Kylle's POV..
3 days later
Simula ng mangyari Yun minsan nalang kami magkausap ni Ella,halos iwasan niyako grabe diko talaga kaya pa toh,ayokong umiwas siya sakin pero nangyayari na.hayyyssst ikaw kasi eh bakit mo ba ginawa Yun self,dahil ba lasing ka nung time na Yun o Hindi mo napigilang Yung init sa katawan mo,arrghh Nakakainis talaga.
Nandito ako sa sarili kong mansion,umalis ako sa mansion ni Ella kasi Hindi ko na kayang harapin siya,nahihiya na talaga ako at sising-sisi ako hanggang ngayon.
Nandito ako sa room ko at nagmumuni-muni,wala akong maisip na gawin kahit sobrang boring dito,
nakakainis bumabalot ang katahimikan sa buong paligid.
Gusto kong magwala dahil sa inis pero Hindi ko magawa,arggh matutulog na nga Lang ako,siguro mas mainam narin toh.
Umalis ako sa desk ko at humiga sa kama,gusto kong magpahinga muna kasi lagi kong iniisip Kung bakit ko nga ba nagawa Yun.bahala na pagod na talaga ako baka magkasakit pako pag inisip ko pa yun.
Ellamaine's POV...
"Hmmm kamusta na kaya siya?"tanong ko sa aking sarili habang tinititigan ang picture niya sa desk ko,wait teka bakit may picture siya sa desk ko,hayyy si Ann talaga sabing wag maglagay ng Kung ano-anong pic lalo na kapag sa crush niya!!..hmm bahala na bestfriend ko naman si kylle eh.
"Bakit ba kasi umalis siya sa bahay?!"inis na Sabi ko.ano ba kasing problema siguro dahil sa first kiss,hayyyst naalala ko nanaman,ano ba naman Yan kinakalimutan ko na nga ehhh.
At dahil nandito ako sa office medyo busy ako.
Kailangan kong matapos lahat ng toh,medyo maraming reports pero kailangan ko paring tapusin lahat,pagod na pagod nako at halos 5 oras nakong nakaupo dito.pwede naman sigurong ipagawa ko muna Kay Ann tutal onti nalang tong natitira.
Eh Kung puntahan ko kaya si kylle tutal Alam ko naman address nung mansion nila,si Ann muna bahala Nito Nakakainis na.para makita ko ulit si kylle namimiss ko na siya eh.
Kinuha ko Yung cellphone ko at tinawagan si Ann.
"{Boss,may kailangan po kayo??}"tanong niya galing sa kabilang linya.
"{Pwede bang ikaw muna magtuloy Nito pagod na kaso ako eh}"Sabi ko sa kanya.
"{Sige po boss OTW na po ako}"Sabi niya na ikinatuwa ko,yesss buti nalang pumayag siya makakapagpahinga narin ako kahit konti o kaya puntahan ko si kylle,alam ko naman Yung address niya.
"{Thank you}"pagkasabi ko nun binaba ko na Yung tawag.
Makalipas ang tatlong araw nawala na Yung Galit ko sa kanya,narealize kong Hindi niya talaga sinandya Yun siguro lasing Lang siya at lasing rin ako,hindi ko naman Alam na mangyayari Yun kaya siguro siya umalis sa mansion,dahil nahihiya siya sakin.
Makalipas ng ilang minuto biglang bumukas Yung Pinto at iniluwa non si Ann,ang bilis naman niya pero nice ang Ganda ng outfit hahah.
"Boss may important meeting po ba kayo??"tanong niya habang naglalakad patungo sa direksiyon ko.Oo importante magkikita uli kami ni crush!!
Wait WTF whatt!!!He is not my crush!
"Oo kaya ikaw muna bahala dito Ah?"Sabi ko kaya tumango ito at yumuko sakin.
Tumayo ako at lumabas sa opisina ko habang ang mga Tao ko nagmamadali na,halos masiraan na siguro sila ng bait dahil masyadong abala lahat ng employee's ko dito,kaya ngayon Kung nakikita niyo sila matatawa ka nalang hahahah.
Habang nakakasalubong ko sila yumuyukod sila sakin,ako yata ang CEO.
(Paulit-ulit mo nalang ba ipagmamayabang na ikaw ang CEO!!)Sabi ng mind ko grabe may sariling mundo.
Hanggang sa makarating nako sa parking lot,dumiretso ako sa aking baby na si Ashley siya Ay isang Lamborghini veveno($4.5 million)
Ewan ko ba pero feeling ko magandang bigyan siya ng pangalan,lalo na kapag bored ako medyo nakakatulong sakin.
Pagasok ko agad kong pinaharurot Ito pero pag dating ko sa kalsada,dahan-dahan Lang naman Yung takbo Nito at sinadya ko Yun,baka kasi may mga Pulis mahuli pako.
Makalipas ang ilang minuto nagsimula nanaman Yung traffic,grabe nakalimutan ko nga palang pilipinas toh!! Sagana sa traffic!..
(Shuta talaga!!!)
...
Kylle's POV.
Hayyy Hindi ako makatulog Nakakainis talaga!!.tumayo ako at dumiretso muna sa CR para maghilamos,pagkatapos nagpunas ako at dumiretso sa bintana,gusto kong makita ang napakagandang sunset....
Knock,knock,knock,knock...
"Bukas Yan pasok!"sigaw ko habang nakatitig parin sa kalangitan.
"Hoy kylle!! Bakit kakagising molang atsaka Hindi kapa kumakain simula kaninang tanggalin ah!!!"sigaw ni ate Michelle grabe napaka-kj talaga Nito,kahit kailan walang magawa sa buhay at nang-aaning pa.
"Ate ano ba!!tigilan mo nga yang sigaw mo nakaka-urat!!!"sigaw ko sabay tingin sa kanya,at tinaasan niya Lang ako ng kilay eh drawing Lang naman haha.
"Hay naku napaka-arte mo kumain kana sa baba!!"sigaw niya sabay sara nung pinto,nagdulot ito ng napakalakas na tunog sa buong paligid.
"Hayy nakaalis na nga!"sigaw ko at lumabas ako papunta sa baba,nang makarating ako sa hagdan nakita ko si Ate nanonood ng TV at Sina Mama at Papa kasama niya sa panonood.
Bumaba ako at dumiretso sa kitchen,nakita ko si aling Melita isa sa mga maid dito sa mansion.
"Ate ano po ulam??"tanong ko sa kanya kaya bigla siyang tumingin sakin.
"Ahh marami po sir!,may kare-kare at Yung niluto ni ma'am na sinigang isama niyo na po Yung adobo at kaldereta"paliwanag Nito kaya halos mapanga-nga ako,wow ang sarap grabe lahat nang Yun favorite ko!!.
"Ate pagha-in mo naman ako"Sabi ko at tumango ito sabay yumukod sakin.
Kumuha ako ng Plato at kutsara't tinidor habang siya kinukuha ng kanin at ulam.
Nilagay niya Yun sa dining table,hindi nako nag-aksaya pa ng panahon at nilantakan ang pagkain.grabe ang sarap ng sinigang,adobo at kaldereta Basta si mama Magluto masarap.
Ellamaine's POV.
Makalipas ang halos isang oras at nakarating nako,grabe napakahaba nung traffic at ang tagal pa!!..
Huminto ako at nag-park sa may bandang gilid tutal wla namang naka-park na ibang sasakyan.
Lumabas ako at dumiretso sa gate nila medyo Malaki Yung mansion,pero para sakin Okay nato kesa sa mansion namin,boring kasi dun dahil wala akong kasama samantalang si kylle kasama niya Yung buong pamilya niya.
Dingdong,dingdong,dingdong!!!!
(Dingdong ang cute charrr)
Ilang saglit pa Ay bumukas Ito at iniluwa non Ay isang babaeng,medyo mga nasa 50's na rin siya pero maganda parin.
"Ahh Sino po sila?"tanong Nito at napatingin ako sa kanya.
"Ahh nandiyan po ba si kylle?"tanong ko.
"Ahh si Sir po nasa loob po siya kumakain pero Sino nga po kayo??!"sabi niya na ikinagulat ko.
"Ahh ako si ellamaine pwede bang pakitawag si kylle kahit saglit Lang!"Sabi ko at tumango ito at yumukod sakin.
"Wait Lang po tatawagin ko siya"Sabi nito at sinara Yung gate at pumasok uli sa loob.
Wla akong nagawa kundi maghintay dito sa labas,medyo mahigpit din kasi sa subdivision na Ito.bawal magpapasok ng Kung sino-sino.
Dito kami nakatira dati simula ng baby ako hanggang 5 years old dito nako lumaki.pero umalis kami simula nung mag-6 ako kaya siguro di nako kilala dito.
Tsaka simula nung mag-away si mama at tita Kyra di na sila nagkausap pa.si tita Kyra siya Yung Mama ni kylle at si Tito Charles naman Papa ni kylle.
Kylle's POV.
Habang kumakain pumasok si aling Melita may nagdoorbell kasi kaya tinignan niya Ito,huminto Ito sa Pinto at tinignan ako kaya bigla akong nagtaka.
"Sir kylle may naghahanap po sa inyo"Saad Nito kaya napatigil ako sa pagkain at uminom ng tubig.
"Anong pangalan??"tanong ko at inihinto ang pag-inom ko,p pagkatapos uminom ako uli.
"Ellamaine daw po"pagkasabi niya nun bigla akong nasamid kaya napa-ubo ako ng marahan na ikinagulat nina Mama.
"Teka lang!"Sabi ko at uminom ng tubig ,pagkatapos tumayo ako at nilagay Yung pinagkainan sa lababo.
Hayy bakit niya ako pinuntahan dito,siguro aawayin niya ako o kaya baka sigawan niya ako.hayyssst dapat pala diko sinabi Yung address ko kinakabahan tuloy ako.
Lumapit ako sa pinto upang tignan Kung siya talaga Yun,tama siya nga kita ko siyang dahil may malalaking Awang naman Yung gate namin,nakatayo siya at naghihintay sa labas.
"Ellamaine Hindi ba siya Yung kababata mo?!"biglang tanong ni papa kaya tumango ako na ikinagulat niya.
"Oh papasukin mo siya,grabe ilang taon na nakalipas ano na kayang itsura niya??"Sabi ni papa at excited pa habang si mama masama ang tingin sa kanya at sakin din.
Lumabas ako at dumiretso sa gate, binuksan ko Ito at nakita ko siyang nakatitig sakin at nakangiti.
Wait!!fuck di siya Galit sakin yess!!,Nawala Yung tinik sa puso ko dahil dun,pero kinakabahan parin ako ng konti kasi baka palabas Lang yun,pinagpapawisan na rin ako.
"A-anong g-ginagawa mo dito??"tanong ko pero bakit ako nauutal,grabe Yung kaba ko pero nawawala Yun kapag nasisilayan ko siyang nakangiti sakin.
"Psst tigilan mo nga Yan natatawa ako sayo eh hahaha"Sabi niya sabay Tawa kaya napangiti ako,hindi nga siya Galit sakin.
"Hindi ka Galit sakin?"tanong ko na ikinagulat niya.
"Ano ba nung una syempre,pero mas Okay na rin na ikaw nakafirst-kiss ko"Sabi niya na ikinagulat ko wait what!!! Okay lang sa kanya,hah!!grabe boyish Okay lang na mahalikan ng bestfriend niyang lalaki.
"Bakit naman Okay lang sayo"Sabi ko na ikinatawa niya.
"Kasi matino Kang bakla tsaka may tiwala naman ako sayo eh"Sabi niya kaya napatango nalang ako.
"Ano magiging statwa nako dito papapasukin mo ba ako o uuwi nako"Seryosong Sabi niya kaya binigyan ko siya ng daan,nakaharang kasi ako sa gate eh.
"Ayy sorry pasok na"Sabi ko kaya napangiti siya at pumasok.
Una akong pumasok sa mismong mansion at sumunod siya,pagpasok niya biglang tumayo si Papa at lumapit kay ellamaine pati narin si Ate lumapit samin.
Nakatalikod pa si ellamaine dahil siya Yung nagsara nung Pinto,pero pagharap niya bigla siyang napasinghap.
"Ellamaine ikaw na ba Yan grabe ang laki na ng pinagbago mo"nakangiting sabi ni papa kaya napangiti nalang din si ella,pero si mama masama ang tingin sa kanya.
"Naku salamat po tito kahit kayo po Malaki na ang pinagbago"Sabi nito sabay nagmano ito kay Papa.
"Hmm so ikaw na pala Yung anak ng kalaban"biglang Sabi ni Mama na ikinagulat ni papa,pero si ella bigla siyang yumuko.
"Ano ba Mahal umayos ka nga"saway sa kanya ni papa kaya tumahimik si mama.
"Ahh Pa akyat na po kami sa taas,mag-usap kasi kami eh at private Yun"pagkasabi ko nun bigla kong hinatak Yung Kamay niya at kinaladkad siya paalis sa harap nina Papa.
"Pero kausap ko pa Yung papa mo ano ba!! Masakit ka kaya manghila!!"siga niya pero diko siya pinansin hanggang sa maka-akyat na kami sa hagdan.
"Hayy hayaan mo na sila,dalian mo nga maglakad"sagot ko at tinignan siya.
"Eh masakit ka manghila eh parang Tanga kasi eh!!"Sabi niya sabay tabig ng kamay ko Ay mukhang nasaktan talaga siya.hayysst ano nanamang ginagawa mo self,tinignan ko siya at masama Yung tingin niya sakin.
"Alam mo bang masakit ka manghila,nakakainis ka kaya!"sigaw niya pero nagulat ako dahil nakatingin samin sina papa ngumiti pa Ito ng nakakaloko.
"Sorry na di na mauulit"Sabi ko kaya huminahon siya.
"Oh Tara na"Sabi niya sabay binigay niya sakin yung Kamay niya,teka akala ko ba masakit ako manghila.
"Diba ayaw mong hinihila kita kasi masakit,bakit mo binigay Yung Kamay mo"tanong ko sabay ngisi sa kanya.
"Hilain moko ulit,magpapahila ako kahit kailan mo gusto"Sabi niya sabay kindat sakin,fuck!! Kinikilig ako guyss ano ba wag mo kong hayaang mafall sayo ulit.
"Aba iba ata mood mo ngayon!"Sabi ko tapos hinila ko siya papasok sa kwarto ko,umupo siya sa Kama ko ata ako nakatayo sa harap niya at tinititigan kolang siya.
"So.....anong ginagawa mo dito?"tanong ko at napatingin siya sakin,umupo ako sa tabi niya at pinagmamasadan ko Lang siya.
"Well its been 3 days since i talk to you so...let's have fun together!!"Sabi niya sabay ngiti kaya ngumiti narin ako.
"Okayy saan tayo pupunta??"tanong ko.
" it depends on you"Sabi niya kaya nag-isip ako ng pwede naming puntahan,pero wala akong maisip eh.
"Mall tayo!!"suggest niya na ikinagulat ko,teka akala ko ba depende sa gusto ko bakit nag-susuggest ka diyan.
(Loko to Ah)
"Akala ko ba it depends on me bakit nag-susuggest ka diyan!!"pagtataray ko pero tinignan niya ako from head to toe.
"Charr Lang Yun,ano kaba naniniwala ka agad"Sabi niya pero tinarayan kolang siya.
"Okay fine,magpapalit Lang ako maghintay ka diyan"Sabi ko at tumango siya,kaya kumuha ako ng damit sa closet at pumasok sa CR para magpalit.
T-shirt at shorts Lang Yung suot ko kaya magpapalit ako ng blazer.
Ellamaine's POV.
Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa matapos na siya.lumabas siya at hinila nanaman ako palabas sa kwarto,at hinayaan ko nalang na hilain niya ako,di naman masakit eh.
Bumaba kami at nakita namin Sina Tito na nasa kusina kaya ngumiti ako sa kanila,ngumuti si Tito at Ate Michelle pero si tita tinignan ako ng masama,kaya iniwas ko Yung tingin ko.
"Oh kylle sa'n ang punta niyo??"tanong ni Tito Kay kylle,biglang napatingin sakin si kylle.
"Ahh magda-date kami Pa!"Sabi niya na ikinagulat ko kaya kinurot ko Yung tagiliran niya.
"Anong date ka diyan!"inis na Sabi ko at dahil dun napatawa sina Ate Michelle at Tito Charles.
"Ito naman di mabiro,charrr Lang Yun ahh pa diyan Lang po kami,malapit Lang"Sabi nito kaya tumango na si tito.
"Tara na!"Sabi niya kaya nagpahila ako sa kanya patungo sa kotse ko.pumasok siya sa driver seat at ako naman katabi niya.
"Uy ingatan mo Yung baby ko Ah!"Sabi ko at tumango nalang siya at nagsimula nang magmaneho.
..............
Makalipas ang halos isang oras nakarating na kami,medyo malayo Yung mall kaya tumagal Ito ng isang oras.
Matapos magpark ni kylle at lumabas ako kasama siya,pumasok kami sa mall at dumiretso sa isang Korean restaurant,favorite ko kasi yung mga pagkain dito,kaya dito namin naisipang kumain.
Dumating na Yung order namin,isang set Yun kaya medyo madami pero kaya naman naming ubusin lahat ng Yun,nagsimula na kaming kumain grabe Yung itsura ni kylle,gutom na gutom siya pero kakakain niya Lang kanina.
4:30pm
Hindi ko namalayan na 4:30 na Pala,hindi pa ako kumakain ng lunch kaya gutom na gutom nako.
"Grabe ang sarap ng pagkain nila,kakakain kolang kanina pero nagutom ako ulit"Sabi ni kylle...
Kylle's POV...
"Lagi ka namang gutom eh hahaha"Sabi niya na ikina-inis ko.luhh parang siya Hindi Ah grabe kakaiba ka talaga.
"Ahh pasensya ka na Kay mama ha,nabigla Lang siguro Yun"panghihingi ko ng paumanhin,nahihiya tuloy ako dahil sa sinabi ni mama,napa-sungit naman kasi nun Hindi naman kasalanan ni Ella Yung nangyari.
"Ayos Lang Yun,tsaka tanggap ko naman eh"Sabi niya sabay ngiti sakin kaya nginitian ko na rin siya,kahit nahihiya pako.
"Di kaba babalik sa bahay?"tanong niya na ikinagulat ko,gusto ko mang bumalik pero Hindi nako papayagan ni Mama,kung Kay Papa pwede pa pero Kay mama Hindi na.
"Ahh Hindi kasi ako sure eh"sagot ko at napatango nalang siya.
"Ahh okay ano??,tara balik na Tayo??"tanong niya.
"Uuwi na Tayo agad,akala koba have fun"Sabi ko sabay pout,napangiti nalang siya.
"Okayy,saan naman tayo pupunta??"tanong niya kaya napaisip ako ng malalim,hmmm Alam kona ililibre ko nalang siya ng gown!!hahah,Alam kong magagalit siya sakin pero try kong pagtripan siya ulit,tutal siya nagsabi ng have fun.
"Libre kita!?"Sabi ko na ikinagulat niya,kaya biglang tumaas Yung kilay niya.
"At ano namang ililibre mo sakin?"tanong niya pero umiling ako.
"Secret...!"sagot ko kaya tinarayan niya ako.hahah sigurado akong mag-aalboroto natoh mamaya haha samahan na natin ng takong para nahirapan siya ahah.
"Tara na!"Sabi ko kaya tumayo kaming dalawa at lumabas sa restaurant at dumiretso sa isang expensive clothing store.

Ang VERSACE one of the most expensive clothing brand,merong mga dresses and shoes,at yung may mga takong na babagay sa mga babae,at may panlalaki rin naman.
To be continued.....
Guys hanggang dito muna...
I hope Okay lang kayo guyss
Wag kayong lalabas ng bahay para safe okayy
God bless you all
Bye
Alyson...