma subaybayan ang mga tao na nasa loob. "Bakit parang ang laki ng kasalanan ko para magtago?!" Sambit ko sa aking isip.

Mula sa loob ng kotse, nakikita ko ang bawat galaw ng tatlo. Pag-upo ni Chandy, ay dinayal ko na ang cellphone nito.

Sinagot ni Chandy iyon at naulinigan ko ang mga salita nito.

"Mr. Pantallon, Miss Avyanna wants to talk to you." Puno ng galak ang tono nito.

Nakita ko na naging madilim ang mukha ni Ronan at naningkit ang mga mata nito. Talagang umaadya pa sa akin ang panahon. "Thank you, Lord." Bigkas ko.

"Hello, Mr. Pantallon. I'm sorry, I can't meet you. I hope okay lang na secretary ko na ang discuss sa inyo about the details. Just give all your concerns to Chandy."

"It's fine, Miss Avyanna. I know how busy you are. Nakakalungkot lang na hindi mo ma-memeet ang ang client na kasama ko kasi he's interested in Avyanna Clothing Series."

"Sad to hear that. I will instruct Chandy about it. I need to hang up, Mr. Pantallon. Thank you for your consideration. Good day.."

Pagbaba ko ng tawag, hinihintay ko ang magiging reaksyon ni Ronan. Dismayado ito na bulilyaso ang hidden plan para ma i-trap ako.

Magandang nakangiting nakikipag-usap si Chandy sa dalawa. Si Mr. Pantallon ay nakikita kong satisfied naman sa mga papers na pinapakita ni Chandy. Kabaligtaran ni Ronan na parang Biyernes Santo ang mukha. "Bwahahaha!"

Pasado alas 11 na ng matapos ang mga ito. Sa nakikita kong pakikipag kamay ni Mr. Pantallon kay Chandy, naging matagumpay ang transaksyon.

Nauna nang umalis si Mr. Pantallon, samantalang si Ronan ay kinakausap si Chandy. Ilang minuto pa at tumango si Chandy, kasabay ng pag-alis ni Ronan at lumabas ng restaurant.

"Holly cow!" Sambit ko. I didn't expect na ang katabi kong sasakyan ay kotse ni Ronan. Binaba ko ang itim na harang sa harapan ng salamin upang hindi ako nito makita. Pinagbuksan ito ng kanyang driver.

"Wow, boss na boss!" Saad ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na ito. I smiled when Chandy hop inside the car. It's a magical smile na alam kong matutuwa ako.

"Huwag mo na akong daanin sa ganyan ngiti mo." Masungit na saad nito. "Okay na! 'Yan soon to be mo masyadong makulit. Kailan ka daw ba niya maaaring ma-meet."

"Eh anong sabi mo?"

"Sabi ko inform muna kita. Like nung reason ko last time, puno ang schedule mo."

"Good. Thanks, Chan. Love you. Muah. Babawi na lang ako sayo."

I open the compartment of my car bago pumasok sa orphanage. Chineck ko lahat kung kumpleto na ba ang dala namin ni Chandy na ibibigay sa mga bata. Simpleng bagay lang ang mga binibigay ko pero in return, sobra-sobrang pagmamahal ang natatanggap ko sa mga batang iyon.

"It's just fulfilling when you achieve your dream."